Friday, May 8, 2015

For Mama


(For the celebration of Mother’s Day)

She’s my enemy.  My number one basher (grabe manlait yan) and ranter. My ultimate personal nagger.  My alarm clock in the morning. That’s Mama. Madalas may world war 3 sa bahay lalo na kapag complete attendance kaming tatlo.
But despite of all our endless quarrels, misunderstandings, differences and petty fights, I do believe that we so much love each other.
Patunay diyan ang pag-pi-prepare niya ng baon ko every Monday morning (dormer kasi ako kaya every Monday night to Thurday night, may ibang bahay akong inuuwian. Hahaha), pagluluto ng breakfast (actually wala siyang tiwala sa luto ko. Bitter truth.), yung tipong paggising ko handa na lahat.  (Huwaw, Prinsesita si Cielo!), paglalaba niya ng mga damit ko (sige na, ako na talaga ang tamad), pag-aayos ng room ko, pag-iispoil sa akin sa mga gamit na kulay Orange (very supportive sa paborito kong kulay. Try mo pasukin ang room ko, mauumay ka dahil puro Orange lahat. Hahaha). That’s my Mama. 

When my heart got its major heartbreak, believe it or not, siya ang unang taong natuwa. Finally (parang Ariel lang) daw ay natauhan na ako. Na yung matagal na niyang dinadasal kay Papa, at last ay natupad na. “Daddy, sa wakas, natauhan na yung panganay mo. Nakawala na si Ate doon sa boyfriend niyang sa tuwing makikita ko ay kumukulo ang dugo ko.” Minsang sabi niya. Ever supportive parent siya noh?

Pero kahit naman ako sobrang natuwa rin kay Mama when she re-arranged my room. New look, new life begins yata ang peg na nais niyang iparating sa akin. Ganyan magmahal ang mama ko. Hindi siya expressive or vocal pero mararamdaman mo sa mga acts niya. And usually, sa text lang kami nagkakaroon ng mga heart to heart talk at usapang matino. Haha. Weird, right.

Aaminin ko na hindi ako lumaking close sa kanya. I was very distant with my family when I was younger.  I have my own world and even planet (Planet Imaginations. Haha. Maipasok lang.) All my thoughts, stories that I wanted to share, my feelings, my rants, grievances, my problems, I kept it all to myself.
Then when I started to gain group of friends, mas naging comfortable at open ako sa kanila compare sa sarili kong pamilya. Mas gusto ko silang makasama then I had a split personality. (Huwaw, bipolar lang ang peg. -___-) Kapag nasa bahay, sobrang tahimik lang ako. Pero kapag kasama ko ang mga kaibigan ko ay sobrang ingay ko. (Baliw po talaga si Cielo, maniwala kayo.)

When Papa died seven years ago as of this writing (May 2015), syempre tatlo nalang kami ang natira sa pamilya. Mama, younger brother and I. Kailangan naming magtulungan para makaraos ang pang-araw araw na pamumuhay. I was already a working student back then kaya wala ng problema sa studies ko. Mama has to work harded para pambayad ng utang and para sa food namin and iba pang mga gastusin.  Then yung studies ni younger brother, naghahati kami doon.
As a daughter, I did my best para makatapos ng pag-aaral on time and finally ay makahanap ng magandang trabaho.
Eh kaso dumating si Pag-ibig. Na-inlove ang lola niyo.
When my ex (now) entered the scene, mas naging madalas ang mga pagtatalo namin ni Mama. She was really against it. Umpisa palang, ayaw na talaga ni Mama sa kanya due to some unknown and unexplainable reasons. Ayaw talaga niya dito para sa akin.  (And now I know that Moms really know best). Pero ipinilit ko pa rin. Ipinaglaban ko pa rin. Tanga eh. Nabulag. Nabingi. Haha.

Pinatunayan ko nalang sa kanya na hindi ko pababayaan ang studies ko. Na makakatapos pa rin ako despite of having a boyfriend. She then let me stay with that relationshit, I mean relationship. Hahaha. (bitter na bitter lang ang peg. Hehe)

Para sa akin, mas naging close kami ni Mama these days. Lalo pa’t kaming dalawa nalang ang nagtutulungan para maitaguyod ang aming pamilya.  Kahit pa living independently na ako (well most likely, sort of. At least four times a week), she still care for me. Nagtetext siya sa akin ng madalas  para kumustahin ako at para na rin humingi ng pambayad sa mga dapat at kung anu-anong mga bayarin. Hehe.

My family will always be on top of my priority list. They are also included on my everyday prayers for I love them so much. Kung wala sila, wala rin ako.

Dear Mama, kung mabasa mo man itong blog post ko for you (which I doubt. Haha.) I just want you to know that  I so much love you. Hindi ko man siya sinasabi sa’yo personally eh sana nararamdaman mo naman iyon. Sobra ko ring naaapreciate lahat ng mga maliliit na bagay na ginagawa mo para sa akin at para kay younger brother. You’re the best mom in the world for me!
Buti hindi ka na nag-asawa ulit after Papa? Hehe. Well, ayoko namang magsalita ng patapos but you’ve proven me much the real meaning of the world, Loyalty.
I love you, Mama. Please live longer pa. Wala ka pang mga apo mula sa akin. Haha.
Being your forever daughter, I will be here for you doing all the best that  I can for our family.  Sorry sa mga kagagahan, katangahan at pagkakamali na nagawa ko dati at patuloy pa rin na ginagawa, at gagawin pa sa future (sana lesser na). Thank you also for the acceptance and understanding that you always give to me.
Every day is Mother’s Day since the very moment that I had you as my Mama.
 Thank you for loving me unconditionally.   : )


Forever your Darling,
Cielo
May 10, 2015

P.S. Happy Mother’s Day! Bilhan kita cake! Hehe.

No comments:

Post a Comment