“Paano
mapapaamin ng isang kakaibang weekend trip ang mga pusong may matagal ng
itinatago?”
Jane
thought na totally moved on na siya with
Miguel kaya nga’t no big deal na sa kanya ang pagsama sa weekend getaway na ito
sampu ng kanilang mga kabarkada. Pero
dahil sa mga hindi nila malilimutang pangyayari sa kabundukang iyon, she knew
she was wrong! All this time, naniniwala siya sa kabaliktaran ng isinisigaw ng
puso niya…
All rights reserved 2013
All rights reserved 2013
Chapter 1- The Trip
“Are
we still on earth?”manghang tanong ko sa mga kasama ko. Kanina pa kami
naglalakad magmula sa bayan. Nandito kami ngayon sa paanan ng isang bundok sa
Tarlac. Pag mamay-ari ito nila Richard. Classmate ko siya nung highschool. Ewan
ko ba kung anong pumasok sa utak nito at ito ang napiling trip para sa reunion
namin. Yes, reunion nga. Out of 38 students, siyam lang ang sumama. Dami namin
noh? Actually kami kami talaga yung magbabarkada noon. Labing dalawa kami, due
to some reasons, hindi nakasama yung tatlo. Una si Ken, boyfriend ko. Chef kasi
siya sa isang hotel kaya kahit holy week at Araw ng Kagitingan sa Monday, tuloy
ang kayod. Para na rin daw pandagdag sa
savings namin for our future. Napaka futurisitic na tao, and luckily I am
included in all his plans in life. Yung
dalawa, si Martin at Ruth, ayun nasa ibang bansa na, nagpapayaman ng bonggang
bongga.
“ Yes we are, dear!” sagot ni Richard sa
tanong ko, “At nandito tayo ngayon sa kaharian ko. Sa mundo ng aking mga
ninuno.”
“Wow ha! Super
proud of your legacy? Ikaw na!” sabat ni Liza. Best friend ko siya since
elementary. Sabi nga nila kambal daw kami ng tadhana. Pero sa totoo lang we’re
really different in many ways. Sa aming dalawa, ako daw ang malandi kasi may
boyfriend ako at siya wala. Take note, since birth! Paano ba naman kasi, napaka
picky. Gusto yatang boyfriend yung ilusyon. Yung walang kapintasan. Hay nako. Good
luck talaga sa kanya. Ito ngang si Junie, sobrang tiyaga manligaw. Imagine, two
years na silang nagliligawan pero hanggang ngayon nganga pa rin. Bilib din ako
sa taong ito, ang tiyaga tiyaga at ang bait bait. Sabi ni Liza, gusto daw niya
maputi kasi nga morena na siya pati pa boyfriend niya maitim, edi uling na yung
magiging anak nila. Kakaiba rin mag-isip tong kaibigan ko noh. Gusto daw niya
ng maputi pero hindi naman binabasted si Junie. Sabi niya may pag-asa daw
mabago ang isip niya na ayaw niya sa maiitim because of Junie’s kindness.
Buti na nga lang
hindi pa umiinom ng Methatione si Junie para lang pumuti. Napakasimple pa rin
tulad ng dati. Walang pabango at gel. Akala mo hindi sumasahod ng above
minimum.
Ako, si Liza,
Junie, Richard, Mary, Marlon, Vangie, Wendel at Miguel ang kamalas malasang
nakasama sa outing na ito. After seven years, ngayon lang ulit kami nagkasama
sama. Salamat sa facebook at na reunite kami. Kapag may mga gimik o di kaya
birthday ng sinuman sa amin, konti lang ang nakakapunta. Madalas pa nga hindi
natutuloy ang mga lakad namin, paano ba
naman ang daming KJ (kill joy) eh. In fairness, ngayon lang kami lumampas sa
apat! Totoo. Kami lang lagi nila Ken, Liza at Junie ang lumalabas lately.
Double date, sabi nga nila.
“Humanda na
kayo. Malayo pa ang lalakarin natin. Aakyat pa tayo ng bundok.” Nanguna na si
Richard sa paglalakad. “ Mainit na mamaya kung magtatagal pa tayo dito.” Dagdag
pa nito.
“Rich, wala
bang masasakyan?, Kanina pa kaya tayo naglalakad mula sa bayan,
ah!”reklamo ni Vangie. Nursing grad pero tambay sa ngayon. Tinatamad pa daw
siya magreview. Sus, dahilan niya lang yun! Sa totoo lang, dalawang beses na
siyang bumagsak. Boyfriend niya si Martin. Yung classmate din namin na nasa Dubai .
“Oo nga, uwi
nalang kaya tayo? O di kaya swimming nalang tayo. May nadaanan tayong resort
kanina. Dun nalang tayo Rich.” Gatong ni Wendel sa sinabi ni Vangie. IT grad
naman tong si Wendel. Ganun din, kasalukuyang tambay. Ang bumubuhay sa kanya
ngayon, yung girlfriend niyang buntis. Tibay niya noh? Asensado si kuya!
“ Vangie, wala
naman kasing dadaanan ang sasakyan dito. Nakita mo naman di ba. Kahit nga chopper, mahihirapan. At ikaw naman
Wendel, sige mag swimming ka mag isa! Tara na
guys. Huwag ng mag inarte! Hindi bagay sa inyo!” sermon ni Richard sa amin. Si
Richard naman college undergraduate pero pinaka asensado sa amin sa ngayon.
Sales executive siya sa isang Logistic company. Sabi nga niya, pag-aari daw ng
angkan nila yung lugar na pupuntahan namin. 100 hectares daw yun . Tatlong
bundok. Sa unang bundok, doon daw nakatira ang lolo niya. Puno daw iyon ng
iba’t ibang pananim. Mga prutas at gulay. Yung pangalawa at pangatlong bundok,
under develop pa rin. Hinahayaan lang daw ng pamilya niya na ganun. Ang
mahalaga, walang nakakapasok doon at hindi nasisira.
“ Rich, gaano pa
ba kalayo? Ang layo na kaya ng nilakad natin.” Si Mary. Ang pinaka maliit sa
grupo pero siyang pinaka madaldal.Private tutor ito at asawa na niya si Marlon.
Si Marlon naman highschool teacher dun sa dati naming iskwelahan. Napamahal na
siya dun, dami nilang memories ni Mary dun eh! Sabay silang grumadweyt ng
college at nag board. Awa ng Diyos parehong nakapasa. Inspired eh. After makuha ang license, nagpasiya na silang
magpakasal sa civil. At ang mga nakapunta nung kasal nila, si Richard at Miguel
lang. Speaking of Miguel. Crush ko yan! Nung highschool. Actually, muntik ng
maging kami. He tried to court me, yun nga lang… Ah basta! Ayoko ng isipin yung
nakaraan. Ang importante yung ngayon. Natupad niya ang pangarap niyang maging
engineer. Licensed civil engineer na siya ngayon. Ako naman, HR specialist sa
isang manpower agency. Mag i engineer din sana
ako kaya lang.. Ah basta ulit. Past is past. Forget yesterday and move on.
Seven years ko ng motto sa buhay yan. Tsaka masaya naman ako sa love life ko
ngayon. Ken is very kind. Pasaway nga lang minsan. But at the end of the day,
alam ko na mahal na mahal niya ako. At ganun din ako sa kanya. Si Miguel kaya?
May love life na? Kapag tinitignan ko ang profile niya single pa din ang
nakalagay, eh.
“Hoy Jane! Baka matunaw na ako niyan!” shet! Nakatitig na pala ako kay
Miguel kanina pa.
“Ha? Ah eh, Sana nga matunaw ka na
lang para hindi ka na namin kasama!” bawi ko nalang. Defense mechanism ika nga.
“ Yabang. Parang aalukin ka lang ng tubig,
natulala ka na. Baka mainlove ka na sa akin niyan!,” pang-aasar niya sa akin.
“Asa ka naman!
Hindi na. Saya saya ng love life ko, sisirain mo pa. Sa’yo na yang tubig mo!”
sagot ko sa kanya.” Inunahan ko na siya sa paglalakad at sumabay nalang ako kay
Liza. Kung bakit naman kasi siya ang nasa harapan ko habang naglalakad kami.
Ayoko na ngang
maalala yung nakaraan eh. Bata pa ko nun. Talaga yatang mahirap kalimutan ang
first love. Hanudaw?! First love na kung first love! Hindi naman first
boyfriend eh! Wag ka na mag emote Jane. Tapos na yun. Hindi ka na teenager.
“Ano, may
feelings pa rin ba? Ha?” untag sa akin ni Liza sabay kalawit sa braso ko. Ang
siste, may taga buhat ng bag. Na kay Junie. Kawawang Junie, from bank teller to
kargador.
“Jusme,
bru!(bruha for short) utang na loob. Tagal na nun.” Sagot ko sa kanya. Pero sa
totoo lang, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Iimaginin ko pa sana ulit ang nakaraan
kaso biglang huminto si Richard sa paglalakad.
“Guys, aakyat na tayo. Andun ang bahay ni
lolo. Sa gitna ng bundok,” tinuro nito ang bundok na aakyatin namin. Tatlo nga
yung bundok. Dito sa paanan ng unang bundok, may mangilan ngilan pang mga
bahay. Sabi ni Richard, pagdating doon sa pangalawa at pangatlong bundok na pag
mamay-ari nila, wala ng nakatira.
“Sure ka Rich?, Aakyatin natin yan?!,”reklamo
ni Mary,”ang yaman yaman niyo,hindi man lang kayo bumili ng kahit anong uri ng
sasakyan. O di kaya sana
man lang nagpagawa nalang kayo ng patag na daan”
“Wala ng maarte. Akyat na.” sinundan na ni
Miguel si Richard sa paglalakad. Sumunod si Wendel, Vangie, Ako, Liza, at
Junie.
“May choice pa ba ko?”si Mary ulit.
“Meron Hon, mag
stay ka dito. Hintayin mo nalang kami
bumaba sa Monday.” Sagot ni Marlon sa asawa. Tawanan ang barkada. Ito namang si
Mary, napikon sa asawa. Ayun nanguna sa paglalakad.
“Tse! Ikaw, maiwan ka diyan.” Nauna na itong
maglakad sa asawa. Sumunod siya sa likod ni Richard, “Rich, wait lang. Sabay
tayo.”
Yung kaninang
maluwag na daan sa baba, panipis na ng panipis. Hanggang sa pan isahang tao
nalang ang daan. Patarik na din ng patarik. Nakakapagod na talaga! Sobra!
Parang gusto ko nalang umuwi. Magdadalawang oras na kaming naglalakad. Pag
tinatanong namin si Richard kung malapit na, oo lang siya ng oo, pero hindi pa
din kami nakakarating sa bahay ng lolo niya. Nakakahingal kaya. Lalo pa’t hindi
naman kami mga professional mountaineers. Mga panggap lang kumbaga.
“Ayun na yung
bahay ni lolo.” Turo ni Richard sa nag iisang bahay dun sa bundok. malapit ito
sa bangin. Tanaw na nga namin ang bahay ng lolo niya.
“Teka lang, pahinga muna tayo.” Sabi ko sa
kanila habang humihingal. Huminto kami saglit at pinagmasdan ang paligid. Ang
daming puno, iba ibang tanim. Si Marlon, hindi na nakapagpigil, pumitas ng
mangga at pinapak. Pati si Wendel, inakyat yung puno ng duhat.
“Oh,
aratilis.”sabay abot ni Miguel ng limang
aratilitis sa kamay ko. “Kainin mo na baka kainin pa ng iba yan.” Kinain ko naman.
“Salamat.”simpleng tugon ko sa kanya. Ang
tatamis! Para akong bumalik sa pagkabata. Doon kasi sa kabilang kalye mula sa dati naming bahay,
lagi naming inaakyat ng mga kalaro ko yung puno ng aratilis.
“Welcome. Tara na Rich, akyat na tayo. Di lang tayo nagpahinga,
busog pa. “ natatawa nitong sabi at inakay na si Rich paakyat.
“Oo nga, Tara na! “ Pati si Liza nauna na rin sa paglalakad.
“Kita mo tong babaeng to. Palibhasa walang
dala eh. Pasalamat ka mahal kita,” si Junie. Magkakasunod na nga kaming
umakyat. Nanguna si Liza sa animo’y pila na ginawa namin. Sunod si Rich,
Miguel, Mary, Marlon, Vangie, Wendel, ako at si Junie ang huli. “Hoy Liza, baka
iligaw mo pa kami.Akala mo alam mo yung daan ha.” Sigaw ni Junie sa
nililigawan.
“Ugok! Andito naman si Rich noh. Syempre
ituturo niya yung daan. Ikaw bilisan mo diyan ang bagal mo!”sigaw din nito sa
manliligaw.
“Pasensya na ha!
Dala ko kasi yung buong bahay mo.”si Junie,.Natatawa nalang ang grupo sa
sagutan ng dalawa.
“Nagrereklamo
ka? Pwedeng sumuko!” huminto si Liza sa pag akyat at humarap sa amin. “Sagutin
mo na kasi!” natatawang sabat ni Wendel sa sigawan ng dalawa.
“Oo nga. Dalawang taon na oh. Sagutin mo
na!”si Mary sumabat na din.
“ Ang bait bait ni Junie, ayaw pang sagutin!”
ginatungan pa ni Marlon ang asawa.
“Edi sagutin niyo! Kayo nakaisip eh!” tumuloy
na ulit si Liza sa pag akyat. Tinignan ko si Junie, natatawa nalang na naiiling
ito.
“Halika na Junie, konting tiyaga pa. ” alo ko sa kanya.
“Kulang pa ba ang dalawang taon, Jane. Ilang
taon pa ba ang gusto niya? Pwede naman niyang sabihin kung oo o hindi lang eh.
Hindi na ako aasa pa. “paniniyak ni Junie. Naging seryoso na ito.
“Shunga! Konting tiyaga nalang nasa bahay na
tayo ng lolo ni Rich. Dami mong alam. Echusero ka!”iniba ko nalang ang usapan.
Baka mag emote nanaman tong si Junie sa akin na palagi niyang ginagawa sa text.
Palibhase bestfriend ko si Liza kaya sa akin lagi ito humihingi ng tulong o
payo.
“ Ah ganun ba?
Hehe. Sorry naman. Nanliligaw lang.” tumawa na ulit si Junie.
“Jane, bilisan niyo ni Junie.!,” sigaw ni
Miguel sa amin. Oo nga medyo malayo na kami sa grupo.
“Eto na po.”sagot ko. Binilisan ko na nga ang
pag akyat kahit na hinihingal na naman ako.
“Jane oh tubig.”
Sabay abot ni Junie ng tubig niya sa akin.
“Ha? May sarili
akong dala. Aanhin ko yan?”takang tanong ko sa kanya at ipinakita ko pa ang
tumbler na hawak ko.
“Di ba nanghihingi ka. Sabi mo pa nga, “Jun,
pengeng tubig.” Hala ka! Di naman ako humingi
sa kanya! May dala kaya akong tubig. Ewan ko kung nantitrip lang tong si
Junie, pero effective eh. Matatakutin kaya ako. Kaya yun, lumayo na ko kay
Junie. Patakbong nilampasan ko si Wendel, Vangie, Mary at Marlon.
“Miguel, wait lang!” Nagtatakang napatigil ito
sa paglalakad.
“Bakit? Anong meron?”
“Wala naman.
Pasabay lang.” Syempre di ko pwedeng sabihin na natatakot ako. Aasarin na naman
nila ako eh. Tinitigan ako ni Miguel. Nailang ako kaya nagbaba ako ng tingin.
Baka mapansin niya na natatakot ako.
“Junie!.” Sigaw niya kay Junie, “Tinakot mo
‘to noh?”turo niya sa akin. Mukhang nahalata niya. Alam niya talaga pag
natatakot ako. Noon kasi nung nag camping kami nung high school, nagkwentuhan
kami ng nakakatakot. Pinagtawanan pa nga nila ako non sa reaksiyon ko. Para daw akong bangkay sa putla. Hindi tuloy ako
nakatulog ng maayos. “Hindi ako nananakot pre. Totoo yun,” sagot nito kay Miguel.
“Tumigil ka na
nga. Tara na! Mukhang malapit na tayo.. Rich,
yun na ba yun?” Sabat ko. Mauuwi na naman sa asaran to pag hindi ko iniba ang
usapan.Tanaw na tanaw na namin ang bahay
nila Rich. Maliit lang siya. Sa bandang itaas pa ay may napansin pa kaming
isang kubo.
“ Oo. Yan na
yun. Pero doon tayo mag iistay sa isa pang kubo.” Sagot ni Rich sa tanong ko.
Chapter 2- The House
Sinalubong kami
ng isang binatilyong lalaki. Malamang hindi siya ang lolo ni Rich.
“Si lolo?”tanong ni Rich sa binatilyo.
“Wala siya kuya.
Bumaba ng bundok. Pumunta ng Dagupan. Kina Lolo Asur.” Sagot ng binatilyo.
Siguro mga sixteen lang siya.
“Siya nga pala
si Pao pao, pinsan ko. Kasa kasama ni Lolo dito sa bundok.” Pakilala ni Rich sa
pinsan. “Bakit parang paalis ka din? Bababa ka rin ba?” tanong ulit ni Rich sa
pinsan.
“Oo kuya,
pinapasunod ako ni Lolo sa Dagupan eh. Pina harvest sa akin yung mangga, kape,
kamote at gabi. At dalhin ko daw sa Dagupan. Sa Lunes na kami babalik. Piyesta
kasi doon sa Linggo. Una na po ako sa inyo.” At umalis na nga ito.
“Gosh! Tayo lang
ang nandito?” si Vangie. “Hala ka! Walang signal! Tatawag pa man din si Martin
mamaya.”
“Wala ding kuryente dito Rich? Dinala ko pa
‘tong laptop ko. Wala rin palang kwenta.” Dagdag na tanong ni Wendel.
