Pages

Saturday, October 5, 2013

Young love at 26?


(Jayer and Sash)

“Kahit umabot pa ko ng senior citizen, hindi man ikaw ang first boyfriend ko, ikaw pa rin ang first love ko. And first love never dies, never in my heart…”


“Bangus, salo!” pagtingala ng sampung taong batang babae ay binato naman ng batang lalaki na nasa itaas ng  puno ang isang bungkos ng indian mangoes.
“Ay! Ang dagta!” sigaw nito sa lalaki.
“Okay lang yan.”
“Thank you ha!”
“Anong thank you. Pinasalo ko lang yan.”
Nadismaya ang batang babae, “Sa’yo na yan! Hindi naman yan ang pinunta ko dito sa inyo eh! Pahiram ng libro sa Hekasi. Bumaba ka na diyan.” May himig pa rin ng pagtatampo sa tinig ng bata.
“Joke lang! Sa’yo na lahat yan. Marami pa naman dito eh.” Pagkakuha nito ng isa pang bungkos ng mangga ay bumaba na rin ito ng puno.
“Sandali lang kukunin ko.”
Sa katapat na bahay ay may nakatingin ding isang batang babae. Halatang nagseselos. Naka abrisyete at masama ang tingin sa batang binigyan ng mangga. “Buti nga sa’yo! Wala kang mangga!” sabi ng bata sa sarili at ngingiti ngiting kinuha ang libro sa kamay ng lalaki.
-O-
“Huy Sash! Iniimagine mo na naman si Jayer noh?” puna ni Joy sa pinsan na nakatitig sa picture ng kababata.
“Ano ka ba ate! First crush never dies.” Pagdadahilan ng dalaga.
“ Mukha nga. Ayaw mong paligaw sa iba eh.”
“Ate naman. 3rd year high school pa lang naman ako eh. Tsaka si Jayer ang gusto kong maging first and last boyfriend.” Nangangarap na wika nito.
“Yun na nga eh. Ikaw gusto mo siya, pero siya, hindi ka naman gusto.”
“Bata pa naman kami eh.”
“Bahala ka. Baka masaktan ka lang in the end.”


-O-
Parang gumunaw ang mundo ni Sash ng mabalitaang may girlfriend na ang kababatang si Jayer. Classmate daw ito ng huli sa TUP.
“Nakakainis Nanz! May girlfriend na siya.” Himutok ni Sash sa best friend.
“Natural lang yon, lalaki siya eh. May itsura pa.” tila balewalang sagot nito sa kausap.
“But I thought first namin ang isa’t isa! Ang sakit Nanz, ang sakit!”
“Sino ba kasing nagsabi sa’yo na umasa ka?”
“Puso ko.”
“Yun na nga eh. Hindi natuturuan ang puso. Hindi ka niya gusto,sis. Kaya nga hindi ka niya nililigawan eh.”
Tila nagising sa mahabang pagkakatulog si Sash sa sinabi ng kaibigan. Maybe it was the truth. Jayer didn’t like him at all. All these years, kapitbahay slash kakulitan slash kalaro noon slash kababata slash tropa lang talaga ang turing sa kanya ni Jayer.
How sad.
-O-

Minsang nag fe facebook si Sash ng I message siya ni Jayer.
“Huy bangus! Muzta na? Long tym ha!”
“Barnido! Buhay ka pa pla?! Mtatanda na tayo bangus pa rin?”
“Ganun tlga. Haha! Waz up?”
“Ok lang. Eto namomroblema, na virusan pc ko.”
“Eh anu yang gamit mo?”
“Tablet.”
“Soxal.”
“Soxal ka diyan. Katas to ng sahod ko noh. Magtrabaho ka na din kc!”
“After this sem, gagraduate plang ako eh.” Oo nga pala, Engineering ito.
“Congrats in advanz.”
“Tsaka na yan pg nkapasa na ko ng board.”
“K. Sabi mo eh.”
“Nga pla may classmate ako gumgwa ng pc.”
“Tlaga? Tga San? Papuntahin mo dito hauz.”
“Samahan mo ko sunduin natin xa. Wala kasing cp un ngaun. Nasira.”
“Malayo ba?”
“Sa kabilang village.”
“Ngayon na?”
“Uu.”
“k. Daan ka dito.”
“Umaangkas ka naman sa motor di ba?”
“Yupp.”
“Wait mo ko diyan.”

