Monday, May 25, 2020

Novel Series: Jane’s Mystic Resort

(Book 3 of The Adventure of Jane and Friends)
Date Written: Circa 2015

Yes, she was heartbroken.
But after three years ng mag-isang ‘pag-momongha’ at pagmumuni-muni, she has already moved on.
 Salamat sa resort na pinagkuhaan niya ng lakas at saya. She loves her resort so much that she would do anything and sacrifice every little thing she has for it. Dito nabuhay ang munti niyang pangarap na makahanap ng lugar na kailanman ay hindi niya katatakutan.
Her high school friends invited themselves para makita ang lunggang pinagtataguan niya at malugod naman niyang pinayagan ang mga ito na ma-invade ang ‘secret haven’ niya.
Perfect timing rin pala ang pagpunta ng barkada niya sa isla dahil sa panahong ito rin pala niya malalaman na katulad ng naging paghihiwalay nila Miguel, ay may tinatago ring hiwaga ang lugar na ibinigay sa kanya ng matandang tinulungan lang naman niyang tumawid ng kalsada.
Miguel plus Ken on this adventure equals awkward but not for her. Kasi nga daw naka-fast forward na siya.
As they unveiled the truth behind this paradise, matuklasan din kaya niya ang tunay na dahilan ni Miguel kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya noon?
On the other hand, eh ano naman kung malaman niya ang mga kasagutan? Ikakasal na si Miguel at siya  naman ay nakatakda na rin palang maging....



The Prologue

Medyo mahaba haba pa ang daan na tinatahak namin ngayon. Nasisinagan pa naman ng konting liwanag ang paligid although kanina pa wala sa eksena si Haring Araw. Panigurado maya maya lang ay magiging sobrang dilim na ng buong paligid kung kaya’t kailangan talaga naming magmadali dahil tiyak at literal na mangangapa kami sa dilim maya maya lang.
“Bilisan pa natin dahil padilim na,” sabi ko sa kasama ko na matamang nakasunod lamang sa akin.
"Naka-move on ka na?" out of nowhere na tanong sa akin ng halimaw na ito. Bakit ko nga ba siya tinawag na halimaw?
Wala naman, trip ko lang. Basta halimaw siya. Yun na yun.
Nang lingunin ko siya aba’t ang laki ng ngisi at parang nang-aasar at nanghuhuli kung mapapa 'hindi pa' niya ako sa tanong niya.
Saan nanggaling ang ‘Hindi Pa’ Jane?
I think I should stop over thinking. Spell ASA!
"Sira ulo ka. Matagal na noh," mataray ko namang sagot sa walang kwenta niyang tanong. "Masyado akong busy sa pagpapatakbo ng resort ko para maisip pa kita."
"Weh, hindi nga?"
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya habang nakapamaweywang, nakakunot ang noo at nakataas pa ang kaliwang kilaw. "Miguelito Ruiz, tigil tigilan mo ako diyan sa pang-aasar mo ha! Pag sinabi kong matagal na, meaning matagal na.”
“Eh ayokong maniwala eh. What can you do?” nasa tono pa rin niya ang pang-aasar?
All of a sudden habang naiistress kami sa paghahanap ng daan ay yun ang itatanong niya, hindi pa ba siya nababaliw?
Sige lang Miguel, simulan mo ako.
“Di pa siya nakaka-move on. Mahal pa niya ako,” aniya at tumawa pa nang malakas na parang baliw!
“Pag ikaw pinatulan ko, baka bigla kang bumalik sa akin at iwanan mo si Mirasol." Ngumiti pa ako ng fake pero agad din akong sumimangot. Alam mo yung ngiting sarcasm? Ganun!

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko pero agad din naman siyang nakabawi at ngumisi na naman, "Uy, mahal pa niya talaga ako..." Pang-aasar pa ng hudyo at ang sarap lang niyang kutusan. Tumingin siya mga kamay naming magkasalikop pa rin, “ayan ang ebedensiya oh, nakalatag sa harapan nating dalawa. Muli siyang tumawa ng malakas. He’s acting so weird. Nakakain ba ng masamang hangin ‘to? O baka nasaniban ng kung anumang elemento sa paligid.
"Mahal mahal ka diyan! Mahal na bigas! Leche lang talaga, Miguel. Ewan ko sa'yo. Mag-assume ka habambuhay." Inis ko siyang tinalikuran at mabilis na inihiwalay ang kamay ko sa kanya.
Nagtuloy na ako sa paglalakad papunta sa isang kweba. Kahit huwag na siyang bumuntot sa akin ay okay na okay lang. Of all our friends, kung bakit naman kasi siya pa ang nakasama ko!
Naramdaman kong parang wala ng nakasunod sa akin at tama nga ako ng hinala. “Ano? Tatanga ka nalang diyan?!” Inis kong tanong sa kanya. Hindi siya umabante sa paglalakad at parang nag sa-sight-seeing nalang siya ng likuran ko.
“Pero di nga? Mahal mo pa ako?”
“Isa pang tanong, makukutusan na talaga kita! Para kang tanga kung magsalita. Walang Mirasol sa buhay mo?”
Hindi siya nakasagot kapagkuwan ay naglakad na rin siya palapit sa akin.
"Te-teka lang, Jane!" hinawakan niya ang kamay ko dahilan para ako naman ang biglang matigilan. I mean, matigil ako sa paglalakad papasok ng kuweba. Kasi nga hinila niya ako.
Defensive si Ate. Shut up!
"Anu ba!" piksi ko. "Hindi mo ‘ko kailangang hawakan." agaw ko sa kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Ang dilim dilim diyan, sigurado ka bang papasukin natin yan? Wala pa tayong dalang flashlight. Hindi ka ba natatakot?"alanganing tanong niya.
Napangisi ako sa sinabi niya pero saglit lang. Anong akala niya sa akin? Consistent na matatakutin? Hah! Akala niya lang yun.
Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ko, "Hindi. Eh, ikaw? Nababading ka na?"
"Bading kaagad? Hindi ba pwedeng nag-aalala lang muna?" Umiiling pa niyang sabi. "Sige na, tara nang pasukin yan. Matapang ka pala eh. Tsaka iyo naman itong isla at kabisado mo na ang pasikot sikot dito." Sarkastiko niyang sabi. Nilampasan na niya ako at siya pa ang nanguna sa pagpasok namin sa madilim na lagusan na sa pagkakaalam ko ay ang short cut papunta sa kung saan nga ba?

Sheet of paper! Nakalimutan ko na...... Argh!



























Chapter 1 – The Speed Boat

Natatanaw ko na ang La Sireneta Resort. Trademark nito ang isang malaking white gazebo. Nakabilog rito ang limang malalaking statwa ng mga sirena na nakadikit sa limang magkakahiwalay at nakapalibot na poste na siyang nagsisilbing pundasyon ng gazebo.
Nang makalapit na ako sa gazebo ay inihinto ko na ang makina at inihulog ko na rin sa tubig dagat ang anchor ng kulay kahel kong speed boat.  This is a Waterwish QD25 Cabin Speed boat.  Kaya nitong magsakay ng 12 na katao and it can run up to 200 HP.
I parked it in front of the mini pier of the said resort. Paghagis ko ng lubid ay kinuha ito ng isang tauhan ng resort upang itali sa edge ng pathway at siyempre ay nag-thank you ako. Anyway, this resort is owned by a friend of mine kaya pwede akong dumaong dito anytime. Dito rin kasi ako naglalagi sa resort na ito kapag kailangan ko ng signal para maka-connect sa outside world.
I took a glance on my wrist watch and it says 4:30 p.m. Luminga linga ako sa paligid at wala pa sa eksena ang aking mga former high school classmates.  Dapat by 3:45 p.m. ay nandito na sila. Nasaan na ang mga yon? Hindi naman siguro na-delayed ang flight nila.
Since may signal na dito sa bayan ng Coron ay tinawagan ko ang magaling kong best friend, “Nasaan na kayo?” I jumped out of the boat at tumambay sa may pathway na gawa sa kahoy.  Isa’t kalahating taon na ako sa lugar na ito but this place never stop to amaze me. Sa magkabilaang gilid ng nilalakaran ko ay ang dagat na may napakalinaw na tubig at kitang kita ang mga kumpulan ng mga isda pati na rin jelly fishes. 
“Nasa puso mo lang kami, Bru! He-he.” Matinong sagot ni Liza sa tanong ko.
“Sige, magsiksikan kayo sa puso ko. Pag ako nainis, babalik ako ng resort na walang kasama.” Banta ko sa kanya. Sa kanila pala. Narinig ko ring nagsalita si Vangie at ang sabi ay wait lang daw.
“Hindi pwedeng bumili ng kasoy at ng kung anu anong mga anek muna bago kami dumerecho sa napakaliblib mong resort ha, Jane Dela Merced? Taray mo ah!” Kita niyo ‘tong babaeng ito, ako pa daw ang mataray eh samantalang siya itong nagtatatalak sa phone.  Hay, grabe lang.
I held out a not so deep sigh, “Bilisan niyo na diyan. Maraming kasoy sa resort.”
“Bumibili pa din kami ng signal!”
Napangisi nalang ako sa huli niyang sinabi. Abnormal pa rin talaga.“Ewan ko sa’yo, Luzviminda! Bilisan niyo na.”
Makaliblib naman itong si Liza. Hindi naman ganun ka-liblib ang resort ko noh. Pagtapak mo palang ng Apo Island, andun na yun sa bungad pa lang. At yun ang pinakamagandang resort sa isla na yon! Pinakamaganda siya kasi nag-iisa lang naman yon doon.  He-he.
Habang naghihintay sa kanila ay hinayaan ko na lamang muna ang sarili ko na tumanaw sa malawak na karagatan. Living here for the past one and a half years makes me feel so special and realized that life is truly an amazing thing. Sa sobrang kagandahan ng lugar, pakiramdam ko ay ganun na rin ako kaganda.  I went here feeling so devastated, wasted and so ugly. But as time goes by na nananatili ako sa lugar na ito, everything goes wonderful and beyond beautiful. My life here has been so peaceful also. Malayo sa stress na nakagawian ko na sa Maynila and of course this place is far enough for the heartbreak that I have been through. Okay, so much for the drama. Mga kaibigan kong walang magawa sa buhay at naisipang dalawin ako dito, magpakita na kayo please bago pa ako tuluyang bumalik sa lungga ko nang walang mga kasamang bwisita.
Hindi nagtagal ay isang morenang bruha ang sumisigaw habang palapit sa akin. “Bruuuuuuuu!!!...” Ayan na siya at sinalubong ako ng yakap at magkabilaang halik sa pisngi. “Finally, makikita na rin namin ang pinaglulunggaan mo for the past two years.” Nangingiting tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Maitim pa rin talaga siya at mas matangkad pa rin ako sa kanya. Ha-ha. Pero nagpahaba siya ng buhok ngayon at nagpakulot pa. Pareho pa kami ng kulay ng buhok ngayon  na Reddish Brown. Magkaibigan nga kami. Rumaraket na rin pala siya ngayon bilang model. Model-modelan. Ha-ha.
“Correction Bru, one and a half.” Pagtatama ko sa sinabi niya.
“Ganun din yun pag ni-round off. Tseh. Tara na.” Lumakad na si LIza papunta sa tapat ng isang malaking kulay blue na motor boat. “Ito yung sasakyan natin?” Turo niya sa bangkang iyon.
Isa ang bangkang itinuro ni Liza na ginagamit ng resort para sa mga guests na nag-aavail ng island tour packages.
“Hindi yan, gaga. Pag yan ang sinakyan natin, aabutin tayo ng dilim sa dagat. Ayun!” Nginuso ko ang orange speed boat ko.
“Woah. Speed boat na may cabin. Big time na talaga ni Bruha. Sana ginawa mo ng yate, nahiya ka pa sa amin,” Nauna na siyang sumakay.
Naiiling nalang ako sa sinabi niya. Actually may yate rin talaga ako. Pero mas mabilis kasi ito kaya ito ang ginamit ko na pangsundo sa kanila kasi nga speed boat. Nyahahahaha! 
Since pangdalawahang tao lang ang pathway ay nakapila ang mga kaibigan ko at isa-isa nila akong binati.
“Mars, I miss you!” Nagyakapan kami ni Mary. “Grabe ang ganda dito sa Coron! Kaya siguro dito mo naisipang maglungga noh? Finally nakarating na rin ako ng Palawan. Since high school pa lang tayo ay gusto ko nang makarating dito. Buti nalang talaga nabigo ka sa pag-ibig at dito mo napagpasyahang mag move on.” Lumingon siya sa likod, “Oh, wala ng hard feelings ah. Bawal ang ampalaya dito.” Nangingiti nalang ako sa mga pinagsasabi ni Mary. Madaldal pa rin pala siya.
“Mamay, yung bibig mo.” Sita ni Marlon sa asawa. 
“Miss you too, Mars!” Nakangiti kong bati na lamang kay Mary. Yun nalang ang nasabi ko sa haba ng sinabi niya. She never changed. Sobrang daldal pa rin despite of her being petite.  
May buhat na baby si Marlon na sa tantiya ko ay nasa two years old na yata, “Ito na si Baby Michael? Ang laki laki na niya. Ang cute cute pa!” Hindi ko napigilang kurutin ang mamula mula nitong pisngi. “Hello there, Baby?” Nginitian naman ako ng bata. Ang cute talaga! Same pa rin ang mga trabaho nila Mary at Marlon as tutor/teacher.
Tinapik ko sa balikat si Michael na kasunod ni Mary at siya ring may dala ng mga gamit nilang pamilya. Yung totoo, katulong ba ito o asawa? “Welcome aboard Daddy Marlon!” Halos magka-height lang sila ni Mary at mag-sing payat din. Para nga lang silang magkapatid eh.
Tumango naman ito at ngumiti. “Salamat.” Kinuha ni Mary si Baby Michael kay Marlon at sumakay na rin sila ng speed boat.
“Dahan-dahan.” Paalala ko sa mag-asawa. Medyo maalon kasi at nahirapan si Mary sa pagsampa sa bangka. Inabot na ni Liza si Baby Michael mula kay Mary. May silbi naman pala kahit papaano ang best friend ko.
“Nurse Vangie, na-miss kita!” Hinalikan ko si Vangie sa pisngi. Siya din ay ganun pa din ang itsura. Maputi at medyo hindi rin katangkaran na mapayat. Akala ko sa loob ng isa’t kalahating taon na hindi ko sila nakita ay may magbabago na sa mga itsura nila. Ganun pa din pala. Ha-ha. 
“Ako din Jane, na-miss kita. Kwentuhan tayo mamaya. Girls’ talk,” Sabay kindat pa niya sa akin na sinagot ko ng tango.
“Halow Martin! Long time no see! So ano? Kayo na ba ang susunod na ikakasal?” tanong ko kay Martin na nasa likod naman ni Vangie. Boyfriend niya ito at kauuwi lang nito galing abroad.  Sa barkada ay ito ang mala-Hunks ang built ng katawan. Halatang batak sa gym at may itsura din naman. “Pwede nyong rentahan ang buong isla sa akin.” Birong totoo ko sa kanila.
“Wala pang budget, Jane. Ipon-ipon pa muna. Tsaka na kami. Paunahan natin ang matanda.” Lumingon ito sa lalaking kasunod niya at halatang ito ang pinariringgan.
Who is none other than Miguel. Ganun pa rin siya. Deep brown eyes, perfect shaped nose at  medyo maputi. Those were his assets…well for me.
Parang may dumaan na anghel. Natahimik bigla ang paligid na pati ang malakas na hangin sa tabing dagat ay tila nawala rin. I felt a little awkward but I managed to smile. 
“Ewan ko sa’yo, Dads. Sumakay na tayo,” Basag ni Vangie sa namuong katahimikan at hinila na niya si Martin pasakay ng speed boat.
“Hi!” Bati ko sa kanya.
“Hi!” Bati din niya sa akin.
“Buti nakasama kayo?” Tanong ko kay Miguel at pagkasabi ko ng word na ‘kayo’ ay tinignan ko rin ang ka-holding hands niyang babae whom I have known as Mirasol na kapatid ni Martin. Alam ko rin na ikakasal na sila. At matagal ko nang tanggap iyon. No more hard feelings anymore. I promise. So sino ba ang kino-convince ko dito ngayon? Syempre ang sarili ko.
“Hi!” Bati ko rin kay Mirasol. Tipid naman niya akong nginitian. Ganun pa rin siya tulad ng dati. The first time I saw her ay nung despidida ni Martin two years ago bago ito bumalik ng Dubai. Napaka Maria Clara type, too good to be true at halos di makabasag pinggan. Maputi rin siya tulad ni Vangie, maliit at makinis ang mukha, shoulder level ang itim niyang buhok at chinita.
“Sayang ang opportunity. First time namin dito eh. Salamat pala sa pag-imbita.” Sagot ni Miguel in a serious tone pero nakangiti.
I shrugged my shoulders. “No big deal. Thanks din for coming.” Patuloy lang din ako sa malawak na pag-ngiti. It’s the right way to entertain your guests, right? “Sakay na kayo.” Rule number one yun sa customer service na natutunan ko. Smile even though you don’t feel to smile at all.
Hinalikan ko si Rich sa pisngi. “Na-miss kitang bakla ka!” Sabi ko sa kanya while hugging her err him pala.
Kasunod niya ay ang boyfriend slash neighbor niya na si Alex. Mas matangkad si Alex kay Rich at mas malaki rin ang built ng katawan nito.
Lately lang nagladlad ng kapa si Rich at ipinagsigawan sa buong mundo na berde ang dugo niya. Nakilala niya si Alex over a year ago sa bago niyang nilipatang bahay. Actually, medyo nagulat kami pero parang na-sense na din namin na paminta pala itong si Rich kasi nga never pa itong nagka-girlfriend kahit pa na may itsura din ito. At ang dahilan nga ay lalaki rin pala ang gusto niya.
 Tinanguan ko lang si Alex at sumakay na din sila ng speed boat. Kasunod nito ay si Ruth.
“Kamusta na Bansot? Anyway, mamaya na tayo mag-chikahan dahil malayo pa ang lalakbayin natin. Na-miss kita, sobra!” Sabi ko sa kanya habang yakap siya. Kauuwi lang din kasi nito galing abroad. Ruth is chubby at medyo singkit din. Kagaya ko ay hindi rin siya kaputian (mabuhay ang kayumangging kaligatan!) pero hindi din naman ganun kaitim gaya ng sa bestfriend ko na si Liza. He-he.
“Ha-ha. Oo, marami ka ring dapat i-kwento sa akin.” Sagot niya bago sumakay.
“Uy, hi Ken!” Bati ko sa pinakahuling tao na nasa pila.
“Hello.”  Hinalikan niya ako sa pisngi. “Tagal mong nagtago ah.”
“Kelangan eh.” Nakangiti pa rin ako habang kausap siya.

Hindi naman masyadong awkward ang get together naming ito noh? Dalawang ex ko lang naman ang makakasama ko. Pero wala na sa akin yun. Naka-move on na ako. May ibang bagay na ako na pinaglalaanan ng buo kong atensyon ngayon at yun nga ay ang resort ko.
Ang Jane’s Mystical Resort.
Muli na naman akong napangiti nang maisip ang munti kong paraiso. There I found peace and joy. At excited na akong bumalik uli doon ngayon.
Ang pinakahuling sumakay ng speedboat ay sino pa nga ba kundi ako. “Ready na kayo?” tanong ko sa mga kasama ko.
“Kanina pa ‘te. Naiinip na nga ako eh.” Sagot ng mahadera kong best friend.
“Una-una ka tapos magrereklamo ka,” Inirapan ko pa siya bago ko ini-start ang makina ng speed boat. Tinanggal ko na ang tali na nasa pathway then I pulled up the anchor and Ken helped me kahit pa na kaya ko naman yun. Kinuha ko rin ang mahabang stick na nasa sahig ng speedboat na siyang ginagamit ko para maitulak ang bangka papalayo sa pathway. 
“Ikaw ang mag-da-drive Jane? Seryoso?” Ani Vangie with wide eyes pa. Tinanguan ko naman siya.
“Oy, mahal pa namin mga buhay namin ah. Ayusin mo mag-drive.” Sabi naman ni Richard na naka-holding hands pa with his jowa. Siya na talaga ang may lovelife at hindi ako naiinggit. Besides, I’m traumatized. Ha-ha, joke lang.
“Wala kayong choice, ako talaga ang driver niyo ngayon.” Pina-abante ko na si Orangey. Pangalan nga pala yan ng speed boat ko. “Let’s go! Mahirap abutan ng dilim sa dagat.”
“Ilang oras ba papunta dun? Malayo ba yun?” tanong ni Mary.
“Kung ordinary na motor boat ang gagamitin natin, aabutin ng two hours. Pero with Orangey, mga 45 minutes depende pa yun sa speed tsaka sa lakas ng alon,” sagot ko.
“Ikaw na ang bangkera, Jane dela Merced.” Biro ni Ruth.
“IKR! (I know right)” nakangiti kong sagot sa kanya.
--------------------------------------------------------- 

“Aahh!” tili ni Liza.
Pati si Vangie, Mary at Ruth ay napasigaw din. Medyo malalaki kasi ang alon at medyo mahangin rin kaya malakas ang impact nito sa speed boat na may kasama pang konting splash ng water na nakakabasa sa kanila. Wahehe.
“Dahan-dahan naman Jane!” Sita ni Ruth sa akin. “Basa na kaya kami.”
“Okay lang yan.” Tumatawa kong sagot sa kanya.
“Grabe, daig pa natin ang nasa Rio Grande ng E.K.(Enchanted Kingdom). Huu!” Ani Martin sabay punas ng mukha.
“Yung Log Jump kamo!” Vangie.
“Uy Jane, dahan dahan naman sa pagda-drive.” Sita rin ni Mary sa akin.
“Pag binagalan ko, baka abutin tayo ng dilim tsaka mas lalaki pa ang alon maya-maya lang.” Sagot ko naman sa kanya. “Nag-eenjoy nga si baby Michael oh!”  Tawa ng tawa si Baby Michael kapag nababasa siya ng tubig dagat.
“Adik sa tubig ‘to eh.” Ani Marlon.
Ang position pala namin sa bangka ay ganito:
Nasa likuran ko sina Liza, Mary, Marlon na buhat si Baby Michael, Ruth at Ken na magkakatabing nakaupo sa may bandang pwet ni Orangey.
Nasa unahan ko naman sina Rich, Alex, Miguel, Mirasol, Vangie at Martin na nasa bandang nguso nakaupo.
Ako naman ay sa gitna ng speed boat nakatayo since nandito rin ang controller. May upuan na nakalaan para sa akin pero mas gusto ko ang nakatayo. Nasanay na ako eh. Sa ilalim ng upuan na ito ay ang daan din papunta sa cabin o lower deck na may tulugan which is good for two. Meron din itong Air-con, CR, TV, mini table at mini ref.
Mabagal pa nga ang speed ko na 70 kph. Kasi medyo mabigat kami at baka bumigay ang motor. So sa tantiya ko ay baka abutin kami ng isang oras bago makarating sa isla.

I knew it. Ayan na ang malalaking alon kasabay ng malakas na hangin.
Ini-angat ng isang malaking alon ang speed boat ng I think mga two meters and then splash!
 Malakas rin ang naging pagbagsak muli ng speed boat pabalik sa dagat. Mas lumakas rin ang naging tili ng mga kaibigan kong babae. Pati yung mga kasama naming lalaki ay napasigaw rin.
At natatawa lang ako sa kanila. I enjoyed laughing at them. It was so priceless to see their super shocked faces habang mahigpit na nakahawak sa mga bagay na pwedeng pagkapitan dito sa loob ni Orangey.
Peace tayo mga friends. Okay lang yan dahil hindi niyo ikamamatay yan. Ha-ha-ha!




