#𝗡𝗮𝗻𝗼𝘄𝗿𝗶𝗺𝗼𝗯𝘆8𝗟𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀 #𝗡𝗮𝗻𝗼8𝗟 #𝗡𝗼𝘃𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲8𝗟
Finding Emhara: Unsent Letters For My Love
Chapter 8 – Unsent Letter # 8
NAGTUNGO na nga sila Aleia at Saljie sa attic. Nagbabakasali na makausad sila sa nais nilang mahanap o matuklasan.
Ilang mga karton na naliligo sa alikabok ang binuksan nila habang umaasa na may makikita silang bakas ng pagkakakilanlan ni Emhara o kahit sino naman sa mga taong sinusulatan nito.
Ngunit bigo sila.
“Nothing unusual here.” Deklarasyon ni Aleia habang isinasara ang pang-walong karton na naglalaman ng mga laruan niya. “Well, just based on my current memories.”
Naisipan rin niyang ibaba na ang mga karton na naglalaman ng mga laruan. I-do-donate na lamang niya ang mga iyon.
Ipinakita ni Saljie ang isang kahon sa kanya. Naglalaman iyon ng isang babasaging bote ng alak na may mga tuyong bulaklak sa loob. “Do you what this is?”
Napukaw rin niyon ang atensiyon niya. Itinabi muna niya ang karton na may mga lamang laruan upang makitang mabuti ang hawak ni Saljie. Hindi siya pamilyar sa bagay na iyon.
Iniabot ni Saljie ang bote sa kanya.
“This is interesting.” Komento niya. “I have no idea about this.”
-0-0-0-0-
(A Letter for my Love)
Date: August 2, 1999
Dearest Babes,
Sinusulatan kita ngayon para ma-i-dokumento ko kung gaano ako kasaya sa mga sandaling ito.
I just can’t contain my feelings right now.
Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap. I’m in cloud nine! Sobrang saya ng puso ko.
I finally just said yes to you yesterday.
Pumapayag na akong maging girlfriend mo.
Tuluyan ko nang kinalimutan ang mapait kong karanasan sa unang pag-ibig.
And all I hope right now is for us to be together forever.
Sana ay ikaw na ang last love ko. Ayoko ng masaktan ulit.
Takot na akong masaktan. Pero para sa’yo ay susugal ako. Dahil kung hindi tayo susugal, hindi natin malalaman.
Parte naman talaga ng pagmamahal ang masaktan.
At ayoko rin namang pigilan ang sarili ko na maging masaya – tayo na maging masaya.
Sana ay sabay nating tuparin ang mga pangarap natin.
Iku-kwento ko lang din sa sulat na ito kung paano naging tayo kahapon para hindi ko ito makalimutan hanggang sa pagtanda natin.
(to be continued)
No comments:
Post a Comment