Wala pang sampung minuto ay nasa tapat na ng bahay nila Sash si Jayer dala ang motor nito. Habang binabagtas nila ang daan papunta sa tirahan ng kaibigan ni Jayer ay nagkamustahan ang magkaibigan.

“Saan ka na nagtatrabaho?” si Jayer ang unang nagtanong.
“Diyan lang sa Makati. Marketing officer.”
“Ah. Kala ko manager ka na eh.”
“Matagal pa yon. Dahan dahan lang. Ikaw, saan mo balak magwork?”
“Baka sa Smart. Andun na si girlfriend eh.”
Ouch! Wika ni Sash sa sarili. “Talaga. Goodluck.”
“Ikaw, bakit wala ka pa ring boyfriend? Gayahin mo kasi si Ate Joy, friendly,tsaka nagpa brace pa kaya gumanda lalo. Ayun, madami tuloy nanliligaw. Maputi kasi eh.”
Binatukan ni Sash ang kaibigan. “Hoy! Tungak! Kahit hindi ako maputi, may nanliligaw pa rin naman sa akin noh. Ayoko lang talaga magboyfriend.” Kasi ikaw ang gusto ko.
“Bakit naman? 22 na tayo. Hindi pa ba pwede kay Tita” tukoy nito sa ina ni Sash.
“Wala namang problema sa kanya eh. Ayoko lang talaga.”
“Choosy ka pala.”
“Medyo. Hindi pa kasi ako nakikita ni Mr. Right eh. Busy pa siya sa iba,” sinundan niya ito ng malakas na tawa.
“Ganun? May Mr. Right ka pang nalalaman,” komento ng kaibigan sa sagot niya. “Andito na tayo, tawagin ko lang,” bumaba na ng motor si Jayer at tinawag ang dating kaklase.
“Sige. Dito nalang ako sa labas,” sagot niya sa kababata.
Paglabas uli ng gate ni Jayer ay may kasama na itong isang lalaki na kaedaran rin nila. May itsura at matangkad.
“Jace, siya si Sash. Kababata ko. Siya yung magpapaayos ng pc. Bangus, si Jace.” Pakilala ni Jayer sa mga kaibigan.
“Hi!” nginitian ni Sash ang bagong kakilala.
“Hi din po!” nakipag shake hands ito sa dalaga, “May gagawin po kasi ako ngayong computer. Baka bukas nalang ng gabi ako pupunta sa inyo. Malapit ka lang naman kina Jayer, di ba?”
“Oo. Sige. Jayer, samahan mo nalang siya pagpunta sa bahay bukas ha!”
“Ok,”
-0-
Nang sumunod na gabi, bisita ni Sash sa kanilang tahanan ang dalawang binata.
“Sisingilin  mo ba ako ng mahal, Jace?” nakangiting tanong ni Sash sa binatang technician.
“Libre nalang,” sagot naman nito.
“Wow, big time!” natatawang komento ni Jayer.
“Seryoso ka? Ano ka ba? Joke lang yun noh! Nakakahiya naman sa’yo, magbabayad ako,” Sash insisted.
“Isang date nalang,” paanyaya ni Jace sa dalaga.
“Di-date? Seryoso ka ba?” maang na tanong niya rito.
“Pwede ba?”
“Te-teka lang..”
“Wala naman sigurong magagalit?”
“Wala naman,”
“So, payag ka na?”
“Sige na nga!” masayang pahayag ni Sash. This would be her first time to go out on a date.
“Thank you,”
“Ehem.. Andito pa kaya ako,” singit ni Jayer sa usapan ng dalawa.
“Bakit pre, hindi ka ba payag?” tanong ni Jace dito.
“Sira! Bakit naman ako hindi papayag? Hindi pa nagkakaboyfriend yang si Sash. Ingatan mo yan pre ha! Lagot ka sa akin,” imporma naman niya rito.
“Oo naman,”
-0-
Nasundan pa ang masayang paglabas nila Jace at Sash. Ang ipinagtataka lang ni Sash, simula ng mag date sila ni Jace ay hindi na siya masyadong kinakausap ni Jayer. Kapag nagkakasalubong naman sila, simpleng bati o tango lang ang binibitawan nito sa kanya. Wala na yung dating kuwentuhan o konting asaran.
“Siguro, masyado lang siyang busy sa girlfriend niya,” nasabi na lang ni Sash sa sarili but somehow ay namimiss niya ito kasama o kakuwentuhan man lang.
