“And
I am so excited for the camping!” tili ni Chesca.
“Kaharap
mo lang kami, teh! Huwag kang tumili!” sita dito ng bestfriend at classmate
niyang si Tessa.
Nasa
school cafeteria sila having their lunch.
“Ang
arte, porke’t kasama lang si Richard eh!” dagdag pa ni Mia na kaklase rin nila.
“Pero
masaya lang talaga ako mga sisterette! Dahil ang radian leader ng section natin
ay si Richard!” Tukoy niya sa kanyang crush. Third year college na ito at sila naman
ay first year college with the same course. They met on freshmen’s night dahil
isa ito sa mga event organizers ng program na iyon.
As
for their NSTP, ito ang nakatalagang magbabantay sa kanila during their 2 day
camping para sa kanilang subject na Scouting since si Richard ay member din ng
Org na nagfafacilitate ng camping for Scouting students.
“Alam namin,” duet ng dalawa niyang ever
supportive friends.
“Kayo
naman. Be happy nalang for me!”
“Watever!”
----------------------------------------
Makiling,Laguna Camp site
“Good
morning campers! Welcome to Makiling! Group Maalab, dito sa area na ito kayo
magtatayo ng mga tents niyo,” instruction ni Richard sa section na hawak niya.
“Huy,Chesca!
Kilos na!” siniko siya ni Mia. Hindi pa rin kasi ito tumitinag sa kinatatayuan
niya bagkus ay nakatitig lamang ito kay Richard na abala sa pagtulong sa ibang
grupo na nagsisimula ng magtayo ng tent.
“Ang
ganda kasi ng view, ina-appreciate ko lang…” masaya pa rin itong nakatitig kay
Richard.
“Kuya
Richard, kailangan namin ng tulong! Yung isa naming kagrupo, imbalido!” sigaw
ni Tessa.
“Tessa!”
sita ni Chesca sa kaibigan. Dun lang siya natauhan ng sumigaw ang bwisit niyang
bestfriend.
Agad
namang lumapit si Richard sa kanila, “May problema ba girls?” tanong nito sa kanilang
tatlo.
“Hi-hindi
kuya.. Wa-wala kaming problema. Papansin lang tong si Tessa, hindi kasi
tumutulong sa pagtatayo ng tent,” sagot ni Chesca dito at tumalikod na siya
para kunwari ay abala na sa ginagawa.
“I
think, there is really a problem here…”
mahinang sabi ni Richard ngunit sapat ito para marinig ni Chesca.
“What?”
muli siyang lumingon sa kanyang crush. Ang sarap talagang titigan ng maamo
nitong mukha.
“You
can use the bathroom over there,” turo nito sa gawing kaliwa ng camp site.
And
she got it! Oh my!
Awkward…..
Of
all people, bakit si Richard pa ang kailangang makakita na kanyang red stain.
Yeah, she had her heavy day today
pero hindi niya narealize na natagusan na pala siya! Ang masaklap pa nito si
Richard pa ang unang nakapansin nun.
Tanga!tanga!tanga! tangi niyang nasabi sa sarili.
She
get her bag, pinantakip iyon sa kanyang behind at tumakbo na papunta sa C.R.
What
a very wonderful first day! For her camping and for her period.
------------------------------------
Day 2
Their
day 1 in Makiling has been very fun yet so tiring. Dahilan para hindi siya
magising ng maaga. Tessa and Mia were already on the arena for the morning
exercise pero eto siya’t nakacurl up parin sa ilalim ng kanyang kumot.
Sinubukan siyang gisingin ng mga kaibigan ngunit ayaw talaga niyang bumangon.
Until
she realized that the love of her life is calling her name, “Chesca, wake-up!
Magsisimula na ang morning exercise,” imporma nito sa kanya.
“Ha?
Si-sige po kuya, susunod na ako,” inaayos niya ang magulo pang buhok habang
kausap ito.
“Okay
ka lang ba? If you’re not feeling well because of your period you can stay
here,” concern nitong advice sa kanya.
Hiyang
hiya naman siya.
So
she fixed her hair fast at lumabas na ng tent.
“I’m
fine. Aatend po ako ng morning exercise,” sagot niya rito.
Patakbo
na siya going to arena ngunit tinawag siya ni Richard, “Chesca, dumaan ka muna
ng C.R. and wash your face first,” advice ulit nito sa kanya.
She
touched her face and she also realized what he is talking about this time.
Awkward strike two plus one!….
“Damn!
Bwisit na laway at muta ‘to!” nasabi na lang ulit niya sa kaniyang sarili and
she went straightly to the bathroom.
Nawala
na sa isip niya ang mag toothbrush at maghilamos dahil sa mukha ng lalaking
nagsilbi niyang alarm clock ng umagang iyon.
Another
great thing to start her morning here at Makiling camp site..
---------------------------------------
It’s
been a month after their camping. At salamat sa experience na iyon dahil eto
siya ngayon at parang timang na kapag nakikita si Richard sa iba’t ibang parte
ng kanilang eskwelahan eh how she wish lumubog na siya sa lupa.
“Balik
tayo ng library!” yaya niya sa dalawang kaibigan. Nakikita na naman niya sa
perimeter si Richard at anytime ay pwede nila itong makasalubong unless he will
turn left o sila ang umatras.
