Couple
Shirts Series
Part 2
Sassy: Love
moves in mysterious ways.
Samantha "Sassy" Pineda - writter/blogger, breadwinner
of the family.
Kaizer "Kai" Montano - happy go lucky young billionaire
Plot:
Kai, a guy who doesn't believe in love
Sassy, a girl who doesn't have time to fall in love
Can Love works
between the two of them?
Chapter 1 <Sassy>
Itinigil ni
Sassy ang pagtipa sa keyboard ng laptop at marahang hinilot ang ulo. Tinaggal
din niya ang suot na salamin sa mata at kinusot ang mga mata.
It’s been two
hours pero hindi pa rin siya tapos sa sinusulat niya. Hindi niya alam pero
parang walang pumapasok na idea sa utak niya. Alam naman niyang normal lang sa
mga tulad niyang writer na magkaroon ng mental block. Pero sana naman hindi ngayon umatake ang pagsara
ng idea sa utak niya. Marami pa syang dapat intindihin at bayaran. Pasukan na
naman kasi at kailangan niya ng pambayad sa tuition fee ng kapatid.
" Makisama ka naman please" marahang bulong niya sa sarili.
Pero mukhang
tulog yata ang guardian angel niya dahil wala pa rin talagang pumapasok na idea
sa utak niya. Ipinasya na lang ni Sassy na patayin ang laptop. Sayang lang sa
kuryente dahil wala talaga siyang maisulat.
Pagbaba ni Sassy
sa sala ay naabutan niyang nagpipili ng bigas ang nanay niya.
"Nay, Si Shino?" tukoy niya sa
nakababatang kapatid.
" Naglalaro ng basketball sa kanto" sagot ng nanay niya. "Mabuti
naman at lumabas ka sa lungga mo at ng makakain ka na. May niluto akong
ginataang mais dun. Kumain ka na"
" Bakit naman pinayagan niyong maglaro sa kanto si Shino?
Dapat tinutulungan kayo nun eh"
" Hayaan mo na. Minsan lang naman eh. Saka mabuti nga yun at
nageexcercise ang kapatid mo"
" Hay naku. Bahala nga kayo" at pumunta na siyang kusina upang makakain. Hindi na siya nagsuklay
o naligo pa. Wala naman siyang ineexpect na bisita eh.
***
Dahil nabobored
na din naman siya sa bahay ay minabuti nalang ni Sassy na dalhin ang laptop at pumunta sa malapit na
park sa kanila. Baka sakaling makaisip siya ng idea.
Walang masyadong
tao sa park maliban na nga lang sa iilang batang naglalaro. May nakita siyang
isang bakanteng upuan at nilapitan iyon. Mabuti ng minsan ay naaarawan din
siya.
Inilabas niya
ang ever reliable notebook niya at sinimulang kumuha ng mga idea sa paligid.
Ganun ang ginagawa niya kapag nagsusulat. Nagdadraft muna siya ng mga possible
scenes na pwede niyang magamit sa kwento. Maya maya lang ay may mga idea na
pumapasok sa isip niya.
"Excuse me Miss..pwede bang magtanong?" istorbo sa kanya ng isang lalaki.
" Hindi pwede" hindi
lumilingong sagot ni Sassy. Kapag ganitong inspired na siya ay hindi talaga
siya papapigil.
" Ang sungit mo naman. Magtatanong lang eh" sabi pa rin nung lalaki.
" Sa iba ka nalang magtanong. May bayad ang mga sagot ko
eh" ani Sassy. Baka sakaling umalis na ang
lalaki.
" Magkano?" tanong pa rin
nung lalaki.
" Isang libo"
Hindi naman
inaasahan ni Sassy na papatulan siya ng lalaki. Kaya ganun nalang ang gulat
niya ng may lumitaw na isang libong papel sa harapan niya.
"Eto na bayad ko. Now pwede mo na bang sagutin ang tanong
ko?"
Napilitan tuloy
lumingon si Sassy sa lalaking ngayon ay nakatayo na sa harapan niya.
" Ano ba yun ha?" iritableng
tanong niya.
" Saan ba dito ang bahay ni Luke? ang sabi niya kasi sakin
malapit lang daw sila sa park"
"Luke? Luke Rodriguez?"
"Oo"
"Diretsuhin mo lang iyang kalyeng yan. Pangatlong bahay sa
kaliwa. Kulay blue na gate" sagot ni Sassy.
" Okay thanks" at akmang aalis
na sana ang
lalaki ng pigilan ito ni Sassy
"Psst. Teka lang"
" Ano yun?" kunot noong
tanong ng lalaki.
" Bayad mo. sinagot ko ang tanong mo" sabi ni Sassy at inilahad pa ang mga palad.
Iniabot naman ng
lalaki rito ang isang libo.
" salamat ah" sarkastikong
sabi ng lalaki.
" walang anuman.sa uulitin"
" Wag na lang" at tuluyan ng
umalis ang lalaki. Nakita pa ito ni Sassy na sumakay sa isang magandang kotse.
" Mayaman ka naman pala eh. " iiling iling na sabi ni Sassy bago ibinulsa ang nakuhang isang
libo sa lalaki. "Mahirap na ang
buhay ngayon. Wala ng libre"
Muli na niyang
ipinagpatuloy ang pagsusulat.
***
Nang papadilim
na ay ipinasya na ni Sassy ang umuwi ng bahay. Marami rami na naman siyang
naipong ideas eh. Pag uwe niya sa bahay ay muli siyang magsusulat. Baka
sakaling matapos niya na ang nobelang ginagawa niya.
Habang naglalakad
pauwe ay napadaan siya sa bahay ng mga Rodriguez. Hindi tuloy niya maiwasang
maisip ang lalaking nagtanong sa kanya kanina.
" Sayang. Gwapo pa naman sana kaso mukhang tanga" nasabi ni Sassy sa sarili.
Sino ba naman
kasing tao ang nasa matinong pagiisip ang magbabayad ng isang libo para sa
isang tanong lang?
Unless sobrang
yaman nito kaya hindi big deal ang isang libo.
Hindi namalayan
ni Sassy na nakahinto na pala siya sa tapat ng gate ng mga Rodriguez kung hindi
pa siya tinawag ng kapatid niya.
" Ate kanina ka pa hinahanap ni Nanay. Kakain na daw. Kung
saan saan ka daw nagpupunta" sabi nito.
" Eto na nga diba? Pauwe na. Nalibang lang ako sa park
eh."
" Tara na ate uwe na tayo
bilisan mo. Championship na nung pinapanood kong basketball game eh"
" Pakelam ko ba" pero sumakay na
din siya sa bike na dala ng kapatid.
***
Chapter 2 <Kai>
Seryosong mukha
ng Boss niya habang nakatutok sa laptop computer nito ang nabungaran ng
sekretarya. Mukhang nagiimprove na ang boss niya at dinidibdib na na nito ang
pagtatrabaho. Napangiti nalang si Myrna
at itinimpla ng kape ang batang boss niya.
Matagal ng
sekretarya si Myrna ng pamilya Montano. Sekretarya pa siya ng daddy ni Kaizer o
mas kilala bilang Kai. Ang bago at batang boss niya.
A typical young
man. Happy go lucky at parang walang balak magseryoso sa buhay. Nung una nga
itong dumating sa kumpanya ay di ito mapakali sa loob ng opisina. Para itong ibon na sanay sa kalayaan at biglang ikinulong
sa hawla.
" Coffee Sir" sabi niya at
ipinatong sa table nito ang isang tasa ng kape.
" Thank you" hindi
lumilingong sagot nito.
" Mukhang seryoso ka ah" nakangiting
sabi ni Myrna.
" Sshhhh..wag kang maingay" seryoso pa ding sagot nito.
Nacurious naman
si Myrna dahil mukhang di talaga maiistorbo ang boss niya sa ginagawa nito.
Minabuti nalang niya na lumabas ng opisina nito.
Palabas na sana si Myrna ng biglang
sumigaw ang boss niya.
"Yes!!! I beat them" tuwang
tuwang sabi nito.
" Sir?" nagtatakang
tanong ni Myrna.
" Look Myrna i got the highest level among my friends" pagmamalaking sabi nito at ipinakita sa kanya ang laptop nito.
"Sir? Candy Crush?" kunot
noong tanong ni Myrna.
" You know this game? Well I guess its a famous game after
all."
Napasapo nalang
sa noo si Myrna. Akala pa naman niya seryosong nagtatrabaho na ang gwapo at
batang boss niya pero mukhang hindi at busy sa paglalaro ng Candy Crush.
" Sir... Ang dami niyo pong kailangang basahin at pirmahan.
Pwede niyo po bang pagtuunan ng pansin ang mga ito ngayong tapos na kayo sa
paglalaro niyo?" tanong ni Myrna.
" Hindi naman nauubos ang trabaho eh. " sagot ni Kai at ininom ang kapeng itinimpla ni Myrna.
" Eh paano mauubos kung di mo uumpisahan? Saka kung nauubos
ang trabaho eh di sana wala na ako sa posisyon ko ngayon" katwiran ni Myrna sa boss niya.
" Youre always serious..relax." nakangiting sabi ni Kai. Ngiting di kayang iresist ng lahat ng
babae.
Pero mukhang di
apektado ang sekretarya niya. Nanatili itong seryoso at mula sa bulsa ng blazer
nito ay inilabas ang isang planner.
" Sir, you have a meeting with Mr. Chua at 1:00 PM...then
Board meeting at 3:30PM... Dinner with Ms. Gonzales at 7:00 PM. " basa ng sekretarya niya sa schedule niya para sa araw na iyon.
" Cancel my dinner " imporma
niya.
" ireresched ko po ba?"
" No. Cancel it. I don’t want to see her again. Women"
Itinala nalang
ni Myrna ang sinabi ng boss niya. Sanay na siya sa ugaling ito ni Kai. Hindi
naman niya masisisi ang mga babaeng nagkakagusto dito. Her boss is an epitome
of a perfect guy. Gwapo, malakas ang appeal, maganda ang katawan at higit sa
lahat mayaman. Kahit sa opisina nila ay maraming nagkakagusto rito.
"Kelan mo ba balak magseryoso?" tanong niya.
" why would i bother to be serious in life when in fact I can get whatever I want"
" what about love?"
Hindi lang siya
isang simpleng sekretarya ni Kai. Mistulang mother figure na din siya para
dito.
" I dont want love"
seryosong sagot niya.
“You don’t have to want… you need it” katwiran pa niya pero inignore na siya ni Kai.
Nagkibit balikat
nalang si Myrna bago umalis sa loob ng opisina nito.
***
Napailing na
sinundan nalang ng tingin ni Kai ang papalabas na sekretarya. Its been a year
mula ng magsimula siyang itake- over ang kumpanya mula sa daddy niya. His dad
wants to enjoy his retirement kaya sapilitan nitong ipinasa sa kanya ang isang
malaking resposibilidad.
He doesn’t want
to be a boss of a big company. Mas gusto niyang ienjoy ang buhay niya at ang
hobby niyang Car Racing.
Pero dahil isa
siyang mabuti at masunuring anak, wala siyang nagawa kundi ang itake over ang
pamamahala ng Montano Estates.