“Obvious ba?”
sagot ni Rich. “Malamang wala talagang kuryente at signal dito. May nakita ba
kayong kable o cell site. Wala di ba. Tatanda niyo na, wala pa ding common
sense.” Tawanan ang lahat. Napakalakas talaga mambara nitong si Rich. “Pasok
tayo sa loob.”
Sa una, hindi mo
aakalain na magkakasya kaming siyam sa loob ng bahay nila Rich dahil maliit
lamang ito. Pero laking gulat ko ng makapasok kami sa loob, biglang lumawak!
“Rich, bakit parang ang laki dito sa loob?”
takang tanong ni Mary.
“Hala ka! Ang laki sa loob,”si Liza. Sila rin
pala nagulat,hindi lang ako.
“Hindi ko rin alam. Ngayon lang kasi ulit ako
nakapunta dito.”sagot ni Rich.
“Kakaiba yung
structure. Wala pa kong nakitang ganito. Ang dami ko ng bahay na nadesign pero
ito talaga yung pinaka kakaiba.”si Miguel. Bigla ko na naman naalala ang
nakaraan. Nag papagalingan kami noon ni Miguel na magdrowing ng bahay. Stop!
Stop reminiscing Jane! Para mabura sa isipan ko
ang nakaraan, tinignan ko nalang ang kabuuan ng bahay. Maluwang na sala ang
bumungad sa amin. May isang mahabang upuan at dalawang maliit na gawa sa kahoy.
Parang ginawa lang. Hindi dumaan sa makina. Halata sa mga lampas lampas nitong
edges. May maliit na mesa sa gitna. Pabilog ito na parang galing sa
pinagputulan ng puno na nilagyan ng tatlong paa upang tumaas. May isang kuwarto
na naka lock. At sa tabi non ay ang dining room. Isang mesang pabilog na gawa
rin sa kahoy, surrounded by 10 wooden chairs. Oh di ba? Ang laki talaga. Pumunta
ako sa kusina. May lutuan. Syempre walang gasul, puro kahoy panggatong ang nasa
ilalim ng kalan.
“Ang galing Rich, Sino kayang Engineer ang
nagdesign ng bahay na ‘to. Imagine, ang liit tignan sa labas pero sa loob ang
laki laki.”manghang tanong ko kay Rich.
”Malamang hindi
si Miguel ang nagdesign dito.”sabay kindat nito sa akin. Irap naman ang tinugon
ko. “Siguro si lolo lang lahat gumawa nito.” Ito siguro ang pinagkaabalahan
niya simula ng mamatay si Lola. ” Batid sa mukha ni Rich ang kalungkutan. “Sabi
ni Mama, umaasa pa rin daw si Lolo na babalik si Lola kaya ayaw niyang umalis
dito kahit anong pilit ang gawin namin.”
“Ang weird,” Si Liza.
“Oo nga, ”
dagdag ni Vangie.
Kinilabutan ako
sa huling sinabi ni Rich. Paano kung nandito na ang lola ni Rich? Paano kung
pinagmamasdan na pala niya kami. Paano kung?
“May namumutla na naman!” singit ni Miguel.
Nakatitig na naman ito sa akin, malamang nahalata na naman niyang natatakot
ako. Kung bakit naman kasi napakalawak ng imaginations ko! Lahat na lang ng
bagay na di naman kailangang isipin, naiisip ko pa. “Tse! Tigilan mo ko Miguel.
Hindi ako natatakot. Nagtataka lang ako sa kwento ni Rich. Paanong babalik?
Kelan? Saan? Paano?” sagot ko.
“Ah , hindi ka
nga natatakot.” Nakangiting sabi nito sa akin. Ganon ba talaga ako ka
transparent at nahahalata ni Miguel ang mga nararamdaman ko? Siguro naman hindi
siya Psyco at pati mga iniisip ko nababasa niya.
“Engineer ako at hindi Phsyco. Obvious ka
naman kasing takot ka kaya wag ka ng magtaka kung bakit ko napapansin.” Anak ng
tinapay! Alam din niya kung ano naiisip ko.
“Miguel, halika dito.” Hinila ko siya palabas
ng kubo este mansiyon.
“Halikan daw oh. Anu yan, muling ibalik?
Hahaha!”pang aasar ni Wendel sa amin. “Oy….” Halos chorus na sabi ng iba.
“Tse! Wala si
Ken, kaya magluto na kayo ng kakainin natin.” I reminded myself na may
boyfriend na ako. Kasi kung hindi malamang kikiligin din ako.
“Utang na loob naman Miguel! Pwede bang paki
zipper yang bibig mo. Ikaw na! Ikaw na unang nakakapansin pag natatakot ako.
Pero sana naman
huwag mo ng i-broadcast. Kasi dalawa lang ang pwedeng mangyari eh. Una,
tatakutin lang nila ko lalo, pangalawa, aasarin na naman nila ako.” Yun kaagad
ang birada ko sa kanya pagdating namin sa veranda ng bahay.
“Parang hindi ko napansin to kanina. May upuan
pala dito sa labas.” Ang ganda ng sagot niya noh. Sobrang lapit sa mga sinabi
ko. Kunsabagay, may katotohanan ang sinabi niya. Hindi ko rin napansin tong
veranda pagpasok namin kanina. Weird talaga. Anyway hindi naman yon ang issue
ko kaya ko siya hinila palabas.
“Anu ba?! “sigaw
ko sa kanya. “Hindi ka nakikinig? Ang sabi ko..”
“Wag i-broadcast
pag natatakot ka.” Agaw ni Miguel sa sasabihin ko. “Ikaw naman kasi
napakamatatakutin mo, parang yun lang nanginginig ka na. Di ka na
nagbago.” Malamang sa malamang naalala
pa rin niya yung nangyari dati sa camping. Kunsabagay siya pa nga ang nag
comfort sa akin noon at pinatigil na sila sa pananakot sa akin.
“Eh ganito na talaga ako simula pagkabata.”
Pagdadahilan ko. At five years old, binigyan na ko ng parents ko ng sariling
kuwarto and every night I had nightmares. They have no choice but to give me a companion.
And it is my cousin, Jenny. Halos sabay na kaming lumaki. Mag ka share sa lahat
ng bagay. Pareho din kaming matatakutin, kaya we always preferred not to be
alone.
“Huwag ka ng matakot. Andito naman ako eh.
Hindi kita pababayaan habang nandito tayo sa bundok. Pangako yan.” His brown
eyes gave me an assurance na tutuparin niya ang pangako niya.
“Talaga?”paninigurado
ko, “Huwag mo na rin sana akong tatakutin gaya nila.”
“Kelan ba kita tinakot?”tanong balik niya sa
akin. Oo nga noh, kahit kailan naman hindi niya ako tinakot. May naalala ako!
“Dati, tinakot mo ko. Sabi mo, hindi ka na
mag-aaral kasi binasted kita.” Shocks! Pinaalala ko na naman ang nakaraan. Siya
naman ang nagtanong eh. Sinagot ko lang. “Iba naman yun eh! Mga bata pa tayo
nun. Immature. Iba na ngayon.” Sagot niya sa akin. Yeah right, immature.
Biglang lumakas
ang hangin sa likod ko, parang may mabilis na dumaan. Yung mga maninipis kong
balahibo sa likod nagsitayuan lahat. Sobrang lumamig yung buong paligid. Sa
takot ko, napayakap ako kay Miguel. “Migz, pasok na tayo sa loob.”yaya ko sa
kanya.
“Nanginginig ka
na naman. Parang lumakas lang yung hangin eh.” Alo niya sa akin.
“ Kung hangin lang talaga yon, bakit naman
magsisitayuan ang mga balahibo ko? Parang may taong dumaan, Migz,” nakayakap pa
rin ako sa kanya.
“Huwag ka ng matakot. Halika, pasok na tayo sa
loob.” Iginiya na niya ako papasok ng bahay.
“Oh ang tagal
niyo naman nawala! Tapos na kaming kumain lahat. Lumabas si Wendel kanina para
yayain kayo, wala naman kayo.” Bungad ni Liza sa amin ni Miguel.
“ Kayo ha! Kung
saan saan kayo nagpupupunta. Madami kayang engkanto dito.Buti hindi kayo
naligaw.” Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi ni Richard o tinatakot lang
niya ako.
“Bakit namumutla
ka Jane, saan ba kayo galing?” nag aalalang tanong ni Junie sa akin. “Hoy, bez!
San mo dinala tong si Jane?” tanong ni Vangie kay Miguel. Nagkatinginan kami ni
Miguel. Nagtataka. Ganun ba sila kabilis kumain? O nantitrip lang yata tong mga
to eh. Wala pa ngang limang minuto mula ng lumabas kami. Matagal na kaagad.
Ganun ba kabilis ang oras dito sa loob ng bahay?
“Teka! Teka!”
sagot ko sa kanila. “Andiyan lang kaya kami sa labas ng pinto. Sa may veranda.
Hindi kami lumayo. Tsaka wala pa ngang limang minuto kaming nag-usap. Kaya ako
namutla kasi humangin ng malakas sa likuran ko.”
“Anong veranda?” si Mary,“Wala namang veranda
diyan ah.”
“Oo nga! Tsaka
limang minuto ka diyan? Limang oras kaya kayong nawala! Tignan mo nga mag
dadapit hapon na,” dagdag ni Marlon sa sinabi ng asawa. Muli na naman kaming
nagkatinginan ni Miguel. Lumabas siya upang tignan kung wala ngang veranda.
Wala nga! Tinignan niya na ako na waring sinasabing “Wag kang mag-alala.”
“ Actually,
naglakad lakad talaga kami ni Jane. Nagkwentuhan. To catch things up. Hindi
namin namalayan ang oras.” Nagtataka ako sa sinabi niya. Lalo tuloy akong
naguluhan.
“ Tagal naman ng kwentuhan niyo. Hindi man
lang kayo ginutom?” takang tanong ni Wendel.
“Dami kayang
bunga sa labas! Di ba Jane?” baling sa akin ni Miguel. Hindi ko siya sinagot.
Dumerecho ako sa kusina. Nanghihinang napaupo sa mesa at uminom ng tubig.
Lumapit si Miguel at pinisil ang mga balikat ko.
“Mas magugulo
lang pag pinagpilitan natin na hindi talaga tayo nawala. Hayaan nalang natin,”
Umupo na rin ito sa mesa, kumuha ng plato, binigyan niya rin ako at kumain na
kami.
“Wow may nag di date!” pang aasar ni Liza.
“Tseh!” bara ko sa kanya. “Kain ulit guys!” yaya ko
sa kanila. Pero sa totoo lang wala talaga akong gana kumain. Sa dami ng
nangyari para talagang gusto ko ng umuwi sa amin. 22 years na akong nabubuhay
sa mundo, pero ngayon lang nangyari ‘to sa akin. Sa amin.
“Pilitin mong kumain. Huwag mo ng isipin yun.”
Basag ni Miguel sa pananahimik ko. “Migz, ano bang nangyayari? Natatakot na
talaga ako. Baba na kaya tayo?” paki usap ko sa kanya. Ayoko na talagang mag
stay dito.
“ Everything
will be alright, nangako ako sa’yo di ba. Hindi kita pababayaan hanggang sa
makababa tayo ng safe. Di na tayo pwedeng bumaba ngayon. Maggagabi na oh. Tsaka
baka sabihin nila ang KJ natin.” Mahina niyang sagot sa akin.
“Pero
Migz…”tutol ko.
“Shhhh…” akong bahala sa’yo. Magtiwala ka lang
sa akin.” hinawakan niya ang kamay ko. It feels so comforting. Pakiramdam ko,
safe na safe ako sa mga kamay niya.
“Hoy! Ano yan? Bakit may holding hands?” usisa
ni Mary. Nakalapit na pala siya sa amin
ni Miguel ng hindi namin namamalayan.
“May lamok!” sabay hampas ni Miguel sa kamay
ko.
“Aray! Sira ulo ka!” balik hampas ko sa kanya.
“Oy, mag nag
momoment na naman dito,”pang aasar ni Mary sa amin.
“Moment ka diyan? Moment of angers kamo!”sagot
ko. Defensive noh. Hehe.
“Asus! The more you hate, the more you love!”
pasigaw na sabat ni Rich. Kasalukuyan silang naglalaro ng baraha. Ang
makasaysayang 123 pass. Inagaw ni Mary ang baso ko. “Painom ha!,”
“Nasa’yo na eh.
May magagawa pa ba ko?”sagot ko sa kanya.
“Nga pala, dahil wala kayo kanina, kayo
magluluto ng hapunan ha. Ginisang gulay tsaka isda.” Sabi ni Mary na ang
tinutukoy ay kaming dalawa ni Miguel. Patay! Di ako marunong magluto.
“Hala ka! Di ako marunong. Migz, pano yan?”
tanong ko kay Miguel.
“Tulungan mo
nalang ako maghiwa. Ako na mag titimpla.” Sagot niya sa akin. Very effortless,
kala mo napakagaling magluto. Ken ,ikaw ba yan?
“Marunong
ka?”tanong ko ulit.
“Oo naman. Dalawa lang kami ng kapatid ko sa
bahay kaya naghahati kami sa mga gawaing bahay.” Niligpit na niya ang
pinagkainan namin at dinala sa lababo upang hugasan. Oo nga pala. Ulila na
silang magkapatid, first year highschool palang kami nun ng mamatay sa sunog
ang mga magulang niya.Swerteng nakaligtas sila magkapatid. Isa yon sa mga
dahilan kung kaya’t pinangarap niyang maging engineer. Para
makagawa ng bahay na ligtas sa sunog.
“Tulungan na
kita.” Sinundan ko siya papunta sa kusina.
“Huwag na.
Simulan mo nalang gayatin yung kalabasa, okra at talong.” Ang sweet! Kausap
niya ako habang nakatalikod siya. “ Malamang hindi ka marunong magtanggal ng
hasang ng isda?” kausap pa rin niya ako ng nakatalikod.
“Marunong noh.
Tinuruan ako ni Ken. Siya nga lang ang nagpiprito kasi takot ako sa mantika,”
Actually binalak ko talagang mag-aral magluto kaso sabi ni Ken siya na lang daw
ang magluluto para sa amin. Basta ako daw ang taga hiwa o taga prepare ng mga
lulutuin at maghuhugas ng plato. Wala namang problema sa akin yon. At least
nakatulong ako. Hindi na ulit nagsalita si Miguel hanggang sa matapos niya ang
paghuhugas ng pinagkainan namin. Umupo ako sa maliit na working table sa tapat
ng lutuan. Ako ang bumasag sa pananahimik niya,
“Migz, may
problema ba?”
“Wala naman.
Tulungan na kita diyan,” Lumapit na siya sa akin. Umupo sa tabi ko at naghiwa
rin ng mga lulutuin.
“ Thank you,” simpleng
tugon ko sa kanya pero maraming ibig sabihin yon.
“ Sus, parang
ito lang nag ti thank you ka na. Pag si Ken ba, hindi ka niya tinutulungan
maghiwa o magtanggal ng hasang?” tanong niya sa akin.
“Uhmmm, madalas
ako lang talaga. Teka, hindi lang naman para dito kaya ko nag ti thank you eh . Thank you kasi nag
promise ka na hindi mo ko pababayaan habang nandito tayo sa bundok. Tsaka thank
you din kasi hindi mo ko tinatakot.” Esplika ko sa kanya. “Wala yon. Mag
kaibigan tayo eh kaya natural lang na po protektahan kita.” Yeah right,
magkaibigan kami. Teka! May inaasahan pa ba kong iba? Hala ka! May feelings pa
rin ba ko sa kanya? Pitong taon na ang lumipas, Anu ba yan! “Basta thank you.” Nakangiti ako sa
kanya na parang ganun din ang ngiti ng puso ko.
“Guys, akyat na tayo sa kubo. Aayusin pa natin
yung tutulugan natin.” Tumayo na si Rich at tinigil na ang paglalaro ng baraha.
“Jane, Migz,
kayo ng bahala sa hapunan ha. Akyat muna kami para ayusin ang kubo. Andiyan
yung gasera sa taas ng tukador sakaling dumilim na.”
“Okay sige.” Halos duet naming tugon ni
Miguel.
“Wendel, pakidala nung isang gasera. Junie,
Marlon, Vangie, yung mga unan at kumot, paki dala na rin.” Si Richard. Mga
ilang metro din ang layo ng kubo mula sa bahay ng lolo ni Rich. Nasa bandang
itaas ito. Dalawa nalang kami ni Miguel sa bahay. Sana naman wala ng mangyaring kababalaghan.
Pilit ko na lang kinakalimutan yung nangyari kanina.
“ Wala ng ulo yung galunggong,” Si Miguel na
siyang kinagulat ko.
“Ay tinapay!”
Natawa pa ang bwisit na ‘to sa reaksiyon ko.
“Anu ka ba naman, ang lalim na naman ng iniisip
mo. Huwag mo ng isipin yon.”
Chapter 3- The Dare
Magdidilim na ng matapos namin ni Miguel ang pagluluto. Nakasindi na rin ang
gasera. Bumalik na rin sila sa bahay. Ang lakas makaamoy ng mga kaibigan namin.
Timing na timing ang pagbaba nila mula sa kubo. Nakahain na rin sa mesa ang mga
puting plato. Pati mga baso at kubyertos. Galing namin ni Miguel noh? Sa loob ng mahigit isang oras, natapos naming
lahat. Hehe. Yabang ko.
“Wow, kainan
na!” nauna na si Wendel sa pag upo sa mesa.
“Ay, gulay,”
Nakabusangot na bungad ni Liza sa akin. Hindi kasi to kumakain ng gulay.
“Choosy ka pa teh?” bara ko sa kanya. “Holy week ngayon kaya bawal ang karne.”
