Pages
▼
Thursday, March 23, 2017
“Bakit Siya Pa Rin?”
3.23.17
Written by: CieloAmethyst
Akala mo okay ka na nang wala siya.
Akala mo masaya ka na talaga
Pero sabi nga nila na marami pala talaga
Ang namamatay sa maling akala
Gaya ng puso ko na matagal nang namatay
Mula ng pillin niyang sa akin ay humiwalay
Pero matagal na panahon na yon!
Ang alam ko matagal na akong nakabangon!
Pero malupit talaga ang tadhana
Dahil nang minsang muli ko siyang makita
Shet naman! Siya pa rin pala talaga
Ang nag-iisang laman ng puso kong tanga
Paano na ang gagawin ko ngayon?
Patuloy na magpapanggap sa salitang move on
O magpapakatotoo nalang sa tunay na damdamin?
Tengene naman kasi! Bakit siya pa rin?
Tuesday, March 7, 2017
EMPTY
Written By: CieloAmethyst
Oct. 26, 2016
This isn’t an adjective but a feeling I felt once again. For
the whole day, you have been so busy and your mind was filled with so many
things. But at the end of the day, teka lang… Bakit ganito? Bakit parang may
kulang? Bakit parang may nawawala?
Anong nangyayari? Bakit ko nararamdaman ito?
May namimiss ba ako?
Sino?
Bakit?
Anong dahilan?
Katulad ng Microsoft word na may kumukurap-kurap na cursor
at walang kahit isang titik na nakatipa, mapapaisip ka nalang ng, Bakit walang
laman?
So many things are filling your head over and over, but why
is the heart feeling so empty?
What should we do now?
Hahayaan nalang ba na lumipas ang hungkag na damdamin at
babalewalain na lamang?
O hahanapin ang kasagutan sa pupuno ng pagkulalang na ito?
Ano ba ang dapat gawin?
O mas tamang sabihin na, ano ba talaga ang tunay na
makapagpapasaya sa akin?
Ano ba talaga ang kulang?
Siya ba na magsasabing mahal niya ako at sasagot naman ako na mahal ko rin siya?
Siguro nga nakakapagod lang talaga ang maghintay sa tamang
tao, sa tamang panahon at pagkakataon. Lalo na kung wala kang ideya kung kalian
ba talaga mangyayari iyon, saan at sino.
Nakakamiss ang maramdaman na may naghihintay sa’yong makauwi
ng ligtas bukod sa pamilya mo pagkatapos ng isang araw na nakakapagod na
pagtatrabaho.
Nakakainip na ba? Oo. Sobra.
Masyado ka ngang abala sa maraming bagay pero alam mo sa
sarili mo na handa mong itapon lahat ng iyon at maglaan ng oras para sa kanya.
Hanggang kalian ka maghihintay.
Hanggang kalian tayo maghihintay sa tamang tao na sobrang
tagal dumating?
Sana ang feeling empty ngayon, maging feeling full na sa
susunod.
DIWATA,
Monday, March 6, 2017
Thursday, March 2, 2017
Huwag Muna
"Huwag Muna"
Isinulat ni: CieloAmethyst
Lagi mong sinasabi na mahal mo ako, na ako na talaga ang napili mong makasama habambuhay, na siyang nais mong pakasalan, magkaroon ng pamilya at maging kasama sa pagtanda.
Gustong-gusto ng puso ko ang maniwala pero kasi may mumunting tinig ang sumisigaw sa kaloob-looban ko na baka hindi naman totoo ang lahat ng iyan, na baka sa kabila ng lahat ay siya pa rin pala talaga ang mahal mo at hindi ako, na baka ginagamit mo lang ako upang mapagtakpan ang lahat ng bagay na pwedeng tapalan ng presensya ko sa buhay mo.
Hindi ko na alam kung papaano pa ang maniwala at magtiwala.
Dahil sa mga pinagdaanan ko ay lagi na nga akong may takot at laging nangangamba.
Baka kasi hindi pa talaga ito ang tamang panahon para sa ating dalawa.
Kailangan muna yata natin ng distansya.
Kasi baka nabibigla lang tayong pareho at baka bukas makalawa, ay mawawala ka na naman pala.
Sinasabi mo na mahal mo ako pero alam naman natin pareho na nandyan pa rin siya sa puso mo.
Oo nga at masaya naman kapag magkasama tayong dalawa
Pero malay natin na sa likod ng mga ngiti mo ay siya pa rin pala ang tunay na nakakapagpasaya sa'yo at ginagawa mo lang akong pantawid kasiyahan mo.
Hindi pa yata talaga tama ang para sa atin.
At ang isa't isa ay kailangan muna nating palayain.
Isipin ang mga bagay-bagay, timbangin, itama kung may mga dapat mang itama.
Ayoko nang masaktan ulit sa parehong dahilan na hindi naman pala ako ang siyang tunay na nilalaman ng puso mo.
Aasamin ko na dumating ang araw na buo ka na ulit at sa akin ka pa rin babalik.
Pero hindi na ako masyadong aasa pa dahil alam ko naman na sa bandang dulo
Ay ako pa rin ang siyang magiging talo.
Kung ibibigay ko na naman ang lahat at walang ititira para sa sarili ko, baka makalimutan ko na naman na tao lang pala ako.
Iyong klase ng tao na Nagmamahal ng sobra-sobra, umaasa ng lubos at nasasaktan ng todo.
Marupok, mahina, madaling mabola at mabilis maniwala.
