Tuesday, June 23, 2015

Kailan (A Short Story)






Featuring:Kailan by MYMP




Let’s all meet Roxx.
A silent type girl who fell in love with a man that is so unreachable.
…………….As in literal na “unreachable”.
: )
Masagot kaya yung tanong niya na “Kailan”?





















This is the song:




Kailan by MYMP




Bakit kaya nangangamba
 Sa tuwing ika'y nakikita
 Sana nama'y magpakilala Ilang ulit nang nagkabangga
 Aklat kong dala'y pinulot mo pa
 'Di ka pa rin nagpakilala

 REFRAIN
 Bawat araw sinusundan
 'Di ka naman tumitingin
 Ano'ng aking dapat gawin


 Bakit kaya umiiwas
 Binti ko ba'y mayroong gasgas
 Nais ko lang magpakilala
 Dito'y mayroon sa puso ko
 Munting puwang laan sa 'yo
 Maaari na bang magpakilala

 REFRAIN
Bawat araw sinusundan
 'Di ka naman tumitingin
 Ano'ng aking dapat gawin

 CHORUS
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
 Kahit ano'ng aking gawin,
 'di mo pinapansin
 Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
 Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

 BRIDGE

 Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa'yo
Maari na bang magpakilala

 REFRAIN

 Bawat araw sinusundan
 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin

 CHORUS

 Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking li Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin





00000000000000000000000000000000000000000000
And this is the Story:


I am Roxx.

He is “Mr. Crush”.

I like him since first year college. Ngayon nga ay third year na ako at pakiramdam ko mahal ko na siya.

I know his handsome face.
But I don’t know if he knows me.

One sided love sabi nga ng iba.
But what can I do? Mahal ko na yata talaga siya.

Yun nga lang since babae ako plus loner plus sobrang mahiyain, plus tahimik, wala akong sapat na lakas ng loob para magpakilala sa kanya.
Lalo na ang magtapat ng tunay kong nararamdaman towards him.

Don’t worry, hindi naman ako masyadong umaasa na mapansin niya lalo na ang magustuhan. Slight lang! Hehe.
Pero actually, sapat na  para sa akin ang lagi lang siyang masilayan…….


-0-


I was sitting on a bench dito sa University garden. Nagbabasa ng pocketbook written by Cielo A. entitled, “The Adventure of Jane and Friends” that is published under LIB Publishing, habang nakikinig ng music sa Ipod ko.


Now Playing: Kailan
By: MYMP


“Bakit kaya nangangamba Sa tuwing ika'y nakikita Sana nama'y magpakilala Ilang ulit nang nagkabangga Aklat kong dala'y pinulot mo pa 'Di ka pa rin nagpakilala”
Sobra talaga akong tinatamaan sa kantang ito except dun sa part about libro. Hindi naman ako ganun kapapansin na kailangang maghulog ng libro then pupulutin niya. Pero try ko kaya yun? Haha.

Sa totoo lang, para akong tanga na kinabakabahan kapag nakikita ko siya sa paligid.


“Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin”

I maybe a stalker. Pero hanggang tingin lang talaga ang nagagawa ko eh kaya pagbigyan niyo na ako.
Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Nahihiya kasi ako magtanong-tanong.



“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin”


Yeah. I am so much wondering kung kelan niya kaya ako mapapansin. Kahit yung simpleng Hi and Hello lang ba. At gusto ko siyang lambingin! Yun nga lang, masyadong imposible ang bagay na ‘yon.




Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


Paano ba naman….

Nandito siya ngayon sa harapan ko.  Napatigil tuloy ako sa pakikinig ng music at pagbabasa ng libro.

Pero actually, nakatalikod siya sa akin. Habang nakatanaw ako sa kanya, nakatanaw rin siya sa iba.

Same old story.

Lagi nalang ganito ang set-up namin.

Tuwing vacant period ko, nandito ako sa bench at nasa harap ko naman siya habang tinatanaw yung isang babaeng maganda.

Sa pagkakaalam ko Rhea ang pangalan nung girl. Same course kami pero fourth year na siya.


“Roxx, tara na sa next subject natin.” Napapiksi ako ng tapikin ako sa balikat ni Joan. Ka-blockmate ko siya at medyo nakakausap na rin.


Ewan ko lang kung para sa kanya, friend ang turing niya sa akin. Madalas niya kasi akong kausapin. Nginitian ko si Joan at sumabay na nga ako sa kanya.


Naglakad na rin palayo si Mr. Crush. I call him Mr. Crush kasi nga hindi ko alam ang pangalan niya.

Tsaka minsan ko lang din siya makita dito sa school.


I never thought na makikilala ko rin pala siya, yung as in malalaman ko ang pangalan niya and almost everything about him! Finally malalaman ko na yung sagot sa tanong na

Kailan…..


 -0-


The following day after ko siyang makita sa school garden, I was sad. Why? Hindi kasi siya nagpakita ngayon.

