Saturday, October 5, 2013

Awkward Story #4: Third Party (Jenna and Franc)




Awkward….

Ito ang kasalukuyang nararamdaman ni Jenna.
Paano ba naman kasi literal na naglalandian sa harapan niya ang love birds na
sina Franc at Melissa.
Officemates niya ang mga ito at nasa iisang department lang silang tatlo.

Why does she have to feel awkward nga ba?

The reasons:
She likes Franc.
Franc is currently courting her.

Yes! Franc is courting her even though may girlfriend na ito at iyon nga ay si Melissa.

I promise,Jen… Hihiwalayan ko na siya as soon as possible. Ikaw naman talaga ang gusto ko eh,..Pinagselos lang talaga kita noon ng ligawan ko si Mel..
Naalala niya pang sabi sa kanya ni Franc last week.
Why do you have to do that?! You’re using other people para pasakitan ako?
Sumbat naman niya rito. But he can’t just blame him. Late na rin kasi ng marealize niya na mahal din pala niya ito. Yun nga lang ay nung hawak na ito ng ibang babae. Lagi na siyang nagseselos at namimiss na niya ang dati nilang pagsasama ng kaibigan.
It’s not like that. I just thought na kapag ibinaling ko na sa iba ang nararamdaman ko, makakalimutan na kita. But I was wrong dahil all this time, ikaw pa rin ang mahal ko…Believe me, Jen.. Ikaw pa rin talaga..
Paliwanag nito sa kanya.

Hindi niya magawang magresign kahit pa na laging awkwardness ang nararamdaman niya sa tuwing nagkakasama sila ni Franc sa office plus Melissa.
She needs this job at masaya pa rin siya dahil araw-araw niyang kasama si Franc.
Kaya eto araw-araw niyang tinitiis ang sakit ng dibdib.
“Tigilan niyo na ‘yan,. Nilalanggam na kayo…” birong sita niya sa mga ito.
“Oyy, naiinggit si Ms. Single,” asar naman sa kanya ni Melissa.
Huh! Kung alam mo lang,…
“Hindi na ko single, soon…” makahulugan naman niyang sagot dito.
“So it means, mag kakaboyfie ka na?”
“Depende,”
“Depende saan?”
“Depende sa guy kung kelan niya balak kumalas…”
“Ha?”hindi magets ni Melissa ang ibig niyang sabihin.
“Ahmm, Mel, punta tayong mall later ha!” pag-iiba ni Franc sa usapan.
“Okay, sure!”
--------------------------------------------

As expected she got an email from Franc.
Huwag mo akong paunahan. Let me talk to her. Message nito kay Jenna.
So? Nagtatanong siya, sinasagot ko lang.. Reply naman niya.
My point is, don’t give her a hint. Message nito ulit.
Okay , she ended their conversation.
-------------------------------------------
After two months of waiting, she finally made a decision and that is to let go of Franc. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito hinihiwalayan si Melissa katulad ng pangako nito sa kanya and she’s now doubting kung mahal nga ba talaga siya ng lalaking ito o ginagawa lamang siyang reserba.

Jenna started to entertain other suitors. And she met Allan, one of her church mates sa isang Christian Fellowship na member siya.
Mabait ito, gentleman, may maganda ring trabaho katulad niya at guwapo rin naman. She gave him a chance para ligawan siya at sa pagdaan ng panahon napatunayan niyang gusto talaga siya ni Allan at malinis ang intensiyon nito sa kanya.



“What?! Sinagot mo na si Allan?” exage na tanong ni Franc sa kanya.
Nasa kick out party sila ng kanilang kumpanya at ikinuwento niya rito ang pagsagot niya kay Allan nun lamang next week.
“So?” no effort niyang balik tanong sa kausap.
“Pero, paano tayo?” tanong ulit ni Franc.
“Excuse me, walang tayo!” paglilinaw niya.
“I mean, I thought you can wait at di ba ako ang mahal mo?” tinungga nito ang isang bote ng beer, baka sakaling kumalma siya mula sa impormasyong nalaman.
“Hello! I’ve waited for so long! Hindi pa ba sapat ang four months Franc?! Hanggang ngayon, wala ka pa ring buto para kalasan si Mel tapos sisisihin mo ko, and by the way, my feelings has changed. Hindi na kita mahal.” She finally declared.
“I don’t believe you,”  well he hopes na sana nga ay nagsisinungaling si Jenna sa kanya.
“And I don’t care…Oh speaking. Andito na pala ang boyfriend ko,”
Allan and Jenna kissed in front of Franc and it feels awkward for Franc.