Chapter 2 – The Resort
After thirty minutes and on this part of the sea ay naging medyo kalmado na ang tubig.
“Grabe lang talaga! Buti buhay pa tayo. Bad driver! Kung traffic enforcer lang ako ay kanina pa kita tiniketan, Merced!” atungal ni Liza.
“Oo nga. Hoy Jane. Kung may galit ka pa kay Miguel, huwag mo naman kaming idamay. Kasi naman Bez eh. Talon ka na kaya!” Ani Vangie naman at tumingin pa kay Miguel.
Gusto ko sanang tignan ng masama si Vangie pero di bale nalang. Instead ay ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagda-drive.
I stopped the engine somewhere in the middle of the sea na may mga neighboring islands. Medyo malapit kami sa isang malaking isla na may matayog na bundok. Walang buhangin o seashore ang isla na ito at puro malalaking tipak ng bato lang ang pwede mong tapakan para makarating ka sa isla.
“Jane, bakit tayo tumigil? Wala ng gas? Magtutulak este magsasagwan na ba kami?” tanong ni Mary.
“Nasaan na ang resort mo? Dito na ba yun somewhere?” tanong naman ni Ruth. “Paano tayo dadaong?”
“Nope. Hindi pa dito yun. Hininto ko talaga. May gusto lang akong ipakita sa inyo.” As I told them these things ay dumungaw ako sa gilid ng speed boat at itinuon ang paningin sa ilalim ng tubig, “ Guys, tingin kayo sa ilalim ng dagat,” I demanded them.
At nagsidungawan na rin sila.
“Woah.” Napatakip pa ng bibig si Ruth.
“Wow, Dads. Tignan mo oh. Grabe.” Ani Vangie.
“Oo Mams. Nakikita ko, hindi ako bulag.” Tumatawang biro ni Martin sa girlfriend.
“Uhm!” Nakatikim tuloy siya ng batok mula kay Vangie.
“Super amazing.” Bulalas naman ni Marlon, “Can you see that Baby Michael? That’s a big wrecked boat.”
“Daday, that’s a ship.” Kontra naman ni Mary sa sinabi ng asawa.
“That’s a big wrecked whatever, Baby.” Si Marlon ulit.
Natatawa nalang ako sa mag-asawang ito.
“Ang ganda!” Ang tahimik na si Mirasol ay napagsalita dahil sa nakikita nila.
“Mas maganda ka, Hon.” Banat naman ni Miguel habang naka-akbay sa kanyang fiancé.
“Boom banat!” bara naman ni Rich kay Miguel.
“Nakaka-goosebumps naman ‘to.” Komento naman ni Liza. “Mababaw lang ba yan?”
Alam kong matutuwa sila sa nakita nila kaya sinadya kong dumaan at huminto muna dito.
“That’s a sunken Japanese vessel.” Sa sobrang linaw ng tubig ay hindi na namin kinailangang mag dive para lang makita ang isang lumubog na barko noong kasagsagan ng World War II. “Nope, Liz. Nasa 20 feet na ang lalim niyan but as you can see the water is so clear kaya mula rito sa boat ay nakikita pa rin natin ang lumubog na barko.”
 Oh, ‘di ba. Nag-ala tour guide na ako. The first time I saw this, which was almost two years ago ay sobrang na-amaze talaga ako. Lalo na nung nag-scuba diving ako dito at nahawakan ko mismo ang barkong iyan.
“Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit kasali ang Palawan sa top 10 world’s best diving spot.” Proud ko pang imporma sa kanila.
“Ang galing!” Vangie.
“Don’t tell us, sideline mo na rin ang pagiging tour guide Jane?” ani Ken sa akin.
“Well, paminsan minsan, sumasama ako sa mga guests.” Sagot ko naman sa kanya at napatingin na naman ako sa suot kong wrist watch, “Let’s go na. From here, twenty minutes nalang ay nasa resort na tayo.”
We passed through several big and small islands bago namin tuluyang marating ang Apo Island kung nasaan nakatayo ang resort ko.
“That’s the Apo Island,” Turo ko sa malaking isla na nilalapitan namin. Among nearby islands ay ito lang ang bukod tanging isla na may fine and white sand on its shoreline.
 “Welcome to Jane’s Mystical Resort,” sabi ko sa kanila as I stopped the engine of my speed boat on front of the seashore of the Apo Island. I also dropped the anchor at mula rito ay tanaw na nila ang arko na may malaking signage ng resort.
“Bakit may ‘Mystical’?” tanong ni Liza. “Sana naman walang mga kung ano ano dito tulad nung sa lugar nila Rich.” Kinakabahang sabi pa niya.
Natawa naman daw ako sa kapraningan ng best friend ko. “Wala noh! Pangalan lang yan. I’ve been living here for a not so long time ago but considered long already at wala pa naman akong na-eexperience na kung anu-ano so far.
“Ay, ayoko na ng ganun.” Singit naman ni Mary. “Please lang, huwag ngayon. Kasama pa naman si Baby Michael. Wala naman sigurong ‘Lola’ dito noh?”
Napangiwi ako, “Actually dati merong ‘Lola’ dito. Kaya lang namatay na siya.” Malungkot kong sabi sa kanila.
“Ano? May fairy din dito?!” React naman ni Rich. “Baka kamag-anak ni Lola ko yun ah.”
“Shit! Ayoko na. Uwian na ‘to.” Vangie.
“Ano yun? Sinong Lola? Anong fairy? Bakit uwian na? Teka ang gulo naman!” Nagugulumihanang sabat ni Ruth.
Ikinabit ko ang detachable na metal stair sa may gilid ng nguso ng speed boat at nauna na akong bumaba, “Huwag nga kayong praning! Ang tinutukoy kong Lola ay si Lola Mystica. Hindi siya fairy. Tao siya. Okay? Siya yung dating may-ari ng resort na ito pati na rin ng buong Apo Island.” 
“Bakit siya namatay?” tanong ni Ruth at siya ring sumunod sa akin na bumaba ng speed boat.
“Cancer.”
“Dito rin siya nakalibing?” Liza.
“Nope. Pina-cremate siya ng relatives niya at inilagak sa isang Chinese mausoleum sa Manila.” Base yon sa pagkakaalam ko.
  “Sigurado ka Jane ha. Walang mga lamang lupa dito. Quota na tayo dun sa lugar nila Rich.” Kinuha ko si Baby Michael mula kay Mary at kasunod niyang bumaba ang asawa.
“Wala nga. Ano ka ba? Hindi ko naman kayo papupuntahin  kung may mga ganun man dito.”
“Naninigurado lang naman.”
“Ha-ha. Huwag kasing pairalin ang ka-praningan. Wala tayo sa Tarlac. Sige na tuloy na kayo sa loob.” Muli kong binigay si Baby Michael sa mag-asawa.
“Hindi rin ako maka-relate dun sa mga pinag-uusapan niyo kanina.” Sabi naman ni Ken pagkababa niya.
“Wala lang yun. Mga praning lang yan. He-he.” Sagot ko sa kanya. Kasunod niyang bumaba ay si Ruth. Then sila Rich, Alex, Mirasol at panghuli ay si Miguel.
“Nice. Big time ka na talaga. Pati buong isla sa’yo na din ba?” tanong niya.
“Yupp. Kasama sa kasunduan yan.”
“Donya Jane, ikaw na talaga ang big time.”
“Haha, thanks to you!”
“Thanks sa akin?” Kunot noo niyang tanong.
“Oo, thanks to you. Kasi kung hindi tayo nag-break noon, hindi ako mapapadpad dito at hindi magiging akin ang resort na yan.”
“Yun pala ang naging advantage nun sa’yo.” Nangingiti niyang komento.
I shrugged my shoulders, “Sort of.”
“Uy, Mirasol. Friends nalang kami ah. Wala ng bitterness yun. Pasensya ka na.” defensive kong sabi sa tahimik na nakikinig sa usapan namin.
As usual, nginitian niya lang ako. Yung totoo, ilang words lang ba talaga ang kaya niyang bigkasin?

Sa gitna ng arc kung saan nakasulat ang malaking pangalan ng resort ay may four meter pathway na puno ng mga puting bato at seashells. Ang lugar na tutumbukin ng pathway na ito ay ang club house. Dito usually kumakain ang mga guests nang buffet style.  Meron ding billiard pools dito.
As we walk on the pathway, on its left side ay makikita ang isang malaking infinity pool at meron ding mga open cottages. Sa right side naman ay naroon ang mga cottages na may tulugan which we call as Bahay Kubo A- to Z. Maraming puno sa paligid kaya naman nagkalat rin ang mga hammocks o duyan na pinagdugtong ng dalawang magkatapat na mga puno.
There’s also a play ground na pwedeng paglaruan ng mga bata malapit sa infinity pool.
Lahat kami ay dumerecho sa club house.
“Ang laki ng resort!” bulalas ni Liza. “Donyang donya lang talaga ang peg mo, Jane Dela Merced.”
“Maliit lang kaya ito kumpara sa Montemayor Resort in Naglacan Palawan, yung most expensive resort.”
“Eh kamusta naman ang presyo ng resort na yun? 20 million pesos in one week,” Singit ni Ken.
“Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Nakita ko lang sa internet.” Sabi niya.
“Actually, yung resort na ito, 1/8 lang ang sakop niya sa buong isla. Pwede tayong mag-hiking if you want. May falls din dito sa loob ng gubat.”
“Sana naman yung falls na yan, walang mga taong lumot na lumilipad ha,” alanganing sabi ni Vangie.
“Sira! Wala noh? Wag nga kayong paranoid. Walang kahit anong creepy creatures dito. Nag camping na akong mag-isa malapit sa falls at wala namang nangyari sa akin.”
“Uy, bago yun ah! Mag-isa ka lang talaga? Hindi ka na takot?” Parang gulat na gulat si Rich.
“Oo. Mag-isa lang ako. Overnight nga lang. Kasi kinabukasan kailangan kong bumalik dito sa resort para asikasuhin ang mga bisita.”
Luminga linga sa paligid si Ruth. “Speaking of bisita, bakit parang walang ibang tao dito ngayon Jane?”
“Off-season kasi. At isa pa, sinadya kong huwag muna tumanggap ng bisita for this week. Para exclusive lang muna sa atin ang buong lugar. Malakas kayo sa akin eh.” Sagot ko sa kanila.
“Wala ka bang mga staffs? Bakit parang tayo lang talaga ang tao dito?” si Vangie naman ang nagtanong.
“Meron naman kaya lang nagpa-day off. Nasa downtown sila ngayon at sa makalawa pa ang balik. Sinamantala na nila ang araw na pinasara ko itong resort para sa inyo. The whole year kasi ay dito lang sila naglalagi since umaalis alis din ako.” Paliwanag ko.
“San ka pumupunta?”
“Sa bayan. Para makasagap ng signal at makapag-internet for the online reservations. Walang spot dito. Unless aakyatin niyo yung bundok.” Turo ko sa bundok na nasa likod ng club house.
“Para tayong nag time travel sa lumang panahon ah. Yung walang sense ang mga gadgets. Exciting!” ani Ruth ulit.
“Pero may kuryente naman ba dito?” tanong ni Liza.
“Yupp and it’s through generator set. Mag-freshen up muna kayo sa mga cottages. You can use the Bahay Kubo A-E. Bahala na kayo kung saan niyo gusto. Self service dito ngayon since wala lahat ng tauhan ko.”
“Yun lang.” reklamo ni Rich. “Kala ko mag-bu-buhay reyna na ako dito eh. Wala palang mga utusan.”
“Huwag kang assuming, bakla ka.” Bara ni Liz sa kanya. “Reynang bakla.”
Ang lakas ng tawa ni Ruth. Madali lang kasi mapatawa ang bansot na ‘to.
“At least ako may boyfriend na kasama. Hindi tulad mo, nga-nga!” Bawi ni Rich at nag hand gesture pa. (Parang kumakain ng kanin na naka-kamay).
“Eh kung sinama ko yung Negrong yun dito, edi lahat tayo binulutong na!” Ang tinutukoy ni Liza ay ang boyfriend na si Junie.
“Hahahah!” ang lakas ng tawa ng barkada.
Gosh, I miss this.
 “Ang puti mo Ateng. Maka-negro ka naman diyan,” tumatawa ko pa ring sabi kay Liza. “Pero mahal na mahal mo naman.”
“Oo nga.” Second the motion ni Mary.
“Whaevah. Nanlalagkit na ako. Makaligo na nga lang muna.” Nag-martsa na si Liza papunta sa isa sa mga cottages. “Ruth, sama tayo sa isang room. Tayo lang walang partner dito.”
“Sayang, akala ko si Ken ang kasama ko  sa kuwarto eh. Hihihi.” Sabi pa ni Ruth habang nakasunod kay Liza. Oo nga pala, crush ni Ruth si Ken nung high school kami. Magpahanggang ngayon pa rin yata. Ewan ko lang.
“Huwag kang malandi diyan, Bansot.” Bara ni Liza sa kanya.
Ang isang cottage kasi ay good for 2-3 persons kaya bahala na sila kung saan nila gustong mag-stay.
Nag kanya kanya na rin silang pasok sa mga kuwarto na gusto nila. Ako naman ay sa kusina ng resort ang punta.
“Uy, gusto ka daw kasama ni Ruth sa kuwarto. Pagbigyan mo na,”pang-aasar ko kay Ken.
Naiiling na napapangiti naman siya, “Saan ka papunta?” tanong niya sa akin.
“Sa kusina, magluluto. Wala yung kusinera ko eh.”
“Tulungan na kita.”
“Ano ka ba, huwag na. Maligo ka nalang muna. For sure, nanlalagkit ka din.”
“Eh bakit ikaw?”
“Sanay na ako.”
“Sanay na din ako at mas magaling akong magluto kaysa sa’yo kaya tara na sa kitchen.”
“Ang yabang talaga.”
“Hindi ako mayabang Jane, nagsasabi lang ng totoo.”
“Oh, edi ikaw na!” Natatawa ko nalang na sabi sa kanya. Siya na, siya na talaga ang chef!
At sabay na nga kaming nagtungo sa kusina.

-------------------------------------------

Busy ako sa pag-aarange ng mga luto nang lobster sa isang bandehado at pati na rin pala sa pag-iisip. Na okay lang naman ito ‘di ba? Okay lang na makasama ko ulit ang barkada. Para na rin malaman nila na okay na ako. That I’ve moved on and still moving forward. Iba na si Jane ngayon. She’s not the girl who has been so madly deeply in love with Migz before. Masaya na siya ngayon at saksi ang resort  na ito doon.
“Okay ka lang ba?”out of nowhere na tanong ni Ken sa akin at siya ring nagpatigil sa paglulunoy lunoy ko sa isip.
“Huh? Oo naman. Okay lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay?” kunot ang noo kong sagot at tanong sa kanya.
“I mean towards Migz. Hindi ba awkward para sa’yo? Tapos kasama niya pa si Mira.” He’s looking at me intently as if bawal akong magsinungaling.
Hindi ko tuloy naiwasan ang taasan siya ng kilay ngunit nakangiti pa rin naman ako habang kausap siya. “Wow naman, Ken. Bakit tayo ba? May nararamdaman ka bang awkwardness?”
“Iba naman yung sa atin, Jane.”
“Pareho lang yun noh. Pareho ko kayong ex-boyfriend at parehong wala na sa akin yun.” Kampante kong sagot sa kanya. Tinitigan niya ako ng matagal at medyo nailang ako sa paraan ng pagtitig niya, “Oh, bakit ganyan ka makatingin? Baka ma-in-love ka na naman sa akin niyan,” biro ko sa kanya.
“Sira.” Binawi na niya ang matagal na pagtitig sa akin at itinuon na ang mga mata niya sa nilulutong sinigang na baboy. “Nag-aalala lang naman ako para sa’yo. Baka mamaya niyan, self-torture na pala ang nararamdaman mo.”
Napatigil ako sa ginagawa kong pagsalansan ng mga lobster. Pero saglit lang at hindi ko pinahalata iyon kay Ken, “Ewan ko sa’yo Mark Ken Tapit. Ang lawak ng imagination mo. Pag sinabi kong naka-move on na ako, okay na okay na talaga ako. Salamat ng malaki sa resort na ito dahil lahat ng sakit ay naibaon ko na sa ilalim ng dagat.”
Marahan siyang napatawa. “Ang lalim ng pinagbaunan. Sigurado ka diyan sa sinasabi mo ah.”
“Oo naman yes. Mamatay na nagsisinungaling.” Biro ko. “Salamat pala sa concern.”
“Patay kaagad? Hindi pwedeng ma-ospital muna?” may tiyanak na nagsasalita mula sa pintuan ng kusina at kahit hindi ako lumingon ay sigurado akong si Mary ‘yon.
“Anong ginagawa niyo dito?” Ani Ken na lumingon na sa kanila pati na rin pala ako. Ang mga nasa pinto ay sina Mary, Marlon, Liza, Ruth at Vangie.
“Nanonood nang nag-mo-moment,” abnormal na sagot ng best friend ko.
“Umaamoy nang ka-sweetan,” sagot naman ni Marlon sa tanong ko, “Di ba baby Michael noh?”
  “Sus, mga patay gutom lang kayo eh.” Biglang dumating si Rich kasama ang boyfriend na si Alex.
“Mga baliw! Magsibalik na nga kayong lahat sa clubhouse. Alam ko naman na gutom na kayo. Eto na, magsi-serve na mga Ma’am at Sir.” Pagtataboy ko sa kanilang lahat.
“Magaling! Pakibilisan!” Nag-abrisyete pa si Rich at nauna nang lumabas ng kusina kasunod si Alex. Ngali-ngaling ihagis ko sa baklang ‘yon ang hawak kong bandehado. Kaso huwag nalang pala. Sayang ang lobster.
“Tulungan na namin kayo.” Prisinta ng biglang sumingit na si Miguel. Kinuha niya ang bandehadong hawak ko.  Nagulat naman daw ako at medyo nagitla nang maramdaman ko ang mga kamay niya. Pero syempre hindi ko ipinahalata iyon.
Kinuha naman nila Liza at Vangie ang mga platong gagamitin and the rest ay sila sila na rin ang naglabas ng mga kakailanganin para sa kainan na ‘yon.

“Mukhang masarap mag night swimming sa infinity pool mamaya. Dun tayo later!” Suggestion ni Rich.
“Ay bet ko yan! Tapos may alak? Go!” pagsang-ayon naman ni Liza.
“Oo, tapos truth or dare tayo. Masaya yun!” dagdag suggestion pa ni  Vangie.
“Mamay, parang may naalala ako.” Pasaring ni Marlon. “Deja vu?”
“Ako din Daday, may naaalala din ako, tapos aakyat tayo sa tuktok ng bundok.” Ani Mary. “Tapos, tapos…”
Naiiling nalang ako sa mga pinagsasabi nila dahil gets ko ‘yon.
“Hay naku, Ken, Alex, Martin, Mira, hindi na naman tayo maka-relate sa kanila.” Ani Ruth at nag-roll eyes pa.










