Saturday, October 12, 2013

Niza - The Heiress



She thought that her current boyfriend Gary would be the one for her,. She even gave up her career, her family and even her friends, Playful Hearts just for this guy.
But then she was wrong but it’s okay because that mistake leads her to the right one for her.

All rights reserved.





Chapter 1 –  After Graduation

Chapter 2 – Gary in her life

Chapter 3- Another heartache

Chapter 4 – Returning to playful hearts

Chapter 5- Turning Point

Chapter 6 –The Deed of Sale 

Chapter 7- Kiss and Make-up.

Chapter 8-  Returning of the Past

Chapter 9- Wrong Choice. 

Chapter 10- Setting Free

Chapter 11-  Playful hearts to the rescue

Chapter 12-  Playful Heart's First Wedding








Chapter 1 – After Graduation
It was exactly six months after their college graduation, nang magpost si Jadey sa sarili nitong wall sa kanyang facebook account ng mga naglalakihang letra, “PAG GUSTO MAY PARAAN, PAG AYAW MARAMING DAHILAN! MAGSAMA KAYO! WALA KANG KUWENTANG KAIBIGAN!”
Nagcomment si Niza dito, “okay,” alam niyang siya ang pinatatamaan nito. Hindi kasi siya sumama kagabi ng magyaya itong lumabas silang magkakaibigan. Siya lang ang hindi nakapunta. Tatlong beses na siyang hindi sumisipot kapag may get together silang mga playful hearts. At ang lagi nitong dahilan ay ang boyfriend niya na si Gary. Lagi kasing natataon na kapag nagyayaya ang mga ito ay may lakad din sila ni Gary, o di kaya naman ay nasa bahay nila ito. Kaya’t hindi na siya makaalis. Kagaya kahapon, nagpaalam siya dito ngunit hindi siya pinayagan. Pupunta daw sila sa bahay ng lola ni Gary sa Cavite at gagabihin na sila ng uwi.
“Magtatampo na naman sa akin ang mga kaibigan ko,” sabi niya kay Gary.
“Kung talagang kaibigan mo sila, maiintindihan ka nila. Ang kaibigan, nandiyan lang yan,” dahilan nito sa kanya. Wala na siyang sinabi dahil ayaw niyang mag-away  na naman sila ng dahil lang sa mga kaibigan niya. Huli niyang nakasama ang mga ito nung kuhaan ng transcript of records nila pagkatapos nun ay umuwi na kaagad siya sapagka’t naghihintay na sa kaniya si Gary.  She hoped that her friends would really understand her. Pero mukhang hindi yata siya kayang intindihin nitong si Jadey. In fairness to Jadey, she manages to balance her time between her friends and her boyfriend, Arvin. Kaya siguro galit ito sa kanya dahil may boyfriend din naman ito pero lagi itong present pag may mga lakad silang magkakaibigan.
“Hell! With your boyfriend!” balik sagot dito ni Jadey sa ikinoment niya.
“Thanks!” sarkastiko niyang sagot. She thinks Jadey is not a real friend dahil hindi siya nito maintindihan.
“Ano ba kayo?! Tama na yan!” naka-online din si Sheldine. Kasalukuyan kasi itong nag-a upload ng mga pictures nila kagabi.
“@Sheldine,  na ko sa bestfriend mo lola!  kasi itong nag-a upload ng mga pictures nila kagabi.
akad silang magkakaibigan.
rds niPunong-puno na ko sa bestfriend mo lola! Grumadweyt lang tau, para na siyang walang kaibigan! Magsama sila ng boyfriend niya!” galit pa ring sagot ni Jadey.
“Talaga! Fine! Ikaw ang walang kwentang kaibigan dahil hindi ka marunong umintindi!” sagot naman ni Niza.
“Sige, yang boyfriend mo nalang ang intindihin mo! Wala ka ng kaibigan!” sagot ulit ni Jadey.
“Not my loss!” sagot na naman ni Niza dito.
“Ano ba hearts! Tama na nga yan. Jadey, hayaan na lang natin si Niza, kung diyan siya masaya,” awat pa rin ni Sheldine. “Thanks bez! Buti ka pa, marunong kang umintindi,” pasaring ni Niza kay Jadey.
“@Niza, ur not welcum. Naiintindihan ko si Jadey, at pinipilit nalang din kitang intindihin dahil bestfriend kita. Sana maintindihan mo din si Jadey kung bakit siya galit  sa’yo,” litanya nito kay Niza. Sa totoo lang, masama rin ang loob nito kay Niza. Pilit na lamang niyang iniintindi.
“Opo, lola,” maikli niyang sagot.
“FB Account ko toh! Dun kayo mag-usap sa wall niyo!” pagtataray pa rin ni Jadey.
Hindi na sumagot si Niza.
Sa playful hearts umikot ang mundo ni Niza during her college years. Pero mula ng mainlove siya kay Gary ay nahati na ang atensiyon niya. Dun na nagsimula ang madalas nilang pag-aaway o tampuhan ni Jadey. Ito kasi ang madalas niyang kasama noon kahit pa na si Sheldine naman talaga ang bestfriend niya since gradeschool. Tahimik siyang tao at si Jadey naman ay napakadaldal but they clicked. Naging human diary siya ni Jadey. Lahat ng progress sa lovelife nito ay nakarecord sa brain memory niya. Pero mula ng maging sila ni Gary ay madalas na itong magtampo sa kanya. Jadey is very sensitive at napakalakas magtampo. Minsan nga feeling niya super possessive na ito sa mga kaibigan niya. Gusto kasi nito kapag may mga lakad o gimik, dapat ay kumpleto silang pito. She also thinks that Jadey is sometimes dominant pero kahit ganun ito, ipagtatanggol ka talaga nito hanggang patayan. That’s what she really love about this girl, importante ka sa kaniya once na maging kaibigan mo siya. Niza is very quiet, shy at gusto ay yung walang pumapansin sa kanya. Sa kanilang pitong magkakaibigan, ito ang pinakatahimik at pinakamahiyain. Kahit pa na maganda naman ito at matalino, she chose not to be outspoken, di tulad ng mga kaibigan niya na sina Jadey, Sheldine, Lizen, at Tulips na malalakas ang personality. Siya at si Mafeth lang ang medyo tahimik sa grupo although si Mafeth, nahahawa na rin ng kaingayan ng grupo nila.
Niza came from a broken family. May sarili ng pamilya ang daddy niya sa Zambales simula ng ma- annul ang kasal nito mula sa kanyang ina. Ang mommy naman niya ay nananatiling single at kasalukuyang nagpapatakbo ng isang mini grocery. Tatlo silang magkakapatid na pawang mga babae at siya ang panganay. Ang kanyang kambal na kapatid na sina Myra at Myrna ay kasalukuyan namang nag-aaral sa kolehiyo. Si Myra, tourism ang kinuha at si Myrna naman ay nursing. Nasa ikatlong taon na ang mga ito. Since siya ang panganay and she graduated Business Management, gusto ng kanyang ama na sa kanya ipa asikaso ang hasyenda nito sa Zambales. It is a 100 hectare land of different breeds of mangoes. Meron ding bahagi nito ang babuyan, manukan at mga kambing. Ilang beses na niyang tinanggihan ang ama dahil para sa kanya, hindi siya nababagay rito. Isa pa, natatakot rin siyang pangasiwaan ito dahil ayaw niyang masisi once na malugi ito. Masyadong mahina ang loob niya para magpatakbo ng isang malaking lupain gaya nito. Kuntento na siya sa pagtulong sa ina sa mini grocery nito. Ni ayaw rin niyang mag-apply sa mga malalaking kumpanya kahit pa na maganda naman ang scholastic records niya. At ang pinakadahilan niya upang hindi pamahalaan ang hasyenda ay si Gary. Malalayo kasi siya rito. A day without him, feels like a decade already for her. Mahal na mahal niya ang boyfriend.
For her, Gary came along at the right time when she badly needed a man in her miserable life.
Ito ang hindi maintindihan ng mga kaibigan niya kung bakit ganun na lamang ang ginagawa niyang pagpapahalaga sa nobyo.
---------------------------------------
“Ano, hindi na ba kayo mag-uusap ni Jadey, kahit kailan?” tanong ni Sheldine sa kaibigan. Regular itong pumupunta sa bahay ng kaibigan.













Chapter 2- Gary in her Life
She was second year in college when her parents’ marriage finally came to an end. Matagal niyang ipinagdasal na sana ay mabubuo pa rin ang kanyang pamilya. Pero malabo na nga itong mangyari dahil may iba ng kinakasama ang kanyang ama at mukhang masaya na ito sa piling ng bago nitong pamilya sa Zambales. It was his childhood love. Nabuntis kasi ng kanyang ama ang kanyang ina kaya’t pilit na ipinapakasal ang mga ito at siya ang  bungang iyon. Ikakasal na rin daw sana noon ang kanyang ama sa kababata nito ngunit dahil nga sa nangyari ay naghiwalay ang mga ito. Nagkakilala ang kanyang mga magulang sa Subic. Laking Maynila ang kanyang ina at doon sa Zambales permanenteng nakatira ang kanyang ama. Nang ikasal ang mga ito, they decided to stay in Manila dahil mas komportable rito ang kanyang ina. Isa pa, para na rin daw, malayo ito sa kababata nitong muntik ng pakasalan.
Their marriage life has been so miserable. Ramdam iyon ni Niza at pati na rin ng kambal niyang kapatid. They had endless fights at upang maiwasan ang mga ganitong eksena na nasasaksihan nilang magkakapatid ay naging madalang na lamang umuwi sa kanilang bahay ang kanyang ama. She hated her family. Ito ang bumuo sa personality niya which is: shy, timid at over sensitive. Si Sheldine ang nagsilbi niyang tagapagtanggol nung elementary hanggang college sila. And when playful hearts was built, she felt so much secure and happier with these girls. Pakiramdam niya kapag kasama niya ang mga ito ay nakakalimutan niya ang mga problema niya sa bahay, at binigyan siya nito ng positive outlook sa buhay. Umasa siya na magkaka ayos pang muli ang kanyang mga magulang but she was wrong. She felt devastated ng mabasa ang annulment papers ng mga magulang. Parang gumuho ang mundo niya ng araw na iyon. Sa kasamaang palad, nung araw din na iyon, nakita niya sa mall ang boyfriend na si Drei kasama ang isang babae.The rumor was true! Karelasyon nga nito ang muse ng kalaban nilang college department sa basketball. Wala siyang lakas upang kumprontahin ang mga ito. Buti na lang at kasama niya sina Jadey, Lizen at Sheldine. Bibili lang sana sila ng mga gagamitin para sa school project ng aksidenteng mahagip ng mga mata ni Niza ang kanyang boyfriend na may dalang bag ng babae at kaholding hands pa ang babaeng ito na schoolmate din nila. They have been together for almost a year and Drei was her first boyfriend kaya sobra niyang minahal ito. Wala siyang nagawa kundi ang tumakbo sa CR at nag-iiiyak. Sinundan siya ni Sheldine upang i-comfort at sinugod naman nila Lizen at Jadey si Drei at kinumpirma nga nito na girlfriend din niya ang kasama. That day was their official break up ayon na rin sa mga kaibigan niya.
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Gary ng makita siya nito sa playground ng subdivision nila, nakaupo sa duyan at tahimik na lumuluha. Kinakapatid at kapitbahay niya ito.
Iling lang ang sinagot niya. She didn’t want to say anything. Ni ayaw nga niya ng kausap.
“Mas gagaan ang pakiramdam mo kung ishi-share mo iyan,”
“Just leave me alone. That’s all I want,”
“Mas kailangan mo ng kausap,”
“Hindi. Ayoko,”
“Edi sige, kasama nalang,” umupo si Gary sa tabi niya.
Itinuloy lang ni Niza ang tahimik na pagluha. At matiyagang tinabihan lang siya ni Gary.
Nang maramdaman ni Gary na tapos na siyang umiyak ay muli siya nitong kinausap, “Okay ka na?”
Tango lang ang isinagot niya at kahit papaano lumuwag na ang nararamdaman niya.
Hindi niya namamalayan, nagkukwento na pala siya kay Gary ng mga hinaing niya sa buhay at natagpuan nalang niya ang sariling tumatawa sa mga jokes nitong corny naman.
After that conversation, they became regular textmates. For almost 19 years na magkapitbahay sila at magkaibigan ang kanilang mga ina ay hindi sila naging close. Ngayon lang. Ni hindi nga sila naging magkalaro nung mga bata pa sila. Lagi lang kasing nasa loob ng bahay si Niza kalaro ang kapatid niyang kambal.
Sa paglipas ng panahon, unti- unti na ring natanggap ni Niza ang mga masasaklap na pangyayari sa buhay niya katulong ang mga kaibigan at siyempre ni Gary. They became more than friends at pagtuntong niya ng 3rd year college ay opisyal na siyang niligawan nito.
“Nize, may sasabihin ako,” naglalakad na sila pauwi galing simbahan.
“Ano yon?” tanong ni Niza sa kasamang si Gary.
“Pwede ka na bang magmahal ulit?”
“Ha?” nagulat si Niza sa itinanong sa kanya ni Gary. Sa totoo lang, matagal na niyang nakalimutan si Drei. Hindi na rin siya galit dito kahit sa girlfriend nito. Salamat sa mga kaibigan niyang tinulungan siyang maka move-on kaagad. At pati na rin kay Gary na laging nandiyan para damayan o samahan siya.
“Hindi mo naman kailangang sagutin,” nahalata kasi nito ang pagkabigla ng kasama sa itinanong  niya.
“Oo naman. Actually matagal na,” pag-amin ni Niza sa tunay na nararamdaman. She can say that she already fell for this guy na lagi niyang kasama at karamay. Natatakot lang siyang ipagtapat rito ang nararamdaman dahil baka madisappoint lang siya sa magiging reaksiyon nito.
“Talaga?! So pwede ka ng ligawan?” tanong ulit nito.
“Nino?” balik tanong naman niya. Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang. Nasabi lang ito ni Niza sa sarili.
“Ah, eh..Yung kaibigan ko!”
Akala ko, ikaw. Ikaw na lang kasi! Nahiya si Niza sa sarili sa mga pinagsasabi niya sa isip. Siguro nga hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Kinakapatid. Kababata. Kapitbahay. Bestfriend.
“Anong pangalan niya?” tangi niyang naitanong although hindi naman siya interesado na makilala ito.
“Ga- Gary Ong Madrid,” pag-amin nito. Siya naman talaga ang gustong manligaw dito noon pa. At hindi siya makapapayag na may iba pa siyang maging karibal sa puso ng dalaga kahit pa ang pinakabestfriend niya na alam niyang may gusto rin dito. Highschool pa lang sila ay gusto na niya itong ligawan pero nag-aalangan siya. Sa estado pa lang ng kanilang buhay, dehado na siya. Ulila na kasi siya at hindi na rin siya nakapag kolehiyo. Kaya’t nahihiya siyang lumapit dito. Noon naman nang nagkalakas loob na siyang puntahan ito sa kanilang bahay ay nakita naman niyang hinatid ito ng isang lalaki na marahil ay kasintahan nito and later on, nalaman rin niyang iyon pala si Drei. Muli siyang nabuhayan ng loob na lapitan ito ng makita niya itong nag-iisa sa park. Mula noon, naging close na sila ng dalaga at sobra ang sayang naidulot nun para sa kanya. At least, friends sila.
Natawa si Niza sa huli nitong sinabi at nauna ng naglakad.
“Teka lang. Bakit pinagtatawanan mo ko? Seryoso ako.” Habol nito kay Niza.
“Ang kokorny na ng mga jokes mo, ang torpe mo pa!” patuloy pa rin sa pagtawa si Niza.
Napakamot nalang ng ulo si Gary, “at least napapatawa kita. So ano? Payag ka ba?”
“Oo,”
“Pumapayag ka ng ligawan ko, o maging tayo na?”
Tumigil sa paglalakad si Niza at nag-isip. Ano nga bang isasagot niya?
“Pwedeng pareho?”
Sa sobrang tuwa ni Gary ay napa Yes! pa ito at tumalon. Sabay yakap kay Niza. “Salamat! Sobrang pinasaya mo ako, thank you kay Lord, dininig niya yung panalangin ko kanina,”
“Basta, huwag mo kong sasaktan ha?”
“Hindi ako katulad ni Drei. Pangako.” Sinsero nitong pahayag kay Niza.
Their both happy. It was a perfect Sunday, indeed.  







