(John and Ching)
This story begun when he met the
love of her life, si Ching. Nagkayayaan ang barkada ko nun sa Tagaytay at
isinabit ko ang dalawa kong kapatid na si Kuya John at Jigger. Isinama naman ni
Vince si Ching. Siya ang taong nag-alaga kay Vince nung naaksidente sila ni
Lieu on the way to Baguio .
Matagal na nawala ang memorya ni Vince during that time at si Ching kasama ng
pamilya nito ang umalalay sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang gumaling at
bumalik ang ala-ala niya. Here the story
goes…
---- Intro by JM : )
--------------------------------------------------
(
An excerpt from the Novel, After All by Shinaya Waara : )
“Bakit mag-isa ka na lang?” nagulat
pa ako ng may magsalita sa tabi ko.
Isang lalaki ang nakita ko. Sa
pagkakatanda ko eh kuya siya ni JM.
Hindi ko man lang naramdaman ang
paglapit niya. Ganon ba kalalim ang iniisp
ko para di siya mapansin?
“Ikaw si???” kunot-noong tanong ko.
Di ko kasi matandaan ang pangalan
niya.
“John” sagot nito at inilahad ang
kamay.
“Just call me Ching” pakilala ko
din at tinanggap ang pakikipag-kamay niya.
“Bakit mag-isa ka nalang? Nasaan
yung kasama mo?”
Nagtatakang napatingin ako sa
kanya.
“How did you know na may kasama ako
kanina? Don’t tell me pinagmamasdan
mo ako?”
Kibit-balikat lang ang isinagot
nito sakin. So basically I was right.
“Bakit mo ako tinitignan?” tanong
ko.
“kailangan bang laging may dahilan?
Hindi ba pwedeng gusto ko lang?”
“Pwede naman”
Mula sa kinauupuan nila ay dinig
nila ang tawanan ng mgakakaibigan.
“Ang saya nila noh?” sabi ko kay
John.
Napatingin naman si John sa mga
ito.
“Yeah…mga bata palang sila ganyan
na kagugulo ang mga iyan. Thankful nga
ako at nagkaroon si JM ng mga tunay
na kaibigan eh.”
“Matagal mo na ba silang kilala?”
“Medyo…mula ng maging kaibigan sila
ni JM”
“Eh si Aya? Anong klaseng tao ba
siya?” curious na tanong ko.
“Si Aya? Hmmmm…ang masasabi ko lang
eh napakabait niyan. Siya yung
bestfriend ni JM kaya mas nakilala
ko siya kasi madalas din tumambay iyan sa
bahay namin noon. Matalino saka
maaasahan. True friend talaga”
Napatango nalang ako. Mukhang nasa
mabuting kamay naman pala si Vince eh.
“bakit interesado ka kay Aya? Don’t
tell me lesbian ka?”
“of course not!!” mariing tanggi
ko. Todo iling pa talaga.
“Mabuti kung ganun. Sayang ka kung
magiging lesbian ka”
“Curious lang ako..saka ang ganda
niya noh? Nakakainggit siya.. I’m sure
maraming girls na naghahangad na
maging katulad ni Aya” (Isa na ako dun)
Napailing si John.
“Aya maybe famous and pretty but
she’s just also a normal girl. Nasasaktan at
umiiyak. Hindi naman siya bato. May
mga pagkakamali din siya. Hindi siya
perpekto. Pero sa lahat g iyon
nagagawa niya pa din maging matatag. Dun ako
bilib sa kanya.”
Natahimik ako.
“hindi mo naman kailangang gayahin
ang ibang tao eh..you just have to be
yourself…oo nga at may mga bagay
sila na wala ka pero may katangian ka
naman na wala sila.”
Napatingin ako sa kanya. Ang galing
niya naman mag-advice.
Nakakahanga.
“Teka..may asawa ka naba?” biglang
tanong ko dahilan para mapatawa siya.
“Akala ko naman seryoso na
pinag-uusapan natin. Kung may asawa ako
malamang wala ako dito”
Medyo nakahinga naman ako ng
maluwag. Atleast walang mang-aaway sakin na
bigla nalang akong susugurin at
sasabunutan.
“Eh girlfriend?” napapangiting
tanong ko.
Umiling siya. “Wala din eh”
“Bakit naman?” interesadong tanong
ko.
“Walang nagkakamali eh” sagot niya
pero alam ko namang biro lang iyon.
“Asus!!! Pahumble!! Sa hitsura mong
iyan? Naku!! Wag naman sanang ikalalaki
ng ulo mo pero gwapo ka naman eh.
Matikas..kaya imposibleng wala kang
girlfriend”
Natawa nalang siya sakin.
“Dati meron. Pero ngayon wala na”
“bakit naman?” (ayan masyado na
akong intregera)
“Pinagpalit ako sa matandang
mayaman”
“Owww…ouch”
Nagkibit-balikat lang ito.
“Okay lang. matagal na yun. After
nun wala na ulit akong naging girlfriend.
Nawalan kasi ako ng time para
maghanap pa. busy sa work eh. Saka naniniwala
ako na hindi dapat hinahanap ang
love. Kusa iyong darating sa takdang
panahon.”
She could not help but agree.
“Tama ka dyan…kasi minsan
natatrapik lang kaya dapat lang maging matyagang
maghintay. Makakasakay ka din sa
byaheng pag-ibig.”
Pareho kaming natawa sa sinabi ko.
“Ang corny noh?”
“Yeah..pero totoo”
“Ikaw may boyfriend ka na?”
Napangiti ako.
“Bakit interesado kang malaman?”
“Masama ba magtanong?”
“Hindi naman…wala akong boyfriend”
“ahhh…ahmm..Ching..after natin dito
pwede ba kitang ayain lumabas?”
“like a date? Bakit naman?”
“Coz I like to know you better…okay
lang ba?”
OMG!!! Mukhang magkakalove-life na
din ako sa wakas.
“Sure!!! Ikaw ang bahala.” I
couldn’t hide my smile.
----------------------------
Nasundan pa ng maraming dates ang
una nilang paglabas and eventually niligawan na rin ni John si Ching.
Minsan siyang isinama ni John sa
reunion ng mga college classmates nito.
“John, nahihiya ako. Ikaw nalang
kaya pumunta doon, wag mo na akong isama,” tanggi ni Ching.
“Ano ka ba? Kinakahiya mo bang
kasama ako?”
“Hindi sa ganon, ikaw nga ang inaalala ko eh. Kasi may
kasama kang promdi,”
“So what kung promdi ka? Eh, ikaw
naman ang mahal ko. I want to be proud na ikaw ang babaeng napili kong
mahalin,”
“Napili kasi no choice ka lang ata
eh,” halos pabulong niyang sabi sa sarili.
“Ano yun?” tanong nito.
“Ah- eh, wala..”
“So, sasama ka na ha?”
“Sige na nga. Kulit mo eh.”
-00-
“Hi John!” bati sa kanya ng isang
dating kaklase.
“Oh, hi din Liza!” sagot naman
nito.
Nagulat si Ching ng bigla itong
humalik sa pisngi ng binata.
No comments:
Post a Comment