Chapter 3 – The Infinity Pool
After dinner ay dumerecho na silang lahat sa may pool area. Mga naka-ready to swim na kasi sila. Pero ako ay pumunta muna sa room ko para makapagbihis nang pang-langoy.
Paglapit ko sa pool area ay nagkakasiyahan na sila. Ang lahat ay nakalublob na sa malawak na infinity pool. Ultimo si Baby Michael na buhat-buhat ni Marlon ay nag-eenjoy rin at masayang pumipisik-pisik sa tubig. Nilalaro siya nila Ruth at Liza. Habang ang mga ‘lovers’ ay may kanya kanyang pwesto. Si Ken naman ay parang may sariling mundo na mataman lang na nakatingin sa iba naming mga kabarkada pero pag may humihirit ng mga jokes ay nakikitawa naman siya. Tamang madama mo lang ang presence niya. Tama lang din ang init ng tubig para sa malamig na gabi kagaya ngayon. Masasaya nilang mga boses ang tanging pumupuno sa buong isla. Well, maliban sa mga kuliglig at mga tuko sa paligid.
Syempre papahuli ba ako? Para saan pa’t ako ang may-ari ng buong isla na ito kung hindi ako makikisawsaw. Kagagawa lamang ng pool na ito. Noong itinurn-over sa akin ang resort, naging problema ko ang mga guests na nagrereklamo kapag low tide at gusto daw nilang mag-swimming. Alam kong hindi ko na kasalanan yun dahil by nature ang pagtaas at pagbaba ng tubig dagat. Pero para hindi madismaya ang mga guests ko na wala sa hulog ay naisipan ko na lamang na magpagawa ng infinity pool na ilang hakbang lamang ang layo mula sa dagat o sea shore. 5-7 feet ang lalim nito at 20 feet naman ang haba nito. Pa-number 8 ang shape niya kaya nga tinawag na infinity pool. He-he. Hindi man ako naniniwala ako sa salitang forever o infinity ay ipagkaloob na natin ang prebelehiyong iyon para sa pool na ito. Sa tuwing walang guest na gumagamit nito ay tsaka lamang ako nagsi-swimming dito. Mas gusto ko kasing nasosolo ito dahil pakiramdam ko ay hawak ko ang buong mundo sa pamamagitan ng paglalangoy mag-isa. Weird, right? Wala eh, ganyan talaga ang nagagawa ng pagiging broken hearted. Pero okay na okay na ako ngayon. Kaya nga eto at sasabay na ako sa pagsi-swimming sa mga kaibigan ko.
“Wuhow. Magbigay pugay sa Diyosa ng Isla,” ani Liza at tinignan pa talaga ako mula ulo hanggang paa nung akmang tinatanggal ko na ang bath robe ko.
“Palakpakan!” sabay palakpak naman ni Ruth na sinundan pa siya nila Martin, Vangie, Mary, Rich at pati ni Liza.
Aish! Mga baliw. Para namang ngayon lang sila nakakita ng naka two piece.
“Yebah!” sabi naman ni Marlon at ginaya rin siya ni Baby Michael. Tawanan ang barkada.
“Woah, FHM!” Komento naman ni baklang Rich.
“Mga sira! FHM kaagad? Bigla naman daw tuloy akong nahiya senyo.” Naiiling kong sabi sa kanila at lumublob na ako sa pool.
Simula kasi ng matira ako dito sa Palawan ay nasanay na akong mag-two piece kapag nagsi-swimming. Ano bang masama sa suot kong pink polda dots na bikini? O hindi lang talaga sila sanay na makita akong naka ganito.
“Oh, shot mo!”  Inabutan ako ni Rich ng isang shot glass na may laman na tequila paglapit ko sa kanya. Nasa may bandang gutter lang siya dahil siya ang tanggero. Inabutan din niya ako ng asin at isang slice ng lemon. Tinungga ko naman yun then sumipsip ng lemon na may asin. Straight heads up! Sarap! Humahagod sa lalamunan ang init na hatid ng alak.
“Wuhh, lakas!” nagulat talaga ako at nag-react siya. Promise!
 Si Miguel lang naman ang nagsabi niyan.
“Okay na ba yung gastritis mo?” Dagdag tanong pa niya at mas ito ang hindi ko inasahan. Tanda pa pala niya ang pesteng sakit ng tiyan ko.
Pero syempre hindi ko pinahalata na nagulat ako, “Yupp!” tumango pa ako pagkasagot ko sa tanong niya, nag thumbs up at ngumiti pa ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na minsan ay inaatake pa rin ako. Pero minsan nalang talaga, promise!
“Uy, concern….” Side comment naman  ng intrimitida kong best friend.
Parang may dumaan na anghel dahil natahimik ang lahat. Nakaka-awkward naman kasi. Naku ka, Liza. Ang sarap mong sabunutan. Mamaya ka sa akin.
Dineadma ko ang mahadera kong kaibigan dahil baka humaba lang ang usapan at nakakahiya naman kay Mirasol kung mapagtampulan na naman kami ng asaran ni Miguel…tulad noon sa bundok nila Rich.
Hey, stop reminiscing Jane! Napailing nalang ako sa isip.
“Mirasol, wala lang yun ah. Ganun lang talaga kami ‘magmahalan’ na magkakaibigan dito.” Basag ni Rich sa namuong katahimikan, Talagang binigyang diin pa niya yung word na ‘magmahalan’. Isa pang abnormal. Tsk!
Na-ngi-ngiting tumango lang si Mirasol at inihilig ang ulo sa dibdib ni Miguel. Hinawakan naman ni Miguel ang ulo ni Mirasol at hinalikan pa ito sa noo.
Oh, edi kayo na ang sweet.  (Sounds like bitter, eh?)
Gusto ko ng tusukin ang mata ko dahil kita ko pa rin sila on my peripheral version. Pati ang dibdib ni Miguel na nakalitaw sa ibabaw ng tubig ay nahahagip pa rin ng mga mata kong may sarili yatang utak. Parang mas lumaki yata ang mga muscles niya sa katawan.
 Muli akong napailing mentally, ‘Tama na ang pagnanasa, Jane!’  Sinita ko na ang sarili ko at itinuon na lamang sa iba ang paningin.
May iba-iba ng topic ulit ang barkada.
Nahagip ng tingin ko ang nangingiting si Ken. Kumunot ang noo ko dahil mabilis siyang lumingon sa gawing kanan at parang gulat na gulat pa siya. Mukhang walang nakapansin kay Ken dahil abala pa rin sa pagdadaldalan at tawanan ang iba pa naming mga kaibigan. Napatingin din tuloy ako bigla sa direksyon ng tinitignan niya. Nakakapagtaka lang dahil yung parte ng isla na tinitignan ni Ken ay madilim. Doon na kasi ang papunta sa magubat na area ng Isla at doon din nagsisimula ang trail paakyat ng bundok. Hindi ko na pinalagyan ng ilaw sa banda roon dahil pinapatakbo lamang ng gen set ang kuryente sa buong isla. Hindi kakayanin ng budget kung buong isla sa gabi ay maliwanag. Tanging yung mga lugar lamang na importante ang pinalagyan ko ng ilaw.
 Ngayong gabi, dito muna sa infinity pool ang sinindihan ko ng ilaw at pinatay ko muna ang sa club house at sa mga labas ng cottages since wala namang ibang tao na nandito ngayon kundi kami kami lang.
Ganun talaga ang negosyante, kailangang magkuripot. 
Lumangoy si Ken papunta sa akin at may binulong, “Jane, sigurado ka bang walang ibang tao dito maliban sa ating magbabarkada?” tanong niya.
Tumango ako, “Uhm. Tayo lang talaga ang nandito. Kung meron mang ibang tao ay makikita o maririnig naman natin” Imporma ko sa kanya.
“Eh yung sa likod ng isla? Paano mo malalaman kung may nakapasok na dito mula doon?”
“May electric circuit sa likod. If ever na may nangahas na pumasok ay mag-iingay yun and at the same time ay ma-ga-ground sila. Pero ever since, wala pa namang ibang tao ang nan-tresspass dito. Mababait ang mga tao dito sa Palawan. At isa pa, maririnig pa rin natin ang mga motor ng bangka kung meron mang palapit dito. As of now, wala naman akong naririnig.” Paliwanag ko sa kanya.
“Ahh. Ganun ba?” Aniya na tila nag-iisip pa siya ng malalim.
“Bakit Ken? May problema ba?”
“Wa-wala naman. Para kasing may nakita akong dumaan sa gilid ng mata ko eh. Pero siguro guni guni ko lang yon since sabi mo nga ay wala namang ibang tao dito maliban sa atin.”
Napaisip ako sa sinabi ni Ken. Wala talaga akong idea na may ibang makakapasok dito sa isla nang hindi namin maririnig. Malabong mangyari yon eh. Sobrang labo.
“Huy!” Untag niya sa akin. “Huwag mo ng isipin yon baka dala lang ng alak yun.” Sabi pa niya at sinundan pa ng marahan na pagtawa. “Lasing na yata ako. Hindi ako sanay sa hard drinks. Wala bang beer?”
“Gusto mo? Kukuha kita.”
“Haha. Huwag na. Joke lang. Okay lang ako.”
“Hindi nga? Kukuha talaga ako.”
“Joke nga lang. Huwag na. Ano ka ba at baka mas dumami pa ang mga makita ko? Hahaha!”
He’s acting really weird. “Sige, ikaw ang bahala.” Nasabi ko nalang.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong kurutin sa ilong ko. Napapikit pa ako.
“Ay, moment ulit? Kanina pa yan sa kusina ah.” Ani Vangie.
 “Nakakaselos naman yan. Parang wala na yata akong chance.” Paghihinampo ni Ruth pero nasa tono pa rin naman niya ang pagbibiro.
“Moment your face, Vang.” Sagot ko kay Vangie at inirapan pa siya. “Ruth, waley. Huwag mo ng i-push ang selos mo.” Tugon ko naman kay Ruth.
Maya-maya lang ay umahon na sina Mary at Marlon dahil hindi raw pwedeng magtagal sa tubig si Baby Michael. Matapos magpaalam ay dumerecho na sila sa Cottage B.
“Huwag niyo munang susundan si Baby Michael ah! Mahirap na ang buhay ngayon!” biro pa ni Richard sa mag-asawa.
“Bakla ka! Marunong kaming mag-family planning. Mahal ang gatas,” natatawang sagot ni Mary sa kanya.
Tuloy ang kwentuhan at asaran ng barkada. Pero maya-maya lang din ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Pesteng gastro-enteritis ‘to at ngayon pa yata niya balak umatake.  “Ahm, guys, una na ako senyo ha,” paalam ko sa kanila dahil kailangan ko na itong ihiga nang nakapilipit para mawala ang sakit.
“Oh bakit? Lasing ka na?” tanong ni Liza.
“Nope. I just have to take my meds.” Sagot ko naman sa kanya.
“Sira ka! Hindi ka tatalaban ng gamot ngayon, nakainom ka eh. Sumasakit tiyan mo?” sabi naman ni Vangie.
Tinanguan ko siya habang nakangiti.
“Yan kasi, alak pa!” komento naman ni Miguel na hindi ko nagustuhan dahil mababakas sa tono niya ang paninisi.
“Shut-up! Wala kang pakelam.” Sagot ko sa kanya and at the same time, flashing my sarcastic smile.
“I have to go first. Suit yourself. Enjoy lang kayo dito. Pag may kailangan kayo, katukin niyo lang ako sa room ko.” Sabi ko sa iba.
“Okay ka lang ba, Jane?” nag-aalalang tanong sa akin ni Ken.
“Magsisinungaling ako pag sinabi kong oo.”
“Hatid na kita sa room mo.” Prisinta niya.
At mariin naman akong tumanggi. “No. You don’t have to. Enjoy lang kayo. I can manage myself. Don’t worry. Sanay na akong nag-iisa.” Parang natauhan ako sa huli kong sinabi? Is it necessary to say it pa? Gosh! Tinamaan na yata ako ng alak. “I mean in times like this, I already know what to do.” Bawi ko nalang at sincere siyang nginitian.
Umahon na ako sa pool at sinuot na ang robe ko. “Good night guys, see you tomorrow. Hiking tayo bukas!” Paalam ko sa kanila at dumerecho na nga ako sa kuwarto ko.
 Pagdating ko sa kuwarto ay nag-shower muna ako.
“Okay na okay ka na Jane. Okay na okay ka na.” Kausap ko ang aking sarili sa harap ng full size mirror habang pinapatuyo ang buhok.  Bearable pa naman yung sakit ng tiyan ko ngayon at siguro nga ay tama si Vangie na kung iinuman ko ito ngayon ng gamot ay wala ring bisa since nakainom nga ako. Kailangan ko lang sigurong mag fetal position sa pagtulog para medyo maibsan ang sakit.
Before I close my eyes ay umusal muna ako ng munting panalangin.
“Good night world, good night Lola. Sana patuloy mo lang po akong gabayan. Thanks to you at naibsan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko noon.” Muli akong naluha nang maalala ko si Lola Mystica. She’s the greatest blessing na natanggap ko all my life. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanya. Ngayon ngang wala na siya ay medyo masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya pero lagi niyang sinasabi sa akin noon na hindi ako pwedeng maging malungkot. Wala daw akong karapatan maging malungkot dahil nasa akin daw ang lahat ng karapatan para maging masaya.
As I closed my eyes ay parang may malamig na hangin na dumapo sa bandang noo ko. Hindi ko na ito pinansin dahil iginupo na ako ng antok.
I was running and he is holding my hand so tight! No, we were running together! What the f! Bakit nandito sa panaginip ko si Miguel? Yeah, alam kong nananaginip ako sa mga sandaling ito dahil blurred ang paligid. Ang malinaw lang ay ang mga bulto namin ni Miguel. Why are we running? Anong meron?
Pakiramdam ko rin ay lumulutang sa ere ang katawan kong mahimbing na natutulog kasabay ng walang tigil na pagtakbo namin ni Miguel. Ramdam kong nakaangat ang katawan ko sa kama.
 What the f is happening to me? Half of my mind ay nagsasabing nananaginip ako at tumatakbo nga kasama si Miguel but then the other half is saying na tulog ako at nakalutang nga sa ere ang katawan ko.
 Bigla bigla ay naramdaman ko na lamang na muli akong bumagsak sa kama. But I chose to still shut my eyes na waring inaanalyze ko pa kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.
Am I dreaming while I am floating in the air? Paano kong nalaman ang mga bagay na yon? Is it because of my subconscious mind? Wala na rin ang sakit ng tyan na nararamdaman ko bago ako makatulog. I heard my room’s door opened pero parang wala akong sapat na lakas para bumangon kaya’t pinagpatuloy ko nalang ang pakikiramdam.
The door got closed again. The next thing I knew ay may isang malaking katawan na ang nakayakap sa akin.
My heart beats fast at parang ito ang nagbigay sa akin ng lakas. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ng kung sinuman na Pontio Pilatong ito at sinipa siya paalis ng kama ko.
Blag!
Dali dali akong tumayo para buksan ang switch ng ilaw at huwag na kayong magtaka kung bakit ako nagulat pagkakita sa lapastangan na pumasok ng kuwarto ko, “Sheet! Migz?! What are you doing here?!” Inis kong bulyaw pagkalapit ko sa kanya.
Nakasalampak pa rin siya sa de-tiles na sahig at tila may iniindang sakit. “Ahhhh. Aray…” Aniya habang hawak hawak ang left arm and leg niya.
Napangiwi ako dahil mukhang malakas yata ang pagkakasipa ko at hindi naging maganda ang pagkakabagsak niya sa sahig. Tinulungan ko siyang tumayo at maka-upo sa kama. Amoy ko ang matapang na alak sa hininga niya. Nalasing yata siya dahil sobrang pula ng mga pisngi niya at parang hindi niya na kayang buhatin ang sarili niya. “Sige, alak pa.” panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
“Tss….”
“Bakit nandito ka sa kuwarto ko?” wish ko lang ay may makuha akong sagot sa kanya. Sa lagay niyang ito ngayon, malabo.
“Hikaw, baket ka hik- nandito? Kuwarto namin ni.. burp.. Mirasol dito hah!”
“Abnormal. Sa room A kayo!” singhal ko sa kanya.
“Baket?” medyo napalakas ang boses niya. Lasing na nga talaga siya. Hahaha! Ang sarap niyang picturan.
“Room  A naman hito hah! Hito kaya yung yung una!”
Ay, tanga. Wala na, tinamaan na nga talaga ang magaling. Bago kasi ang room A ay ang kuwarto ko muna. 
“Ewan ko sa’yo. Tara na, ihahatid na kita sa kuwarto niyo.” Sinubukan ko siyang tulungang tumayo pero wala eh…. Ang bigat niya masyado!
“Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz……..” narinig ko nalang na humihilik na siya habang nakaupo.
Hay naku. Lumabas nalang ako ng kuwarto ko at dun nalang ako kina Liza tatabi.
Natanaw ko sa pool si Ken. Nakahiga siya sa isang bench doon. Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siyang maglakad papunta sa kuwarto niya which is Room C. Medyo mabigat din itong si Ken pero nakokontrol pa naman niya yung katawan niya kaya medyo hindi ako nahihirapan.
“Iinom-inom hindi naman pala kaya. Gagawin kang fried chicken ng mga lamok dun sa pool area.” Sabi ko sa kanya habang patungo kami sa kuwarto niya.
“Ang dami ko talagang nakita kanina. Mga lima sila. Tatlong babae, dalawang lalaki.” Kinilabutan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
“Siguro kanina ka pa may amats dahil kung anu-ano na ang nakikita mo. Hahahha!” Pagdating namin sa kuwarto niya ay nagpaalam na ako. “Good night Ken. Sleep well.” Sabi ko at dumerecho na ako sa kuwarto nila Liza at Ruth.
Naiiling nalang ako. Hindi na sila nakapag-lock marahil ay dahil sa kalasingan. Kunsabagay ay wala namang problema dun dahil kami kami lang naman ang nandito. Ako nga din pala ay nakalimutang mag-lock kaya napasok tuloy ako ng masamang ‘bangungot’.
‘Bangungot talaga Jane? Bitter na bitter lang ang peg kay Miguel ah.’
Haha, hindi naman masayado konsensya. Tseh!
Tulog na tulog na ang dalawang hitad pero ginising ko pa rin sila. “Liz, Ruth, uy!”
“Uhhmmmm…” Ungot nila pareho.
“Tatabi ako sa inyo ha. May asungot kasi na nanloob ng kuwarto ko. Tatanga tanga namin kasi ako at nakalimutan ko mag-lock.” Sabi ko at siniksik ko ang sarili ko sa gitna nila.
Paminsan minsan ay natatakot pa rin naman ako. Pero secret lang natin yun ah. Ha-ha. Walang ibang pwedeng makaalam na medyo natakot ako sa napaniginipan ko kanina at dahil dun sa sinabi ni Ken.
Ako na si Jane na matapang ngayon. Good night.












Chapter 4 – The Mountain

Good morning world.

Time Check: 6:30 a.m.

Nagising ako na nakayakap na sa akin na parang tuko si Liza. Hindi ko naiwasan ang mapangiti. It’s been more than two years mula nang magtabi kami sa pagtulog ng bruha kong best friend.
Si Ruth naman ay nakatalikod sa akin. Sanay talaga siyang matulog ng nakatagilid. Since high school kami ay ganyan na siya matulog. Some old habits really die hard.
I didn’t bother to wake them up dahil alam ko naman na may mga amats pa ang mga ito. Nauna na akong bumangon dahil magluluto pa ako ng para sa breakfast namin. Bukas pa ang balik ng mga staff ko kaya bukas nalang ako babawi ng pahinga. And besides, masaya naman akong i-host ang mga kaibigan ko nang mag-isa. Para lang akong may hands-on VIP clients na madalas ko na rin namang ginagawa.
Bago ako dumerecho sa kusina ay dumaan muna ako sa pool area para sana linisin ang mga kalat doon and to my surprise ay nandoon na si Miguel at siya na ang kasalukuyang nagliligpit ng mga kalat.
Naramdaman niya yata ang papalapit ko kaya tumigil siya saglit at binati ako ng, “Good morning.” He smiled wildly as if everything between us was just so fine. Yeah right, so fine it is. Masaya na nga siguro talaga siya ngayon and I have nothing to do anymore but just to be happy also for both of us. He has just found the right girl for him so congrats. Yung babaeng hindi siya iiwan at pakakasalan siya. Cheers for them.
Hindi ko pinahalata na nagulat ako pagkakita sa kanya. Tinanguan ko siya at bahagya lang ding ngumiti,“ Morning. Oh, ang aga mo naman.” Tinulungan ko na din siya maglinis at sinimulan nang mamulot ng mga nagkalat na wrappers ng tsitsirya.
“Nagtaka ako eh kung bakit wala akong katabi. Yun pala ibang kuwarto ang napasok ko. Pasensya ka na. San ka natulog?” Aniya at ipinagpatuloy na rin niya ang paglilinis.
“Kina Liza,” maikli kong sagot at hindi iniisip ang sinasabi niya. Ano nga bang masama kung magtabi na sila ni Mira sa isang kuwarto? After all, ikakasal na rin naman sila.
Wow, Jane. Hindi mo nga iniisip yon. Hindi talaga, promise. Napailing ako sa mga isiping pumasok sa utak ko. Mukhang kulang pa yata ako sa tulog.

“Sorry ulit ha. Napasubo ako kay Ken eh. Sa pagkakatanda ko kaming dalawa ang huling natira dito. Inubos namin yung mga natirang alak. Masyado kasing naging masinsinan ang usapan namin at kinailangan ng maraming alak para doon,” Natigil kami pareho sa mga ginagawa naming paglilinis at pagliligpit at nagtinginan.
Oh heart, shut up beating so fast! Abnormal ka. Nagpapalpitate ka ba? Kelangan mo ng medic? Tara sa bayan ng Culion, magpapa-hospital tayo.
Ako ang unang nagbawi ng tingin at muling itinuon ang pansin sa mga kalat na nalikom na namin sa isang malaking plastik. “May pinagdadaanan ba kayo ni Ken?” natatawang biro ko sa kaniya. “Lakas niyo uminom ah. Inabot na kayo ng alas- dos. Tapos ngayon ang aga mo pang nagising.”

Pagak siyang tumawa bago muling nagsalit.  Sheez, I miss that laugh.

“Wala naman. Na-miss lang namin masyado ang isa’t isa.”

Napangiti ako sa naging sagot n iya, “Naging close pala kayo?” at tumawa pa ako ng mapakla.  “Kelan pa?”

“Oo naman. Dati.”
Kelan kaya ang dati na yon? Hindi naman sila close nung highschool ah, kahit nung college. After college? Malabo rin. After the break up? Nino? With Ken or with him? Ah, ewan! Ang aga-aga pa pero ang dami na kaagad pumapasok na thoughts sa utak ko. Makapag meditate nga later on.
“Oh, edi kayo na ang close. Maiwan na muna kita dito ha. Maghahanda lang ako ng breakfast.” Paalam ko sa kanya sine malinis naman na ang pool area.
Muli akong nagulat dahil hinawakan niya ako sa braso para pigilan. “Lagi ka nalang nang-iiwan.”
Sa sinabi niyang ito, para sa akin, ay tila nagkaroon ito ng ibang ibig sabihin. Napataas tuloy ang kilay ko na tinalo pa ang taas ng sikat ng araw sa mga sandaling ito, “I’m sorry? Anong pinaglalaban mo ngayon, Migz?”
Sana naman huwag niyang sirain ang magandang araw ngayon.  Alam kong kulang pa ako sa tulog pero hindi ko alintanan iyon dahil masaya ako na makasama silang lahat ngayon. Nawa’y huwag naman niyang sirain ang maganda kong mood.

“Samahan na kita sa kusina. Tutulong na ako sa paghahanda. Hindi naman na ako inaantok.” Aniya at nauna na siyang naglakad na sa malamang ay sa kusina ang destinasyon niya.
Hinabol ko siya ay hinawakan ko ang kanang braso niya bilang pagpigil sa nais niyang pagtulong, “No. You don’t have to. Bisita kayo rito at kaya ko namang mag-isa.”

“Sanay na ako..” “Sanay ka na.” –magkasabay naming nasabi.

“Look Migz, baka may masabi si Mirasol. It’s better for us to have some distance kahit pa na okay na tayo. Please lang. Konting respeto nalang sana para sa girlfriend err fiancee mo. Don’t follow me for I don’t need your help.”And that’s a warning for him. Tuluyan ko na siyang tinalikuran habang marahan na napapailing na lamang. Ano bang gusto niyang palabasin o mangyari pa? Okay na okay na ako eh. Bahala siya diyan kung hindi pa rin siya nakakamove on. Manigas siya!

“Hindi naman makitid ang utak niya.” Napahinto ako sa paglalakad palayo sa kanya dahil sa sinabi niyang ito. Para kasing may iba siyang dating sa akin.

“Are you referring to me and to my decision before?” derechahan kong tanong sa kanya. That’s exactly what he said to me when I decided to break up with him. ‘Makitid ang utak, walang pang-unawa sa sitwasyon…’ Tsk!  Pasaring ang naging dating sa akin ng sinabi niya eh.

“Wala naman akong sinasabi…” sagot niya sa tanong ko pero sa dagat siya nakatingin. Tsk tsk, halatang guilty.

“Kasasabi mo lang,” I took out a deep breath as I closed my eyes and opened it again trying to control my temper,  “Please…  Just leave the civility between us alone Migz. Please lang,” mariin kong sabi. Ano bang problema niya?

“If only I could…” Aniya na narinig ko pa although mahina lang ang pagkakasabi niya nun.
--------------------------------------------

After naming mag-breakfast ay binalak na namin ang mag-hiking. Hindi makakasama sila Mary at Marlon dahil walang magbabantay kay Baby Michael.

“Kaya ng dalawang oras yan. Hindi naman ganun kagubat ang bundok eh,” imporma ko sa kanila. “In less than two hours ay nasa tuktok na tayo. Bring your gadgets dahil doon lang may signal dun. Ha-ha!” Sabi ko pa. I also told them na mas maganda kung wala kaming bitbit na kahit ano para hindi masyadong nakakapagod. Maliban nga sa mga gadgets kung gusto nilang makasagap ng signal.
“Grabe, kelangan pa talagang umakyat ng bundok para lang magkasignal?” tanong ni Liza.
“Yupp, Bru! Ganun talaga ang buhay dito sa isla.” I lead the way papunta sa may pinaka trail ng bundok. “Ingat lang kasi medyo steep yung daan.” I reminded them.
Hindi naman ganun kataasan ang bundok na ito. It’s only 120 feet at wala ring mga matataas na mga puno na nakaharang paakyat.
After two hours ay nasa tuktok na kami ng bundok. At hindi na ako nagulat sa mga naging reaksyon nila. Obviously ay namamangha sila sa ganda ng mga tanawin na nasasaksihan nila ngayon. Like them ay ganun din ako nung una kong inakyat ito. Pero ngayon kahit na naka-ilang beses na akong akyat dito ay hindi pa rin nababawasan ang pagkamangha ko. I just so love this place. It is really more fun in the Philippines, come visit Palawan! Ha-ha-ha! Mag-promote daw ba?
“Huwow! Very breathtaking it is!” humihingal pang sabi ni Martin. Sila ng jowa niya (ni Vangie) ang nasa huling pila paakyat. Yung trail kasi na paakyat dito sa bundok ay pang-isahang tao lang.

“Hon, dito tayo pakasal,” ungot naman ni Vangie sa kasintahan at nangingiting niyakap siya ni Martin.

Sige, ituloy niyo lang yang mga paglalambutsingan niyo. Hindi ako naiinggit, promise!

“Mga leche! Ano yun, papagurin niyo lahat ng guest niyo ultimo yung magkakasal sa inyo? Maawa naman kayo, mga abnormal,” bara ni Rich sa mag-jowa.

“Inggit ka lang bakla ka. Kasi kami pwedeng ikasal, eh ikaw, hindi pa napapatupad ang same sex marriage dito sa Pilipinas, hintay hintay ka muna ng mga 50 years! Hahahah!” ganti naman ni Vangie. “Oh di kaya kung may budget ka, doon kayo sa U.S. magpakasal.”

“Huwag kang mag-aalala, hindi ako pupunta sa kasal mo kung papagurin mo lang ako sa pag-akyat,” biro ulit ni Rich.

“Siyang tunay! Sayang ang make-up ko senyo ‘te!” gatong naman ni Liza.

“Ang tanong, invited ba kayo? Tayo? Hahaha!” ani Ruth.

“Kayo nalang magpakasal!” sagot na naman ni Vangie sa kanila at sinundan ng malakas na pagtawa.

“Hep! Kami muna!” singit ni Miguel sa usapan at ang abnormal dahil tumingin pa siya sa akin pagkasabi niya nun.
Anong gusto niyang palabasin? Gusto niya akong pagselosin? Umasa siya sa wala! Tinaasan ko nga siya ng kilay, ‘Tinitingin mo diyan? Tusukin ko yang mata mo eh!” ngitngit ko sa utak ko.
“Pwede bang dito ang venue Jane? I mean dun sa resort ha, hindi dito sa tuktok.” Tanong niya na may kalakip pang ngisi sa kanyang mga labi. Aba, nang-aasar talaga ang loko. As if naman madadala niya ako sa mga paganyan-ganyan niya. Neknek niya!
Tumango ako, “Oo naman! 2 million pesos per week, walang problema sa akin!” birong sagot ko at natawa ako ng halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
‘Ano? Papakasal ka pa dito?  Then go! Make me richer! Mwahahaha!’ sigaw ng devilish side kong konsensya na mariin ko namang sinasang-ayunan sa pagkakataong ito.

“Kayang-kaya ni Migz yan, anong silbi ng pamana ni long lost grandmother?” Ani Rich.

“Eh ang kaso makukuha niya lang yun kapag kinasal na sila,” kontra naman ni Martin.

“Oh? Edi utang muna!” Sali ni Ken sa usapan, “pautangin kita pre! Kaso may 50 % interest. Ano, deal?”
“Yown!” malakas kong sabi. Sang-ayon much ako kay Ken. Haha! “Yan ang utak negosyante!” nakipag-apir pa ako sa kanya.
Tawanan ang barkada. Usapang kasal pala ha! Sige, tara pag-usapan natin yan. Lalo pa ngayon na hindi na ako naniniwala sa salitang forever.
Naiiling na natatawa nlang din si Miguel. At ever as usual, ay walang kibo si Mirasol although nakikitawa rin naman siya.
Bago bumaba ng bundok ay syempre kumota muna sila ng mga pictures. Pati pala ako. Kahit mga mukhang huggard na ay sige pa rin sa picturan. Pam-facebook daw.  At masasasabi kong nag-enjoy naman sila sa hiking na ito. Bukas ay island hopping naman ang gagawin namin plus scuba diving. And I am hoping na sana ang buo nilang pag-stay rito ay maging super enjoy para sa  kanilang lahat.

