Wednesday, January 17, 2024

Masarap Mag-travel PERO…

Date Written: January 17, 2024


 

“Traveling – it leaves you speechless, then turns you into a storyteller.” – Ibn Battuta

 

Yung nakakapunta ka sa iba’t ibang magagandang lugar, nakakarating sa mga tourist spots o local spots man na hindi mo pa napupuntahan, makakain ng mga pagkain na bago sa iyong panlasa, makisalamuha sa mga lokal o sa mga kapwa mo turista, makakita ng dagat, bundok, falls, mga isla, white sand beaches, lighthouses, historical places, mga ilog, hanging bridges, kagubatan, national highways, souvenir shops – THESE ARE THE BEST FEELING EVER!

Tapos kasama mo pa ang mga taong importante sa’yo pati na ang sarili mo – kung solo ka lang.

Ang sarap mag-travel!

Pero…

Kaakibat nito ang mga naiwang trabaho,

Ang mga bagay na ino-overthink mo,

Mga tao o alaga na naiwan sa bahay o minsan yung mismong bahay ang inaalala mo.

Ang balat na mangingitim,

Higit sa lahat:

Ang limited budget na meron ka,

At ang mga bayarin pagkatapos ng bakasyon,

 

Minsan pa nga may kasamang takot at pangamba lalo na kung mag-isa ka lang o may kasamang ibang tao na hindi mo masyadong kilala.

 

Pero bakit nga ba tayo naglalakbay?

Ano ba ang purpose nito sa buhay natin?

 

Para makapag-relax?

Iwas burn out sa trabaho?

Forda experience?

Forda fotos pang-upload?

 

Bakit nga ba?

Siguro kung ako ang tatanungin, I travel because I want to see the world on a more colorful, crazier, bigger and wider perspective.

Minsan kasi feeling main character tayo sa maliit nating mundo.

Pero kapag lumabas ka pala sa lungga mo, malalaman natin na may iba-iba tayong kwento mula sa iba’t ibang lugar.

Masarap makipagkwentuhan sa mga lokal.

Masarap din sa pakiramdam ang makakita ng mga magaganda at bagong tanawin tapos mapapaisip ka nalang na paano kaya ang tumira dito? Paano ang way of living nila na iba sa akin?

Iba ang normal nila sa normal ko.

Iyong tipong sa tuwing gigising ka sa umaga, paglabas mo ng bahay, dagat na ang makikita mo at hanggang sa bago ka matulog.

I travel because I want to experience the other way of life.

Na kahit isang beses sa isang taon man lang ay nararanasan ko ang gumising na iba ang routine at environment kaysa nakagawian.

This excites me to look forward on my travelling dates.

Nawawala ang boredom sa usual routine kasi alam mo na darating ang araw na magiging masaya ka ulit dahil sa mga bagong experience na mararanasan mo.

Planning, organizing and looking for affordable places to go excite me.

Masarap kaya mag-drowing at mas masarap kapag nakulayan ito!

 

One of my favorite seats are plane’s window seat – ka-face-to-face ang mga ulap.

Pati na rin ang mga bangka na patungo sa mga isla.

Masarap sa pakiramdam ang hangin ng dagat na sumasampal sa mukha mo.

There’s a calming peace feeling in there.

 

Sana palaging nag-ta-travel na lang noh?

Pero kasi kaakibat din noon ang malaking gastusin lalo na kung ordinaryong tao ka lang.

Pag-iipunan mo talaga nang malala. Kasama ang travel fund sa monthly expenses mo. Tipid-tipid for the word talaga lalo na pagkatapos ng traveling dates.

 

There’s also travel while working. Swerte mo kung privileged mo din ito, as in all access paid.

Pero siyempre ay may kaakibat din itong responsibilidad. Everything has payment and consequences.

 

Ano ba ang point ko sa sulating ito?

Wala naman.

Gusto ko lang sabihin na ang sarap mag-travel. Iyon lang talaga.

Kaya for me, as much as we can, we should travel kahit once a year lang.

Yes, maraming responsibilities ang isang adulting person. Alam ko ‘yon.

At marami din tayong bayarin.

Pero hindi lang tayo nabubuhay para sa bills.

Masarap lumaya kahit panandalian lang.

Para na rin sa pagtanda natin ay may ma-lo-look back tayo na magagandang experiences and we can be the best storyteller we could ever be!

Masarap makakita ng mga tanawing bago sa ating mga mata at maikwento iyon sa iba.

Kaya sana gawin natin ‘yon habang kaya pa, habang may oras pa.

 

Above all, we should be grateful if ever we experience travelling because it’s a kind of blessing that we more than deserve.

 

#TrashBin

#DiwaThoughts

#ToWanderAndWonder

No comments:

Post a Comment