Monday, December 18, 2017

Let’s Talk About Second Chances





Written by: CieloAmethyst
12.8.17



 

Sabi nga ni Basha:
Sana ako na lang. Sana ako na lang ulit...


So, let’s talk about second chances.

“Kapag nag-break kayo at ang dahilan ay niloko ka niya, wala nang balikan.”
Sabi yan ng kaibigan ko habang nagkikwentuhan kami at kasalukuyang nasa hotseat ang isa pa naming kaibigan.

Syempre bilang ako ay nanahimik na lang ako. Unang-una sa lahat, feeling ko naman ay walang sense kung makikipag-argumento ako at ipaglalaban ang paniniwala ko. Kaya heto at isusulat ko nalang ang mga dapat sana ay sasabihin ko nang mga sandaling iyon.

Unang-una sa lahat (para sa akin) ay okay lang ang magka-second chance. 
Pwede namang magpatawad sa nagawa niyang kasalanan o ikaw mismo ay patawarin mo ang sarili mo. 
Pagkatapos mong magpatawad ay i-le-let go mo na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo pati na yung sama ng loob, pagkatapos ay magbibigay ka ulit, susubok ka ulit at susugal ulit. Tuloy lang ang buhay.

Dahil naniniwala ako na kapag nagmahal ka nang wagas ay paulit-ulit kang magpapatawad. 
Oo, hindi madali yon. Dahil nasira na ang tiwala mo eh. Lagi ka nang may takot sa puso mo at lagi mong maiisip na maaaring ulitin niya lang yung ginawa niya at masasaktan ka lang ulit.

Pero lagi namang may exemption sa lahat.

At kung talagang mahal mo siya ay bibigyan mo siya ng ikalawang pagkakataon para patunayan sa'yo na nagbago na siya at deserve niya ang second chance na binigay mo.
Para malaman mo din kung ano ang magiging resulta ng desisyon mong iyon. Mas okay nang magkaroon ng “what is” kesa “what if”…

Kasi lahat naman tayo ay nagkakamali, nakakagawa ng kasalanan, sadya man o hindi.

Walang perpekto...pero pwedeng magbago.

Hindi ko rin naman pwedeng ipilit ang paniniwala kong ito sa kaibigan ko dahil naiintindihan ko siya. Marahil hindi niya pa nararanasan ang lokohin ng taong mahal na mahal niya o maaari rin naman na iyon talaga ang prinsipyo niya.

Naging ganoon din kasi dati ang paniniwala ko.

Pero heto, kinain ko lang lahat ng sinabi ko noon.
Wala eh. Tanga. (Ha-ha!)

Nagmahal at patuloy na nagmamahal nang wagas kaya paulit-ulit na magpapatawad.
Pero syempre may limitasyon din naman ang lahat.
Nasa atin na ‘yon kung hanggang saan at hanggang kailan.

Hindi ko naman sinabi na maging tanga ka forever.
Nasa iyo pa rin naman ang pagpapasya.
Naniniwala rin ako na walang maling desisyon at ang importante lang naman ay kung kaya mong panindigan ito.

Iyon lang. Gusto ko lang talaga mag-rant.
He-he.

Wednesday, December 13, 2017

Tuloy Lang




Written by: CieloAmethyst
12.13.17


Ang daling sabihin:
 “Tuloy lang!”
“Wag kang susuko!”
“Kaya mo yan!”
“Laban lang!”

Pero sa totoo lang ay ang hirap-hirap niyang gawin.
Lalo na kung pakiramdam mo ay paulit-ulit lang naman ang mga pangit na pangyayari sa buhay mo. 

Parang mas madali naman yata ang sumuko at ipagsigawan sa buong mundo na:
“potang ena!
“Ayoko na!”
“Suko na ako!”

Walang masakyan, Traffic, demanding na boss, nakakabwisit na ka-trabaho, sobrang pressure sa trabaho, mga hinayupak na destructions, mga kautangan, failing grades, stressful na thesis, mga chismosa, problema sa pamilya, problema sa love life, problema sa pera at kung suswertihin ka ay sabay sabay mong magiging problema ang mga yan. 

Oh, di ba? Ang sarap-sarap mabuhay. *insert sarcasm*

Kaya hindi na nakakapagtaka na marami sa atin ang dumadaan sa matinding depresyon dahil sa dami ng pwedeng problemahin. 

Madalas pa nga ay hindi mo na talaga alam ang gagawin mo. 

Kung iiyak ka ba, sisigaw, lalayo, aalis, titigil sa lahat ng ginagawa mo at kung matotodo pa ay wawakasan mo pa ang sarili mong buhay.

Pero teka lang. 

Pwede namang huminto saglit, huminga nang malalim, palawigin ang pang-unawa, huwag isara ang isipan, magpahinga, tapos tuloy lang ulit. 

At para sa akin, ang pinakamabisang sandata sa lahat ng pinagdadaanan natin ay ang pagdadasal- ang kausapin Siya at ihinga sa Kanya ang lahat ng nararamdaman mo. 

Wala ka mang makuhang sagot pero sigurado ka naman na may nakikinig sa’yo.

Kaya:
“Chill lang.”
“Kalma ka lang.”
“Be Good. Be better. Be the best.”

Ang mga ito nalang ang gawin mong mantra. Paulit-ulit mong sabihin sa sarili mo. Dahil ang bawat pinagdadaanan nating hirap o problema sa buhay ay lilipas din. Magkakaroon din ng solusyon ang lahat, magkakaroon ng linaw, liwanag at maaayos din yan!
Basta, Tuloy lang. 