Tara guys, baba na tayo.” Yaya ko na sa kanila dahil maya maya lang ay iinit pa ang sikat ng araw.

Matapos ang dalawang oras ay muli kaming nakababa ng bundok ngunit isang hindi inaasahang pangyayari pala ang bubungad sa amin pagkababa namin…

“NASAAN NA YUNG MGA COTTAGES???!!” shocked na tanong ni Ruth.

“Yung swimming pool?!” ani Rich na gulat din.

“Yung buong resort kamo ang nasaan?!” Liza na parang high-blood na.

“Sila Mary at Marlon?” Lumilinga linga pang tanong naman ni Vangie.

“Pati si Baby Michael nasaan na?” dagdag na tanong ni Miguel.

“Jane, hindi kaya namali tayo ng daan? Baka ito yung likod ng isla.” Direktang tanong ni Ken sa akin.

Umiling ako, “Malabo yun eh. Walang trail papunta sa likod,” sagot ko. “At isa pa ay iba ang itsura ng likod. May katapat itong maliit na isla hindi ba?” Kanina kasi habang nasa tuktok kami ay nakita nila ang buong isla 360 degrees.

“Pero nasaan na tayo?” Si Ruth ulit ang nangtanong at halata na sa boses niya ang kaba.

“Andito tayo sa mismong harap ng isla,” kalmado kong sagot. “Kung mapapansin niyo ang mga puno ay ganun pa rin ang mga pwesto nila.” Turo ko sa mga nagkalat na puno sa paligid at tanging mga structures na may kinalaman sa resort lamang ang nawawala.

‘Pero nawawala ang resort ko.’ Gusto ko sanang idagdag sa mga sinabi ko pero ayoko na silang matakot pa.

“Pero nasaan na yung resort?!” Winasiwas pa ni Liza ang kamay niya, “Sinasabi ko na nga ba eh! I felt something creepy about this place. Ramdam kong may kakaiba dito eh. Pero binalewala ko yun kasi sabi mo ay safe naman dito!” ani Liza at sa mismong mukha ko pa niya sinabi iyon.    

“Kumalma ka nga,” hindi ko pinahalata sa boses ko na nairita ako sa mga sinabi niya.


“Explain KALMA, Jane Dela Merced?! Nawawala yung resort mo! Sige, ilabas mo ngayon din ang speed boat at kakalma ako. Uuwi na ako ng Maynila agad-agad!” sigaw niya na sa akin.

“Liz, sinisigawan mo na si Jane,” si Rich naman ang sumita sa kanya.

“Ipaliwanag niyo sa akin ang lahat ng nangyayari dito ngayon. Lalo ka na!” turo niya sa akin, “Anong nangyayari? Ha?!”

“Liz,” inalis ni Ken ang daliri ni Liza na nakaduro sa akin.

Binalingan naman niya si Ken at ito naman ang sininghalan, “Kausapin mo yang ex mo! Nawawala sila Mary at Marlon at may kasama pa silang bata! Or baka nga tayo ang nawawala eh!”

“Liz, hindi mo kailangang sumigaw,” this time ay si Miguel naman ang sumita sa kanya.

“Sige, kampihan niyo yang ex niyo na nagtago sa freak at weird na lugar na ito!” Muli niya akong binalingan, “Kung anuman yang pinagdaanan mo kaya ka may ‘sariling mundo’, pwede ba huwag naman sana kayong mandamay?! Sana pala ay hindi nalang ako sumama sa pagpunta sa lugar na-”

Hindi na ako nakapagtimpi, “Pwede ba Luzviminda! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Simula ng matira ako dito sa tinatawag mong sarili kong mundo ay normal ang lahat! Ngayon lang, ngayon lang nangyari ang ganito at kahit kailan ay hindi ko gugustuhin na may mangyaring hindi maganda isa man sa inyo! Ako ba? Ako ba ang nagpilit sa inyo na pumunta kayo dito? Hah?” hindi ko na napigilang sigaw sa kanya at tanging ang mga luha ko na lamang ngayon ang pinipigilan kong tumulo.

Sila ang nagtanong sa akin two months ago kung pwede daw ba nilang makita o mabisita ang resort na pinamamahalaan ko. Kung tutuusin ay ayoko talaga silang papuntahin pero baka maisip nila na hanggang ngayon ay bitter pa rin ako kaya pumayag ako na pumunta sila dito.
 
Sino ba naman ang gustong mawalan ng buong resort ng basta basta nalang?

At ngayon pa talaga nawala ah. So anong tawag dito sa pagkakataong ito? Perfect timing, co-incidence, ganon?
Lola Mystica, what is this all about?







Chapter 5 – The Rise


Lahat kami ay nasa tabing dagat at kasalukuyang nga-nga. Ang iba ay nakasalampak sa buhanginan habang ang iba naman ay nakatayo at palakad-lakad.

Isa ako sa mga nakasalampak. Parang mas napagod ako sa pakikipag kompronta kay Liza kesa sa pag-ha-hiking. I really hate confrontations because it made me felt like I’m the one who will always going to lose. Na ako yung talaga yung masama, yung may kasalanan, yung mali.

Speaking of Liza ay tumabi siya sa akin at kinulbit  ako, “Uy, Bru.” Ngunit hindi ko siya pinansin.

Muli niya akong kinulbit, “Uy, Bru!”

Inirapan ko lang siya sabay sabi ng, “Tseh!”

“Arte mo! Sabunutan kita diyan eh.”

Natigilan kaming pareho habang nakatitig sa mukha ng isa’t isa pero maya maya lang ay pareho na rin kaming natawa.

“Pero sorry talaga kanina. Nabigla lang ako. Nakakafrustrate lang talaga dahil alam mo naman yung mga pinagdaanan natin noon kina Rich hindi ba? Para kasing nauulit na naman ngayon yun. Baka sinundan tayo ni Lola dito.” Ang tinutukoy niyang Lola ay ang Lola ni Rich na minsan kaming napaglaruan at tinuruan ng leksyon noon.

“OA mo mag-react kanina ah. Kulang nalang ilubog mo ako sa lupa,” Tumatawa kong sabi sa kanya. “Pasensya na din kayo, hindi ko talaga ginusto ito.” Ramdam kong nangingilid na naman ang mga luha ko.

Niyakap niya ako, “Sorry, sorry talaga kanina Bru. Naging super OA ko nga talaga.Epekto ng walang emotion controller. Alam mo na, binulutong si Negro.” Tukoy niya sa kasintahan na si Junie at muli na naman kaming natawa.

“Alam ko na nga yung mga pinagdaanan mo at kasalukuyang pinagdadaanan ay kung anu ano pa ang mga nasabi ko. Gaga talaga ako,” dagdag pa niya.

“I know right. Gaga ka talaga dahil mana ka sa akin. Hehe.”

“Guys, ano kaya kung akyatin ulit natin yung bundok? Baka pagbaba natin ay bumalik na ulit sa normal ang lahat.” Suggestion ni Rich.

“Wow. Nakakataas naman ng energy yang suggestion mo, Rich.” Sarkastikong sagot ni Vangie sa kanya. “Eh paano pag ganun pa rin pagbaba natin? Nadoble lang yung pagod natin,” dagdag pa niya. “Nice.”

“At least sinubukan natin. Kesa naman wala tayong gawin at maghintay lang ng himaya dito.”

“Ano, aakyatin na natin?” Ani Martin. “Alam mo Hon, may point naman si Rich eh.”

“Maglakad nalang kaya muna tayo hanggang makarating tayo dun sa dulo,” another suggestion ni Ken. “Baka lang kasi, andun sa kabilang side yung resort.”

Para sa akin ay malabo yun pero pinili kong huwag na lamang sumagot.

“Pwede,” Sang-ayon ni Miguel. “At kailangan ay lahat tayo ang maglalakad. Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay dahil baka mas maging mahirap ang mangyari pag nagkawatak-watak tayo.”

Marahil naalala niya ang naging karanasan namin three years ago sa lugar nila Rich kung saan nagkahiwa-hiwalay kami at sa kasamaang palad ay kami ang naging unang magkasama na sana ay hindi nalang nangyari.
 
‘Sisi pa more, Jane.’ Sigaw ni konsensya.

Sinimulan na nga naming lakarin ang shoreline ng isla papunta sa kabilang dulo ng isla.




“WALANJO naman! Dito rin tayo galing kanina eh! Seriously? Para lang tayong nag-round trip minus the resort,” banas na sabi ni Liza. Makalipas ang tatlumpong minuto ng paglalakad ay bumalik lang kami sa pinanggalingan namin. Nagtusok si Miguel ng isang kahoy sa lupa na may pulang scarf sa dulong tuktok upang palatandaan ng naging starting point namin.

“Yari na, na-engkanto na tayo.” Umiiling iling na sabi ni Martin habang ka-hawak kamay si Vangie.

“Ayan na ang sinasabi ko!” tinampal pa ni Vangie ang sariling noo, “Hindi ba mauubusan ng kababalaghan ang lugar na ito?” Bumaling siya kay Miguel, “Bez, hindi ba parang ganito rin ang nangyari sa’yo dati?”

Tumango naman si Miguel.

“Ano bang nangyari sa inyo dati? Baka naman pwede niyong i-share? For the benefits ng mga OP (Out of place) na kasama niyo dito ngayon.” Pasaring ni Ruth.

Si Miguel ang sumagot, “Dun kasi sa bundok na pag-aari ni Rich ay hawig sa ganito yung mga nangyari sa amin doon. Hindi siya kapani paniwala pero nangyari talaga.”

Sumingit si Vangie, “Ang ipinagkaiba lang, gabi nung nagsimulang magkaroon ng mga kababalaghan doon, pero dito, ayan!” tinuro niya ang langit, “Sikat na sikat ang araw!”

 “Oh tapos, anong nangyari? Paano kayo nakaalis sa lugar na iyon?” dagdag na tanong ni Ruth.

“Ayun, nagpakatotoo ang mga dapat magpakatotoo!” parinig naman ni Vangie. ‘Parinig’ talaga dahil tinatamaan ako!

“Huh?” nagtatakang tanong ng jowa ni Rich na si Alex, “Paanong pagpapakatotoo?”

“Huwag mo ng alamin,” sagot ni Rich dito. “Past is past na nga daw kasi. Move on, move on daw pag may time.” Sabay tingin sa akin at bilang ganti ay inirapan ko ang magaling na bakla.

Muli ko siyang tinignan at waring sinasabi ng mga mata ko sa kanya na, ‘Shut up!’


“Paano ng gagawin natin niyan?” tanon ni Ruth sa lahat.

“Ay Ruth kung alam namin ang sagot ay kanina pa sana tayo nakabalik sa ‘real world’.” Pilosopong sagot ni Liza sa kanya at nag hand sign pa ito ng waring kino-quote ang salitang real world.

“Baka naman may kailangang magpakatotoo ulit ngayon?” Ani Martin at sa tingin ko ay ako pinasasaringan niya. Ewan, basta ramdam ko lang na ako at ako lang lagi ang mga pinatatamaan nila kahit pa wala naman silang binabanggit na mga pangalan.

Hindi na ako nakatiis at sumagot na ako, “Hindi rin.”

Lahat sila ay napatingin sa akin. Ano? Ako na naman ba ang bitter?

“Magkaiba ang lugar nila Rich sa lugar na ito. Hindi naman siguro tayo susundan ng Lola ni Rich dito para lang paglaruan ulit.”paliwanag ko sa naging sagot ko.

“Paaminin is the right term, my dear.” Binigyang diin pa talaga ng bakla ang word na Paaminin. Tsk! “I have the rights to defend my Lola. So yung mga dapat umamin diyan, ay umamin na habang maaga pa.”


“Opt to next plan. Tara ng akyatin ulit ang bundok.” Pag-iiba ko ng usapan.

“Nakakapagod na,” reklamo ni Ruth.

“Kesa naman tumunganga tayo dito!” segunda ni Rich sa suggestion ko.

“Tama si Rich at mas nakakapagod tumunganga kung may ibang bagay naman tayo na pwedeng gawin. Subukan nalang natin,”  sabi ko pa sa kanila. “Ang alam ko talaga ay walang ibang trail pero subukan pa rin natin at baka nga bumalik ulit sa normal ang lahat.”

“Who’s in?” tanong ni Liza sa lahat.

“I am!” sagot ni Miguel. “Ang mahalaga, gawin nalang natin ang lahat ng pwedeng paraan.”

Nagtaas rin ng kamay si Mirasol.

“Ako rin.” Ani Ken na nagtaas rin ng kamay.

Sumunod na nagtaas ng kamay si Liza. “Syempre ako din.”

“Hon, try na natin.” Sabi ni Martin kay Vangie.

“Oo nga, Bez. Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay.” Pag-eencourage pa ni Miguel. “Dapat sama-sama tayo.”


Pumayag na rin si Vangie kung kaya’t ipinasya na ng buong grupo na muling umakyat.



Makalipas muli ang dalawang oras ay muli naming natanaw ang ganda ng view mula sa tuktok.

“Wuhow! We’re here again! And hopefully ay sa pagbaba natin ay lumitaw na ang resort.” Sabi ni Rich habang muling tinatanaw ang kagandahan ng tanawin.

“Ang ganda ganda talaga ng tanawin kaso parang nabawasan ang appreciation ko. Kung wala lang sanang kababalaghan…..” sabi naman ni Ruth na may bahid ng lungkot ang tono.

“Pahinga lang tayo saglit then baba na ulit tayo,” ani Liza.

“Gosh, nauuhaw na ako,” reklamo naman ni Vangie at alam kong reklamo iyon ng lahat. Mataas na ang sikat ng araw at sobrang tagaktak na ng mga pawis namin kaya malamang sa malamang ay uhaw na kaming lahat.

“Baba na tayo.” Yaya ko na sa kanila. At sa isip ko ay kung wala pa rin ang resort sa pagbaba namin ay pupunta nalang kami sa falls na may napakalinis na spring water.

Pero mas masarap uminom ng tubig sa resort ko. Kaya sana lang talaga pagbaba namin ay maging okay na at iisipin nalang namin na panandalian kaming nagkaroon ng pare-parehong panaginip.

Ora mismo ay ibabalik ko na rin sila sa bayan ng Coron gamit ang speed boat ko.






“ANAK NG TOKWA! Waley pa rin!” Sigaw ni Vangie. “Ghad, uhaw na uhaw na ako! Paano na tayo neto?”

“Punta nalang muna tayo sa falls para makainom tayong lahat. May spring water doon. Pasensya na talaga kayo guys. Hindi ko talaga ginusto ‘to,” Nakayuko kong sabi sa kanilang lahat.

Inakbayan ako ni Liza, “Walang may gusto neto, Bru. Huwag ka ng mag-emote diyan. Tara na sa falls. Sana lang walang mga lumilipad na taong lumot dun ha!”

“Oy, wag ganun!” kontra naman ni Vangie.

“Walang ganun dun,” natatawa kong sabi sa kanila at dumerecho na kaming lahat papunta sa falls.

“Wuhow! Ang ganda dito at super linaw ng tubig!” namamanghang sabi ni Ruth.

Sa lugar na ito ay mayroong six feet na falls na may napakalinis at linaw na tubig. Ang tubig na binabagsakan nito ay hindi rin ganun kalalim na maari mo pa ngang puntahan kung saan mismo bumabagsak ang tubig.

Sa paligid ng batis ay ang naglalaking batuhan plus mga puno ng saging, iba’t ibang berries at mayroon ding mga halamang ornamental na namumunga ng makukulay na mga bulaklak.

Natuwa naman ako na sa kabila ng mga nangyayari ay nagawa pa rin nilang ma-appreciate ang sacred place slash sanctuary ko.

So we did our thing. Ang uminom ng bonggang bongga! Na may bonus pang mga prutas gaya ng saging, wild berries, kaimito at iba pa. 

Kaya ayan at may mga energy na ulit kami. Buti nalang talaga at hindi kasama ang falls sa lugar na nawala at tanging resort ko lang talaga ang naglaho na parang bula. Daig pa nito ang na-demolish dahil wala talagang iniwang bakas. Na parang rapture lang ang peg.

After makapag-refresh at makapagpahinga ng kaunti ay muli kaming bumalik sa tabing-dagat para mag-brainstorm ulit.

“So what’s the next plan?” tanong ni Ruth para sa lahat.

“Baliktarin kaya natin ang mga damit na suot natin dahil baka naeengkanto lang tayo,” suggestion ni Martin, “tapos lakarin ulit natin yung seaside.”

“So maglalakad ulit tayo? Tapos after thirty minutes, babalik tayo sa starting line?” kontra ni Vangie sa sinabi ng kanyang kasintahan.

“Alam mo ikaw, masyado kang nega! Kaya tayo hindi nakakabalik kasi kinokontra mo eh. Alam mo ba yung Law of Attraction? Yun ka eh! Masyado mong inaattract ang negative energy kaya ayan at puro negative ang nakukuha natin.” Sermon ni Rich sa kanya.


“Yun oh!” nakipag-apir pa si Alex sa jowang si Rich.

“Ang deep. Law of Attraction talaga? Positive kasi ang i-attract Vangie.” Pasaring ni Ruth.

“Oo nga, Mahal ko. Positive lang tayo lagi! Mahirap pag negative. Hehe” Ani Martin.

“Nokonoks! Lumu-law of Attraction si Bakla. Nosebleeding, beybeh! You already!” pang-aasar ni Liza kay Rich at saglit na nagkatawanan ang barkada.



“Kayong lima, lumabas na kayo diyan!” Lahat naman kami this time ay natigilan at nagtatakang napatingin kay Ken.

Tila lahat kami ay iisa ang naging katanungan sa isip. ‘Sino ang kausap niya?’  Marahil karamihan sa amin ay kunot ang noo kahit pa na hindi ko sila tignan isa isa.

Nakatingin si Ken sa parte ng isla na may mayayabong na mga puno.

“Ke-ken?” hinawakan ko siya sa braso, “Sinong kausap mo?”  Hindi ako natatakot, promise! Mamatay na takot!

May tinuro siya at sa gawi rin ng mga mayayabong na puno, “Sila.” Sagot niya sa tanong ko at muli akong nagtaka. Well, lahat kami ang nagtaka malamang. Ken’s really weird. Kanina ko pa ramdam ang unusual na pagtahimik niya eh. At parang sa ibang bagay talaga nakatuon ang atensyon niya.  Oo tahimik siya pero mararamdaman mo naman ang presence niya. Isa pa, nakikitawa siya at sumasali din sa usapan pero this time ay kakaiba talaga ang naging pananahimik niya.

“Lumabas na kayo diyan at ipaliwanag niyo sa amin ang lahat ng nangyayari dito. NGAYON DIN!” full of authority ang boses niya. Kung hindi mo siya kilala ay matatakot ka sa kanya at tipong mapapasunod ka talaga sa anumang maging utos niya.

Nagsigalawan ang mga dahon ng puno na parang may invisible na bagay ang dumaan sa pagitan ng mga iyon.

“Ken, wala kaming nakikita maliban sa mga punong gumalaw. Ano ba kasi yun? May third eye ka ba?” si Ruth naman ang nagtanong sa kanya at halata sa boses nito ang kaba.

“Oo nga Ken, may mga nakikita ka ba na ikaw lang ang nakakakita? May third eye ka ba talaga?”

Nginitian muna ni Ken si Liza bago siya sumagot, “Malala pa sa third eye, Liz. Kung alam niyo lang.”

‘Sheets lang Ken! Ano bang hindi namin alam tungkol sa’yo? You’re torturing us right now!’ Gustong gusto kong isigaw ito sa kaniya but I chose to remain silent and tried to calm. 

“Magpakita kayo sa kanila!” muling maawtoridad na utos ni Ken sa mga nilalang or whatever na siya lang ang nakakakita. Kinakabahan na talaga ako sa mga ikinikilos niya. Ito ba yung sinasabi niya sa akin kagabi na parang may ibang mga tao-kung tao nga ba sila sa isla bukod sa aming magbabarkada? Natatandaan ko rin na sabi niya nung lasing na siya ay lima sila.

“Ken, sila ba yung lima?” tapang tapangan kong tanong sa kanya. Tumango naman siya.

‘Ay, sheet lang na malagkit talaga!’

“Don’t worry, hindi naman sila mukhang masasama.” Sabi niya sa akin. Marahil naramdaman niya ang naging takot ko kahit pa na ayoko namang ipakita ito. Naalala kong nakahawak pa pala ako sa braso niya kaya siguro naramdaman ang naging panginginig ko kahit pa na saglit lamang iyon.

‘Bitaw bitaw din kasi!’

“Kung hindi kayo magpapakita ay sasabuyan ko kayo ng tubig dagat.”  Banta niya sa mga ito.

Medyo nabigla ako sa ginawang pananakot ni Ken at malamang sa malamang, pati ang iba naming mga kaibigan ay nabigla rin.

 Tubig dagat? Anong klase ng mga nilalang ba sila? Mga aswang ba sila na takot sa asin?

‘Bakit tubig dagat?’ Marahil ito ang tanong ng lahat sa isipan.

Humangin ng malakas kaya napahigpit rin ang kapit ko sa braso ni Ken. Pakiramdam ko kasi ay matatangay kami nito.  Unti unti ay tila may nahulma na limang pigura sa pamamagitan ng mga lupa. Bumalot ang mga lupa sa kanilang lima at unti unti rin itong natanggal.  Lahat kami ay nanlalaki ang mga mata habang nasasaksihan ang pangyayaring iyon. Well, maliban kay Ken na sobrang kalma lang niya at para bang natural lang para sa kanya ang lahat ng nakikita niya.

Nahihiwagaan na talaga ako sa tunay na pagkato niya. Siguro may mga bagay na hindi ko pa talaga alam tungkol sa kanya. Or pwede ring mula ng maghiwalay kami noon ay may mga bagay na nangyari sa kanya kaya siya ganyan ngayon.

Hmmm. Ano kaya iyon? Nakaka-curious naman. Kayo? Alam niyo ba kung ano ang nangyari kay Ken? May alam ba kayo kay Ken na hindi ko alam? Pa-share naman diyan!
Huwag madamot! He-he!

Muling bumalik ang atensyon ko sa limang pigura na parang mga pupa na handa ng maging paru-paro. Mas lalo akong nagulat nang makilala ko kung sino sino ang mga nilalang na ito na naging parang mga normal na tao maliban na nga lamang sa mga weird  nilang suot with matching colorful big wings each.

Mukha silang mga taong paru-paro!

“Ibyang? Kaloy? Aneng? Barto? Moira? Talaga bang kayo yan? Oh ginaya niyo lang ang mukha ng mga staff ko?!” gulat na gulat na tanong ko sa limang ito.

 Yung kamukha ni Kaloy ang sumagot, “Kami po talaga ito, ‘Kamahalan’.” Ngumiti pa siya ng wagas at marahang yumuko na wari bang nagbibigay galang sa…akin?

Wait, what did he say?

What the freakin’ f!  Kamahalan talaga?











Chapter 6 – The Cliff


Parang naging sobrang bilis ng mga pangyayari.

The next thing I knew ay nasa isang lugar na kami na hindi ko pa nararating sa tanang buhay ko. Maraming naglalakihang puno sa paligid na may iba’t ibang kulay ang mga dahon. Mukhang nasa isla pa rin naman kami pero ibang iba ang itsura nito at kahit kailan ay hindi ko pa napupuntahan ang lugar na ito. Tumingala ako at parang may naaaninag ako na isang transparent dome na siyang nagsisilbing silong ng buong lugar.

Nagulat rin ako nang mapasadahan ko ng tingin ang damit na suot ko na ngayon. Hindi ko maintindihan ang itsura nito. Para siyang long gown na ewan. Iba iba ang kulay pero mas namumukadkad ang kulay green. Meron ding nakapatong sa ulo ko na kakaibang mga kumpol ng bulaklak. Nakaupo rin ako sa isang kakaibang upuan na parang trono ng isang reyna ang itsura.

Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko at agad na hinanap sila ng aking mga mata. Luminga linga ako at ayun! Magkakatabi silang nakaupo sa may bandang kanan ko. Mga ilang meters din yata ang layo nila sa akin. Mataman lang silang nakatingin at parang may pagkamangha na pagtataka na ewan sa mga mata nila. Pansin kong hindi sila gumagalaw at talagang nakatingin lang sila sa akin. Na parang ni lumingon man lang sa likod ay hindi nila magagawa.

“Bakit nandyan kayo?” nagtatakang tanong ko sa kanilang lahat.

“Mukhang okay na siya,” –Vangie.

“Oo nga Hon, bumalik na yata ang ulirat ng kaibigan natin,” dagdag pa ni Martin sa sinabi ng kasintahan.