Si Myrna ay
sekretarya pa ng daddy niya. At nung siya na ang namahala ng kumpanya ay
pinakiusapan niyang itong manatiling secretary niya kahit na nagpahayag na ito
na gusto na nitong magresign at asikasuhin ang buhay may pamilya nito.
Well.. He like
the woman for two simple reasons.
First she knows
everything. She’s a very reliable and efficient secretary to his dad.
Second...hindi
ito maiinlove sa kanya. Because unlike any other girls, Myrna is old enough to
be his mother. Hindi tulad kapag batang sekretarya ang kukunin niya. Alam pa
naman niyang irresistable ang kagwapuhang taglay niya.
Napaigtad si Kai
ng tumunog ang cellphone niya.
"Hey dude! Whatz up" bati
niya pagkasagot ng cellphone.
" Where are you?" seryosong
tanong ni Nigel sa kabilang linya. Ang best among the best buddy niya.
"Office" simpleng sagot
niya.
"Alam mo ba kung anong gusto kong gawin sayo sa mga oras na
ito?"
"Straggle me to death?" biro niya.
"worst. How could you leave that woman to me?! Hindi ko tuloy
alam ang gagawin ko kagabi nung bigla ka nalang mawala sa bar. Hindi ko naman
maiwan si Vanessa dahil naaawa ako kasi lasing na din yung tao at alam mo bang
iyak na siya ng iyak? At wala akong ibang narinig kundi reklamo niya sayo. Kung
hindi ka na pala interesado sa kanya bakit di mo siya hiwalayan ng
maayos!?" sermon sa kanya ni Nigel sa
kabilang linya.
Sanay na siya sa
ugaling iyon ng bestfriend niya. Highschool palang ay magkaibigan na silang
dalawa. Kumbaga subok na ng panahon ang pagkakaibigan nila. Kahit na sadyang
magkaiba sila ng ugali ni Nigel.
Masyado kasing
seryoso sa buhay ito hindi tulad niya. Kaya naman ito ang laging tagaayos ng
gusot na ginagawa niya.
"Bakit ko naman siya hihiwalayan kung hindi naman kami
nagkaroon ng relasyon? She knows that well. Mica knows na fling lang yun" katwiran niya
"Vanessa" pagtatama nito.
"Whatever" balewalang sabi
niya.
Sa totoo lang
hindi niya na halos matandaan ang mga babaeng dumadaan sa buhay niya sa sobrang
dami. Hindi na kasya sa mga daliri niya sa kamay at paa.
"Sana inuwi mo na si Ryza kagabi sa condo mo. Ulam din
yun" biro niya.
"Kaizer Montano?! Gusto mo talagang mabugbog noh!" sigaw ni Nigel.
Bigla namang
tumawa si Kaizer sa kabilang linya. Of course he’s only joking. Alam naman niya
na kahit minsan hindi pinatulan ni Nigel ang mga babaeng dumaan sa kanya. At
hindi naman niya pinapakelaman ang mga babaeng nagugustuhan nito. Ganun kataas
ang respeto nila sa isat isa.
" Relax dude...so what happened to Abby nung iwan ko siya sayo?
" Dumating yung kaibigan niya at iniuwi siya. And for Christ
sake Kaizer its Vanessa." kunsumidong sabi
ni Nigel.
Hindi nalang
pinansin ni Kai ang pagtatama ng kaibigan. Eh sa ano bang magagawa niya? Hindi
niya tinatandaan ang mga pangalan ng babaeng nakakasama niya.
Nandyan lang
sila para bigyan siya ng kasiyahan pansamantala. Not more than that. Kaya kapag
pakiramdam ni Kai eh nagiging demanding na ang babae ay bigla nalang niya itong
iniiwanan.
"Kapag ikaw nakarma sa pinaggagawa mo wag mo akong sisihin
ah" sabi ni Nigel at ibinaba na ang linya.
“Don’t worry Dude… that wont happen” bulong ni Kai sa sarili.
Chapter 3 < The Bar>
“Mabuti naman sa wakas at sumama ka din samin Dude” bati ni Kai at marahang tinapik sa balikat ang kararating lang na
kaibigan.
“Eh alam niyo naman kasing busy ako kaya wala akong panahong
magsasama sa mga happenings niyo. Pinilit lang ako ni Nigel” sagot ni Luke at tumingin sa direksyon ng tahimik na kaibigan.
Itinaas naman ni
Nigel ang hawak na baso bilang pagbati.
“Kumpleto na ang tropa” tuwang sabi
naman ni Bryan. Isa pa nilang barkada.
Bale apat silang
lahat sa grupo. Bryan, Luke, Nigel and Kai are highschool buddies. Binansagan
nga silang F4 noon dahil kung nasaan ang isa, nandun din ang iba. At syempre
pa, si Kai ang leader nila. Ito bale si Daomingzi.
Pero noong
grumaduate sila ng Highschool at nagcollege eh tanging sina Kai at Nigel nalang
ang naiwang magkasama sa iisang school. Si Bryan kasi ay sa Canada na nagcollege. Si Luke naman
sa ibang school na nag-enroll.
“So kumusta naman ang mga buhay natin? Tagal kong walang balita sa
inyo ah” sabi ni Bryan.
“Okay naman. Si Luke, nagpapayaman” tumatawang sabi ni Kai.
“Sorry ah.. hindi naman kasi ako mayamang tulad niyo eh” sagot ni Luke.
“Okay lang yan Dude…so kelan niyo naman balak lumagay sa magulo?” tanong ni Bryan.
“Ako hindi pa siguro ngayon. Saka na kapag nakagraduate na ang
kapatid ko sa college” sabi ni Luke at umorder ng
beer sa waiter.
“Tagal pa nun ah. Ikaw naman Kai?” baling ni Bryan
dito
“Walang balak” sagot ni Kai at tinungga
ang bote ng alak.
“Certified Playboy” naiiling na sabi
nila Bryan at
Luke.
“Ikaw Nigel? Wala yata akong nababalitaang babae mo?”
“Hindi pa dumarating eh” simpleng sagot
ni Nigel.
“Eh ikaw naman Bryan, may balak ka na bang lumagay sa magulo?” tanong ni Kai rito.
“Well… I’m glad you ask. I’m getting married” tuwang balita sa kanila ni Bryan.
“Wow!!! Congrats…so who is the unlucky girl?”
“I met her in Canada ”
“This calls for a celebration”
“Restroom lang ako guys” paalam ni Kai
sa mga kaibigan
“Bumalik ka ah. Mamaya mag make-out ka na sa CR” biro dito ni Bryan
“Lol!”
***
“Ano bang ginagawa natin dito?”
iritableng tanong ni Sassy sa pinsang si Jhonah pagkakita sa signboard ng Bar
“Mag-eenjoy. Di ba sabi mo bored ka na? saka don’t worry. Treat
ko” anito at hinila na siya papasok sa loob ng Bar.
“Alam mo namang wala akong kahilig hilig sa mga ganito diba?” angal niya pero wala din siyang magawa dahil mahigpit ang
pagkakahawak sa kanya ng pinsan.
And besides maraming
tao sa loob ng Bar na iyon baka magkawalaan pa sila.
“Hi Jhonah” bati rito ng isang
nakasalubong nila. Mukhang suki pa yata ng Bar na ito ang pinsan niya.
“Here dito tayo” mesang malapit
sa stage ang napili nila.
“Suki ka rito noh?!” akusa niya sa
pinsan.
“Hmmm parang ganun na nga”
Maya maya lang
ay may lumapit na sa pinsan niya kaya iniwan siya nito. Nailing man ay umorder
na lang si Sassy ng alak sa barista.
“Bigyan mo nga ako ng light lang” sabi niya.
Inabutan naman
siya nito ng isang basong alak.
“Nasaan na ba yung babaeng yun?” wala sa
sariling tanong ni Sassy habang palinga-linga sa paligid. Sira ulo talaga yung
pinsan niya. Sinama sama siya rito pero iiwan din naman pala siya.
“Lalabas din yun” sagot ng
barista dahilan para mapatingin siya rito.
“Ha?”
“Si Jhonah ang hinahanap mo diba? Friend ka ba niya?”
“Ahh pinsan ko” suki nga yata
talaga ang pinsan niya ng bar na ito.
Maya maya lang
ay naghiyawan na ang mga tao sa paligid. At napanganga nalang si Sassy ng
Makita ang pinsan niya sa harapan ng drumset.
Drummer ang
pinsan niya sa Bar na iyon. No wonder kilala ito ng mga tao.
***
Isa na siguro si
Sassy sa may pinakamalakas na palakpak sa mga tao roon. Ngayon niya lang nalaman na tumutugtog pala
ang pinsan niya. Sa pagkakaalam kasi niya ay simpleng business woman lang ito.
Dahil medyo
marami rami na din naman ang nainom niya ay minabuti muna ni Sassy na magpunta
sa restroom para marefresh naman siya.
Pero ganun
nalang ang gulat ni Sassy ng pagbukas niya ng pinto ng restroom ay dalawang
taong gumagawa ng “milagro” ang naabutan niya at mukhang nagulat din ang mga
ito pagkakita sa kanya.
***
“Nasaan na ba si Kai? Ang tagal namang magCR nun” reklamo ni Luke
“Baka may nakitang chicks” komento ni
Bryan.
“Di niya tuloy napanood yung banda” sabi naman ni Nigel
“Dude, ikaw ang interesado dun sa banda. Hindi si Kai” tumatawang asar ni Luke na ikinapula naman ng mukha ni Nigel.
“Hey guys una na ako sa inyo”
humahangos na sabi ni Kai pagkalapit sa kanila.
“Oh? Bakit? Anong nangyare?” nagtatakang
tanong ng tatlo.
“Long story” nagmamadaling sabi ni Kai
at nag-iwan nalang ng pera sa mesa.
“Problema nun?” nagtatakang
tanong ni Luke
“Ma” sagot ni Bryan (Malay ko)
“Pa” sagot naman ni Nige (Pakialam ko)
***
Chapter
4 <The T-shirt>
Tunog ng cellphone ang
gumising kay Kai. Nakapikit pa ang matang sinagot niya ito.
“Elo”
“Kuya!!!!!!”
Bigla namang nagising si Kai
sa malakas na tili na iyon at inilayo ang cellphone sa tenga niya.
“Mae?”
“Nasaan
ka na ba kuya? Hinahanap ka nila Daddy. Nandito na sila ngayon sa Pilipinas”
“Ha???
Ang bilis naman…Okay. Papunta na ako dyan. Just give me an hour”
“Okay.
Hurry up” at ibinaba na nito ang linya.
Kakamot kamot ang ulong
bumangon si Kai sa kama . Napakunot pa ang noo
niya ng mapansing hindi pamilyar sa kanya ang kwartong iyon. Mas lalong nadagdagan
ang kunot sa noo ni Kai ng mapansin ang isang babae na nakahiga sa kama na
tanging kumot lang ang takip sa hubad na katawan.
Marahang hinilot muna ni Kai
ang ulo upang alalahanin kung anong nangyari sa kanya ng nagdaang gabi.
