Saturday, October 12, 2013

Lizen - The Ramp of Love



All she ever dreamed is to be a super model. Well, that is all the people know. But deep inside herself, simpleng bagay nalang ang pangarap niya.
Ang mahalin siya ulit ng taong minahal na siya dati.

Ganun ba kasimple yun ha, Lizen Ceras?! Pagkatapos ng lahat ng pambabara, panlalait at pagtatago na ginawa mo kay Orlan?

Isip isip din pag may time.






Chapter 1 – She’s Lizen

Chapter 2- One Year

Chapter 3- Orlan.

Chapter 4- Rosen

Chapter 5 – More than Friends

Chapter 6 – The New Me

Chapter 7- Her Heart Knows

Chapter 8 – Greatest Dream

Chapter 9 – Confession

Chapter 10 – The Final Ramp






Chapter 1 –  She’s Lizen.

“Lizen, it’s your turn!” sigaw ng baklang coordinator na si Jaja.
“Okay,” no effort niyang sagot.
Rumampa na siya sa pathway and ever as usual she did it gracefully and so nicely.  This is her life she loved the most outside school, ang rumampa via cat walk.
Sa tangkad na 5’9’’, mestiza at balingkinitang katawan, sino nga bang mag-aakala na nasa ikalawang taon pa lang siya sa college. She’s Lizen Marcial Ceras. Currently 17 years old and taking up Business Management. Raket niya ang pagmomodelo para sustentuhan ang pag-aaral.

It’s been a tiring yet fun day for her. She enjoyed it, so does she loves it.

“Hot Babe!” komento sa kanya ng isang lalaki mula sa likuran niya. Kapwa niya model ito. Pero ngayon lamang sila nagkatrabaho.
“I know and I’ll take that as a compliment.” Mataray niyang sagot rito.

“Okay, this call for today! Good job everyone! Pack up!” Anunsiyo ni Jaja.

Nag-aabang na siya ng taxi para umuwi nang may humintong Honda Civic sa harap niya.
“Mind if I take you for a ride?” Pagbaba ng window ng kotse, ito ang itinanong ng lalaking pumuri sa kanya kani-kanina lang.
“Yes, I mind. Kaya kong umuwi mag-isa.” Pagtanggi niya. She may be a model but not a slut. Kahit pa na ito ang tingin ng marami sa kanya. She knows herself more. “Besides, I don’t go with strangers. Salamat nalang sa offer.”
“Come on. It’s getting late. Baka mapaano ka pa sa daan. I won’t take you elsewhere maliban sa bahay mo unless you’ll be the one who’ll ask for it.” Nagpakawala pa ito ng isang pilyong ngiti.
Ang yabang!
Hindi niya alam kung anong magneto ang naghila sa kanya para tumabi rito sa loob ng sasakyan na iyon.
The worst, she never expected that this one move can ruin her entire world….. She shouldn’t really go with a stranger. That’s lesson number number 1.

-00-

“Ano ka ba naman Lizena! Nuknukan ka ng syunga! Ang daming mas matinong lalaki diyan bakit dun ka pa sa walang buto pumatol! Wake up!” sermon ni Sheldine. Halos kita na ang ugat sa leeg nito.
“Oo nga! Of all guys na nagkakandarapa sa’yo, dun pa sa may sabit na, ka pa natisod.” Dagdag ni Jadey.
“Ano ng balak mo?” tanong naman sa kanya ni Xyrish. “If I were you, kumalas ka na sa relasyon na yan. Walang patutunguhan yan eh!” Segunda pa nito.
“Ang kaso Neng, hindi ikaw si Lizen. For sure, hindi bibitaw yan. Kung matigas ang ulo ko, mas matigas ang ulo ng babaeng yan. Inlababo eh.” Sabat ni Tulips.
“Kalma lang girls. Hindi si Lizen ang kaaway. Para na kayong uupak ng tao eh.” Natatawang awat ni Mafeth sa mga kaibigang high blood.
Tumikhim muna si Niza bago nagsalita, “ Mahirap talagang kalabanin ang puso sa isinisigaw ng utak. Kung saan tayo masaya, dun tayo kahit pa na sa tingin ng iba eh mali. Pero wala namang maling desisyon eh. Nasa tao nalang yun kung hindi niya mapapanindigan.” Malalim nitong komento.
“Hah? Hindi naman ako slow. Parang ngayon lang!” ani Jadey. Sa loob loob niya, minsan na nga lang magsalita itong si Niza, hindi pa nila maarok sa sobrang lalim.
“So ang ibig mong sabihin, si Lizen lang ang makakapag decide. Ano pang silbi nating mga kaibigan niya kung hindi natin siya magagabayan?!” Kontra ni Sheldine sa sinabi ng best friend. “Na-inlove rin naman ako ng ilang beses pero hindi ko hinayaan na masira nun ang pag-aaral o ang buhay ko. Love is for inspiration not for self destruction.” Sermon ulit nito.
“Agree ako sa’yo, Lola! Lizen, ilang subjects natin ang hindi mo na-enroll dahil super late kang nagpasa ng preferred mong schedule tapos ngayon, hihinto ka nalang?! Adik ka ba?!” si Jadey. Sobrang kunot na ng noo nito.
Tumango-tango naman si Xyrish.
“Sige lang huminto ka, para tuluyan ng masira yang buhay mo. Mamaya niyan, mabuntis ka pa!” ani Tulips.
“Ah letse! Bahala kayo!” Sagot niya sa mga ito. Actually, kanina pa siya naririndi sa iba’t ibang komento ng mga kaibigan.  Alam niya ang gusto niyang mangyari. Kung kinakailangang huminto ng pag-aaral para lang makasama si Ricks 24/7 ay gagawin niya.
Ang kaso itong mga kaibigan niya, parang kontrabida sa plano niya. Wala siyang balak isuko nalang basta basta si Ricks. Mahal niya si Ricks. Mahal na mahal pero bakit ba hindi siya maintindihan ng mga ito? Hindi ba sila seryoso sa mga boyfriends nila at hindi nila naiintindihan ang nararamdaman niya?
“Hep! San ka pupunta?!” Pigil ni Jadey sa kanya ng akmang tatayo na siya mula sa pagkaka hot seat.
“Ano ba?!” Tinapik nito ang kamay ni Jadey. “Kelangan talaga, may sabunot?!” Asik niya sa kaibigan.
“Hay nako. Kung pwede nga lang, iuntog pa kita eh! Pero dahil sa kaibigan kita, next time nalang.”
“Ewan ko senyo! Alis na ako. Maghahanap ako ng matinong kausap. Akin na yan!” Pilit nitong kinukuha ang bag mula kay Tulips. “Akin na sabi eh!”
“Sino namang kausap yan? Yung Ricks mo?! Tsk!” Hinarangan siya ni Xyrish sa pagkuha ng bag nito mula kay Tulips.
“Utang na loob, Lizena! Once and for all, makinig ka naman sa amin!” Halos pasigaw ng sabi ni Sheldine sa kanya.
“Mga Hearts, wag naman kayo masyadong magwala dito sa boarding house ko. Baka mapagalitan tayo ng land lady ko.” Mahinahong saway ni Mafeth sa mga kasama. But she doubt kung makikinig ang mga ito sa kanya. As far as she knows, Playful Hearts will always be as noisy as this. Kapag magkakasama sila ay daig pa nila ang isandaang tao to the point na pito lang naman sila.
“Hayaan niyo na siya!” Sigaw ni Niza. Nagulat naman silang lahat. Ang pinakatahimik sa kanilang pito, nagawang magtaas ng boses dahil sa komosyong nangyayari.
Silang anim naman ngayon ang natahimik. “Much better kung siya mismo ang magdedecide para sa sarili niya. Kung magkamali man siya, wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya.” Litanya nito.
Woah! Tila iisang reaksiyon nilang anim.
“Thanks huh!” Sarkastikong sabi namna dito ni Lizen sabay hablot sa sariling bag mula kay Tulips. Tuluyan na rin siyang umalis sa lugar na iyon. Pakiramdam niya, para siyang na-toxic.
Bakit ba kasi hindi siya maintindihan ng mga ito na sobra niyang mahal si Ricks para pakawalan lang ito ng basta basta?
Tanga na kung tanga pero si Ricks lang ang nakapagpapasaya sa kanya. Above all, ayaw niya ng may kahati.

-00-

“To-totoo ang sinabi sa’yo ni Julius. Ikakasal na ako.” Tanging nasabi ni Ricks when she confronted him.  Sa isang taon na naging mag-on sila, she never had a hint na engage na pala ito. The worst ay sa ibang tao pa niya nalaman. Sa pinsan nito na naging sobrang  ka-close niya.
“Mamili ka, Ricks. Ako o siya. Selfish na kung selfish pero may mga bagay na hindi pwedeng paghatian.” Aniya rito.
“I can’t. Importante siya sa akin. Ikaw din.” Tila naguguluhan nitong sagot sa kanya.