“Obviously, hindi na siya tulala.” Ani Rich naman.

“Grabe, sa sobrang big time na ng kaibigan natin ay hindi na natin siya ma-reach. Ibang level na talaga!” –Ruth

Huh?! Anak ng pitong isla naman oh! Ano bang sinasabi nila?

“Teka nga! Ano bang mga sinasabi niyo? Hindi ko kayo ma-gets!” singit ko sa usapan nila na tungkol lang naman sa akin. 

“Gising na si Jane na walang malay,” nakakabwisit na sagot ni Liza.

“Isa! Umayos nga kayo! Nasaan tayo? Bakit ako nandito? Bakit kayo nandyan?”  Mga limang dipa kasi ang layo nila sa akin. Nasa may bandang kanan ko sila nakahilera na nakaupo na magkakatabi. Sa bandang gitna ay may nakalatag na literal na red carpet at ang itinutumbok nito ay ang mismong inuupuan ko.

Sinubukan kong tumayo pero kahit anong pilit ko ay hindi ako makatayo. Anyare ba talaga?!

“Argh! Bakit hindi ako makagalaw?” at nagmaktol pa ako sa sobrang inis dahil hindi ko na nga maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ay hindi pa ako makatayo sa upuang ito!

“Bru, hindi ka nag-iisa. Hindi rin kami makakilos o makatayo,” ani Liza ulit. Hindi nga sila gumagalaw at pareho pareho lang sila ng ayos- nakaupo habang ang mga kamay ay nasa magkabilaang gilid nila. Nakaupo sila sa isang malaki at mahabang kahoy o troso na pinahiga sa lupa.


Muli akong napatingin sa kanila at parang na-realized ko na kulang kami.

“Nasaan si Ken?” tanong ko sa kanila.

Walang sumagot maski isa sa kanila, “Huy, ano ba? Nasaan si Ken?!” tanong ko ulit. Ano bang nangyari talaga? Sige na, ako na talaga ang walang malay.

“OA maka-react. Yung totoo, may felengs pa rin ba ha, Jane?” nasa tono ng bruha kong matalik na kaibigan ang pang-aasar.

“Asan nga kasi si Ken. Umayos nga kayo.” Iritable ko ng tanong sa kanila.

“Hindi namin alam. Bigla nalang siyang nawala. Ayan, masaya ka na?” Si Rich ang sumagot, “Arte mo, para kang nawalan ng jowa diyan ah.”

“Heler. Kaibigan kaya natin yon! Bakit ba parang balewala lang sa inyo ang pagkawala niya? Ano ba talaga ang nangyayari?” takang takang takang tanong ko sa kanila.

“Eh sa wala at wala rin naman tayong magagawa,” pagdadahilan naman ni Vangie.

“Wala rin kaming maintindihan at nalalaman sa mga nangyayari Jane.” Sagot naman ni Miguel.

Nanlumo ako, seriously. Ken, nasaan ka? Napuno ang puso ko ng pag-aalala para sa kanya. Nag-aaalala ako para kina Mary, Marlon at Baby Michael pero mas lalong nadagdagan ito para kay Ken.

 Ano ba talagang nangyayari? Kung sino ka mang may kagagawan nito, huwag mo ng idamay ang mga kaibigan ko.
Sinusubukan kong maging matapang pero marami pa rin pala akong kahinaan.  After all, tao pa rin ako at nasasaktan.

“These are my entire fault.” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Kung sana ay hindi nalang ako pumayag na pumunta sila rito sa tinatawag kong secret haven ko ay hindi sana sila madadamay rito.

“Jane…” Halata sa boses ni Liza ang concern. “Don’t blame yourself too much…”


 “Pero kasi-..” Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil sa liwanag na bigla na lang lumitaw at sa sobrang silaw ay napapikit pa ako.

Muling lumitaw ang lima kong staffs.

“Kamahalan…” si Barto ang nagsalita at yumuko pa na parang nagbibigay galang. Sumunod na nagsiyukuan sina Ibyang, Kaloy, Aneng at Moira.

“Ano bang mga pinagsasabi niyo? Sinong kamahalan? Tsaka nasaan ba kami at bakit hindi kami makagalaw? Kayo? Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Ako? Bakit ganito ang suot ko?” Sunod sunod na tanong ko sa kanila.

“Ikaw Jane. Ang aming kamahalan.” Sagot ni Kaloy.

“Narito tayo sa kaharian ng Minerva.” Sagot naman ni Aneng.

Ang sumunod na sumagot ay si Moira, “Ito ang tunay naming anyo, kamahalan. Kami ang limang punong tagabantay ng kahariang ito na pinamumunuan ni Reyna Mystica. Ngunit ngayon ay ipinapasa na niya sa iyo ang katungkulan.”

“Pero bakit ako?”

“Dahil ikaw ang napili ni Reyna Mystica at lumagda ka na sa kasunduan. Sa pagsikat ng bilog na buwan sa makalawa ay ganap na ang pagsasalin sa iyo ng kapangyarihan. Wala ka ng magagawa sapagka’t matagal mo ng tinanggap ang tungkuling ito sa pamamagitan ng bahid ng iyong dugo.” Paalala ni Ibyang.

Sheets! Muli kong naalala kung papaano ko napasakamay ang buong isla. Wala akong kamuwang muwang na may iba pa palang kalakip na responsibilidad ang paglagda ko sa kasunduan gamit ang sarili kong dugo….

Muling bumalik ang mga eksena sa isip ko na nangyari sa nakaraan.


One and a half years ago, I went to Coron, Palawan to have a short vacation all by myself. Sole traveler and wanderer lang ang peg ko. I’ve decided to travel alone to overcome some of my too much fears at yun nga ay ang pagba-biyahe mag-isa.

I also went here to mend my broken heart. Magpapagaling muna ako ng puso kong binasag ng isang taong itatago na lamang natin sa pangalang Miguelito Ruiz. We broke up for some reasons that I really don’t understand.

After three days ay nalibot ko na ang mga sikat na tourist spots dito sa Coron like  Kayangan Lake, Baraccuda Lake, Twin Lagoon na sobrang lilinaw ng mga tubig, CYC Island na sobrang puti at napakapino ng buhangin, and  I even went to some diving. Truly I may say that Palawan is a certified paradise. I also climbed the Mount Tapias na sobra akong hiningal pero super worth it ang pag-akyat dahil kita mo ang ganda ng view ng Coron. I stayed on a resort at yun nga ang La Sirenetta Resort.

It was Sunday kaya naman naisipan kong magsimba na walking distance lang naman from the resort that I am staying. Patawid na ako nun sa kalsada nang may makasabay akong matanda sa balak na pagtawid. I helped her in crossing that very busy street at nagpasalamat naman siya sa akin. Sa simbahan rin pala ang sadya niya. Hindi ako snob na tao kaya naman nung kinausap niya ako at tinatanong ng mga bagay- bagay ay sumasagot naman ako ng maayos. Later we realized na nagkikwentuhan na pala kami after the mass. She then invited me to visit her island resort at pinaunlakan ko iyon. We went to her resort riding a speed boat at sobra akong na-amazed pagtapak ko pa lang sa isla niya. Sinalubong kami ng ilan sa mga staff niya.

“Nagustuhan mo dito, iha?” tanong niya sa akin.

Masaya naman akong tumango tango, “Uhmm. Sobrang ganda po Lola! This is the very first time na makakita ako ng isla na may iisang resort lamang na nakatayo. Sa inyo po ba itong buong isla o yung resort lang?” tanong ko pa sa kanya.

“Ang buong isla ay pag-aari ko.”

Napa-wow shape nalang yung bibig ko at muling iginala ang aking mga mata sa kabuuuan ng mapunong isla.

“Gusto mo bang magkaroon at pamahalaan ang ganitong island resort?”

“If given the chance, why not?” nakangiti kong sagot sa kanya.

We had a simple dinner by the beach and it was awesome! I so love lobster kaya naman sobrang dami kong nakain. Maya-maya lang ay may iniabot siyang isang folder sa akin.

“Transfer of Deeds?!” Nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kanya. “Bakit po nakasulat ang pangalan ko dito?” Kanina sa simbahan ay naitanong niya sa akin ang buo kong pangalan at ibinigay ko naman. Tapos ngayon ay makikita ko na ang buong pangalan ko sa ganitong kasulatan? What the heck?!

“Wala na kasi akong ibang malapit na kamag-anak iha. Kaya naman ibinibigay ko na sa iyo ang property kong ito. Ilan lamang ito sa mga pag-aari ko. Masyado na akong matanda at hindi ko na kayang pamahalaan ang lahat ng iyon.” Paliwanag niya.

“Pe-pero bakit po ako? Why so sudden? And besides kakakilala lang po natin kanina. Sorry po but I can’t accept this.” Muli kong isinoli ang folder sa kanya.

“Tanggapin mo na lang, Iha. Sige na. Magtatampo si Lola sige ka. Kapag ako namatay, mumultuhin kita.” Banta pa niya.

“Lola naman eh! Huwag nga kayong magsalita ng ganyan. Ang lakas lakas niyo pa po kaya. And I feel na may iba pang deserving na magmana nitong isla at hindi po ako iyon.”

“But Jane, I want you, unang kita ko pa lamang sa iyo ay sobrang gaan na ng loob ko sa iyo at napakabuti pa ng puso mo. Please, I’m begging you. Accept this simple gift from me. Gusto mo ba ay lumuhod pa ako sa harapan mo para lang tanggapin ito?” Aniya at akmang paluhod na talaga siya.

Pinigilan ko siya sa balak niya,“Lola naman. Huwag na. Ito na nga oh, tatanggapin ko na po.” Bigla ko nalang nasabi. Well, dahil sa gusto ko rin talaga ang islang ito kahit pa na nahihiya ako sa kanya.

Lumawak ang pagkakangisi niya at inabutan niya ako ng ballpen, “Here. Sign that above your name.” Aniya.

Kinuha ko ang ballpen at nung akmang pipirmahan ko na ang papel ay bigla na lamang sumakit ang pointing finger ko at napatakan ng dugo ang papel na susulatan ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sugat. Inisip ko na lang na baka sa lobster. “Ayy! Lola, may dugo.”

“Don’t worry. Just sign the paper.” Sabi naman niya at nakangiti pa rin. Kahit masakit ang kamay ay pinirmahan ko na nga ang papel.





“Shit! Shit! Shit!” Inis ko nalang na nasabi. “What have I done? I’m such a fool!” Sa tingin ko ay wala na akong ibang pwedeng gawin sa mga oras na ito kundi sisihin ang sarili ko.

“Wala na kayong magagawa Kamahalan kundi tanggapin ang pagpuputong ng korona sa inyo sa susunod na ikalawang gabi sa pagsapit ng Pinakamalaking buwan.” Lumapit sa akin si Ibyang at inayos ang suot kong mukhang ewan na damit.

Inis kong tinabig ang kamay niya, “Pero bakit ngayon lang?! Bakit ngayon pa kung kelan kasama ko pa ang mga kaibigan ko. Hindi sila dapat nadamay rito.”

“Isang beses lamang sa loob ng isandaang taon dumarating ang pinakamalaking sinag ng Buwan, Kamahalan ay yun nga ang sasapit sa taong ito,” Paliwanag ni Barto. “Patawad kung pati sila ay nadamay. Sa pagtatapos ng pagpuputong ay muli silang makakabalik sa kanilang mundo, Kamahalan. Ngunit ikaw Kamahalan ay maglalagi rito sa iyong kaharian na nasa ibang mundo.”

“Is this some kind of joke?!” Singit ni Liza sa usapan. “If yes, pwes hindi siya nakakatawa. We can’t leave Jane here. Hindi siya katulad niyo. Normal na tao lang yang kaibigan ko.”

“Bakit ka naman kasi pumirma, gaga ka!” paninisi ni Richard sa akin.

“Hindi ko alam, okay?!” sagot ko naman sa kanya.

“Lagi ka namang walang malay,” ani Vangie na humalukipkip pa.

“Yung totoo, mga kaibigan ko ba talaga kayo?”  may kaunting hinanakit sa tonong ginamit ko, “I went here to heal my broken heart at wala sa hinagap ko ang maging Reyna ng kaharian na whatever na ito.”

“Eh bakit mo tinanggap itong resort?” segunda niyang tanong.

Bakit ko nga ba tinanggap at hindi na lamang ako tumanggi noon? Lola, bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?

Masyado nga siguro akong nagpakaambisyosa at dinibdib ng sobra ang sugatan kong puso.

Eh di ikaw rin ang sumagot sa tanong mo. Pat utak ko ay ako na rin ang ipinagkakanulo.

“Tama na yan,” sabat ni Miguel na tila nag-demand ng isang mahalagang kautusan.

“Isa ka pa!” singhal naman ni Liza kay Miguel, “Kung hindi mo sinaktan si Jane edi sana hindi niya maiisipang pumunta rito mag-isa then later on ay magpapaburo dito. At higit sa lahat, sana ay wala tayo dito ngayon.”

“Liza!” saway ko sa kanya.


“Ahhh!” nagulat ang lahat  at agad na natigil ang mainit na diskusyunan sa pagitan naming lahat dahil sa biglaang pagsigaw ng lima kong staffs at sa biglang paglitaw na rin ni Ken dala ang isang garapon na may lamang tubig. Isinaboy niya iyon sa limang staff at agad na nanigas ang mga ito.

“Ken!” Alam kong nagningning ang mga mata ko pagkatawag ko sa pangalan niya.  I’m so glad that he’s safe. Thanks po Papa God. Sana sina Mary, Marlon at Baby Michael rin ay nasa maayos na kalagayan.

“Guys, we have to go at kailangan nating magmadali. Magsasara na ang lagusan palabas sa dimensyong ito.” Sabi ni Ken sa lahat.

Binuhusan niya ng dala niyang tubig ang bawat isa sa amin and in an instant ay nakakagalaw na kaming lahat ng normal. Kahit ang suot kong weird na damit ay muling nagbalik sa dati.

Hinawakan ako sa kamay ni Ken, “Okay ka lang?” nag-aalala niyang tanong.

“Uhmm,” sagot ko naman sa kanya at tumango, “Ikaw, okay ka lang din ba? Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo. Saan ka galing? Tsaka anong klaseng tubig yang dala mo?”

“Mamaya na tayo mag-tanungan. Tara na.” He lead the way habang hawak pa rin ang kamay ko. Nakasunod sa amin ang iba pa naming mga kaibigan at katahimikan ang tangin mong maririnig mula sa amin. Malamang ay dala pa rin iyon ng naging sagutan namin.

“Ahm, Ken. Alam mo kung saan ang daan pabalik?” muli kong tanong. Binabagtas namin ang isang kakahuyan na may mga punong iba-iba ang kulay. Mayroong pink ang trunk then orange ang mga dahon, meron ding blue ang mga dahon habang ang mga sanga ay yellow at green. Para kaming nasa wonderland.

“I have just found it out, even the mystery of this place,” aniya.

Nagulat ako sa naging sagot at literal na napa-nganga ako sa isinagot niya, “Pero paano?” takang takang takang tanong ko sa kanya.

“Let’s just say na isa akong espesyal na tao, Jane.” Makahulugan niyang sagot sa akin at kininditan pa ako.

“I don’t get you.” Nagtataka pa ring sabi ko sa kanya at ayaw ng utak kong maniwala sa kanya. Maybe all the things happening right now sa paligid ay matatanggap ko pa, pero si Ken as special person na may super powers? Isang malaking question mark yun para sa akin.

“You don’t have to.”

Argh! Pati ba naman ikaw Ken ay gugulo pa sa isip ko?

“Ang sweet talaga. HHWR.”

Tinignan ko ng masama ang bruha kong bestfriend na nasa likod ko lamang, “HHWR ka diyan?”

“Holding Hands While Running. Ayan oh!” turo niya sa mga kamay namin ni Ken na magkasalikop pa rin. “Malinaw na ebidensya.”

“Nakakaselos naman yan,” pangbubuska ni Ruth na hindi ko alam kung may bahid ng katotohanan ang sinabi niya.

Bigla akong bumitaw mula sa pagkakahawak ni Ken.

Napansin kong may hawak si Ken na isang bagay na mukhang compass. Ang ipinagkaiba lamang nito sa compass ay marami itong direksyon na tinuturo na hindi ko maintindihan. Even the letters na nakasulat doon ay hindi ko rin maintindihan. Bigla itong umilaw at nakaturo ang liwanag nito sa isang malaking puno. Ito ang pinaka kakaiba sa lahat ng kakaibang mga puno na nadaanan namin. Kulay itim ang lahat ng bahagi nito ngunit kumikinitang ito ng kulay ginto. Weirder, right?

Ang punong iyon ay biglang nagkaroon ng butas sa trunk nito na mukhang lagusan.

“Ito na ang daan papunta sa resort. Pabalik sa mundo natin,” Imporma ni Ken sa lahat. “Tara na,” aniya habang nakalahad ang mga kamay niya. Ngunit hindi ko na nagawa pang abutin iyon sapagkat bigla na lamang yumanig ang lupa.

Napaupo ako dahil sa lakas ng impact nang pagyanig at tila ang parteng kinalalagyan ko ay papalayo sa kanila.

Nagkaroon ng malaking bitak ang lupa sa pagitan ko at sa mga  kaibigan ko.

This is so unfair! Nag-iisa lang ako habang sila ay magkakasamang lahat sa kabilang parte.

“Jane!” sigaw ni Ken. “Jump over here!” utos  niya sa akin but I can’t move.

Naghari ang takot sa dibdib ko. Hindi ko kayang talunin iyon dahil kung susukatin ang awang na nabuo, ay mga tatlong dipa yata ang layo nun.  Sa isang iglay ay isang malalim na bangin na ang naging pagitan ko sa mga kaibigan ko at hindi ko kakayanin ang tumalon papunta sa puder nila.

“I can’t.” nanlulumo kong sagot. Lalo pa’t nararamdaman kong mas lalo pa akong lumalayo sa kanila.


“Migz!” Sigaw ni Mirasol.

Nabigla ako at marahil ay sila ding lahat nang talunin ni Miguel ang bangin at padapa siyang napunta kung nasaan ako.













Chapter 7 – The Escape

Mas lumaki pa ang awang ng bangin at hindi na yun kakayanin pa ng pagtalon.

“Bakit mo ginawa yon? Bakit ka pumunta rito?” Inis kong tanong sa kanya habang pinupunasan ang mga luha kong di ko na mapigilan sa pagtulo.

Jane, stop crying! Ngunit ayaw sumunod ng mga mata ko sa iniuutos ng aking isipan.

Hindi ako pinansin ni Miguel at kinausap niya si Ken sa kabilang side ng bangin, “Give me that compass! Hahanap kami ng ibang dadaaanan. Magkita na lamang tayo sa resort.” Sigaw niya kay Ken.

Inihagis naman ni Ken ang compass papunta kay Miguel at nasalo naman niya ito. “That’s not a compass. Baglian ang tawag diyan. Aside from the direction, that would also protect you and will give you some help na kakailangan ninyo. Bilisan ninyo ang paghahanap ng ibang daan papunta sa punong ito dahil sa liwanag lamang ng araw gumagana ang bagay na iyan.”

Tinanguan ni Miguel si Ken. Pati na rin si Mirasol at nakangiting tumango rin ito pabalik sa kanya.

“Mag-iingat kayo,” sigaw ni Liza.

“Sabay-sabay tayong aalis rito. We will wait for both of you,” sigaw naman ni Vangie.

“Migz, take care of her. Nagtatapang tapangan lang yang babaeng yan but deep inside, she’s still the same Jane that we know,” ani Ruth na tinamaan ako.

Yeah, this is the still the same me after all.

Bigla akong napangiti. They knew what I am not saying. Mga kaibigan ko talaga sila and we are mutually brothers and sisters by heart.

Salamat…

“Huy, mukha kang baliw. Huwag kang ngumiti diyan,” basag trip ni Rich. “Ingat ha. At gaya ng bilin ni Lola ko, magpakatotoo!”

Napangiwi ako sa sinabing iyon ni Rich. Magpakatotoo talaga?

“Tara na, tara na,” ani Martin at kumaway sa amin ni Miguel. Iginiya na niya ang girlfriend niyang si Vangie papasok ng butas sa puno.

Isa-isa na nga silang pumasok at nanlulumo akong nakatingin na lamang sa kanila. Kung sana ay hindi ako bumitaw kay Ken, marahil ay kasama kami ni Miguel na nakabalik na ng resort ngayon.

Ang tanga tanga mo talaga, Jane! Oo na. Alam na alam ko yun.

“Tara na.” Nauna na si Miguel sa paglalakad at sinundan ko naman siya.

“Migz, bakit mo sabi ginawa yun?” muli kong tanong.

“Ang alin?” tanga tangahan niyang sagot tanong.

“Ang magpaka-tanga na tumalon papunta sa akin.” Inis kong sagot. Pakiramdam ko kasi ay nagkaroon ako ng isang malaking utang na loob dahil sa ginawa niya at ayoko ng pakiramdam na iyon.

Mas mabuti pa nga yata na naiwan na lamang ako mag-isa rito at lahat sila ay makakauwi na ng ligtas sa kani kanilang mga tahanan. It’s better to be miserable alone kaysa may nadadamay na ibang mga tao.

“Anong gusto mo ang hayaan ka naming mag-isa? A simple ‘thanks’ will do, Jane. Don’t think of this a big debt of gratitude.” Aniya.

Anak ng patolang mais naman oh! Ito na naman siya sa pagiging ‘the great mind reader of Jane Dela Merced’. Lagi nalang niya naiisip kung ano rin ang naiisip ko. Hindi naman kami sina B1 at B2. Naiiling na lang ako at nahiling na sana ay hindi na lamang siya ganito- yung mind reader na peg.

“Sanay naman na akong mag-isa,” medyo papahina kong tugon. I have been living in my island alone kaya nasasabi ko sa kanyang sanay na ako. Hindi na ako ang dating Jane  na takot mapag-isa at gusto ay laging may kasama kahit pa na sa sariling kuwarto ko lang.

Tumigil siya sa paglalakad at matamang tumingin sa akin, “Hindi ka nga takot. Hindi halata diyan sa mga luha mo.” Aniya at sa paraan ng pagkakatingin niya ay parang sinusukat niya ang buong pagkatao ko. Same old Miguel na wagas kung makatitig. “Stop crying over the things that doesn’t deserve to hurt you.”

Stop crying over things that doesn’t deserve to hurt me? Ano nga ba ang mga bagay na iyon? Hindi naman bagay ang pumasok ang utak ko kundi tao. At iyon ay walang iba kundi siya.
He doesn’t deserve to hurt me? The hell! Paanong mangyayari iyon eh minahal ko siya ng sobra.

Medyo nailang ako at nagbaba ng tingin, “Nagulat lang ako sa mga pangyayari and I also stop crying over you because I don’t deserve to be hurt by you. Pwede akong umiyak sa kahit anong dahilan pero hinding hindi na dahil sa’yo.” Tagos sa puso kong sabi sa kanya.

Nilampasan ko na siya at nauna na akong naglakad. I gazed around and I felt that this place is quiet familiar. Parang nakarating na yata ako sa lugar na ito. “After all, tao pa rin ako.” mahina ko pang turan and I’m not sure kung rinig pa niya iyon.

“Alam mo ba ang daan?” tanong ng kasama ko.

“Hmmm. The place seems familiar.”

“According to this compass, we’re walking towards the right path.” Rinig kong sabi ni Miguel sa likuran ko. “But the light is starting to fade. Palubog na kasi ang araw. Tama si Ken,” may tono ng pag-aalala sa boses niya.

I grabbed his hand, “Bilisan na natin.”  Wala naman ng malisya ito. After all again, we belong to the same circle of friends.


-----------------------------------------


Medyo mahaba haba pa ang daan na tinatahak namin ngayon. Nasisinagan pa naman ng konting liwanag ang paligid although kanina pa wala sa eksena si Haring Araw. Panigurado maya maya lang ay magiging sobrang dilim na ng buong paligid. Kaya kailangan talaga naming magmadali dahil tiyak at literal na mangangapa kami sa dilim maya maya lang.


“Bilisan pa natin dahil padilim na,” sabi ko sa kasama ko.

"Naka-move on ka na?" out of nowhere na tanong sa akin ng halimaw na ito. Bakit ko nga ba siya tinawag na halimaw?

Halimaw talaga? Wala naman, trip ko lang. Basta halimaw siya. Yun na yun.

Nang lingunin ko siya aba’t ang laki ng ngisi at parang nang-aasar at nanghuhuli kung mapapa 'hindi pa' niya ako sa tanong niya.