Chapter 3 – Another Heartache
Simula ng maging sila ni Gary ay madalang nalang siyang sumama sa mga lakad ng barkada. Kung dati, after class ay tumatambay pa sila sa katapat na park ng University nila, o di kaya naman ay sa mall, pero madalas ay sa garden ng school, ngayon, maaga na siyang umuuwi upang makasama si Gary. Kung sumama man siya sa lakad ng barkada ay kasama rin nito ang boyfriend. Minsan naiinis na rin ang ibang playful heart niya sa ginagawa niya pero pilit na lamang nila itong iniintindi.
“As usual, maaga na naman siyang uuwi. Tara girls,tayo nalang pumunta sa Bookstore para sa scrapbook ng barkada. Nakakahiya naman kay Niza, may naghihintay na sa kanya,” nauna ng naglakad si Jadey papunta sa sakayan ng jeep.
“Pasensiya na kayo hearts ah! Monthsarry kasi namin ngayon,” si Niza.
“Sige ingat ka,” hinalikan ni Sheldine sa beso ang kaibigan.
 “Lagi nalang kayo nagdidate, nakakainggit naman kayo.” Si Tulips.
“Inggit ka diyan, nakakaselos na nga eh, Bye!” paalam na rin ni Xyrish.
“Whatever!” mataray naman na sagot ni Lizen at sumunod na kay Jadey.
 --------------------------------
Fourth year college
“Bakit ganun? May boyfriend din naman ako ah! Pero may oras pa rin naman ako sa inyo outside school, nakakainis na talaga siya.” Paghihimutok ni Jadey. Nasa silid sila ngayon ni Sheldine at as usual si Niza na naman ang wala. Nasa Cavite daw ito, sa bahay ng ng lola ni Gary.
“Hayaan nalang natin. Masyado lang siguro talaga siyang nakadepende na sa boyfriend niya,”pagtatanggol ni Sheldine dito.
 “Hindi ka ba nagtatampo? Birthday mo ngayon pero wala siya, naturingang bestfriend, parang walang paki-alam!” si Tulips.
“Yun na nga eh, pinagpalit tayo sa boyfriend. Dapat may boyfriend o wala, may time pa rin tayo sa mga kaibigan natin,” si Lizen.
“Grabe kaya yung ginawa niya sa akin kahapon, iniwan niya ako sa loob library dahil nasa labas na daw ng campus si Gary! Sana hindi nalang niya ako sinamahan,kaya ko namang gawin mag-isa yung report namin eh! Nakakairita. Lagi nalang!” si Xyrish.
“Tama na yan! Magcelebrate nalang tayo!” itinaas ni Tulips ang basong may cocktail, “Cheers!” itinaas na rin ng iba ang mga baso nila.
--------------------------------------
It’s been a year, simula ng grumaduate sila from college. May iba-iba na silang buhay na hinaharap ng magkakahiwalay ngayon. Xyrish, Sheldine and Jadey, became office workers. Si Tulips, call center agent, si Mafeth and Lizen, nag-aaral pa din, completing their units. At si Niza, kuntento ng tumutulong sa mini-grocery ng ina. Niza stopped all kinds of communication from Playful Hearts except for Sheldine na lagi siyang iniintindi. Ang dahilan niya, kuntento na siya sa ISANG tunay na kaibigan na laging nandiyan para sa kanya.
Tulad ngayon, kailangang kailangan niya ito. Gary and her broke-up. Parang nakarecord ma sa memory niya ang nangyari kagabi.
“Nize, kailangan muna nating maghiwalay, pero temporary lang naman,” bungad ni Gary ng magkita sila sa Park.
“Ba-bakit? May ginawa ba ako?” pilit pinipigilan ni Niza ang mga nagbabadyang luha.
“Hindi. Wala kang ginawa. Ako ang may dapat gawin. Ayokong maging parasite sa buhay ko. Mag-aaral lang ako sa Davao. Yun kasi ang binigay na kasunduan sa akin ng lola ko sa ama, at pag nakatapos na ako, pangako babalik ako sa’yo,” umiiyak ng wika ni Gary.
“Wala ka ng babalikan! Hindi naman natin kailangang magbreak, Bhie please. Hindi ko kaya,” hindi na napigilan ni Niza ang mga luha. Sobrang mahal niya si Gary at hindi niya matanggap na nakikipaghiwalay ito sa kanya ngayon.
“Ayokong maging unfair sa’yo Bhie. Mas mabuti na yung wala tayong commitment habang nasa Davao ako. Malayo yon at maraming pwedeng mangyari,”
“Kung yan ang gusto mong mangyari, wala na akong magagawa, ayoko ng ipilit pa ang sarili ko sa’yo,”
“Nize, huwag mo naman akong pahirapan,”
“Bakit! Ikaw lang ba ang nahihirapan sa mga pinagsasabi mo ngayon?”
“Alam ko yon, kaya nga sana, tanggapin nalang natin to. Para din naman sa future natin to eh. Sana mahintay mo ako. Mahal na mahal kita,” niyakap niya ang girlfriend.
That night din ang alis niya papuntang Davao at wala ng nagawa pa si Niza para pigilan ang boyfriend. Ayaw man niyang pakawalan ito ay wala na siyang magagawa. Hindi kasi naniniwala sa long distance relationship si Gary kaya’t minabuti nalang niya ang pansamantalang makipaghiwalay dito kahit pa na masakit ito sa kalooban niya.
This another heartbrake for Niza has been so hard. Mas masakit ito kaysa sa una dahil mas minahal niya si Gary kumpara kay Drei. Mas pinahalagahan niya pa nga ito kumpara sa mga kaibigan niya pati na rin sa sarili niyang pamilya. She really feels so hopeless now. Sana hindi nalang niya pinabayaan at kinalimutan ang mga kaibigan niya.
She tried to dial Sheldine’s phone pero voice message ang sumasagot. Malamang ay busy ito sa trabaho. She deleted all her contacts ng ibang playful hearts kaya’t wala siyang makontak ni isa man sa mga ito.
“Call me, when you’re not busy. I badly need you right now,” text niya kay Sheldine.
Hindi rin siya makapag-open sa ina at mga kapatid niya dahil hindi rin siya close sa mga ito. Wala siyang ibang kaibigan kundi si Sheldine at ang playful hearts. Masyado niya kasing pinaliit ang mundo niya dahil sa kahinaang loob at pagiging tahimik.
--------------------------------------
It’s weekend at tinatamad siyang tumulong ngayon sa grocery ng mommy niya. Mas feel niyang magkulong sa kuwarto at magmukmok. She opened the radio and started to sing with it.
“Ate! May mga bisita ka!” tawag sa kanya ni Myrna.
“Mga?” tanong niya sa sarili, “Sino?”
“Mga classmates mo.”