Biglang nag-init ang ulo niya. She tried to be calm pero parang hindi yata kakayanin ng powers niya ang naging sagot nito. “You know, that’s bullshit! Paano mo nagagawang magmahal ng dalawang babae ng sabay?!” Sigaw niya. Naiiyak na siya. She never cried in front of anybody. Parang ngayon lang yata mangyayari iyon. She’s tough at yon lang ang gusto niyang ipakita sa ibang tao. “Simple lang ang tanong ko. Ako o siya!”
“Pero, Lizen. Wag mo naman akong papiliin.”
“So, ano to Ricks? Gaguhan? Magpapakasal kayo tapos ako, anong labas ko, kabit?!”
Sabi nga ni Bea, Walang babaeng pinangarap na maging kabit… Kahit siya mismo ayaw niya non. Pangarap din naman niyang magkaroon ng sariling kumpletong pamilya someday noh. Ang hirap kayang mamuhay mag-isa. Lalo na ang maging ulilang lubos.
“Mahal kita pero hindi ko hahayaang tuluyan mong sirain ang buhay ko. Tama sila Sheldine, wala kang kuwenta!” Tuluyan na niyang nilisan ang condominium ng ngayon ay para sa kanya’y ex boyfriend na niya.

-00-
“I told you!”
“Kulit mo kasi eh!”
“Daming lalaki diyan, sa walang kuwenta ka pa nainlove.”
“Buti naman natauhan ka na.”
“Syunga syunga kasi eh!”
“Hindi ka mauubusan ng lalaki!”
Ito ang mga inaasahan niyang sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya once na ibalita niya sa mga ito na nakipaghiwalay na siya kay Ricks.
But on the other hand:
Tara, mall tayo! Skip natin yung Accounting mamaya!” yaya ni Jadey sa mga kaibigan.
Xyrish seconded, “Tama! Tama!” Niyakap pa nito ang kaliwang braso ni Lizen, “hanap tayo boys!” 
Naiiling na lang si Sheldine sa dalawang kaibigan na hobby ang paggagala. “Sige, mall tayo. Medyo matagal tagal na rin akong hindi nakakapasyal.”
“Sama natin si Mafeth! Day-off niya ngayon.” Suggestion ni Niza.
“Mga pasaway. Hindi papasok ng Accounting para lang mag-mall.” Sita ni Tulips sa mga kaibigan.
“Dami mong alam. Sumama ka na! Wala ka namang pasok eh.” bara naman ni Jadey dito.
Kaya ayun at sa mall nga ang derecho nila.
They never talked about Ricks.
And Lizen was glad for them to know na ayaw niyang pag-usapan muna ang wasak niyang puso as of this time.
Lizen really loves these girls. Alam ng mga ito ang salitang, perfect timing.
Pasasaan ba’t makaka move on rin siya. Kailangan lang ng oras.
-oo-





Chapter 2 – One Year

She gave herself one year.
One year to recover from the pain she suffered, one year to move on and to totally forget Ricks.
Tinalikuran na niya ang pagmomodelo. Kahit pa na ito ang pinakahilig niyang gawin sa lahat. People around her as much as herself knows that this is her ultimate dream, ang maging super model but she chose to walk away from it.
 Naaalala niya lang si Ricks kapag nakakakita siya ng entablado. Nananariwa sa ala-ala niya yung mga panahong masaya sila at sabay na rumarampa.
And she thinks that she couldn’t move on if she will always reminisce.
Nagpatulong siya kay Mafeth na makapasok sa pinapasukan nitong fast food chain. Natanggap naman siya. Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Sa loob ng isang taon, bahay, eskwela at trabaho ang naging routine niya. Isama na rito ang paminsan minsang gala ng barkada.
Love life? Tsk! Tsaka na!

Being single is not a crime… Yan ang ginawa niyang motto for that one year.
-00-

Minsang nakatambay sila magbabarkada sa park nang may lumapit kay Lizen para humingi ng number nito.
“I’m sorry but I don’t entertain strangers.” Mataray niyang sagot sa binatang lumapit sa kanya.
“Kuya, pasensiya ka na, nag memenopause kasi yan.” Sabat naman ni Xyrish sa usapan ng dalawa.
“Menopause ka diyan! Tseh!” Baling ni Lizen sa kaibigan.
“Sige, allergic nalang. Kuya pasensiya ka na, as of the moment eh allergic yan sa mga lalaki.” Singit naman ni Jadey.
“Tseh, isa ka pa! Magsama kayo ni Xy!” Si Jadey naman ang tinarayan niya. Umalis na siya sa bench na tinatambayan nila, lumapit siya sa may fountain at doon banda naupo.
Nagsisunuran naman ang iba pang Playful Hearts.
“Oh, bakit sumunod kayo?” Taas kilay niyang tanong sa mga ito.
“Saktan kaya kita!” Iniumang pa ni Sheldine ang kaliwang kamao.
“Alam mo, walang masama sa pag momove on. Wag ka lang masyadong maging bitter. Wala ka naman sigurong balak magpaka old maid noh.” Payo ni Tulips sa kanya.
“Salamat sa advice ha. Wag mo rin masyadong paringgan ang sarili mo.” Sagot naman niya rito.
“Eh at least ako, willing pa rin ako magmahal. Hindi lang si Archie ang lalaki sa mundo.” Balik sagot naman nito.
“Edi ikaw na. Wag mo din ako itulad sa’yo.” Wala sa bokabularyo niya ang magpatalo sa mga usapan o debate. Kahit nonsense na ang mga sinasabi niya, lalaban at lalaban pa rin siya. Siya yata si Lizen!
 Pak!
Isang tumataginting na batok ang dumapo sa ulo niya mula kay Sheldine. “Uhhm! Hindi kami mga boys para tarayan mo ng sobra. Sabi ko sa’yo kanina pa kita gustong saktan eh!”
“Kalma lang, bez.” Payo ni Niza sa matalik na kaibigan, pigil ang tawa.
“Aray naman!” React ni Lizen. Hindi siya nakailag. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero tama naman si Sheldine. Ito na nga lang ang mga taong tanggap siya at totoong nagmamahal sa kanya maliban sa lola niya ay hahayaan niya pa bang mawala ang mga ito dahil lang sa katarayan niya and the worst eh sa pagiging bitter niya sa kasalukuyan? No way!
Medyo kumalma na siya.
Hindi naman napigilan nila Mafeth, Xyrish at Jadey ang matawa.
“Sige, tawa pa!” tinirikan niya ng mata ang mga ito.
“Hahaha!” Pang-aasar pa ng mga ito sa kanya.
“Diyan kayo magaling eh! May klase pa kayo di ba? Ano pang ginagawa niyo dito?”
Magkakaiba na kasi sila ng schedule. Nanatiling magkakaklase sila Sheldine, Jadey, Niza at Xyrish. Si Tulips naman ay nahinto sa pag-aaral kagaya ni Mafeth. Siya naman, may mga subject siyang naiwan last year kaya yun ang mga kinukuha niya sa ngayon.
“Tinatamad kaming pumasok. Logistics eh.” Si Xyrish ang sumagot.
“Baka naman sa ginagawa niyo, sabay sabay pa tayong ga-graduate. Pabor sa amin ni Mafeth yun!” Naki pag-apir pa si Tulips sa kaibigan.
“Mukha niyo. Edi sinakal ako ng tatay ko. Minsan lang naman ‘to. Tsaka minsan na lang din tayo magkasama sama eh. Kasi nga iba-iba na tayo ng schedule.” Sagot ni Jadey.
“Kaya nga. Lizen, hindi mo ba kami namimiss?” Pinapungay pa ni Xyrish ang mga mata, “Amishu Lizen. Muahh muahh Tsup tsup!” Nakalingkis pa ito sa braso niya.
Tawanan na naman.
“Hindi noh! Sawang sawa na nga ako sa mga pagmumukha niyo eh!” Biro niya sa mga ito.


















Chapter 3 – Orlan

“Nakita niyo ba si Lizen?” tanong ni Orlan kina Jadey at Niza na abala sa paggawa ng assignment sa library.
“Ma….” Sagot ni Niza. Ang ibig niyang sabihin ay Malay Ko.
“E. As in ewan. Andiyan lang yun sa tabi-tabi. Hanapin mo lang.” Sagot naman ni Jadey.
“Mahirap hanapin ang taong nagtatago.” Halos pabulong na sabi ni Niza.
Siniko naman ito ni Jadey.
“Ano yon?” hindi naging malinaw sa pandinig ni Orlan ang huling sinabi ni Niza.
“Wala dito si Lizen. Hanapin mo nalang sa ibang lugar. Allergic sa library yon.” Sagot ulit ni Jadey.
“Sige, salamat sa inyo ha.” Pagkasabi ay umalis na rin ito.
 Kinuha ni Jadey ang cellphone sa bag. “Lumabas ka na diyan, wala na siya.”
Mula sa CR na nasa loob ng library ay lumabas na nga si Lizen mula sa pinagtataguan niyang lungga.
Iritable siyang umupo sa tabi ni Niza. “Bwisit talaga. Ang kulit kulit!”
“Ikaw naman kasi. Bakit mo kailangang taguan yung tao. Pwede namang harapin at bastedin.” Ani Jadey.
“Hay nako. Ilang beses ko ng ginawa pero ayaw pa rin akong tantanan! Nakakabwisit na, kaya hangga’t maaari, iniiwasan ko nalang dahil baka kung anu ano pa ang masabi ko.” Paliwanag niya sa kaibigan.
Ikinibit lang ni Niza ang mga balikat at nagpatuloy sa pagsusulat.
“So, yan lang ang gagawin mo? Ang magtago ng magtago?” With matching taas ng kilay na tanong sa kanya ni Jadey.
“Magsasawa din yun.” Sana nga. Piping dasal niya.
“I doubt.” Si Niza.
Niza is right. Alam ng mga ito kung gaano kakulit si Orlan sa panliligaw sa kanya.
“Sige, una na ako. May klase pa ako.” Paalam na niya sa mga ito.
“’Ge. Ingat sa stalker mo. Ay, secret admirer pala kasi guwapo.” Biro ni Jadey.
“Hindi secret yon kasi lantaran.” Kontra naman ni Niza.
“Sige, Courter nalang.”
“Huh?” takang tanong nila Niza at Lizen.
“English ng manliligaw.” Paliwanag ni Jadey.
Haha! So Funny! I mean, so corny!  “Dami mong alam. Sige na. Babye!” Paalam ni Lizen sa mga kaibigan.