Saan nanggaling ang ‘Hindi Pa’ Jane?

I think I should stop over thinking. Spell ASA!


"Sira ulo ka. Matagal na noh," mataray ko namang sagot sa walang kwenta niyang tanong. "Masyado akong busy sa pagpapatakbo ng resort ko para maisip pa kita."

"Weh, hindi nga?"

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya habang nakapamaweywang, nakakunot ang noo at nakataas pa ang kaliwang kilaw. "Miguelito Ruiz, tigil tigilan mo ako diyan sa pang-aasar mo ha! Pag sinabi kong matagal na, meaning matagal na.”

“Eh ayokong maniwala eh. What can you do?” nasa tono pa rin niya ang pang-aasar?

All of a sudden habang naiistress kami sa paghahanap ng daan ay yun ang itatanong niya, hindi pa ba siya nababaliw?

Sige lang Miguel, simulan mo ako.

“Di pa siya nakaka-move on. Mahal pa niya ako,” aniya at tumawa pa nang malakas na parang baliw!

“Pag ikaw pinatulan ko, baka bigla kang bumalik sa akin at iwanan mo si Mirasol." Ngumiti pa ako ng fake pero agad din akong sumimangot. Alam mo yung ngiting sarcasm? Ganun!

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko pero agad din naman siyang nakabawi at ngumisi na naman, "Uy, mahal pa niya talaga ako..." Pang-aasar pa ng hudyo at ang sarap lang niyang kutusan. Tumingin siya mga kamay naming magkasalikop pa rin, “ayan ang ebedensiya oh, nakalatag sa harapan nating dalawa.” Muli siyang tumawa ng malakas. He’s acting so weird. Nakakain ba ng masamang hangin ‘to? O baka nasaniban ng kung anumang elemento sa paligid.

"Mahal mahal ka diyan! Mahal na bigas! Leche lang talaga, Miguel. Ewan ko sa'yo. Mag-assume ka habambuhay." Inis ko siyang tinalikuran at mabilis na inihiwalay ang kamay ko sa kanya.

Nagtuloy na ako sa paglalakad papunta sa isang kweba. Kahit huwag na siyang bumuntot sa akin ay okay na okay lang. Of all our friends, kung bakit naman kasi siya pa ang nakasama ko!

Naramdaman kong parang wala ng nakasunod sa akin at tama nga ako ng hinala. “Ano? Tatanga ka nalang diyan?!” Inis kong tanong sa kanya. Hindi siya umabante sa paglalakad at parang nag sa-sight-seeing nalang siya ng likuran ko.

“Pero di nga? Mahal mo pa ako?”

“Isa pang tanong, makukutusan na talaga kita! Para kang tanga kung magsalita. Walang Mirasol sa buhay mo?”

Hindi siya nakasagot kapagkuwan ay naglakad na rin siya palapit sa akin.




"Te-teka lang, Jane!" hinawakan niya ang kamay ko dahilan para ako naman ang biglang matigilan. I mean, matigil ako sa paglalakad papasok ng kuweba. Kasi nga hinila niya ako.

Defensive si Ate. Shut up!

"Anu ba!" piksi ko. "Hindi mo ‘ko kailangang hawakan." agaw ko sa kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ang dilim dilim diyan, sigurado ka bang papasukin natin yan? Wala pa tayong dalang flashlight. Hindi ka ba natatakot?"alanganing tanong niya.


Napangisi ako sa sinabi niya pero saglit lang. Anong akala niya sa akin? Consistent na matatakutin? Hah! Akala niya lang yun.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ko, "Hindi. Eh, ikaw? Nababading ka na?"


"Bading kaagad? Hindi ba pwedeng nag-aalala lang muna?" Umiiling pa niyang sabi. "Sige na, tara nang pasukin yan. Matapang ka pala eh. Tsaka iyo naman itong isla at kabisado mo na ang pasikot sikot dito." Sarkastiko niyang sabi. Nilampasan na niya ako at siya pa ang nanguna sa pagpasok namin sa madilim na lagusan na sa pagkakaalam ko ay ang short cut papunta sa kung saan nga ba?

Sheet of paper! Nakalimutan ko na...... Argh!

Hinawakan ko siya sa braso at hinila pabalik sa may bungad ng kuweba, “Ano na? Akala ko ba papasukin na natin ‘to?” Tanong niya na may halong pagtataka.


“Ano kasi…” Pilit kong ina-alala kung saan patungo ang kuwebang ito ngunit hindi ko makuha ang sagot sa tanong ko. Parang may mali eh. Ramdam kong napuntahan at napasok ko na ang kwebang ito at ito ay isang lagusan papunta sa kung saan na hindi ko maalala.

“Hindi ko maalala kung saan papunta ang kwebang ito. Nakapunta na ako dito pero naguguluhan pa rin ako dahil hindi ko alam kung saan nga ba ang kahihinatnan ng daan na ito. Isn’t it weird?” tanong ko kay Miguel habang nakakunot ang mga noo. For me, it is really weird and….strange.

“Talagang weird. Almost two years ka dito sa isla, you’ve been here pero hindi mo matandaan ang daan? That’s new. Matandain ka sa mga lugar, Jane. Kahit isang beses mo pa lang puntahan ang isang lugar, kabisado mo na ang pagpunta ulit doon.” Aniya. What else can I say? He really knows me.


Pilit ko pa ring hinahalukay sa bank memory ko ang panahon kung kailan ako nagawi sa parteng ito ng isla and I was thinking out loud, “Ang tanging naalala ko few days after I started to live here, nag-hiking ako mag-isa. I even camped nearby the falls tapos naglakad lakad lang ako at nakarating nga ako sa kwebang ito. I stepped inside of it,” biglang sumakit ang sentido ko. “Ouch!” Napahawak ako sa aking noo dahil sa sakit na naramdaman ko. Parang pumitik nang malakas ang isa sa mga ugat ko sa ulo.

“Jane….” Bakas sa tono ni Miguel ang pag-aalala. He even came closer to me at hinawakan ako sa mga balikat. I felt his heartbeat at my back.

“O-okay lang ako.” I took off his hands over my shoulders at medyo lumayo rin ako sa kanya. Somehow, it felt a little bit of awkward. “The next thing I remembered ay nasa kuwarto ko na ako sa resort.”

“Then what now? Papasukin na ba natin ang kuwebang ito and then the next day that we will wake up ay nasa resort na tayo kasama ang mga kaibigan natin?”

“Shut up!” Asik ko sa kanya.

“Then what shall we do?! Wala ng bisa ang compass dahil wala ng liwanag!”

“I don’t know!”

“Me neither!” Hinila niya ang kamay ko at akmang papasukin na namin ang kuweba.

Don’t go inside! A part of me is whispering na huwag pumasok sa loob. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang bulong na iyon. It sounds like a warning. “No!” Pigil ko sa gustong mangyari ni Miguel.

“Why no?! Let’s take the risk, Jane.”

“I won’t take risks anymore. Ayoko. May nagsasabi sa akin na hindi natin dapat pasukin ang kuwebang yan. Baka mapahamak lang tayo. Humanap nalang tayo ng ibang daan.” Tumalikod na ako sa bunganga ng kweba.

“Wow ha. Saan galing yan? Sa magaling mong instinct? To that same shitty old instinct you used to decide on breaking up with me?” May bahid ng sarkasmo ang paraan ng pagkakasabi ni Miguel. As I looked on him, his eyes are full of hurt and his jaws are even clenching.

“Migz!” suway ko sa kanya, “This isn’t about us anymore! Tapos na yon!”

“Na tinapos mo!”

“Because you wanted to!”

“Hindi ako ang may gusto!”

“Then sino? Ako?!” turo ko pa ang sarili kong dibdib. All the hurt that I have been burdening from the ground ay tila nagkusang magsipagbangon ang mga ito mula sa pagkakalibing. “Hindi ko kayang makita na ikinakasal sa ibang babae ang lalaking mahal ko. Hindi ako masokista! Your whole plan is so stupid na kahit isang cell sa buo kong katawan ko ay ayaw pumayag sa gusto mong mangyari.”

I really hate confrontations. Ito talaga ang ayaw kong mangyari eh. Pakiramdam ko ay para na akong mauubusan ng enerhiya. Kasabay ng panpitik ng sentido ko ay ang muling pagbangon ng sakit na nakabaon rito sa aking dibdib.

Ang sarap lang magbigti sa mga sandaling ito.

Napahilamos siya ng mukha na tila mauubusan na siya ng pasenya, “Temporary lang naman, Jane. Temporary! Hindi mo ba maintindihan yon?”

“Tsk! Never will I can.”

“Pero kung hindi ko gagawin ito ay mamatay ka. At hindi ko hahayaang mangyari iyon.”

“It’s not true!” halos maputol na ang mga litid ko sa leeg sa paraan ng pagkakasigaw ko. “That’s the shittest thing I ever heard. Walang ibang pwedeng makakapagdikta ng kamatayan ko kundi ang Diyos lang, Migz. At hindi Diyos ang pamilya mo.” Ito na naman kami at pinag-aawayan ang mga bagay na pinag-aawayan din namin noon.

Who would believe on that cursed legacy? Lokohin nila ang lelang nila!

“I just want you to be safe. Mabuti na yung sigurado. Hindi ko hahayaang mamatay ka nang dahil sa akin. Dahil mahal kita!” malakas na rin ang boses ni Miguel at konti nalang ay gusto ko na muling umiyak. I don’t like him being mad like this. Pakiramdam ko ay muling nabuhay ang takot sa dibdib ko. Takot sa maraming bagay na hindi naman dapat katakutan.

“Kaya ba kumuha ka nang isang katulad ni Mirasol na ipapalit sa akin? Ano siya, immortal?” sarkastiko akong tumawa. “Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako hahayaang masaktan.”

“You don’t deserve to get hurt. Kung sana ay pumayag ka sa solusyon na naisip ko, hindi tayo ganito ngayon. You decided on things na hindi dapat. Kaya yan, sobra kang sasaktan ngayon!”

“Shit lang Miguel! Breaking up with you was never that easy. Pakiramdam ko ay pinatay ko ang buong pagkatao ko. Pero huwag na tayo mag-gaguhan. Magpapakasal ka sa iba habang tayo pa? Maglason ka nalang!”
Tear duct gland, stop functioning for a second please. Let me just say my final words. Mabuti nalang at sumunod ang mga luha ko sa munti kong paki-usap. I’ll give a reward to myself later for having a little bit of bravery.

“Napapagod na akong makipagtalo sa’yo, Migz. Walang kwenta ang usapang ito kaya tigilan na natin. Kung gusto mong pumasok sa kwebang iyan then go ahead. Maghahanap ako ng ibang daan. Doon sa daan na wala ka!” I then started to walk away from him.

Sana pala ay hindi mo na hinayaang maglandas pa ang mga daan ninyo, Jane. Tatanga tanga ka na naman.

-----------------------------------------








Chapter 8 – The Spring


BUT THEN HE didn’t left me.

We camped under a big tree. Ceased fire na muna. Madilim na ang paligid at tanging liwanag sa kalangitan dala ng mga bituin at ng buwan na lamang ang makikita. He made a bon fire at ito ang nagsilbi naming ilaw. Nag-roast din siya dito ng nahuli niyang wild chicken.
Masyado talaga akong napagod that’s why every time he will try to talk to me ay hindi ko siya kinikibo. Dala rin ng pagod, stress at lahat na ng klase ng emotions na pwede kong maramdaman sa araw na ito ay hindi na ako makaramdam ng gutom. I just stared on what he is doing. Kahit nung abutan niya ako ng manok ay tinanggihan ko iyon.

“I’m not starving.” Tangi kong nasagot using a very tired tone of my voice. Para talaga akong isang battery na super drained na.

“Jane, I’m sorry.”

“I’m okay.”

“Please kainin mo na ito.”

 “I said I’m not starving and I’m okay.”

“You’re not okay and we both know that,” kontra niya sa sinabi ko.

I looked at him straight to his eyes at sa paraan ng pagkakatingin ko sa kanya ay tila naghahamon ako ng isang labanan, “Then make me feel okay.”

He dropped the roasted chicken and came closer to me and hugged me so tight. In a split second ay sakop na ng bibig niya ang mga labi ko and I am fighting back the fire that he is rising up to my inner soul.

Same old feeling…

Ramdam ko ang paglapat ng aking likod sa malamig at matigas na kalupaan na tanging mga damo lamang ang nagsisilbing sapin. He’s now on top on me and I am not or will not ever ask him to stop what he is doing right now. This is what I need. He really knows how to make me feel better. His very protective arm around me does mean a lot of comfort to my whole.

His mouth slowly went down to my neck and I can feel his hand exploring and caressing my body while his other hand was still embracing me. Itinaas ni Miguel ang laylayan ng suot kong t-shirt so that my brassiere will be exposed.

“Migz……Ah….” I moaned as his mouth reached my left breast while his hand is playing the right part at halinhinan niyang pinagpalit ang kanyang bibig at kamay sa magkabilaan kong dibdib.

He went back to my face and kissed me again passionately and of course I gave back to him the pleasure he is giving me right now. My mind is telling me that this isn’t right. This is very unfair to Mirasol. Magpapakasal na sila at ako ay isang dakilang ex na lamang sa eksena.

But then, this ‘hot’ scene above me is telling me that I shouldn’t care. Mahaba pa ang gabi at kaming dalawa lamang ni Miguel ang nandito. Just cherish the moment, treasure this wonderful memory and regret everything later. Maybe that’s what I should do.

 He stopped what he was doing and stared at me blankly dahilan para kumunot ang noo ko.

“Ipasok ko na ba?”

Mas lalong kumunot ang nakakunot ko ng noo sa naging tanong niya. Like duh?! Tinatanong pa ba iyon?!

“Or will I stop on here?” Muli niyang tanong na lalo ko lamang ikinabwisit. Alam niyo yung salitang ‘bitin’? Itong ito yun eh!

‘Argh! Miguelito Ruiz! Tinatanong pa ba yan?! Napaka abnormal mo talaga! Ang sarap mo lang ihawin at kainin ng buong buo!’

Sa inis ko ay ito na lang ang nasabi ko, “Do whatever will make you come! It’s either using your hand or being on top of me. Alam natin pareho na ayaw mong nabibitin dahil lalagnatin ka bukas.” I then smirked.

--------------------------------------------------------


AS I opened my eyes, Miguel was still hugging me. At ako ay ganun rin sa kanya. Kung paano kami natulog kagabi ay ganun pa rin ang pwesto namin ngayong gising na ako. I smiled as I can see him still sleeping soundly. Dahan dahan akong tumayo for him not to be awakened.









 I’m sorry Migz, but I have finally decided.



Last night as I feel asleep, I dreamt of Lola Mystica…


Puti ang paligid at wala akong makita na kahit anumang bagay.

“Iha…” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Paglingon ko ay nakita ko si Lola Mystica. I wasn’t afraid dahil hindi naman siya mukhang multo. Napakakulay ng kanyang suot at mayroon siyang asul na pakpak na gaya ng sa paru-paro.

“Lola.” Agad akong lumapit sa kanya upang yakapin. “I missed you.”

Hindi siya sumagot hanggang sa humiwalay ulit ako sa kanya. “Anong nangyayari? Totoo ba ang lahat ng ito? Yung sinasabi nila Moira? Bakit ko kailangang maging reyna na papalit sa’yo?” sunod sunod kong tanong sa kanya. “Nasaan na po yung resort? Nasa isla pa ba kami? Bakit ganito dito? Hindi ko na maintindihan.”

Iwinasiwas niya ang kanyang kamay at lumitaw sa paligid namin ang Mystical Resort. “Ito ang mundo ng mga tao kung saan nagkukubli ang kaharian ng Minerva.” Tila umikot ang isla at ipinakita naman ang isang makulay na lugar. Mayroong mga iba’t ibang nilalang ang nagsasaya at nagliliparan. Pati ang itsura ng mga hayop at halaman ay kakaiba rin.   “Ito ang Minerva na siyang iyong pamumunuan bilang Reyna. Ang lugar kung nasaan ka ngayon ay ang pasukalan ng Minerva.”

“Of all people, why me?”naguguluhan ko pa ring tanong sa kanya.

“Ikinalulungkot ko Jane ngunit iyon ang batas ng kahariang ito. Sa paglipas ng isandaang taon na kasabay ng pagdating ng pinakamalaking buwan ay kailangan nang maisalin sa iba ang korona.”

“Pero sana sa iba nalang ipatong ang korona. Bakit sa akin pa?”

“Dahil ikaw ang nararapat at ikaw ang itinakda.”

“Paanong ako, Lola? Ordinaryong tao lang po ako.”

“Ang iyong dugo ang nagpatunay na ikaw ang karapat dapat. Tanggapin mo na lamang ang iyong tungkulin. Magkakaroon ka ng kapangyarihang taglay ng pinakamataas na antas ng Selvana.”

“Ano pong Selvana?”

“Diwata.”

“Diwata?! Hindi po. Ayoko.”

“Kung hindi mo tatanggapin ay mamatay ang lahat ng kaibigan mo.” Pagbabanta niya.

Napaiyak ako sa sinabing iyon ni Lola. Walang kinalaman rito ang mga kaibigan ko. Bakit nila kailangang madamay?“Bakit niyo ho kailangang idamay ang mga kaibigan ko? Wala silang kinalaman rito. Isa pa, hindi ho ako pwedeng maging reyna ng Minerva. May pamilya pa rin akong babalikan at mga kaibigan na rin. You know from the start that I was just here to mend my broken heart pero bakit kailangan niyo akong patungan ng isang napakabigat na responsibilidad? Hindi ko rin ho kailangan ng kapangyarihan. Being an ordinary person is enough for me.”

“Ito ang tadhana mo Jane at kailan man ay hindi mo ito matatakasan. Nagmula ka sa lahi ng mga Selvana.”

“What? Nagbibiro ka lang lola, ‘di ba?!” Napaka imposibleng mangyari non. I have normal parents and a normal life, this is insane.

“Ang Dimensyong Gaia ay napapalibutan ng pitong kaharian. Isa na rito ang Minerva.
Si Mariposa ang dating namumuno rito at ikaw ay anak niya.”

Hindi ako nakapagsalita sa rebelasyong ito. Nagsisinungaling lang si Lola. Oo, tama. Nagsisinungaling lang siya.

“Ngunit ayaw niya nang may papalit sa kanyang pwesto bilang reyna kung kaya’t dinala ka niya sa mundo ng mga tao. Ganid sa kapangyarihan ang iyong ina na pati ang ibang kaharian ay gusto niyang angkinin. Isa-isa niyang sinubukang pabagsakin ang anim na kaharian. Dahil diyan ay nagkasundo at nagkampihan ang anim na kaharian upang kalabanin siya. Sa ikapitong pu’t anim na  taon niya sa pagiging reyna ay nagapi ko ang iyong ina kung kaya’t ako ngayon ang pansamantalang namumuno ng Minerva kasabay ng pamumuno ko sa aking sariling kaharian, ang Physis. At ngayon nga ay isa na lamang akong Gabay sapagka’t sa Physis ay may bago nang mamumuno. Bukas ng gabi ay sabay sabay na kokoronahan ang pitong bagong Reyna at isa ka doon, Jane. Magiging ganap ka ng Selvana.”

“Hi-hindi ako papayag, Lola. No! Ayoko. Hindi ako isang Selvana o magiging Selvana. At lahat ng sinasabi mong ito ay puro kasinungalingan lamang.”

“Kung ganon ay mamamatay silang lahat na importante sa’yo.”

“No! Huwag mo silang idamay!”

“Sila naman ang pumipigil sa’yo hindi ba? Silang malalapit sa’yo ang mga dahilan kung bakit gusto mong manatili sa mundo ng mga tao.”

Natigilan ako sapagkat tama ang mga sinasabi niya.

“Pe-pero…”

“Mayroon ka na lamang isang gabi upang maisalba ang buhay ng mga kaibigan mo. Ang kwebang iyon ay ang lagusan papunta sa Mediatora kung saan gaganapin ang pagpuputong ng mga korona sa pitong bagong Tagapamahala ng mga kaharian.”

Sa isang iglap ay naglahong parang bula si Lola.


Nagising ako sa mahinang pag-alog ni Miguel sa akin, “Jane, wake up!”

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Madilim pa ang paligid ngunit mas malamig na ang hangin kumpara sa temperature nito kanina bago kami matulog. Nakaupo si Miguel sa gilid ko habang ako ay nakahiga pa rin.

Pinunasan niya ang gilid ng mga mata ko, “Anong napanaginipan mo? Bakit ka umiiyak?”

“Lie down,” utos ko sa kanya.

“Huh?”

“Just lie down.”

Sinunod niya ang utos ko. At sa paghiga niya sa aking tabi ay agad ko siyang niyakap. “Don’t say anything. I just want to hug you like this.” 

Hindi na nga siya nagsalita at niyakap rin niya ako. He kissed my forehead at marahang hinahagod ang aking likod.

How I wish to stay like this forever, to stay with the man I love the most. But then nothing is constant except for change, death and memories. Anang isinisigaw ng puso ko at muli akong nahulog…. Sa ilalim ng pagkakatulog.


----------------------------------------------------




Papunta na ako ngayon sa kweba na siyang nagsisilbing lagusan patungong Mediatora.
If I will be a fairy then magiging immortal na ako. I will be ageless, powerful and will own a kingdom. Not just a resort or an island but a very mystical kingdom indeed. Not bad. So I’ve finally decided to take the responsibility. My friends are important rather than my own desire which is to have a normal life.

“Ay palaka!” Isang kamay ang mabilis na humatak sa braso ko dahilan para matigil ako sa paglalakad papasok ng kweba.

Dahil sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko namalayang may nakabuntot pala sa akin.

“Where do you think you’re going?” hinihingal niyang tanong. Mariin ang pagkakahawak niya sa braso ko as if he won’t let me go.

Oo nga pala, he already let go of my hands two years ago.

“To the place where I truly belong,” taas noo ko pang sagot sa tanong niya.  And that is not at your side…

“Hindi dito ang lugar para sa’yo kundi sa piling ko lang,” I was stunned on what he said. Sana talaga katulad niya ay nakakaya ko ring basahin ang nasa isip niya.

Dagli niya akong binuhat at naglakad siya papalayo sa kweba, “Mi-migz! Hey, put me down. I have to go in there!” palag ko ngunit masyadong malakas ang mga braso niya at hindi ko kayang makawala.

“You’re not going anywhere,” matigas niyang sabi.

“I said put me down!” Ngunit hindi siya natinag at buhat pa rin niya ako na parang isang sako. Patuloy kong pinapalo ang likod niya ngunit hindi pa rin niya ako pinapakinggan.

Napagod lang ako kakapalag kaya’t hinayaan ko na lamang siya.




TUMIGIL na siya sa paglalakad at ibanaba na niya ako. As I looked around ay nasa isang batis na kami na may napakalinaw na tubig. Mayroong napakalaking bato na nagsisilbi nitong hangganan at divider kung kaya’t nagmukhang hidden spring ang lugar. And I was quiet amazed. Naputol ang pag-aappreciate ko sa kagandahan ng lugar dahil muli akong binuhat ni Miguel nang tulad ng sa bagong kasal. He then went straight to the spring at nang nasa kalagitnaan na kami ay tumigil siya.

And I already know what he is thinking right now, “Huwag na huwag mo akong bibitiwan Miguel, umayos ka!”

Maraming salamat sa pagpapainom ng maraming tubig, Miguelito Ruiz. Great. Just great.

“What the heck!” Sigaw ko sa kanya nang makabawi ako mula sa pagkakahulog sa tubig. “Ano bang problema mo?!” hinampas hampas ko siya sa dibdib dala ng inis. Paano ako magpapalit ng damit neto eh wala naman kami sa resort.

“Para magising ka,” maikli niyang sagot.

“Magising saan? Ano bang alam mo ha?! Wala kang alam dito kaya hindi ka dapat nakikialam! I’m doing this to save all of you at nang makaalis na kayo sa pesteng lugar na ‘to,” muli ko siyang sinapak sa dibdib and I doubt kung nasaktan siya. Masyado itong matikas at walang laban ang maliit kong braso.

“Kami?” tumawa siya ng pagak, “Kasama ka, Jane. You do not belong here. Hindi ka magiging Selvana or diwata or Reyna dito or whatever. You’re not going to sacrifice yourself. Sabay sabay tayong aalis sa lugar na ito.” His voice was full of authority. Na para bang kahit anong mangyari ay iyon ang dapat na masunod.

“A-alam mo?” I was close to being speechless.