Nagovertime nga pala siya sa
trabaho dahil kinukulit na siya ni Myrna na tapusin ang mga tambak na papeles
sa mesa niya. Medyo nahihiya naman siya sa secretary niya at baka makarating pa
ang mga pagbubulakbol niya sa trabaho sa daddy niya kaya nagtrabaho na muna
siya. Ayaw naman niyang malugi ang kumpanyang pinaghirapan ng daddy niyang
itayo dahil lang sa kapabayaan niya.
Pauwe na siya sa bahay ng
maisipan muna niyang kumain sa restaurant na malapit sa opisina niya. At doon
niya nga nakilala ang babaeng ngayon ay nakahiga sa kama
nito. At noon lang din niya naalala na nasa isang hotel nga pala sila.
Agad nagtungo si Kai sa CR
upang maglinis ng katawan. Paglabas naman niya ng banyo ay mukhang gising na
din ang babae.
“Hi
handsome” nakangiting bati nito.
“I
need to go” sabi ni Kai at isinuot ang damit na hinubad
kagabi.
“Why
are you such in a hurry? It’s too early pa” at tumayo ang babae
sa kama dahilan para mahulog ang kumot na
nakatakip sa katawan nito. Mukhang iyon naman talaga ang purpose ng babae kaya
parang balewala lang dito kung hubad man itong naglalakad palapit sa kanya.
Marhang iniyakap ng babae
ang kamay nito sa dibdib ni Kai pero tinanggal lang ito ni Kai at ipinagpatuloy
ang pagbibihis.
“I
just really need to go.” At mula sa bulsa ng pantalon ay naglabas
ito ng pera.
“Pantaxi
mo”
inilagay nito sa kamay ng babae ang pera.
“Wait”
mula naman sa bag ng babae ay kumuha ito ng calling card at iniabot kay Kai.
“Call
me”
nag-aakit ang ngiting ibinigay ng babae sa kanya.
Kibit balikat lang naman ang
isinagot ni Kai at kinuha ang calling card na iniabot ng babae at lumabas na ng
silid. Nang may madaanang basurahan ay itinapon ni Kai doon ang calling card na
iniabot sa kanya ng babae.
Kung iipunun ni Kai ang lahat
ng calling cards ng mga babaeng namemeet niya ay baka napuno na ang drawer
niya. Besides, for him it’s just a one night stand.
Nothing more. Nothing less.
***
Nasa kotse na si Kai ng
makatanggap siya muli ng tawag mula sa kapatid.
“Nasaan
ka na ba?”
“I’m
driving okay” pagsisinungaling ni Kai. “ I’ll call you later” at ibinaba na
niya ang cellphone.
Napaisip naman si Kai. Hindi
siya pupwedeng magpakita sa kanila na suot pa din ang damit na suot niya sa
opisina. Malalagot siya sa daddy at mommy niya. Sinubukan ni Kai na tignan kung
may spare ba siyang damit sa kotse nang mapansin niya ang isang paper bag na
kulay pink. Napailing na lang si Kai ng maalala kung kanino galing ang paper
bag na iyon.
Binuksan ni Kai ang laman ng
paper bag na ibinigay sa kanya ng kapatid na si Mae. Isang t-shirt na kulay
blue ang laman niyon. Napangiti si Kai dahil favorite niya ang kulay na iyon.
Pero natigilan siya sa
nabasang nakasulat sa t-shirt.
“I never knew love til I
found you”
Gusto tuloy matawa ni Kai sa
nabasa. Pero instead na walang maisuot eh ipinasya na lang din niya na isuot
ang damit na ibinigay ng kapatid. Matutuwa pa sigurado iyon si Mae kapag
nakitang suot niya ang damit na bigay nito.
***
“Hindi ba nakakahiya Mae na nandito ako
sa inyo ngayon? Hindi mo naman kasi
sinabing uuwe pala ngayon ang parents mo. Eh di sana hindi na ako nag-overnight sa inyo. Uuwe
nalang kaya ako” nahihiyang sabi ni Sassy sa bestfriend na si
Mae.
Marahang
hinampas naman ito ni Mae sa braso.
“Ano ka ba?! Para
kang sira. Naikuwento na din naman kita kina daddy at mommy eh. Saka mabuti na
yung nandito ka para mameet mo na din ang kuya ko. Darating siya ngayon eh”
Sa
pagkakaalam kasi ni Sassy ay may sariling condo ang kuya ni Mae kaya hindi ito
sa malaking bahay umuuwe. Pero once na nandito sa Pilipinas ang mga magulang ng
mga ito ay napipilitang umuwe ang kuya nito sa bahay nila.
“Sure kang okay lang ah. Pasensya ka na
sa abala. Sobrang blangko lang talaga ang utak ko ngayon. Wala akong maisulat
na nobela kaya pati ikaw ginugulo ko.” Paghinging pasensya ni Sassy
sa kaibigan.
“Ano ka ba?! Para
kang hindi bestfriend niyan eh. Saka kapag naman nagkaidea ka na ulit bibigyan
mo naman ako ng kopya ng nobela mo diba?” nakangiting sabi ni
Mae.
Kung
meron mang matatawag na number one fan si Sassy… ang bestfriend na siguro niya
iyon. Lahat ng naisulat niya ay nabasa na nito. Kahit iyong mga hindi pa
naipublish.
“Oo naman. Ikaw pa eh malakas ka sakin
eh..haha”
“Tama!!!”
At
sabay pa silang nagtawanang magkaibigan nang biglang matigilan si Sassy.
“Wait… wala akong dalang ekstrang damit.
Akala ko kasi uuwe lang din ako agad eh”
“Problema ba yun? Eh halos magkasize
lang naman tayo ng katawan eh. Wait lang. Dyan ka lang” at
nagbukas ito ng closet.
Madaming
damit na inilabas si Mae pero parang hindi masyadong gusto ni Sassy ang mga
iyon. Puro dress naman kasi at bongga ang mga damit ng kaibigan eh.
“Wala ka bang t-shirt lang dyan?” tanong
ni Sassy.
“T-shirt? Hindi ako nagsusuot ng t-shirt
diba? Kaya wala”
Hinalungkat
naman ni Sassy ang mga inilabas na damit ni Mae. Wala talaga siyang matipuhan
sa mga iyon.
“Sabi mo hindi ka nag ti t-shirt… eto
oh” ani
Sassy at ipinakita sa kaibigan ang isang damit na natabunan na.
Isang
kulay blue na t-shirt ang hawak hawak ni Sassy.
“Pwede bang ito nalang. Mas kumportable
ako dito”
“Are you sure?”
mukhang nag-aalangan pa si Mae na ipahiram iyon sa kanya.
“Favorite mo ba ito?”
“No. Actually bagong bili ko lang yan
eh.”
“Ahh so hindi ko siya pwedeng gamitin?”
“Not really”
napabuntong-hininga si Mae bago seryosong tinignan si Sassy. “Ang sabi kasi sakin nung binilhan ko ng
damit na iyan. May magic daw kasi iyan”
“Magic? As in magic power? Naniwala ka
naman” natatawang nailing na sabi ni Sassy. “Bakit? Kapag sinuot ba ito papanget ka or gaganda ako?” biro pa
niya.
“No. Ang sabi nung may-ari ng binilhan
ko niyan…..kapag isinuot daw iyan ng dalawang tao na sabay silang may suot…sila
ang forever na magkakatuluyan….bale parang may magic ang couple shirt na iyan”
“Love? Magic? Couple Shirt? Hay naku Mae
gutom lang yan…saka paano naman ako makakatagpo ng love sa damit na ito.
Besides..wala akong panahon sa love-love na iyan kaya sorry nalang sila dahil
hindi ako naniniwala sa kanila… Saka nasaan ba ang partner nitong damit na ito?”
“Nasa---“
pero bago pa makasagot si Mae ay may kumatok na sa pinto ng kwarto. Binuksan
naman ito ng kaibigan.
“Ready na daw ang lunch. Tinatawag na
tayo ni Mommy” inporma nito sa kanya.
“Ahh okay. Peram ng damit”
sabi ni Sassy at ibinato sa kama ang t-shirt
na hawak.
Dinampot
naman ito ni Mae at iniabot sa kanya.
“You know what…I think bagay ito sayo.
Saka favorite color mo iyan diba? Sayo nalang”
“Sure ka?”
“Well…siguro nga hindi totoo yung sinabi
nung may-ari ng binihan ko niyan. Kasi imposibleng magkatagpo nga kayo ng kapares
ng damit na iyan. Naloko lang yata ako” natatawang sabi ni Mae.
“Masyado ka kasing mabait eh”
biro ni Sassy at nagpunta na sa banyo sa kwarto ng kaibigan upang magpalit ng
damit.
Napangiti
nalng si Sassy ng mapagmasdan ang sarili sa salamin habang suot ang damit na
ibinigay ng kaibigan.
“I
don’t have time to fall in love til I found you”
Iyon
ang statement na nakasulat sa t-shirt na suot niya. Nakakatuwa kasi parang akma
sa kanya iyon. She doesn’t have time to fall inlove. Ang pagkakaiba nga lang..
wala pa rin siyang nakikita. Wala siyang “til
I found you”
“Come on Sassy”
tawag ni Mae sa kanya.
“Eto na” sagot
ni Sassy at lumabas na ng banyo.
“Infairness ah…bagay sayo yang damit. I
never thought that it would fit you perfectly well. Even the statements are
correct” tuwang tuwang sabi ni Mae.
“No. That’s not correct. Tara na. baka hinihintay na tayo ng mommy at daddy mo”
Sabay
na silang lumabas ng silid ng kaibigan para bumaba sa komedor.
***
Chapter 5 <The Meeting>
Nasa
komedor na ang mga magulang ni Mae ng bumaba sila ni Sassy. Pero wala pa ang
nakatatandang kapatid nito. Binati ni Sassy ang mga magulang ng kaibigan.
Magiliw naman ang naging pagtanggap ng mga ito sa kanya.
Hindi
lang naman pala siya ang nag-iisang bisita sa bahay na iyon. Dahil may isang
magandang babae na nakaupo sa tabi ni Mrs. Montano. Ayon kay Mae ay family
friend daw ito ng mga Montano.
“Nasaan na ba ang kuya mo Mae?”
tanong ni Mr. Montano.
“Ang sabi po niya on the way na daw po
siya eh”
“Baka natraffic lang ang anak mo”
sabi naman ni Mrs. Montano. Halatang maganda ang ginang sa kabila ng edad nito.
“Matagal ng may traffic sa Pilipinas.
Dapat umaalis siya ng maaga. Masamang pinaghihintay ang pagkain”
nailing na sabi ni Mr. Montano.
“Hey everyone… I’m home” mula
sa pinto ng komedor ay sigaw ng isang boses. Ito na marahil ang kuya ng
kaibigan niya.
“Sa wakas dumating din” nailing
na sabi ni Mae.
Dahil
nakatalikod sa pinto ay hindi agad napansin ni Sassy ang hitsura ng dumating.
Well… wala naman siyang pakialam sa kuya ng kapatid eh. Pero napansin ni Sassy
ang pagkislap ng mata ng babaeng katapat niya sa mesa.