“Lizen!”
Anak ng! Kilala niya ang boses na iyon. Mas pinili niya ang huwag lumingon at binilisan pa lalo ang paglalakad.
“Lizen, teka lang naman.” Habol pa rin nito sa kanya. Nagawa nitong pigilan siya at mahawakan sa braso.
“Ano ba, Orlan! May klase pa ko. Malelate na ako.” Asik niya dito at pilit kumawala sa pagkakahawak nito sa kanya.
“I-ibibigay ko lang naman to.” Sabay abot sa kanya ng isang CD. “Sana magustuhan mo. Ginawa ko yan, para sa’yo.”
Para sa akin? Tanong niya sa sarili.
“Sige, pasensiya ka na ha kung makulit ako. Promise, di na ulit kita gagambalain.” Tumalikod na si Orlan sa kanya.
Parang nakonsensiya naman siya sa ginawa niyang pagtatago at pagtataboy dito. Para itong nagmukhang talunan sa isang laro.
-00-
Ang Nais ng Puso – Orlan Madrid
I.
Ang nais ko lang naman
Iyo sanang malaman
Ang tunay na nararamdaman
Ikaw lang ang tanging laman…

Refrain:
Ng Pusong patuloy na aasa
Sana’y iyong makita
Na tunay ang pagsinta
Oh, Lizen…Mahal kita…

II.
Ligaya ang nadarama
Pag ika’y nakikita
Lalo pa kapag nakausap
Mata’y ayaw ng kumurap

Refrain:
Puso ko’y patuloy na aasa
Sana’y iyong makita
Na tunay ang pagsinta
Oh, Lizen…Mahal kita…
(Repeat Refrain)

As the music stops, napaiyak siya.
Lizen, doesn’t know if she can call that as tears of joy, “Bwisit na lalaking yon! Ang corny niya. Pero in fairness, ang ganda ng kanta. At ang ganda rin ng boses niya.” Para siyang tanga na kausap ang sarili, sabay punas ng luha sa sariling mga pisngi.
She’s touched, as in deeply touched. This was the first time that there’s a man who composed a song just for him. Ramdam niyang may katotohanan ang bawat salitang binigkas nito kasabay ng magandang tono.
Lalo tuloy siyang nagi- guilty. Sana ay hindi nalang niya ito tinataguan, binabara, iniiwasan and the worst ay sinasabihan ng kung anu-ano para lang tigilan siya.
Marahil ay sobra niya itong nasaktan dahil mahal na mahal siya nito.

Now the question is, handa na nga ba siyang magmahal muli?
At sapat na kaya ang mahigit isang taon na pamamahinga ng puso niya?
Parang hindi pa yata. Masyado niyang minahal si Ricks.
Natatakot na siyang masaktan ulit. It would be unfair naman kung bibigyan niya ng pagkakataon ang isang katulad ni Orlan na ligawan siya o maging sila and yet hindi pa siya totally nakaka move on.
-00-

Mula ng ibigay ni Orlan ang CD sa kanya ay hindi na niya ito halos mahagilap sa buong campus. Kung magkakaroon naman ng pagkakataon na magkita sila, lagi nalang itong mukhang nagmamadali or simply as mukhang iniiwasan siya.
Wala rin naman siyang lakas ng loob na kausapin ito dahil nahihiya siya rito. Kung kaya’t isang maliit na note ang ipinaabot nalang niya para dito.

Orlan,
Salamat sa CD. Na-appreciate ko iyon. Pero sana maintindihan mo na hindi pa ako handang buksan ulit ang puso ko. Salamat sa pagmamahal.
Lizen

-00-
Paglipas ng isang taon ay grumaduate na sila Jadey, Sheldine, Xyrish at Niza, pati na rin si Orlan.
 Si Tulips naman ay dalawang taon pa ang kailangang bunuin. Habang si Mafeth ay kababalik eskwela lang.
At siya naman, well, hopefully ay gagraduate na by the end of the coming school year.
Huwag lang siya magiging tanga ulit.
Haha!
Well, inaamin naman niya sa sarili iyon. Minsan na siyang naging tanga sa pag-ibig at ayaw na niyang maulit iyon.

-00-


















Chapter 4 – Rosen

“Aray naman!” Inis niyang sabi sa lalaking nakabanggaan. Pero imbes na humingi ng tawad ay tinignan lamang siya nito at pagkatapos ay nilampasan na.
“Aba’t bwisit na lalaki yon ah! Ang yabang!” Akmang huhubarin na niya ang sapatos na may matulis na takong at ngali ngaling ibato ito sa aroganteng lalaki.
Pinigilan siya ni Tulips sa nais niyang mangyari, “Teka lang Lizen, gusto mo bang ma-guidance? Gagraduaate ka na nga lang, gagawa ka pa ng bad record.”
May punto naman si Tulips. Na extend na nga siya ng isang taon sa eskwelahan na iyon ay magkakarecord pa siya.
She changed her initial plan. Muli niyang isinuot ang sapatos at hinabol ang lalaki. “Hoy!” Tinapik niya ito ng malakas sa balikat. Natigil naman ang lalaki sa paglalakad. “Sorry ha!” Sarkastiko niyang sabi dito.
“Sa pagkakaalam ko, ikaw ang nagtetext habang naglalakad, kaya mo ako nabangga.” Flat ang tono ng boses ng kausap niya. Masyadong malamig, parang may iceberg sa pagitan nila.
Hah! Ang yabang talaga!
Siyempre, hindi siya magpapatalo. Para ano pa’t siya ay naging si Lizen Ceras. “Mas matangkad ka sa akin, imposible namang hindi mo ako nakita. Edi sana, ikaw na ang umiwas, unless duling ka o malabo ang mata!”
Nanatiling kalmado ang lalaki. “Miss, huwag mong sayangin ang oras ko.” Muli itong naglakad palayo sa kanya at pumasok na sa isang classroom.
Antipatiko! Nanggigil niyang sabi sa sarili.
“Halika na Heart, mahuhuli na tayo sa subject natin.” Yaya ni Tulips sa kanya.
“Nakakainis. Para namang ang hirap bitawan ng salitang sorry! Bwisit!”
Tinawanan na lamang siya ni Tulips.
“In fairness, ang guwapo niya di ba?” Komento ni Tulips. “Bagay kayo! Hahaha!”
Lalo siyang nabwisit sa sinabi ni Tulips. “Peste! Kuwago kamo!” Kontra niya. Never!

-00-

 Sa dinami dami ng kwago este tao sa mundo, bakit ito pa ang nakasama niya para sa Outreach Program na sinalihan niya.  Para ito sa kanyang special project sa NSTP.
Kung pwede nga lang mag back out ay ginawa na niya. Pero she has no choice. Kailangan niyang mapasa ang subject na ito nang makagraduate sa oras.
“Kuya Rosen, simulan na daw po natin ang program.” Wika ni Mariz. Second year college ito at kaklase ni Lizen sa subject na iyon.
Tumango naman ang lalaki at akmang kukunin na ang mikropono.
“Bakit nandito siya?” tanong niya kay Mariz.
“SK Chairman kasi siya sa barangay na ito kaya sa kanya nakipagtulungan yung leader natin.”
Ah okay.