“You were sleep talking last night.”

Oh great. Just great again. Narinig niya pala ang lahat ng sinasabi ko habang kausap ko sa panaginip si Lola. Mas lalo lang ako nawalan ng sasabihin.

Inilabas niya ang Baglian. “Alam mo bang dahil dito ay hindi tayo nakikita ng mga alipores ng Lola mo at hindi ka rin niya malapitan kung kaya’t sa panaginip ka na lamang niya nakakausap?”

I just don’t know what to say.

“She was just trying to fool you. Hindi mo kailangang maging Reyna ng kahariang ito para lang mailigtas kami.”

I just continued staring at him. Ngunit biglang pumasok sa isip ko ang mga kaibigan namin kaya muli akong nakapagsalita, “Wait! If that thing is trying to protect us, paano na yung iba?”

“Kaya na ni Ken ‘yon,” he said as if he is 100 percent sure. “And the best thing that we could do right now ay hanapin ang daan pabalik sa kanila the soonest at sabay sabay tayong aalis sa lugar na ito.”

“What’s with you and Ken? Naguguluhan na ako sa inyo. At ano ba ang talaga ang bagay na iyan?”

“We have to get out of here first.” Aniya na hindi sinagot ang tanong ko.

Muli ko siyang hinampas sa braso dahilan para mag-react siya, “Aray! What’s that for?”

“Bakit mo ako kailangang lunurin?!”

“Para nga magising ka because you were acting stupidly.”

 “I’m not stupid!” singhal ko sa kanya. “I was just trying to save all of you.”

“Hindi ikaw kundi ang ginagawa mo.”

“Pareho lang yun. Ako pa rin yun eh! You’re the one who’s stupid,”

“Bakit naman napunta sa akin yung sinabi ko?”

“What with those words that I don’t belong anywhere but ‘sa piling mo lang?’ Alam mo ba yung sinasabi mo? You’re crazy!” Sigaw ko sa kanya.  He’s the one who’s stupid, right? May Mirasol na siya eh tapos sasabihan pa niya ako ng ganun.

 “Hahalikan na kita para tumahimik ka lang,” pagbabanta niya.

“Edi halikan mo!”

My eyes went bigger when he did what I have just said.  Nagpapakatanga ka na naman, Jane Dela Merced, you and your stupid mouth.

The next thing I knew ay gumaganti na rin ako ng halik sa kanya. Oh great. Three times great. You are really stupid Jane.

--------------------------------------------------















Chapter 9 – The Bitter Sweet Memories


Pinatuyo muna namin ang mga basa naming damit sa batuhan. Of course I have my undies on and him with his boxer shorts. Wala sa amin ang nagsasalita for about I think twenty minutes na. Maybe because of the word, AWKWARD.?

Like hello! We’ve been sharing kisses for two times at alam na alam naming pareho that we were just an ex couple now.

Hay Migz, bakit ba ginugulo mo na naman ang mapayapa ko ng mundo?  Hindi na pwedeng maging tayo. May Mirasol na sa buhay mo.

 Life is really so ironic. Parang dati lang, ako ang may status na in a relationship with Mark Ken Tapit pero ngayon ito’t engaged na si Miguelito Ruiz with Mirasol Cabasan.
And Jane Merced is now happily single.

Happily? Parang hindi naman yata.

Napatigil ang pagmumuni muni ko habang nakatitig sa batis nang tumayo si Miguel at lumapit sa akin.

Ipinatong niya sa aking balikat ang polo shirt niya and it felt a little warmth than even my heart was touched. “I really don’t like seeing you like that in an open space like this.” Aniya. The ever conservative Miguel he used to be.

Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa pagguhit ng alaala sa aking isipan…

“Hindi ka lalabas ng kuwartong ito na ganyan ang suot mo,” Iniabot niya sa akin ang isang plain white t-shirt na pag-aari niya. “Wear this! At huwag na huwag mong tatanggalin yan,”Aniya at talagang humarang pa siya sa pinto para hindi ako makalabas sa hotel room na inookupa namin. We were at Bali, Indonesia back then for our anniversary celebration.

Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay, “Mister Ruiz, sayang ang suot kong bikini, edi sana pala nag-gown nalang ako!”

“You can swim wearing my t-shirt, Misis Ruiz,” Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis. Kikiligin dahil tinawag niya akong Misis Ruiz pero maiinis dahil palalanguyin niya ako sa Bali Beach nang naka-t-shirt. Ang baduy kaya nun!

Kinilig ako syempre ngunit hindi ko pinahalata ito at sa halip ay pinakita ko na lamang na nainis ako. Pumunta ako sa kama at humiga. “Hindi na ako magsiswimming. Matutulog nalang ako maghapon dito.”

Lumapit siya sa kama at umupo paharap sa akin, “Mi… Ayoko lang na may ibang makakakita ng katawan mo. Gusto ko ako lang.”

I pouted, “Damot mo.”

Tumawa siya nang malakas, “Ikaw lang ang nag-iisang ipinagdadamot ko, Misis. Kaya pasensya ka na, bear with it and get use to it.”

“Ewan ko sa’yo!”Wala na akong masabi dala yata ng kilig or something like that.

“Tara na kasi. Just wear my shirt or choose wholesome clothes. Ang laki-laki ng maleta mo tapos maliliit na tela lang pala ang mga dala mo,”dagdag sermon pa niya.

Bumangon ako at nag Indian seat, “I really hate you.”

“And I love you too.” He leaned closer to me and kissed me on the lips at wala akong balak pumalag. Halik ni Miguelito Ruiz yun eh, bakit ako tatanggi? Like duh. I wouldn’t miss it for the world.

Matapos ang makaputol litid ng oxygen na halik na pinagsaluhan namin ay sumilay ang ngisi sa labi niya, “Dito nalang tayo sa kuwarto maghapon? That’s a very nice suggestion though.”

I stared at him badly, “At talagang natuwa ka pa sa suggestion ko ah. Mag-swimming na kasi tayo!”pagmamaktol ko.

“Magpapalit ka o isusuot mo itong t-shirt ko.”

“Aish!” naiinis akong pumunta ng banyo para magpalit ng damit. I ended up wearing a boxer shirt na tinernuhan ng isang floral short shorts.

Lesson learned: Kapag pupunta ng beach, huwag isasam ang boyfriend para walang KJ. Mag-ready nalang later para sa LQ o sermon kapag nakita na niya sa facebook ang mga pictures mo wearing those two piece swim suits.



Ang mga outing namin na magkasama ay ang siyang maituturing ko na pinakamasasayang events sa buhay ko. But why did it end up kung saan marami pa sana kaming plano? Mga getaways na nakasulat nang lahat sa planner namin pareho.  Bakit nga ba natapos ang masaya naming pagsasama ni Migz sa loob ng maikling panahon lamang? We were already planning of getting married ngunit nang dahil sa walang kwenta niyang legacy ay naputol ang lahat ng pangarap namin together.

Muli ko na namang binalikan ang para sa akin ay pinakamasama kong naging bangungot sa tanang buhay ko.

“You’re not breaking up with me!” tila kulog ang boses ni Miguel sa pandinig ko.

“Yes.  I am breaking up with you. Hindi ka naman siguro bingi.”

“You don’t have to do this.” Nagbago ang tono niya at para na siyang nagmamakaawa sa pandinig ko.

“ Huwag mo akong gaguhin, Miguel. Magpapakasal ka sa iba! Ano ng magiging papel ko ngayon sa buhay mo? Mistress, third party, kabit?” I was just controlling my tears to burst out. Natural na masakit ang naging desisyon kong ito but this is just the best solution to the problem.

“Pero ‘Mi… Hindi ko-…”

“Stop calling me ‘Mi. Jane ang pangalan ko at wala na tayo.”

He dragged the chair on his side at malakas na sinipa iyon na kaagad ikinasira ng walang muwang na upuan. “Bakit ba napakadali sa’yong itapon ang relasyon na ito? Minahal mo ba talaga ako?” the moment he looked at me, ay sumingaw ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

“Ikaw ang unang nagtapon ng relasyong ito Migz. Bigla ka nalang nagdesisyon mag-isa. Sa ibang tao ko pa nalaman. Shit lang Miguel! Talo ko pa ang nilagyan ng pupu sa ulo dahil sa ginawa mo.”

“Kaya nga ayokong ipaalam sa’yo dahil magagalit ka.”

“Eh sinong tangang girlfriend ang matutuwa kapag nalaman niyang yung boyfriend niya ay may plano palang magpakasal sa ibang babae. Huwag naman tayong maggaguhan Miguel. Let’s get it formal first. Tapos na tayo, wala ng tayo, it’s over. Ayan, go on! Pakasaya ka. Pakasal ka na sa iba. Best wishes, you bullshit!”

 He slapped me on the face. Hard. Of course I was truly shocked kaya mataman lang akong napatitig sa kanya pero alam kong tumatagos ang tinging ito sa kanyang budhi. I am mad. So much. Ito ang kahuli hulihang bagay na ineexpect kong magagawa ni Miguel sa akin. Ang saktan ako physically. Hindi lang puso ko ang nadudurog sa mga sandaling ito kundi pati na rin ang buo kong pagkatao. I was so degraded, my life that depends on him for the past two years, my womanhood, my pride, my ego, the whole me was shut down. Daig ko pa ang binaon sa lupa ng buhay, more than six feet below.

“Jane, I’m sorry. Hindi ko…”Sinubukan niya akong yakapin but I pushed him away with all my might. Hindi naman ako nabigo dahil napabagsak ko siyang paupo sa sahig.

“It’s over Migz. Bye. And don’t you dare see me again dahil sa kulungan na ang huling hantungan mo,” I said this while staring at him so sharply. I then walked out of his house still feeling so proud and alive kahit pa na sa loob loob ko ay namatay na ako.

Sa taxi ko ibinuhos ang lahat ng luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata. 




And the rest is history. He still tried to talk to me ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na makalapit pa sa akin ever. Tapos na kami. Wala ng team JaMi. (Jane and Miguel). Wala ng forever para sa akin.


“Bakit si Mirasol pwede mong pakasalan pero ako hindi?” My tears kept on falling habang tinatanong ito kay Miguel.

“Because she can’t die.”

Nagulat ako sa isinagot niya. What the hell is he talking about? “What do you mean? Isa ba siyang immortal?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

He wiped my tears before answering me, “Sort of. Sa susunod na buwan ay magiging ganap na siyang devata. Isang uri ng diwata na parang apprentice. Normal muna siyang tao and then later on ay magiging immortal kapag naipagkaloob na sa kanya ang kapangyarihang para sa kanya.”

Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya. Is this some freaking kind of joke? Papaanong nangyari iyon? Mirasol is a normal girl na kapatid ni Martin. “How? Younger sister siya ni Martin.”

“She’s adopted when she was seven. Pinadala siya rito sa mundo natin para mamuhay bilang isang normal na tao. This is her training ground.”

“Kaya mo siya pakakasalan dahil hindi siya mamamatay?”

Tumango si Miguel, “I can’t let you die, Jane. Mahal kita at ayokong madamay ka sa cursed legacy ko.”

“Pero hindi naman natin kailangang maniwala doon eh. Wala naman tayong sapat na basehan para paniwalaan ang nakasaad sa testament ng lola mo.” Depensa ko. Sa pagsagot kong ito ay tila nag-rewind sa aking isipan ang mga naging pagtatalo namin noon tungkol sa mana niya.

“Hindi ko kayang isugal ang buhay mo,” unti unting inilapit ni Miguel ang mukha niya sa mukha ko. He held my left face, “Because I love you so much that I don’t want you to die because of me.”

“But Migz, the moment you let me go and we parted ways ay parang namatay na rin ako,” muling tumulo ang masasaganang luha mula sa aking mga mata.

The next thing I knew ay sakop na ni Miguel ang mga labi ko kissing me so passionately at malugod ko itong sinusuklian. The feeling never changed. I still love him. Since I was fifteen up to now that I am already 24, it is Miguel whom I truly love the most.


“I’m sorry for all the pain I’ve caused you.” Aniya.

Sorry is not enough to ease all that pain, Migz. If only you knew, handa akong isugal ang buhay ko maging asawa mo lang…but you chose to let me go. I didn’t say this out loud instead I pushed him away and wiped my tears, “Tara na, hanapin na natin ang daan pabalik ng resort.” Muli ko ng isinuot ang mga damit ko na medyo basa pa at isinauli na sa kanya ang polo shirt niya.


---------------------------------------------------

HINDI kami binigo ng Baglian dahil nahanap namin ang puno na may portal pabalik sa resort.

“Jane!” agad akong niyakap ni Liza pagkalapit niya sa akin. Sumunod na ring nagsilapitan sa amin ang iba pa naming mga kaibigan at niyakap rin kami ni Miguel.

I am crying like a baby pagkakita ko sa aking mga kaibigan. I am just so glad that all of them are fine.

“Thanks God, agad niyong nahanap ang daan,” Vangie said that while tightly hugging me.

“Thanks din at safe kayo,” kinuha ko si Baby Michael para buhatin and I even kissed him on the cheeks.

“May nangyari ba sa inyo dito, Mary habang wala kami?” tanong ko kay Mary.

“Wala namang masamang nangyari sa amin. Nag-aalala nga kami sa inyo dahil hindi na kayo kaagad nakabalik pagkagaling niyo sa bundok.” Imporma nito sa amin and I was so glad to hear that they were okay.

“Tara na. Let’s all get out of here,” aya ni Rich sa aming lahat.

We then all headed straight to my orange speed boat. Isa-isa na silang sumasakay roon at habang ginagawa nila iyon ay masuyo kong pinagmamasdan ang buong isla na sobrang napalapit na sa aking puso. Mahal ko ang buong islang ito pati na ang resort. Even though, this is really so mystical ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko para dito.
Sa likod man nito ay may nagkukubli na ibang mundo, by the time that my heart and the whole me were broken, this place has been my safest haven, sweetest escape, own sanctuary and silent healer all in one.

I then came up for a very hard decision.

“Jane, let’s go,” untag sa akin ni Liza.

Sa isang kumpas ko ng aking kamay ay biglang lumitaw si Ibyang at Kaloy na nasa mga tunay nilang anyo. Makukulay ang kanilang mga pakpak habang suot ang mga kakatuwang damit at nababalutan sila ng kumikinang na liwanag.

“Gabayan niyo sila sa pagbabalik sa down town. Make sure that they will reach the main island safely,” utos ko sa dalawa.

Yumuko muna si Ibyang bago sumagot, “Masusunod, Kamahalan.”

“Anong ibig sabihin nito?!” may galit sa tonong turan ni Miguel sa akin. Mataas rin ang boses at bakas  dito ang pagpapanic.

“Sorry for the ruined trip, guys. Please be safe on your way home,” mapait ko silang nginitian at kinawayan pa sila.

“Jane Merced, what are you talking about? Nahihibang ka na ba?! Ang sabi ko, let’s go! Kasama ka dun!” nakasigaw na rin si Liza.

“Jane…” napatingin ako kay Ken at bakas ko sa mata niya ang pagtatanong kung ‘bakit’.

I talked to him mentally, “Let me do this, Ken.” At marahan siyang tumango.

Lumipad sina Ibyang at Kaloy palapit sa speedboat. Kasabay nang paglapit nila sa sasakyan ay ang unti unti ring pag-usad nito.

I can see the panic and questions on the eyes of all of them. I’m so sorry guys but I have to do this.

Nanatili akong nakatayo sa may tabing dagat habang nanonood sa papalayong speedboat lulan ang aking mga kaibigan. Miguel tried to jump off the boat but I stopped her. Itinaas ko ang aking kamay at nag ‘stop’ sign and he freeze. At dahil doon ay hindi naituloy ni Miguel ang kanyang balak na pagtalon. 

Sorry Migz, but this is my own battle that I have to fight for.








Chapter 10 – The Sacrifice


Yes, I gained my powers. And yes, I will accept the crown.

Kanina habang hinahanap namin ni Miguel ang daan pabalik dito sa resort ay kinakausap ko si Lola Mystica gamit ang aking isipian. Yes, we can talk thru mental telepathy na nadiskubre ko nung napanaginipan ko siya.

“Lola, tatanggapin ko na po ang responsibilidad na nais niyong ipatong sa aking balikat.”

“Mabuti kung ganoon.” May naging galak sa tono niya.

“But promise me one thing,” then I took a very deep sigh.

“Ano iyon?”

“Gusto ko pong makauwi ng safe ang mga kaibigan ko at gusto kong magkaroon ng kapangyarihan na may kakayahang magpahinto ng tao sa ginagawa nito.”

“Ngayon pa lang ay may natural ka ng taglay na kapangyarihan Jane. Kailangan mo lamang iyong madiskubre sa iyong sarili. Dangan lamang na sa pagpapatong sa’yo ng korona ay mapapasaiyo ang lakas ng kapangyarihan na tinataglay ng isang nakatataas na devata at yun nga ay ang Selvana. Ito ang labis na makapagpapalas ng kapangyarihan mo ng taglay. Lahat ng elemento sa iyong kaharian ay mapapasaiyo at magiging tungkulin mo ang ibalanse iyon sa loob ng isandaang taon.”

“Naiintindihan ko Lola.”

“Maraming salamat sa taos puso mong pagtanggap, Jane.”

“Okay ka lang?” tinapik ako ni Miguel sa aking kanang braso. Marahil napansin niya ang pananahimik ko.

“O-oo Migz, okay lang ako.”

“Later when we got home, marami tayong dapat pag-usapan.”

Hindi ako makasagot dahil alam ko sa sarili ko na walang ‘Later’. He held my hand at magkasama na naming hinanap ang punong may portal pabalik ng resort.


My heart is breaking into pieces once again habang nakatanaw sa papalayo kong speed boat lulan ang mga taong importante sa akin at pati na ang taong patuloy kong minamahal ng higit pa sa buhay ko. There’s no need of fooling myself anymore. Oo, mahal ko pa rin si Migz and that fact never changed. But I have to do this. Hindi ko na kayang makita na pati siya at sampu ng mga kaibigan namin ay nadadamay sa sitwasyong pinili kong pasukin almost two years ago.

Be happy with Mirasol, Migz. She deserves you. After ng kasal niyo ay tuluyan na siyang magiging mortal and I am wishing you the best in life.

I turned my back at handa na akong harapin ang okasyong magaganap maya maya lamang.

-------------------------------------
  
“Mi-mirasol, what are you doing here? Paanong?” Literal na napatigalgal ako sa aking nakita. Mirasol is now here in front of me. At tama ba ang nakikita ko? She has two pink big wings! Na katulad ng kina Ibyang at ng mga nilalang na naririto. Ang mga nilalang rito  sa Minerva ay tila mga taong paru-paro at ang sabi ni Lola Mystica, mamaya lamang, kapag naipatong na sa akin ang korona, magkakaroon na rin ako nito.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. “Hindi mo ito maaaring gawin, Jane.”

“What? Why?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Alam kong mahal mo si Miguel.” Aniya at wala naman akong balak na itanggi ang bagay na iyon. Kaya nga eto at nagsasakripisyo ako para sa kanilang lahat na mahal ko. Ayokong malagay sa alanganin ang mga buhay nila kaya ko ito ginagawa.

“Oo mahal ko siya, kaya nga ginagawa ko ito. Pero bakit ka bumalik dito? Where are they?”

“Tatanggapin ko na ang katungkulan. Bumalik ka na sa piling ni Migz. Ikaw talaga ang kailangan niya at hindi ako. Kung anuman ang problemang kinakaharap niya, kayong dalawa ang dapat na lumutas niyon.” For the first time, I heard Mirasol saying long sentences. Ngunit bakit ang mga salita pa na hindi ko mapaniwalaan ang pinili niyang sabihin? What’s with her?

“Wait, naguguluhan na ako Mira. What are you talking about? Can you explain further?”

“Magkapatid tayo, Jane. Kaya ko pakakasalan si Miguel ay upang maging ganap na akong tao at para na rin hindi ko makuha ang katungkulan ng pagiging isang Selvana. Pero hindi ko naman inakala na ikaw pala ang napili ni Reyna Hara na nagkukubli pala sa katauhan ni Lola Mystica.”

“Ma-magkapatid tayo?” What the heck! Ako? May kapatid? At isa pa palang diwata? Hanggang kelan ba ako magugulat sa mga rebelasyong nalalaman ko?

“Oo. Lingid sa kaalaman ng ating ina ay dalawang bulaklak ang kanyang naipunla. Itinago ako ni Reyna Hara dahil alam niya ang kasakiman ni Mariposa. Nalaman ko mula kay Reyna Hara na ipinatapon ka sa mundo ng mga mortal at hindi ko naiwasan ang mainggit sa’yo. Tumakas ako at kinupkop ako ng mga magulang ni Martin. Para tuluyan akong maging tao ay kailangan kong maikasal sa isang mortal. Mula kay Martin ay narinig ko ang problema ni Miguel. But believe me, Jane. Hindi ko alam na ikaw pala ang kakambal ko, not until we went here.”

“So that explains everything.”

“Pangako, hindi na ako tatakbo sa katungkulan na dapat noong una palang ay sa akin na. Sorry Jane.”

“Pe-pero, hindi ka na magiging tao.”

“Mas gugustuhin ko pa iyon kaysa malungkot ang dalawang taong mahalaga sa akin. Ikaw at si Miguel ang nakatakda para sa isa’t isa.”

“Wait! I remember Miguel told me na magiging ganap ka ng Devata next month. Anong ibig sabihin niyon?”

“Kapag naipatong na sa’yo ang korona, magiging isang ordinaryong devata na lamang ako. Ang dugo ng pagiging Selvana ay mawawala na sa aking sistema sapagkat may Reyna ng nakatalaga para rito. Ang pagiging ordinaryong devata ay may pagkakataon nang maging mortal kung makakasal siya sa isang mortal.”

“So ang ibig mong sabihin, ang pagiging Selvana ay wala?”

Tumango si Mirasol. “Maaari ngunit walang kasiguraduhan, Jane. Iyon ang batas ng mundo nating pinagmulan.”

“Mamamatay kayong dalawang punla at ako pa rin ang mamumuno sa Kaharian ng Minerva!” Out of nowhere ay bigla na lamang lumitaw si Ibyang habang isinisigaw ang mga salitang iyon. Poot at galit ang mababakas sa kanyang mga mata. Ibinuka niya ang dalawa niyang palad at lumabas roon ang tila mga bola ng apoy, yun nga lamang ay kulay berde ito.

Nanlaki ang mga mata ni Mirasol, “Yan ang kapangyarihan ni Ina! Paanong napunta sa iyo yan?!”

“Sapagkat ako si Mariposa! Ikinagagalak ko kayong makita, mga mahal kong punla. Panahon na upang kayong dalawa ay mabura sa daigdig na ito.” Pagkatapos ay tumawa siya ng mala-bruha.

“She’s our mom?” takang tanong ko kay Mirasol at tumango naman siya sa akin.

Iniharang ni Mirasol ang kanyang sarili sa akin, “Napakawalang puso mo talaga!”

Luminga linga ako sa paligid at nagbabakasaling may tutulong sa amin. Sa pagkakaalam ko ay makapangyarihan siya. Sinubukan ko ring kausapin sa isip si Lola Mystica ngunit hindi niya ako sinasagot.

Shit! What are we gonna do now? Hindi ko pa alam kung paano ang gumamit ng kapangyarihan kong taglay.

“Ang akin ay akin, mga mahal kong Anak.”

“Pero sa’yo na mismo nanggaling, anak mo kami. Pero bakit pati kami ay kailangan mong saktan o patayin? Bakit mo kailangang gawin ito?” di ko mapigilang isumbat sa kanya.

“Mga sagabal kayo sa aking plano!”Sa pagsigaw niya ay tila yumanig ang lupang inaapakan namin.

Mariin kong naipikit ang aking mata. How can be a mother could be like this? I was lucky enough to have adoptive parents na sobra akong minahal kahit pa simple lang ang naging pamumuhay namin. They were able to raise me properly at nakapagtapos pa ako ng pag-aaral.



Ano ng gagawin ko ngayon? Paano namin siya magagapi ni Mirasol?


Nang muli kong tignan ang aming ina ay nakaamba ang kanyang kamay para ibato sa amin ang nasa palad niya. Alam kong malakas iyon and that could lead to our death.
Itinulak ako ni Mirasol dahilan para masalampak ako sa damuhan. Binuksan niya ang kanyang palad at naglabas rin ito ng parang bolang apoy na kulay rosas naman. Ginamit niya ito upang sanggain ang ibinato sa kanya ni Mariposa. (Who am I to call her aking ina anymore? Isa siyang masamang devata na hindi dapat tularan.)