Kaya habang hindi pa huli ang lahat, nais ko munang ilayo at ingatan ang puso ko
Mula sa posibleng pagkakadurog nito.
Pahilumin muna natin ang lahat ng mga sugat, ayusin ang mga buhay natin at isipin ang iba pang mas mahahalagang aspeto nito.
At baka sakaling tama man ang maging desisyon kong ito.
Wala akong pagsisisihan at pareho pa nating malaman na sa kabila ng mga lilipas na panahon ay tayo pa rin pala ang nakatadhana.
Hindi masamang umasa. Pero sana ay iyong sapat lang.
Salamat kung babalik ka pa at buo na talaga ang loob mo at pagpapasya na ako na talaga ang nais mo sa iyong buhay.
At salamat pa rin kung iyong mapagtatanto na hindi pala ako.
Mas pipiliin ko pa rin ang maniwala na meron paring TAYO sa hinaharap.
Mananalig pa rin ako sa tadhana nating dalawa na tayo ang pagbubuklurin ng kapalaran.
Pero sa ngayon, Mahal ko, ay huwag muna.
Masyado pang masakit, huwag muna.
Wednesday, March 1, 2017
A note
A six-word quote worth sharing for to prevent a less heartache event...
"Note to self: Guard your heart."
"Nasasaktan Pa Rin Ako"
Isinulat ni: CieloAmethyst
Tapos na, eh. Matagal ng tapos.
Lumipas na rin ang ilang taon na nagkasakitan tayo.
Nagkapatawaran na rin naman na tayo.
At higit sa lahat ay wala nang "Tayo". At ang natitira nalang ay ikaw at ako.
Pero "Bakit"?
Bakit sa tuwing naalala ko ang mga nangyari sa nakaraan ay may tila bumibiyak pa rin sa aking puso?
Bakit sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga nagawa mo at ang taong ipinalit mo sa akin ay nasasaktan pa rin ako?
Sa totoo lang ay ayoko naman na talagang maramdaman 'to.
Dahil ako rin naman kasi ang nahihirapan.
Pero ano nga ba ang magagawa ko kung kusa itong nagsusumiksik sa damdamin ko?
Sobra kasi kitang minahal noon na halos wala na akong itinira para sa sarili ko.
Kaya heto nasasaktan pa rin ako ng sobra-sobra.
Madalas ko pa ring sisihin ang sarili ko hanggang ngayon. Iniisip na baka ako naman talaga ang may problema, na baka ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit naging ganon tayo noon.
Ano nga ba ang pwede kong gawin para hindi ko na ito maramdaman pa? Para hindi ko na balikan ang lahat ng pait ng kahapon.
Gusto kong magsimula ulit na wala ng baon na sakit at pag-asa na lamang ng isang bagong pag-ibig na pupuno sa lahat ng naging pagkukulang noon.
Mangyari pa kaya iyon?
Sana naman oo. Dahil sino ba naman ang gustong malugmok habambuhay sa lahat ng sakit ng pagkakamali.
Karapatan naman siguro ng bawat isa sa atin ang muling bumangon, maging masaya at iwan na ang lahat ng mabibigat na dalahin.
At sana ang pagkakataon na iyon para sa akin ay dumating na. Ayoko na kasing masaktan nang paulit-ulit sa parehong dahilan.
Kung pwede nga lang na matulungan mo ako mapawi ang lahat ng sakit ay tatanawin ko iyon na isang malaking utang na loob.
Maraming salamat talaga.
Pero baka sakali rin naman na ako lang din pala ang makakatulong sa sarili ko at wala ng iba pa.
Anuman ang maging paraan, ang tanging hiling ko lang ay makalaya na.
Tulad ng isang ibong nakawala sa rehas na kinasadlakan niya ay muli siyang babalik sa masaya niyang tahanan - sa himpapawid, sa alapaap, sa kawalan.
Hindi na ako muling masasaktan pa.
At sa muli ay magmamahal na ulit nang wagas.
Tiwala lang at darating din siya. Ang taong susulit sa lahat ng pait at tuluyan nang magwawakas sa lahat ng sakit.
Yung taong hindi na kailanman mang-iiwan at magkasama naming haharapin ang lahat ng hirap at pasakit ng buhay. Dahil iyon naman talaga ang katotohanan, hindi ba?
Hindi parating masaya. Hindi laging puro ligaya.
Darating pa rin ang mga sandali na iiyak tayo, masasaktan, madudurog, madadapa.
Pero pasasaan ba at babangon din naman tayo, pero sa pagkakataong iyon ay may kasama na tayo, may karamay, may kasamang hindi susuko at kailanman ay hindi tayo hahayaang masaktan nang mag-isa.
Sana dumating na siya.
Kasi alam ko sa sarili ko, na kung siya naman ang haharap sa hirap at siya rin ay makakaranas ng sakit, hinding-hindi ko siya susukuan at iiwan nang mag-isa.
Papawiin namin ang lahat ng sakit nang magkasama.
Hindi ko siya bibitiwan. Dahil kailanman ay hindi ko gawain ang maunang bumigay, ang maunang sumuko at maunang mang-iwan. Salamat sa pagkatao ko na marunong manindigan.
Nasaan ka na ba?
Halika na dito sa tabi ko. Kailangan ko ang tulong mo dahil sa ngayon ay nasasaktan pa rin ako.
Mahal ko, yakapin mo naman ako. Dahil iyon lang ay sobrang sapat na para mapawi ang lahat ng bigat na nararamdaman ko.
Ayoko nang masaktan na ikaw ang dahilan...