Pinakilala ni Jenna ang bagong dating na si Allan kay Franc, “Babe, this is Franc and Franc this is Allan, my boyfriend.”
“Nice meeting you, pare!” bati ni Allan kay Franc.
“Same here,” balik naman ni Franc dito.
It’s awkward to see your love kissing others. Pero ano nga bang magagawa mo kung wala ka namang karapatan?

Bakit nga ba hindi magawang hiwalayan ni Franc si Melissa kagaya ng pangako nito kay Jenna?

Two months ago when Franc and Melissa having a very serious conversation….
“Mel, I want to tell you something….”intro ni Franc.
“No let me say some words first,..” agaw ni Melissa.
“Ha?”
“I also want to tell you something and I have to say it first,” she cleared what she means.
“Okay fine, ano yun?””
“I’m pregnant,” Melissa announced.
“What? I thought you’re using…”
“I stopped. Dahil gusto kong magkaanak tayo. For you to have no reasons para hiwalayan ako. Hindi ako tanga, Franc. I know what’s going on between you and Jenna… Shit that awkwardness I always feel kapag nahuhuli ko kayong nagkakatitinginan…” rebelasyon nito sa kanya.
“I’m sorry Mel. ..”tangi niyang nasabi.
“I’m sorry too coz I won’t let you go that easy..”
“Pero, Mel. Siya ang mahal..”
“To hell with your love! Ipapalaglag ko ang bata sa oras na iwanan mo ako,”
Melissa surely knows Franc has a conscience.
 --------------------------------------
RIGHT after manganak ni Melissa ay magpapakasal na sila ni Franc.

And it’s really awkward to see your love marrying others.
Kung bakit naman kasi pumunta punta pa ako dito eh! Tanging nasabi na lang ni Jenna sa sarili. Ang sakit lang sa loob na saksihan ang kasal ng lalaking mahal niya.
I should not feel this way anymore! Hindi ko na siya mahal! Jenna reminded herself. Pero anong magagawa niya, ito talaga ang nararamdaman niya.
She can’t stop her tears from falling.
The worst, no matter how much she denies it, si Franc pa rin ang kaisa isang lalaking mahal niya.
That’s why she broke up with Allan few weeks ago. Ayaw na niyang manloko ng ibang tao pati na rin ng sarili niya.

As Melissa reached down the aisle,
“I’m sorry,Mel.. I can’t do this…” pahayag ni Franc. He suddenly changed his mind. Actually, ilang libong beses na niyang pinag-isipan ito. And finally, at the end of this aisle, his heart wins.
“Please, Franc. Ituloy natin ‘to. Maawa ka sa akin, sa amin ng anak mo,..” paki-usap ni Melissa dito.
“Susuportahan ko pa rin ang anak natin but I just can’t do this. Alam mong isang babae lang ang bukod tangi kong mahal at gusto kong pakasalan…”paliwanag niya kay Melissa.
“Huwag mo naman akong ipahiya sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko…” Melissa’s already crying.
“Sorry talaga, Mel. Sana hindi na tayo umabot pa sa ganito…”
“Hindi mo na makikita ang bata kapag hindi mo ko pinakasalan,” banta sa kanya ni Melissa.
“I already thought of that. Alam ko namang yan pa rin ang gagamitin mong sandata panlaban sa akin. Nagbukas na ako ng bank account for our son and I have my lawyer…”
“But Franc, I love you! Huwag mong gawin sa akin ‘to!” hysterical na si Melissa.
Nagkakagulo na rin sa loob ng simbahan.

What’s happening? Maang na tanong ni Jenna sa sarili. She couldn’t hear what the couple is talking about. Bigla na lang umiyak si Melissa after nilang mag-usap ni Franc.

Awkwardness suddenly strikes for the last time…

Nang lumapit sa kanya si Franc at masaya siyang nginitian...
Lahat ng tao sa loob ng simbahang iyon ay sa kanila na nakatingin. Gusto na niyang manliit sa hiya.
Bakit ginagawa ni Franc ang lahat ng ito? Ano bang nangyayari?
“What’s going on, Franc?” naguguluhan niyang tanong sa lalaking kaharap.

“I finally had the guts para ipaglaban ka, maybe it’s on a wrong timing and place but would you runaway with me?”

Of course she would say yes, and they runaway together out of that church….

Siyempre pangarap niya ring maikasal sa simbahan, pero hindi sa set-up ng ibang pares na ikakasal. And most especially, pinakapangarap niya ang makasal sa lalaking ito na kasabay niyang tumatakbo ngayon palabas ng simbahan.

The runaway groom and the runaway third party. Haha!

End.


No comments:

Post a Comment