Itinaon naming holy week ang pag-akyat para mahaba haba ang araw na magkakasama
kami. Tapos holiday pa rin sa Monday dahil Araw ng Kagitingan kaya limang araw
ang bakasyon naming mga nagtatrabaho. Except kina Wendel at Vangie na wala
naman talagang pasok kahit working days pa.
“Kain na kayo.”
Yaya ni Miguel kina Mary,Marlon, Junie at Vangie na nakaupo sa sala. Tumayo na
ang mga ito at lumapit na rin sa hapag kainan.
“Kayo, Migz at Jane, di pa ba kayo
kakain?”tanong ni Rich sa amin.
“Sige lang. Past
four na kami kumaen kanina di ba? Kaya medyo busog pa kami.” Sagot ko.
“Oo busog pa
kami. Magdadala nalang kami sa kubo ng pagkain mamaya pag-akyat nating
lahat.”dagdag pa ni Miguel sa sinagot ko
kay Rich. Hindi natigil ang kulitan at tawanan sa hapag kainan. Ganito
talaga kami magkakaibigan, pag nagkakasama sama. Ang gulo gulo talaga pero
masaya. Yung pakiramdam na this is where I belong! Hindi mo aakalain na halos
lahat kami ay graduate na. Para pa din kasi
kaming mga bata o highschool kung magkulitan.
“Oh ang mahuli,maghuhugas ng pinggan.” Tumayo
na si Richard at dinala ang pinagkainan sa lababo . Sumunod si Vangie at Liza.
Si Marlon na ang nagdala ng pinagkainan nila ni Mary. Natawa kaming lahat ng nagtinginan
at nagpaunahang makaubos ng pagkain sila Wendel at Junie. Masuwerte si Junie,
naunahan siyang tumayo ni Wendel. In short, si Junie ang maghuhugas ng mga
plato.
Tumayo na rin
ito at dumerecho sa kusina.
“Bilisan mo maghugas ng plato ha. Aakyat na
tayo sa kubo.” Si Richard ulit.
“Shot?” ang
tinutukoy ni Wendel ay kung mag- iinuman daw ba kami.
“Okay lang.”sagot
ni Liza.
“Walang yelo.”sagot ko.
“Okay lang yan.
Jackass naman eh! Orange Gin ang binili ko kanina sa bayan. Carry na to. “
nilabas ni Wendel ang tatlong bote ng Gin at limang pakete ng orange sa kanyang
bag. “ Bukas na yung dalawa,” suhestiyon nito.
Limang bote pala ang binili nito. Pagdating
talaga sa alak, walang mabigat na dalahin para dito.
“Pass ako diyan
ha. Alam niyo naman isang shot lang niyan, boljak na ko.” Mahina talagang
uminom si Mary. At pag nalasing ito, lagot na! Kung madaldal siya pag normal.
Lalo na pag lasing.
“Tamaaa..” si Marlon “Walang hindi sasabihin
yan.”
Natatawa nalang
kami.
“Hoy Junie, bilisan mo diyan!”sita ni Liza. “Anong
petsa na, bakla ka talaga!” Tawanan na naman ang grupo.
“Jilisan mo bru. Jalandi kang Juding ka.”
Nagbakla baklaan pa talaga si Wendel.
“Tseh! Mga baklush kayo!” sagot ni Junie na
animoy bakla rin.
“Ayyy… Uhhhmmm..”si Richard. Ang kukulit
talaga ng mga to. Parang mga highschool pa rin kami na araw araw nagkikita sa
school at nagkukulitan.
Nang matapos si
Junie maghugas ng plato. Naghanda na ang grupo sa pag akyat. Ang dilim na ng
paligid, Puro itim ang makikita mo. Naunang umakyat si Richard dala ang gasera.
Isang hilera lang kami paakyat. Kasunod niya si Wendel na may dalang alak at
pulutan. Sumunod si Vangie dala ang baso at kutsara. Si Mary at Marlon dala
naman ang isang gallon ng tubig. Si Liza at si Junie. Si Miguel dala ang
pagkain panghapunan namin at ako ang nasa huli. Kinuha ko pa kasi ang ilan sa
mga gamit ko. Nilagay ko sa maliit na bag lahat ng valuables ko.
Pera,cellphone, camera, ipod at rosary. Yung mga damit namin, iniwan namin sa
bahay ng Lolo ni Richard.
“Teka lang,” sabi ko sa kanila. Mga excited
naman kasi umakyat. Inom na inom na yata. Ako na nga yung pinakamatatakutin, ako
pa yung nasa huli. Hanubayan…. Napapiksi ako ng kinuha ni Miguel ang kamay ko.
“Sa daan ka lang
tumingin, huwag kung saan saan para wala kang ibang makita.” Matic talaga to si
Miguel. Sinunod ko nalang ang utos niya. Nakatingin lang ako sa nilalakaran ko.
Although tempted akong lumingon hindi ko ginawa. Mahirap na baka may makita nga
ako. Nakakahingal umakyat. Medyo malayo
rin pala yung kubo mula sa bahay ni Lolo. Simple lang yung kubo. May isang
kuwarto sa itaas at malawak na sala. Walang mga gamit kundi yung mga unan,
kumot at sapin na dinala nila kanina.
“ Yung mga girls
sa loob ng kwarto matutulog. Tapos kaming mga boys dito sa labas.” Deklarasyon
ni Richard.
“Okay.” Halos
sabay sabay naming sagot sa kanya.
“Shot na!
Timplahin ko na to ha.” Tinimpla na nga ni Wendel ang dalang alak. Sa sala kami pumwesto lahat na nakabilog.
Sinenyasan ako ni Miguel na tumabi sa kanya. Sumunod naman ako. Pagka upo ko sa
sahig na kawayan.. “Oyyyy…..”pang-aasar ni Wendel.
“Bakit hindi
natin…..” “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig…” Buwisit tong mga to.. Talagang
kinantahan pa kami. Tama bang mag soundtrip at kami ang tema.
“Buti nalang wala si Ken..Hahaha!”singit ni
Liza.
“Kasalanan niya
yun. Hindi siya sumama eh.”sagot ni Richard.
“Huy, tama na
nga kayo.” Sita ko sa kanila.
“Nga pala Vangie, Kelan uuwi si Martin? Sayang
di siya nakasama sa atin ngayon.”pag iiba ng usapan ni Junie. Hay salamat, iba
na ang topic at hindi na kami ni Miguel. Si Wendel ang naging tanggero namin.
Nung ako na ang papainumin niya, hinarang ni Miguel. “Pass muna siya pre. Hindi
pa naghahapunan yan.”
“Wow ha! Boyfriend?” tanong nito kay Miguel.
“Uyyyyy…..” Nag chorus na naman ang barkada.
“Oo, boyfriend niya ako. Dito nga lang sa
bundok. Pagbaba kanya kanya na ulit. Di
ba Jane,” Sabay kindat sa akin.
“Tseh! Dami
niyong alam. Akin na yan. Iinumin ko
yan!” sabay hablot ko sa baso. Iinumin ko na
sana
kaso inagaw ni Miguel sabay tungga.
“Oh
Wendel.”inabot niya ang walang lamang baso dito.
“Adik ka!” singhal ko sa kanya.
“Pasaway ka naman!”singhal niya rin sa akin.
“Uyyyy…LQ…” nag chorus na naman sila.
Nanahimik nalang ako. Hahaba lang ang usapan eh.
“ Gusto mo bang sumakit ang tiyan mo?”halos
pabulong niyang sabi sa akin. Alam niya kasing mataas ang acidity ko. Kahit
nung highschool pa kami, uminom lang ako ng softdrinks, mamimilipit na ang
tiyan ko,lalo na pag walang laman.
“Oo
na..”nakanguso kong sagot sa kanya.
Kantahan at
kwentuhan naming magkakaiibigan ang umingay sa buong kabundukan. Medyo tipsy na
yung iba. Lalo na si Liza. Naging sobrang daldal na nito katulad ni Mary. “Spin
the bottle tayo!” yaya ni Wendel.
“Game!” chorus na sagot nila Mary,Vangie at
Liza. Naku ka! Patay na. Mukhang may binabalak tong mga to. Parang ayoko sumali
kaso baka sabihin nila KJ ako. Ungkat the History na naman to malamang. Inikot
na ni Wendel ang bote ng gin. Buwena Mano, si Liza. Sigawan ang lahat.
“Ahemm..
ahemm…”pauna ni Wendel, “Liza, kelan mo balak sagutin si Junie. Kung! Sasagutin
mo nga ba siya?”
“Truth kaagad? Di ba pwedeng mamili muna kung truth or
consequence?” reklamo ni Liza.
“Ganito nalang,
truth lahat kapag hindi sumagot tsaka may consequence. Deal?”singit ni Richard.
“Sige na!
Sasagutin ko na yang tanong mo, Wendel,” Pauna ni Liza sa magiging sagot niya.
“Hindi.”
“Ano? Hindi? Dalawang
taon ka ng nililigawan, tapos hindi mo sasagutin. Nasaan ang konsensiya mo
Liza, nasaan?! “emote ni Vangie.
“Pwede bang
patapusin mo muna ako magsalita? Ha?” birada ni
Liza. “Hindi.. Hindi ko alam kung kelan ang tamang panahon para
diyan.”bigla itong nagseryoso. “Sa totoo lang guys, may hinihintay ako kay
Junie na ayaw niya pang ilabas. Hangga’t hindi niya naipapakita sa akin yon,
hindi ko siya sasagutin.”
“Hah? Ano naman
yun Liza.”manghang tanong ni Mary. Sa totoo lang alam ko yun. Best friend ako
eh. Never pang nagalit itong si Junie sa harap ni Liza. Yun ang gustong makita
ni Liza. Yung totoong Junie, yung hindi nagpapanggap o nagbabait baitan lang
although mabait naman talaga si Junie eh.
“Alam ko yun,” Sabay ngiti kay Liza. “Pero di
ko sasabihin” at kinindatan ko rin siya. “Good!” sabay thumbs up sa akin ng
bruha. “Okay next!” pina ikot na ni Liza ang bote. Ang swerte! Kay Miguel
tumama.
“Ayun oh!”tili
ni Liza. “Okay Miguel, ahmm ahmmm… Handa ka na
ba?”
“Yun na yung tanong mo?”pabirong sagot ni
Miguel. Tawanan ang lahat.
“Sira! Hindi
noh?”bawi ni Liza, “ May feelings pa ba para kay Bru?” Biglang natahimik ang
lahat! Sabi ko na nga ba eh. Ako na naman. Kami pala.
“Ano ba yang tanong na yan Bru?.”offended kong sabat. “Highschool pa
tayo nun. Unfair naman yata para sa aming dalawa.”
“Bakit, game
lang naman to ah.” Depensa ni Liza.
“OO!”. Sagot na Migz.. “Pero alam naman natin
na hindi na pwede di ba?” nanaig na naman ang katahimikan. Binasag iyon ni
Migz. “Ako naman!”pina ikot na niya ang bote. Napaisip ako sa mga sinabi ni
Miguel. Mahal pa rin niya ako? Pero bakit? Ang tagal na nun. After ng
graduation, ngayon nga lang ulit kami nagkita ah. Tapos may feelings pa rin
siya sa akin. Parang ang labo naman nun. Wala pa ba siyang nagiging girlfriend?
Hindi pa rin siya nakaka move on?
“Hui Jane! Sayo na nakatutok!” Untag sa akin
ni Mary. Tapos na pala siya. Hindi ko
narinig yung tinanong sa kanya ni Miguel. “Okay, So? Kamusta na kayo ni Ken?
Kelan ang kasal? Siya na ba talaga?”
“Ang dami naman!
Di ba pwedeng isa lang?”reklamo ko.
“Sige, yung huli
nalang sagutin mo.” Sabat ni Vangie. “Bez, okay ka lang?” Tumango lang si
Miguel.
“May ganun
talaga Vang? Ito na sasagutin ko na…”
“Sino si
Miguel?”singit naman ni Liza. Kantyaw na
naman ang inabot ko
.“Gaga ka bru!
Huwag na nga lang! Di ko na sasagutin.”
“Ang KKKKJJJJJJ…” duet ng mag-asawa.
“Eto na.. Sa ngayon kasi, talagang naka focus kami
ni Ken sa kanya kanya naming career. Yung pag-aasawa, hindi pa namin napag
uusapan yan kasi nga may iba pa kaming goal. If he’s the one na talaga for me,
so let it be…” Bigla na namang lumamig sa may likuran ko at nagsitayuan na
naman ang mga balahibo ko. Since katabi ko si Miguel, napakapit ako sa braso
niya.. “Ang lamig..” mahina kong sabi.
“Ahh.. Let it
be..”pang aasar nanaman ni Wendel at kumapit din kay Richard na katabi nito.
“Let it be noh?” tawanan ang grupo.
“Hindi niyo ba
naramdaman, lumamig kaya!” awat ko sa tawanan nila.
“Hayaan mo na.” sabi sa akin ni Miguel.
“Di mo ba naramdaman?” tanong ko sa kanya.
Kibit balikat lang ang sinagot niya.
Mukhang namutla na naman ako. Tinitigan ako ni Richard, nahalata niya
yatang natatakot na naman ako.
“Tara Guys!
Akyatin natin yung tuktok ngayon.” Seryoso nitong anunsiyo sa amin. “Hah?!
Seryoso ka?”gulat na tanong ko sa kanya.
“Jane, it’s time
to overcome your fear. 22 ka na, yet napaka matatakutin mo pa din.Who’s in?”
tanong nito.
“Game!” Sagot ni
Wendel.
“Hindi yata magandang ideya yan Rich.”komento
ni Miguel. Sang ayon ako sa kanya. Huwag naman sana please.
“Andyan ka naman
eh. Alam namin di mo pababayaan si
Jane.Di ba yun yung sabi mo sa kanya kanina sa mesa,” Nang aasar na naman ito.
“Tara na bru! Masaya yun! Don’t worry, di kita tatakutin.
Sila lang! hahaha” bwisit tong bestfriend ko, nanggatong pa.
“Tara na!”wika ng mag-asawa.
“Sige maiwan ka
diyan Jane. Ba bye.” Paalam ni Rich sa akin.
Ng akmang
lalabas na sila ng kubo, tumayo na rin ako,“Teka lang! Sasama na ko, pero
ipangako niyo muna na walang takutan.”
“Sus! Tara
na!” sagot ni Wendel. Walang nag promise. Yari na. Bahala na!
“Sigurado ka ba?” nag aalalang tanong ni
Miguel sa akin.
“Basta wag mo
lang akong tatakutin tsaka wag mo kong bibitawan.” Pakiusap ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Alam kong hindi ko pag-aari ang kamay na ito,
pero habang nandito tayo sa bundok, iisipin kong akin to at poprotektahan ko.”
Na touch naman ako sa sinabi niya. Literal naman yung pag kakasabi niya di ba? Kamay ko to, kaya hindi kanya.
“Salamat,” Tugon
ko. Pahilera kaming umakyat ng bundok. Ang mga may flashlight lang, si Miguel,
Richard, Junie at Wendel. Habang umaakyat kami ng bundok, mas humihigpit ang
hawak ko sa kamay ni Miguel. Kinakabahan talaga ako, baka anumang oras may
biglang sumunggab sa amin! Stop Jane! Stop thinking nonsense! Tinatakot mo lang
ang sarili mo.
“Okay ka lang?”tanong sa akin ni Miguel, “Kung
anu-ano na naman ang iniisip mo kaya ka nanginginig eh.” Naaaninag ko sa mata
niya ang pag-aalala. Salamat sa bilog na buwan at medyo maliwang ang paligid.
Dapat ko nga bang ipag pasalamat yon? Di
ba sabi nila pag bilog ang buwan, dun daw lumalabas lahat ng klase ng
nilalang. Diyos ko po, huwag naman sana .
“Maganda sa tuktok. Inaakyat namin dati yon
magpipinsan nung mga bata pa kami.” “Malayo pa ba Rich?” tanong ko.
“Medyo,” sagot niya. “Hinihingal na ako . Pahinga naman tayo,
kahit saglit lang.” yaya ko sa kanila.
“Sige.” Sang ayon ni Liza.
“Ahuu….” Pananakot ni Wendel. Ginaya pa ni
Richard. Adik tong mga to. Nananakot na naman.
Niyakap ako ni
Miguel mula sa likod. “Huwag mo nalang isipin”
“Hoy, Migz,
advantage yan ha!?”sita ni Liza. Tawanan na naman.
“Tara na!”
yaya ko sa kanila. Hinila ko na si Migz at nauna na kaming naglakad paakyat.
May trail naman kaya hindi kami maliligaw.
“Ahhuuu…” yan na
naman si Wendel.
“Tseh!” singhal
ko dito. “Huwag mo nalang pansinin.” Pinisil ni Miguel sa kamay ko. “Hoy bez!
Advantage talaga?” pang aasar dito ni Vangie.
“Tumigil ka nga! Sumbong kita kay Martin diyan
eh.”sagot nito sa kaibigan.
“Ikaw din,
sumbong kita kay Ken! Hehe!” bara nito.
“Tama na nga
yan!” sabat ko.
“Guilty?” si Richard. Hay nako.Hindi na
natapos tong asaran na to.
Humangin na
naman! This time sobrang lakas na! Yung tipong nadadala ka na talaga. Humigpit
ang hawak ni Miguel sa kamay ko. “Tara na
balik na tayo sa bahay!” yaya ni Miguel sa mga kasama namin, “Hindi magandang
ideya to. Baka mapahamak lang tayo.”
Chapter 4- The Chase
“Bababa pa tayo,
eh malapit na tayo sa tuktok,” Tutol ni Richard.
“Pero delikado
na eh! Baba na tayo.”sagot ko dito. Sobrang lakas na ng hangin,pati mga dahon at
sanga nagliliparan na. Parang may ipo ipong umiikot sa palibot namin.