“Para kang aning! Si Richard lang yan, hindi yan si Dean
Ramos!” natatawang asar ni Mia sa paranoid na kaibigan.
“Oo
nga! Dati, gustong gusto mo siyang makita at minsan tayo pa ang naghahanap sa
kanya kung nasaang lupalop man siya tapos ngayon para kang adik na nagtatago
dahil may malaki kang utang sa bumbay!” gatong pa ni Tessa.
“Kayo
kaya makita ng mga crush niyo na may tagos, panis na laway at muta, hindi ba
kayo maiilang?! Sobrang awkward kaya nun!” she pouted her lips.
“Ano
naman?! Tao lang tayo! We’re not perfect!” sagot sa kanya ni Tessa.
“Isa
pa, kung mahal ka talaga ng isang tao, tanggap ka niya kung sino at ano ka.
Rememeber, it’s not the attraction that matters most but it’s the affection
that lasts…” Mia seconded.
“Bahala
kayo. See you later. Balik lang ako library,” iniwan na niya ang mga kaibigan
at tumakbo na nga ito pabalik ng library.
----------------------------------------
Tessa and Mia has a point, lahat naman
talaga tayo may weaknesses pero nakakainis lang yung feeling na makikita iyon
ng lalaking gusto mo at a wrong time and place… kausap ni Chesca ang sarili.
She
gets her pen and notebook…
Dear Richard,
Of all moments na pwede nating
pagsaluhan bakit puro awkward lahat? Grrr… I hate this thought na natatawa ka
dahil sa naging itsura ko.
Gusto ko ng magtransfer sa ibang
school at magkagusto nalang sa ibang guy! Waah!!.
But promise, crush pa rin kita.
Namimiss ko na ngang titigan ka at maging stalker mo kaya lang nahihiya na
talaga akong humarap sa’yo..
Hays.. Ano bang gagawin ko? Isang taon
pa bago ka grumadweyt, pwede bang ngayon na?
“Nandito
lang pala ang maganda kong stalker…”
“Ay
stalker!” tili ni Chesca dahil sa pagkagulat. Nakatuon ang buo niyang atensiyon
sa isinusulat kaya’t hindi niya namalayan na may tumabi na pala sa kanyang
isang guwapong nilalang na sa kabutihang palad ay ang ultimate crush niya na si
Richard. Malamang ay nabasa rin nito ang isinusulat niya. Agad niyang sinara
ang note book.
“Sshhhh!...”
sita ng librarian sa kanya.
“Sorry….”
Lip synch niya kay Ms. Cruz.
Natawa
na naman ang lalaking nasa tabi niya.
Awkward strike four!
Lagi
na nga lang ba siyang mapapahiya sa harap ng lalaking ito? What if she stops
liking this man? Mawala na rin kaya ang awkwardness na nararamdaman niya every
time he’s near?
“I
have to go, una na ko, may klase pa ko,.” Paalam niya dito. Siguro naman this
time, wala siyang muta at panis na laway sa mukha and specially, the next day
pa siya dadalawin ng bwisita niya.
“Can
we talk first?”
“May
klase pa nga ako,”
“Mabilis
lang,”
“Next
time nalang,”
“Two
minutes. Just two minutes please,” paki-usap ni Richard sa kanya. Hindi naman
bato ang puso niya kaya’t muli siyang umupo.
“Ano
yon?”
“Bakit
mo ko iniiwasan?”
“Hindi
naman kita iniiwasan. Busy lang ako kasi finals na,”
“I
doubt,”
“Bahala
ka,”
“Tessa
and Mia told me,”
“What?”
pinanlakihan niya ito ng mata. Dahilan para muli itong matawa sa kanya.
“Ang
cute mo talaga,”
“Stop
teasing me, anong sabi nila sa’yo?” tanong niya rito.
“Awkward
daw when I’m near you,”
She
couldn’t lie anymore. Hindi naman sinungaling ang mga kaibigan niya. Matabil
lang.
“Kasi
nakakatawa ako,”
“Who
told you? Hindi naman kita pinagtatawanan ah,”
“Kagagawa
mo lang kanina ng sitahin ako ni Old lady,” tukoy nito sa librarian nila.
“What
I mean is, hindi dahil sa itsura mo or anything. I’m laughing because I find
you cute and more than that masaya ako pag nakikita kita.”
“So
masaya ka na pinagtatawanan ako?” tinaasan niya pa ito ng kilay.
“Nope.
Masaya ako when you’re around. So stop feeling awkward towards me kasi gusto
kong mapalapit sa’yo. I want to know you more,” sincere nitong saad sa kausap.
“Mas
hindi ko nage-gets… Can you go straight to the point? I simply don’t get it.
Bakit gusto mong mapalapit sa akin?” She needs assurance. Ayaw niyang
mag-assume.
“I
like you,” he finally declared.
Now
she got it. How she wished na hindi siya nito nagustuhan dahil sa mga nangyari
sa camping.
“Doon kayo sa labas ng library magligawan!” sita sa kanila
ni Ms. Cruz.
They
went out of that library laughing together.….
End
No comments:
Post a Comment