Chapter 4 – Back to Playful Hearts  
“A-anong ginagawa niyo dito?” hindi alam ni Niza kung ano ang mararamdaman niya. Kumpleto ngayon ang playful hearts na nasa kanyang harap. Except for Sheldine na nasa Cebu for a conference. Nakausap na niya ito kagabi yun nga lang hindi sila masyadong nakapag-usap dahil choppy ang linya nito. Marahil sa lodge na tinutuluyan nito ay mahina ang signal.
“Ito naka-upo sa sofa niyo,” pilosopong sagot ni Lizen.
“Sheldine can’t come kaya eto, proxy,” sagot ni Jadey.
“Siyang tunay,” si Xyrish.
Tara na sa kuwarto mo!” inakay na ni Tulips si Niza paakyat sa kuwarto nito.
“Oh, anong nangyari?” tanong ni Mafeth pagdating nilang lahat sa kuwarto ni Niza, “walang kinukwento si Sheldine,eh. Basta puntahan ka lang daw namin, emergency daw,” ni-lock na ni Tulips ang pinto.
“Masunurin kaming mga apo kaya nandito kami ngayon,” si Jadey.
“Dali na magkuwento ka na!” atat na demand ni Xyrish.
Niza didn’t know what to say. Playful hearts are really her true friends. She couldn’t help her tears from falling.
“Hindi ka pa nagkukwento, drama na agad? Ganun ba kalala?” mataray pa ring tanong ni Lizen.
“Masaya lang ako kasi nandito kayo ngayon, sa kabila ng mga ginawa ko,” nasabi niya ang mga ito habang patuloy na umiiyak.
“Tapos na iyon,” naiiyak na rin si Tulips.
“Pero nakakatampo ka talaga ha. Imagine lahat kami, bli-nock mo pa sa facebook,” si Mafeth.
“Oo nga! Si Jadey kasi warfreak. Pati sa fb nambubully.” si Lizen.
“Tama na yan, tsaka na natin siya sermunan pagdating ni lola. Hahabol daw siya,” hawak ni Jadey ang cellphone at katext nito si Sheldine.
“Playful hearts will always be playful hearts. Tandaan mo yan!” niyakap ni Xyrish si Niza. Everyone else inside that room followed.
--------------------------------
“Late na ba ako?” humahangos na tanong ni Jadey pagdating sa meeting place nila.
“Hindi ka na nagbago Purple Jade!” sigaw ni Xyrish dito.
“Oo nga! Ang sabi mo two p.m. sharp! Anong petsa na?!” si Sheldine.
Tumingin sa bisig si Jadey, “3:30, hehe. Sorry na. Ito naman, minsan lang ako malate eh,” galing kasi ito sa date nila ni Arvin.
“Gaano kadalas ang minsan ha?” si Tulips.
“How many times is often?” pilosopong sagot ni Jadey.
Binatukan ito ni Sheldine, “Uhmm! Often ka diyan, tara na!”
“Aray ha!” hawak ni Jadey ang parte ng ulo na binatukan ni Sheldine.
“Hindi ka na nagbago. Yung ugali mo nung college, hanggang ngayon, ganun pa rin!” sermon ni Sheldine dito.
“Okay lang yan, at least pumupunta pa rin siya,” pagtatangol ni Niza dito.
“Oii, bati na sila…” asar ni Lizen dito.
“Last week pa teh!” si Jadey.
Tara let’s! Kanina pa tayo hinihintay ng mga kamag-anak natin!” si Xyrish. Papunta na sila sa Zoo upang ipasyal ang anak ni Tulips na si Angeline. Pito silang magiging yaya nito.
“Heart, sorry ulit ha!” Nahuli sa paglalakad si Jadey at Niza.
“Kalimutan na natin yon. Pasensiya ka na rin sa akin kung naging rude ako. Kilala mo naman ako, may pagka warfreak minsan,” paghingi din ng tawad ni Jadey kay Niza. Alam niyang nasaktan din niya ito sa mga pinagsasabi niya noon. Pero tapos nay un eh. It’s time to move on. Ang mahalaga, buo na ulit sila ngayon.
“Hindi nga minsan eh, madalas kaya!” tawanan ang dalawa.
“Ang sweet niyo! Parang nung college lang ah! Pero huwag kayong lalayo ah! Baka maligaw kayo,” turan ni Tulips sa dalawa. Madalas kasi nung college ay humihiwalay sina Niza at Jadey sa grupo. Mas gusto kasi nuon ni Jadey na kay Niza lang nag-oopen up pag may mga problema ito.  
“Ganun talaga!” sagot dito ni Jadey, “Nize, ano ng plano mo?” tanong nito sa kasabay maglakad.
“Hindi ko pa alam eh,”
“Bakit kaya hindi mo nalang muna abalahin ang sarili mo para hindi mo siya masyadong maisip,”
“Paano? Eh halos every minute ko pa rin siyang naiisip,”
“Hindi ko pa kasi nararanasan yan pero sa tingin ko, kung gugustuhin mo siyang kalimutan, magagawa mo.”
“Pero, ayoko,”
“So, okay lang sa’yo na lagi ka nalang masasaktan at iiyak?”
Iling ang isinagot ni Niza. Hindi niya pa kasi talaga alam ang gagawin. Naiisip niyang kalimutan na si Gary pero ayaw naman ng puso niya.
“Huwag nalang natin madaliin, time will come, malalaman mo rin ang dapat mong gawin. Puso mo na mismo ang magdidikta non.”
“Ang lalim ah! Parang may pinagdadaanan lang?” dinaan nalang sa biro ni Niza. Baka kasi hindi na naman niya mapigilan ang umiyak.
“Adik! Nagpapayo lang na may pinagdadaanan na kaagad?”
“Jadey! Dali na, picture na!” demand ni Xyrish dito.
“Wait lang po ma’am, nagpapayo pa po ako,” kinuha na ni Jadey ang camera sa bag, “Oh, ready na po kayo Ma’am! Pose na po,” Nagpose naman ang grupo. Nasa background nila ang elepante.
“Ay teka lang po! Si Angeline lang pala ang pwedeng kuhaan, Oh, Angeline, pose na baby!” biro ni Jadey sa mga kasama.
“Ganun? Dapat kasama yung nanay!” kontra ni Tulips.
“Syempre, pati yung ninang!” dagdag ni Xyrish.
“Dami mong alam, dali na, magpicture ka na!” utos dito ni Sheldine.
“Atat?! Eto na!” hinanda na ni Jadey ang pagkuha ng litrato. Ngunit hindi pa rin nito tinuloy ang pagkuha ng litrato.
“Ano na naman?! Ang dami mong alam Purple Jade ha!” sermon ni Sheldine dito.
“Lola Sheilla Geraldine! Unfair! Hindi ako kasali!” sagot nito.
“Ay sus! Ginoo! Kuya, pa picture naman po,” tawag ni Sheldine sa isang lalaking nakatanaw sa elepante. May kasama itong isang batang lalaki.
“Okay sige,” kinuha na nito ang kamera kay Jadey.
“Thank you po!” pumuwesto na si Jadey sa tabi ni Niza.
“Okay, One, two, three!” sabay click ng kamera.
“Kuya, isa pa! Oh, change position!” hirit pa ni Xyrish.
“Nakakahiya naman,” komento ni Niza.
“Okay lang, sige,” sagot ng binata at muli silang kinuhaan ng litrato.
“Kuya, anong pangalan mo?” tanong ni Jadey sa binatang may hawak ng kanyang kamera.
“Single ka teh?” malisyosong tanong ni Lizen sa kaibigan.
“Nagtatanong lang, malandi na kaagad?” balik tanong ni Jadey dito.
“Ikaw may sabi niyan, hindi ako!” inirapan ito ni Lizen.
“Masasabunutan kita eh!” medyo pikon ng sagot ni Jadey.
Natatawang isinauli na ng binata ang hawak na kamera sa tunay may-ari, “Nelson,”
“Ah ok. Thank you po Nelson. Pasensiya ka na sa amin. Have a nice day!” Click! Piniktyuran ito ni Jadey. Nagulat naman ang lalaki ngunit nagawa pa rin nitong ngumiti sa harap ng kamera.
“Souvenir lang! Thanks!” Nauna ng naglakad si Jadey, karay karay si Niza.
“Malandi ka talaga Purple Jade!” sigaw dito ni Sheldine.
“Palit nalang kaya tayo ng pangalan Sheilla Geraldine?” balik dito ni Jadey. Ito kasi ang madalas tumawag sa kanya sa buo niyang pangalan. Sa totoo lang, mas komportable ito sa Jadey kumpara sa tunay nitong pangalan. “Hindi ako malandi! Friendly lang!” pagtatangol nito sa sarili.
“Whatever Purple Jade!” si Xyrish.
“Tse! Mga inggit sa pangalan ko.” Tuloy sa tawanan ang buong grupo.
Chapter 5 – Turning Point
Titig na titig si Niza sa lalaking nasa screen ng personal computer niya.
“Ang cute niya noh? Bagay kayo! Hehe!” komento ni Jadey sa larawang ipinaskil sa FB wall ni Niza. Ito ang larawang panakaw niyang kinuha mula sa lalaking pinakiusapan nilang picturan sila noong isang linggo sa Zoo.
“Hay nako Jadey! Tumigil ka nga! Pass muna ako diyan,” balik komento niya rito.
“Bakit? Hindi ba siya guwapo?”
“Oo na, guwapo na kung guwapo pero hindi kami bagay. Period.”
“Meron kang monthly visit?”
“Adik! Wala noh!”
“So bagay nga kayo? Sayang hindi natin nakuha ang buo niyang pangalan sana na I tag ko siya dito.”
“Tumigil ka na nga Purple Jade.” Alam niyang ayaw na ayaw nitong tinatawag ito sa totoo niyang pangalan.
“Tseh!” Niza won.
“Hehe! Anyway heart, punta na kong Zambales. I think you’re right. Kailangan ko ng mapagkakaabalahan to move-on,” imporma nito sa kaibigan. Napag-isip isip niya na kailangan niya ng baguhin ang takbo ng buhay niya for her to grow. Since wala na silang kahit anong means of communication ni Gary, hindi naman siguro masama kung aalisin muna niya ito sa sistema niya. Twenty two na siya and yet parang hindi pa rin siya nagma-mature. She can’t be timid forever. She needs to bloom just like her friends na may iba’t iba ng karerang tinatahak. Hindi pwedeng forever nalang siyang nakadepende sa kanyang ina. So she finally decided to run his father’s land. Natuwa ang kanyang ama ng sabihin niya ditong interesado na siyang pamahalaan ito. He said that he would guide and teach her how to run this kind of business. Somewhere in her heart, natouch siya nang mapasaya ang ama dahil sa kanyang naging desisyon. Mahal na mahal niya ito dahil naging mabuting ama naman ito sa kanilang magkakapatid.
“Agad agad? Dun ka na titira?” tanong ni Jadey rito.
“Yupp! Kailangan kong matutunan kung pano magpatakbo ng hasyenda,”
“Ikaw ng hasyendera! Niza the Heiress! Hehe. Kidding aside, goodluck sa’yo heart. Andito lang kami palagi para suportahan ka,”
“Thank you heart. Alam ko naman yon eh. Wish me luck talaga, sana makaya ko ang bagong buhay na haharapin ko,”
“We know na kaya mo yan! At huwag ka na ring mang ba-block kahit na nasa Zambales ka pa. Valid reason na iyon kung hindi ka man makapunta sa mga susunod pa nating hang-outs,” Jadey reminded her.
“Hehe, hindi na po! I’ll try pa rin na makapunta sa mga lakad ng Playful. Six hours lang naman ang biyahe eh,”
“Yan ang gud luck! Padespidida ka this weekend?”
“Sure!”
“Sa sobrang cute ni Nelson, napuno na natin ang comment box niya! Haha!”
End of conversation.
-------------------------------------
Welcome to Hasyenda Leonize. Ito ang mga letrang nakasulat sa arkong nasa ibabaw ng malaking gate na siyang nabungaran ni Niza.  Pagpasok niya sa malaking gate, daan daang hilera ng mangga ang nasilayan niya. Ito ang kauna-unahang pagtuntong niya sa tahanan ng ama. Natatanaw niya sa dulo ang isang malaking bahay. Ngunit bago mo marating ito ay may madadaanan ka munang isang lawa na siyang nagsisilbing patubigan ng lupaing iyon.
Niza’s father welcomed her with very open arms. Pati na rin ng pangalawa nitong asawa. Nagpahanda pa nga ang mga ito bilang selebrasyon ng pagdating niya sa kanyang hasyenda. Yes it is. She is the heiress of this land. At nakaatang sa kanyang mga balikat ang magiging kinabukasan ng lupaing ito.
“Don’t worry anak, tuturuan kitang maigi kung paano magpatakbo ng isang hasyenda,” naglalakad sila ng kanyang ama sa gilid ng lawa at mataman niyang tinatanaw ang malawak na lupain ng ama.
“Thanks pa,”
“No. Thank you anak. Sa pagpayag mo na patakbuhin ito,”
“It’s a pleasure, Pa. Kung noon ko pa sana nakita kung gaano kaganda ang lugar na ito baka noon pa po ako nakapagdecide,”
“Dapat nalang nating respetuhin ang gusto ng mama mo,” Hindi kasi sila pinayagan ng kanyang ina na pumunta sila dito noon kahit bakasyon man lang. For her mom, this place is not for them.
“Yeah right. But I can have my own choice. Hindi po pwedeng forever nalang ako nakadepende sa kaniya,”
“Sobra lang niya kayong mahal. Try to understand her nalang.”
“Pa, minahal mo ba si Mama?”
Matagal muna ang lumipas na sandali bago ito sumagot, “Sinubukan ko. Pero kapag may laman ng iba ang puso natin ay mahirap ng mapalitan unless you had the will to change it,”
“So it means, hindi niyo ginustong mahalin siya?”
“All my life, isang babae lang ang ginusto kong mahalin. But when I had you and your sisters, kaya ko palang magmahal ng higit pa isang babae,” nakangiti nitong lahad sa kanya.
Ramdam naman niya iyon, her dad would always be her first love next to God.
“Tita Cecil is nice,” tukoy niya sa asawa ng kanyang ama.
“Very much, anak.”
-----------------------------------------
Aaminin niya sa sariling hindi madali ang magpatakbo ng ganun kalawak na lupain. She had a big change on her life even on her lifestyle that she used to. Mula sa paggising ng sobrang aga, pagkain ng gulay at pati na rin pananamit. Even her social life changed. Hindi na siya ganun ka mahiyain, lagi siyang humaharap sa kanilang mga tauhan at mga kliyente. And her father supported and guided her all the way.
 “Senyorita, may bisita po kayo,” istorbohin kay Niza ni Ising, isa sa mga katiwala nila.
“Sino daw?” tanong niya kay Ising na hindi ito nililingon. Abala siya sa pagpapakain ng mga alagang baboy.
“Good afternoon, I’m Nelson Casinao,” pakilala ng bisita sa sarili.
Nelson? May naalala siya sa pangalang iyon at sa kanyang paglingon, nagulat siya sa taong nakangiti na kanyang nabungaran. Ang Nelson sa Zoo at ang Nelson na nasa harap niya ngayon ay iisa!
 “Ano pong kailangan mo?” binaba ni Niza ang hawak na timbang may kaning baboy at nginitian niya ang kaniyang bisita. Hindi niya pinahalatang kilala niya ito. Ipost ba naman ni Jadey ang picture nito sa wall niya imposibleng makalimutan niya ito.
“You look familiar. Parang nagkita na tayo before,” pilit inaalala ng kaharap kung saan niya nakita ang dalaga.
“Manila Zoo,” maikling sagot ni Niza.
“Ah, oo tama! You were with your friends back then,”
“Small world noh? So, what brought you here?”
“I’m here for business. Can we talk?”
“Nag-uusap na tayo di ba?” sagot ni Niza. Although medyo alanganin nga siyang kausapin ito ngayon. She was wearing a pants with slits on the knee and loose t-shirt. Masyadong rugged para sa dalagang katulad niya.
“I mean, a formal one. Medyo seryoso kasi ang pag-uusapan natin. Can I invite you for lunch? But before that, I want to formally introduce myself. I am Nelson Casinao.” Inilahad nito ang kamay ngunit hindi ito tinanggap ni Niza, “Niza,” pakilala niya sa sarili. “Pasensiya na madumi kamay ko,”
“Okay lang yun. Anyway, pwede ka ba this lunch?”
“Okay sige. Saan ba?”