“Rich, much
better kung next time nalang tayo umakyat. May mga kasama tayong babae. Baba na
tayo.”segunda ni Junie. Hinila na nito si Liza pababa.
“Oo nga Rich, tara na!.” at inakay na rin ni Marlon ang asawa. Tumalima
na rin kami ni Miguel pababa. Sumunod si .`Wendel at Vangie. Wala ng nagawa si
Richard kundi ang sumunod na rin. Majority wins. Pabalik na kami sa kubong
tinutulugan namin ng mapansin naming
nawawala ito. Nadaanan na namin ang hilera ng mga puno ng mangga na siyang nagsisilbing
bakod ng kubo pero wala ang kubo!
“Nasaan na yung kubo?” tanong ni Vangie.
Bumaba pa kami upang makarating naman sa bahay ng lolo ni Richard ngunit laking
gulat namin dahil wala din doon ang bahay!.
“Na engkanto yata tayo,”komento ni Junie.
“Huwag
naman!”tutol ko sa sinabi niya.
Suddenly, basketball-shaped fires came towards
us. Galing ito sa bandang ibaba ng bundok, paangat ng paangat at palapit sa
amin. Ang dami nila! Hindi mabilang. Nag panic na ang lahat. Lalo na ako.
Ramdam kong nanginginig na naman ako sa takot.
“Huwag kang
bibitaw sa akin.” malumanay pa rin ang boses ni Miguel. Mabilis ang mga hakbang
niyang ang tinutungo ay ang tuktok ng bundok.
“Guys, huwag tayo mag hiwa hiwalay.” Sigaw ni
Richard sa amin.” Dito tayo!” Ang tinuturo nitong daan ay patungo sa kaliwang
bahagi ng bundok. Sa taniman ng mga pinya at kamoteng kahoy. Pero hindi lahat
nakinig sa kanya. Tanging si Mary at Marlon ang sumunod sa kanya. Si Liza,
Junie at Vangie, nakasunod sa amin. Hindi ko na nakita kung saang direksyon
pumunta si Wendel. Ang mga bolang apoy, nagkalat din. May tumungo sa direksyon
namin, kina Richard. At yung ibang bolang apoy sa ibang direksyon naman. “Bilisan
mo tumakbo! Huwag ka ng lumingon.” Ma awtoridad na utos sa akin ni Miguel.
“Ang dami nila
Migz.” Naiiyak ko ng tugon sa kanya. Takot at pangamba na ang bumabalot sa
akin. Paano kung madampian nito kami, malamang masusunog kami. Pero
nakapagtataka, hindi nasusunog ang mga halaman na nadadaan nito. Hindi ko pa
rin maiwasan ang hindi lumingon.
“Migz!” mas humigpit pa ang hawak ko sa kamay
niya. “Malapit na sila sa atin!” Lumingon si Miguel at nagulat siya. Totoo nga,
sobrang lapit na nito sa amin.
“Jane! Dapa!”
“Hah?!” Nagulat ako sa utos niya. Hindi ako kaagad tumalima. Niyakap
niya ako mula sa likod at dumapa siya habang ang katawan ko ay nasa ilalim
niya. Masakit ang naging pagbagsak ko sa
lupa. Pero hindi ko ito ininda. Mas inaalala ko kung buhay pa ba kami. Hindi ko
maimulat ang mga mata ko. Mas pinili kong isara ito ng madiin at ramdamin kung
may nasunog ba sa katawan ko. Si Miguel? Okay lang ba siya? Hindi ko siya
naririnig. Hindi ko na rin naririnig sila Liza, Vangie at Mary na nagtitilian.
Kahit ang ma utos na boses ni Richard. Ang pang aasar at pananakot ni Wendel.
Bakit ang tahimik? Buhay pa ba ako?
-0-
“Jane, okay ka lang?”
napapiksi ako nang sa wakas may narinig akong buhay na boses. “Migz?”
paninigurado ko.
“Oo, ako ito.” Sagot ng tinig. Pagmulat ko ng
aking mga mata, nakapalibot sa katawan ko ang mga bisig ni Miguel.
“Anong nangyari?”tanong ko. Muli akong bumalik
sa aking huwisyo. Napa
upo ng tuwid daan para makakalas ako sa mga braso niya. Nakakahiya ang naging
posisyon ko, namin. “Nasaan na ang mga apoy? Anong nangyari? Sila Liza? Nasaan
na tayo?” Sunod sunod kong tanong sa kanya. Nababakas ko sa mga mata ni Miguel
ang pag aalala.
“Nawalan ka ng malay nung pabagsak tayong
dumapa para iwasan yung mga bolang apoy. Luckily, nilampasan lang nila tayo.
Kaso pagtingin ko sa baba, wala na sila. Hindi ko na makita yung iba. Parang
nabago yung daan. Sinubukan kong bumalik sa baba, pero nag iba lahat. Pati yung
mga punong mangga, nawala.” Mahaba nitong esplika sa akin. Teka! Kung bumaba
siya, edi ibig sabihin iniwan niya ako dito mag-isa? “Hindi kita iniwan dito.
Kinarga kita pababa pati na rin paakyat dito. Parang isang sako lang naman ng
bigas ang dala ko.” Dagdag pa nito. Anak ng tinapay talaga! May hidden talent
yata itong si Miguel. Mind reading!
“Weh? Hindi nga?” paniniguro ko. Paakyat ang
daan kaya malamang nahirapan siya habang buhat ako. At buti nalang hindi niya
ako inihulog sa bangin.
“Oo. Totoo yun. Naisip ko nga sana hinulog nalang kita
sa bangin. Ang bigat mo eh.” Anak ka talaga ng tinapay Miguelito Ruiz. Lahat
nalang, Ikaw na!
“Sana
nga hinulog mo nalang ako,” Sabay irap ko sa kanya.
“Joke lang!
Syempre hindi ko magagawa iyon,” Bawi nito sa sinabi. Talaga noh. Hindi mo
kayang gawin yon! Mahal mo ako di ba? “Mahalaga ka sa akin kaya hindi ko
hahayaang may mangyaring masama sa’yo. Tutuparin ko ang pangako ko.” Nakakainis
ka na Miguel. Lahat nalang ng iniisip ko,naiisip mo din.
“Talaga lang
ha?” ang tanging natugon ko sa mga sinabi niya. Wala eh. I’m so speechless.
Hindi ko na kailangang I voice out, nababasa naman niya mga iniisip ko eh.
“Maniwala ka o hindi. Totoo lahat ng sinasabi ko.”
“Okay. I trust you.” Tangi kong nasabi nalang.
Muli akong sumandal sa kanya at nahulog muli sa pagkakatulog.
-0-
“Migz! Huwag mo kong iwan! Sandali lang.
Hintayin mo ko!” Habol ko sa kanya. Tumatakbo ito palayo sa akin at hindi man
lang lumilingon. “Bakit ka ba tumatakbo palayo sa akin? Huwag mo akong iwan.
Nangako ka di ba?” Umiiyak ko pang sabi
sa kanya. Maputi ang palagid. Parang wala na kami sa kabundukan. Langit na ba ito? Pero bakit tumatakbo palayo sa akin
si Miguel? “Migz, please naman oh.” Nagmamakaawa ko ng sabi sa kanya. Patuloy
pa rin ako sa paghabol sa kanya. “Mahal kita Migs!” Kahit ako nagulat sa sinabi
ko. Mahal ko talaga siya? Ah basta bahala na. Ayokong mawala siya sa akin
kaya’t binilisan ko pa ang paghabol sa kanya. Bago ko siya maabutan, huminto
siya sa pagtakbo, humarap sa akin,“Jane….”
“Jane, gising!”
Pagmulat ko ng aking mga mata, mga matang nag aalala ang sumalubong sa akin. “Jane,
okay ka lang? Binabangungot ka.” Pinunasan ni Miguel ng mga palad niya ang mga
pisngi ko. May mga luha ako.
“Did I really
cry?” tanong ko sa kanya.
“Oo. Sumisigaw ka pa nga.” Sagot niya sa
tanong ko.
“Anong sinasabi ko?” follow up question.
Nakakahiya. Panaginip lang pala ang lahat! Paano kung yung mga sinasabi ko sa
panaginip ko eh yun din yung mga lumabas sa bibig ko na narinig ni Miguel.
“Wala naman,” Sagot niya sa huling tanong ko.
“Para kang may hinahabol. Tapos umiiyak ka
na.”
“Yun lang?” tanong
ko ulit? Ang kulit ko noh. Naninigurado lang.
“ Oo,”si Miguel. “Bakit? May iba ka pa bang
sinasabi sa panaginip mo?”
“Ha?. Ah eh..
Wala kasi akong matandaan.” Pagdadahilan ko nalang.
“Sige na matulog ka na ulit. Babantayan
kita.”huli kong narinig bago ko muling isara ang mga mata ko.
-0-
Liza’s Point of View:
“Liza,
huwag kang bibitaw ha! Takbo lang! Huwag ka na ring lilingon.” Utos sa akin ni
Junie. Hindi naman talaga ako natatakot sa mga halimaw na galing sa tubig. Ang
kinakatakot ko lang ay baka ihulog nila kami sa bangin. At ang kababagsakan
namin ay yung falls na sobrang taas. Hindi ko na matandaan kung paano kami
napunta dito. Hindi nasabi ni Richard na may mataas palang falls dito sa
bundok. At yung mga halimaw na humahabol sa amin, bigla nalang nagsilabasan ng
mawala ang mga bolang apoy. Nakakadiri ang mga itsura nila. Parang mga taong
binalutan ng lumot na nakakalipad. Ang weird! Saan kaya galing tong mga to?
Madilim pa rin ang buong paligid. Nawala ang full moon kaya mas naging sobrang madilim.
Si Junie naman parang bading, makatakbo wagas! Si Vangie mukhang natatakot na
rin. Nauna pang tumakbo sa amin ni Junie.
“Dito tayo
guys!”biglang lumiko si Vangie sa isang malaking puno para magtago. Sumunod
kami ni Junie. Luckily, nilampasan kami ng
mga creepy creatures. Hay thanks God! Kanina pa talaga ako nahihiwagaan sa
lugar na ito. Binabalewala ko nalang kasi ayokong masira ang masayang outing
namin. Mula sa mga kwento nila Junie, Jane at Miguel, meron yata talagang
hiwaga ang lugar na ito. Speaking of Jane and Miguel, nasaan na kaya sila?
Naku! Napakamatatakutin pa naman ng bestfriend ko. Hindi bale, tiwala naman ako
na hindi pababayaan ni Miguel si Jane. If I know, mahal na mahal parin nito si
Bru. Yun nga lang, hindi na pwede. Hanggang kailan kaya to maghihintay? Eh
mukhang sa kasalan na dederesto sina Ken at Jane. Isang malaking goodluck para
kay Miguel. Yung iba kaya? Nasaan na?
“Balik na tayo sa bahay,” Suggestion ko sa mga
kasama ko. Nag aalala na kasi ako sa iba naming mga kasama lalo na kay Jane.
“Ano ka ba?! Baka balikan tayo ng mga halimaw
na yun,” Tutol ni Junie sa sinabi ko.
Ito talagang lalaking to, napaka duwag. Kaya hindi ko masagot sagot eh. Parang
may kulang, parang may tinatago pa siya sa akin. Ayaw na ayaw niyang ipakita sa
akin ang mga kahinaan niya. Bading talaga.
“Oo nga Liz, mamaya nalang. Kahit yung
pagputok na ng araw,” Sang-ayon ni Vangie kay Junie. “It’s better to be safe.
Pahinga nalang muna tayo dito.” Yun na nga, maya maya , tulog na yung mga
kasama ko..Di ko namalayan, pati pala ako. Pina una ko lang sila.
Wendel’s POV
Tupang anak
naman oh! Maliligaw na nga lang ako, wala pa akong kasama! Ang masaklap pa
nito, may humahabol pa sa akin ngayon! Isang lalaking malaki ang katawan,
nakakatakot ang itsura at lumilipad. May hawak itong karet, akala mo si
kamatayan pero hindi naman. Mayroon siyang pakpak na kulay asul. Galit na galit siya habang hinahabol ako. May mga
binibigkas siya na hindi ko maintindihan. Bigla nalang itong lumitaw ng mawala
ang mga bolang apoy. Napadpad ako sa
isang punong malaki na maraming baging. Pagpasok ko sa animoy kurtina, hindi na
niya ako nakikita. Wow! Ang galing! Naging invisible ako bigla. Hay! Salamat
naman. Kanina pa ako tumatakbo. Nakakapagod kaya! Kaya eto ako ngayon, hapong
hapo hanggang sa antukin.
Richard’s POV
“Rich, ano bang
nangyayari? Nasaan na yung iba?” naiiyak ng tanong ni Mary sa akin. “Ma, huwag
ka ng umiyak.”alo ni Marlon sa asawa.
“Hindi ko rin alam Mary.”ang tanging naisagot
ko sa kanya. “Magpahinga nalang muna tayo. Hintayin nating magliwanag, tsaka
natin sila hanapin pag hindi pa rin sila bumalik ngayong gabi.” Nanlalata na
kaming tatlo. Nakakapagod makipaghabulan sa mga bolang apoy. Nasaan na kaya
sila Jane, Miguel, Liza, Junie, Wendel at Vangie? Kung bakit naman kasi hindi
nila ako sinunod, ang sabi ko walang hihiwalay pero nag kanya kanya pa rin ng
takbo. Nagulat nalang kami nila Mary at Marlon dahil pagkawala ng mga bolang
apoy bigla nalang lumitaw ang kubo. Nandito kami ngayon sa kubo, nagpapahinga.
Umaasa na sana
makabalik rito ng ligtas yung iba naming mga kasama. Si Jane, sana kasama niya si Miguel. Napakamatatakutin
pa naman nun. Pag may nangyaring masama sa kanila, hindi ko mapapatawad ang
sarili ko. Piling ko kasalanan ko ang lahat. Ako ang nag set ng trip na ito.
Ano bang nangyayari sa lugar na ito? Sana hindi totoo ang
hinala ko. Huwag naman sana .
Nakakahiya sa mga kaibigan ko, pati sila nadamay. Lola, please…..
Chapter 5- The Confessions
“Jane, umaga
na.” Panggigising sa akin ni Miguel.
“Huh?” Wala pa
ako sa huwisyo. Pinapakiramdaman ang paligid. Nakahiga ako sa damuhan, parang
nakaunan sa isang braso. Teka! Braso?! Pagmulat ko ng mga mata ko, mukha ni
Miguel ang una kong nasilayan. Agad akong napabalikwas, nailang ako sa naging posisyon namin. Magkatabi kaming natulog,
nakaunan ako sa braso niya at nakayakap pa sa kanya. Nakakahiya! Para kaming magjowa! “Pasensya ka na Migz, napahimbing
yung tulog ko, baka nangalay yung braso mo.”
“Hindi naman.
Ayos lang ako.” Balewala niyang sagot sa akin. “Tara
hanapin na natin yung daan pabalik.”yaya niya sa akin. Kaso may problema.
“Migz,.”
“Bakit, may
problema ba?” tanong niya.
“Oo eh.
Nagugutom na ako.”nahihiya kong sagot sa kanya. Hindi kami nakapaghapunan
kagabi kaya kumukulo na ang tiyan ko. Parang wala na akong lakas para maglakad
pa. Napangiti na lang siya sa tinuran ko,“Sige, maghahanap ako ng mga bungang
prutas. Dito ka lang ha. Sandali lang ako.”
“Salamat. Pasensiya ka na ha.” Nanlalambot
kong tugon sa kanya. Muli akong humiga sa damuhan at umunan sa nakausling ugat
ng puno. Umalis na si Miguel para maghanap ng pagkain. Pinilit kong huwag
matakot, umaga naman na tsaka sabi ni Miguel sandali lang siya. Alam kong
babalikan niya ako. Hindi nalang ako tumingin tingin sa paligid at mas piniling
pumikit nalang para wala akong makita na pwede kong ikatakot. Sana makabalik kami ng ligtas sa kubo at
makauwi ng safe sa kanya kanya naming mga bahay. Namimiss ko na ang mga parents
ko. Solong anak lang ako kaya sobrang close ako sa mga magulang ko. Hindi naman
kami ganun kayaman. May retail store lang si Papa at si Mama naman nagtatrabo
bilang clerk sa Munisipyo namin. Si Ken
kaya kamusta na? Malamang may duty yun ngayon sa hotel. Sila Liza kaya? Sana safe sila. Nasa kubo
na sana
silang lahat. Si Miguel?, ang tagal naman niya bumalik. Nasaan na kaya siya.
Totoo ba to? Namimiss ko kaagad si Miguel. Bakit parang mas hinahanap ko siya
kesa kay Ken? Dala lang siguro ng gutom to. O dahil sa siya ang kasama ko
ngayon kaya sobra akong nag aalala sa kanya. Pikit pa rin ang mga mata ko,
binabalikan lahat ng ngyari simula ng pagdating namin dito. Puro si Miguel ang
rumerehistro sa isip ko. Lahat ng oras na magkasama kami. Pati yung
napanaginipan ko kagabi. Bakit ganun? Nakoconfuse na ako sa nararamdaman ko.
“Jane, natulog ka ulit?” bumalik na si Miguel.
“Hindi, pinikit ko lang ang mata ko,”sagot ko.
“Kain ka na. May
nakita akong saging tsaka duhat.” Inabot niya sa akin ang mga prutas na nakuha
niya. “May nakita rin akong mga bunga ng buko kaso wala tayong itak para
makakuha nun. Pero may narinig akong lagaslag ng tubig sa pinagkuhaan ko ng
saging. Punta nalang tayo dun mamaya para makainom tayo.”
“Salamat ha.”
Tugon ko sa mga sinabi niya. Napakabait talaga nitong si Miguel. Ganito rin
kaya siya sa ibang babae. Paano kaya kung ibang babae ang kasama niya? Ganito
rin kaya ang gagawin niya?