“Ma...Dad… I’m miss you two… did you
enjoy your vacation?” bati ng binata sa mga magulang at hinalikan
sa pisngi ang ina.
“Okay naman. Madami kaming pasalubong sa
inyo” sagot ng ina nito.
“Really? That’s great… Hi little sister…”
hinalikan
nito sa pisngi ang nakababatang kapatid.
“Hijo, Remember Stephi?” pakilala
ni Mrs. Montano sa magandang babaeng nasa tabi nito.
“Yes Ma. Hi Steph. Long time no see ah”
“Hello Kai. Oo nga.. busy ka kasi”
Hindi
alam ni Sassy kung siya lang ang nakarinig sa sarcasm ng pagkakasabi nito.
Dinedma nalang niya ito.
“Oh mukhang may bisita yata tayo ah”
sabi nito ng mapansin siya sa tabi ng kaibigan.
Napilitan
naman si Sassy na lingunin ito. Ganun nalang ang gulat na bumakas sa mukha niya
pagkakita sa binata. Mukhang hindi siya nag-iisa dahil tulad niya ay halatang
shock din ito.
“Kuya.. this is Sassy, my bestfriend….
Best…si kuya Kai ko” pakilala ni Mae sa kilala.
Mas
naunang matauhan si Kai kesa kay Sassy. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan
na siya nito.
“Babe…bakit hindi mo sinabing pupunta ka
pala dito? Eh di sana
nagsabay na tayo” sabi ni Kai at walang sabi sabing hinalikan
siya sa pisngi.
Dala
ng gulat ay hindi nakapagsalita agad si Sassy. Mas nagulat siya ng halikan siya
nito sa pisngi.
Ito…itong
lalaking ito…
Ilang
beses bang magtatagpo ang landas nilang dalawa? Bakit parang napakaliit ng
mundo nila?
Una…sa
park… ito ang tangang lalaking nagbayad sa kanya ng isang libo para sa isang
tanong lang.
Ikalawa…
sa Bar…sa CR ng bar…ito ang lalaking nakita niyang may ginagawang milagro sa
loob ng CR.
At
ngayon…sinong mag-aakala na kapatid pala ito ng nag-iisang bestfriend niya?
“Girlfriend mo si Sassy kuya?” gulat
na tanong ni Mae.
“Oo”
“Hindi”
“Ano ba talaga? Ang gulo niyo ah. Best…
bakit hindi mo sinabing boyfriend mo pala ang kuya ko” himig
nagtatampong sabi ni Mae sa kanya. Mukhang mag-aaway pa yata sila ng kaibigan
niya dahil sa sira ulong lalaking ito.
“Eh kasi hindi ko naman siya boyfriend
eh”
pagtatama ni Sassy.
“Babe naman. Isang araw lang ako hindi
nagpakita sayo brineakan mo na agad ako?”
At
magaling magimbento ng kwento ang damuho!!!!
“Siya ba ang girlfriend mo hijo? Aba’y
napakagandang bata naman pala eh. At mukhang bagay na bagay kayong dalawa. Pati
damit niyo pareho pa talaga” natatawang sabi ni Mrs.
Montano.
Napatingin
naman silang dalawa sa suot na damit. Pareho nga sila halos ng design ng damit.
Pati kulay pareho. Magkaiba nga lang nag nakasulat na statement sa t-shirt.
Pagkakita sa damit nilang dalawa ay natawa si Mae.
“Mukhang totoo nga yata talaga ang
powers ng couple shirt na iyan ah” at nakakalokong tinignan
siya nito.
“Mae!!!”
sita niya sa kaibigan pero binalewala lang siya nito.
“Ang mabuti pa eh kumain na tayo. Kai
dyan ka na maupo sa tabi ng nobya mo” anang daddy nila Kai.
Tahimik
na naupo naman si Kai sa tabi ni Sassy. Hanggat maari ay iniiwasan ni Sassy na
mapadikit sa binata.
“Mabuti naman at naisipan mo ng magtino
Kai. Ang dami kong nababalitaan na playboy ka daw at walang sineseryosong
babae. Hindi ko alam kung kanino ka nagmana eh napakaloyal naman nitong daddy
mo” sa
gitna ng pagkain ay sabi ni Mrs. Montano.
“Ma…I’m serious okay? Wag kang
magpapaniwala sa mga naririnig mo. Hindi totoo yun…. Hindi ba Babes? Serious
and loyal naman ako sayo” at nakangiting tinignan pa siya nito.
Babes
mo mukha mo!
Isang
pilit na ngiti ang ibinigay ni Sassy kahit na kanina niya pa gustong tusukin ng
tinidor ang mata ng lalaking ito. Nag-eenjoy ang damuho na pagtripan siya.
“Well… kung nagkataong wala kang nobya
ay pinilit na kitang ligawan itong si Stephi eh. Magtino ka lang… pero mabuti
nalang at may nobya ka na pala. Hindi ba Steph?” nakangiting
sabi ni Mrs. Montano.
“Yes Tita”
hilaw ang ngiting sabi nung Stephi.
“Ma, hindi ko na kailangan ang ibang
girlfriend dahil Masaya na ako sa girlfriend ko ngayon. Hindi ba Babes?” at
nilagyan pa talaga siya nito ng pagkain sa plato niya.
Naramdaman
niyang marahang siniko siya ni Mae. Napatingin naman siya dito.
“Sakyan
mo nalang” mahinang bulong nito sa kanya.
Mukhang
alam na ng bestfriend niya na nagdadrama lang ang kapatid nito. Well.. two
could play a game.
“Oo naman Babes… ang swerte swerte ko nga sayo eh”
nakangiting sabi niya sa binata.
Mukhang
nagulat naman ito sa pagpatol niya sa sinasabi nito pero sadyang magaling
magtago ang damuho dahil hindi iyon nahalata.
All
through out the lunch ay sinakyan ni Sassy ang trip ni Kai. Hindi niya alam
kung sadyang nag-eenjoy lang din siya na nakikitang naiinis ang babaeng nasa
tapat niya. Obvious na may gusto ito kay Kai.
Baliw
lang ang magkakagusto sa lalaking ito.
At
hindi siya baliw.
***
Chapter 6 <The Proposal>
After
lunch ay nagpaalam na si Sassy na uuwe na siya. At bilang “boyfriend” niya ay
obligadong ihatid siya ni Kai.
“Hindi na po.Kaya ko na po ang sarili
ko”
tanggi ni Sassy. Ayaw niyang makasama ng solo ang binata.
“Ano ka ba Best.. magpahatid ka na kay
Kuya okay? Tutal boyfriend mo naman
siya eh.” Nakakaloko ang ngiting ibinigay sa kanya ni Mae. Para tuloy gusto niyang sakalin ang kaibigan.
“Oo nga naman hija…si Kai na ang bahala
sayo” sabi ng ama nito.
“Tara
na Babes…hatid na kita. Gusto kong safe na makauwe ang girlfriend ko” ani
Kai at hinawakan pa siya sa braso.
Pakiramdam
naman ni Sassy ay may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya sa saglit na
pagdaiti ng balat nilang dalawa. Hindi niya alam kung naramdaman din ba iyon ni
Kai dahil inalis din nito ang pagkakahawak sa braso niya.
Kesa
naman masabihang nag-iinarte ay minabuti na din ni Sassy na sumama sa binata.
Makakalibre pa siya sa pamasahe. Wala naman sigurong gagawing masama sa kanya
ito.
***
Pareho
silang tahimik ni Kai habang nasa byahe.
“Saan kita ihahatid. Malapit ka lang ba
kina Luke?”
Napatingin
si Sassy sa binata.
“Ikaw yung nasa Park
diba?” anito.
“Natatandaan mo ako?”
gulat na tanong niya.
“Oo naman. Sino namang makakalimot sa
babaeng hiningan ako ng isang libo para sa isang tanong lang”
anito pero hindi naman bakas ang inis sa boses nito. Mas lamang pa ang
amusement.
“Ahhh…hehe..iniistorbo mo kasi ako nun.
Hindi ko naman ineexpect napapatulan mo yung sinabi ko.”
“Okay lang yun”
Again…natahimik
na naman sila.
“I’m Kaizer by the way… but you can call
me Kai” pakilala ng binata at inilahad sa kanya ang kamay nito
habang nakahinto ang kotse.
“Sassy…Samantha for long”
“Nice to finally meet you Sassy”
“Same here”
“Ahhh.. Sassy…”
tawag sa kanya ng binata habang muling nagmamaneho.
“Ano yun?”
“Ikaw din yung nasa Bar diba?” alanganing
tanong ni Kai sa kanya.
Napangiti
naman si Sassy.
“Ahhhmmm yeah”
“Sorry about that”
“No problem”
“Lasing lang siguro ako nun”
“Siguro nga”
Again…for
the third time natahimik na naman sila.
“About kanina---“
“About kanina---“
Sabay
naman silang natawa nung sabay silang nagsalita.
“You first”
sabi ni Kai
“Yeah… about kanina… bakit mo sinabing
girlfriend mo ako sa harap ng pamilya mo?”
“Sorry about that. Nagulat ka siguro…
pero ano kasi… si Stephi…”
“I see… so may gusto sayo yung girl na
yun? Then yung parents mo gusto kayong magkatuluyang dalawa… kaso ayaw mo sa
kanya…kaya napilitan kang magsabi na may girlfriend ka na para iwasan ka na
nung Stephi? Ganun ba?”
“Bakit mo alam? Sinabi ba sayo ni Mae?” gulat
na tanong ni Kai sa kanya.
“Sus! Cliché na cliché naman kasi ang
kwento niyo eh. Besides writer ako. May naisulat na akong ganyang kwento”
“Really? Writer ka pala.”
“Yup”
“Well tama ka. Ganun nga ang kwento.
Hindi naman sa ayaw ko kay Stephi. Yun nga lang…I don’t want to hurt her….because
I know that I can’t love her”
“Bakit naman?”
Naging
seryoso si Kai bago sya sagutin sa tanong niya.
“Because I don’t know how to love”
Napatango-tango
naman si Sassy.
“Ahhh… I see… that’s why iyan ang
nakalagay sa statement ng t-shirt mo”
Natawa
naman si Kai.
“Regalo lang sakin ito. Ikaw naman…tama
ba yang nakalagay sa statement ng t-shirt mo?”
“Hmm…maybe yes..maybe no…saka hindi
sakin ito. Hiniram ko lang ito sa kapatid mo”
“Really? Sa kanya din galing itong
t-shirt eh”
“Sabi nga ni Mae couple shirt nga daw
ito.”
“You think itong suot ko at iyang suot
mo eh couple shirt?”
“Siguro…kasi halos pareho ng kulay at
design..magkaiba lang ng statements.”
“So that’s makes us a couple”
biro ni Kai.
“Excuse me?! Wala akong time sa ganyan
ah”
“Well…sabi nga ng t-shirt mo..you don’t
have time to fall in love…til you found
me”
“Excuse me?!!! Feeling ka..so ibig
sabihin din ba nun you never knew love….
til you found me?”
Ang
lakas ng naging tawa ni Kai sa sinabi niya.
