Pages

Tuesday, March 7, 2017

EMPTY


Written By: CieloAmethyst
Oct. 26, 2016




This isn’t an adjective but a feeling I felt once again. For the whole day, you have been so busy and your mind was filled with so many things. But at the end of the day, teka lang… Bakit ganito? Bakit parang may kulang? Bakit parang may nawawala?

Anong nangyayari? Bakit ko nararamdaman ito?
May namimiss ba ako?
Sino?
Bakit?
Anong dahilan?

Katulad ng Microsoft word na may kumukurap-kurap na cursor at walang kahit isang titik na nakatipa, mapapaisip ka nalang ng, Bakit walang laman?

So many things are filling your head over and over, but why is the heart feeling so empty?

What should we do now?

Hahayaan nalang ba na lumipas ang hungkag na damdamin at babalewalain na lamang?
O hahanapin ang kasagutan sa pupuno ng pagkulalang na ito?

Ano ba ang dapat gawin?
O mas tamang sabihin na, ano ba talaga ang tunay na makapagpapasaya sa akin?

Ano ba talaga ang kulang?
Siya ba na magsasabing mahal niya ako at  sasagot naman ako na mahal ko rin siya?

Siguro nga nakakapagod lang talaga ang maghintay sa tamang tao, sa tamang panahon at pagkakataon. Lalo na kung wala kang ideya kung kalian ba talaga mangyayari iyon, saan at sino.

Nakakamiss ang maramdaman na may naghihintay sa’yong makauwi ng ligtas bukod sa pamilya mo pagkatapos ng isang araw na nakakapagod na pagtatrabaho.
Nakakainip na ba? Oo. Sobra.

Masyado ka ngang abala sa maraming bagay pero alam mo sa sarili mo na handa mong itapon lahat ng iyon at maglaan ng oras para sa kanya. Hanggang kalian ka maghihintay.

Hanggang kalian tayo maghihintay sa tamang tao na sobrang tagal dumating?

Sana ang feeling empty ngayon, maging feeling full na sa susunod.

DIWATA,




No comments:

Post a Comment