Chapter 6 – The Deed of Sale
Nagkita sila ni Nelson sa isang kalapit na restaurant na puro native dishes ang inoofer.
“Ano bang pag-uusapan natin?” panimula ni Niza sa usapan.
“Tapusin muna natin yung pagkain,” nakangiti nitong sagot.
Matapos ang main dish ay muli niya itong tinanong, may nararamdaman siyang kakaiba habang kaharap ang lalaking ito. Para siyang kinakabahan na hindi niya maintindihan. Guwapo nga talaga ito lalo na sa malapitan. Hindi niya maiwasan ang panakaw nakaw na tignan ito. Napapayuko na lang siya dahil ilang beses siya nitong nahuling nakatitig sa kanya. Stop Niza! Staring is bad! Sita niya sa sarili. But she can’t help it. She’s really attracted to this man. Hey! You couldn’t be attracted to him! Muli niyang sita sa sariling isipin.
Nang matapos silang kumain ay may nilabas mula sa isang attaché case si Nelson, “I want you to see this,” inabot niya ito kay Niza.
“Bakit meron ka nito?” nagtatakang tanong ni Niza. Iyon ang income statement ng Hacienda Leonize ten years ago to present.
“As you can see, for the last five years, pababa ng pababa ang sales niyo at pati na rin ang assets, both fixed and flexible are quite unstable.”
Hindi ito nabanggit ng kanyang ama sa kanya. Palugi na pala ang hasyenda nila,“Ano ngayon sa’yo?” mataray niyang tanong sa kausap. Hindi niya nature ang pagtataray pero nararamdaman niyang may hindi magandang patutunguhan ang pag-uusap nilang iyon.
Muling naglabas ng papel si Nelson and this time it is a draft of deed of sale, “I want to buy your property,” derecho nitong sagot.
Nagulat man si Niza sa narinig, she decided to remain calm, “Bakit sa akin mo sinasabi lahat ng iyan. Buhay pa ang papa ko. Sa kaniya pa rin ang hasyenda technically,”
“I already did at ang sabi niya, it will just depend on you. Ikaw daw ang kausapin ko at kung anuman ang magiging desisyon mo that will also be his decision.”
Bakit ako? Kasisimula ko pa lang sa pagpapatakbo nito may mabigat na kaagad akong haharapin.Ayokong mawala sa amin ang hasyenda. Ito na ngayon ang buhay ko, I should fight for it as if I’m fighting for my own life!
“Hindi,” pinal niyang desisyon.
“But think about it, Niza. Think about your servants’ life. Paano na sila kung patuloy na malulugi ang hasyenda niyo, pati na rin ang pamilya mo,”
“Salamat sa offer, pero hindi ko ito ibebenta, salamat sa lunch,” sinoli niya sa lalaki ang mga hawak na papel at tumayo na mula sa kanyang kinauupuan ngunit nahawakan ni Nelson ang kanyang kamay upang pigilan siya sa pag-alis.
“Think about it first, tsaka ka na magdecide, anyway your welcome.” Muli nitong ibinalik sa mga kamay niya ang draft ng deed of sale at mas nauna pa itong lumabas sa kanya sa restaurant na iyon.
Arogante! Akala mo kung sinong mayaman! Inis na nasabi na lang ni Niza sa sarili at lumabas na rin ng restaurant na iyon. She will never give up her land. Ever!
----------------------------------
  “Ano na namang ginagawa mo dito?!” iritableng tanong ni Niza sa kadarating na bisita. Ilang beses na itong nagpapabalik-balik upang kumbinsihin siya ngunit hindi nito mabago ang naging una na niyang desisyon.
“Nabasa mo na ba ng buo ang draft?” balik-tanong naman ni Nelson dito.
“Pinunit ko na yon, matagal na,” binasa niya nga yon noon pa. Mula ng ibigay ito sa kanya last two weeks. The price and conditions was reasonable but still hindi pa rin siya papayag na mawala ito sa pangalan ng pamilya niya.
“I still have its soft copy. Kung may gusto kang ipabago, just let me know at ako mismo ang mag-eedit para sa’yo,”
“You don’t have to, for the nth time, sasabihin ko sa’yo Mr. Casinao, hindi ko ibebenta ang hasyenda!” asik niya rito. Mula ng magka-usap sila sa restaurant na pinag-kainan nila nuon ay masyado na siyang naging irritable sa presensiya nito. Tulad ngayon, “huwag mo ng hintayin na ipa- ban kita para hindi ka na muling makaapak pa rito,” babala niya sa kausap.
“Huwag mo na ring hintayin na tuluyang malugi ang negosyo ng pamilya mo,” kalmado pa rin nitong saad.
“Malugi man ito o hindi, it’s none of your business!”
“Ganun din naman, pag nalugi na ito, ibebenta mo na rin ito, so bakit hindi pa ngayon?”
“Not on you and I won’t ever!”
“So, ano? Hahayaan mo nalang itong maging isang abandonadong lupain?”
Niza couldn’t imagine that worst scenario. She couldn’t be a failure, not on this. Mahal na niya ang sariling lupain at hindi niya hahayaang masira ito ng dahil mismo sa kanya. Pero hindi niya ito kayang ibenta. She will work hard even 24 hours a day para lang maibangon ito ay gagawin niya.
“Shut up! And go to hell! Bumalik ka sa sarili mong lupain na masaganag masagana!” sarcastically she said. Hindi niya alam kung bakit siya nagiging rude this past few days pero ang mas ipinagtataka niya ay dito lang naman siya ganun makitungo.
“I won’t shut up until you say yes to my offer,”
“In your wildest dream Mr. Casinao. Never!”
“But you’re the one who is in my wildest dream Ms. Leonize. Bagay na bagay sa’yo ang pangalan mo. So wild,” he’s now teasing her.
Hindi naiwasan ni Niza ang mag blush at sa inis ay dumakot ng putik at pinahid sa puting polo ng kaharap.
“Oh, shi…!” nagulat na reaksiyon ni Nelson. Hindi niya inaasahan na magiging ganun ang behavior ng kausap. Parang batang gumanti sa nang-aasar sa kanya, “such a childish act!”
“Don’t worry. I’m still young so I have the right to act as a child. Not like you, stupid dirty old man!”
Mas nagulat si Nelson sa ibinansag sa kanya ng dalaga. Siya? Isang dirty old man? Twenty eight is not that too old. Hindi pa nga siya lumalampas sa mga numero ng kalendaryo eh, lalo na sa Bingo, “Watch your words young lady. In case you have to swallow it, it won’t be so hard for you,” banta nito sa kaharap.
“Same to you, D.O.M.! Watch your actions, nasa loob ka ng property ko. I can even sue you of trespassing,” hindi siya natatakot dito. Well, kinakabahan medyo. Para kasing mananapak na ito sa paraan ng pagkakatingin sa kanya.
“I wonder what could happen to that mouth if I would dare to taste it,” mas lumapit ito ng maiigi sa dalaga na waring hahalikan.
Niza felt so much nervous nang ilapit ni Nelson ang mukha nito sa mukha niya. Hell! She doesn’t want to be kissed by an enemy. Yes, she already declared to herself that this man is a foe of her. So as for her defense mechanism, muli siyang kumuha ng isang tipak ng putik. “Much better if you could taste this! Want some?” inilapit nito ang putik sa makinis na mukha ng binata.
Nandidiring napalayo si Nelson sa kanya. Hindi naman sa hindi siya sanay sa buhay bukid but not now, may kliyente pa nga siyang i-mi-meet after niyang kulitin si Niza but she already ruined his shirt.
Nangingiting ibinaba ni Niza ang putik sa kanyang kamay, “Gusto mong bilhin tong hasyenda pero takot ka naman sa putik. D.O.M., pity on you,” iiling-iling pa niyang sabi rito. She can’t help but to laugh on front of an enemy.
“I’m not D.O.M.!” napipikon ng sagot rito ni Nelson.
“IDCJL!”
“Huh?”
“M!”
“What the hell are you talking about?” nauubos na ang pasensiya ni Nelson, pakiramdam niya ay pinagti-tripan na siya nitong si Niza.
“I don’t care just leave, moron!” tinalikuran na ito ni Niza at itinuloy na ang pagtatanim ng mga punla.
“Hindi pa tayo tapos Ms. Leonize Grace Abadia! This will going to be mine!” inis na umalis na si Nelson habang nakapagtitimpi pa siya, baka kasi hindi na niya makontrol ang sarili. Sometimes, he just had a very short temper lalo na kapag hindi nakukuha ang gusto.
“Try harder Mr. DOM!” pahabol na sigaw rito ni Niza.







Chapter 7- Truce
Niza realized that from time to time she is already changing. Well, she hopes that it’s for the better. Hindi siya nakikipag-away noon pero eto na siya ngayon, hindi nagpapatalo sa isang Mr. Nelson Casinao. Kung dati ay mahina ang loob niya, she’s now braver and that’s one thing she can be proud of herself. Salamat sa naging desisyon niya na tumira dito because she saw the other part of life which is surviving to live. Kung noon, nakadepende lang siya sa kanyang ina, ngayon, maraming pamilya ang nakadepende na sa kaniya. She’s a leader on her own way now and she needs to stand for it.
Time passed so swift. It’s been a year, when Gary and her broke-up. Despite of her very busy days here in her own land, whenever she’s alone like this, hindi pa rin niya maiwasan ang maalala si Gary at malungkot. She’s here in her favorite spot. Sa lilim ng isang punong mangga, tanaw ang malawak niyang lupain at ang mga kalapit na kabundukan. Dahil sa pagbalik ng mga ala-ala, hindi niya namalayang tumutulo na naman ang mga luha niya.
Stop crying Niza! You’re braver now, she reminded herself.  Pero namimiss ko talaga siya eh. Kamusta na kaya siya? Ako kaya? Naalala pa rin ba niya? Mahal pa kaya niya ako? Ito naman ang sinasabi ng isang bahagi ng isip niya.
“Mas maganda ka kapag nakikipag-away sa akin at nakangiti,” istorbo ni Nelson sa pagsesenti niya.
“Idedemanda na talaga kita ng trespassing, bigla bigla ka nalang sumusulpot dito,”
“You cannot sue me, pinayagan ako ng papa mo na pumasok dito. As you said, kanya pa rin ito technically,”
“Wrong timing ka, wala ako sa mood makipag-away sa’yo ngayon,”
“Alam ko. Obvious naman eh,” dinukot ni Nelson ang sariling panyo sa bulsa at inabot kay Niza.
“I have my own hands. Leave,” pinahid nga ni Niza ang mga luha niya gamit ang sarili niyang kamay.
“Hindi ako pumunta rito para makipag-away. In fact, I’m here for a better offer,”
“I don’t want to talk about business right now. As you see, mag-isa ako and it only means I just want to be alone as for now.”
“Okay. No problem. Let’s just talk about you, so what made you cry?”
“Bingi ka ba o tanga?” rude niyang tanong sa kausap, “I said, I want to be alone!”
“Mukhang kailangan mo nga talaga ng kausap. Kung patuloy kang magiging ganyan, mas malulugi ang negosyo niyo. You have to be brave enough to manage your emotions so you can think well in order to solve a problem,”payo nito sa kanya.
“I don’t need you, as well as your advice!” asik pa rin niya dito.
 “Cease fire na. White flag raised,” deklarasyon ng binata.
Mataman itong tinitigan ni Niza. Waring sinusukat kung totoo ba ang mga narinig niya. Nagdeklara na ito ng pagsuko. She won this war with him!
Napapitlag siya ng punasan nito ng panyo ang kanyang pisngi, “kahit kailan, hindi bagay sa mukha ng babae ang umiiyak maliban nalang kung ito ay tears of joy,” sinsero nitong sabi.
“Bakit?” maang na tanong ni Niza dito.
“Huh? Syempre mas maganda sa isang babae ang tumatawa o nakangiti dahil masaya siya,”
“I mean, why did you give up? Dahil lang ba sa nakita mo akong umiiyak? Hindi ba’t pangarap mo na lumawak ang lupain niyo that’s why you’re trying hard to get this land?” naguguluhan rin siya sa mga pangyayari. Kahapon lang, napaka eager pa rin nitong mabili ang lupain nila pero ngayon, nagdeklara na ito ng pagsuko. Anong meron?
“Bago pa kita makitang umiiyak, I finally made up my mind. Yun nga ang gusto ko sanang sabihin sa’yo,” paliwanag nito.
“Pero bakit nga? What forced you to stop from aiming this?”
“Ikaw,”
“Hah?! Anong ako? Bakit ako? Paanong ako?” headache yata to para sa kanya. She needs a further explanation.
“Simple lang. I want us to be friends. After nating kumain sa restaurant, kaaway na ang naging turing mo sa akin and as days went by na lagi tayong nag-aaway, something inside me ang hindi masaya sa ganong sitwasyon. Gusto kong maging mabuti tayong magkaibigan.”
“Paano ang pangarap mo para sa sarili mong lupain?” she’s still doubting kung totoo ba ang mga sinasabi nito o may hidden agenda ito.
“It’s not a dream, just a plan. And I believe that friendship is better than a short-term plan. So friends?” inilahad nito ang kamay sa dalaga.
Hindi maalis sa isip niya ang magduda sa sinseridad nito but then somewhere in her heart saying that she should trust her words, “konti lang ang mga kaibigan ko but I have already proven that they were true,” nakangiti nitong tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki, “as I accept you, huwag mo sanag sirain ang tiwala ko.”
“Thanks! It’s a pleasure. No more war,” biro nito.
“Peace,” sagot naman ni Niza dito.
“So can we talk about my proposal?”
“Proposal?!” shocked niyang tanong dito. Proposal ng ano?
“I mean business proposal para tulungan kang maibangon sa pagkalugi itong hasyenda niyo.”
Nakahinga ng maluwag si Niza, akala niya kung anong klaseng proposal na ito. Dalawa lang kasi ang rumehistro sa utak niya when she heard this word. It’s either wedding or indecent. Thanks God she’s wrong. Pero parang nakakahiya ang naging reaction niya.
---------------------------------------------
Nelson’s proposal was a big help for Niza. Tinulungan nga siya nitong maibangon ang hasyenda. They really became good friends as well as good business partners. Marami siyang natutunan mula rito. Palibhasa ay kinalakihan na nito ang buhay hasyendero kaya’t mayaman na ito sa karanasan. Mula sa mga pananim hanggang sa paghahayupan ay napaka hands on nito. Mas lalo siyang napahanga sa binata kung paano ito makitungo sa mga tauhan. She has been to his own farm at halos lahat ng nakakausap niya doon ay puro papuri ang ibinibigay sa kanilang amo. Binibigyan rin siya nito ng ilang tips kung papaano makipagdeal sa mga kliyente. He made her farm life easier. Thanks a lot to him.
“Hello?” sinagot ni Niza ang nag-riring na telepono.
“Niza! Tara, celebrate tayo!” yaya sa kanya ni Nelson.
“Celebration for what?” tanong niya rito.
“For a good harvest,”
“Uhmm…”
Tara na!”
“Ok sige, saan ba?”
Subic.”