 “Mariz, pakisabi sa kasama mo, papilahin na ang mga bata.” Paki-usap ni Rosen dito.
Magsasalita sana si Mariz ngunit inunahan na ito ni Lizen. “Bakit kailangan mo pang ipadaan sa kanya?” Mataray niyang tanong sa SK Chairman. “Buti sana kung hindi kami magkatabi at hindi naman ako bingi.”
Narinig niyang bumulong ang isang bata sa likuran, “Ang sungit. Nagagalit siya kay Kuya Rosen.”
Tinignan niya ito ng masama. Tyanak! Kutong lupa!
Maya-maya ay nakalapit na sa kanila si Rosen. “Huwag mong patulan ang bata kung ayaw mong i-retake ang subject na ito.”
Paano niya nalaman?
Tinignan niya si Mariz na waring nagtatanong.
Kinibit lang ni Mariz ang mga balikat.
Unless… Humanda ka sa akin, Tulips! Later on Tulips told her na magkababata pala ang mga ito.
“Bakit, may sinabi ba akong papatulan ko? FYI, hindi ako pumapatol sa bata noh!” sagot niya rito ng makabawi.
“Action speaks louder than words.” Patama nito sa kanya.
“Narinig ko na yan, grade three palang ako. Wala bang bago?” Naka Mount Everest position na naman ang mga kilay niya.
Pumagitan sa kanila si Mariz. “Ahmm, Ate Lizen, tawag ka ni Lider. Punta ka daw dun sa kanya.” Turo nito sa lider ng kanilang grupo na abala sa pag-aayos ng mga pagkaing ipamimigay sa mga bata.
Sumunod naman siya rito.
Bad trip na araw ‘to! Bwisit lang talaga!
-00-
Nadulas ang isa nilang kagrupo habang naglilinis ng lugar na pinagdausan nila ng outreach program na iyon.
Tumayo ito bigla, “Anong nangyari?....” at luminga linga pa ito sa paligid at nagpatuloy sa pagwawalis.
Dahilan para matawa ang buong grupo. Kasama siya. Kahit pala hindi Playful Hearts ang kasama niya, ay kaya na niyang magsaya. Tulad noon nung rumarampa pa siya.
She can now finally say that she already moved-on. Wala na siyang makapang galit o kahit pagmamahal para kay Ricks.
All it takes is Time.
Masaya na siya ngayon. Tunay na masaya.
Salamat sa kagrupong nadapa.
“Tama naman pala si Tulips. Marunong ka rin palang tumawa.” Komento ng lalaki sa gilid niya.
“Tao ako. Hindi alien.” This time she makes sure na hindi nakaarko ang mga kilay niya. Sayang ang moment, minsan na nga lang ulit niya maramdaman ang tunay na saya, sisirain pa ba niya iyon?
Ito naman ang natawa.
May dimple pala siya…In fairness…
Inilahad ni Rosen ang sariling palad sa kanya, “Peace?”
Tinanggap naman niya iyon at masayang tumango.

Since then, they became close friends.
Madalas na niya itong kasama since wala na sa school ang ibang Playful Hearts. Si Tulips naman kasi ay parang nagkaroon na ng sariling mundo. Si Mafeth naman ay mas madalas niyang nakakasama sa trabaho.
In the end, during her idle time here in school, si Rosen ang madalas niyang kasama kahit pa na sobrang tahimik nito. Ramdam naman niya ang presence nito kahit papaano.

Sabi nga ni Jadey, buti naman daw at nawala na ang allergy niya sa mga lalaki.
Basta iwasan nalang daw niya ang mga lalaking makakati para hindi na siya mabiktima ulit.
Talaga! Once is enough!













Chapter 5 – More than friends

“Zen, may tatanong ako sa’yo.” Basag ni Rosen sa katahimikan. Sinamahan siya nito sa library.
Good news, hindi na rin siya allergic sa lugar na ito. She realized na kailangan niyang mag aksaya ng oras dito para makagraduate on time.
“Ano yon?”
“Handa ka na bang magmahal ulit?” tanong nito na hindi nakatingin sa kanya at nakatuon ang pansin sa hawak na lapis at yellow pad.
 “Huh?!” Anong meron?
“Di ba sabi mo, naka move on ka na kay Ricks. So it means, magpapaligaw ka na.”
Sige, sasakyan ko na yang trip mo may mapag-usapan lang. Mapapanisan na ako ng laway sa’yo eh. “Ewan ko. Siguro. Wala pa namang nagta-try lumapit eh. Tignan natin. Bakit mo nga pala natanong?”
Hindi na ito muli pang nagsalita.
After 48 years….
10 minutes lang pala.
“Ang labo mo talagang kausap. Bigla bigla ka nalang magsasalita tapos bigla ka nalang din tatahimik. Dapat kayo ni Niza ang magsama eh!”
“’Wag ka maingay.” Iniabot nito sa kanya ang yellow pad. “Sa’yo nalang.”
Isang long stem rose ang nakadrowing sa papel.
“Ano namang gagawin ko dito?” Takang tanong niya. Ang sweet naman ng lalaking ito! Literal na paper roses. Ay hindi, rose in paper pala.
“Huwag mo munang pilitin ang isang bagay. Sana kapag handa ka na talaga, andito ko. Una sa pila.” Niligpit na nito ang mga gamit na nasa mesa. “May klase pa ‘ko.” Paalam nito sa kanya at lumabas na ito ng library.
Damuhong yun talaga! Ang labo! Mas malala pa sa tubig-poso! Tubig kanal pa nga yata eh!
Kapag handa na ‘ko, siya una sa pila?
Anong ibig niyang sabihin?
Sige na, ako na slow!
Bwisit lang talaga!
Niza! Ano bang virus, meron ka?! Daig mo pa epidemya! Kainis!
Para siyang tanga na kausap ang sarili.

-00-
“Lola, bc ka?” text niya kay Sheldine.
Nagreply naman ito. “Kggaling ko lng work. Y?”
“Twag ako. My ttanong lang.”
“K.” muli nitong reply.
“Hello Lola, anong ibig sabihin pag sinabi sa’yo ng lalaki na kapag handa ka na, andito ako, una sa pila?” Bungad niyang tanong nang sagutin ni Sheldine ang tawag niya.
Pumalatak naman ito. “Syunga lang?!”
“Ano nga?”
“Uhmmm. Let’s say, hinihintay ka niyang totally maka move on na! At kapag ready ka na magmahal ulit, sana siya yung mahalin mo. Ano ba, Lizena! Nabakante ka lang ng mahigit isang taon, naging slow ka na.”
“Eh kasi naman, napakatahimik nung lalaking iyon tapos kung hihirit ang lalim lalim pa!”
“Ah. Hindi ba kakambal ni Niza yan? Hehe!”
“Yun nga rin ang naiisip ko. Ngayon ko nagets kung bakit kayo naging mag bestfriend ni Niza! Anyway, Rosen ang pangalan niya. Kababata siya ni Tulips.” Kuwento niya rito.
“Ah okay. Ikaw, nasa iyo yan. Sabi nga ni Niza, kung kanino ka magiging masaya, doon ka. Don’t go into a relationship masabi lang na may boyfriend ka. Learn from the past.”
I know right? “Yes lola, I will. Sige, pahinga ka na. Pasensiya na sa istorbo. Salamat and good night.”
“Wala yun. Congrats in advance, gagraduate ka na. Good night din and good luck sa love life.”
Sana nga.” Ibinaba na niya ang telepono.

May gusto sa kanya si Rosen?
Ang taong ice berg nagkagusto sa kanya? Paanong nangyari yon?
She thought that they were only friends and nothing more than it.
Hindi ba masasayang ang friendship nila if they will step out of it?

Isip, Lizen, isip.
Meron ka ba nun? Ha

Chapter 6 – The New Me

Kaya ko ‘to! Aja! Lizen told herself. This is her first day of training at kailangan niyang maipasa ito to become an official employee of this BPO Company.
After her graduation ay dito na siya nag-apply and luckily ay natanggap naman siya. Yung nga lang, she has to go to an intensive training para tuluyang makapasok sa kumpanyang ito.

“Good morning, aspiring employees!” Masayang bati ng kanilang trainer sa kanilang grupo.
“O-orlan….” Shocked niyang balik bati sa lalaking magiging trainer nila. Masyado ngang maliit ang mundo. She never knew na dito pa pala sila magkikita ulit.
“Good morning!” Muli nitong bati sa kanya at matamis pa siyang nginitian. “One year ago, I was on your position right now. As I have said earlier, I was an aspiring employee just like all of you also way back then. Thanks to my inspiration that I am now a Team leader slash Trainer slash Supervisor.” Muli itong tumingin sa gawi niya.
Hindi naman niya magawang salubongin ang mga tingin nito.
Woah. Si Lizen Ceras, waring nanliliit sa hiya?
Is this the new her?
Hindi pwede. Erase. Erase. Erase. Grumaduate lang siya from college pero it doesn’t mean na itatapon na rin niya ang dating siya.
“Really, huh.” React niya.
“Is there something wrong, Ms. Lizen?” Nakangiting tanong ni Orlan sa kanya.
She shrugged her shoulders. “Nothing at all.”
“By the way, for your info guys, Lizen and I were schoolmates in College. Glad to see you here.” Muli nitong baling sa kanya.
Inismiran niya lang ito bilang tugon.
“What’s the big deal?” Mahina niyang sabi na halos mga katabi niya lang ang nakarinig.
-00-
Her first whole day was filled with discussion. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya because of information overload. Super toxic. Mina-migraine na yata siya.
“Excuse me, can I go to ladie’s room?” Tanong niya sa kanilang Trainer.
“Sure. Do you need to wipe your nose already?” biro nito sa kanya.
“Yes. If you think so.” Lumabas na siya ng kuwarto at dumerecho sa banyo.