“You’re welcome.
Huwag mo na akong titigan. Kumain ka na lang.” sagot niya sa pagpapasalamat ko.
Kinain ko na nga yung saging na dala niya. Tinikman ko yung duhat, medyo mapakla
kaya isa lang ang nakain ko.
“Pasalamat ka mahalaga ka sa akin. Sa’yo ko
lang ginawa to.” Hay naku! Lagi nalang niya nababasa yung mga nasa utak ko.
“Thank you na nga di ba?! Pasalamat pa?” pagtataray ko.
“Ba’t ang taray
mo? Uhaw lang yan. Tara sa ilog ng makainom ka na.” at inakay na niya ako.
-0-
Liza’s POV
Paggising ko, nakasandal na ko kay Junie. Si
Vangie naman nakahiga sa may paanan ko. “Jun, gising,” Panggigising ko dito.
“Hmmm..” tugon nito sa akin. OA ha. Mantika
matulog. Si Vangie naman ang ginising ko.
“Vang..” Agad
nitong inalis ang ulo sa paanan ko. “Umaga na..” sabay hikab.
“Huy, Junie! Gising!” Tinapik ko ito sa mukha.
“Hmmm.. Istorbo
eh!” sagot nito sa akin. Aba !
Istorbo pala ha. Tinapik ko ulit ito sa mukha. This time mas malakas na, yung
parang sampal na. “Aray naman! Eto
gigising na!” Naiinis nitong sabi.
“Tirik na yung
araw oh! Hanapin na natin yung daan pabalik sa kubo. “
“Nagugutom na ako. Kain muna tayo.”suggestion
ni Vangie. “Hahanap lang ako ng puno.” Agad na itong nawala. Naiwan kami ni
Junie sa ilalim ng puno ng narra.
“Liz, ikaw? Di ka pa ba nagugutom? Hanap din
tayo pagkain, gusto mo?” tanong sa akin ni Junie.
“Hindi pa eh. Kung nagugutom ka rin sige
sundan mo na si Vangie.” Tugon ko sa kanya. Actually, hindi pa talaga ako
nagugutom. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pag aalala sa mga kaibigan ko.
“Sure ka? Maiwan
ka dito mag-isa?” paninigurado ni Junie.
“Oo naman. Hindi
naman ako natatakot, sige na bilisan mo na.” sagot ko ulit. Umalis na nga ito
at sumunod kay Vangie. Nang maiwan ako mag-isa, muling nanariwa sa ala ala ko
ang mga nangyari kahapon. Pumunta kami dito para sa adventure at saya, we
didn’t imagine na may ganitong mangyayari. Si Jane? Sana okay lang ang bestfriend ko. Sana din tuparin ni Miguel
ang pangako niya na hindi niya pababayaan si Jane. Maybe, wala na nga talaga
siyang karapatan kay Bru pero as a friend siguro naman poprotektahan niya ito.
Maya- maya
dumating na sila. May mga dalang iba ibang prutas. Hindi pa talaga ako
nagugutom pero ang sarap tignan ng mga dala nila kaya napakain na rin ako.
“Hindi pala gutom ha,” Pang-aasar ni Junie.
“Tseh!” sagot ko
at tinuloy nalang ang paglantak sa saging.
“Sana okay lang yung iba.”
Sabi ni Vangie. “At sana
rin makabalik na tayo sa kubo kaagad.”
“Yun din naman ang dasal ko.” Dagdag ko sa
sinabi ni Vangie. Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa may talon para
makainom ng tubig. Sana
naman wala na yung mga taong lumot doon.
-0-
Wendel’s POV
Nagising ako
dahil sa mga kamay na humahaplos sa buhok ko. Napa upo ako mula sa pagkakahiga at nakita
ang isang magandang babae. Puting puti ito, magmula ulo hanggang talampakan.
Mayroon siyang pakpak na kulay puti rin yung parang sa paru paro. Pati suot
niyang damit, mahaba at puting puti. Nung una, natakot ako at nabigla ngunit
nung pag ngiti niya, nawala ang takot ko.
“Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. Ngunit hindi
siya nagsasalita. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang sagot niya.
“Nandito ka sa tahanan ko.” Malamang isa
siyang diwata. At nagdadalang tao. Naalala ko tuloy ang girlfriend ko. “Yung
taong humabol sa’yo , siya ang ipapakasal sa akin ng Inang Reyna. Ngunit ayaw
kong magpakasal sa kanya sapagka’t may ibang lalaki akong iniibig. Yun nga lang
isa siyang mortal.” Ito ang mga ideyang pumasok sa utak ko. Parang may tinig ng
isang babae na nagsasalita sa isip ko.
“Siya ba ang ama ng dinadala mo?” tanong ko
ulit sa kanya.
“Oo.”sagot naman ng tinig.
“Kung ganon, kalahating tao ang dinadala mo?”
Ako ulit. Grabe, nangyayari ba talaga
ito? Parang ayoko ng maniwala, Nananaginip pa rin ba ako? Oo nga pala ang mga
kaibigan ko. Nasan na kaya sila? Sana
nasa maayos lang silang kalagayan.
-0-
Jane’s POV:
Mukhang malayong
lakaran na naman ah! Grabe naman ang pandinig ni Miguel. Sobrang laki ba ng
eardrum nito at naririnig nito ang sound wave ng tubig.
“Migz, malayo pa ba?” tanong ko sa kanya.
“Malapit
na.”sagot nito. “Hindi mo ba naririnig yung lagaslas ng tubig?”balik tanong
nito sa akin. Pinakiramdaman ko ang paligid, pero wala eh, wala talaga akong
marinig na tubig. Naglinis naman ako ng tenga before kami umakyat pero wala
talaga eh.
“Migz, wala eh. wala talaga,” sagot ko. “Does
it mean, malayo pa?”
“Gifted ka lang
talaga. Masyadong malinaw ang pandinig mo. Manhid kumbaga” he said
sarcastically. Hindi ko alam kung may iba pa siyang kahulugan sa huli niyang
sinabi. Manhid daw ako? How come?
“Ikaw na! Ikaw na malinis ang tenga! Kanina pa
kaya tayo naglalakad. Lalo lang ako nauuhaw.” Pagtataray ko. Napatigil ito sa
paglalakad.
“Halika,” umupo ito sa harap ko, “sumakay ka
na sa likod ko.”
“Hah?”ako naman ang natigilan. “Ah eh, wag na.
Sige na maglakad na tayo.” Pagtanggi ko sa alok niya.
“Sumakay ka na sa likod ko.” Pagpupumilit
nito. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay nalang sa likod niya. Sa totoo
lang pagod na din talaga ako, uhaw na uhaw pa. Naghari ang mahabang katahimikan
habang sakay niya ako sa likuran niya.
“Migz, may
naririnig na akong lagaslas ng tubig. Malapit na tayo.” Basag ko sa
katahimikan.
“Jane,…. Mahal
pa rin kita..”nabigla ako sa sinabi ni Miguel. Akala ko hindi totoo yung sinabi
niya nung naglaro kami ng spin the bottle.
“Hah?! Migz, ano
ka ba?” gulat kong tugon. Magtatapat ka na nga lang ngayon pang uhaw na uhaw na
ako. Pinilit kong bumaba mula sa likod niya ng bigla siyang humarap sa akin at
niyakap ako.
“Alam ko wala ng
pag-asa na maging tayo pa dahil nandiyan na si Ken. Pero gusto ko lang malaman
mo. Ang hirap kasing kumilos ng may tinatago lalo pa ngayon na tayong dalawa
lang ang magkasama,” Mahaba nitong saad habang yakap ako. Maya maya naririnig
ko na ang mahina niyang hikbi. Hindi ko na alam ang sasabihin o gagawin ko.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at pinunasan ko ang mga luha niya using
my own hands.
“Ssshhh.. Tahan na..”tangi kong nasabi. Sa
totoo lang marami akong gustong sabihin sa kanya, simula nung magkahiwalay kami
nung highschool. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin ko iyon? Bahala na!
“Migz, you know you’re so special to me. Ikaw ang first love ko alam mo yan,
but fate already dictated na hindi na pwedeng maging tayo. Sa bawat panahon na
lumipas I’ve tried hard para mawala lahat ng feelings ko for you.” Pagtatapat
ko sa kanya. “Nung Senior prom, when I saw you and Julia kissing, I was deeply
hurt. Ako ang nililigawan mo pero siya ang kahalikan mo.” Napaluha na ko sa pag
alala sa aking unang heartbrake.
Nakita ko ang gulat na reaksiyon sa mukha ni
Miguel. “I didn’t know nakita mo pala kami, pero siya ang humalik sa akin,
pilit siyang nakikipagbalikan. Now I know, kaya pala bigla ka nalang umiwas sa
akin. You’re so unfair, Jane! Hindi mo man lang sinabi sa akin ang tunay na
dahilan kaya hindi mo ko sinagot.” Umiiyak pa rin ito. “At a very young age,
sobra tayong nag suffer sa heartbrake na hindi naman natin dapat dinanas. Jane,
I still love you.” He then kissed me on my lips. At first it was hard but then
it became gentle. Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. It feels like the
world stopped from revolving. Yakap ako ngayon ni Miguel at hinahalikan niya
ako. I remembered our first kiss way back last New Year 2006. Magkasama kaming
nag New Year sa bahay. Pagpatak ng alas dose, he greeted me Happy New Year and
we kissed. That day, we thought that we’re unofficially on because we don’t
want to rush things. We just had this Mutual Understanding. Ang alam lang
namin, we both have each other more than friends.
“Sana pala, we made it
official when we first kissed.” Pagkahiwalay ng aming mga labi, ito ang nasabi
niya. “Why you didn’t tell me?! Bigla ka nalang lumayo. Lahat ng pangarap natin
for college, gumuho lahat.” We’re both still crying remembering the pain. “I’ve
tried to reach you pag graduate natin, but you’re so distant. Kapag may mga
hang-out, hindi ka sumasama kapag kasama ako.” Yeah it’s true. Iniwasan ko
talaga si Miguel. Ayoko na siyang makita kasi every time I saw him, I’m hurting.
“Then two years ago, nung birthday ni Richard, I was there, hindi lang ako
nagpakita sa inyo. I just missed you
kaya gusto kitang makita, but then lalo lang ako nasaktan, becaused Ken
approached you and you clicked. Hindi ko akalain na magiging kayo. Nabalitaan
ko nalang kay Rich.” So, andun pala siya nun. Pumunta ako nun kasi sabi ni
Richard hindi daw pupunta si Miguel because he’s busy with his review.
“It’s been hard
for me,Migz. Lahat ginawa ko to totally forget you as well as the pain I’ve
felt. When Ken came along, he helped me a lot to move on.”
“Pero Jane,
hindi ka sana
nagsuffer kung sinabi mo sa akin ang tunay na dahilan bago ka nagpasyang iwasan
ako!” halos pasigaw na niyang sabi sa akin.
“Pero Migz, I
know that Julia loves you that much. And I just thought na baka kayo pa rin ang
para sa isa’t isa so I just gave way!” pasigaw ko na ring sabi trying to defend
myself. I’m still crying. Seven years had passed at muli na namang nanariwa ang
lahat. Miguel hugged me again.
“I’m sorry
Jane.”
“I’m sorry din
Migz.”
“Halika na,
malapit na tayo sa ilog. Ganito pala epekto ng uhaw, lahat nasasabi mo.” Pabiro
nitong sabi sa akin at tumungo na kami sa ilog.
-0-
Richard’s POV
“Mary, Marlon, I
have to tell you something.” Kailangan ko ng sabihin sa kanila ang mga
nalalaman ko.
“Ano yun Rich?” chorus ng mag-asawa.
“Yung lola ko,
isa siyang fairy. Siya ang nagbabantay ng bundok na ito at sa tingin ko siya
ang may gawa ng lahat ng nangyayari dito sa atin ngayon.” Pagtatapat ko sa
kanila. “I’m sorry guys.”
Chapter 6- The Misunderstandings
Natatanaw
ko na ang ilog! Finally, makakainom na rin ako. Kanina pa talaga ako uhaw na
uhaw. Dumagdag pa ang tension dahil kasama ko si Miguel. Medyo naiilang na ako
sa kanya. But somehow, I felt ease kasi nailabas ko yung matagal ko ng
dinaramdam sa kanya. May panghihinayang, pero tapos na yun eh. Iba na ngayon. I already have Ken in
my life. Miguel has been very important to me for the past four years during my
highschool days. Simula first year, crush ko na siya. Then we became best of
friends and eventually niligawan niya ako when we reached our senior year. Yun
nga lang there were things happened that complicates our relationship. Una, si
Julia. Ex niya. They ‘ve been together for almost a year, at sobrang nasaktan
si Migz, when they broke up. Saksi ako dun. Ako yung naging karamay niya eh.
Hindi ko inaasahan na mababaling sa akin ang nararamdaman niya. He confessed
and I refused. Ayoko maging rebound. Panakip butas in other terms. Sabi ko sa
kanya let time heals all wounds and let fate dictates. If us then let it be us.
So, we became just more than friends, mutual understanding but no commitments
as lovers. Sabi nga ng barkada dati ang gulo daw ng set-up namin, pero kami ni
Migz, tanggap namin ang ganun. Besides, studies ang priority namin noon at
hindi pakikipagrelasyon. It’s enough na we have each other as an inspiration.
Pangalawa, I’m really afraid to get hurt and to hurt also someone else. Alam ko
masasaktan si Julia kapag sinagot ko si Migz. Naging close din kasi kami nito.
“Halika na.”
hinila na ako ni Miguel palapit sa batuhan. Uminom kami at naghilamos na din.
Ang sarap sa pakiramdam.
-0-
Junie’s POV
Muli kaming
bumalik sa falls kung saan nanggaling ang mga lumilipad na taong lumot ng
nagdaang gabi. Buti nalang wala na sila o baka natutulog lang. Napuyat at
napagod kakahanap sa amin. Hehe. Salamat sa Diyos at kahit papaano sa mga oras
na ito, ligtas kami nila Liza at Vangie. Itong si Liza, napakalakas talaga ng
personality. Masyadong matapang at dominante, minsan parang siya pa ang mas
lalake sa amin. Kaya nga mahal na mahal ko siya eh. Kaya lang hanggang kailan
ako maghihintay, ni walang kasiguraduhan kung sasagutin niya ba ako ng OO. Ang
tanging pinanghahawakan ko lang, may pag-asa naman daw ako sa mailap niyang
puso. Medyo lumayo sa amin si Vangie. Nakaramdam yata na gusto kong masolo si
Liza.
“Liz, alam ko
sasabihan mo na naman ako ng makulit pero kailan ba talaga?” bungad kong tanong
sa kanya.
“Jun, alam mo
ang isasagot ko.” Sabi ko na nga ba eh, ito na naman ang sasabihin niya sa
akin.
“Pero Liz, gusto
ko lang naman malaman kung sasagutin mo ba ako ng Oo eh. Hindi ko kasi alam
kung aasa pa ko, o tatanggapin ko nalang na wala talaga. Para
mapaghandaan ko at para hindi masyadong masakit pag binasted mo na ako.” Mahaba
kong salaysay sa kanya. Para na nga akong
sirang plaka, lagi ko itong sinasabi sa kanya pero lagi din niyang iniiba ang
topic. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa batuhan at hinarap ako. “Alam mo
Junie, yan ang hirap sa inyong mga nanliligaw eh. Masyado kayong mainipin! Edi
tumigil ka na sa panliligaw kung naiinip ka na. Hindi yung kukulitin mo ako ng
ganito.”mataray nitong sagot. “Hindi naman kasi yan dapat ang inaatupag natin
ngayon. Kundi ang makabalik sa kubo at makaalis na sa pesteng bundok na ito!”
“Liza, kulang pa
ba ang dalawang taon para sabihin mong mainipin akong tao?!”pasigaw ko ng sabi sa kanya. Oo mahal ko siya pero
siguro naman may limitasyon rin ang lahat. “Hindi naman kita pinipilit na sagutin
na ako eh. Ang sa akin lang ay kung hanggang kailan ako maghihintay?!” dagdag
ko pa.
“Bahala ka!
Tumigil ka na! Huwag ka na maghintay!” sagot niya.
“Liza mahal
kita, pero sana
naman intindihin mo rin yung nararamdaman ko. Tao lang din ako nasasaktan.”
Naiiyak ko ng sabi sa kanya. Kung bakit dito pa sa bundok naubos ang pisi ko,
hindi ko rin alam.
Tinitigan niya
ako ng matagal. Na waring sinusukat ang buong pagkatao ko. “Huwag ka na
maghintay.”parang balewala lang nitong sagot sa akin, “Masyado kang atat. Hindi
pakikipag boyfriend ang goal ko ngayon kundi ang makauwi na sa amin.” “Vang!.
Halika na dito, hanapin na natin ang daan pabalik sa kubo.”tawag nito kay Vangie.
Sa mga sinabi
niyang iyon nasaid na talaga ang pasensiya ko. “Fine!” nagulat ito sa bigla
kong pagsigaw. “Salamat sa lahat ha! Sa dalawang taong pagpapaasa. Ang bait mo
Liz! Sobra. Sana maging masaya ka at sana rin hindi ka
makahanap ng taong sing sama ng ugali mo. Siguro nga hindi ako yung lalaking
hinahanap mo. Hindi kasi ako perfect. Sorry ha!”
“Mukha ngang
tama ka! You’re not the one for me! You have just prove it to me today!”
pasigaw na rin nitong sagot sa akin.
“Hell! Mukha
ring mali
ako ng pili sa babaeng mamahalin. If only I could teach my heart, hindi sana ikaw ang minahal ko.
If only I could teach this Liz, if only!” turo ko ang aking puso.
“You go to
hell!”balik nito sa akin.