Binuksan ko ang aking palad and I am hoping that there would come out a power.
Please, please, please… Pakiusap ko sa aking mga palad.


I was shocked! Dahil merong bolang apoy rin na lumabas at iyon ay kulay dilaw!

I stood up at tumabi kay Mirasol. “We can do this!” sabi ko sa kanya with full of determination na matalo ang aming- si Mariposa!

Tinanguan niya ako bilang pagsang-ayon. We merge our powers. Binato namin ng aming mga kapangyarihan ng salitan si Mariposa and she was fighting back endlessly.
Nararamdaman ko na ang panghihina ng aking katawan pero hindi ko iyon inalintana. We have to do this! Kailangan namin siyang magapi. We can do this Mira. Tiwala lang.

Suddenly, Mariposa fell off the ground.

Nagkatinginan kami ni Mira and we both smile with each other. One last shot and we’re done!

“Suko na ako, mga anak! Tinatanggap ko na ang aking pagkatalo.” Pagmamakaawa niya sa amin at itinaas niya ang dalawa niyang kamay na ipinantakip niya sa kanyang mga mata as if they were her shield.

Pareho kaming natigilan ni Mira.

“Ang dapat sa’yo ay parusahan.” Mariin kong sabi. Nasa mga palad ko pa rin ang dilaw na bolang apoy at anumang oras ay nakahanda itong maibato sa kanya.

Muling bumalik ang imahe ni Ibyang sa mukha ni Minerva.

“Jane, Mirasol, maawa kayo sa akin. Ginamit lamang ng inyong ina ang aking katawan.” Pagmamakaawa niya.

And now we’re confused.

Lola Mystica, what shall we do now? Pahingi naman ng advice diyan!

“Bakit ka pumayag na gamitin niya ang iyong katawan?” tanong ni Mirasol.

“Paggising ko ay nasa loob ko na siya, Kamahalan,” sagot ni Ibyang.

“Ngunit alam mong hindi iyon maaari kung hindi ka pumayag.” Ani Mirasol. Ako na ang walang alam sa batas nila.

Hindi na muling nagsalita pa si Ibyang at yumuko na lamang ito.

Humarap sa akin si Mirasol, “Umalis ka na Jane. Ako na ang bahala rito at ang siyang haharap para sa pagdiriwang ngayong gabi.” Iniabot niya sa akin ang baglian na pagmamay-ari ni Ken. “Alam kong ayaw mo para sa responsibilidad na iyon at naipit ka lang. Reyna Hara told me so.”

“Salamat, Mira!” niyakap ko siya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. I never thought that I would have a sister like her. Napakabusilak ng kanyang puso.

“Will I see you again?”

“Titignan natin, aking kapatid,” marahan siyang tumawa.

Bigla na lamang kumabig si Mirasol. She switched her place to mine. Nakaramdam ako ng malakas na impact mula sa kanya and in an instant ay tumumba siya at sumalampak sa lupa.

“Mira!” gulat kong sigaw at agad siyang dinaluhan.

Nabaling ang tingin ko kay Ibyang at siya ng muli ngayon si Mariposa. Nasa mukha niya ang ngiting nakakaloko. Muling nabuhay ang galit sa aking dibdib, “Wala ka talagang puso. Napakasama mo,” umiiyak kong wika sa kanya.

“Mira, wake-up. Wake-up!” ibinukas niya ang kanyang mga mata and I can see pain through it. Na para bang pati ako ay nasasaktan na rin.

Nagliwanag ang kanyang palad at itinapat niya iyon sa aking noo. I suddenly felt a strong force that entered my body. Parang ipinasa sa akin ni Mirasol ang lahat ng lakas at kapangyarihan na mayroon siya. “Please live. Ka-kailangan ka ni Miguel. Kailangan niyo ang isa’t isa.” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata and she finally closes it.

 She’s not breathing anymore. “Mira!”

Tinignan ko ng masama si Mariposa, “I hate you so much to death!” sigaw ko sa kanya kasabay ng mahigpit na pagkuyom ng aking palad.

Tumawa ito ng malakas, “Isa na lang ang sagabal.” Mariin niya akong tinignan at inihanda na niya ang kanyang palad para muling gumawa ng bolang apoy.

I closed my eyes at dinama ang nadagdag na kapangyarihan sa aking katawan. I know that I have to defeat her.

Jane, naririnig mo ba ako?  Napapiksi ako ng marinig ko sa loob ng aking isip si Lola Mystica.

Yes, Lola.

Makinig ka. Dahil sa wala na ang aking pisikal na katauhan ay hindi kita matutulungan na magapi si Mariposa. Ngunit sundin mo ang iuutos ko.

Ano po ang dapat kong gawin?

Gapiin mo si Mariposa. Pag nagawa mo iyon ay gumawa ka ng isang garapon mula sa iyong isipan. Palibutan mo ang garapon na iyon ng lahat ng kapangyarihan na mayroon ka sa iyong palad. Ikulong mo siya roon at pagkatapos mo siyang makulong roon, basagin mo ang garapon. Kasabay ng pagsabog nito ay ang tuluyan ng pagkabura ni Mariposa sa kaharian ng Minerva.


With all my might, I fought her. Dahil sa nasa akin na ang kapangyarihang taglay ni Mira ay madali ko siyang nagapi. Tuloy tuloy ko siyang binato ng mga bolang apoy na kulay dilaw at rosas.

“Hindi maaari! Paanong naisalin ni Mirasol sa’yo ang kapangyarihan niya?” sigaw niya habang unti-unti ng humihina ang kanyang depensa.

“Pagmamahal, Minerva. Pagmamahal. Isang bagay na wala ka! Sa pamamagitan niyon ay magagapi kita.” Muli ko siyang binato ng mga bolang apoy at sa isang iglap ay naglahong parang bula ang mga bolang apoy na inilalabas niya.

Gaya ng iniutos ni Lola Mystica, gumawa ako ng isang garapon gamit ang aking isip. Pinuno ko rin iyon ng lahat ng kapangyarihan na taglay ko sa ngayon.

“Huwag!” pagmamakaawang sigaw niya.

Ngunit masyado akong bingi para pakinggan pa siya. “Ito ang nababagay sa’yo.”

Sa pagkumpas ko ng aking kamay, naipasok ko si Minerva sa loob ng garapon na aking hawak. Unti- unti siya nitong hinigop hanggang sa tuluyan ko na siyang maipasok roon.

Inihagis ko ito sa ere. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at sa muling pagbubukas nito ay napasabog ko ang garapon! Iba’t ibang kulay ng pulbora na nagkalat sa ere ang kinahinatnan niyon.

Nanghihinang napasalampak ako sa lupa.

“It’s over.” Naluluhang wika ko sa aking sarili. Wala na rin si Mirasol sa pinagbagsakan nito at sa halip ay isang insekto na kulay rosas na tulad ng sa paru-paru nalang ang nandodoon.

I grabbed that tiny creature and talked to it. “Mira, I’m so sorry.”


“Jane…” Mula sa mga mayayabong na halaman ay lumabas mula roon si Miguel at lumapit siya sa akin.

Lumipad ang paru-paru na nasa mga palad ko. Umikot ikot iyon sa paligid namin ni Miguel.

“Migz!” I grabbed him and hugged him so tight at napagtuloy ako sa pagpalahaw ng iyak. “Mira was gone and it’s all because of me. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko.”

“Sshhh…” pagtatahan niya sa akin habang hinihimas himas niya ang likod ng aking buhok. “Hindi mo kasalanan iyon.”


Kumawala ako sa pagkakayakap niya at mariin siyang tinitigan. He then wiped the tears on my cheeks. Hinawakan ko ang kanyang kamay as I’ve come to a final decision.

 “Tatanggapin ko ang tungkulin bilang maging reyna ng kahariang ito. At kapag naging ganap na akong Selvana ay magpapakasal tayo.” Naging pagpapasya ko na ikinagulat niya. “I’m now much more ready to face my own death maikasal lang sa’yo. It’s because I love you that much.” Muli ko siyang niyakap ng mahigpit at ako na rin mismo ang nag-initiate ng halik na aming pinagsaluhan.

Hindi ako sigurado ngunit sa pagkakataong ito ay susugal na ako, makasama lamang siya kung saka sakali habambuhay.







Epilogue

(Miguel’s Point of View)



The moment I saw her on front of that orange speed boat ay gusto ko na siyang sugurin ng mahigpit na yakap. It’s been two years but her effect on me still doesn’t change. The girl I am talking about? She’s none other than Jane Dela Merced. The woman I love since I was fifteen.

“Hi!” Bati niya sa akin as if never happened between us. Na para bang naging magkaklase lamang kami noon at wala ng mas hihigit pa roon. Nakamove on na ba siya? Nakalimutan na ba niya ako ng tuluyan? Hindi na ba niya ako mahal? Wala na ba ako sa puso niya?


“Hi!” Yun lang din ang nasabi ko while flashing a fake smile na kunwari ay okay lang ako at parang wala na din sa akin ang lahat.

“Buti nakasama kayo?”  Tanong niya sa akin at napatingin din siya sa mga kamay namin ni Mirasol na magkasalikop.

Oo nga pala, I am with Mirasol on this trip. She’s my fiancée.


 “Hi!” Binati niya rin si Mirasol at nginitian naman siya nito.


“Sayang ang opportunity. First time namin dito eh. Salamat pala sa pag-imbita.” As I was saying this ay nginingitian ko siya. I am hoping that somehow she can read on my eyes that I was so happy to see her again. That I miss her so much and I still love her.


She shrugged her shoulders, “No big deal. Thanks din for coming.” That smile on her face, which is one of the best things she had, I saw it once again. “Sakay na kayo.” Paanyaya niya sa amin at sumampa na nga kami ni Mirasol paakyat ng speedboat.

----------------------------------------------


The resort was so majestic. Siguro hindi lang ako ang hindi lubos makaisip na may ganito nang karangyang resort na pinamamahalaan si Jane. We just knew her for being simple at ang hirap lang isipin na nagmamay-ari na siya ng isang resort o ng isang buong isla ngayon. Big time! Maybe because of this ay tuluyan na nga siyang nakalimot sa mga sakit na pinagdaanan namin. Mabuti pa siya. I leave a deep sigh.

Teka nasaan na sila?

Ayun sina Richard kasama ang boyfriend niya. Papunta sa kung saan na hindi ko alam kaya agad akong sumunod.

Narinig ko ang boses ni Jane, “Anong ginagawa niyo dito?”

“Nanonood nang nag-momoment,” naging sagot ni Liza.

“Umaamoy nang ka-sweetan,” sumunod ay si Marlon.

  “Sus, mga patay gutom lang kayo eh.” Ani Richard na siyang sinusundan ko at natawa ako ng lihim.

“Mga baliw! Magsibalik na nga kayong lahat sa clubhouse. Alam ko naman na gutom na kayo. Eto na, magsi-serve na mga Ma’am at Sir.” Nasilayan ko na si Jane at waring binubugaw niya ang mga kaibigan namin with her hand gestures. Nasa tabi niya si Ken at nakasuot ng apron.

So sila pala ni Ken ang inaasar ng mga ito. Why do I have to feel this way? May karapatan pa ba akong magselos?

“Tulungan na namin kayo.” Prisinta ko at agad na kinuha ang hawak na bandehado ni Jane. Salamat sa pagkakataong ito at muli kong nahawakan ang mga kamay niya, kahit na pahapyaw lang…

---------------------------------------------------- 


Damn it! Why does she have to wear something like that! Sa sobrang inis ko ay nilagok ko ng sunod sunod ang beer na hawak ko. Yes she’s hot, pero bakit kailangan niyang ibalandra ng ganyan ang katawan niya?

Sabi na eh! Sasakit na naman ang tiyan niya. Napakagahaman kasi sa alak na akala mo ay mauubusan. Nag-aalalala na napatingin nalang ako sa kanya habang naglalakad palayo sa amin at patungo na siya sa kanyang silid.

“Migz, I have to tell you something at mangako ka sa akin na gagawin mo ang hihilingin kong pabor,” Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng sobrang pagkalasing at naging seryoso ang takbo ng usapan namin.

“Ano yon?”

“This island is a bit mysterious.”
“What do you mean?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“May mga elemento sa paligid na kanina pa mula ng dumating tayo rito ay mataman nang nagmamasid and I can feel that their attention really focus on Jane. Na tila ba, sila ang gumaganap na guardian niya. I don’t know if my hunch is true pero sana ay hindi mapahamak si Jane.”

Sa sinabi ni Ken ay automatic na nawala ang kalasingan ko. Para akong binuhusan ng isang timang tubig na may ice cubes. Kung ganun, maski sa islang ito ay maaari rin naming maranasan ang mga napagdaanan namin noon sa lugar nila Richard? How could that be at paanong naramdaman o nakikita iyon ni Ken?

“How did you know? May third eye ka ba?”

“Malala pa dun,” makahulugan niyang sagot at nilagok niya ang bote ng beer na hawak.

Napapailing na lamang ako, “I don’t get it Ken.”

“You don’t have to understand everything. Just protect her,” May inilabas siya mula sa kanyang bulsa at ipinakita niya iyon sa akin. “Through this, we can be safe.”

“Ano iyan?” It looks like a compass but I’m not sure if it’s really a compass.

“Bukod sa pagsasabi nito ng tamang direksyon, unfamiliar elements will never be in near.”

“Paano kang nagkaroon niyan?”

“Regalo mula sa isang taong naging mahalaga ang role sa nakaraan ko,” sagot niya habang nakangiti at hindi ko mahulaan ang mga pinupunto niya. He’s weird yes but I can feel na may sense ang mga sinasabi niya. Actually, kanina ko pa rin nararamdaman na tila ba may nagmamanman sa amin. I am just ignoring the feeling dahil mas gusto kong ibuhos ang buong atensyon ko sa babaeng may-ari ng resort na ito. I haven’t seen her in two years and I so damn miss her. 

Oo inaamin ko, sinadya ko talagang pumunta sa silid at magpanggap na lasing wherein all I ever wanted is just to hug her dahil sobra ko talaga siyang na-miss. Naramdaman kong lumabas siya ng kuwarto nang magpanggap akong nakatulog na and once again she left me...

Dinakip kami ng limang tauhan ni Jane and the next thing we knew ay hindi na kami makagalaw o makatayo mula sa kinauupuan namin and there was her ahead of us, sitting on that throne looking like a stiff queen. She’s really a queen? How could that happen?

Here comes Ken playing like a knight in shining armour at bakit nila kailangang mag-holding hands habang tumatakbo kami? Bad trip ka brad!
  
I jumped of the cliff not doubting about my life that could be in danger. Mas ikinakakot ng puso ko ang tuluyang pagkawala sa amin ni Jane. I know she’s scared over there on the other side kaya’t walang pag-aalinlangan na tinalon ko iyon.

“Why did you do it?” I hate her seeing her cry. Pero hindi ko rin masabi na kaya ako tumalon ay para tuparin ang ipinangako ko kay Ken. At yun nga ay ang protektahan ang babaeng mahalaga sa amin pareho. I may not yet understand everything right now, but all I ever know is that I need to be with her no matter what happens. I will never let her go this time.

She wanted to feel okay so I kissed her. At ang epekto niya sa akin ay hindi nagbago. Mabilis na pagpintig ng aking puso, bahagyang pag-init ng paligid, siya lamang ang bukod tanging nakakapagpadama nito sa akin. As I hugged her tight, hindi maiwasang mabuhay ang dugo sa aking katawan. Yes, I still love her and I will always be. Kaya’t nakasisiguro ako na lahat nang nangyayari sa amin ngayong magkasama kami ay may kalakip na pagmamahal na kailanman ay hindi nabawasan.

I have to marry Mirasol dahil ayokong mapahamak si Jane. I have this cursed legacy na ipinatong sa akin ng lola kong yumao na. Gustuhin ko man daw o hindi ay mapupunta sa akin ang lahat ng kayamanan na angkin niya ngunit kailanman ay hindi ako maaaring mag-asawa. Ito ang sumpa sa aming pamilya. Sa kamalas-malasang palad, I was the first born on the next generation of our family at sa akin itinakda ang sumpang iginawad kay Lola nang naging kalaban nila at eventually ay natalo sa negosyo noon. I can’t escape and I can’t let Jane die. Kaya kahit masakit para sa amin pareho ay kinailangan naming maghiwalay. Mirasol talked to me at ipinagtapat niya nga sa akin na isa siyang devata and she’s immortal. I have to marry her at pagkatapos naming mabendisyunan ng pari ay tuluyan na siyang magiging tao. Hindi raw siya matatamaan nang kahit anung sumpa na iginawad ng isang mortal since she’s a fairy and she’s also willing to take the risk.

So we have this deal na magpapakasal kami and eventually kapag naging tao na siya at naputol naman ang sumpa sa pamilya ko ay tsaka ko naman pakakasalan ang taong gusto ko talagang makasama habambuhay.

But Jane didn’t get my point. And so we broke up two years ago. And those two years has been a misery for both of us. Ito rin ang naging dahilan para hindi ko kaagad mapakasalan si Mirasol kaagad. I can’t marry her because of this burden that I felt and she gave me two years para mapag-isipan ito ng mabuti dahil sa paglipas ng dalawang taon ay magiging ganap na siyang devata kung hindi ko siya mapakakasalan.

I tried to explain everything to her again but still hindi niya pa rin makuha ang intensyon ko na huwag siyang mapahamak. I can’t let her die because of me. Ayokong isugal ang buhay niya dahil mahal na mahal ko siya.

“Just hug me tight,” she then said after talking to someone on her dreams. Agad ko namang sinunod ang gusto niya kalakip ang isang masuyong halik sa kanyang noo dahil gusto rin iyon ng puso ko. If only we could stay like this forever every night I would be the luckiest man here on earth.


I panicked when I haven’t seen her by my side the moment I woke up. Mabuti nalang at naabutan ko pa siya. Nakarinig ako ng agos ng tubig sa di kalayuan and so we found this spring. I dropped her here para naman matauhan siya.

“What with those words that I don’t belong anywhere but ‘sa piling mo lang?’ Alam mo ba yung sinasabi mo? You’re crazy!” Halos mapatid na ang ugat niya sa leeg while yelling at me. Oh, yes. I’m crazy over her. Kaya nga eto at kalilimutan ko na lamang muna saglit ang tungkol sa amin ni Mirasol. The most important thing right now ay makabalik kami ng Maynila ng ligtas at kumpleto.

 “Hahalikan na kita para tumahimik ka lang,” I warned her dahil medyo naririndi na rin ako sa nagiging takbo ng usapan namin.

“Edi halikan mo!” She yelled again.

Sino ako para tumanggi so I kiss her just like what she wants and we both realized and felt that same love we shared together two years ago. That kiss last for at least a minute but it feels like forever.

She’s crying again because of me and it hurts me a lot. I wiped her cheeks at ngayon nga ay nakapagdesisyon na ako. I won’t marry Mirasol. Kahit pa na iyon ang makakalutas sa problema ko. I can’t stand seeing Jane in misery ever again just because of my stupid decision. We’ll talk about this when we got home. Iaalis ko siya sa lugar na ito and never will return here kahit kailan.

We came back to human world! Muli na naming nakasama ang mga kaibigan namin and now we’re all ready to go back home.

Shit! I can’t move. Hindi siya sumama sa amin sa speed boat and I know na siya ang may gawa nito kung bakit hindi ako makakilos para tumalon sa dagat at mapuntahan siya. “Jane, why are you doing this?!” She didn’t answer and she turned her back to me. Again. She left me. Again. We’re breaking each other’s hearts. Again.

Lahat kami sa speedboat ay nanatiling tahimik at tila pare-pareho ng iniisip. Marahil ang iba ay shock dahil sa naging desisyon ni Jane.

“Maybe she just wanted to protect us,” Liza burst into tears matapos magsalita. “Baliw talaga ang bruhang iyon. Napaka-selfless.”

Inalo siya ni Richard, “Ganun talaga ang bestfriend mo, Liz. Masyadong mapagmahal.”

“I think we have to do something!” suhestiyon ni Vangie.
“But how? May dalawang alipores oh.” Turo ni Mary sa dalawang taong paru-paro na nakagaapay sa speedboat.



Sabi na eh, may nararamdaman akong hindi maganda kanina habang tinatahak namin ang daan pabalik sa resort niya. Nanahimik siya ng matagal and maybe during that time ay kausap niya through mental telepathy si Lola Mystica and maybe also she decided to face that damn responsibility! Hindi siya pwedeng maging reyna ng islang ito! She only belongs to my heart at siya na ang nagrereyna dito ever since we were 15.

“Mirasol, I can’t let Jane do this.” Bulong ko sa kanya. “I’m sorry.”

Mapait niya akong nginitian, “Naiintindihan ko Migz. Mahal ko kayo pareho ng kapatid ko so I will do the right thing now.”

“Ma-magkapatid kayo?” halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Small world it is. Really.

Nananatiling mahina ang mga boses namin dahil nakabantay pa rin sa amin ang dalawang servant ni Jane.
“Oo. At ang responsibilidad na inaatang sa kanya ngayon ni Lola Mystica, sa akin talaga unang ipinatong iyon ngunit tinanggihan ko. Kaya nga ako tumakas at napunta kina Kuya Martin.I need to make things right now.”

Napatingin kami kay Ken at tumango siya sa amin. Ibinato niya ang hawak na Baglian sa dalawang servant at agad na na-freeze ang mga ito.

Minani-obra ni Martin ang speedboat at tinatahak na namin ang daan pabalik sa resort. We can’t just leave her there alone.

Mirasol spread her butterfly wings and prepared to fly. “Mauna na ako sa inyo, magkita na lamang tayo doon.”

Gulat ang mababakas sa mukha ng iba naming mga kaibigan when they saw Mirasol flew into the air using her big yellow wings.

“Life is really full of mystery and magic.” Naka-ngangang turan ni Ruth.

“Indeed it is. Medyo hindi na ako nagulat.” Ani Vangie. “Sanayan lang yan, Ruth.”

“Ang mundo ng mga tao ay iisa lamang sa napakaraming dimension ng sanlibutan.” Makahulugang sabi naman ni Ken. “Just like me, I belong in two worlds and I’m proud of it.” Pinaglalaruan nito sa kanang kamay ang Baglian. “This is the ball of my powers. Lahat ng iyon ay nakakulong sa Baglian na ito and this only works during emergency like this.” Pagtatapat niya.
“So anong klase kang engkanto, Ken?” tanong ni Richard dito.
“Prinsipe ng Tubig Odnum. But that was before. Pero ngayon, isang simpleng mangingibig na lamang ng prinsesa ng Lupang Odnum. And that princess, I will marry her soon at invited kayong lahat. Don’t worry dahil dito sa human world ang venue.”
“Wala na pala akong pag-asa sa’yo Ken.” Pagbibiro ni Ruth.

“Huwag ka ng umasa, gaga. Kung gusto mo, ihahanap nalang kita ng shokoy.”

“Manahimik ka,baklang Ricardo!”

Napuno ng tawanan ang speedboat.

I saw how Mirasol was gone. And I can’t do anything about it. Pinipigilan ako ni Ken na lumabas mula sa pagkakatago namin sa halamanan. “Hindi natin sakop ang kapangyarihan nila, Migz. Just believe in Jane.”

“Paano kung siya naman ang mawala?!”

“We have to trust her.”

Nang matalo na ni Jane ang kanyang ina ay dinaluhan ko na siya. I hugged her tight at hindi ko na hahayaan ang mawala pa siya sa akin kahit kailan.

“Mira was gone and it’s all because of me. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko.” Umiiyak niyang wika.

“Sshhh…” pagtatahan  ko sa kanya habang habang hinihimas himas ang likod ng kanyang buhok. “Hindi mo kasalanan iyon.”

She stared at me for a long time at hinawakan niya ang aking pisngi habang patuloy lamang siya sa pagluha. Shit. This is really breaking me. She’s into misery all over again. “Tatanggapin ko ang tungkulin bilang maging reyna ng kahariang ito. At kapag naging ganap na akong Selvana ay magpapakasal tayo.”

Nanlaki ang mga mata ko sa naging pagpapasya niya. She can’t do this!
“I’m now much more ready to face my own death maikasal lang sa’yo, Migz. It’s because I love you that much.” She then hugged me tight and kissed me fully on the lips and I did the same thing.

Hindi ako makakapayag na mawala siya sa akin. She can’t die. Mas nanaisin ko pang ako ang mamatay huwag lang siya madamay sa sumpang ipinatong sa aking pamilya.

May paraan ang lahat and love would be the first. We’re going to face this together.



END








No comments:

Post a Comment