Chapter 8 – Returning of the Past
Hindi niya alam kung bakit siya napapayag ni Nelson na sumama ritong mag beach. Nakuha na siguro talaga nito ang tiwala at loob niya.
“Kain na tayo,” yaya sa kanya ni Nelson. Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at masayang tinatanaw ang malawak na West Philippine Sea. Sa nakalipas na mahigit dalawang taon niyang pamamalagi rito sa Zambales, she really felt at home now. Hindi niya maimagine na kaya pala niyang patakbuhin ang isang napakalaking lupain tulad ng Hacienda Leonize. Salamat sa mga taong nasa paligid niya na laging nandiyan para sa kanya. Sa playful hearts na buo ang suporta sa kaniya, sa pamilya niya na bukas palad siyang ginagabayan at sa lalaking ito na lagi siyang tinutulungan at siyang kasama niya ngayon.
“Ang ganda ng dagat noh?” she really appreciates her world now.
“ Mas maganda ka sa dagat,” papuri sa kanya ng binata.
Napatingin siya rito, “ako?”
“Hindi. Si Niza,” biro nito, “Wala naman akong ibang kausap dito maliban sa’yo,”
“Salamat,”
“Ngayon lang ba may nakapagsabi sa’yo na maganda ka?”
Umiling siya at hinawi ang buhok na nililipad ng hangin, “Salamat sa lahat. Lalo na sa friendship mo,” taos-puso nitong pasasalamat sa kausap.
“It’s a pleasure na matulungan at makasama ka,”
“Thank you talaga,”
“Aaminin ko, naging espesyal ka na sa akin. Gusto ko lagi kang masaya at nakangiti. Gusto ko rin na lagi kitang kasama kasi masaya rin ako kapag kasama ka at napapangiti kita,”
“Anong ibig mong sabihin?”
“I like you,”
I like you too! Totoo ba ‘to? Gusto ko na rin siya, kelan pa? Nasabi na lang ito ni Niza sa sarili. Masaya rin siya kapag kasama niya ito, namimiss niya ito kapag hindi sila nagkikita at masaya rin siya kapag napapatawa niya ito sa mga binabanat niya rito. Nasasakyan nito ang minsang pagiging moody o topakin niya. Pati na rin ang minsang pagiging childish niya. Pero hindi niya na matandaan kung kailan niya ito nasimulang magustuhan. Sa Zoo? Sa picture na nilagay ni Jadey sa fb wall niya? Nung minsang pinunasan nito ang mga luha niya? Nung kasama niya itong magpaanak ng kambing? Nung namimitas sila ng mga bungang mangga? O nung pinakilala siya nito sa pamilya niya? Alin ba dun?
“Since when?” tinanong niya rito ang tinatanong rin niya sa sarili.
“Uhmm… Hindi ko na matandaan eh. Maybe, when you put mud on my white polo?” sinundan nito ng malakas na pagtawa nang maalala ang childish act na iyon ni Niza. He found her cute since then.
Hinampas ito ni Niza sa braso, “Grabe ha! Yun talaga? Anyway, thank you ulit. Tayo na,” Nauna na siyang naglakad pabalik sa cottage nila.
“What?! Tayo na?!” naguguluhang tanong rito ni Nelson. Sila na kaagad eh hindi pa nga siya nagsisimulang manligaw. Ang balak kasi niya, ngayon siya pormal na aakyat ng ligaw rito pero ang gusto nito ay maging sila na kaagad?
“Tayo ng kumain! Adik! Nagugutom na kaya ako, ang tagal mo mag-ihaw eh,” natatawang sagot rito ni Niza.
Napakamot naman sa ulo si Nelson, akala niya, yun na, “Hindi mo kasi ako tinulungan, mas pinili mong magsenti rito sa tabing dagat,”
Matamis na ngiti ang isinagot rito ni Niza.
“Sige, daanin mo lang ako sa ngiti. Diyan ka magaling eh!” Ang sarap pakinggan ng mga tawa nila na parang ito rin mismo ang isinisigaw ng mga puso nila.
Naging masaya para sa kanilang dalawa ang maghapong iyon sa beach. It feels that they are free from any responsibilities and problems regarding their businesses. Ang hasyendera ng Hacienda Leonize at ang hasyendero ng Hacienda Casinao ay naging parang mga batang naglalaro sa isang malaking play ground. Walang ibang iniisip o inaasikaso kundi ang sariling mga kaligayahan. They wished, time would stop at this very moment wherein they enjoy each other’s company.
----------------------------
“Tired?” tanong rito ni Nelson.
Humikab muna si Niza bago sumagot, “and sleepy, yet very happy.”
“Thanks for the day, sana hindi ito ang huli,” he kissed Niza on the lips.
Niza was shocked pero hindi siya nagalit sa ginawa ni Nelson. Maybe because she was too tired to snap Nelson on the face, o dahil sa gusto niya rin ang ginawa nito. Hindi na siya nagsalita at bumaba na ng kotse nito. Mabuti nalang at madilim na sa paligid para hindi makita ni Nelson ang pamumula ng kanyang pisngi.
“Niza, I will court you. I want you to be mine,” bumaba rin ng kotse si Nelson upang habulin ang nabiglang dalaga.
She doesn’t know what to feel and what to say. Nelson just kissed her and now informed her that he will court her. Ano ba tong nararamdaman niya? Ready na ba siya para sa panibagong relasyon? Nakalimutan na ba niya ng tuluyan si Gary. Well, hindi na siya umiiyak kapag naalala niya ito but does it mean na wala na siyang nararamdaman para dito? Hindi na nga ba niya hihintayin ang pagbalik nito sa buhay niya?
 “Good night Nelson. Thanks for the day. I enjoyed it well,” tumalikod na siya at pumasok na sa kanilang bahay.
Confused leads her right now. Kaya na ba niyang sumugal ulit? What should she do? Sleepless night, ito na naman tayo.
-----------------------------------------------
Busy siya sa kanyang maliit na opisina nang kumatok ang kasambahay nila, “Ma’am, may bisita po kayo. Gary daw po ang pangalan, ” imporma nito sa amo.
Natigil sa pagko-compute si Niza ng marinig ang pangalan ng bisita. Paanong? Imposible. Hindi ba’t nasa Davao ang Gary na kilala niya? Pero wala naman siyang ibang Gary na kakilala maliban dito.
“Ma’am, papapasukin ko po ba?” tanong ng kasambahay nila.
“Ha? Ah.. O sige,.Patuluyin mo na. Lalabas na rin ako,” she walked right here and there sa maliit na opisina niyang iyon. Para siyang hindi mapakaling naiihi. Anong gagawin niya? Haharapin ba niya ito? Bakit ito nandito? Makikipagbalikan ba ito sa kanya o binibisita lang siya? Mahal pa ba siya nito? O MAHAL pa ba niya ito?
Paano mo malalaman kung hindi mo siya haharapin? Untag sa kanya ng sariling isip.
Tumawag siya sa intercom.
“Manang, pakisabi masama ang pakiramdam ko.”
COWARD!  Puna niya sa sarili.