“Guyz! Tama na
yan!” awat ni Vangie sa amin. “Pwede bang isantabi niyo muna yang away niyo?
Ang isipin nalang muna natin ngayon is yung iba pa nating mga kasama at kung
paano tayo makakabalik sa kubo.”
“Yun na nga ang
sinasabi ko sa kanya Vang!” sagot uli ni Liza. “But he just keeps on insisting
himself!”
“Insisting?!”tanong
ko sa kanya, “Ako pa ngayon ang selfish! Ikaw yun Liza! Napaka selfish mo!”
“I didn’t mean
na selfish ka! Ikaw ang may sabi nun!”
“Ano ba?! You
two! Shut up!” awat ulit ni Vangie sa amin.
“No, you shut
up!”sagot ni Liza. “Sabihin mo diyan sa kaibigan mo na dati ko ng manliligaw,
huwag panliligaw ang atupagin kundi ang daan pabalik sa mga kaibigan natin!”
Dahil na rin sa
inis, nag walk out na si Vangie. “Bahala nga kayo diyan! Mag kanya kanya nalang
tayo! Nakakainis! Kung bakit kayo pa nakasama kong maligaw!” Tumakbo na ito
palayo sa amin.
Hinabol ito ni
Liza, “Vangie, wait lang!”
Naiwan ako sa
tubigan. At napapailing na lang ako na sinundan sila ng tanaw. Teka! Baka
mapahamak yung dalawang iyon, konsensya ko pa. Isa pa, mga kaibigan ko sila at
ako ang lalaki, dapat ako ang prumotekta sa kanila!
-0-
Jane’s POV
Naghari na naman
ang matagal na katahimikan. Ako ulit ang unang bumasag nito. “Migz, sorry
talaga ha.” Pagbubukas ko ulit ng topic. Gusto kong maging okay na ang lahat
eh. It’s better for us to be friends nalang talaga. Close na ang chapter ng
buhay namin as more than friends. “I never thought na aabot tayo sa ganito,
yung sobrang masasaktan because of the past, our past.”
Napatigil na
naman ito sa paglalakad at muling tumitig sa akin, “All this time Jane, ikaw
lang at ikaw pa rin ang mahal ko. Yung sa amin ni Julie, matagal ng nawala yon
since you came near me and dried my tears.” Parang kahapon lang nangyari.
Gumagawa kami ng group project ng mapansin ko si Miguel sa isang sulok ng bahay
namin, umiiyak habang may katext. Nilapitan ko siya at tinanong. He said that
Julie didn’t want to make up for their last fight. I understand what Julie
means, ayaw na nitong makipag ayos pa kay Miguel. I gave him some advice and
tried to be funny kahit na medyo corny yung mga jokes ko, I made him smile.
“Heart,..”
Shocks! Tinawag na naman niya ako sa terms of endearment namin dati, “I know
you already have Ken, but can you please tell me that there’s still a chance
for us?” pagmamakaawa nito sa akin. Bigla akong nawindang sa sinabi niya! Until
now, he’s still hoping for us.
“Migz!”sita ko
sa kanya, “Stop that nonsense!”
“Pero Jane..”
“Migz,. Ang
paghahanap sa daan ang isipin natin ngayon. Hindi yung sa ating dalawa na
matagal ng tapos.”
“Wala na ba
talaga ako diyan sa puso mo?”pangungulit pa rin nito.
“Look Migz.,
Wala akong ganang pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa. Please lang.”
“Just answer me!
Wala na ba talaga?”
Sa totoo lang
hindi ko alam. Ang gulo na ng utak ko ngayon. Iniisip ko yung mga kaibigan
namin, yung daan pabalik sa kubo, gusto ko ng umuwi sa amin. Takot. Kaba. Lito.
Si Ken. Tapos dadagdag pa si Miguel. Hanubayan! May feelings pa nga ba ako?
Nalilito na talaga ako. Masaya ako dahil nagkasama ulit kami despite all the
mishaps. I feel so safe pero na gi guilty ako para kay Ken. Kung hindi lang sana kami ni Ken,
everything will be just fine. Tinitigan ko ng matagal si Miguel and finally,
“Hindi na Migz. Wala na kong feelings for you.” Totoo ba itong nasabi ko? Maybe
yes para tumigil na siya sa pangungulit sa akin. Maybe no. Ah, ewan ko!
“Sigurado ka?”
kita ko ang panlulumo sa mga mata ni Miguel.
“O- oo Migz.”
Bakit parang nasasaktan ako? Am I guilty or because I’m lying?
“If it’s really
over? Why did you respond on my kiss?!” at akmang hahalikan na naman niya ako.
I pushed him
away and move backward. “Migz, stop!
Can’t you just respect me?”
“But Jane,
you’re lying!” Ganon ba talaga ako ka obvious? At nababasa niya ang utak ko?
“No, I’m not!”
depensa ko. “Tumigil ka na Miguel! Stop insisting that there’s still us.
Matagal ng wala. Just please accept that! Respect me and Ken.” Konting pilit
pa, bibigay na talaga ako.
Lumayo na siya
sa akin, humarap sa tubigan at muling nanahimik. Matagal. Kasing lalim ng tubig
sa ilog ang isip niya ngayon. Did I hurt them that much? Hindi ko alam. He’s so
unfair, hindi ko mabasa ang iniisip niya. Samantalang ako, lahat alam niya.
“Migz,..” hindi
siya kumibo. “Migz..”ulit ko. Hindi pa rin siya kumikibo. “Migz please. Hanapin
na natin ang daan pabalik.”
“Go…” mahina
nitong tugon.
“Ha?..” nabigla
ako sa naging sagot niya.
“I said go! Go
away from me!” sigaw nito sa akin. Muli ko na namang nakita ang pag-iyak niya
as well as his pain and I’m hurt too. Hindi dahil sa pagsigaw niya sa akin
kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. At pakiramdam ko ako ang may
gawa non.
“I’m sorry
Migz.” Naluha na rin ako at tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan
ako pupunta, basta ang mahalaga ngayon makalayo ako sa kanya. I caused him too
much pain, simula dati pa at hanggang ngayon. Siguro mas lalo siyang
nahihirapan ngayon dahil kasama niya ako. Sorry talaga Migz. Sorry. Malabo
ang mga mata ko dala ng luha habang tumatakbo. Sanhi para hindi ko mamalayan na
may bangin na pala sa dulo ng daan na tinatahak ko ngayon and I fell instantly.
Napatili ako sa pagkabigla. At bago ko ipikit ang mga mata ko, narinig kong may
sumisigaw ng pangalan ko…..
-0-
Chapter 7- The Switch
“Jane…” kasabay
ng mahihinang tapik sa mukha ko. “Jane, wake up.” Sabi ng nag aalalang boses.
Nananakit ang buo kong katawan. Lalo na ang likuran ko. At ang mga braso’t
binti ko, ramdam kong may mga sugat ito. Anong nangyari?
Oo nga pala,
nahulog ako sa bangin. Napatili pa nga ako ng malakas dahil sa pagkagulat.
Dumulas ako paibaba. Mabuti na lang at napaupo ako sa isang malaking dahon ng
marang. Akala ko katapusan na ng existence ko sa mundo. Hindi ko alam kung
ano na nangyari ng ipikit ko ang mga
mata ko.
“Jane….” Teka, nabobosesan ko siya…
“Liz,..” sabay
dilat ko ng aking mga mata.
“Jane. Anong
nangyari sa’yo?” nag aalala nitong tanong. Hindi ko rin alam eh. “Mabuti nakita
ka namin dito ni Vangie. Teka, nasaan si Miguel? Bakit pinabayaan ka niya?”
Naalala ko ang naging huli naming pag uusap. Kaya ako napatakbo at nahulog sa
bangin ay dahil sa naging pagtatalo namin.
“Nahulog ako sa
bangin. Galing ako dun sa taas.” Sabay turo ko sa tuktok. Nanghihina pa talaga
ako. Buti nga at buhay pa ako. Salamat sa Diyos.
“My God. Buti
nalang at hindi ka natuluyan. Ang taas ng pinaghulugan mo!.” Si Vangie.
“Oo nga eh.
Teka, kayo lang ang magkasama? Nasaan na yung iba?”tanong ko.
“Hay naku Jane. Kanina
tatlo kami kaso…. Ayun naging dalawa nalang kami.” Sagot ulit ni Vangie. Sabay
irap kay Liza. Alam ko naman na si Junie ang tinutukoy nito.
“Bakit anong
nangyari?”tanong ko sa kanila.
“Basted,”
Maikling tugon ni Vangie.
Tinignan ko si
Liza. Umiwas siya ng tingin sa mga mata ko at dumako sa kamay at braso ko. “Ang
dami mong sugat. Kaya mo pa bang tumayo? Lipat tayo ng lugar.”pag-iiba nito sa
usapan.
Pinilit kong
tumayo. Inalalayan naman ako nila Vangie at Liza. Magkaagapay nila akong
isinandal sa isang malaking puno ng narra.
“Okay ka lang ?”
pinunasan ni Vangie ng dala niyang panyo ang mga sugat ko. Magkahalong dugo at
putik ang dumumi sa panyo niya.
Mukhang hindi
ako okay. Ang hapdi ng mga sugat ko mula sa mga sangang sumalubong sa akin.
Salamat na rin sa Diyos at hindi ako napuruhan. “Aray!” sigaw ko ng masagi ni
Vangie ang isang medyo malaking sugat sa legs ko.
“Sorry.” Si
Vangie.
“Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Liza sa
akin. “Bakit ka nahulog? Nasaan si Migz? Bakit pinabayaan ka niya?”
“Dami mong
tanong. Pwede bang umidlip muna ulit? Medyo sumakit ang ulo ko.” Pagtanggi ko.
Nagtinginan ang dalawa at nagkibit balikat .
“Sige, matulog
ka muna diyan. Maghahanap lang kami ng hapunan natin ngayon.” Nauna ng lumakad
palayo si Vangie.
“Bru, dito ka
lang ha. Babalik kami.” Si Liza.
“Malamang di
talaga ako makakaalis dito.” Pagbibiro ko upang kahit papaano mapawi ang
pag-aalala nila sa akin.
Nang maiwan ako
mag-isa, I tried to get some sleep pero si Miguel ang pumapasok sa isip ko.
Nasaan na kaya siya? Alam niya kayang nahulog ako? I am really sorry for him
dahil for the nth time, nasaktan ko na naman siya. Sana maka move on na siya at makahanap na ng
ibang babae na mamahalin higit sa akin. Teka, bakit parang nagselos ako sa
isiping yon? I can’t barely imagine, may kayakap at kahalikan si Miguel na
ibang babae. I think I’m hurt. The same feeling when I saw him and Julia. Ano
ba ito?! Stop Jane! Stop! Bigla nalang dumilim ang paligid.
-0-
Miguel’s POV
Shit Jane! Where
are you? Kanina pa ako tumatakbo paibaba pero hindi pa rin kita makita. “Jane!”
sigaw ko with all my heart. “Jane!” pero walang sumasagot sa tawag ko. Diyos
ko, parang awa niyo na po, let her be safe. Kasalanan ko to eh! Hindi sana siya nahulog sa
bangin kung hindi ko siya sinigawan. I love her so much that I don’t want her
to go. Bakit ba kasi yun ang nasabi ko? Damn you , Miguel! You’re a fool!
I chased her when she ran pero hindi ko siya
nahabol, all I heard was yung tili niya and I know something bad happened. I
tried to follow a trail downward, baka sakaling dito siya dumulas but no signs
of her. Meron pala, isang silver bracelet with her name. But still, no Jane.
“Jane!” Muli akong sumigaw hoping na sana
may sumagot. Kanina pa ako naglalakad paibaba pero bumabalik lang ako sa sanga kung
saan ko nakita ang bracelet ni Jane. Then I tried to turn to left, pero ganun
pa din. When I tried to moved right, ganun pa din. Pagod na ang katawan ko
kakalakad but still my heart and mind is still determined to see Jane. Mukhang
napaglalaruan na naman yata ako. Whoever you are, please not right now, I need
to find Jane first. Pag-akyat palang namin, may iba na akong nararamdaman.
Parang may mga matang nakatanaw sa amin. I just didn’t voice it out dahil alam
kong matatakutin si Jane, baka bigla nalang to magyayang umuwi. I was very
happy ng malaman kong kasama siya kahit pa na kasama ako. Yun nga lang, the
pain I’ve felt seven years ago, na refreshed lahat. Lalo pang nadagdagan ngayon
when she told me na wala na talagang pag-asa for us. Well, maybe she was right,
she already have Ken, so dapat talaga hindi na ko umasa and I regret the most
is yung pabayaan siya. Nag promise ako but I broke it. I wish she’s still here
by my side, relying on me especially when she’s so scared. All I want is to
protect her pero hinayaan ko ang emotions ko na mangibabaw. I can still imagine her teary eyes when she
ran. I shouldn’t let her feel the same pain that I felt. My God Miguel!
You’re still immature!
Nanghihinang
napaupo ako sa ilalim ng isang puno. Magdidilim na at ngayon ko lang naramdaman
ang sobrang pagod sa paglalakad, pagtakbo, pag-iisip at gutom.
“Pre!” may
tumapik sa balikat ko and it was Junie.
“Oh! Bakit ikaw
lang? Nasaan si Liza? Si Bez? Di ba kayo ang magkakasama?” nabigla ako ng
makita ko siya.
“Nagkahiwalay
kami..”malungkot nitong sagot sa tanong ko. “Nag-away kasi kami ni Liza and
then bigla nalang sila nawala ni Vangie.”
“What happened?”
tanong ko.
“Ayun, basted,”
Maiksi nitong sagot sabay kibit ng balikat. Alam ko masakit para dito ang
nangyari. He really loves Liza so much, high school pa lang kami crush na niya
ito. Saksakan nga lang ng torpe at lumakas lang ang loob two years ago. Buti pa
nga siya eh, Liza gave her a chance. Pero si Jane, bigla na lang lumayo when
all I know was okay kami, na naghihintay nalang ng right time for us to be
officially on. Yun pala, she saw that very regretful scene. Sana hindi nalang ako pumayag sa gusto nun ni
Julia na mag-usap pa kami kung yun lang din pala ang dahilan ng paglayo sa akin
ni Jane. Edi sana
kami ngayon.
Iniba ko nalang
ang usapan, “Jun, nagugutom na ako. Kanina ko pa hinahanap si Jane eh, Tara , pagkain muna ang hanapin natin.” Pagbibiro ko sa
kanya.
“Sige.” Pag sang
ayon nito.
“Waaaahhhhhh!!!!!!” Humahangos na paglapit sa amin ni Wendel.
“Oh, anong
nangyari?!” halos magkasabay naming tanong ni Junie sa kanya.
“May…May
humahabol sa akin, pre!” hinihingal nitong sagot.
“Sino?” tanong
ko ulit.
“Isang diwatang
lalaki. Akala niya ako yung ama ng pinagbubuntis ng diwatang mapapangasawa niya
sana .”
“Hah? Naka drugs
ka ba pre?” si Junie.
“Totoo ang
sinasabi ko! May mga lamang lupa talaga! Ngayon ka pa ba hindi maniniwala sa
mga pinagdaanan natin kagabi? Buti na nga lang at tinulungan ako ng diwatang
buntis para matakasan yung lalaki” paliwanag nito.
Kunsabagay tama siya. Mukhang wala na nga
yatang imposible sa bundok na ito.
Napabilis ang
oras, nung lumabas kami ni Jane at napunta sa isang veranda.
Mga bolang apoy.
Pabalik balik
ako sa lugar na ito kaya hindi ko makita si Jane.
Taong lumot na
humabol kina Junie.
Mga diwata.
“Ahhhhh!
Richard! Ano ba tong lugar na ito?!” sigaw ko.
“Relax lang
pre.” Mahinahong tugon ni Junie sa reaksiyon ko. Ang gulo na talaga ng mga
nangyayari. Tapos yung iba pa naming mga kaibigan, hindi pa namin kasama o
makita. Especially Jane, Diyos ko po sana okay lang siya. Hindi
ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.
“Migz, Jun, ano
ng gagawin natin?” si Wendel.
“Hanapin muna
natin sila Liza bago natin hanapin ang daan pabalik sa kubo.” Sagot ni Junie.
Yun naman talaga ang dapat naming gawin, pero hindi namin alam kung saan
magsisimula at kung saan maghahanap.
“Let just pray
hard na sana
magkakasama sila.”si Wendel ulit.
“Kung alam mo
lang Wendel, kanina pa ako nagdadasal ng taimtim na sana makita ko na si Jane. At sana okay lang siya.
Kasalanan ko eh kung bakit kami nagkahiwalay ngayon.” Sagot ko kay Wendel.
“Nasabi mo na ba
sa kanya lahat ng gusto mong sabihin?” tanong sa akin ni Junie. Sa totoo lang
halos lahat sila sa barkada alam ang nararamdaman ko. Si Jane ang pinakahuling
nakaalam.
“Oo. Kaya nga
kami nag-away eh,” Maikli kong sagot.
“Okay lang yan
pre.” Pag aalo ni Wendel., “Ang mahalaga, nasabi mo na lahat ng nakatago diyan
sa dibdib mo nuon pa simula ng iwasan ka niya.”
“At tsaka ang
mahalaga, mag kaibigan pa rin kayo. Kahit na hindi na talaga pwedeng maging
kayo, huwag mo nalang siya hayaang mawala pa kahit bilang kaibigan man lang,” dagdag
ni Junie. “Eh ako. Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin si Liza pagkatapos
ng naging pagtatalo namin. Mahal na mahal ko parin siya at nag aalala pa rin
ako sa kanya. Sana
din okay lang sila ni Vangie.”
“Anu ba yan?!
Nagiging mga emotero tayo. Tara hanap muna
tayong pagkain.” Yaya ni Wendel sa amin.