“Hello, Jadey. Eeehhh! Nakakainis! Guess what?! Ang trainer ko lang naman ay si Orlan! Very small world di ba?!” Kausap niya sa telepono ang kaibigan.
Natawa naman ang kausap niya. “Hahaha! Bakit ganyan ka makareact? Affected! Hehe. Baka meant to be kayo. Oyyy…. Oh Lizen…Mahal kita…” Kinantahan pa talaga siya nito.
Hindi niya rin maiwasan ang mapangiti. Tanda pa pala nito ang kantang ginawa ni Orlan para sa kanya. “Ewan ko sa’yo! Hindi ko alam kung maipapasa ko ‘tong training. Syempre, medyo naiilang ako.” Himutok niya. “Kung bakit naman kasi siya pa ang naging trainer ko eh.”
“Kasi nga, meant to be kayo.” Patuloy na pang-aasar ni Jadey sa kanya.
“Hay nako. Ewan! Sige na, balik na ako sa loob.”
“Bakit, miss mo na agad siya? Oyyyyy….!”
“Hmp! Babye!” Ibinaba na niya ang telepono dahil alam niyang walang patutunguhan ang pag-uusap nila ng praning na kaibigan.
-00-

She managed to keep her posture as well as her super duper ultra mega deep inside feelings.
She’s so much sure to herself that she felt a bit of awkwardness. A bit nga lang ba? Eh bakit parang halos kainin na siya ng sariling hiya? At ang heartbeat, sobrang lakas ng kabog.
 Pero siya si Lizen kaya walang makakapansin non. She was civil when talking to him.
“Well, this is all for today. I hope to see you again tomorrow and no one will be hospitalized due to over flowing of blood. Have a nice day everyone!” Biro at paalam ni Orlan sa kanyang mga trainee.
“Bye, Sir.” Halos sabay sabay na sagot naman ng mga ito.
“Ahmm… Lizen…” Tawag niya sa dalaga na abala sa pagliligpit ng sariling mga gamit. Lumapit siya rito. “Maybe, we can have some coffee outside. You know to catch things up. How’s school, how’s your friends.” Imbita niya sa dating kaschool mate.
“Your treat?” mataray naman niyang tanong.
Mahinang natawa si Orlan, “Sure. Yeah, of course. I’m the one who ask for it so it will be my treat.”
“Okay.” Nauna ng lumabas si Lizen ng training room.
Naiiling na sinundan na lamang ito ni Orlan.

-00-
“Kamusta na sila Jadey, Niza, and yung iba pa.” tanong ni Orlan sa dalagang nakaupo sa tapat niya sa loob ng cozy coffee shop na iyon.
“Pwede na palang magtagalog.” Imbes na sagutin ang tanong nito ay ito ang sinabi niya.
Natawa naman ang kausap niya. “Oo naman. Wala na tayo sa English Zone tsaka off duty na so pwede na.”
“Okay naman sila. May mga kanya kanyang buhay na din. Si Jadey at Xyrish, sa Libis nagtatrabaho, office. Si Niza naman, nasa kanila. May grocery sila. Si Sheldine, government employee. Si Tulips at Mafeth, nag-aaral pa.”
“Ikaw, kamusta ka naman?”
Tinitigan siya nito but she couldn’t fight it back. Itinuon na lamang niya ang pansin sa iniinom na frappe, minsan naman ay sa kalye siya tumitingin, o di kaya ay sa Menu Board na nasa counter.“Fine. Eto, trainee sa call center.” Literal niyang sagot.
“Of course, I know that. I mean… Love life. How’s…”
Hindi na natuloy pa ni Orlan ang susunod na sasabihin dahil nag ring ang telepono ng kausap.
“Excuse me.” Sabi niya bago sagutin ang phone, “Hello Rosen… Asan ako? Eto, nagkakape….. Tonight? Ahmm.. Try ko makadaan. Pero pakisabi nalang din kay Lily, happy birthday in case… Yeah, ngayon yung start ng training ko.  Okay sige. Bye.”
“It must be.” Ani Orlan pagkatapos niyang ibaba ang cellphone.
“Huh?”
“I mean, is he your boyfriend? May boyfriend ka na pala.”
“Ah. Si Rosen? No. Not yet.” Maikli niyang sagot. Not yet?!!
“Bakit naman, hindi ka pa rin ba nakakamove on from Ricks?” pang-uusisa pa nito. “Ako nga, matagal ng naka move on eh.”
So anong gusto mong palabasin? Edi, ikaw na ang naka move on. Pakelam ko?!
“So? Anong gusto mong gawin ko?!” muli niyang pagtataray.
“You never changed. Ikaw pa rin si Lizen na lagi akong binabasag at tinatarayan.”
“Old habbits are hard to die. Eh, ikaw? May asawa ka na?” derechahan niyang tanong sa kausap.
“Not yet, too.”
“Huh?”
“I-I mean, engaged.”
Oh.
Ouch! Sorry girl, hindi ka na niya nahintay! At lalong hindi na ikaw ang mahal niya. He’s already taken. Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.
So what?! Hindi ko naman hiniling na hintayin niya ako ah! Sagot naman ng isa.
Tila may dalawang boses na nag-aaway sa hypotalamus niya.
 Sure? Eh bakit parang ang saya saya mo ng makita mo ulit siya? Eh di ba minsan nga naiisip at namimiss mo pa  rin siya?
Oh shut up!
“Ah, okay. Congrats!” Tinaas niya pa ang frappe niya, “Cheers to that!”
Plastic! “So kelan ang kasal?”
“Not yet planned. Ikaw? Kelan mo balak?”
“Kapag mahal na niya ako.” Ulit. Out of nowhere niyang sagot. Ang daming words sa dictionary, ito pa ang napili niya.
“Nino? Nung Rosen?”
Maybe. Lizen just shrugged her shoulders and sipped again her coffee.
“Tsaka na yang lovelife, career muna.” She’ll try to change the topic, “Sa palagay mo ba, kakayanin ko?”
“Oo naman. Just work hard on it. And I’m here to guide you.” Sagot nito sa kanya.
“Thanks in advance. Sana nga totoo yan. Walang gantihan ha. Sana mapatawad mo na ko sa mga nagawa ko sa’yo non. Alam mo na, bitter pa ako sa mundo nun eh.”
Muling natawa si Orlan. “Sabi ko nga di ba, I’ve moved on. Kinalimutan ko na lahat yon.”
So, pati talaga ako eh, kinalimutan mo na. “So, hindi mo na ako mahal?” prangka niyang tanong dito.
Tila natigilan naman si Orlan.
Ano ka ba, Lizen! Kaya nga engaged na eh! Kasi hindi na ikaw ang mahal niya.
Eh malay ko ba kung panakip butas niya lang yung girl!
“Joke lang yun. Wag mo ng sagutin. Alam ko naman eh.” Bawi niya sa huling sinabi. Minsan talaga, she speaks even without thinking at first. Isa ito sa ayaw sa kanya ng mga kaibigan niya. But at least, they never left her. Kahit pa na sobrang taklesa at taray niya ay hindi siya pinabayaan o iniwan ng mga ito.
Kelan kaya siya magbabago?
Ngumiti lang si Orlan at hindi nga nito sinagot ang tanong niya.
Tara na?” Aya niya rito ng medyo paubos na ang nilalantakang frappe. “Pasensiya na ha, may dadaanan pa kasi akong birthday.”
“Hatid na kita,” Orlan offered.
“Huwag na. Baka magselos si Rosen at sampung taon akong hindi kausapin.” Nung minsan kasing makita siya nito na nakikipagtawanan sa isa sa mga kaklase niyang lalaki ay bigla na lamang siya nitong hindi pinansin ng ilang araw. “Anyway, thanks ulit.”
“No problem.” Sagot ni Orlan sa kanya. “I hope, this won’t be the last.”
Pakiramdam niya nagdiwang ang puso niya. Aw, siya na salawahan!
“Kala ko ba wala na tayo sa English Zone?” Pero nasa friend zone… Yun ang masaklap!
“Sabi ko nga.” Kamot ni Orlan ang sariling ulo.
May kuto lang?
-00-











Chapter 7 – Her Heart knows

“Kailangan ka niya.”
“I don’t think so.”
“Ang tawag diyan, Pride Chicken! Pakitigilan na yan, utang na loob!” Payo ni Lizen sa kausap.
As expected, hindi na muling sumagot ang kausap niya.
“Hay nako! Wala ka talagang mapapala kung ganyan ka ng ganyan! Puro ka paramdam! Ako ramdam kita, ang kaso yung taong mahal mo, manhid! Use your mouth, hindi lang puro actions.”
“You know, I can’t. This is me.”
“You must change, for the better. Kung hindi mo lalakasan ang loob mo, sa maling tao na naman siya mapupunta. Gusto mo ba yon, nang dahil sa pagiging ma-pride mo, nawala na nga siya sa’yo eh lalo pang nasira ang buhay niya.” Wow! She couldn’t imagine na magaling rin pala siyang magpayo. Salamat sa kapangyarihang taglay ni Sheldine at nahawaan siya nito kahit papano.
“Try ko.”
“Wag mong subukan, gawin mo.” Lizen told him. “May friendly date pa ako. Babye.”
-00-

After thirty days of training, isa na siyang certified employee ng kumpanyang pinasukan.
She loves what she’s doing right now. Okay naman sa call center. Although, pressure at puyat ang laging kaharap ay carry niya lang. Enjoy naman siyang nakikipagbarahan sa mga clients niya.
Mataas ang initial salary plus bonus plus benefits plus incentives at every weekend ang day-off.
 She’s contented, well, as of now.

