Thursday, September 24, 2015

Hugot Compilation (Part Two)




Akala ko tapos na akong humugot, hindi pa pala. Haha. Wala eh, parang naging habbit ko na siya. Yun bang kahit wala naman na sa akin yung mga pinagsasabi ko ay patuloy ko pa rin siyang sinasabi. Anu daw?! So eto na nga ang part two ng mga kahugutan ko sa buhay at pasensya na po sa mga taong nahuhugutan ko. Hehe. Alam ko namang mahal niyo ako, naiintindihan niyo ako at gets nyo ang mga pinaglalaban ko.

p.s. - Para sa first part ng Hugot Compilation click here para shortcut.hehe


_______________________________________________


 1. LANGGAM

 Eksena sa beach with my college friends. Nagtatayo kami ng tent and unfortunately malapit sa pinagtayuan namin ng tent ay maraming langgam. 

Cielo: (kinakagat ng langgam) Aray! Pwede ba! Wag nyo kong kagatin! Hindi ako masarap....magmahal. Kaya nga ako iniwan eh. 

College Friend: (umiiling habang nangingiti nalang) Kawawang langgam. Nahugutan. 

Cielo: Hahahaha! ________________________________________ 


2. CABINET LOCKS 
Eksena sa org. 



Orgmate: Cielo, you know the drill. Pabukas nalang ng locks ng cabinet. Thank you. 

Cielo: Yeah right. I know the drill. (Kuha ng isang bungkos ng mga susi kay Orgmate1 then punta sa cabinet na ang daming locks! Mga anim.) 

Cielo: (hanap ng matches. naiinis na dahil ang tagal mabuksan lahat. ang dami kasing susi! tapos wala pang labels. You got the feeling, right? Tapos ang init pa, tapos magiistart na ang activity for that day pero hindi ko ka pa rin nabubuksan lahat, waaah!) 

Orgmate2: Cie, okay ka lang diyan? Kaya pa?

 Cielo: *ngiting pilit* Sige lang. Ang hirap kasi mag-match. Ang daming susi. (subok lang ng subok) 

Orgmate2: Pag na-try mo na, wag mo na ulit gamitin. 

Cielo: Yun naman ginagawa ko. 

Orgmate2: Need help.

 Cielo: Keri lang. Thanks. 

Orgmate2: (nakamasid lang sakin) 

Cielo: (tuloy lang sa pagsususi ng mga locks) Ang hirap talagang humanap ng THE RIGHT ONE. 

Orgmate2: Yan ka na naman! Pati ba naman sa cabinet, humuhugot ka pa rin.

 Cielo: *laughs* _____________________________________________________________

 3. ALAK 

Ang Eksena: Ka-text ang mga closest co-writers. 

Cielo: *group message* 
Msg.1: "there were reasons not to love you but my heart keeps on insisting to. -pakshet. hahahahaha." 

Msg.2: "Dear happiness, why is it so hard to find and then later on maintain you? -pakshet ulit. hahahaha."

 Reply ni Friend1: What? Jusko naman friend.. Magpahinga ka kaya muna sa love na yan.. 

Cielo: Love? Nalalamon ba yon? 

Friend1: Hindi. Iniinom yon.

 Cielo: Ah. Parang alak? Mapait na nga pero ipinapasok pa rin sa lalamunan. 

Friend1: Oo ganun yun. 


Sinakyan niya hugot ko. 

Sanay na sanay na siya eh. Immune na si friend1. hahaha. ______________________________________________________

 4. NETWORK 

SF: Wala ka talagang natanggap na text ko kagabi? 

Cielo: Wala nga talaga. 

SF: Minsan walang kwenta talaga ang network na *insert network sim here* 

Cielo: Parang pag-ibig lang noh? Madalas walang kwenta. Hahahahaha! 

SF: Wag mo sabihin yan. Pag-ibig din ang tumatapos sa mga alitan. ;) 

Cielo: Minsan pride. Para wala ng usap-usap. 

SF: Hindi alitan ang natapos. Relasyon. 

Cielo: Pareho lang yon. 

SF: What do you mean? 

Cielo: Wala. Haha. 