Chapter 9 – Wrong Choice
She decided not to talk with Gary. Ayaw na niyang maka-usap ito o makita man lang. Wala siyang paki-alam kung bumiyahe man ito ng mahabang oras para lang makita siya. The hell she care! But, is it the right choice? Ang tuluyan na itong kalimutan.
Is she choosing Nelson now? During those sleepless nights, ito ang naiisip niya. Si Nelson na ba talaga ang mahal niya at hindi na si Gary? How come? Since when?
Ah basta bahala na! She’s now braver di ba? So she have to take the risk. And that risk is none other than Nelson. Ito ang pinamalaking impluwensiya sa kanya para magbago at maka move on from a very hard heartbreak.
Ilang beses nagpabalik- balik sa kanyang hasyenda si Gary ngunit gaya ng una niyang ginawa, ay hindi niya ito hinaharap. Furthermore, she spends most of her free times and even during her working hours with Nelson. Sinimulan na nga nitong ligawan siya and as days passing by, pinapatunayan nito na mabuti ang hangarin nito sa kanya. Ngayon lang siya nakaranas ng tradisyonal na paraan ng panliligaw. Mula paggising niya ng umaga, nakikita na niya itong nag-iigib ng tubig at pagkatapos ay nagsisibak pa ng kahoy. Aakalain mong hindi ito isang anak-mayaman at may-ari rin ng isang mas malawak na hasyenda. Pakiramdam niya tuloy, isa siyang tunay na dalagang Pilipina. Despite of our modern world na halos hi-tech na ang lahat, may ganito pa rin pala.
She never forgets to update her friends on what is happening to her life at masaya sila para sa kanya.
It was her father’s birthday at siya ang punong abala para sa selebrasyon na iyon. Katulong niya ang kanyang Tita Cecil pati na rin si Nelson although hindi naman niya ito inobliga. Bilang masugid na manliligaw ay nag volunteer ito na tulungan siya. It is a two-week preparation kaya’t naging maayos naman ang lahat. Ginanap ito sa ancestral house ng mga Abadia na nasa kabilang dulo ng hasyenda Leonize. Walang nakatira rito ngunit pinapanatili nila ang kalinisan at kagandahan nito para sa anumang okasyon na maaaring idaos dito gaya ng kaarawan ngayon ng kanyang ama. Two- story at Spanish style ang tahanan na ito at may malawak na hardin sa likod.
Ang kasiyahang ito ay bukas para sa lahat ng taga Iba, Zambales na malapit sa ama ni Niza. Kasama na ang mga sarili nitong mga tauhan at kani - kanilang pamilya. Pati mga taga- ibang hasyenda ay pinaulakan nilang dumalo kasama na ang pamilya ni Nelson.
“Kailan na ba kami mamamhikan sa inyo Arthuro?” pabirong-tanong ng matandang Casinao sa ama ni Niza.
“Masyadong mabagal ang binata mo sa panliligaw Norman, hindi mo yata naturuan sa larangang iyon,” tawanan ang dalawang matanda, pati na rin si Tita Cecil ang ina ni Nelson na si Mrs. Eva Casinao na masayang nakikinig sa biruan ng kanilang mga esposo.
“Baka naman kasi bantay sarado si Niza sa’yo kaya’t hindi makagawa ng first move ang binata ko?” muli silang nagtawanan.
“Ang ipinayo ko lang naman sa aking anak ay ang babaeng pinaghihirapan, hindi pinakakawalan,” Nang malaman ni Mang Arthuro na nililigawan na ni Nelson si Niza, ito ang kanyang sinabi sa kanyang anak.
“Ayun na nga! Mukhang matatagalan pa ang kasalan dito sa Iba!” sagot naman ni Mr. Casinao.
Nahihiyang napayuko na lamang si Niza at natatawang naiiling na lang si Nelson sa usapan ng kanilang mga magulang. Pinili nilang manahimik na lamang at huwag ng sumabay sa usapan ng mga ito.
“Pa, aasikasuhin ko lang po ang ibang bisita at pupunta na rin po ako sa kusina, I che-check ko lang ang ibang pagkain,” paalam ni Niza sa mga matatanda. Sobrang nahihiya na siya sa pinag-uusapan ng mga ito.
“Samahan na kita, Nize!” tumayo na rin si Nelson at sinamahan si Niza patungo sa kusina.
“Nakakahiya!” di napigilang bulalas ni Niza.
“Oo nga eh, pasensiya ka na sa papa ko ha,” hinging paumanhin ng binata.
“Okay lang naman iyon, si Papa, masyadong madaldal, nakakahiya naman sa’yo. Nalaman mo pa yung sinabi niya sa akin,” Tumatak kasi sa isipan ni Niza ang ipinayo sa kanya ng kanyang ama. Kung kaya’t kahit pa na mahal na niya si Nelson ay hindi pa rin niya ito sinasagot hanggang ngayon. Sinusubukan niya kasi ang tiyaga nito sa panunuyo sa kanya.
“Willing naman akong maghintay,” nakangiti nitong lahad.
“Salamat sa pang-unawa,”
“Pero pwede bang humiling?” sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata.
She felt nervous and somehow excited, “A-ano naman iyon?”
Nagulat siya ng bigla siyang hilahin ni Nelson at dalhin sa isang kuwarto malapit sa kusina. Servant’s quarter marahil iyon. “Nelson?!”
“Sshh,” isinara nito ang pinto at ini-lock, “I just want to this,” Nelson slowly lowered his head and kiss Niza on the lips. Kung dati ay puro smack lang ang nagagawa niya sa dalaga this time it was a long, tender kiss.
 She couldn’t help it but to respond on that sweet kiss, ito ang isinisigaw ng puso niya.
“I love you Niza,” humihingal na bulong ni Nelson sa kanya.
I love you, too. Napigil niya ang sarili sa pagsabi nito dito. Naisip niya kasi, once na binitawan niya ang mga salitang ito, magiging sila na. So to make it her safe, she chose to be speechless. Ngiti lang ang isinagot niya.
“Wala ka man lang bang sasabihin? Even though your actions are shouting, gusto ko pa ring marinig mula sa bibig mo,” tila hinihintay ni Nelson ang pagtugon nito sa sinabi niya.
Ang babaeng pinaghihirapan, hindi pinapakawalan. Ito ang paulit-ulit na tumatatak sa isipan niya. And for her, one year is not that enough to say yes to this man.
“Thank you for everything,” tangi niyang nasabi. Halata niya ang dismaya sa guwapong mukha ng binata. Pinipigil niya ang matawa sa naging reaksiyon nito. She knew this man is waiting for a better answer than what she said.
“Yun lang?” naiinis na tanong ng binata.
“Oo, yun lang,”
“Hay!” tila nawawalan na ng pag-asa si Nelson sa dalaga, “konti nalang maniniwala na ko sa papa mo na mahina talaga ako sa’yo,”
Hindi na napigilan ni Niza ang matawa at tumakbo palabas ng kuwartong iyon. Agad naman siyang hinabol ng binata. “Hey!”  Hindi na niya muling nasolo pa ang dalaga dahil nakihalubilo na ito sa pamilya ng mga tauhan nito.
“Hindi pa tayo tapos,” Nelson mouthed this words nang magkahulihan sila ng tingin ng dalaga.
“IDC!” Niza answered her without a voice. At sinabayan pa ng pagdila na akala mo’y bata.
Natawa na lang ng pagak si Nelson. Niza really amazed her all the time. Ewan nga niya kung paanong nasasakyan niya ang mood swings at pagiging childish nito minsan. Siguro ay talagang mahal niya lang ito at tanggap niya kung anumang pag-uugali meron ito. She really loves this woman. 
Tumungo si Nelson sa isang bahagi ng hardin at naabutan roon ang ama na tila may kausap sa cellphone nito.
“We will finally expand our land, Kumpadre! Malapit na. Just wait and see,” sabi nito sa kausap. “Sige. Hindi ka na maghihintay ng matagal. Magaling ang binata ko,” sinundan nito iyon ng malakas na pagtawa. Naramdaman nito na tila may nakatingin sa kanya kung kaya’t tinapos na nito ang pakikipag-usap sa telepono.
“Si Ninong Lance ba yon, Pa?” tukoy nito sa kaibigang matalik ng ama. Ito ang nag-uudyok sa kanyang ama upang palawakin pa ang lupang nasasakupan.
“Oo. Kinukumusta ang Hacienda Leonize. Bilisan mo na ang pagkilos para matupad na ang pangarap ko,” maawtoridad na utos sa kanya ng ama.
“Pa! How many times do I have to tell you? I am not after their land anymore! Mahal ko si Niza at siya lang ang kailangan ko!”
Nawala sa paningin ni Niza ang binata kung kaya’t hinanap niya ito. Inaalala niya na baka magtampo ito o sumama ang loob dahil sa inasal niya kanina. Ayaw niya pa kasing umamin, kahit pa na ipinakakanulo na siya ng sariling puso ay hindi pa rin niya masabi ng diretso dito ang tunay na nararamdaman. Kumuha siya ng isang baso ng red wine para pang peace offering dito.
Nasaan na kaya yun? Bigla na lang nawala.  
Hinanap niya kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses na tila may kasagutan. Hinayaan niya ang sariling malaya munang makinig sa pakikipag-usap nito sa ama.
“Mahal ko si Niza, papa! That’s all  I want!” malinaw itong narinig ni Niza. Nagtago siya sa likod ng mayabong na halamanan. Hindi niya alam kung bakit may kung anong magnet ang pumipilit sa kanyang manatili sa kinatatayuan.
“Hindi ba’t plinano mo itong lahat? Ang paibigan siya at pagkatapos kapag kasal na kayo, finally magiging atin na ang hasyendang ito!” mas malakas at makapangyarihan ang tinig ng ama nito.
Nabitawan ni Niza ang hawak na basong may alak sa pagkabigla sa narinig. Nelson planned all of this! Ang kaibiganin siya and eventually ay pa-ibigin. Maganda nga namang taktika iyon upang maangkin nito ang Haciena Leonize. She never thought that all of these were fake!
It is really a wrong choice to fall for this man.
Maski ang mag-amang nag-uusap ay nagulat din sa narinig na basong bumagsak sa lupa.
“Ni-niza?” Nelson couldn’t find words.
“All along, everything you showed was real! I hate you for tricking me and congratulations you won! Pero hinding hindi mapupunta sa iyo, sa inyo ang lupain ko! Mark my word, Mister Casinao!” umalis na siya sa madilim na bahaging iyon ng hardin.
“Niza, wait! I can explain everything,” habol rito ni Nelson. Kanina lang ay masaya pa silang magkasama ni Niza ngunit nabago ang lahat ng iyon because of that stupid damn conversation with his greedy father. She could totally lost Niza forever. He would not let that happen! Hinabol niya ang pinakamamahal na dalaga at niyakap.
“Niza, I love you so much that I can’t afford to lose you. Ipapaliwanag ko ang lahat. Please listen,” pagmamakaawa nito.
Pilit kumawala si Niza sa pagkakayakap ni Nelson. Her heart is against it. Gustong gusto nito ang makulong sa mga bisig ng lalaki but not her brain. Sa nalaman niya, isang kaaway na naman ang turing niya sa binata.
“Let me go! I don’t want to see you again especially not here on my land!” sa sobrang galit na nararamdaman ay nasampal niya ito. A part of her heart was also hurt for hurting this man physically. She just ignored that stupid feeling. As usual, whenever she’s hurt like this, parang marathon ang mga luha niya down on her cheeks.
“Damn! I don’t want to see you crying especially if it’s because of me!” galit si Nelson sa sarili, “Okay, I’ll go, but I can’t promise that you will not see me again,” tumalikod na ito.
Nize felt she really had the wrong choice. Tama bang ito ang pinili niya over Gary?
 Pero tama rin bang hindi na niya ginusto pang pakinggan ang paliwanag nito? He always used to say that he loves her even in front of his father.
What if it’s the only thing that’s real right now?
Was it really the wrong choice that she chose?














Chapter 10- Setting Free
Here she goes again, feeling the pain that a man caused her once more. Hindi na siya nadala. Mula sa first boyfriend niyang si Drei, then si Gary at ngayon naman si Nelson.
Ganun talaga siguro sa love, hindi ka laging masaya. At kung gaano mo kamahal ang isang tao, ganung level  rin  ang mararamdaman mong sakit pag nasaktan ka nila.
Ilang beses ng sinubukan ni Nelson ang kausapin siya but she never gave him a chance. Sapat na ang mga narinig niya mula sa ama nito.
“Anak, bakit di mo siya bigyan ng pagkakataon na makausap ka?” minsang tanong sa kanya ng kanyang ama. She was sitting on her favorite spot, when his father came and approached her.
Para saan pa? Para maloko ulit niya ako?” tumawa siya ng pagak, “I don’t need him,” Liar! Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.
“Ayaw mo bang malaman ang totoo?”
“Pati ikaw dad? Nabola na rin niya?”
“Masyado na akong matanda iha, para magpabola. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng kakayahang kumilatis ng isang tao,”
“Whatever it is Dad, I’m hurt and I don’t want to see him again, ever.” tila papatak na naman ang mga luha niya.
Niyakap siya ng kanyang ama, “You don’t deserve that pain, Niza.”
“Thanks Dad. I love you. Sapat na sa aking ikaw nalang muna ang lalaki sa buhay ko and also God,” masaya siya sa piling ng ama at hindi siya nagsisising pinili niyang tumira dito kasama ito.
“I love you, too iha. And I know, someone out there really loves you the same as God and I do to you,”
“Dad!”
Natatawa siyang niyakap ng matandang Abadia.
-------------------------------
“What happened?!” kausap niya si Jadey sa telepono. Bigla itong tumawag sa kanya ng mabasa nito ang fb status niya, “What do you mean, second pain is harder to ease ha Leonize?”
“Easy ka lang Heart! Easy nga lang ako eh!,” birong sagot niya dito. Ayaw na niyang umiyak.
“Easy mo, mukha mu. Bruha ka! Naglilihim ka na naman ha! Magtatampo na naman ako sa’yo niyan. Malayo ka na nga sa amin, tapos ganyan ka pa,” pangongonsensiya nito sa kaibigan.
Na-guilty naman siya kaya’t kinuwento na niya ang lahat ng alam niya at pinaniniwalaan niya.
“Teka lang Niza ha. Parang ang OA na yata, paiibigin ka, pakakasalan, ibebenta ang hasyenda mo sa ama niya para maging property na nila yun at tapos hihiwalayan ka? Nahihilig ka na ba sa mga koreanovela ngayon?!”
“Eh, sa yon ang mga naiisip ko eh. He can do the worst thing you could imagine Jadey. Ang galing niyang artista! Gusto ko siyang bigyan ng award na Best Actor.”
“Adik!” natatawang komento ni Jadey sa exaggerated na kuwento ni Niza, “Obvious lang na mahal mo siya kaya ganyan ka,”
“Obvious ka diyan?! Hindi ko na siya mahal, I mean, hindi ko siya mahal! Hindi ako magmamahal ng manloloko,”
“Pakinggan mo nga ang sarili mo. At pinakinggan mo na ba ang side niya? Kung bakit niya yun nagawa or plinano if ever plinano niya nga,”
Para saan pa? Para maloko lang ulit niya ako?”
“Playful heart ka nga! Tigas ng ulo mo eh! Hindi mo pinakikinggan yang isinisigaw ng puso mo eh kahit ako rinig na rinig ko,”
“Purple Jade, hindi ka na nakakatuwa. Makasermon ka, para kang si Sheldine ah!”
“Eh kasi naman Leonize, pag naiinlove ka, parang hindi ikaw yung Niza na nakilala ko,”
“Inlove ka diyan! Hindi ko siya mahal!”
“Ikaw nga si Niza!” sinundan ito ng malakas na tawa ni Jadey.
“Wala ka ng sasabihin? Ibababa ko na to. Busy ako,”
“Tseh! Busy rin ako pero I still take time for my love ones! Matats ka naman!”
Natawa si Niza sa sinabi ng kaibigan, “Tats talaga ha! Sige na, touched na touched na ako! I love you Purple Jade! Muah! Muah!”
“Adik!”
“Mana lang ako sa’yo.” Kinalimutan na nila pareho ang naging pag-aaway nila non. She loves this girl, syempre lahat ng Playful Hearts pero may espesyal na puwesto si Jadey sa puso niya.
-----------------------------------------
Sumunod na araw, may bisita si Niza.
Muli na namang bumalik si Gary sa kaniyang hasyenda para kausapin siya.
“Anak, hindi matatapos yan hanggat hindi mo siya hinaharap,” payo sa kanya ng kanyang Tita Cecil.
“Pero, tita, I don’t want to talk to her anymore.”
“Why can’t you be considerate? Six hours ang binabyahe niya everytime na pumupunta rito. Sabihin mo na sa kanya ang lahat ng gusto mong sabihin para na rin sa ikagagaan ng loob mo, iha. May pinagsamahan naman kayo di ba? Give him the benefit to talk to you,”
Natauhan siya sa sinabi ng step mother. Masyado na nga siyang naging inconsiderate. Hindi na niya binigyan ng chance si Nelson na makapagpaliwanag , pati si Gary, hindi din niya hinaharap. Na kung tutuusin naging masaya naman siya sa piling ng mga ito. At marami siyang natutunan sa mga ito. “Sige po,” hinarap na niya ang binata.
Sa favorite spot ni Niza sila nag-usap ni Gary.
“Salamat Niz, at pinagbigyan mo akong kausapin ka,” pauna ni Gary.
“Dapat kasi hindi ka nagpupunta pa dito. Nasasayang lang ang panahon mo. I will never go back to you,” derecho niyang sabi rito. Noon niya pa narealized na hindi na niya ito mahal. Nelson helped her to move on and to totally forget her feelings toward this guy. A lot of help actually.
“Thank you din at pinaalam mo sa akin yan. Akala ko kasi, umaasa ka pa rin sa pagbabalik ko, tulad nung sinabi ko noon bago ako umalis,”
Tinaasan niya ng kilay si Gary. Anong ibig nitong sabihin? “Hindi ko maintindihan.”
“Nung pumunta ako ng Davao, nakilala ko si Thea. Classmate ko siya. Lagi kaming magkasama at unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya. At sinabi niya sa aking mahal niya ako. Kaya lang…” mahaba nitong paliwanag.
Niza got his point. Gary thought that she still hold on to his promise kaya’t hindi nito tuluyang mahalin ang bagong kakilala.
“….akala mo, magiging unfair ka para sa akin. Maybe it’s really a good decision na maghiwalay tayo non. Kasi kahit ako, nagbago ang nararamdaman ko,” nakangiti nitong agaw sa mga sasabihin pa sana ni Gary. “You’re free now. I mean, pareho tayo.”
“Friends?” inilahad ni Gary ang palad.
Masaya si Niza para dito. At least ngayon, pareho na silang matatahimik. Tama si Tita Cecil, dapat noon niya pa ito kinausap para opisyal ng naging sarado ang isang kabanata sa buhay niya.
Imbes na tanggapin ang kamay ni Gary ay niyakap niya ito, “Thank you for coming at pasensiya ka na kung ilang beses kitang hindi hinarap.”
Niyakap din siya ni Gary, “Hinding hindi kita makakalimutan Niz. At maniwala ka, sobra kitang minahal noon.”
“I know, ako din naman. Pero siguro hanggang dito nalang talaga tayo, Friend.”
Pareho silang nagkatawanan.

