Written by: CieloAmethyst
12.13.17
Ang daling sabihin:
“Tuloy lang!”
“Wag kang susuko!”
“Kaya mo yan!”
“Laban lang!”
Pero sa totoo lang ay ang hirap-hirap niyang gawin.
Lalo na kung pakiramdam mo ay paulit-ulit lang naman ang mga
pangit na pangyayari sa buhay mo.
Parang mas madali naman yata ang sumuko at ipagsigawan sa
buong mundo na:
“potang ena!
“Ayoko na!”
“Suko na ako!”
Walang masakyan, Traffic, demanding na boss, nakakabwisit na
ka-trabaho, sobrang pressure sa trabaho, mga hinayupak na destructions, mga
kautangan, failing grades, stressful na thesis, mga chismosa, problema sa pamilya, problema sa love life, problema sa
pera at kung suswertihin ka ay sabay sabay mong magiging problema ang mga yan.
Oh, di ba? Ang sarap-sarap mabuhay. *insert sarcasm*
Kaya hindi na nakakapagtaka na marami sa atin ang dumadaan
sa matinding depresyon dahil sa dami ng pwedeng problemahin.
Madalas pa nga ay hindi mo na talaga alam ang gagawin mo.
Kung iiyak ka ba, sisigaw, lalayo, aalis, titigil sa lahat
ng ginagawa mo at kung matotodo pa ay wawakasan mo pa ang sarili mong buhay.
Pero teka lang.
Pwede namang huminto saglit, huminga nang malalim, palawigin
ang pang-unawa, huwag isara ang isipan, magpahinga, tapos tuloy lang ulit.
At para sa akin, ang pinakamabisang sandata sa lahat ng
pinagdadaanan natin ay ang pagdadasal- ang kausapin Siya at ihinga sa Kanya ang
lahat ng nararamdaman mo.
Wala ka mang makuhang sagot pero sigurado ka naman na may
nakikinig sa’yo.
Kaya:
“Chill lang.”
“Kalma ka lang.”
“Be Good. Be better. Be the best.”
Ang mga ito nalang ang gawin mong mantra. Paulit-ulit mong
sabihin sa sarili mo. Dahil ang bawat pinagdadaanan nating hirap o problema sa
buhay ay lilipas din. Magkakaroon din ng solusyon ang lahat, magkakaroon ng
linaw, liwanag at maaayos din yan!
Basta, Tuloy lang.
Kaya kahit asar na asar ka na sa ka-trabaho mong puro
negativity ang baon sa katawan at gusto mo na siyang singhalan, eh, chill ka
lang. Hayaan natin na siya lang ang ma-stress sa buhay niya.
Basta ikaw, easy ka lang.
No comments:
Post a Comment