Love
is sweeter the second time around. It may be true but it doesn’t guarantee to
long last. I thought, if I gave him
another chance, I will be happier this time but again I was wrong, and was
deeply wrong and deeply hurt again. Peste kasing puso to, hindi na natuto.
College days have never been so
easy. When I entered college, sobrang laking adjustments. Sa mga subjects
palang at schedule, ibang iba siya from highschool. Buti nalang, I have gained
new friends and we support each other.
Isa sa mga classmates ko nung
highschool ang nakaisip na gumawa ng text clan so that we still keep in touch. Binura
ko na ang number ni RR from my phonebook since we broke-up six months ago. Kaya
laking gulat ko ng magtext siya sa akin. Nakuha daw niya ang number ko from our
class president na siya ring nagpapakalat ng numbers namin para malaman ng iba pa
naming classmates.
“Hi, Mia. Kamusta ka na? Rr to.”
intro niya.
“Ok lang,” sagot ko. Wala na akong
nararamdamang sakit. Totally moved on na ako. Nakalimutan ko na ang mga ginawa
niya sa akin noon at masaya na ako ngayon. May mga nanliligaw pero tumanggi
muna ako. Gusto kong magfocus na sa studies ko. Target ko kasing maging dean’s
lister.
“Sorry talaga sa mga nagawa ko
noon. Sobrang nagsisisi na ako sa mga nangyari noon. Sana mapatawad mo ako,”
reply niya ulit.
“Wala na sa akin yon. Masaya na ako
ngayon. Sana ikaw din,” sabi ko sa kanya. This is what I really feel.
Nagkumustuhan lang kami and then
eventually naging regular textmates. Friends na ulit kami. It is really true
that time heals all wounds dahil ngayon wala na akong makapang galit o sakit
towards him.
One fine Sunday, niyaya niya akong
magsimba. Pumayag naman ako. Magkaibigan naman na kami so it’s no big deal.
I just didn’t expect na pagkatapos
naming magsimba ay magtatapat siya sa akin.
“Mia, gusto kong malaman mo na
mahal pa rin kita. Nagkamali ako non. Akala ko magiging masaya ako kay Sheryl
pero hindi rin kami nagtagal eh. Hindi ko na pala siya mahal at siya naman
mahal pa din daw niya si Jeff,” tukoy nito sa lalaking mahal ni Sheryl before
him.
“Pero R, we’re better off as
friends. Baka masayang na naman ang friendship natin. Tsaka ayoko na ulit
masaktan. Okay na ako na magkaibigan tayo.” Sabi ko sa kanya.
Pero hindi siya nakinig. Kinulit pa
rin niya ako ng kinulit. Pinipilit pa rin niya akong makipagbalikan sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang balikan pa o hindi na kaya humingi ako ng
payo sa mga kaibigan ko at ang sabi ng isa sa kanila, hindi ko daw malalaman
kung hindi ko susubukan.
So I tried. Nagpaligaw ako sa kanya
at matiyaga naman siyang nanligaw. After three months, sinagot ko na siya. Wala
namang masama kung bibigyan ko siya ng isa pang pagkakataon hindi ba? Everybody
deserves a second chance.
Naging kami ulit and tulad noon,
naging masaya kami. Every weekends lang kami nagkikita since pareho kaming busy
sa kanya kanya naming school. Muli kong naramdaman ang maging masaya sa piling
niya and I fall in love again with the same man.
Four months na naging maganda ang
takbo ng relasyon namin.
Then I heard some rumors na yung
dati naming schoolmate eh girlfriend daw niya. Nagkataon pa na yung girl, we
had a common friend. Siya ang nagsabi sa akin na sila daw talaga ni Rr. Textmates
daw sila. Ayokong maniwala. Tinanong ko rin si Rr about dito at hindi daw totoo
iyon. Ang ipinagtataka ko lang sa kanya, kapag magkasama kami, hindi ko
mahawakan ang cellphone niya, samantalang siya laging tinitignan ang cellphone
ko, pati yung numbers ng mga dati kong manliligaw eh binura niya. Pero siya,
galit na galit kapag inaagaw ko ang cellphone niya. Dahil mahal ko siya kaya lubos
akong may tiwala sa kanya and I never doubted on his act.