One fine Saturday….

“You’re late.”
“I know.” Nagpalate talaga ako. VIP ako eh!
“San ka ba galing? Sabi ng lola mo kanina ka pa daw umalis sa inyo.”
Balik stalker ka na ulit? “Diyan lang.”
“Lizen!”
“Anong problema mo?!”
“Ikaw!”
Huh?! Ako nga ayaw na kitang problemahin eh! “Bakit ako?!”
Orlan took a deep breathe. “Sumakay ka na. Baka gabihin pa tayo.”
Tumalima naman siya. Weird.
“San ba tayo pupunta? Alam ba ng girlfriend mo na kasama mo ko? Bati na ba kayo?” usisa niya.
Cavite.”
“San dun?”
“Alfonso.”
“Ano namang gagawin natin dun?”
“Magpapapicture.”
“’Joke yun?” Ang corny mo talaga, promise!  Inirapan pa niya ito.
Weh? Pero gusto mo naman? Eh di ba nuon, punong puno siya ng kakornihan sa katawan pero tuwang tuwa ka?! Kontra na naman ng isang bahagi ng utak niya.
Shatap! Balik sagot naman niya sa sariling utak.
Orlan couldn’t help but to smile. He can’t hide it. Masyado siyang natutuwa sa pagmimi-make face ng nag-iisa niyang pasahero.
“Tatawa tawa ka diyan. Ang gulo mo talaga. Talo mo pa ang babaeng may toyo.” Inis niyang sabi dito.
“Naglambing ang lola ko. Dalawin ko naman daw siya.” Paliwanag nito sa kanya.
“Bakit ako ang isinamo mo? Hindi nalang yung jowa mo.”
Hindi ito sumagot.
“Alam mo, konti nalang iisipin kong imbento mo lang yang jowa jowaan mo.” Hindi pa kasi niya ito nakikita. Puro kwento lang ang alam niya dito.
“Bakit ba sobrang interesado ka sa kanya. Nagseselos ka ba?!”
Ang kapal! Paano kung sabihin ko sa’yong Oo!? Hindi noh! Never! “Excuse me!? Asa ka. Hindi kaya dapat ay siya ang magselos sa akin?!”
Muli itong natawa, “Wiw! Lakas ng fighting spirit! Sabi ko naman sa’yo, bawasan mo ang pagpapak ng kape sa pantry.”
Tinignan naman niya ito ng masama. Hindi ko na kailangang magkape noh. Sa’yo palang buhay na buhay na ang dugo ko.
Itinuon na lamang niya ang pansin sa may bintana.
“Hmmmm…. Hmmm… Hmmmm…” Nagha hum si Orlan ng isang pamilyar na awitin habang nagmamaneho.
Ang Nais ng Puso yun ah! Akala ko ba, nakalimutan na niya ako? Bakit tanda pa rin niya ang kantang yan. Unless, pinalitan na niya ng ibang pangalan yung nasa dulo ng lyrics.
“Ang ingay naman.” React niya.
Napatingin ito sa gawi niya. Siya naman ay nakatuon pa rin ang pansin sa bintana.
Hindi na ito muli pang nag-hum. Binuksan na lamang nito ang stereo ng sasakyan. May mga pinatugtog ito na hindi pamilyar sa kanya. “Ikaw nagcompose niyan?” Curious niyang tanong.
Tumango naman ito.
“Ah ok. Nagcocompose ka pa rin pala.”
“Old habbits are hard to die.” Sagot nito sa kanya.
“Uhmm uhmm!” Gaya gaya ng script!  “Pwede bang FM nalang?”
“Ayoko. Mas maganda pa yung mga ginawa ko kesa sa mga usong kanta ngayon.” Pagtanggi nito sa suggestion niya.
Yabang!  “Edi, ikaw na!”
Natawa ng malakas si Orlan.
Weird talaga! Kanina lang, parang kakain na ng buhay na tao ngayon naman tumatawang parang baliw.
What a road trip indeed!

-00-

May umaalog sa braso niya, “Lizen, wake-up. Andito na tayo.”
Nanatili siyang nakapikit. “Uhmmm…”
“Kagandang bata naman nitong gerpren mo, Orlando.” Wika ng isang matanda.
Dahilan para tuluyan siyang magising.
Mukha ng isang nakangiting matandang babae ang nakita niya sa pagdilat niya ng mga mata.
Ito marahil ang lola ni Orlan, “Good afternoon po.” Magalang niyang bati rito.
“Lola, hindi ko po siya girlfriend.” Pagtatama ni Orlan sa maling akala ng abuela.
Yeah right. I’m not your girlfriend! Ewan ko ba sa’yo kung bakit ako pa ang isinama mo rito!
“Ang bagal mo naman!” sermon ng matanda sa sariling apo.
Napakamot na lang sa ulo si Orlan. May kuto pa rin?
Muling binalingan ng matanda si Lizen. “Halika na iha sa loob ng makakain na kayo.”
Masaya siyang inakay ni Lola Aguada.
-00-
“Ang saya kasama ng lola mo. Parang bagets pa din siya.” Nasa kotse na sila ni Orlan at bumabyahe na pauwi. “Dapat talaga hindi siya nag-iisa. Malungkot kaya ‘yon.”
“We know. Pero choice niya yon eh. Ayaw niyang umalis don. Marami raw kasi silang ala-ala ni Lolo sa bahay na yon.”
Nakarelate naman siya. “Senti. Parang si lola ko.”
“Kamusta na nga pala si Lola Rosing.” Muling naalala ni Orlan ang mga panahong pati ang lola ni Lizen ay nililigawan niya rin.
“Okay naman siya. Ayun laging nirereklamo ang rayuma niya.”
“Ikumusta mo nalang ako sa kanya. Maybe one of these days, madalaw ko rin ulit siya.”
“What for?” Taas kilay niyang tanong dito. Manliligaw ka ulit?
“For our friendship. As a way of saying thanks na rin kasi sinamahan mo ko today.”
Friendship.. What a word!
“No need for that. Thank you is enough. Tsaka nag enjoy rin naman ako. Nakalimutan ko pa ang diet ko.”
Bakit ba niya kailangang umasa na hihigit pa sa kaibigan ang magiging turing sa kanya ni Orlan. Take note, engaged na ito!
At wala din naman siyang balak manira ng pangarap ng isang kabaro niya. Just like her, isa rin sa mga pangarap niya ang maikasal….  Someday…
Pero siguro, hindi sa lalaking ito.
Pag-aari na siya ng iba, Lizen. Keep that in mind! Proxy ka lang kanina. She keeps on insisting this to herself.
“Salamat sa paghatid. Ingat ka pag-uwi.” Aniya at akmang bababa na siya sa sasakyan nito.
“Wait.” Hinawakan siya ni Orlan sa braso at hinila palapit sa kanya.
They’re now face to face with a distance of an inch between them.  “Thank you,” ani Orlan at hindi na hinayaan pang magkaroon ng space sa pagitan nila.
He’s kissing her so tenderly.
Of course she was shocked. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito. That’s why she didn’t move for a couple of minutes; or much rather say that she liked it that’s why she didn’t protest.
Aba’t ano to?! Tinutugon niya ang halik ng isang kaibigan.
Wake up, Lizen! You don’t want to be a mistress, do you?
Marahas niya itong itinulak. “Pare-pareho lang kayong mga lalaki.  Or much better say, pareho lang kayo ni Ricks!” Tuluyan na siyang bumaba at hindi na pinagkaabalahang isara pa ang pintuan ng kotse.


