“You know what Sassy… I think I like
you” nilinaw naman ni Kai ang sinabi ng makitang nanlaki ang
mata ni Sassy. “ What I mean is… I like
you as a friend. Ang kulit ng sense of humor mo eh… hindi I like you as I like you…hindi ko type ang mga babaeng
A cup” anito at napatingin sa dibdib niya dahilan para takpan naman ni
Sassy ng kamay ang mga dibdib.
“Excuse me ah!!! Hindi ako A cup noh!
Manyak ka talaga”
“Chillax….I’m not gonna bite you. Manyak
man ako sa iyong paningin….Rest assured you’re safe with me”
“Yeah yeah.. kasi hindi mo ako type”
“Right”
“Ewan ko sayo.”
“Ayyiiieeee… so youre hoping na type
kita?” pang-aasar nito.
“Hindi noh! Feeling ka talagang lalaki
ka. Hindi rin kita type. Ang type ko yung mga lalaking seryoso sa buhay if ever
man…at mukhang hindi ikaw yun”
“So that’s makes us safe with each
other” komento ni Kai.
“What do you mean?”
kunot ang noong tanong ni Sassy.
“I have a favor to ask you Sassy…can you
still continue to pretend that you’re my girlfriend? Hanggang sa magsawa si
Stephi sa kakahintay sakin…and find someone new…that can love her truly. Saka
habang nandito ang parents ko…kailangan nating magpanggap na may relasyon tayo
para di nila ako itulak kay Stephi”
“Wow Tol ah… Pang beauty queen na ganda
tinatanggihan mo….eh paano naman ako? May sarili din akong buhay”
“Eh di if ever na magkaroon ka na ng
time na mainlove magbebreak na tayo.”
“Ganun? Eh paano naman yung sex life
mo?”
“Ahhh.. ibang usapan na yun.. pero
promise habang nagpapanggap pa tayo na may relasyon hindi muna ako maiinvolve
sa ibang babae”
“kaya mo?” panghahamon
ni Sassy.
“Wag mo akong subukan My Sassy Girl”
“So sa harapan lang ng pamilya mo tayo
magpapanggap na may relasyon?”
“Oo”
“Pag-iisipan ko.”
“Pumayag ka na. Ibibigay ko lahat ng
gusto mo. Kahit katawan ko pa” pang-aasar nito.
“Sira ulo….As if naman interesado ako sa
katawan mo…Basta pag-iisipan ko muna”
“Okay. Number mo?”
“Ha?”
“Kukunin ko number mo para matawagan
kita kung nakapag-isip ka na ba”
“Ahhh… sige… kunin mo nalang kay Mae…
hindi ko kabisado number ko eh”
“Number mo hindi mo kabisado? Anong
klaseng babae ka”
“Sorry ah… eh anong magagawa ko kung
pang MB lang ang memory ng utak ko”
“Just kidding… sige na nga kay Mae ko
nalang kukunin number mo”
“Sige”
Hindi
namalayan ni Sassy na papasok na pala sila sa Village nila.
“Saan ang bahay niyo dito?”
“Diretsuhin mo lang itong street na ito.
Kulay pulang gate sa kaliwa”
“Pula
talaga?”
“Oo… Ewan ko sa nanay ko..pantaboy daw ng
malas”
“Okay….we’re here” ani
Kai at inihinto ang sasakyan.
“Salamat sa paghatid”
“No problem. Thank you for saving me
today Sassy”
“Okay lang yun. Sige ingat ka”
aniya at lumabas na ng sasakyan.
“Thanks”
Hinintay
siya ni Kai na makapasok muna ng gate bago nito tuluyang paandarin ang sasakyan
palayo.
***
Chapter 7 <The start of something
new>
“So kumusta naman ang paghatid sayo ng boyfriend mo?” pang-aasar
ni Mae sa kabilang linya.
Tinanggal
muna ni Sassy ang suot na salamin sa mata. Ang galing talaga tumi-ming nitong
kaibigan niya. Kung kelan naman siya nagsusulat ng nobelang ipapasa niya ay
saka siya iistorbuhin.
“Ms. Myannor Montano… alam mo ba kung
anong oras na ngayon?”
“Alas tres ng madaling araw”
“Exactly…at tumatawag ka pa sakin sa dis
oras ng gabi?
“Sus! If I know… ganitong oras ka
gising…Hindi kita natawagan nung isang araw kasi naging busy ako kaya ngayon
kita kukumustahin. So kumusta naman kayo ni kuya?”
“Mae… alam mong nagpapanggap lang kami
ng kapatid mo. I’m sure nasabi na niya sayo yung reason diba?”
“Yup. Close kasi kami ni kuya and wala
naman akong tutol sa pagpapanggap niyo eh. Hindi ko rin naman kasi gusto si
Stephi para sa kuya ko….well….samantalang ikaw.. gustong gusto ko.”
Pang-aasar pa nito.
“Come on Mae…alam mong kalokohan iyon
and napakaimposible na maging kami ng kapatid mo dahil wala akong panahon sa
ganyan..kaya lang ako pumayag kasi hindi naman maaapektuhan ang buhay ko sa
ginagawa naming pagpapanggap eh”
“Malay mo may magic talaga ang couple
shirt na binigay ko sayo…ngayon ko lang napansin na bagay pala kayo ni kuya
Kai…eh di sana matagal ko na kayong ipinakilala sa isat isa”
“Stop playing Cupid Mae…hindi bagay sayo”
“Alam mo Best…if ever talaga magwork
yang couple shirt ninyo ni Kuya….bibili ako ng maraming couple shirt dun sa
JL’s…para naman magkalovelife din ako….hindi ko naman kasi ineexpect na isusuot
din ni kuya yung binigay ko sa kanya eh”
“Mae tigil tigilan mo nga yang
paniniwala na may magic ang damit na ipinahiram mo sakin…. Marketing Strategy
lang yun…and speaking of damit pala hindi ko pa naisosoli yun sayo”
“Wag na. sayo na yun.Para partner kayo
ni kuya”
“Ewan ko sayo Mae…Sige na.. iniistorbo
mo na ang pagsusulat ko..babye na”
“Bye best…goodnight…sana mapanaginipan mo si kuya Kai”
“Ewan ko sayo”
At
pinatay na niya ang linya.
“Love? Come on!”
nailing na sabi ni Sassy sa sarili bago muling ipinagpatuloy ang pagsusulat.
***
Matuling
lumipas ang mga araw. Pakiramdam ni Sassy wala namang nagbago sa buhay niya
kahit pa sabihing may “pretend boyfriend” siya. Hindi na rin naman niya
ipinaalam sa mommy at kapatid niya ang tungkol dito…alam naman niyang lilipas
din ang bagay na iyon.
Pero
isang araw ganun nalang ang gulat ni Sassy ng pagdating sa bahay mula sa
publisher ng pinasahan niyang nobela ay naabutan niya ang sasakyan ni Kai sa
labas ng bahay nila.
Kunot
ang noong pumasok si Sassy sa bahay. Naabutan niyang masayang nag-uusap ang
binata at kapatid niyang si Shino.
“Oh Sassy mabuti naman at nandyan ka na.
Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo eh” mula sa kusina ay
bati sa kanya ng ina. May dala itong tray na may lamang juice.
“Mano po Nay” aniya
sa ina at tinignan ng masama si Kai. “Anong
ginagawa mo dito?”
“Dinadalaw ka. Tagal na nating di
nagkita eh” nakangiting sagot ng binata.
“Ate ang gwapo pala ng boyfriend mo” sabi
ng kapatid niya. Mukhang idol pa yata nito si Kai. Wag naman sanang mahawa ang
kapatid niya sa pagiging sira ulo nitong lalaking ito. May balak pa siyang
maging Presidente ng Pilipinas ang kapatid niya.
“Hindi ko boyfriend yan”
“Uy!!! Si Ate… nagdedeny”
“Ewan ko sayo. Lumayas ka na nga dyan”
Sumunod
naman ang kapatid niya sa kanya. Kahit ang ina niya ay iniwan din sila ng
binata.
“Anong ginagawa mo dito? Saka bakit
sinabi mong boyfriend kita sa nanay at kapatid ko?”
kastigo niya sa binata.
“Boyfriend mo naman talaga ako ah”
“Sipain kaya kita dyan. Alam mong
nagpapanggap lang tayo sa harapan ng pamilya mo. Pero wala tayong usapan na
kailangan din nating magpanggap sa harapan ng pamilya ko”
“Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong
sasabihin ko ng tanungin nila ako kung ano daw ba kita eh”
Napasapo
nalang sa ulo si Sassy. Problema talaga ang dala sa kanya nitong lalaking ito.
“Ano bang kailangan mo at napasadya ka
pa dito?”
“Nag-invite kasi si Mommy na magouting
eh. Pinapasama ka”
“August??? Outing??? Bumabagyo kaya.”
“Wala namang bagyo ah. Exag ka mag-isip.
Saka private resort naman namin ang pupuntahan natin eh.”
“Kayo na mayaman.” Sarkastikong
sabi niya.
“Sumama ka na”
“Hindi ba pwedeng tumanggi?”
“Kasama si Stephi eh… Ayokong makasama
yun. Baka akitin ako nun bigla”
“Arte mo ah. Ayaw mo nun. Ang ganda at
sexy kaya nun”
“Eh alam nila ikaw ang girlfriend ko eh.
Saka im sure yayayain ka din naman ni Mae. Mas mabuti ng ako ang maunanag
mayaya sayo”
“Pag-iisipan ko”
“Puro ka naman pag-iisipan eh..
samantalang pumapayag ka din naman” nailing na sabi nito.
“Gusto mong mabugbog?”
“Alam mo… you should meet my bestfriend
Nigel…pareho kayong brutal nun magsalita eh. Laging may banta ang mga sinasabi”
nailing na sabi nito.
“Biruin mo yun??? May bestfriend ka
pala??? Hindi naman kaya bading ka at lover boy mo yun???”
“Grabe ka ah!!! Halikan kita dyan”
“Come on!!! Im not your type
remember???”
“Dami mo pang sinasabi eh. Nakukunsumi
na ako sayo. Basta sumama ka ah. Sunduin kita bukas… 5:00 AM”
“Bukas na agad? Ang bilis naman..saka ang
aga naman. Tulog pa ako nun eh”
“Ang dami mong reklamo sa buhay”
“Ganun talaga”
“Sige na.. aalis na ako. May pasok pa
ako sa office eh…. Basta susunduin nalang kita bukas… Nga pala.. niyaya ko na din
sina Nanay at Shino kaya wala ka ng choice” anito pagkatayo.
“Ano???”
“Nay, uuwe na po ako”
paalam ni Kai.
Sumungaw
naman mula sa kusina ang nanay niya.
“Mag-ingat ka hijo”
“Opo Nay. Sige po” anito
at nagmano pa sa nanay niya na siyang ikinagulat ni Sassy. Pero mas nagulat
siya ng halikan siya nito sa pisngi. “Bye
Girlfriend… See you tomorrow”
Naiwan
nalang nakatulala si Sassy habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata.
Pagtingin
niya sa ina ay isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Naiiling na umakyat nalang si Sassy sa kwarto.