Kaya kahit asar na asar ka na sa ka-trabaho mong puro negativity ang baon sa katawan at gusto mo na siyang singhalan, eh, chill ka lang. Hayaan natin na siya lang ang ma-stress sa buhay niya.
Basta ikaw, easy ka lang. 




Wednesday, December 6, 2017

Just Thank You

Just Thank You
12.6.2017


Thank you Lord God for always hearing my prayers, for always being at my side, for protecting me as well as my family, for trusting in me, for taking care of me and for letting me do the things I really love to do.

I will always believe in the power of prayer. And just by thinking positively, letting go of the things we can't handle, everything will be alright.

Thank you for turning my worries into stress free happy thoughts!

I love You and may You please always remind me to be beautiful inside and out and please always keep my faith and passion burning.
Through You everything is better. 

So just, Thank You! 
This blog post is for YOU!

Keep on moving me Lord God, keep on using me to be a blessing to others. 

Good health.
Safe place.
Happy life.

Thank you for giving those to me.

May you bless me more (including financially) so I can continue being a blessing to those in need.  


Happy birthday Lord God! 

Friday, November 17, 2017

Para Sa Kaibigan Kong Nagpapatuloy na Maging Tanga




Isinulat ni: CieloAmethyst




“Titigilan ko na ba?” Minsang tanong niya sa akin habang nasa bubungan kami ng jeep at binabagtas ang kahabaan ng Marcos Highway sa Rizal.

Pasensya na lang at nasigawan ko siya, “Paulit-ulit tayo?!”


Sa mahigit isang taon naming pagkakaibigan ay paulit-ulit lang ang kwento na naririnig ko mula sa kanya. 

HINDI SIYA GUSTO NG TAONG GUSTO NIYA.

Pero heto at patuloy siyang umaasa na mabibigyan siya ng pag-asa. Patuloy siyang humohopia, patuloy siyang nagmamahal sa taong laging hindi ang sagot sa kanya, patuloy siyang nagiging tanga. 

Ilang beses ko na siyang sinasabihan na tumigil na at humanap na lamang ng iba pero wala, ang tigas pa rin ng ulo niya.

Nakakasawa marinig ang mga paulit-ulit niyang kwento na walang katuturan. Pero dahil kaibigan ang turing niya sa akin ay patuloy lang din ang pakikinig ko sa kanya. Patuloy lang din ang pam-bubully ko sa kanya at pagsasabi sa kanya na ang tanga-tanga niya.

Simple lang naman kasi ang buhay eh. Tayo lang talaga mga tao ang nagpapakumplikado nito.
Kung ayaw talaga ay huwag nang ipilit pa. 

All we have to do is to move forward. 

Mahirap, oo pero wala namang masama kung susubukan nating gawin, kahit dahan-dahan, kahit paunti-unti, ang mahalaga ay umaabante tayo. At hindi tayo nakasiksik lang sa isang sulok ng buhay natin. Kailangan nating gumalaw. 

Naniniwala ako na everything we do is a choice. Hindi totoo na “siya talaga ang gusto ng puso ko eh, siya talaga ang dinidikta nito.” Kalokohan. 

Choice mo yan, Bes.

Mas pinipili mo ang maging miserable, kaysa maging masaya nang tuluyan na siyang wala sa buhay mo. Ikaw mismo ang nagkukulong sa sarili mo para sa isang klase ng pagmamahal na kailanman ay hindi masusuklian. Sinasabi mo na diyan ka masaya, sa pagmamahal sa kanya kahit hindi ka niya mahal. Kalokohan ulit. Hindi ka naman talaga masaya. 

Dahil una, hindi ka naman niya kinakausap. Naka-block ka pa nga.
Hindi ka rin niya maituring na kaibigan dahil binibigyan mo iyon ng ibang kahulugan.
Hanggang tanaw ka lang parati sa kanya dahil wala ka namang lakas ng loob para lapitan at kausapin siya. 

Walang tanga na forever nagiging masaya. Karamihan sa kanila ay mas nasasaktan pa nga.
At pagkatapos nilang matauhan doon talaga sila mas nagiging masaya – kapag lumaya na sila.
Lumaya mula sa lahat ng sakit na sila rin naman mismo ang nagbigay sa mga sarili nila.

Kaya please lang, mag-move on ka na.
Awat na sa walang katapusan mong pag-asa.
Sabi nga ng isa kong kaibigan, Wala namang mali sa’yo sadyang hindi ka lang talaga niya preferred.

Tama na ang paniniwala mo sa “Law of Attraction” para sa aspetong iyan ng buhay mo. May tamang application ang batas na iyon. 

Para ka na rin kasing humiling na umulan ng nyebe sa Pilipinas. Medyo isipin mo rin kasi sana ang percentage of possibility. 

Sa umpisa pa lang, sinabi na niya sa’yo na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay. Pero anong ginawa mo? Nilagyan mo ng kulay. 

Yan tuloy, kahit pagkakaibigan lang ngayon hindi na niya maibigay sa’yo dahil patuloy mo pa rin siyang pinopormahan. 

Hay nako, friend. Nakakapagod ka nang payuhan. 


Ang dami mo pang ek-ek na solusyon. 

LET GO. 

Yung lang naman talaga ang kailangan mong gawin.

Para sa’yo ang blog post na ‘to. Basahin mo. Para hindi na ako sirang plaka.