Kahit si Rhea, hindi ko rin nakita. Siguro magkasama sila outside school. Ang swerte naman ni Rhea. Bukod sa kasama niya yung taong gusto ko, gusto siya ng taong gusto ko.


Nagtataka lang ako kasi, never ko pa silang nakita na magkasama. Yung as in nagkikwentuhan or nag-uusap.

Madalas lang na nakasunod  si Mr. Crush kay Rhea at mataman lang ito na tinitignan ang huli. Siguro secret love ni Mr. Crush si Rhea. Parang ako kay Mr. Crush.


Ewan, bahala sila. Basta gusto ko pa din si Mr. Crush kahit na si Rhea ang gusto niya.

-000-


Papasok na ako sa next subject ko. Katatapos ko lang kumain sa school cafeteria mag-isa. Patayo na sana ako at papunta na sa homeroom ng biglang...

“Shi-!..” Muntik na akong mapamura. May natapon lang naman na sago’t gulaman sa uniform ko.

“Naku, Miss! Sorry….”

“A-ano ba?!” Palag ko. Pinupunasan niya kasi ng panyo yung sa may bandang balikat ko. Nababastusan lang ako kasi medyo malapit na yun sa dibdib ko eh.

“Sorry na. Oh, ikaw nalang magpunas.” Inabot niya sa akin yung panyo pero tinignan ko lang siya at hindi ko tinanggap ang panyo niya.
May itsura din sana siya kaya lang ang bastos niya.
Isa pa, mas pogi pa rin si Mr. Crush sa kanya.


Naglakad na ako palabas ng cafeteria.

Uuwi nalang muna ako ng para magpalit ng uniform. Malapit lang naman dito sa school yung dorm ko.

Kainis!


-000-


Hala ka! Hindi kasi nag-alarm yung cellphone ko. Aish! Ang tanga tanga mo, Roxx!
 7 a.m. pa naman yung first class ko.

Pagkatapos ng ga-kidlat na ligo at bihis, tumakbo na ako papuntang school.

At kung papalarin ka nga naman, may nakabanggaan pa ako. Nabitiwan ko tuloy yung makapal na libro ko sa Accounting kasama na yung shoulder bag ko na hindi ko naisara gawa nga ng sobrang pagmamadali.

“ Bakit kaya nangangamba Sa tuwing ika'y nakikita Sana nama'y magpakilala Ilang ulit nang nagkabangga Aklat kong dala'y pinulot mo pa 'Di ka pa rin nagpakilala”
Lakas naman mag-sound trip neto! At yung kanta pa na yun talaga ah!

“Sorry, Miss.” Nakipag-unahan pa siya sa akin na pulutin yung libro ko at yung iba ko pang mga gamit.

Pag-angat ko ng ulo ko, siya na naman?! Yung nakatapon ng sago’t gulaman sa akin nung isang araw. Napakaliit naman ng University na ito at nagkabanggaan na naman kami ng lalaking ito. Grabe lang.

Buti sana kung siya si Mr. Crush edi natuwa pa ako. Kaso hindi eh.

Pagkakuha ko ng libro, nilampasan ko na siya ng walang sinasabi na kahit ano. Bahala siya diyan. Hindi kami close. At kahit maging close pa kami, wala rin akong sasabihin.

Hindi naman sa pipi ako, ayoko lang talaga makipag-usap kung hindi naman kinakailangan. Mas sanay ako na mag-isa at tahimik. Sa trabaho lang ako nagiging madaldal at tuwing class discussion kasi kailangan.


“Miss!” Narinig kong sigaw niya pero since hindi naman Miss ang pangalan ko, hindi ako lumingon.

“Roxx!” Natigilan ako sa ginagawa kong lakad-takbo papuntang classroom.

Kilala niya ako?

Paano?

Stalker ko ba siya?

Nakakatakot.

Hindi pa rin ako lumingon at tumakbo na ng mas mabilis para sa Accounting subject ko.


-000-


“Hi Mama, Hi Papa. Kamusta na kayo dito? Buti pa kayo magkasama diyan samantalang ako, nag-iisa na.” Every time I talked to them, hindi ko napipigilan ang mga luha ko.

After ng klase ko ay dumerecho na ako dito.
“Ang daya-daya niyo naman kasi. Dapat talaga hindi nalang kayo lumuwas ng Maynila para lang dalawin ako sa dorm, ayan tuloy mas lalo akong napag-isa.”

Madalas ko pa ring sisihin ang sarili ko sa nangyari sa mga magulang ko.

Last year, papunta sana sila Mama at Papa sa dorm ko pero naaksidente yung sinasakyan nilang bus. At pakiramdam ko, ako ang may kasalanan nun.

Buti nalang scholar ako and at the same time ay nagtatrabaho bilang service crew sa isang  fast food chain para may pantustos sa araw-araw kong pangangailangan pati na rin pambayad sa dorm.

Isang taon nalang naman at makakatapos na ako. Konting tiis nalang.

“Ma, Pa, uwi na ako. I miss you both at mahal na mahal ko kayo.” Paalam ko sa puntod nila.