-0-
Jane’s POV
“Magkwento ka
na! Ano bang nangyari senyo ni Bez? Bakit ka nahulog sa bangin?” pangungulit ni
Vangie sa akin. Sa totoo lang ayoko pang pag-usapan yon eh. But knowing Vangie
and Liza, hindi talaga nila ako titigilan, if I also know, mga avid fans sila
ng love story namin ni Miguel since high school days. Huh? Love story nga ba?
Katatapos lang namin kumain ng hapunan. As usual mga bungang prutas na naman.
“Girls, sorry
ha. Imbes na hinahanap na natin ang daan pabalik, hindi kayo makalakad ng dahil
sa akin.” I felt guilty talaga. Filing ko isa akong alagain ngayon na hindi
pwedeng iwan. My back and legs are still aching, pati yung mga gasgas at sugat
ko, medyo mahapdi pa rin, although nilagyan na ni Vangie ng dahon ng bayabas.
“Pwede ba Merced ! Huwag mong ibahin
ang usapan! Ano ba talagang nangyari. Kwento na dali!” si Liza. Ang makulit
kong bestfriend, wala talaga akong naililihim dito. “Bawal matulog hangga’t
hindi nagkukwento.” Madilim na ang paligid. Tahimik na halos mga boses lang
naming ang pumupuno sa buong lugar. Nag bon-fire kami baka sakaling may
makakita ng usok at mahanap kami ng iba.
“Ito na!” sagot
ko. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang magkwento. “He confessed that he
still loves me.”
“Sus! Matagal na
naming alam yun. Ikaw lang ang hindi” pambabara ni Vangie.
“Edi hindi na ako
magkikwento?” balik ko dito.
“Sige lang tuloy
mo na!”si Liza at tumingin ito kay
Vangie, “Wag ka na kasing kumontra!”
I told them all
the things happened when we were together except for that sinful kiss.
“Ayun na nga,
sabi niya mahal pa din daw niya ako at kung may pag-asa pa daw ba for us even
though nandiyan na si Ken” napatigil ako ng muli kong maalala ang mga nangyari
habang magkasama kami ni Miguel lalo na nung hinalikan niya ako.
“Tapos?” parang
batang bitin sa chocolate si Liza.
“I said no.”
“Ayun na! End of
story,” Vangie concluded.
“No nga ba
talaga?” sinusukat ako ni Liza the way na makatingin siya sa akin.
“Yes?”
“Ang gulo mo
teh! Sakit mo sa bangs!” at hinawakan pa talaga ni Vangie ang buhok niya.
“Peste kasing
Julia yan. Napakaharot. Break na nga sila naghahabol pa. Yan tuloy, pareho
kayong nasaktan ni Miguel,” Sabay halukipkip ni Liza.
“Pero Bru,
naiintindihan ko naman si Julia eh. Sabi din niya sa akin dati na mahal pa rin
daw niya si Miguel. So I just gave way for them.” I defend Julia.
“Are you
blind?!”si Liza ulit, “Ikaw na ang mahal ni Migz and hindi na siya. Bakit ka pa
mag gi giveway?”
“Hayaan na
natin. Nakaraan na iyon. May Ken na ako. Tulog na tayo. Meeting is adjourn,” Nauna na akong humiga sa damuhan.
Chapter 8- The Realization
“Migz! Stop running! Hindi kita
mahabol!” Miguel is running away from me so swiftly. Bakit ganun siya? Ayaw
niya ba akong makasama? He turned to me and I saw tears in his eyes. Bakit siya
umiiyak? “Migz, stop! Mag-usap tayo!”
“I’m hurt.” That was all he said
and he continued to run. I stopped running and I left crying too.
“Jane! You had nightmares!”
nag-aalalang gising sa akin ni Liza.
“Nightmares ba yun? Baka naman
sweet dreams?” nagising rin si Vangie at nakangiti sa akin. Tumingin ako sa
palagid at medyo madilim pa. Maybe it’s
4 in the morning palang.
“Huh?” nagtataka kong tanong.
Nightmare? Sweet dreams?
“Sumisigaw ka kaya! At ang
sinisigaw mo lang naman ay ang pangalan ni Bez!” nakangiti pa ring tugon sa
akin ni Vangie.
Oh shit I remembered my dream! At
yun na naman ang eksena! “I don’t know.” Pagkakaila ko nalang. Dahil malamang
tatadtarin na naman nila ko ng asar.
“Sus! Kunwari ka pa! You can never
lie to me bez!”pambabara ni Liza. “May luha ka pa nga oh. Ano bang
napanaginipan mo? Para kang may hinahabol. I
wonder kung sino yun?”sabay kindat kay Vangie.
“You two shut up. Matutulog nalang
ulit ako. Madilim pa oh.” End of story
again.
“Tsk! Denial queen.” Nailing na
sabi ni Liza at humiga na rin ulit ito.
“Istorbo pa sa tulog.” Natatawang
tugon ni Vangie at tumabi na rin ito sa akin.
Hay nako. Ang mga kaibigan ko
talaga.
Bow.
-0-
Miguel’s
POV
Can’t sleep well. I wonder what
she’s doing right now. Did she have nightmares again? Last time na magkasama
kaming natulog, she’s shouting my name na parang hinahabol niya ako and I saw
tears in her closed eyes. I’m still blaming myself for losing her seven years
ago and again yesterday. Jane, I hope you’re fine.
Mahimbing na natutulog si Wendel
pero si Junie, pabiling biling ng higa, mukhang hindi rin siya makatulog.
“Pre.. Kawawa naman yung mga damo,”
Pagbibiro ko.
Umupo na rin ito at nag Indian sit.
“Iniisip mo rin ba siya? At sinisisi ang sarili mo dahil sa pagkawala niya?”
“Yes,” Maikli kong tugon.
“Bilang isang lalaking nagmamahal,
dapat yata we shouldn’t acted that way pre. We love them and yet mas inisip
natin ang mga sarili natin.”
“Oo nga Jun eh. In my case, Jane
was hurt seven years ago tapos ngayon nasaktan ko siya ulit. Despite my age,
napaka childish ko pa rin.”
“But at one point Migz, Jane was
wrong; he didn’t give you a chance to explain and she just decided to walk away
from you. Muntik pa ngang masira ang buhay mo noon buti nalang you changed your
mind at ituloy ang pag ka-college.”
Muli na namang nanariwa ang
nakaraan. Sabay kaming nag entrance exam noon ni Jane with same course but
after our graduation she backed out at nag-aral sa ibang school with a
different course. I was really devastated that time. Nawala ang inspiration ko
to go on with my dreams. Our dreams.
“Jane had reasons. She cared so
much about Julia. She’s willing to sacrifice her own happiness just for other
people. And because of that lalo ko lang siyang minahal pare. All these years,
siya lang talaga ang laman nito.” I pointed at my left chest.
“Pareho lang talaga tayo pre!”
nakipag apiran pa akin si Junie, “We’re bestfriends’ lovers.” At
nagtawanan kami dahilan para magising si
Wendel.
“Ingay! Magpatulog naman kayo!”
pabirong singhal sa amin nito.
“ Sensya na inlove lang!”sagot ni
Junie dito.
“Kayo na! Kayo na inlove!” bara
naman ng isa. Tawanan na naman. This time nakisali na si Wendel sa usapan.
Umupo na rin ito. Mga boses namin ang pumuno sa gitna ng gabing paumaga na.
“Pero seriously speaking mga dude,
dapat talaga we must fight for our love ones.” Pagseseryoso ng usapan ni
Wendel.
“Tama ka Wendz” segunda ko sa
sinabi niya, “as long as nagmamahal tayo, we shouldn’t let them hurt. Di bale
ng tayo ang masaktan, wag lang sila.”
“I attest. Dapat din naman they
should know and realize our value bilang nagmamahal ng tapat sa kanila.” Kontra
ni Junie.
“But not to the point na masasaktan
natin sila ng sobra.” Sagot ko. “Look June, kungdi nanguna ang mga emosyon
natin, edi sana
ngayon kasama pa rin natin sila. I have just also realized na kahit hindi na
talaga kami pwede ni Jane, just to have her around even as a friend would be
enough,” Malungkot kong tugon. Tinapik tapik ako ni Wendel sa balikat.
“Kunsabagay.” Pag sang ayon na rin
ni Junie. “Sana
pala hindi ko nalang siya ginanun. I already waited for two years, and I can
wait more. As long as lagi kaming magkasama at nagkikita, kahit walang
assurance, kuntento na ko. I love her so much.” Sabay tulo ng luha ni Junie.
Siguro ganun lang talaga, when it
comes to our love ones, napaka gaan ng mga luha natin. When Jane saw tears in
my eyes, I know she was also hurt for hurting me.
“Ako din I realized my girlfriend’s
worth lalo pa ngayon na malapit na siyang manganak. That fairy thought me
lessons. Una, ang pagiging isang ina ay hindi madali. Pangalawa, we must fight
for our love. Masaktan man tayo, who cares! Doon
tayo masaya eh. We must find way for our happiness.” Mahabang tugon ni Wendel.
To light things up, I clapped my
hands. “Ikaw na pre!” Tawanan na naman.
Hindi na kami nakatulog.
-0-
Jane’s
POV
Pabalik na ako sa tulog ko when
Liza spoke, “Bru, can I ask you something?”
Actually ayoko na ng conversations
but I can feel that my best friend needs me now.
“’No yun?”tanong ko. Mukhang heart
to heart talk ito.
“Am I really that mean to him?” so
she begin, “Nagi guilty kasi ako bru.”
Hindi ka ba naman kasi sira!
Babastedin mo yung tao tapos ngayon magiguilty ka.
“Alam mo kasi bru, stop searching
for someone that doesn’t exist. Lahat ng tao imperfect.” Syempre naman ayokong
maging harsh ngayon sa friend kong nagdadrama. Maybe next time! Hehe. “Huwag mo
ng hanapin kay Junie yung mga bagay na wala talaga sa kanya. And besides, be
contented nalang kung ano ang meron siya. Ang importante, mahal ka nung tao.
Take note, mahal na mahal.” Sermon ko sa kanya. Makapag bigay ako ng payo wagas
noh.
“What if huminto na talaga siya?
Gusto ko rin naman siya eh. Kaya lang I just feel that this isn’t the right
time yet. Not in this place, especially yesterday.”
“Liz, di ba ang sabi ni Junie, he’s
just aking kung kelan. Hindi ka naman niya pinipilit na sagutin mo siya as in
now na.” Napag-usapan na namin kanina what really happened between her and
Junie.
“Eh yun na nga bru eh, I really
don’t know when is the right time.”
“Isn’t two years enough?”
“I don’t know, really.”
“Don’t worry. Knowing Junie, mahal
na mahal ka nun. He won’t give up.” I assure her.
“Sana nga Jane. Huwag naman sana ngayon kung kelan gusto ko na siya.”
“Pwede change topic?” Naku ka! Alam ko na. Ako naman ang iintrigahin nito.
“Ako na naman?”
“Hindi . Si Migz.”
“Ay sus!” sabi na eh. Kulit talaga
nitong best friend ko.
“Jane Merced, magsabi ka ng totoo.
Wala na ba talagang feelings?” tinitigan ako ni Liza at waring sinusukat ako.
“To tell you honestly bru, I’m
confused.” Sige na nga, sasabihin ko na. Wala naman akong inililihim dito eh.
Siya ang mortal kong kaibigan. “I thought, wala na talagang feelings. Kaya nga
no big deal na sa akin kahit pa kasama natin si Migz sa bakasyon na ‘to. It was
just, every time na magkakatinginan kami sa mata, lahat ng feelings and
memories bumabalik. It’s so awkward especially when he confessed and now I’m
confused on what I really feel.”
“Bru, question lang. Masaya ka ba
nung nakasama mo si Miguel?”
Nanaig ang mahabang katahimikan. I
just feel inside of me. Was I?
“Knock! Knock!” kinatok pa ni Liza
ang noo ko. Nakatitig na lang pala ako sa kanya.
“I just realized that my answer
would be yes.”
“Ayun na!” eksaheradang expression
ng bruhang nasa harap ko. “Meron pa nga.”
“Huh? How come?” May feelings pa ba
talaga ako for him? “It shouldn’t be Liz, Unfair para kay Ken. I’m being
unfaithful.”
“Ano ka ba?. Unfaithful kaagad?
Hindi ba pwedeng nagpapakatotoo ka lang? Isa pa, all is fair in love and war.”
“But still, I shouldn’t be. Mahal
ako nung tao”
“At mahal ka rin ni Migz.”
“Liz.”
“Hindi sa mas pinapaboran ko si
Miguel, my point is, kung saan ka masaya ka edi dun ka.”
“How?”
“Try to follow your heart bru. Puro
ka kasi utak. Parang ako. Hahah! Mag best friend nga tayo.”
I just smiled at her but at the
back of my mind someone’s telling that Liza is right, all these years, mas pina
iiral ko ang isip ko against my heart. Seven years ago, and today.
“Bru, I think you’re right.”
Inaamin ko na ang isang katangahan. “ I was a fool when I decided to finish all
the things connecting me and Migz.” Napaluha na ko, remembering all those times
I’m trying to stay away from him. Even using Ken to totally forget him and let
him see na okay na ako without him.
“I thought it was all over between
us at friends nalang talaga kami but still, yung love ko for him more than a
friend andito pa rin.” I was already crying on my best friend’s left shoulder.
“I was deeply hurt when I saw him
crying because of what I told him Liz, kaya ako tumakbo palayo sa kanya.”
“Sssshhhhh…It’s okay bru. Everyone
who’s in love is hurting. Pareho lang kayong nasaktan dahil sa mga pangyayari
and with your choices”
“But how about Ken? Sinasaktan ko
rin siya sa mga oras na ito na nagko confess ako sa’yo.”
“Mabait na tao si Ken, he would
understand. I assure you.”
“Hope so.” Tumigil na ako sa pag-iyak
at mapait na ngumiti.
She hugged me tight,“After all,
iwan man tayo ng mga lalaki sa buhay natin, we have each other!”
“Yeah right!”
“Huwag ka lang matitibo sa akin
Jane ha!”
“Gaga!” sabay hampas ko sa kanya.
At nagkatawanan nalang kami. “So glad to have a best friend beside you.”
“Same to you, Bru!”
End of conversation.
Hug.
Chapter 9 - The Final Mishap
Masakit pa rin ang buong katawan ko nang
sinubukan kong bumangon pagka umaga. Wala na si Liza at Vangie sa tabi ko.
Naiwan na naman akong mag-isa. I hate this moment everytime I am alone.
Narerealize ko lang kasi all the things that I have done in the past and I am
always full of regrets. What if ganito, what if ganyan. Hay, Migz. Ano ba ‘to?
Kahit kailan, never kong inisip si Ken ng ganito. Ikaw lang. All this time, I
pretended that everything between us were already forgotten. Hindi pala. Tsk!
“Hoy! Emoterang palaka!” gulat sa
akin ng bestfriend kong kontrabida sa pag- eemote ko.
“Hindi ko alam kung si Ken ba o si
Bez ang nasa isip mo,” gatong pa ni Vangie.
“None of the above,” deny ko.
Tinirikan lang ako ng mata ng bestfriend ko. Halatang hindi naniniwala.
Magkarugtong na yata talaga ang mga bituka namin at daig pa ang kambal tuko. “Iniisip
ko kung paano tayo makakaalis sa lugar na to,” tanggi ko pa din sa tunay na
iniisip.
“Weh?” duet pa talaga sila.
“Oo nga,” ayokong umamin.
Nagkibit balikat nalang si Vangie
at tinaasan naman ako ng kilay ni Liza.
“Anong mga nakuha niyo?” pag iiba
ko ng usapan.
“Mangga tsaka saging,” sagot ni
Vangie.
“Oh. Miss Denial Queen,” sabay abot
sa akin ni Liza ng isang bungkos ng saging. Dalawang araw na kaming vegetarian
este fruitarian. Puro nalang prutas ang nakakain namin pero ayos lang ang
mahalaga hindi kami nagugutom.
“Kung Queen ako, Empress ka naman,”
depensa ko. Patay! Para na rin pala akong
umamin.
“Sabi sa’yo Vangie eh, nahuhuli ang
fish sa sarili nilang mouth. ‘Di ba bru?” ngingiti ngiting saad ni Liza. Sarap
talagang sabunutan nito eh gagawin ang lahat mapaamin lang ako. Tinanguan siya
ni Vangie tanda ng pag sang ayon. Hindi nalang ako sumagot at pinagkaabalahan
ang pagkain.
Akay ako nila Vangie at Liza habang
binabagtas namin ang daan na wala na yata talagang katapusan. Hindi namin alam
kung saan kami tutungo basta kung saan may trail na parang gawa ng tao yun ang
dinadaanan namin ngayon. Sana
makarating kami sa tamang patutunguhan.
-0-
Miguel’s
POV
Hindind hindi ko talaga mapapatawad
ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Jane. Kasalanan ko kung bakit
kami nagkahiwalay. At alam ko sa mga oras na ito ay ito rin ang nararamdaman ni
Junie. Sana
naman magpakita na sila at kung sino man kayong mga engkanto, please lang,
tigilan niyo na po kami, promise, makumpleto lang kami, bababa na kami kaagad
at hinding hindi na kami manggugulo sa inyo.
“Pare, okay ka lang?” Kasalukuyan
kaming naglalakad ng napahinto ako kaya’t binalikan ako ni Junie.
“O-oo,” sagot ko. Pero sa totoo
lang hindi talaga ako okay. Lagi ko nalang nararamdaman na may mga matang
nakatanaw sa amin. Ang weird talaga sa lugar na ito.
At ang nakakatuwa pa, dahil sa mga
pangyayaring ito maraming bagay ang naungkat.
