Thursday, August 20, 2015

Pait Sa Ulan (Isang Tula)





 Nang minsang magtago si Haring Araw, 
Sa dingding na salamin ako ay sumungaw. 
Habang nakaupo ay aking natatanaw 
Ang kalangitang tila naghuhumiyaw. 

Para bang tumatangis ang langit.
 At mayroon itong iniindang sakit.
 Hindi magkamayaw ang nadarama nitong pait. 
Na tila pareho pa yata kami ng sinapit. 

Ipinikit yaring mga mata upang mawala,
Sa aking isipan ang masaya ngunit may pait na ala-ala. 
Ikaw at ako sa ulan ay magkasama 
Kapwa nakangiti at hindi iniinda ang mabasa. 

Sa paghinto ng ulan ay tumigil na rin,
Ang pagdaloy ng mga luha mula sa'kin.
Sumilay ng muli ang liwanag sa papawirin. 
Tapos na ang pait pati na ang pag-ibig natin.




Shet, ang bitter ng tula. haha. 
:)

No comments:

Post a Comment