Day 1/30: #𝗡𝗮𝗻𝗼𝘄𝗿𝗶𝗺𝗼𝗯𝘆8𝗟𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀 #𝗡𝗮𝗻𝗼8𝗟 #𝗡𝗼𝘃𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲8𝗟
Finding Emhara: Unsent Letters For My Love
Chapter
1 – Unsent Letter # 1
UMAKYAT si Aleia sa attic ng
kanilang bahay dahil naisipan niyang i-donate na ang mga luma niyang laruan sa
isang outreach program na sasalihan niya. Sa katapusan ng buwan ay pupunta sila
sa Zambales para magbigay saya sa mga kabataan ng isang Aeta community doon.
Marami
siyang naitabing laruan na maayos pa naman at maaari pang mapakinabangan.
“Saan ko ba
nilagay ‘yon?” Tanong niya sa sarili habang abala sa pagbuklat ng mga kahon sa
kanilang storage room. “Nandito lang ‘yon eh… Ayun!”
Ngunit bago
niya matunton ang isang makulay na karton na pinaglalagyan ng mga luma niyang
laruan ay isang maliit na latang kahon ang pumukaw ng kanyang atensyon. Bago sa
kanya iyon. Kulay kahel ang lalagyan. Binuksan niya ang delatang kahon at
bumungad sa kanya ang isang bungkos ng mga liham. May mga numerong nakasulat sa
ibabaw ng bawat liham. Sunod-sunod iyon.
“What’s
this?” Kunot-noo niyang tanong sa sarili. Hindi na niya napigilan ang sarili at
tuluyan na niyang pinakialaman ang mga sulat.
Nawala na
ang atensyon niya sa totoo niyang pakay sa kanilang bodega. Lumabas na siya ng silid
bitbit ang mga sulat. Balak na niyang dalhin ang mga iyon sa kanyang silid
upang doon basahin isa-isa. Wala siyang pakialam kung kanino ang mga iyon. Mas
gusto niyang punuin ang kanyang kuryosidad.
Wala siyang
kasama sa kanilang bahay nang mga sandaling iyon. Mamaya na lamang niya
tatanungin ang kanyang ama tungkol sa mga liham na iyon.
Dalawa
lamang sila ng kanyang ama ang magkasama sa bahay. Wala na ang kanyang ina dahil
bata pa lang siya ay ‘out of the picture’ na ito sa kanilang buhay.
Ngunit bago
pa siya makarating sa sarili niyang silid ay isang lalaki ang gumulat sa kanya.
Sa tantiya niya ay kaedad niya lamang ito.
“Hoy! Sino
ka?” Singhal niya dito. “Lumayas ka sa pamamahay namin! Magnanakaw ka!”
Pananaboy niya pa rito. Muntik pa nga niyang ibato sa lalaki ang hawak niyang
de latang kahon na naglalaman ng mga sulat.
Ngunit nasalag
ng lalaki ang ibabato niya sana rito.
Hinawakan
ng lalaki ang kanyang mga kamay at nagpumiglas siya. “Ha! Anong gagawin mo sa
akin?!”
Natitigan
niya nang mabuti ang itsura nito. Mahirap na at baka makatakas pa ito, mabuti
nang maaninag niya nang maayos ang itsura nito at ma-ireport sa mga pulis.
Matangos
ang ilong nito, mahahaba ang mga pilik mata at medyo pahaba ang hugis ng mukha
ng lalaki.
May
kakapalan din ang mga kilay nito at maamo kung tumingin ang mga mata. May
nakakahawig itong mga mata, hindi niya lang maalala kung sino.
Mapusyaw na
rosas ang kulay ng mga labi nito at tama lamang ang proportion nito sa hugis ng
kanyang mukha.
Masasabi
niyang may laban ang itsura ng lalaki sa mga schoolmate niya noong college na pinangsasalang
nila sa Mr. Campus.
Pero hindi
siya dapat malinlang sa maamo at guwapo nitong itsura! Isa pa rin itong
trespasser at posible pang magnanakaw sa loob ng kanilang bahay.
Paano ba
ito nakapasok?
Nakalimutan
ba niyang i-lock ang kanilang main door?
Wala kasi
ang daddy niya. May dinalaw itong kaibigan.
“Magnanakaw
ka! Bitiwan mo ako!” Pagpupumiglas niya.
Sumunod
naman ito at pinakawalan siya. “Umayos ka nga.” Mahinahong turan ng lalaki.
“Boarder niyo ako. Nakalimutan mo na naman.”
Kumunot ang
noo niya. Hindi niya maalala. “Boarder?”
“Oo.
Matagal na. Diyan yung kuwarto ko. Sa tabi ng kuwarto mo.” Flat ang tono ng
lalaki at umalis na ito sa kanyang harapan at nagtungo na nga ito sa sinasabi
nitong ‘kuwarto’.
Agad niyang
tinawagan ang kanyang ama. “Dad, sino yung lalaki dito sa bahay?” Pagalit pa
nga ang tono niya. Nakalimutan niyang ama ang kausap at nataasan pa niya ito ng
boses. “Sino ‘to? Kilala mo ba ‘to? Baka magnanakaw ‘to! Boarder daw natin
siya.”
Kalmado ang
naging pagtugon ng kanyang ama. Matagal muna itong nanahimik bago sagutin ang
sunod-sunod niyang mga tanong.
“He is our boarder. Matagal-tagal na rin.”
“Paanong hindi ko alam?”
At sinabi na nga ng kanyang ama ang buong detalye sa kanya.
“Uhmm. Okay.” Iyon na lamang ang naging tugon niya sa naging
mahabang eksplanasyon ng ama. Matiyaga nitong ipinaliwanag ang kondisyon niya. Mayroon
siyang short-term memory loss o STML kaya naman may mga bagay siyang
nakakalimutan.
“Nakalimutan mo na naman.” Alam niyang nakangiti sa kabilang
linya ng telepono ang kanyang Daddy. Mahahalata sa tinig nito at mukhang
napapailing na lamang ito sa kanya.
“Whatever, Dad! You know my condition. You should have
always reminded me of the things I always forget.”
“Uhmm…Okay. I love you. In case you don’t remember.” Marahang
tumawa ang ama.
“Dad! Of course, I know that!”
“Okay, ingat ka diyan. I’ll be home before 10 p.m.”
Pagpapaalam ng kanyang ama.
“‘Kay. Love you too!” Binaba na ni Aleia ang telepono at
nagtungo sa silid ng kanilang boarder. Kumatok siya rito at binuksan naman ng
lalaki ang pinto. “I’m sorry. I already know who you are. Nasabi na ni Dad.”
Ikinibit lang ng lalaki ang mga balikat nito at muli ng
isinara ang pinto.
“Sungit!” Bulong ni Aleia.
Tumungo na siya sa kanyang kuwarto. Napatingin siya sa hawak
niyang sisidlan. Naalala niyang may gagawin pa pala siya. Umupo siya sa kanyang
kama at binuklat ang unang liham at sinimulan na nga niyang basahin iyon.
No comments:
Post a Comment