-0-
Richard’s
POV
Siguro nga kasalanan ko ang lahat
ng ito. Tama si Wendel, sana
sa ibang lugar nalang kami nagpunta para mag spend ng long weekend. Ewan ko ba
at dito ko pa isi nuggest sa lugar namin kahit pa na alam kong nandito si Lola.
Oo, nakakasigurado ako, si Lola ang
may pakana ng lahat ng ito. Siya kasi ang punong tagabantay ng lugar na ito.
Actually hindi ko siya tunay na lola, lola lang ang tawag namin sa kanyang
lahat. Ang sabi ni Mama, nakilala ito ng lolo ko ng minsang mag hiking ito sa
bundok na iyon na pag aari na noon ng gobyerno, binigyan siya nito ng mga ginto
upang mabili ito sa gobyerno at doon na nanirahan. Patay na noon ang tunay kong
lola. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa kuwentong ito pero ng pinilit
naming buksan ang naka lock na kuwarto ni lolo at mabasa namin ang kanyang
lumang diary, totoo nga ang lahat. Ang nakapagtataka lamang, matagal ng hindi
nagpapakita ang fairy sa lolo ko.
“Rich, hindi kaya ngayon pa lang
pabalik ang lola mo?” teorya ni Marlon.
“Oo nga Rich, at natimingan tayo sa
pagbabalik niya,” dagdag ni Mary sa sinabi ng asawa.
“Sana naman, makabalik na sila dito,” tangi
kong nasabi. Dalawang araw ng nawawala ang mga kaibigan namin. Sinubukan naming
maghanap ngunit hindi talaga namin sila makita.
“Subukan kaya nating kausapin ang
lola mo? Pakiusapan natin na ibalik na sa atin ang mga kaibigan natin,”
suhestiyon ni Mary. Pero paano namin siya kakausapin eh hindi nga siya
nagpapakita sa amin.
“Papano?” si Marlon na ang
nagtanong ng nasa isip ko.
“Lola! Please! Sorry po kung
nagambala namin kayo,” nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Mary. Kasalukuyan
kaming nasa kubo at katatapos lang basahin ang diary ni lolo.
“Ma, ano bang ginagawa mo?”sita ni
Marlon sa asawa.
“Ang dali lang naman kasi ng
solusyon sa problema niyo eh. Kapag may sumagot sa atin edi ibig sabihin
nandito lang siya sa paligid,” si Mary.
“Ang tapang mo naman. Paano kung
biglang magpakita sa atin?” si Marlon ulit. Medyo nasasanay na ko sa
pagsasagutan ng dalawang ito. Sila lang ang kasama ko eh. No choice.
“Ano naman? Natatakot ka? Daig mo
pa si Jane,”
“Ehem,” singit ko. Para kasing back stabbing na yon. At baka sa away na
naman mapunta ang usapan ng dalawang ito.
“Lola, kung nasaan ka man, please
po. Tulungan niyo na kaming makumpleto ulit.” Sigaw ko na rin sa hangin.
Lumakas ang hangin dahilan upang magtayuan ang mga balahibo namin sa buong
katawan.
Mahabang katahimikan ang dumaan at
bigla na lang mas lumiwanag ang paligid. Tanghaling tapat ngunit mas
nakakasilaw pa sa sikat ng araw ang isang imaheng papalapit sa amin.
Nagulat kami ng bigla na lamang may
magandang babaeng lumitaw sa harapan namin.
Dikta
ng tunay na nararamdaman ang magbabalik sa tamang daan, tunay na nilalaman ng mga puso at dapat magpakatotoo. Puso’t isipan
ay dapat ipag-isa, upang makabalik sa piling ng isa’t isa.
Ito ang mga katagang pumasok sa
isipan ko.
Nilingon ko si Mary at Marlon.
Waring iisa lang kami ng iniisip.
“Yun din ba ang pumasok sa mga isip
niyo?” Inulit ni Mary ang mga sinabi ng magandang nilikha sa harap namin.
“Oo,yan nga!” sagot ko.
“Gusto namin silang tulungan,”
kausap ni Mary si Lola. Parang nasisiguro ko na siya nga si Lola, base na rin
sa pagkakasulat ni Lolo sa diary niya, tugmang tugma sa babaeng ito.
Inilabas nito ang isang malaking
dahon na parang may salamin sa gitna mula sa kanyang likuran.
We were really amazed ng magreflect
sa dahon ang mga kasalukuyang nangyayari kina Jane. Magkakasamang naglalakad
sina Miguel,Junie at Wendel, habang sila Jane,Liza at Vangie naman ang
magkakasamang nakaupo sa ilalim ng isang puno.
“Jane!Liza!Vangie!” sigaw ni Mary
sa mga kaibigan namin.
“Maririnig kaya nila tayo?” tanong
ko kay Marlon.
“Subukan nalang natin,” sagot nito
sa akin at sinigaw rin niya ang pangalan nila Miguel, Junie at Wendel.
-0-
Jane’s
POV
Nagulat kami ng marinig namin ang
boses ni Mary. Para siyang nag vo voice over
sa isang movie. Hindi naman namin siya makita.
“Mary! Nasaan ka?” sigaw ni Vangie.
“Makinig kayo,” muling nagsalita si
Mary. May sinabi siyang isang riddle. Masyadong malalim, hindi ko maintindihan.
“Yan ang susi para makabalik kayo dito sa kubo at para makauwi na rin tayo.”
“Naguguluhan ako. Hindi ko
maintindihan ang mga sinasabi mo Mary!” sigaw na rin ni Liza.
“Mary! Nasaan ba kami?” sigaw
tanong ko na rin. Pero wala ng sumagot sa amin.
Dikta
ng tunay na nararamdaman ang magbabalik sa tamang daan, tunay na nilalaman ng mga puso at dapat magpakatotoo. Puso’t isipan
ay dapat ipag-isa, upang makabalik sa piling ng isa’t isa.
Anong ibig sabihin nito?
-0-
Miguel’s
POV
Nagbigay si Marlon ng isang
palaisipan na mahirap maintindihan. Masyadong malalim at hindi namin maarok ang
kahulugan.
“Ano ba yan?! Sana tinuro nalang nila yung tamang daan,
hindi yung pinag iisip pa tayo. Para namang
walang sense yung sinabi niya eh.” Reklamo ni Junie.
“Kahit papaano naman nabigyan tayo
ng pag-asa. Kailangan lang nating masagot yung bugtong na iyon,” sagot ko dito.
“O sige nga! I interpret mo nga
yung sinabi ni Marlon,” hamon nito sa akin.
Sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan eh.
Masyadong malalim ang hirap sisirin. Kibit balikat lang ang isinagot ko sa
kanya.
Inulit ni Wendel ang ang mga sinabi
ni Marlon.
“Kailangan nating mapakatotoo sa
tunay nating nararamdaman. Tama! Lalo ka na Migz! Ano bang totoo mong
nararamdaman?”
Junie’s
POV
Kalokohan! Anong kinalaman ng
pagkaligaw namin sa pesteng bundok na ito sa nararamdaman ni Migz?
“Puro ka talaga kalokohan Wendel.
Siguro magkasambwat kayo nila Marlon noh. Pinagtritripan niyo kami. Umamin ka
na nga!” singhal ko kay Wendel. Akmang uupakan ako ni Wendel ng harangin ito ni
Miguel.
“Gusto ko ng umuwi.” Sagot ni
Miguel. “Pero mas gusto kong makita si Jade, makapag sorry sa kanya at magkaayos
kami.”
“Pare, baliw ka na! Huwag mag pa
uto diyan kay Wendel. Pinagtitripan lang tayo niyan.” Sagot ko dito. Masyado na
kaming natotoxic ng mga pangyayari kung kaya’t ano ano nalang ang pumapasok sa
mga utak namin. Trip lang talaga ito. Isang malakas na trip!
“Bakit ikaw Jun? Ano bang tunay
mong nararamdaman ngayon?” tanong sa akin Miguel. Ano nga ba? Siyempre si Liza.
Kahit na nag-away kami bago kami magkahiwalay, siya pa rin ang nasa isip ko. Na
sana magkaayos
rin kami.
“Si Liza di ba?” singit ni Wendel.
Nahihiya akong tumango sa kanila.
“Anong kinalaman non sa tamang daan
pabalik?” asik ko sa mga ito.
“Our true feelings will lead us to
the right way,” parang nagliwanag ang mukha ni Miguel at nauna na siyang
naglakad sa amin.
“Alam mo ba kung saan tayo
pupunta?” tanong ko dito.
“Pakinggan mo ang puso mo,”
makahulugan nitong sabi sa akin. Tama siya. Kaya’t sumunod na ako sa kanya sa
paglalakad. Parang nakikita na namin ang tamang daan.
-0-
Jane’s
POV
Hindi ko talaga magets! Ang labo ni
Mary! Ano bang ibig sabihin ng mga pinagsasabi niya. For the nth time na inulit ulit itong sabihin
ni Vangie, hindi ko talaga maintindihan o sadyang slow lang talaga ako
pagdating sa mga mazes at brain challenge.
“Tunay na nararamdaman ang siyang
magiging daan…” Unli talaga to si Vangie. Paulit ulit nalang.
“Kailangan talaga paulit ulit?”
naririndi na rin si Liza.
“Bakit naintindihan niyo ba?” sagot
rito ni Vangie, “kaya nga inu ulit ulit eh para magets natin yung sagot.”
“Piling ko pinagtitripan lang nila
tayo,” theory ng bestfriend kong medyo asar na sa mga nangyayari.
“Grabe namang trip to. Napahamak na
nga ko eh,” sagot ko naman.
“Tanga ka lang talaga kaya ka
nahulog, masyado kang nagpadala sa emosyon mo,” sermon sa akin ng bruha kong
kaibigan.
“Tseh! Kala mo naman siya.
Makapagtago ng totoong feelings wagas na wagas,” depensa ko.
“Totoong feelings?”si Vangie,
“tunay na nararamdaman.”
“Oo te! Na translate lang!” mataray
na sagot ni Liza.
Tama. Ito yung bugtong. Kailangang
pag-isahin ang puso’t isipan sa totoong nararamdaman upang makita ang daan.
Akalain mo yun, nagets ko! Nauna na kong tumayo mula sa kinauupuan ko at iika
ikang nauna ng naglakad.
“Hoy, bru! San ka pupunta?” takang
tanong sa akin ni Liza.
“Sa tamang daan,” sagot ko.
“Huh? Tamang daan?” nagtataka pa
rin ito.
“Sumunod ka nalang. Tsaka isipin mo
rin yung totoo mong nararamdaman. Puso’t isipan ay pag-isahin upang mahanap ang
tamang daan.” Nakangiting sagot ni Vangie rito. Hinabol ako ni Vangie upang
alalayan sa paglalakad.
“Okay na ko Vang. Kaya ko na.
Thanks!”” pasasalamat ko kay Vangie. Ewan ko pero parang ang bilis maghilom ng
mga sugat ko at unti unti umaayos na ang paglalakad ko.
“Sigurado ka ha?”
“Yupp! Thanks!” nakangiti kong
pagbibigay assurance sa kanya.
“Hey! Hintayin niyo ko!” habol sa
amin ni Liza.
“Nagets mo na?” tanong ko sa kanya.
“Ayaw niyo kasing i-elaborate eh,
pero okay na nagets ko din Bru, at wala namang masama kung susubukan nating
maniwala at magpakatotoo sa nararamdaman natin di ba?”
“Tamaaa!” si Vangie. Tawanan kaming
tatlo.
Parang alam na namin kung saan ang
daan, somewhere in our mind, may nagdidikta kung saan ang tamang daan.
Chapter 10- The Reunion
Jane’s
POV
Isang pamilyar na bulto ang
patakbong sumalubong sa akin paglagpas namin sa isang mayabong na puno at agad
ako nitong niyakap.
“I’m sorry Jane,” umiiyak na sabi
ni Miguel sa akin. I don’t know what to say or to do. Naramdaman ko nalang na
parang nanghihina ang tuhod ko at umiiyak na rin pala ako.
I really love this man. Matagal kong tinago
ang tunay na nararamdaman dahil ayoko ng masaktan pa. “Salamat naman at ligtas
ka. Kayo.” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at ang higpit pa rin ng yakap niya
sa akin, parang ayaw na niya akong pakawalan.
“Migz,” tangi kong nasabi, actually
hindi na ko makahinga.
“Ah, bez. Parang hindi na yata
makahinga si Jane. Konting luwag naman,” singit ni Vangie sa moment namin ni
Miguel.
“So-sorry,” nahihiya nitong sabi sa
akin.
“Okay lang. Sorry din Migz, to hurt
you ng maraming beses.” Sincerely kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at
hinawakan ang kamay ko.
“Tara na, hanapin na natin ang daan
pabalik sa kubo,” Miguel and I lead the way.
-0-
Junie’s
POV
Hindi ko alam kung ano anu unang
gagawin ng makita namin ulit ang mga girls, pero ng makita kong agad niyakap ni
Migz si Jane, hinila ko si Liza sa isang tabi upang makapag-usap kami.
“Sorry, Liz kung naging makitid ang
pang-unawa ko,” intro ko. Medyo kinakabahan ako eh, pero sabi nga ni Marlon,
totoong nararamdaman, kailangan ko lang magpakatotoo.
“Okay lang yun, naiintindihan kita
Jun, hindi biro ang dalawang taon na paggugol mo ng panahon sa akin,”sagot ni
Liza sa akin.
“I’m willing to wait Liz, another
year is not that bad. Nandito na ko, hindi na ko titigil. Sana lang payagan mo
ulit ako manligaw sa’yo,” paalam ko sa babaeng pinakamamahal ko.
“Oo naman,” nakangiti niyang sagot
sa akin. “Tara na?”
“Okay,” para akong nakahinga ng
sobrang luwag.
-0-
Jane’s
POV
Sinalubong kami ng mag-asawa naming
kaibigan at ni Richard. May isang nakakasilaw na magandang babae sa likod ni
Rich.
“Ikaw yung tumulong sa akin!” sigaw
ni Wendel dito. Naikwento sa amin kanina ni Wendel yung nangyari sa kanya.
Ngiti lang ang itinugon nito sa
amin.
Ako
nga iyon. At yung mga nangyari sa inyo, yun ang mga pagsubok na ibinigay ko kay
Carlos at nalampasan niya lahat iyon.
“Sinong Carlos?” takang tanong ko.
Hindi ko alam kung sa utak ko lang ba pumasok ang mga bagay na ito.
“Siya ang lolo ko,” si Richard ang
sumagot sa tanong ko, “Ang galing noh, nakakausap niya tayo gamit lang ang
isip. At lahat ng napagdaanan niyo, nabasa namin sa diary ni lolo.”
“Parang pang welcome lang ni Lola
sa atin yon,” dagdag pa ni Mary, “at least, napaamin ang dapat umamin.”
Alam ko namang kami ang
pinatatamaan niya. Bigla kong binawi ang kamay ko na hawak pa rin ni Miguel.
Ngunit kinuha pa rin niya ang kamay ko.
“Pero bakit ngayon lang po kayo
bumalik? I mean, bakit ngayon lang kayo nagpakita eh matagal na po kayong
hinihintay ni lolo?” curius kong tanong.
Bago pa man kayo pumunta sa lugar na ito ay
nagkikita na kami. Nais niyang bigyan kayo ng hindi malilimutang bakasyon.
“Si lolo talaga, pasensiya na kayo
guys ha,” nahihiyang sabi sa amin ni Richard.
“Okay lang yun Rich, sobrang
unforgettable nga talaga ng bakasyon na ito,” si Junie.
“Ang mahalaga, kumpleto pa rin
tayo,” dagdag ni Vangie.
“At naturuan ng leksiyon ang mga
dapat turuan,” parinig na naman ni Mary.
“Daldal mo teh!” react ko sa sinabi
niya.
“Ay tinamaan siya Ma,” tawanan ang
lahat sa sinabi ni Marlon.
Hindi na namin napansin ang biglang
pag-alis ni Lola.
-0-
Naghahanda na ang lahat sa pagbaba
ng lapitan ako ni Miguel, “Jane, can we talk?”
“Okay,” sagot ko. Iniwan ko saglit
ang mga nililigpit kong gamit sa kuwarto at sumama kay Miguel palabas ng kubo.
Tumungo kami sa dalawang puno na may nagdudugtong na duyan. Umupo ako sa duyan
at tumabi siya sa akin.
“Ano yon?” tanong ko although may
idea naman na ako kung ano ang gusto niyang pag-usapan.
“About us. I know that you and
Ken….” Napahinto siya sa pagsasalita at parang hindi na alam kung ano pa ang
mga sasabihin.
“I love you,” deklarasyon ko sa
kanya. Biglang namutla si Miguel sa naging deklarasyon ko. No reason to hide it
anymore, better to say it now, kaysa mawalan pa ako ng pagkakataon. Our trip
here teaches me a lot.
“Ji-Jane..” nauutal niyang bigkas
sa pangalan ko. Gusto kong matawa sa shock na nakikita ko sa mukha niya pero I
chose not to.
“But we have to make one step at a
time. I need to talk to Ken and clear all things first with him. I hope you can
wait.”
“Buong buhay ko, ikaw lang ang
ginusto kong makasama Jane, more than seven years na ang lumipas pero ikaw pa rin. To wait
for more years is not a bad idea.”
“Salamat,” tangi ko nalang nasabi
sa kanya.
“Thank you din for realizing na ako
pa rin ang mahal mo.” Migz hugged me. And again sobrang higpit na naman.
“Hoy! Nilalanggam na kayo diyan!
Ano? Diyan na lang kayo? Wala na kayong balak bumaba ng bundok? Dito na kayo
titira at bubuo ng pamilya?” sermon sa amin ni Richard.
Natatawang sinundan na lang namin
siya ni Miguel papunta sa kubo at itinuloy na ang pagliligpit ng mga gamit
namin.
WAKAS. : )
No comments:
Post a Comment