Naglalakad na ako palabas ng sementeryo ng makita ko si Mr. Crush! Sinusundan niya si Rhea. Pareho din silang naka-uniform.

Ang siste, sinundan ko rin si Mr. Crush.


Umupo si Rhea sa damuhan at kinausap ang puntod na nasa harapan niya habang nagsisindi ng kandila. “Happy Anniversary, Hon. Three years na sana tayo ngayon.” Narinig kong sabi niya.

Humangin bigla ng malakas.

Napalingon si Rhea sa direksyon kung saan ako nakatayo. Nagpunas siya ng pisngi niya at nginitian ako. Then pinalapit niya ako sa kanya sa pamamagitan ng pagsenyas.

Lumapit naman ako.

“Taga Chenelyn University ka rin noh?” Sabi niya sa akin.

Tumango ako. Well, obvious naman sa uniform na suot ko.

“Sabi na eh. Ikaw yung madalas kong makita na nakatingin sa akin.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Ako? Nakatingin sa kanya? Hindi naman ako tibo.
Ang ibig kong sabihin, hindi siya ang tinitignan ko kundi si Mr. Crush.

Hala! Nawala sa paligid si Mr. Crush! Asan na yun?

“Upo ka.” Yaya niya sa akin. Dahil sa masunurin akong bata, umupo nga ako.

“What’s your name?”

“Ro-roxx.”

“I’m Rhea. And this is my boyfriend, Danny. Hon, siya daw si Roxx. Yung kinikwento ko sa’yo na madalas tumingin sa akin.” Sabi niya sa puntod.

>,<  Hindi naman ako sa’yo nakatingin eh. Kay Mr. Crush.

May kinuha siya sa wallet niya at pinakita niya sa akin. “Ito si Danny. Cute niya noh?” Inabot niya sa akin ang isang picture at sobra akong nagulat.

Ito si Mr. Crush!

“Da-danny ang pangalan niya?” Nagtataka at gulat kong tanong kay Rhea.

“Oo. Teka, okay ka lang ba? Namumutla ka.” Sabi niya sa akin na nag-aalala.

Sasabihin ko ba? Huwag nalang kaya.

“Madalas ko siyang makita na nakatingin o nakasunod sa’yo sa school.” Ayan, sinabi ko pa rin. Pero hindi ko sasabihin na gusto ko si Mr. Crush.

Siya naman ang nagulat sa sinabi ko.

“Nandito siya kanina. Kaya lang… Umalis na siya eh.” Lumingon lingon pa ako sa paligid pero hindi ko na siya makita.

Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Rhea ng sobrang higpit tapos umiyak siya ng umiyak.


Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras. Puro si Danny ang naging topic ng usapan namin and because of Rhea marami akong nalaman about Mr. Crush.

Nakakatuwa lang isipin na yung taong gusto ko, wala na pala sa mundong ito. Sinong mag-aakala na ang first love ko ay isa na palang multo.

 Buhay nga naman. Maiinlove na nga lang ako, dun pa sa wala na palang buhay.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit ko siya nakikita? Pero yung mga magulang ko, never.

Ang gulo talaga ng mundo. Kasinggulo ng buhay ko.

-0-


“Roxx!”

Ngumiti ako sa taong tumawag sa pangalan ko.

Katatapos lang ng klase ko at papasok naman ako sa part-time job ko. “Hello, Rhea!” Balik-bati ko naman sa kanya.

Friends na kami!
After ng naging eksena namin sa sementeryo noon ay lagi na kaming nagbabatian pag nagkikita kami sa school.

Hindi ko na nga pala nakikita si Danny. Marahil tapos na ang pagiging “The Mysterious Mr. Crush” niya sa buhay ko.

Sabi ni rin Rhea, she finally decided to let go of Danny. Para na rin maka-move on siya at makapunta na sa dapat  puntahan si Danny.

It’s a good decision though.

Lumapit siya sa akin, “Papakilala ko lang sa’yo yung kapatid ko.” Sabi niya at nakatingin siya banda sa may likuran ko. “That is Reman. And Reman, this is Roxx.”

“Alam ko.” Sagot nung Reman nang lumantad siya sa harapan ko.

(0___0) –Ako yan.

“Magkapatid kayo?!” Gulantang kong tanong sa dalawa.

Si Reman lang naman yung lalaking nakatapon ng Sago’t Gulaman sa akin, yung pumulot ng libro ko at sinasabi kong stalker ko!

Hindi lang pala ang University ang maliit, it’s really a small world after all.

Nakangiting tumango si Rhea. “Ang torpe naman kasi. Pasensya ka na. Matagal ka na pala niyang gusto. Small world noh?” tapos kumindat pa siya.

“Ate!” Sita ni Reman sa kapatid niya.

Ako? Gusto niya? So stalker ko nga siya talaga?

Ngumisi lang si Rhea at nagpaalam na, “Iwan ko na kayong dalawa. Byeee!”


-FIN-

---00---

No comments:

Post a Comment