***
Chapter 8 <The Conflict>
Saktong
alas singko ng umaga ng dumating si Kai sa bahay nila. Hindi maintindihan ni
Sassy pero excited siya sa outing na iyon. Maybe because ngayon nalang ulit
siya makakapag-outing. Masyado kasi siyang stressed out sa trabaho. Nakalimutan
na niyang mag-enjoy para sa sarili niya.
Mas
lalong hindi maintindihan ni Sassy kung bakit sa tuwing makikita niya si Kai ay
parang mas lalo itong gumugwapo sa paningin niya. Kulang na nga talaga siguro
siya sa exposure sa male species.
Sasakyan
ni Kai ang ginamit nila papunta sa private resort ng pamilya ng mga ito. Nag
convoy nalang sila sa sasakyang ginagamit ng mga magulang nito at kapatid. Ayon
din kay Kai ay kasama nga si Stephi at ang bestfriend nitong Nigel ang
pangalan. Nacurious tuloy si Sassy sa bestfriend nito. Kapareho kaya ito ni Kai
na sira ulo at babaero?
Dahil
maaga pa ng umalis sila ay nakatulog si Sassy sa byahe. Marahang tapik sa
pisngi ang gumising sa kanya. Namulatan niya si Kai. Sobrang lapit ng mukha
nito sa kanya dahilan para mailang si Sassy at umayos ng upo.
“We’re here na”
inporma nito.
“Sabi ko sayo kuya Kai dapat hinalikan
mo nalang si Ate para magising eh” ani Shino. Nakatikim tuloy
ito ng kurot sa ina niya.
“Baka sapakin ako bigla ng ate mo eh”
tumatawang sabi ni Kai.
“Kadiri ka ate..tulo laway ka pa.
nakakahiya kay Kuya Kai. Baka naturn-off na yan sayo”
Bigla
namang nahiya si Sassy sa binata at naconcious na hinawakan ang pisngi. Tawa
naman ng tawa sina Shino at Kai. Halatang pinagtitripan lang lang siya ng mga
ito. Asar na hinampas naman niya sa braso si Kai bago lumabas ng sasakyan.
Maganda
ang private resort na pag-aari ng pamilya Montano. Bulag lang siguro ang hindi
mamamangha sa ganda ng lugar. Looks like sila ang huling dumating dahil mula sa
loob ng malaking bahay ay lumabas ang bestfriend ni Sassy na si Mae.
“Best!!!!!”
tili nito pagkakita sa kanya “Hi Tita…hi
Shino” bati nito sa mga magulang niya. “Tara
pasok na kayo sa loob….best roommates tayo ah” anito at umabrisyete sa
kanya. “ayoko kasama sa room si Stephi eh” bulong pa nito sa kanya.
Napailing
nalang si Sassy habang papasok ng bahay. Maganda din ang design nito. Halatang
pang mayaman ang dating.
Binati
ni Sassy ang mga magulang ng kaibigan at ipinakilala ang ina at kapatid.
Magiliw naman ang naging pagtanggap ng mga ito sa kanila.
***
Matapos
makapagligpit ng gamit ay nagyaya na ang kaibigan niya na lumabas sa beach.
Nakapangswimming attire na din ito. Isang two piece suimsuit pero conservative
ang dating ang isinuot ni Sassy. Pinatungan niya ito ng malong. Sa beach nalang
niya ito tatanggalin kapag maliligo na.
Mukhang
hindi lang pala silang magkaibigan ang excited na lumangoy dahil halos lahat ng
kasama nila ay nakapagpalit na din ng damit pampaligo. Uncounciously ay hinanap
ng mata ni Sassy si Kai pero hindi niya ito makita.
Nilapitan
nila ang kanilang mga ina na busy sa pagpeprepare ng pagkain.
“Oh..nandito na pala kayo. Nauna na sa
dagat sina Kai, Nigel at Stephi. Pati na din yung kapatid mo Sassy”
inporma ni Mrs. Montano.
“ahh ganun po ba? Salamat po”
“Sunod na din kami Mommy” ani
Mae at hinila siya papuntang dagat.
“Sayang wala tayong makikitang boys
dito” ani Mae sa kanya habang naglalakad sila patungo sa
beach.
“Daddy mo. Kuya mo. Bestfriend nito. Si
Shino” sagot ni Sassy dahilan para kurutin siya ni Mae.
“Hindi sila counted”
anito.
Hindi
nalang pinansin ni Sassy ang kaibigan at inaliw ang sarili sa panonood sa
paligid. Maya maya lang ay nakakita ng tuyong parte si Mae at inilapag doon ang
twalyang dala nito. Mula sa puwesto nila ay tanaw nila ang iba nilang kasama na
busy sa paglangoy. Napatanga nalang si Sassy ng Makita si Stephi. Mahihiya ang
boldstar sa suot nito na two piece bikini string. Halos wala na itong itatago
sa katawan. At pakiramdam ni Sassy ay nag-init ang mukha niya ng mapansin ang hinaharap
ng babae.
Kasing
laki yata ito ng pakwan.
Okay.
That’s an overstatement. Pero sadyang malaki ang hinaharap nito. Nakakainsecure. Naalala niya tuloy ang sinabi
ni Kai sa kanya.
“Hindi
ko type ang mga babaeng A cup”
Siraulo
talaga yun. Siguro enjoy na enjoy ito sa nakikitang hinaharap ni Stephi.
Kunwari pa ang loko na aayaw ayaw.
“Oy! Lapitan mo na yung jowa mong hilaw.
Baka papakin na yun dun ni Stephi” sita sa kanya ni Mae.
“Sus! Mukha namang gusto niya din eh.
Kita mo nga at panay ang tingin” nakairap na sabi ni Sassy.
Ewan niya pero parang naaasar siya sa kaalamang mas malaki ang hinaharap ni
Stephi kesa sa kanya.
“Nagseselos ka ganun???” pang-aasar
ni Mae.
“Of course not! Ako?? Nagseselos.
Nevah!” pagdedeny niya.
“Sige na nga. Sabi mo eh.”
Iniwas
nalang ni Sassy ang paningin kina Kai at Stephi at iginala ang paningin sa
paligid.
“Sino yung lalaking iyon?”
pag-iiba ni Sassy sa usapan sabay turo dun sa isang lalaking nag seselfie-mode
sa gilid.
“Ahhh… si Nigel bestfriend ni kuya since
birth. Laging magkasama yan.”
“Ahhh…”
tumatango-tangong sabi ni Sassy. “Gwapo
ah. At ang ganda ng katawan. May abs” aniya.
Tinampal
naman siya ni Mae sa noo.
“Hoy!!! Hindi ka pwedeng tumingin sa
iba. May boyfriend ka na. Seloso yan si kuya”
“Hay naku Mae tigil tigilan mo nga ako.
Asan ang boyfriend ko aber??? Ayun!!! Nakikipaglandian sa iba. Kahit ba
sabihing nagpapanggap lang kami hindi na nahiya sakin. Kaimbyerna siya ah”
“Hay naku…I smell love in the air.” Pang-aasar
ni Mae.
“Love mo mukha mo!” aniya
at inis na hinubad ang suot na malong para lumusong sa tubig. Baka sakaling
mawala ang init ng ulo niya.
Iniwan
niyang tatawa tawa si Mae habang gumagawa ng kastilyong buhangin.
***
Paglapit
palang nila Sassy ay natanaw na agad sila ni Kai. Kanina niya pa nga gustong
puntahan ang dalaga para yayaing maligo. Pero kakatukin niya na sana ito sa silid nito ng
bigla siyang harangin ni Stephi at yayain papunta sa beach. Sa pag-aakalang
gusto muna ni Sassy na magpahinga ay hinayaan nalang muna ito ni Kai at sumama
na kay Stephi. Ayaw naman niyang maging bastos sa dalaga.
Hindi
maintindihan ni Kai pero gustong gusto niyang nakikita si Sassy. Kahit nga nasa
opisina siya ay ang nakangiti at nang-aasar na mukha nito ang nakikita niya.
Gustong gusto niyang makipagkulitan sa dalaga.
Tatawagin
na sana niya
ito ng mapansin niya kung saan nakatingin ang dalaga. Sinundan niya ang
direksyong tinitignan ng mata nito at ganun nalang ang kabang naramdaman niya
ng Makita itong nakatingin kay Nigel.
Naalala
niya tuloy ang sinabi ng dalaga minsan.
“Feeling
ka talagang lalaki ka. Hindi rin kita type. Ang type ko yung mga lalaking
seryoso sa buhay if ever man…at mukhang hindi ikaw yun”
Si
Nigel ay isang magandang halimbawa ng lalaking seryoso sa buhay. Nagkagusto na
ba ang girlfriend niya sa bestfriend niya?
“Wow
ah!!! Makagirlfriend ka parang tunay” sabi ng kontrabidang
isip niya.
Nang
makita niyang tumayo na ang dalaga at hinubad ang suot nito na malong ay napatanga
nalang si Kai. Compared to Stephi ay conservative ang two-piece suimsuit ni
Sassy. Pero iba ang dating nito para kay Kaizer.
Sassy
is sexy enough to catch everyone’s attention. Specially HIS attention.
Nang
mapansin ni Kai na lumusong ng dagat ang dalaga ay agad niyang iniwanan si
Stephi para sundan ito. Mabilis siyang nakalangoy palapit kay Sassy at
nakapwesto sa likuran nito.
Ganun
nalang ang gulat ni Sassy ng bigla nalang may yumakap sa kanya mula sa likuran.
“Kai!!!” ani
Sassy nang malingunan ito.
“Hi Babes…”
“Babes mo mukha mo!”
asar na sabi nito at tinangkang kumawala sa pagkakayakap ni Kai pero sadyang
mas malakas si Kai kaya hindi siya pinakawalan nito.
“Hey! What’s wrong? You’re still my
girlfriend right?”
“Sana naisip mo yan bago ka
nakikipaglandian sa ibang babae”
“Hey!!! Are you jealous?” ani
Kai at mas lalong hingpitan ang pagkakayakap kay Sassy.
“Excuse me Mister Feelingero ah…hindi pa
naiimbento ang salitang selos sa bokabularyo ko”
“Weee??? Sige na nga sabi mo eh. Wag ka
na magselos kay Stephi. Mas sexy ka naman dun eh”
“Sexy ka dyan. Hindi ba yung mga ganung
klase ng babae ang type mo? Yung hindi A cup na tulad ko”
“Okay lang sakin ang A-cup..basta ba
ikaw yun eh”
Pakiramdam
ni Sassy ang pula pula na ng buong mukha niya. Kai was obviously flirting at
her. Pero imbes na mainis ay parang kinikilig pa siya.
Ang
weird lang.
“Sassy…”
tawag pansin sa kanya ni Kai. Hindi pa rin siya nito binibitiwan.
“Oh?” hindi na rin naman
siya pumapalag.
“Type mo ba si Nigel?”
“Nigel who?”
“Yung bestfriend ko”
“Hindi ko type yun. Hindi ko nga kilala
yun eh”
“Kapag ipinakilala kita kay Nigel
magpromise ka muna sakin”
“Promise na ano?”
“Na hindi mo siya magugustuhan”
“Kai??? Okay ka lang??”
