Akala mo okay ka na nang wala siya. Akala mo masaya ka na talaga Pero sabi nga nila na marami pala talaga Ang namamatay sa maling akala
Gaya ng puso ko na matagal nang namatay Mula ng pillin niyang sa akin ay humiwalay Pero matagal na panahon na yon! Ang alam ko matagal na akong nakabangon!
Pero malupit talaga ang tadhana Dahil nang minsang muli ko siyang makita Shet naman! Siya pa rin pala talaga Ang nag-iisang laman ng puso kong tanga
Paano na ang gagawin ko ngayon? Patuloy na magpapanggap sa salitang move on O magpapakatotoo nalang sa tunay na damdamin? Tengene naman kasi! Bakit siya pa rin?
No comments:
Post a Comment