Chapter 8 – Her Greatest Dream

“Come to my office.” Instruction ni Orlan sa kanya.
She didn’t move. She didn’t answer back. She has no plan to talk to him.
“I said go to my office, right away!” Napalakas ang boses ni Orlan kaya’t ang ibang agents na busy sa pag-entertain ng mga client calls ay napatingin lahat sa gawi nila.
She doesn’t want attention. Tumayo na siya at nauna ng pumunta sa opisina ng kanilang bisor.
“Ayaw mo sa eksena noh?! Kung magwawala ka sa harap ng mga agents, pwede ba wag mo kong isali!” bungad niya rito.
“How can you say that I’m like your stupid ex?”
“Simple lang. Two-timer ka. Hindi pa ba visible yon?”
“It’s not that…”
“Ayokong masaktan si Rosen.” Agaw niya sa sasabihin pa nito. Ayaw niyang mangyari ulit ang nakaraan kung saan may kailangang mamili. Ayaw na niyang maging isang option lang. The worst ayaw na niyang magmukhang talunan at ayaw na niyang magpapili. 
“So that’s it.” Tumango tango pa ito. “Kayo na pala.”
“May problema ba dun? Mind you, may girlfriend ka na rin kaya wag ka ng makipaglandian pa sa iba. Balik na ko sa station ko, SIR.”
She heard him saying her name pero hindi na niya ito nilingon pa.
Bastard! Sigaw niya sa utak niya.
-00-
“Anong drama niyong dalawa?” Pang-uusisa ng bakla niyang katrabaho na si Dolly.
“Wala.” Deny niya.
“Kuwento na dali!”
“Wala nga sabi eh.”
“Kapag hindi ka nagkuwento, ipagkakalat ko sa buong grupo na nabuntis ka ni Sir Orlan kaya ka niya pinatawag kanina at pinagreresign ka na.”
“Subukan mo lang, kakalbuhin kita!”
“I’m not scared. Magkikuwento ka, magkikuwento?”
She has no choice, masyadong makulit ang kaibigan niyang ito. “History just repeats itself.”Although alam naman niya na hindi nito gagawin ang bantang pagkakalat ng maling tsismis. “Isang nakaraan na ibinaon na sa limot.”
“History what?”
“My ex. Ikakasal na rin siya non when I’ve found out. Pinapili ko siya but he can’t kaya ako na ang nagdecide.” Pagkikuwento niya.
“Oh.” Tila nag-isip ito. “Alam mo girl, duda talaga ako eh. Na may jowa yang si Sir. Dati nga nung wala ka pa, akala namin juding din siya, pero nung dumating ka, dun niya lang sinabi na may jowa pala siya. Pero nasaan ang bakas, ateng?! Kahit sa fb, waley!”
Ayokong umasa. “Whatever!” Pakelam niya ba kung may jowa nga ito o wala.
Sigurado ka? Wala kang pakialam, Lizen Ceras?!
-00-

Her cellphone rang, “Hello?”
“Hi, Lizen. It’s me, Smith.”
“Oh, hi Smith!” Bati niya sa kanyang dating client. Isa ito sa mga amerikanong walang magawa sa buhay kundi ang manggulo ng mga call center agent. Sa sobrang kulit nito ay naibigay niya rito ang number niya para tumigil na at ibaba ang linya ng telepono.
She didn’t expect na from Arizona ay tatawagan talaga siya nito. Since then, ay regular na itong tumatawag sa kanya para lang makipagkuwentuhan. Enjoy naman siyang kausap ito kaya later on ay naging magkaibigan na rin sila. Maski sa mga social networking sites ay friends at follower nila ang isa’t isa.
“So have you thought about my offer?” tanong nito sa kanya.
“I’m still thinking about it.”
“Come on, just say yes.”
“You know that I have so many things to consider first before I can finally decide. I’ll be the one who will call you if I already made up my mind. Okay?”
“Okay. But you know that it can’t wait too long. Bye for now. Take care.”
“I will, you too. Bye.”

Simple lang naman ang tanong ni Smith. Yes or No lang ang sagot dito. Simpleng tanong pero komplikadong sitwasyon.
Pupunta siya sa US para i-pursue ang pinakapangarap niya at yun nga ay ang maging isang super model. May kapatid si Smith na may-ari ng isang modeling agency sa New York. Yun nga lang, kailangan niyang pakasalan si Smith para matupad niya ang pangarap niya.
Kaya niya bang magpakasal sa isang taong hindi naman niya mahal?
Modeling nga ba ang pinakapangarap niya?
Kung tatanungin siya dati sa mga panahong nag-aaral pa siya at masayang rumarampa sa entablado ay OO agad ang isasagot niya pero ngayong nagtatrabaho na siya ay tila hindi na ito ang ultimate dream niya.
Isang simpleng maybahay kasama ang lalaking pinakamamahal.
May kumpleto at masayang pamilya.
May negosyo.
Parang gusto niya ang ganitong buhay nalang.
Lizen, is this really you? Sita niya sa sariling imaginations.
But still nagtanong pa rin ito ng nagtanong. Mahal mo ba talaga siya? Bakit siya?Ano bang pinakain niya sa’yo?
“Ah letse!” hindi niya naiwasang masabi ng malakas.
Napatingin tuloy sa gawi niya ang ibang customers ng coffe shop na iyon. Kung bakit naman kasi dito pa niya naisipang magmuni-muni.

I NEED YOU GUYS! KELANGAN KO NG KAUSAP! ASAP! BAKA MAKITA NIYO NALANG AKO SA MENTAL!  Group text message niya sa mga kaibigan.
Sana lang may mag reply. Kundi siya na mismo ang magpapa-admit sa sarili niya sa loob ng nasabing ospital sa Mandaluyong.
Nagsipagreply naman ang mga ito.
“Ingat! Hehe.” Text ni Jadey.
“Asan ka ba?” Reply naman ni Sheldine.
“Nasa Laguna ako, Heart.” Napasimangot siya sa text naman ni Xyrish.
“May sakit si Angeline, Heart. Pasensiya na. Dadalawin nalang kita sa loob. Hehe. Sorry talaga.” Nabwisit naman siya sa text ni Tulips.
“Oopss. As you all know, andito me Zambales. Sorry.” Reply naman ng hasyendera nilang kaibigan na si Niza.
Naintindihan naman niya ang naging reply ni Mafeth na kasalukuyan daw nagrereview para sa isang exam.

She sigh. Mga walang kwentang kaibigan.Hmp!
Walang kwenta kaagad? Sipain kaya kita?
SHELDINE, PAUWI NA KO SA HOUSE. JADEY, MUKA MO! XY, LIPS, NIZA, SALAMAT SA CONCERN, INGAT KAYONG LAHAT.  FETH, GOOD LUCK SA EXAM. Muli niyang text group message sa mga ito.
 Hindi siya galit sa lagay na yan. May sira lang ang keypad ng cellphone niya kaya naka all caps.

“Oh, anong ginagawa niyong dalawa rito?” Mataray niyang tanong kina Jadey at Sheldine.
“Ayaw kasi naming dumalaw sa loob ng Mental baka mahawa kami kaya dito nalang habang hindi ka pa na-aadmit.” Natatawang sagot ni Jadey sa kanya.
“Allergic kami sa mga baliw.” Sagot naman ni Sheldine. “Hindi ka pa naman totally baliw kaya pwede ka pa namin kausapin. Tsaka ka na namin iiwasan kapag natuluyan ka na.” Nakipag-apir pa ito kay Jadey.
“Ewan ko sa inyo.” Naiiling na binuksan nalang ni Lizen ang gate ng sarili niyang bahay. “Pasok na. Bago magbago pa ang isip ko.” Yaya niya sa mga kaibigan. “Walang pagkain dito. Bahala kayong bumili. Wala akong pera.” Aniya.
“As usual.” Duet nila Jadey at Sheldine.



















Chapter 9 – Confession

“I love her.”
“I know.”
“Pero di ko alam ang gagawin ko.”
“Simple lang. Puntahan mo siya.”
“Pero ayaw niya akong makita.”
“Lalaki ka nga.”
“Huh?”
“When we say na ayaw namin kayong makita, it means we need you.”
“Ang gulo niyo talaga.”
“As always. Parang adobo lang. Hindi kumpleto pag walang toyo.”
He hugged her and she hugged him back.
Nagulat nalang siya ng biglang may sumapak kay Rosen dahilan para bumulagta ito mula sa kinauupuan.
“What the!...” Gulat niyang reaksyon.
“That guy is bastard! I saw him kissing Tulips yesterday! Kung may two-timer dito, hindi ako yon kundi yang lalaking yan!” Asik naman nito kay Lizen.
“Orlan, shut up!” Sita niya sa lalaking nag-aamok.
“No! You shut up and listen! Hindi totoong may iba akong girlfriend at mas lalong hindi totoo na ikakasal na ako. I didn’t even had any girlfriends yet dahil all this time ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang gusto ko.”
Sure si Lizen sa sarili niya na shocked siya.
 Paano?
 Bakit?
 Kailan?
“I think, I’d better go. You two should talk.” Singit ni Rosen. Nauna na itong umalis sa coffee shop.
Sumunod naman si Lizen dito pero nilingon muna niya si Orlan. “Kung gagawa ka ng eksena, huwag sa harap ng maraming tao. I started to hate crowds because of you.”