Ito ang mga eksenang nakita ni Nelson. Binitawan niya ang mga dala na para sana sa dalaga, hinayaang bumagsak sa lupa at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.
 He thinks that he should now set her free. Masaya na ito. Yun nga lang hindi sa piling niya.  Masakit pero kailangang gawin.
Damn that stupid dream! Kung tutuusin, it was not his dream na palawakin pa ang nasasakupan nila, but his father’s. Ayaw niya ngang pamahalaan ang hasyendang iyon, napilitan lang siya dahil sa pakiusap ng kanyang ina. Solong anak siya at walang ibang puwedeng magmana nito kundi siya lang. He lost his only love. Maybe forever. Siguro nga kay Gary talaga ito nararapat at hindi sa kanya na isang manggagamit at sinungaling, well according to Niza.
------------------------------
“Baka gabihin ka sa daan?” nag-aalalang wika ni Niza sa kasama. Napasarap ang kuwentuhan nila ng dating katipan, hindi nila namalayan ang paglipas ng oras.
“Tinataboy mo na ba ako?” birong tanong ni Gary sa kanya.
“Hindi naman sa ganon. Nag-aalala lang ako.”
“Okay sige. Thank you ulit ha.”
“Wala yun. Thank you din. Hatid na kita sa gate.”
Hindi sinasadyang may naapakan si Gary. Mga bulaklak, chocolates at isang teddy bear na kulay pink. “Kanino to?” tanong niya sa kasabay maglakad.
Kibit balikat lang ang sinagot ni Niza. Although may idea siya kung kanino galing ang mga ito but she chose to be silent.
“Siya na ba?” makahulugang tanong ni Gary sa kanya.
She doesn’t want to talk about it. She remained silent.
“May pinagsamahan tayo Niz, kilala kita. Anong nangyari?”
“Nagkamali ako,” maikli niyang tugon.
“Hindi mo ba siya binigyan ng pagkakataon na kausapin ka?”
Marahan siyang tumango, “What for? Para lang masaktan pa ulit ako. Huwag na.” pagdadahilan  niya.
“Ikaw talaga si Niza,” naiiling na turan ni Gary.
“Baka kasi kapag pinakinggan ko pa siya, mabilog niya lang ulit ang ulo ko,”
“Kasi mahal mo siya kaya hindi pwedeng hindi mo siya pagkatiwalaan,”
“Ang lalim ah. Parang may pinaghuhugutan lang?” biro ni Niza sa dating nobyo. Ayaw niyang umiyak. Lalo na sa harapan nito.
“Sira. Hindi gagaan yang nararamdaman mo kung hindi mo siya kakausapin,”
“Gumaan na. Kasi nagkausap na tayo.”
“Iba tayo, iba kayo.”
“Tseh! Dami mong alam. Sige na, ingat ka sa byahe ha,” muling niyakap ni Niza ang kababata.
“Teka lang, Niz,” hinawakan ni Gary sa braso sa Niza pagkatalikod nito sa kanya.
“Uhmm.. Ano yun?” nagtatakang tanong nito sa pagpigil sa kanya.
“Ayaw mo bang maging masaya?”
Napaisip siya sa tanong ng dating nobyo. Sa totoo lang, sobrang saya niya nung mga araw na magkasama sila ni Nelson. Naging mas madali sa kanya ang pamumuhay sa hasyenda sa tulong nito. She’s learning and at the same time she’s enjoying his company. Pero nasaktan siya ng labis sa nalaman. Ilang araw din niyang iniyakan iyon at sa tuwing maalala ang tagpong iyon sa hardin, naluluha pa rin siya. Labis na sakit pala talaga ang kapalit kapag naging sobrang saya ka sa piling ng taong mahal mo once na masaktan ka niya.
“It’s better for me to set him free than to be happy again with his sweet lies,” mapait nitong nginitian ang kausap.
Bago siya muling tumalikod papasok ng kanyang hasyenda ay kinawayan niya muna ito.
We’re all free now. Salamat sa lahat, Gary. And Nelson.

















Chapter 11- Playful Hearts to the rescue
“Te-teka lang!” naguguluhang tanong ni Niza sa mga taong nasa harap niya ngayon, “Anong ginagawa niyo dito?” Sobra siyang nagulat dahil bigla na lamang sumugod ang mga ito sa hasyenda niya. Alam niyang may mga kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga ito kaya’t nagtataka siya kung bakit sila nandito ngayon. Ni wala siyang natatandaan na niyaya niya ang mga itong pumunta doon.
“Heart!” tili ni Xyrish, “Hindi mo ba kami namiss?” lumapit ito kay Niza at hinalikan niya sa pisngi. Nagsisunuran naman ang iba pa nilang kaibigan.
“Syempre, namiss. Nabigla lang ako kasi naman hindi man lang kayo nagpasabi na pupunta pala kayo dito,” inakay na niya ang mga kaibigan papunta sa sala ng tahanan nila.
“Ang laki ng bahay niyo Niz! Parang yung mga bahay lang sa Vigan,” puri ni Mafeth sa nakikita.
“Oo nga. Ang ganda, bez!” dagdag pa ni Sheldine, “para tayong nag time travel sa pre-historic time.”
“Salamat,” sagot ni Niza sa mga ito. Masaya siya dahil nandito ang mga kaibigan niya ngayon. Mahal talaga siya ng mga ito. Imagine, through their very hectic schedule and busy life ay nagawa siyang puntahan ng mga ito. Kaya’t mahal na mahal din naman niya ang mga ito.
“Teka lang! Iniiba niyo ang usapan eh. Bakit nga kayo nandito?” tanong niya ulit sa mga ito.
“Bakit ayaw mo?” taas kilay na tanong sa kanya ni Lizen.
“Hindi naman sa ayaw. Masaya nga ako kasi nandito kayo ngayon and take note, kumpleto pa!”
“Yun naman pala eh! Bakit nagtatanong ka pa?” si Tulips.
“Masama bang magtanong? Malay ko ba kung may tinataguan pala kayong utang sa Manila or don’t tell me, sabay sabay kayong nag resign at ako ang bubuhay sa inyo ngayon?” birong tanong niya sa mga ito. Sana lang hindi siya lumabas na korny.
“Utang kaagad? Hindi ba pwedeng concern muna sa’yo?” tanong sagot ni Jadey rito.
“Oo nga! Resign kaagad? Hindi ba pwedeng magbabakasyon lang muna? At hindi kami magpapaampon sa’yo noh! Kaya naming ampunin ang mga sarili namin!” si Xyrish.
Natawa siya sa mga sagot nito, “Oo na! Teka Jadey, paanong concern?” naguguluhan niyang tanong rito.
“Pa inosente ka pa! Wala kang maitatago sa amin! Alam namin, broken hearted ka,” pagkatapos itong sabihin ay nilantakan na ni Sheldine ang suman na nakahain para sa kanila.
“Makapagpost ba naman sa fb, wagas na wagas eh. Paanong hindi namin malalaman. Pengeng asukal!” utos ni Mafeth rito.
“Ate, pahinging asukal,” tawag ni Niza sa kasambahay nila, “okay naman ako ah. Nag-abala pa kayong pumunta rito. Nakakahiya naman. Piling ko tuloy para akong bunsong kapatid na inaway ng kalaro tapos yung mga kapatid ko sumugod para aluin ako at ipagtanggol.”
“Ay teh! Alam mong higit pa kami sa kapatid. Tsaka ginusto rin naming pumunta dito. Para nga magbakasyon. Loka ka! Ang ganda ganda pala dito! Sana noon pa kami dumalaw. Ni hindi mo man lang kami niyayang pumunta rito,” Si Xyrish ulit.
“I second the motion!” tinaas pa ni Jade yang kaliwang kamay.
“Me, third!” natatawang sinundan ito ni Tulips.
“Mga adik! Busy pa kasi ako. Alam niyo na pinag-aralan ko pa lahat ng pasikot sikot dito at maedyo matagal rin bago ako nakapag adjust,”