Semi-reunion ng klase namin. Sabi
niya, pupunta daw siya at magkita kami nalang daw kami sa sakayan para sabay na
kaming pumunta sa bahay ng classmate namin.
Mahigit isang oras akong naghintay
pero walang dumating kahit anino ni Rr. I texted him, no response. Sinubukan ko
ring tawagan pero naka-off ang cellphone niya. Ang ending, mag-isa akong
pumunta sa party. Nagalit ako sa kanya
that day. Kasi pakiramdam ko, napahiya ako sa mga dati naming kaklase. Masaya
ko kasing binalita sa kanila na kami na ulit ni Rr pero parang hindi sila
naniniwala kasi hindi ko siya kasamang pumunta doon.
Sa sobrang sama ng loob ko sa kanya,
hindi ko na nirereplyan ang mga text niya o sinasagot ang mga tawag niya. Sorry
siya ng sorry. Nagka emergency lang daw at kung ano ano pang dahilan.
Mahigit isang linggo kong hindi
sinasagot ang text o tawag niya and after one week, I tried to call him, pero
out of coverage area na ang number niya.
Gustong gusto ko na siyang puntahan
sa bahay nila pero pinigilan ko ang sarili ko.
Until one day, nabasag na naman ang
puso ko dahil sa nakita ko!
Kasama ko ang classmate ko non sa mall, bibili
sana kami ng mga materials para sa group project namin nang hindi sinasadyang
makasalubong ko si Rr kasama ang rumored girlfriend nito. Bitbit niya ang
bagbag nung girl at magkaholding hands pa sila. Hindi ko alam ang gagawin ko, imbes
na lumapit sa kanya, sampalin o komprontahin, tumakbo ako sa Cr, nanginginig
ang mga tuhod at nag-iiyak nalang ako. Wala na akong pakialam sa mga taong
nakakita sa akin. I was deeply shocked and hurt. My friend confronted him at
inamin niyang girlfriend niya nga ang kasama at two months na silang mag-on.
Sh*t! Two-timer pala ang walanghiya! Umiyak lang ako ng umiyak non. Hindi ako
umuwi that day. Sa bahay ako ng friend ko tumuloy at don ako umiyak ng umiyak.
Nagpakatanga na naman ako the
second time around. Muli ko na namang isinugal ang puso ko sa isang walang
kakuwenta kuwentang tao. Dapat pala, hindi ko nalang siya ulit binigyan ng
chance na lokohin at saktan ako.
It took me two years para
makarecover. Dalawang beses akong nasaktan ng iisang tao lang. Marami ang
lumapit pero parang natrauma na talaga ako sa love. Humiling ako kay Papa God na
sana pag naka move on na ulit ako, bigyan Niya ako ng isang taong mamahalin ako
kung gaano ko rin siya kamahal. Yung tipong hindi ako lolokohin.
I didn’t pray for a very perfect
guy. Basta yung mahal lang ako, sapat na sa akin iyon.
After two years of healing a broken
heart, Arvin came along. Kami pa rin ngayon at kagaya ng hiniling ko kay God, I
am very sure na mahal na mahal niya ako. For almost five years of being
together, never pa siyang nagloko at lagi niyang pinararamdaman sa akin na
mahal na mahal niya talaga ako.
Ang huling balita ko kay Rr, may
asawa na daw ito pero hindi yung schoolmate namin. At may tatlo na rin siyang
anak. Hindi daw siya nakatapos ng college kasi nga nag-asawa na siya.
We texted last year nung birthday
ko. He greeted me at konting kumustahan. Masaya kong ibinalita sa kanya na
nakatapos ako ng college, may maganda ng trabaho at mabait na boyfriend. Sinabi
ko rin sa kanya na four years na kami (that time). And he said that he’s happy for me.
Somehow, nagpapasalamat rin ako kay
Rr dahil kung hindi niya ako sinaktan at niloko, hindi ko makikilala si Arvin
which is really better than him. In all aspects as you could imagine. Hindi rin
ako matututong maging matibay, tumayo ulit sa pagkakadapa at muling matuto sa
pagkakamali. This time, I am much mature and smarter. Thanks to him at siyempre
lalo na kay Papa God na walang sawang gumagabay at nagmamahal sa akin.
Thanks for reading!
No comments:
Post a Comment