Nang dahil sa #aldub
Geh.
"Sa Tamang Panahon"
(Siya)
Kailan nga ba makakamtan
Ang oras na pinaka-aasam?
Ikaw at ako'y magiging tayo
Pag-ibig mo ay magiging ako.
O, mahal ko kailan nga kaya
Makakapiling ka sa tuwi-tuwina,
Sana nga ay nalalapit na
Ang araw na ikaw ay akin na.
Iyo sana laging pakatatandaan
Na ikaw lamang ang nilalaman
Ng puso kong nasasabik
Sa iyong mga yakap at halik
Patuloy na hihilingin sa Maykapal
Ang tamang panahon, o aking mahal
Ramdam kong ito ay malapit na
Ikaw ay akin nang makakasama.
Ang mahalin ka'y magpakailanman
Pangako ko'y hindi ito titigilan
Maghihintay sa pagdating ng tamang pagkakataon,
Ikaw at ako lamang sa habang panahon.
(Ako)
Maraming salamat sa alay mong pag-ibig
At sa'yong pagdating sa aking daigdig,
Ang dating madilim na kulay nito ay nag-iba.
Naging makulay at napuno ng ligaya.
Ako nga ay tuluyan nang aamin
Sa tunay na nilalaman ng damdamin.
Sadyang ikaw lamang ang nandirito
Sa puso kong itinitibok ang pangalan mo.
Noong una pa lamang kitang nasilayan
Loob ko'y agad ng labis na nasiyahan.
Sa ngiti mo pa lang ay hulog na hulog na
Ang aba kong puso ay naging pag-aari mo na.
Sana ay ipagkaloob na ng Diyos Ama,
Ang tadhana nating dalawa.
Masabi ko na sana sa'yo ng harapan
Na mahal na mahal kita, ikaw lamang.
Tamang panahon ating hintayin
Labis na naniniwalang ito ay darating din
Ating mga puso ay magiging isa
Dasal at tiwala lamang, oh aking sinta.
#SaTamangPanahon
No comments:
Post a Comment