“I know right,” sagot ni Lizen at tinungga ang ice tea sa kanyang baso.
Nagulat si Niza nang bigla siyang batukan ni Xyrish.
“Aray! Para saan yon?” reklamo niya rito.
“Gawain niya talaga yan, nowadays,” si Jadey ang sumagot.
Para matauhan ka na! Kami alam na namin ang side niya pero ikaw ni hindi mo lang magawang pakinggan yung side ni.. Aray!” hindi natapos ni Xyrish ang mga sasabihin pa dahil siya naman ang binatukan ni Jadey. Tinitigan siya ng bestfriend at waring may sinasabi ito mentally. Hay. Nag mental talk na naman talk ang dalawa. “Okay fine! I get it. Pero kelangan talaga may batok ha, Purple Jade?”
“Ano ba yun? Hindi ko magets! Ano bang alam niyo?” naguguluhang tanong ni Niza sa mga kaibigan.
“Wala! Echuserang froglet lang yan si Niza. Nakuwento ko kasi sa kanya yung naging usapan natin sa telepono, kaya ayan nabatukan ka tuloy. Don’t worry, iginanti lang kita!” nakangiting paliwanag ni Jadey rito. Pero ramdam ni Niza na may tinatago ang mga ito.
“Come on! Spill it out!” pilit niya sa mga ito. Alam niyang may itinatago ang mga ito. O di kaya ay may pinaplano, hindi nga lang niya sigurado kung ang iniisip niya ang iniisip rin ng mga ito. Huwag naman sana, dasal niya.
“Wala nga. Paranoid ka lang,” sagot ni Sheldine.
“Magkakadikit na ang mga bituka natin. Alam kong may tinatago kayo, hindi naman kayo basta basta susugod dito ng wala man lang pasabi kung wala kayong binabalak eh.”
“Magkakadikit? Hindi naman ah!” tinignan pa ni Tulips ang makinis nitong tiyan. Akala mo, hindi pa nanganak. Wala kahit isang stretch marks.
“Sige na Tulips! Ikaw ng walang stretch marks!” pag-iiba ni Jadey ng usapan.
“Hay nako! Malalaman ko rin yan! But I assure, whatever it is, hindi yan magtatagumpay,” sana nga hindi, muling dasal ni Niza sa sarili.
Kibit balikat lang ang isinagot ng mga kaibigan niya sa kanya.
--------------------------------
Sumaglit si Niza sa kanyang opisina upang may asikasuhin lang saglit. Iniwan niya muna ang mga kaibigan sa manggahan na abalang abala sa pamimitas ng mga Indian mangoes at Evergreen.
“Niz…” tawag sa kanya ni Mafeth. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kanya.
“Oh, Feth, bakit nandito ka?” tanong niya rito.
“May natanaw kasi akong isa pang magandang bahay dun sa likod, yung malapit sa taniman ng mga tubo. Samahan mo naman ako.”
“Ha? Ah un ba, ancestral house namin yun. Walang nakatira dun eh. Napupuno lang ng tao doon kapag may okasyon dito. Bakit naman gusto mo pumunta dun?”
“Wala lang. Nacurious lang ako. Maganda rin siguro dun noh?”
“Oo naman. May hardin pa yun sa likod,” Naalala niya, mahilig pala si Mafeth sa mga historical houses.
“Punta tayo?”
“Sige. Ipapasyal ko kayo dun later. May tatapusin lang ako.”
“Ayoko. Gusto ko, ako muna.”
“Hah? Bakit ayaw mo silang kasama?”
“Eh kasi, alam mo naman kapag magkakasama tayo, ang ingay ingay natin. Kay Jadey at Xyrish palang, para na tayong may megaphone na dala. Gusto ko kasing maramdaman yung solemnity ng bahay.”
“Ginawa mo pa talagang museum ah!  Kaso baka magtampo sila.”
“Edi, huwag nating sabihin. Kunwari, hindi ako naunang pumunta dun kapag pinasyal mo na kami later doon.”
“Ikaw talaga Mafeth. Sige, wait lang. Tapusin ko lang to.”
“Okay. Take your time,pero wag mo masyadong tagalan para hindi obvious na nawala tayo,” prente na itong umupo sa sofa na nandun.
------------------------------
“Wow, Niza! Ang ganda ganda naman dito. Sayang naman walang nakatira dito,” masayang puri ni Mafeth sa nakikitang bahay ngayon.
“Hindi naman siya sayang kasi nagagamit pa rin naman namin ito tsaka well maintained naman ito eh.”
“Kahit na. Iba pa rin kapag may pamilyang nakatira rito.”
“Hayaan mo, kapag nag-asawa ako. Dito ako titira,” biro niya sa kaibigan.
“Promise yan ha!”
“Joke lang adik! Hindi ko pa naiisip yon.”
“Asan yung kusina?”
“Bakit? Nagugutom ka na?”
“Hindi ba pwedeng curious lang?”
“Hay nako, kanina ka pa curious. Halika.” Dinala niya sa kusina si Mafeth. Ngunit bago pa sila makarating rito, may isang lalaking humila sa kanya papasok sa isang kuwarto malapit doon. Napatili siya sa pagkagulat.  “Ahh! Mafeth!” Ngunit hindi ito sumagot. Ano bang nangyayari?
Madilim sa loob ng kuwartong iyon. Naalala niya, naka off pala ang main switch ng kuryente.  Sa amoy pa lang ng lalaking pumangko sa kanya, alam na niya kung sino ito.
Click! Mahinang pagtunog ng pintuan ng kuwarto tanda na nakalock na ito. Hindi niya pinansin ang kasamang lalaki sa kuwartong iyon bagkus ay kinatok nito ang pinto mula sa loob.
“Mafeth! Ilabas niyo ko dito,” pinilit niyang buksan ang pintuan ngunit nakalock ito sa labas.
“Sorry Heart, napakiusapan lang ako,” sagot ni Mafeth dito.
Narinig din niya ang boses nila Xyrish at Jadey na parang tumatawa ang mga ito.
“Lagot kayo sa akin kapag nakalabas ako dito. Ipapaban ko kayo rito!” hindi niya yata magagawa ito. Panakot niya lang yon, sakaling buksan nila ang pinto but she doubt.
“Okay lang! At least, we did our mission,” sagot ni Jadey rito.
“Purple Jade!”
“Pasensiya na, hindi ko kasi mahindian yang prinsipe mo. Iwan na namin kayo ha!” tumatawa pa nitong paalam sa kanila.
“Nga pala Niz!” si Xyrish.
“Ano?!” asik niya sa kaibigan.
“Lights on o lights off?” sinundan ito ng impit na pagtawa.
“Tse! Isusumbong ko kayo kay Papa,” banta niya ulit.
“Don’t worry bez, he knows! Sabi niya, kami na daw ang bahala,” sagot ni Sheldine rito.
“Wutever! Lights on!” bumukas nga ang ilaw sa kuwartong iyon.
Hinarap niya ang kasamang binata sa loob ng kuwartong iyon, “Ano bang problema mo?! Bakit pati mga kaibigan ko, idinamay mo pa!”
“Ayaw mo kong kausapin eh so I find my ways,” nakangiti nitong sagot sa dalagang mahal.
“Ano ka BDO?!”
“Hindi. Future husband mo,”
“In your dreams!”
“Halika, dali, tulog na tayo. Let’s dream together!” itinuro nito ang kama na nasa loob ng kuwartong iyon.
“Mukha mo!”
“Makikinig ka ba o forever nalang tayong mag-aaway at makukulong sa kuwarto na to? Ang sabi ko kina Jadey, bubuksan lang nila ang kuwartong ito kapag okay na tayo.”
“It will never happen!”
“So okay lang sa’yo na makulong sa kuwartong ito kasama ako?”
Yes! Sigaw ng puso niya. “A-ayoko,”
Unti unting lumapit sa kanya si Nelson. Umatras siya ng umatras hanggang sa maramdaman nalang niya ang matigas na pader.
“Magpapaliwanag ako o hahalikan kita?”
Yung huli! “None of the above! Let me out of here!”
“You only have two options,” nakangisi nitong tugon.
Tinulak niya ito palayo sa kanya at umupo sa kama, “you explain.”
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Nelson bago nagsalita, “It was really my father’s plan. Masyado na ngang malawak ang lupain namin pero greedy siya at tanggap ko yon kaya’t pati itong lupain niyo gusto niyang makuha. Hindi totoong papaibigin kita para lang makuha ang hasyenda niyo. Akala niya yun ang plano ko, as you know kung papaano mag-isip ang mga taong katulad niya. But Niza, please believe me, I don’t have any intentions like that. Sincere at totoo ang lahat ng pinapakita ko sa’yo.”
I believe you Nelson, dinidikta ng puso niya.
“Pero ganun din, kung tayo ang magkakatuluyan, para na ring napunta sa inyo ang hasyendang ito.”
“Let’s have a prenup. By the way, Am I forgiven?”
Nahihiyang tumango si Niza.
“I love you so much Niz that I can’t afford to lose you. Since the day, I saw you crying on your favorite spot, naipangako ko sa sarili ko na kapag naging akin ka, hinding hindi kita paiiyakin because of pain,”
“But you did,”
“It because you didn’t listen,”
“I’m afraid to get hurt again.”
“It’s part of loving someone. But I promise, hinding hindi na kita paiiyakin pang muli,”
“Promise?”
“Yes, I do. The last we’re here, may hindi ka sinabi sa akin. Can you tell it now?”
“I – I love you, too.”
Nagulat na naman siya ng bigla siyang yakapin ni Nelson at halikan. This is really what her heart wants. To be in his arms…









Chapter 12 – Playful Hearts’ First Wedding
After two months since their reconcilation, abalang abala ang lahat sa pag-aayos ng kasalang magaganap sa hasyendang iyon bukas.
It will be a beach wedding na gaganapin sa Subic, where the couple first dated.
“Heart! We’re so happy for you! Congratz! Ikaw ang unang kinasal sa atin!” bati sa kanya ng kaibigang si Xyrish. Their having their pajama party. Ito ang mas prefer ni Niza kaysa sa isang bridal shower na minsan may mga lalaki pang sumasayaw and this party is  exclusive for Playful Hearts members only.
“Thank you, Heart. Nakaka stress nga eh. Imagine, two months lang ang ginawang preparations. Sana maging maayos siya bukas.”
“Oo naman! Tsaka dalawang hasyenda ang nagtulungan para maayos ang kasalan kaya hindi problema ang oras noh. Just always be positive Heart,” masaya si Sheldine para sa matalik na kaibigan.
“Ayan na! Naiiyak na naman ako!Kayo kasi eh!” di na napigilan ni Niza ang pagtulo ng kanyang luha.
“Huwag kang umiyak, gaga! Kung ayaw mong pumangit bukas,” biro sa kanya ni Lizen.
“Grabe noh. Kung sino pa yung pinakatahimik sa atin nung college, siya pa ang unang ikakasal,” puna ni Tulips.
“Oo nga eh, at kung sino pa yung pinakabata, siya pang pinakaunang nagkaanak,” parinig ni Xyrish sa kaibigan.
“Okay lang. Happy naman ako with my angel. Eh, ikaw. Baka wala kang mattress!” tawanan ang barkada.
“Subukan mo nga Tulips kung wala talagang mattress si Xyrish!” birong hamon ni Jadey.
“Huwag na. Andiyan naman si John para patunayan sa atin yon,” sabay kindat nito kay Xyrish.
“Tseh! Ang dumi talaga ng utak mo!” natatawang sagot naman ni Xyrish dito.
“Tama na nga yan! Magkapikunan pa kayo,”  saway ni Sheldine sa mga kaibigan.
“Pak! Nanita na ang lola! Hahaha!” si Mafeth.
“Cheers nalang!” itinaas ni Jadey ang basong may lamang champaigne.
“Cheers!” sigaw rin ni Lizen.
“Kampai!” sigaw naman ni Xyrish.
Napuno ang kuwarto ni Niza ng halakhak at masasayang kuwentuhan ng gabing iyon. It was such a very wonderful night for her with these people she really treasures most.
Mag-aalas dos na ng maisipan na nilang matulog.
---------------------------------
“Bez, okay na bang itsura ko?!” kinakabahang tanong ni Niza sa kaibigan. 9 a.m. pa lang ay nasa beach na sila upang ayusin pa ang mga dapat ayusin para sa kasalang iyon.
Sa tabing dagat ang pagdadausan ng seremonyas. May itinayong mahabang daan patungo sa dagat na paglalakaran ni Nelson at Niza upang makarating sa aisle kung saan maghihintay ang pari. Mga sampung metro ang haba nito covered with a red carpet.
She’s wearing a long white gown designed by a very well-known person in Fashion Industry. Since kulay green at Hawaian  style ang kanyang motif,  ang kanyang mga abay ay naka green hawaian styled dress at si Sheldine naman ay naka white dress. Playful Hearts look lovely on their dresses. Aakalain mong aatend ka sa isang fashion show. Lahat sila ay may kanya kanyang taglay na kagandahan.  Na halos lahat ng nandoon ay paghanga ang makikita sa kanilang mata whenever they look on these lovely girls.  
Si Nelson naman ay naka amerikana also created by a famous fashion designer.  Ang mga grooms men naman nito ay naka shorts lang with green polo shirt at may suot na  necklace made of fresh flowers.
“Huwag ka ngang kabahan! Ikakasal ka, hindi bibitayin,” sinubukang biruin ni Sheldine ang kaibigan na tensed na tensed na.
“Hay. Diyos ko bez! Kinakabahan na talaga ako. Ilang minutes nalang, mag-I start na tayo,” di pa rin mapakali si Niza.
“Gusto mong tumili?” suhestiyon ni Sheldine. Ginagawa nila ito noon sa tuwing may mabigat silang nararamdaman.
Tumango siya bilang pag sang-ayon. Baka sakaling mabawasan man lang ang nararamdaman niyang kaba. Pumunta sila sa isang kuwarto, nilock ang pinto at tumili ng ubod lakas.
“Okay ka na?” tanong ni Sheldine rito.
“Yeah! A little bit! Thanks bez!” masaya niyang niyakap ang kaibigan.
Tara na!” yaya ni Sheldine dito.
Paglabas nila ng kuwarto, mga naggagandahang dilag at nag-aalalang mukha ng lalaking pinakamamahal ni Niza ang bumungad sa kanila.
“Anong kalokohan yan? Makatili wagas na wagas!” si Lizen.
“Itong kasi si Niza, super kabado, kaya yan, pinatili ko,” kampanteng sagot ni Sheldine.
“Mahal, okay ka lang ba?” masuyo siyang niyakap ni Nelson, “akala ko kung ano ng nangyari sa’yo nung hindi na kita matanaw kanina. Or baka umurong ka na sa kasal natin,”
“I told you! Masyado ka naman kasing OA Nels! Sabi ko naman sa’yo kabado lang yang bride to be kaya naghanap ng mapagtitilian,” paliwanag ni Jadey sa kabado ring si Nelson.
“Akala mo runaway bride na ang peg ni Niza noh?!”birong tanong ni Xyrish sa binata.
Tara na, balik na tayo don, magsisimula na ang misa,” yaya ulit ni Sheldine sa mga kasama.
“Eksenadora!” si Lizen.
Tawanan ang lahat.
Angels brought me here ang kantang pinapatugtog habang naglalakad si Niza papunta sa altar. Yeah, maybe it’s true that angels brought her here in this very beautiful place that led her to the man of her life.
Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha habang papalapit sa lalaking pinakamamahal na naghihintay sa kanya sa altar.
“Di ba sabi ko sa’yo, I don’t want to see you crying..” pinunasan ni Nelson gamit ang sariling kamay ang pisngi ng kanyang bride.
“Okay lang. Tears of joy naman yan eh,” pinilit niyang ngumiti.
“I love you,” Nelson told her sincerely.
“I love you, too.” She replied with all her heart.
------------------------------





No comments:

Post a Comment