Pages

Thursday, November 2, 2023

Finding Emhara (Day 2/30 of #NaNoWriMo Challenge 2023)

 


Day 2/30:

#𝗡𝗮𝗻𝗼𝘄𝗿𝗶𝗺𝗼𝗯𝘆8𝗟𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀 #𝗡𝗮𝗻𝗼8𝗟 #𝗡𝗼𝘃𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲8𝗟

Finding Emhara: Unsent Letters For My Love

Chapter 2 – Unsent Letter # 2

(A Letter For Myself)

To my dearest Emhara,

Ito ang kwento ng buhay mo.

You were born on the summer of 1980. Grace and Robert were so happy having you. Ikaw ang nagpatatag ng kanilang pagsasama na unti-unti nang nagkakalamat. Matagal ka nilang hinintay na dumating sa kanilang buhay. By God’s miracle, you came to them just in the perfect time.

Ikaw ang kanilang Unica Hija at hindi ka na nasundan pa dahil sa mahinang kalusugan ng iyong ina. Hindi na niya kakayanin pa ang magkaroon pa muli ng supling.

You had a perfect childhood as you thought.

May maayos na trabaho ang iyong ama kaya naman lahat ng pangangailangan mo at pati na rin ang iba mong mga luho noon ay nasuportahan niya.

Ngunit pinalaki kang maayos ng iyong mga magulang.  Hindi ka lumaking nakadepende ang mundo sa mga materyal na bagay. Namana mo sa iyong ama ang pagiging masinop sa iyong mga gamit.

At namana mo naman sa iyong ina ang pagiging sentimental. Mas importante sa’yo ang mga oras na kumpleto kayo, namamasyal, kumakain sa labas, nagsisimba tuwing araw ng Linggo at pumupunta sa iba’t ibang lugar.

You had a gift of a photographic memory.

Your youngest core memory that you can still remember was when you were about two years old. Naglalakad ka papunta sa iyong ina at may dala-dala kang maliit na bulaklak na pinitas mo sa bakuran ng inyong kapitbahay. Binigay mo iyon sa iyong ina at inilagay niya iyon sa isang scrapbook.

Childhood life has been an easy one for you.

Your father provided everything while your mom has been your daily companion, first ever teacher, disciplinarian, best friend and mortal enemy in one.

You couldn’t ask for more.

It was a perfect childhood.

A perfect life indeed.

Or so you thought…

 

Few years later, you would know that life is not only about butterflies and flowers. There were also thorns and fires.

At ikukwento ko sa’yo ‘yon sa mga susunod na liham.

 

I am always here for you (because no one could ever be),

Emhara.


No comments:

Post a Comment