Lumabas na rin ng coffee shop si Orlan. Hinila niya si Lizen sa braso at iginiya papasok sa sariling kotse. “Sakay.”
“Kaya kong mag-taxi.” Tanggi naman niya.
“I said sakay! Hindi pa ako tapos-”
“Hindi mo kailangang sumigaw! Short tempered man!”
Umawat naman si Rosen. “You two, calm down. Anyway, pare. I think you misunderstood something. Una na ako senyo and please lang talk nicely. Salamat nga pala sa sapak, I think I have waked up.” Sumakay na si Rosen sa sarili nitong kotse hawak ang sariling jaw line and Lizen knew where he will go.
Buti nalang at may sense ang ginawang pagsapak dito ni Orlan. Tsk!
-00-

“Hay nako, Lizena. Mas malaki ang problema ng Pilipinas kesa diyan sa pinoproblema mo na hindi naman dapat problemahin!” Sermon sa kanya ni Sheldine.
“Tama… Kung saan ka masaya te, dun ka. Huwag mong pahirapan ang sarili mo.”Jadey seconded.
“Pero paano? Eh ni hindi ko nga alam kung saan ako mas magiging masaya. Isa pa, ikakasal na siya! Parang si Ricks lang di ba?!”Paghihimutok niya.
“Sure ka ba na ikakasal na talaga siya? Alam mo ang isang lalaking may mahal ng iba, hindi siya magpapakita ng interes sa ibang babae.”Si Sheldine ulit.
Lizen pouted. “Bakit si Ricks?”
“Hindi lahat ng lalaki pare pareho. Huwag mong lahatin. Filing ko rin ha, hindi totoong may ibang jowa si Orlan. As far as I know, kapag nainlove ang taong yon, head over heels. Ipangngalandakan niya sa buong kampus este sa buong mundo kung gaano niya kamahal yung girl.”ani Jadey.
“Nagbabago naman lahat ng tao. Malay natin nagbago na siya. Masyado na siyang secretive pagdating sa lovelife niya. At siguro ginagantihan niya lang ako kaya nagpapakita siya sa akin ng interes KUNWARI.” Kontra naman niya sa sinabi ng kaibigan.
“Ewan ko sa’yo. Masyado ka talagang Nega. Edi lumipad ka na sa abroad at magpakasal sa taong hindi mo naman gusto, yayaman ka pa. Penge nalang ng pasalubong.”Tila hopeless na si Jadey sa pagpapaliwanag sa kanya.
“Ang tanong, si Orlan ba talaga ang mahal mo at hindi si Rosen?”Tinitigan siyang maigi ni Sheldine. Subukan niya lang magsinungaling at sabunot ang aabutin niya dito.
“Siyempre si Orlan…” She confessed.
Tinapik ni Sheldine ang sariling noo. “Ayun naman pala eh! Edi sabihin mo sa kanya!” Mukhang high blood na naman ito. “Kung totoo man na may jowa siya, nasa kanya na yon kung papaano niya tatanggapin ang pag-amin mo. At least nasabi mo at wala kang pagsisisihan.”
“Lola, madaling sabihin. Mahirap gawin. Bakit ako aamin? Ano ako tanga?”Sagot naman niya.
“Jadey, uuwi na ako!” Suko na si Sheldine. “Walang kahahantungan ang usapang ito. Ako ang naii-stress.” Paalam nito sa mga kaibigan.
“Teka. Sama ako!” Habol naman ni Jadey dito. “Basta kung saan ka masaya, dun ka!” Habilin ulit nito kay Lizen bago tuluyang lumabas ng bahay.

End of reminiscing. Kahit na nag walk out ang mga ito, tama naman pala sila. Now it’s her turn to confess.
This is a matter of her happiness or not.
Ang tanong, kaya niya ba? At handa na nga ba siya?
“Hey! Speak up!” untag sa kanya ni Orlan.
“Ano ba?!” Asik naman niya rito.
“Hindi ka na nagsalita. Nasabi ko na sa iyo ang lahat ng gusto kong sabihin pero ikaw, wala ka man lang reaksiyon.”
“Nag-iisip ako. Teka, san mo ba ako dadalhin?” Sagot at tanong niya rito.
“Sa lola ko. Ipapakilala kita.”
“Huh? Hello! Kilala na ako ng lola mo noh!”
“Bilang babaeng pakakasalan ko.”
What?!!
She’s speechless again. -00-


Chapter 10 – Her Final Ramp

After 4 years….

Napanindigan naman nila ni Orlan ang long engagement. Gaya-gaya siya kay Jadey eh. Dinaig pa nga niya. Kay Jadey at sa fiancé nitong si Arvin ay two years lang, sa kanila ni Orlan ay inabot ng apat na taon bago nauwi sa altar ang lahat.
Just like any other couple, marami silang naging pagtatalo but usually they were petty things. Nasasakyan naman ni Orlan ang mga trip niya sa buhay. Alam nito kung kelan siya may sapak at iyon ay madalas.
Even the day before they became an official couples ay nag-away pa muna sila.

Flashback…
“Ayos ka rin eh noh?! Pinakilala mo ako sa lola mo bilang fiancé mo ng hindi mo man lang muna ako kinakausap. Ni hindi mo pa nga alam kung papayag ako o hindi!” Bulyaw niya rito. Pauwi na sila galing Cavite, sa bahay ng lola ni Orlan.
“Bakit hindi ka tumutol?”Tanong naman sa kanya ng kanyang instant fiancé.
Natigilan naman siya. Bakit nga ba hindi siya tumutol kanina?
Naramdaman din niya ang sayang nararamdaman ng lola ni Orlan habang ipinapakilala siya nito bilang fiancé niya at wala siyang lakas ng loob para putulin ang masayang aura nito.
Tiyak na sasama ang loob nito kapag sinabi niyang isang malaking joke lang ang lahat.
“Nakita mo naman kung gaano kasaya si Lola kanina di ba? Anong karapatan ko para pawiin yon.” Dahilan niya.
Muling nagtanong si Orlan. “So it means, gusto mo rin?”
“Kapal!”
Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Orlan and she can’t hide her own smile.
“Umamin ka na kasi, mahal mo rin ako. Sila Jadey at Sheldine na mismo ang nagsabi sa akin.”
Nanlaki ang mga singkit niyang mata sa nalaman. “Whaat?!!” Exage niyang reaksiyon.
“Paanong…? Hindi!... Ano…”She didn’t know what to say.
 Sa loob loob niya, makita niya lang ang dalawang kaibigan sa mga oras na it  ay makakalbo niya ang mga ito.
KUNG magpapapayag ang mga ito. But she doubt.
Kinibit lang ni Orlan ang mga braso at nagmani-obra.
“Saan na naman tayo pupunta?!” Pigil niya sa braso nito.
“Babalik kay lola.” Prente nitong sagot.
“Ano ka ba?!” Asik niya rito.
“Tao.”
“Sisipain na kita diyan eh!”
“Eh ayaw mo naman di ba?”
“Ang alin?” Kunot noong tanong niya rito.
“Ang pakasalan ako.”
“Sino nagsabi sa’yo?”
“Ikaw.”
“Paanong ako? May sinabi ba ako na ayaw ko?! Kelan? Saan?”
“So gusto mo?”
“Ang alin?”
“Ako. At ang pakasalan ako.”
“Sinong nagsabi sa’yo?”
“Naman Lizen! Mababaliw na ako sa’yo!” Konti nalang ay susuko na si Orlan sa sobrang gulo ng kausap niya. Pinayuhan siya nila Jadey na sakyan lang ang trip nito pero parang hindi na niya kaya. “Bumalik na tayo kina Lola!”Binilisan pa nito ang pag da-drive. They were running at 100 already.
“Oo na!” Sa wakas ay sagot niya. Sige na, aamin na siya. Buko na rin naman pala siya. Kahapon pa yata.
Sa kabiglaan ay napapreno ng malakas si Orlan.
“Aray! Papatayin mo ba ako?” Muntik ng umabot ang ulo ni Lizen sa headboard. Buti nalang at naka-seat belt siya.
“So, tayo na talaga?” Muling tanong ni Orlan sa kanya.
“Bwiset!” Asik naman niya rito. “Kung balak mong magpakamatay, wag mo akong isama. Marami pa akong panga-….”
Orlan shut her mouth through sweet kisses na malugod naman niyang tinugon.

Naputol nga lang ang moment nila ng may marinig silang busina mula sa likod. Oo nga pala, nasa highway sila at nasa inner lane pa. Mga adik lang.
“Alam mo na pala pero bakit sinapak mo pa rin si Rose?. Kawawa naman yung tao.”
This time pabalik na talaga sila ng Maynila.
“Sinunod ko lang ang payo ng mga kaibigan mo. Sabi nila, paaminin raw kita. Tapos pakisapak na rin daw si Rosen para matauhan. Hindi ko sila naintindihan pero sinunod ko nalang. Ikaw na bahalang magkuwento sa akin.”
“Ayos ka rin eh noh. Nananapak ng tao, hindi mo naman alam ang dahilan. Tsk!”Naiiling niyang sabi sa ngayon ay official na niyang boyfriend slash fiancé minus the engagement ring.
“May sarili akong dahilan.”pag-amin naman ni Orlan.
“Ano naman?”Curious niyang tanong.
“Nagselos ako. Kayakap niya ang babaeng mahal ko eh.”
Wala na siyang masabi. Ulit.
-00-
End of flashback.

As of now, meron na siyang sariling fashion boutique. Tinulungan siya ni Orlan para maitaguyod ito. Salamat rin sa suporta ng mga kaibigan niya. Wala man siyang pamilya, sapat na ang mga ito pati na si Orlan para maging buo siya at masaya.
Now she realized that dreams really do come true.
Isa pa lamang ang branch niya pero balak na rin niyang mag- expand next year.
Tsaka na yon pagkatapos niyang rumampa papunta sa altar and that is her final ramp which is her greatest dream.
Cheers!
The End.


No comments:

Post a Comment