SF: I asked para lang malinaw. Kasi di ko alam kung ang ibig mo ba sabihin ay pride ends alitan. Or pag-ibig ends pride. Ano nga? 

Cielo: Minsan kc pride ends even love db? And love isn't enough to end a war. Then pride follows. 

SF: Ah. Oo. 


Tapos ang usapan. 
Haha.

 p.s. SF means special friend. ;) 

p.p.s. Huwag umasa. Walang forever. Hahahahaha! _____________________________________________________ 


5. ISDA 

Eksena- Bonfire sa tabing dagat. Night out with new found friends. Kami ni friend 1 ang nagluluto ng kakainin for dinner. Luto na yug hotdog. Pritong galunggong nalang. Nakakaasar lang kasi tumatalsik yung mantika! Eh wala kaming mahabang sandok, kutsara lang. :( Napahugot tuloy ako. 

Cielo: Aray naman! Ang sakit kayang masaktan! Tumigil ka na please! (kausap yung probeng mga isda) 

NFF: *laughs* Hugot pa more Cielo. Naiintindihan ka namin. 


Naikwento ko na kasi sa kanila yung pinagdaanan ko in the name of love. Haha. ______________________________________________________

6. HUGOT SA SARILI 

Eksena: Sa jeep Kasasakay ko lang at nakapagbayad na rin ako ng pamasahe. Papasok ako sa work at kapag nagkaroon ng cause of delay, tiyak malelelate ako. Wala akong suot na wrist watch kaya titignan ko sana sa cellphone kung ano ng oras. Then shit happens. Naiwan ko pala yung cellphone ko sa bahay na nakacharge. kasama na yung mp3 ko na naka-charge din. 

Cielo: Mama, para! May naiwan ho ako. Kunin ko nlang po yung pamasahe ko. 


Mabait naman si manong driver at sinoli ng buo yung pamasahe ko. :) 

Cielo to herself: Ang tanga tanga mo! Lutang ka na naman. Tanga ka na nga sa Pag-ibig pati ba naman sa cellphone! ________________________ 

Hugot no.7 - UTAK 

I was talking to my older cousin via viber. She just gave birth to my niece. Our viber convo went like this.
 (NV)

 Ate: Cielo, ikaw ba yan?

 Cielo: Malamang! *insert many many stickers here. ako na ang adik sa stickers.* 

Ate: Ahehe. Sorry naman. Hindi naka-save number mo eh. Buti nalang kabisado ni Annie.( referring to our other cousin) 

Cielo: *insert stickers again* Kamote ka! :)

 Ate: Bilhan mo medyas si baby.

 Cielo: Huwaw. *insert stickers again. unlimited.* 

Ate: Dali na. Thanks Cie! Iyong pang newborn ha! 

Cielo: Teka lang! Nag-iisip pa ko. (Di ko kasi alam kung saan bibili) 

Ate: Huwag ka ng mag-isip. 

Cielo: Kaya nga may utak 'te. Para gamitin. Sa pag-iisip. Hindi lang puro puso. HAHAHAHAHAHA! 

Ate: Hugot pa! 

________________________________________ Hugot 8 - Voter's ID 

Usapang viber ulit with other cousin. 

Annie: Teh!

 Cielo: Oh? 

Annie: *nagsend ng screenshot* Hindi mo na kailangan mag-bio sa comelec. Tapos yung ID mo, pwede mo ng kunin. *nag-che-check siya via online sa comelec* 

Cielo: Paano kukunin yung Id? 

Annie: Pumunta ka sa Comelec. 

Cielo: Oh tapos? Anong gagawin ko dun? Anong sasabihin ko? hahaha. Hindi ko alam. *insert many many stickers here* 

Annie: Pumunta ka doon tapos sabihin mo, akin na ID ko. hehe. 

Cielo: Pupunta ako doon tapos sasabihin ko, WALANG FOREVER! hahahahaha. 

Annie: Adik! Ang bitter mo! hahaha! 

Cielo: Parang kape lang noh? Pwede pa ring maging sweet. hehehe. 

Annie: Ewan ko sa'yo, baliw! ________________________________________

No comments:

Post a Comment