Tulang isinulat ni: CieloAmethyst
Salamat sa pagdating
sa'king buhay.
At sa matagal na pananatili na rin.
Sa walang sawa mong paghihintay,
Ng tamang panahon at sa
akin.
Bawat gawin mo ay lubos na
pinahahalagahan,
Maliliit na bagay ay labis
kong napapansin.
Sa pagtitiyaga sa'king mga
kabaliwan,
Sa pagkunsinti at
pang-unawa mo sa akin.
Salamat...
Saan man tayo dalhin ng tadhana,
Pangako ay hindi magbabago
ating naging samahan.
Ikaw at ako ay hindi man
itinakda,
Tutuparin pa rin ang ating
napagkasunduan.
Na walang iwanan
kailanman...
Maraming maraming salamat
sa lahat.
No comments:
Post a Comment