Tanggap niya ng hindi siguro talaga sila ni Jayer ang nakalaan para sa isa’t isa kaya’t nang ligawan siya ni Jace ay sinagot na rin niya ito. Mabait rin naman ito at masayang kasama. She gave her a chance to like other man. Tama ang mga kaibigan niya, hindi lang si Jayer ang lalaki sa mundo na pwedeng magpasaya sa kanya. Pero alam niyang sa puso niya, may espesyal itong puwang.
For the last four years ay naging masaya ang pagsasama nila ni Jace but somewhere in her heart, may kahungkagan siyang nararamdaman.
After passing sa board, nag-abroad na si Jayer at doon na nagtrabaho bilang isang engineer. They lost their communication. Kahit sa social networks ay hindi na rin sila nagkukumustahan man lang.
He misses Jayer so much but there’s nothing she can do but to go on with her life. With Jace.
-0-
One fine day, while celebrating their 4th year anniversary, Jace broke up with her. “
“Walang patutunguhan itong relasyon natin Sash kung hindi mo ako kayang mahalin ng buong buo,” Jace shed tears while saying these words.
“I’m sorry Jace, I tried so hard para mahalin ka ng lubos,” naiiyak na rin niyang sabi. “It was just…..” hindi na niya kayang ituloy ang sasabihin pa. Masyado na niyang nasasaktan ang lalaking nagmahal sa kanya ng sobra. Hindi niya namamalayang nararamdaman pala nito ang kakulangan sa pagmamahal niya.
“May ibang laman ang puso mo,” si Jace na ang nagtapos ng sasabihin niya. Nahihiya siyang tumango.
“I’m really sorry, Jace.”
“I knew it. Si Jayer pa rin ba?”
“Paano mong nalaman?”
“I just can feel it.”
“Isa pa, four years ago, ang sabi niya sa akin, ingatan daw kita at mahalin ng sobra dahil mahalaga ka sa kanya. Hindi lang kababata ang turing niya sa’yo kundi higit pa doon,” Jace confessed.
“Wh-what do you mean? Wala kaming relasyon ni Jayer. We’re friends since we were young. Hanggang dun lang yun. Never naging kami,” depensa ni Sash.
“I know. And I also know that your feelings are mutual,”
“Hindi yan totoo. He doesn’t like me. And besides, may girlfriend siya, yung classmate niyo before.”
“He did it to protect your friendship and to conceal what he really feels toward you,”
“Paanong nangyari yon? Kahit kailan, wala siyang sinabi sa akin o pinaramdam man lang,” shocked siya sa mga nalaman. All this time, hindi niya alam na mahal rin pala siya ng kababata. Ang masaklap, si Jace pa ang nagsasabi sa kanya ng lahat ng ito ngayon.
It doesn’t have sense anymore. Magkalayo na sila ngayon.
“Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin sa’yo ang lahat,”
“Bakit mo sinasabi mo lahat ng ito ngayon sa akin, Jace? Sobra na akong nagi-guilty para sa’yo. It feels like matagal na kitang niloloko, pero hindi ko intensiyon yun. I tried so hard para kalimutan ang feelings ko para sa kanya at ituon sa’yo. But it was really hard,” umiiyak na siya.
“Sssh. I’m not mad at you Sash. I just really love you that so I’m setting you free now. Hindi niya masabi kaya ako nalang ang nagprisinta.”
“But, you don’t have to. Wala na rin namang kuwenta lahat ng sinabi mo. It’s all in the past now. There’s no chance for us anymore.”
“Don’t close doors, Sash.” Niyakap siya ng binata, “someday, the right love will come for both of us.”
-0-
Isang taon ang matuling lumipas, after they broke-up. The good thing is, they remain as good friends. Ang balita niya, ikakasal na ito sa dati nitong kaklase nung college. Hindi na nga lang niya nakilala ang masuweteng babae na pakakasalan nito but she knows, the girl would be very lucky to have Jace as her husband. Napakabuti nitong tao.

