Pages

Friday, November 3, 2023

Finding Emhara (Day 3/30 of #NaNoWriMo Challenge 2023)

 

#𝗡𝗮𝗻𝗼𝘄𝗿𝗶𝗺𝗼𝗯𝘆8𝗟𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀 #𝗡𝗮𝗻𝗼8𝗟 #𝗡𝗼𝘃𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲8𝗟

 

Finding Emhara: Unsent Letters For My Love

Chapter #3 – Unsent Letter #3



And ikatlong sulat na binabasa na ngayon ni Aleiah ay sulat-kamay ng isang bata na tila nasa elementarya. Sigurado siyang si Emhara din ang nagsulat niyon. Mababakas pa rin ang magagandang strokes sa liham na hawak niya ngayon. Binalikan pa nga niya ang una at pangalawang sulat na nabasa at nahahawig pa rin talaga dito sa pangatlo kung paano ito magsulat.

“I wonder ilang taon si Emhara nang isulat niya ‘to? Maybe ten or nine?” Kausap ni Aleia ang sarili.

Napakamot pa nga siya ng ulo habang nakakunot ang noo. “My curiosity wants to kill you now, Emhara. Sino ka ba talaga?” At napabuntong hininga na lamang siya.

“My dad won’t tell me anything. Sana kapag natapos kong basahin lahat ng sinulat mo ay maging malinaw sa akin kung sino ka nga ba talaga at kung ano’ng papel mo sa buhay ko o sa buhay ni Daddy.” Nahiling na lamang niya.

Sinimulan na nga niyang basahin ang ikatlong liham.

Dalawang pahina iyon.

 

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

 

(A Letter For Addie)

Date: Today is Sept 26, 1990

For: Jed Addie

From: Emhara Grace

To my ever dearest Addie,

Hello, classmate!

How are you?

It’s me, your classmate and also neighbor, Em-em.

You know what? I have a big crush on you. The size of my crush for you is just like our house. It is big because we have a second floor.

I really like you since the day your family transferred here. Nine years ako noon nang makilala kita at sobrang nagustuhan na kita kasi ikaw lang pinakaguwapo dito sa street natin. Tapos palagi ka pang nakangiti. Kamukha mo si Richard Gomez pero ikaw yung white version niya. Palangiti ka pa at laging nalabas yung dimple mo sa right cheek.   

Alam mo ba’ng excited akong bumili ng taho every morning kasi paglabas ko ng house ay makikita kita kasi bibili ka rin.

Mag-smile ka sa akin, then mag-smile back ako sa’yo.

Tapos mag-greet tayo ng good morning at tapos sabay din tayong papasok sa school kasi pareho tayo ng school bus.

Lagi akong masaya everyday kasi nakikita kita. How I wish that you’re also happy seeing me.

At alam mo rin ba’ng ikaw ang first crush ko? I never had one since you came to my life.

Ang bait-bait mo pa at lagi kang nagpapatawa sa bus man o sa classroom natin. Kaya siguro mas naging crush kita because you’re a clown. You always make us laugh.

Ang dami nga ring nagka-crush sa’yo eh.

Pero okay lang ‘yon. At least alam ko naman na ako yung pinaka-close sa’yo ngayon.

I’m so happy to be your friend right now.

Mga bata pa naman tayo eh.

We’re still in grade five now pero promise ko sa’yo, ikaw lang magiging crush ko hanggang high school and sana hanggang college!

Tapos kapag pwede na ako mag-boyfriend – sabi ni Papa kapag nurse na daw ako then I can already have a boyfriend, sana close pa rin tayo.

Tapos pwede mo na akong ligawan! Ha-ha-ha!

 

Kidding aside, I pray to Jesus that He will help us to do good in school. Sabay sana tayong ga-graduate at sana friends pa rin tayo until forever!

Si Mama at Papa, they were also bestfriends sabi nila. And I want you Addie to be my bestest friend in the whole wide world! Iniimagine ko palagi na sabay tayong pupunta ng school at sabay din uuwi.

Tapos lagi akong pumupunta sa inyo para gumawa ng assignment. Kumpleto kasi yung encyclopedia set ninyo. And I love reading books. Salamat sa palaging pagpapahiram sa akin ng mga libro lalo na yung favorite kong Almanac.

Ipinag-pi-pray ko rin na sana hindi mauubusan ng bunga yung puno ng mangga sa front ng house ninyo. You always climb that tree and then I will throw the fruits that you’ll drop. Favorite din ni Mama yung mangga kaya happy din siya kapag umuuwi akong may bungkos.

You know what, Addie? I can live like this forever. Yung palagi tayong nagkikita sa street at sa school.

Ikaw kaya? Masaya ka ba kapag nakikita mo ko? Happy ka ba kapag binibigyan kita ng cookies na bini-bake ni Mama?

Tapos minsan yung baon ko hinahati ko para sa’yo lalo na kapag di ko gusto yung ulam na pinapabaon ni Mama.

Tonight, I pray to Jesus that you will be my bestfriend forever.

At sana… maging crush mo rin ako.

 

I wish you all the best in life, Addie!

Pero okay lang pala kahit hindi mo na ako maging crush ngayon.

Kahit i-love mo na lang ako kapag matanda na tayo like 27 years old!

Oh my God, I’m so dreaming!

 

Loving you,

Emhara.

 

P.S.

(date written: Nov 5, 2000)

Thank you, Addie for being my inspiration and source of happiness when I was still a kid.

My grade school life and even high school life has been so wonderful because of you.

Our lives have changed and life changed us and it’s okay. 

It was still a happy and wonderful childhood memory though.

 

Love,

Emhara.

No comments:

Post a Comment