“Basta magpromise ka. Ayokong mag-away
kami ng bestfriend ko eh”
“Bakit naman kayo mag-aaway dahil
sakin?”
“Basta. Magpromise ka”
parang batang pakiusap ni Kai sa kanya.
“Oo na. Promise na” sabi
nalang ni Sassy para matigil na ang binata.
“Thank you Girlfriend”
tuwang tuwang sabi ni Kai at hinalikan siya sa pa-smack sa labi bago siya
tuluyang pinakawalan.
Naiwan
namang tulala si Sassy habang hawak ang labing hinalikan ni Kai.
“Manyak talaga.”
***
Chapter
9 < The Realization>
After the outing with Kai’s
family, hindi na maalis sa isip ni Sassy ang binata. Ang mga pangungulit nito
sa kanya, pagpapapansin at kahit ang mga simpleng hirit nito. Sa sobrang
pag-iisip niya nga kay Kai ay ito na ang nagiging bidang lalaki sa mga kwentong
isinusulat niya. At syempre pa siya ang bida. Nakakatawa kasi hindi
maintindihan ni Sassy kung ano ba ang nangyayare sa kanya.
Kung droga lang siguro si Kai,
adik na siya dito. Hindi siya makatulog. Hindi rin siya makakain. Para siyang teen ager na nagkakacrush.
Okay. She admits. May crush
nga yata talaga siya kay Kai. Ang gwapo at macho naman kasi nito eh. Bulag lang
ang babaeng hindi magkakacrush dito.
Weeehh???
Akala ko ba sabi mo baliw lang ang babaeng magkakagusto kay Kai? Sabi
ng kontrabidang isip niya.
Crush
lang naman eh. As in paghanga. Sabi naman ng isang bahagi
ng isip niya.
Asar na ibinato nalang ni
Sassy ang hawak na notebook. Mabuti nga at notebook lang ang hawak niya eh…kasi
baka naibato niya din yung laptop niya. Mahal pa naman yun.
Pabagsak na nahiga si Sassy
sa kama . Pero parang nang-aasar talaga ang
tadhana dahil pagtingin niya sa kisame ay ang nakangiting mukha ni Kai ang
natanaw niya.
“Aaaarrrgggghhhhh!!!!
Grabe na ito ah. Hindi ko na carry!!!” asar na sabi ni Sassy at
ibinato ang unan sa kisame.
Minabuti nalang ni Sassy na
libangin ang sarili sa ibang bagay. Tinawagan niya ang pisang si Jhonah.
“Nasaan
ka?”
aniya pagsagot nito ng telepono.
“Sa
shop” sagot nito.
“Gimik
tayo”
“Hindi
pwede. Walang bantay sa tindahan namin. Nakaleave si Alaine eh”
“Ano
ba naman yan” reklamo ni Sassy.
“Wag
kang mag-inarte dyan ah. Pumunta ka nalang dito. Samahan mo ako magbantay para
may kausap naman ako”
“Sige.
Sunduin mo ako”
“Adik
ka? Hindi nga ako pwede umalis. Magjeep ka or taxi. Text ko nalang sayo
location nitong shop”
“Sige
sige”
Mas mabuti na siguro na
ma-distract sa ibang bagay ang isip niya.
***
Simple pero cute ang shop ng
pinsan niyang si Jhonah at kaibigan nitong si Alaine. Pakiramdam nga ni Sassy
eh napunta siya sa mundo ng mga lovers pagkakita sa tindahang iyon.
For couples kasi ang mga
nakadisplay sa store na iyon.
“Tell
me Couz, ano ba talaga itong binebenta niyo dito ng kaibigan mo?”
tanong niya sa pinsan.
“Well….as
you can see naman for couples ang theme namin dito. Meron kaming mugs, pillow,
keychains…at kung ano-ano pa…pero ang pinakamabenta samin eh yung mga couple
shirts namin. Personalized kasi yun eh. Parang iyang suot mo” anito
sabay turo sa damit na suot niya.
Napatingin naman si Sassy sa
suot na damit. Hindi niya namalayan na suot pala niya ang t-shirt na ibinigay
ni Mae. The same t-shirt na naging dahilan para maging “instant couple” sila ni
Kai. Pagkaalala sa binata ay napasimangot si Sassy.
“Hindi
naman sa inyo binili ito eh” nakasimangot na sabi niya. “Ang sabi ng bestfriend ko sabi daw ng
may-ari ng binilhan niya nito may magic daw ang damit na ito. Na kung sino ang
kapareho mong suot ang couple shirt na ito siya ang forever mong makakasama”
“Exactly..
And sorry to disappoint you my dear cousin pero sa amin binili ang t-shirt na
iyan. Actually.. ako nga ang personalized na nagdesign at gumawa ng statement
na iyan. I never thought na sayo mapupunta iyan. It perfectly suits you well…so
natagpuan mo na ba si Prince Charming” Tumatawang sabi ni Jhonah.
“Prince
Charming your face.. As if naman I believe sa mga ganyan diba? Kaya hindi ako
naniniwala na may magic itong paninda niyo dito”
Nakatikim siya ng batok mula
kay Jhonah.
“Ang
gaga mo talaga. Baka naman literal na magic ang hinahanap mo? Syempre wala
talaga nun noh. What I mean by Magic is…Love…because you know… Love is the
closest thing we have to magic. Iyan ang pinaniniwalaan namin ni Alaine ng
itayo namin itong shop na ito. Because many people believe in Love…willing to
do anything for love…Saka yung magic naman ng Love..depende sa tao. Kung di ka
naniniwala eh di wala din.”
“So
anong ibig mong sabihin? Kailangan kong maniwala that Love still exist?”
“Kung
walang Love sa mundo eh di puro patayan at gyera nalang ang meron. Saka…kung
hindi ka naniniwala sa Love…bakit nandito ka ngayon imbes na nagsusulat ka ng
mga kwento mo?”
“Bored
ako eh”
“Alam
mo ikaw na babae ka.. naturingan kang Romance writer pero di ka naniniwala sa
love? Paano ka nakakasulat ng lovestory kung walang Love?”
“Naniniwala
naman ako na love still exist to other persons..hindi nga lang sakin kasi wala
akong balak na ientertain siya”
“Eh
kaso mukhang naisahan ka ni Kupido. Kasi as what I can see…inlove ka na..ayaw
mo lang tanggapin”
“Manghuhula
ka na din ba ngayon?” nakataas ang kilay na tanong niya sa pinsan.
“Hindi.
Pero sa klase ng business namin marami na akong nakitang tao…at alam ko kung
kelan inlove ang isang tao o hindi”
“Asus!
Ang galing mong magsalita about love eh wala ka din namang lovelife eh”
“Hindi
ibig sabihin na wala akong lovelife eh wala akong mahal”
“Ibig
mong sabihin inlove ka?”
“Hindi
ako ang topic dito kundi ikaw. Wag mo ibahin ang usapan” pag-iiwas
ni Jhonah. Halatang may itinatago ang pinsan niya. Well…para saan ba at
malalaman din niya iyon.
“Couz….”
Tawag
niya habang nagtitingin tingin sa paligid ng shop.
“Oh?”
“Hindi
ako inlove”
“Okay.
Sabi mo eh.”
“Totoo
yun”
“Oo
na”
“Hindi
ka naniniwala?”
“Hindi”
“Ayokong
mahalin si Kai. Masasaktan lang ako” parang wala sa sariling sabi
ni Sassy.
“Eh
di inamin mo ding inlove ka”
“Wala
kaya akong inaamin!!!” biglang tanggi ni Sassy.
“Hay
naku bahala ka nga sa buhay mo. Hindi naman ako ang niloloko mo eh..kundi
sarili mo”
Hindi na nakasagot pa si
Sassy dahil may pumasok ng customer sa shop ng pinsan niya. Agad itong
inasikaso ng pinsan niya. Inabala muna ni Sassy ang sarili sa pagtingin tingin.
Pero sa bawat bagay na nakikita niya…si Kai ang naaalala niya.
“May
nagustuhan ka ba?” tanong ni Jhonah sa kanya. Mukhang nakaalis
na ang kausap nito.
“Wala
naman. Yung dalawang customers mo…magjowa ba yun?”
“Ahh
yun? Hindi. Magbestfriends yun. Pero parang more than just a bestfriends diba?”
“Yeah”
“Inlove
yung mga yun sa isat isa… hindi lang din sila aware”
tumatawang sabi ni Jhonah.
“Ewan
ko sayo. Ang dapat sayo naging manghuhula eh…sige na alis na nga ako wala akong
makuhang matinong sagot sayo”
“Pustahan
tayo Couz…sa susunod na balik mo dito..kasama mo na si Prince Charming mo. At
sasabihin mong totoo lahat ng sinabi ko”
“Pwes
maghanda ka na dahil matatalo ka sa pustahan” ani Sassy at lumabas
na ng shop.
***
Inis na inis na si Kai hindi
niya maintindihan pero sadyang walang pumapasok sa isip niya. Gusto niyang
Makita o makausap si Sassy pero mukhang pinagtataguan siya ng dalaga. Sa tuwing
tatawagan niya ang cellphone nito ay kung hindi nakaoff ay hindi naman
sinasagot. Nahihiya naman siyang puntahan sa bahay ang dalaga. Hindi tuloy siya
makapagtrabaho ng maayos.
“Ang
lalim yata ng iniisip mo” puna sa kanya ni Nigel. Ni hindi niya
napansin na nakapasok na pala ito sa loob ng opisina niya. “ May problema ka ba?”
“Mukha
ba akong may problema?” ganting tanong niya.
“Mukha
kang binasted” sagot ni Nigel at kumuha ng maiinom sa
personalized ref niya. “ So who’s the
unlucky girl? Si Sassy ba?”
“Sassy?”
“Yung
pretend girlfriend mo”
“I
know who is Sassy. But what about her? Paano siya napasok sa usapan?”
“Are
you inlove with her?” direktang tanong ni Nigel.
“In
love? Of course not. You know I don’t want to be inlove”
“Yeah.
You don’t want. But it doesn’t mean you can’t fall in love… Sometimes love
comes in unexpected ways.”
“Since
when did you become a love expert?” sarkastikong sabi niya.
“Since
you act like a fool in love just because of a girl”
“
A what???”
“Well…
kung hindi mo napapansin wala ka ng ibang bukambibig kundi si Sassy. Everytime
na nagkukwento ka laging nasisingit si Sassy sa usapan. Sassy love this… this
is Sassy’s favorite etc.. etc…kung hindi nga lang kita kaibigan eh matagal na
kitang itinakwil dahil puro ka nalang Sassy-Sassy.. natuturete na ang tenga ko…
pero dahil bestfriend kita eh pinagtyatyagaan kong pakinggan ang mga sinasabi
mo”
“I’m
not inlove with Sassy”
“Says
who? You? Did you ever ask yourself kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para
kay Sassy?”
Hindi agad nakaimik si Kai.