-0-

Galing siya sa bahay ng kaibigan nang mapadaan siya dito sa tapat ng inuupahang bahay nila Jayer noon. Ilang taon na ba ang lumipas magmula ng masaya pa silang naglalaro ng kababata sa ilalim ng punong manggang iyon? She can’t help but to smile reminiscing her childhood days with him.
Bakante na ito ngayon. May nakalagay pa ngang house and lot for sale na signage. Ang balita niya, nabilhan na ni Jayer ng mas malaking bahay ang mga magulang nito sa Rizal. Siguro mga two years ago na iyon.
“Kamusta na kaya siya?” natanong ni Sash sa sarili, “Siguro, kasal na sila ng girlfriend niya.”
Nagulat siya ng mula sa likod niya ay may nagsara ng kanyang mga mata. She could smell the strong scent of a man, “Sino ka?” tanong niya rito.
“Bangus…” Her heart beat rose. Para siyang tumakbo ng milya milya sa bilis ng pagtibok non. She already knew it! Isang tao lang ang tumatawag sa kanya non and he’s back.
Tinanggal niya ang kamay nito mula sa mga mata niya. She turned around at hindi nga siya nagkamali ng hula.
“Jay…”
“Hello.”
“Hello ka diyan! Mukha mo!” may bahid ng pagtatampo niyang sabi dito.
“Galit?” tanong nito sa kanya.
“Hindi! Tuwang tuwa nga ako eh!” sarcastically she said.
“Sorry na..”
“Sorry mo mukha mo! Pagkatapos mong hindi magparamdaman ng sampung taon, sorry lang?! Ayos ka talaga ah!”
“Five years lang, grabe ka naman.”
“Tse!”
“Hindi lang naman ako pumunta dito para mag sorry, eh. Bibilhin ko na kasi yang bahay na iyan. Para sa magiging asawa ko. Kaya lang hindi pa ako nakakapagpropose. Ang sungit niya eh..”
“Pakelam ko?” she’s hurt ng malamang magpapakasal na pala ito.
“May pakelam ka kasi ikaw iyon,” he declared.
“Huh? Paanong ako?”
“Ikaw ang mahal ko,”
“Kelan pa?”
“Grade five pa lang tayo, ikaw na ang gusto kong maging asawa. Hindi dahil sa mga tukso sa atin non kundi dahil yun talaga ang nararamdaman ko,”
“Liar! Hindi mo nga ako niligawan, kahit nga crush lang, wala kang sinabi sa akin noon. Tapos nag girlfriend ka pa ng iba.”
“May mga nangyari kasi pero handa naman akong i-explain lahat ng iyon later kapag sinagot mo na ako.”
“Abnormal ka talaga, Barnido! Grade five pa lang tayo, halos ipamukha na ng lahat ng tao dito sa atin na mahal kita, nagbulag bulagan ka lang. Syempre OO ang isasagot ko!”
Masaya siyang niyakap ng binata.
“I love you, Sash.”
“Matagal kong hinintay na sabihin mo sa akin yan. But it’s worth the wait naman. I love you, too Barnido.”
“Parang buong angkan ko ang mahal mo ah!” pagbibiro ng binata.
“Sige na nga, to be specific, I love you, too Jayer Barnido.”
Naging saksi na naman ang punong manggang iyon sa masayang pag-iibigan ng dalawang nilalang na ito.
Again, another unforgettable moment will be added to their list on this place at marami pang kasunod.





END

No comments:

Post a Comment