Written by: CieloAmethyst
"Dear Kras,
Pilit kitang hinahanapan ng mali para hindi na kita maging crush. Ayoko! Ayoko ng ganitong feeling! Kasi hindi ka Korean actor! Hindi ka rin si Aljur o si Zanjoe. O isa sa mga F4. Grabe, struggle. Ayoko talagang magka-crush sa'yo. Promise!"
I'm 26. Uso pa ba ang crush sa edad kong ito? Siguro naman oo. Nangyayari nga sa akin ngayon eh.
Sobrang struggle lang talaga kasi hindi ako sanay magkagusto sa isang normal na tao. Kasi nga isa akong DIWATA at siya ay isang hamak na mortal lamang.
De, joke lang. Madaling araw na kasi kaya sinasaniban na naman ako.
What I mean about this crush thingy is yung hindi paghanga sa artista, o sa Kpop, o boyband, o sa mga lalaking galing sa libro at anime.
As in, ito ay pagkakaroon ng gusto o paghanga sa isang tao talaga! Pangkaraniwang tao na nakakasalamuha ko. Nothing special, just ordinary. But what makes him stand out and be extraordinary?
Paano niya natunton ang Diwata level of standards ko?
Yung tangkad niya? Shet! Weakness ko talaga ang height. Hu-hu. Help!
First basis pa lang, lubog na ako.
Medyo bad boy image. Shet. Check ulit!
Alam mo yung mukhang matapang pero pagdating sa'yo napakagentle niya? Ganun siya!
Hindi mukhang fuckboy. Ay, check! He maybe looks bad boy pero kapag nakausap mo na, he's not and he is not definitely a fuck boy. Maniwala tayo sa woman's instinct. That's our greatest power.
Lalo pa ako na isang self-proclaimed diwata.
Family-oriented. God-fearing. May stable job. Loves hiking and traveling. And he's into photography rin. Check na check lahat!
Huhu. Sobrang lubog na lubog na ako.
OMG! Pwede na ako magpalpitate.
Tapos ideal age pa and according to his Facebook relationship status, he's single.
Ano ba?! Awat na.
This can't be happening.
Ayoko!
Natatakot na tuloy akong mas makilala pa siya.
Dalawa lang kasi yan eh. It's either lalo akong mahulog (that means it would be more than crush) or mawala yung 'starter pack' feelings at magtungo sa zone na paborito ng lahat. None other than, FRIENDZONE.
Based on my personal historical reports sabi ng memory bank kl, yung mga nagiging crush ko, ended up as becoming my friends kasi nakakahanap ako ng mga bagay na negative about them kaya gumugoodbye ang feelings with hidden agenda.
At higit sa lahat ng factors of becoming a 'friendzoner', hindi nila ako type! Hahaha!
So, yon lang.
This blog post was just all about my childishness foolishness some sort of crush on someone I have just got to meet recently.
Hi, Muffin!
P.s. Kahit pala sa crush, loyal ako. As in pangmatagalan talaga.
Kaya parang ayaw na gusto ko pa siyang makilala nang lubusan. (Ang labo ko talaga!)
Because I want to cherish this current feeling. Yung medyo kilig much every time I think about him. Hehe.
Baka kasi kapag nakilala ko pa siya, feelings will surely change. Either for the better or for the worse.
Kasi nga walang forever.
August 23,2016
Yes, sweldo!
No comments:
Post a Comment