“Tanungin
mo ang sarili mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Sassy. If you
think na wala ka talagang nararamdaman para sa kanya…better end that pretend
relationship of yours….because Sassy seems to be a nice girl. But if ever you
realized that you feel something for her…then tell it to her. Hindi ganyang
para kang baliw na puro pangalan ni Sassy ang sinusulat sa papel. Para kang
highschool na ngayon lang nainlove” sermon ni Nigel at inilapit
sa mukha niya ang papel bago ito tuluyang lumabas ng opisina niya.
Hindi namalayan ni Kai na
unconsciously isinusulat pala niya ang pangalan ni Sassy hanggang sa mapuno niya
ang buong papel na iyon. He closed his eyes to think for a while.
Ano
ba talaga ang nararamdaman niya para kay Sassy?
***
Chapter
10 < The Conclusion>
Kagagaling lang ni Sassy sa
opisina nila upang magpasa ng nobela. Kahit wala siyang gana magsulat ay
pinilit niya dahil hindi siya pwedeng maghirap dahil lang sa pag-iisip kay Kai.
She really missed him. Hindi na ito nagparamdam ulit sa kanya matapos niyang
iignore lahat ng tawag at text nito.
Dahil blangko at utak ay
hindi niya napansin ang paghinto ng isang kotse sa harapan niya. Muntik pa nga
siyang mabangga nito. Kung hindi lang ito bumusina ay hindi siya matatauhan.
Mula sa driver seat ay
lumabas ang driver ng kotse. Nakahanda na sana ang pagtataray ni Sassy kung
hindi niya lang nakilala ang sakay nito.
“Kai…”
“My
God Sassy… magpapakamatay ka ba?” ganun nalang ang gulat niya
ng bigla siyang niyakap nito. “Nasaktan
ka ba? Anong masakit sayo? Dadalhin kita sa ospital”
“Kai….I’m
okay” sagot niya.
“Are
you sure?” inilayo siya nito sa katawan nito para tignan kung okay
lang ba talaga siya. Para pa ngang gustong magprotesta ni Sassy dahil mas gusto
niyang manatili sa mga bisig ng binata.
“Yeah.
I’m okay. Nabigla lang ako”
“Thank
God. Ang mabuti pa sumakay ka muna nakakaistorbo na tayo sa daan eh”
anito at inalalayan siya papasok sa loob ng kotse nito.
Sumunod na din si Sassy. God
knows how she missed this man. At ngayong may pagkakataon siyang makasama ito
ay hindi niya na iyon sasayangin pa.
“Saan
ka ba galing?” tanong ni Kai sa kanya.
“Sa
office. Nagpasa ako ng nobela…ikaw? Anong ginagawa mo dito?”
“Sinusundan
kita”
“Ha?”
“Yeah.
Mula nang umalis ka sa bahay niyo sinundan na kita hanggang dito”
“Pero
bakit?” nagtatakang tanong ni Sassy.
“Hindi
ko rin alam… pumunta ako sa bahay niyo kasi gusto kitang makausap kaso nawalan
naman ako ng lakas ng loob na magpakita sayo at magsalita. Kaya nung nakita
kitang paalis eh sinundan nalang kita”
“Ha?
Bakit mo naman ako gustong makausap? Kai itabi mo nga muna itong sasakyan” utos
niya sa binata. Agad naman siyang sinunod nito. Inihinto ni Kai ang sasakyan sa
tabi.
“Now
what?” tanong ni Kai.
‘Wag
mo akong ma-now what now what dyan. Bakit gusto mo akong makausap?”
“I
don’t know. Basta ang gusto ko lang eh makita ka”
“What???”
kanina
pa sumasakit ang ulo niya kay Kai.
“Sassy…
you know.. I’m not good at this… but I think I love you”
“You
think??”
“No….
I love you…. There… hindi naman pala mahirap sabihin” anito.
Pakiramdam ni Sassy para
siyang nakasakay sa roller coaster sa gulo ng utak niya.
“Teka
nga… tama ba ako nang dinig? Did you just tell me you love me?”
“Yeah.
I did”
“Sigurado
ka? Alam mo Kai if this is just one of your stupid jokes… hindi nakakatuwa”
“Did
you think na gagawin kong biro iyon? I never said that word to any woman..sayo
lang…tapos sasabihin mo lang na joke yun?” halatang nasaktan
ang binata.
“Then
what do you want me to do? Magtatalon sa tuwa dahil sinabihan mo ako na mahal
mo ako? Ikaw na mismo ang nagsabi sakin na hindi moa lam ang salitang love…
paano mo sasabihing mahal mo nga ako?”
“Hindi
ko alam. It just happened to me. Dumating nalang ako sa point na wala na akong
ibang naiisip kundi ikaw. Ikaw na lang ang laging hinahanap ko. Para akong
tanga na puro pangalan mo ang sinusulat ko. Then one time Nigel told me to ask
my self…to know what I really feel for you… then that’s the time that I
realized that all along.. I fell in love with you without me knowing it.”
Pakiramdam ni Sassy tutulo
na ang luha niya. She didn’t expect that Kai loves her. Parang ayaw niyang maniwala.
“Paano
ka naman nakakasiguro na mahal mo nga ako?”
“Because
I never felt this feeling to anyone. Ngayon lang. sayo lang. that’s why I know
that it’s you that I love.” Hinawakan ni Kai ang mukha niya upang
mapaharap siya rito. “ Sassy… I know
that this is so sudden. But please believe me…hindi ko sinasabi ito dahil gusto
kong pagtripan ka or makascore sayo…sinasabi ko ito kasi iyon ang nararamdaman
nito” anito at dinala ang kamay niya sa dibdib nito sa tapat ng puso.
Ramdam ni Sassy ang lakas ng
tibok ng puso ni Kai. Pakiramdam niya ay ganun din kalakas ang pintig ng puso
niya.
“I
know that youre not ready to fall inlove…pero hayaan mo sana akong mahalin ka” pakikiusap
ng binata. At hindi naman manhid si Sassy para hindi maapektuhan sa sinasabi
nito.
“Eh
sira ulo ka naman pala talaga eh… mahal din naman kita eh” naiiyak
na sabi niya.
Ganun nalang ang gulat na
rumehistro sa mukha ni Kai dahil sa sinabi niya.
“Mahal
mo rin ako?”
Tango ang isinagot ni Sassy.
Naghahalo na yata ang luha at sipon niya dahil sa pag-iyak.
“Mahal
din kita. Kung kalian nangyare hindi ko alam.. basta isang araw nagising na
lang din ako at narealized ko na mahal na pala kita. Ayoko lang tanggapin kasi
alam kong masasaktan lang ako dahil akala ko hindi mo ako kayang mahalin”
“I
will promise you that I will never ever hurt you Sassy” ani
Kai at pinunasan ang mga luha niya bago siya ginawaran ng halik sa mga labi.
Iyon na yata ang
pinakamasarap na halik na natikman ni Sassy sa buong buhay niya. At alam niya
na hindi doon magtatapos ang lahat.
“Ano
nga palang sasabihin ng parents mo kapag nalaman nilang nagpapanggap lang
tayo?” tanong niiya matapos ang halik na ibinigay sa kanya ni
Kai.
“Actually
they already know na pala na nagpapanggap lang tayo. Mae told them. Pero
hinayaan lang nila tayo na isipin na hindi nila alam because they love seeing
us together” nakangiting sabi ni Kai.
“Really?”
“Yup.
At sigurado mas matutuwa sila kapag nalaman nilang official na talaga tayo at
hindi nagpapanggap lang”
“Kai…
totoo ba talaga ito? Hindi ba ako nananaginip lang? baka paggising ko wala ka
na sa tabi ko” nag-aalalang tanong ni Sassy.
Bilang sagot sa tanong niya
ay isang marubdob na halik ang ibinigay sa kanya ni Kai. Halos kapwa sila habol
ng hininga matapos ang halik nito.
“Siguro
naman sapat ng ebidensya yan na totoo ang lahat ng ito. Kung kulang pa sabihin
mo lang” nakangiting sabi nito. Back the old flirt Kai.
Ginantihan naman ito ng
ngiti ni Sassy.
“Hmmm…parang
kulang pa eh. Isa pa nga”
Agad naman itong sinunod ni
Kai.
“Your
wish is my command”
***
“There comes a time that I
don’t believe in the existence of love simply because I don’t want to fall in
love…masyado akong busy sa maraming bagay para pagtuunan ng pansin ang
pag-ibig…until one person told me na kahit hindi ka maniwala at kahit ayaw mo
pa…darating ang panahon na maiisahan ka ni Kupido…because Cupid knows many
ways… sabi nga sa isang kanta… Love moves in mysterious ways… kahit na magtago
ka pa… mahuhuli at mahuhuli ka niya… Mas mabuti na rin siguro na magpahuli ka
na… kasi wala ka namang laban sa pana ni Kupido eh… saka kahit na matalo ka sa
taguan niyong dalawa ni Kupido…ikaw pa rin naman ang masaya…I also want to take
this opportunity to say thank you sa mga taong naging daan para makilala ko ang
taong inilaan para sa akin ni Kupido…kung hindi dahil sa inyo hindi ko
mararanasan ang maging masaya ng ganito…to my bestfriend...to my cousin…at sa
cute na cute na JL’s Boutique where you can find the magic of love…Maybe you’re
right…Love is the closest thing we have to magic…it’s all about believing that
magic still exist”
-Sassy
Matapos maipost sa blog niya
ay shinut-down na rin ni Sassy ang laptop computer niya. It’s been five months mula
ng maging official ang relasyon nila ni Kai pero ngayon lang niya naisingit ang
paggawa ng article sa blog niya. Masyado kasi siyang naging inspired magsulat
ng nobela.
Totoo pala talaga na kapag
inlove ka ay mas marami kang nagagawa at parang lahat ng bagay sa paligid mo ay
masaya.
“Hi
Babe… Nainip ka ba? Sorry ah ngayon lang kasi natapos yung meeting eh”
tanong ni Kai matapos siyang halikan sa labi.
“Hindi
naman. Nagsulat din kasi ako sa blog kaya hindi ko rin namalayan ang oras”
“Ahh
really? Mabuti naman kung ganun. So saan mo gustong kumain?”
tanong nito at inalalayan siya makasakay sa kotse.
“Hmmm
parang gusto ko ng pizza”
“Okay.
Pizza here we come” anito at binuhay ang makina ng sasakyan.
Pero bago nito tuluyang paandarin ay humarap muna ito sa kanya.
“Happy
Monthsary Babe” at mula sa backseat ng kotse ay isang
bouquet ng bulaklak ang iniabot sa kanya.
“Ahhh…
ang sweet naman. Thank you…” siya na ang kusang humalik
sa binata. “happy monthsary din…sorry
wala akong nabiling gift for you” apologized niya.
Ever since they been
together nakita niya kung gaano kasweet at mapagmahal na boyfriend si Kai kaya
naman hindi pinagsisihan ni Sassy na minahal niya ito.
“Okay
lang yun. Coming into my life and being my girlfriend is enough gift for me.”
“Ahhh…
kinikilig naman ako” nakangiting sabi ni Sassy.
“I
love you”
“And
I love you too”
Isa pang halik ang ibinigay
sa kanya ni Kai bago nito tuluyang paandarin ang sasakyan.
=Wakas=
No comments:
Post a Comment