Pages

Saturday, October 5, 2013

My Illusions do come True


(Anxel and Phoena)

“Crush ng bayan, crush ko. I dreamt of being with you. Na sana ikaw ang makatuluyan ko, pero paano mangyayari yun, eh ang layo layo mo. Masyado kang mataas para sa isang hamak na katulad ko..”


Sa totoo lang, wala akong kahilig hilig manood ng mga play. Kundi lang dahil kailangan ito para sa mga subjects namin, hindi talaga ako manonood.
Anyway, I’m Phoena Hasmin. 18 years old and currently 3rd year college. Required sa mga minor subjects ko like Filipino and English ang manood ng iba’t ibang plays. Actually since high school marami na akong napanood na plays. Some are good but most are BORING. Hanggang college, may plays pa rin. Hay.
Ang pinakaworst kong napanood ay yung ballet play sa CCP. Super boring at talagang nakatulog ako. I swear! I really hate watching theatrical plays. Pero nabago ang lahat ng ito ng makilala ko si Anxel…

“As usual boring play,” bulong ko kay Desire, bestfriend and classmate ko since high school. Hanggang ngayong college, magkasama pa rin kami. We took up the same course which is Psychology.
“Ano ka ba! Guwapo daw yung lead role.” Pang eengganyo sakin nito.
“IDC! (I don’t care). Sabi sa’yo pakopya nalang ng Reaction Paper eh.”
“Andun si Madam oh,” turo niya kay Michelle,ang class president namin, “Nag aatendance yan. Kelangan hanggang finale nandito tayo.”
“Fine.” Isinuksok ko na ang ear piece ng mp3 ko sa tenga ko. Wala talaga akong balak I absorb ang play. Hindi naman ako matitiis ni Desire. Papakopyahin pa rin niya ako ng Reaction paper niya. Ire revise ko nalang.
“Miss, pakitanggal po yung ear piece. Magsisimula na ang play,” sita sa akin ng isang usher. Pinagtaasan ko ito ng kilay.
“Pasaway ka talaga,bez!” binatukan ako ni Desire. Adik na babae to, makabatok wagas!
Inirapan ko naman ang bestfriend ko. No choice kailangang sumunod.
Sa kalagitnaan ng introduction segment ay lumabas ang bidang lalaki. Shocks! I knew him! Siya si Anxel, yung ka org.ko nung first year.
I still remember, nung first day ko sa org. na yun, overnight vigil at wala akong dalang pagkain para sa dinner. Ang balak ko kasi bibili nalang ako sa labas. Yun pala bawal lumabas ng school ground. At siya rin, walang dala. Actually apat kami sa Org. na walang baong dinner.  So the org.president allowed us to buy nalang outside. At si Anxel ang nagprisinta na siya nalang daw ang bibili ng pagkain naming apat. How thoughtful. Sabay sabay rin kaming kumain non kahit di kami magkakakilala. But after two months, nag quit kaming apat.  Iba ibang reasons. Ako, because of my very busy schedule. Nag working student kasi ako. Yung sa kanila, hindi ko na alam.
Back to present, now  I know kung bakit siya nag quit. Ito na pala ang pinagkaka abalahan niya ngayon.  Kunsabagay, Mass Comm student siya kaya bagay sa kanya ang Org.na ito.
This play intrigued me kaya sineryoso ko talaga ito. Maganda naman pala. Ang huhusay din ng mga actors lalo na si Anxel. He looks so professional. Yung ibang mga girls, nagtitilian kapag mga eksena na ni Anxel ang pinapalabas.
“Sabi sa’yo eh! Ang gwapo niya di ba?” bulong sa akin ni Desire.
“I knew him. Siya yung kinukwento ko sa’yo na ka Org.ko dati. He’s Anxel.”
“Ah,. Siya ba yun? Yung gentleman na binilhan ka ng burger.”
“Oo siya nga!”
“In fairness ang guwapo niya talaga,”kinikilig pang sabi niya.
“Akin siya!” deklara ko kay Desire, pati na rin sa sarili ko.
“Sa’yo na.” natatawang sagot ng kaibigan ko.
Sumakit ang dibdib ko ng mapanood ang sumunod na eksena. Kissing scene. Siya at yung bidang babae. It was a real kiss. Five seconds to be exact! Eeehhhh! Nakakaselos. Sarap sabunutan nung girl.
“Ouch!” pang aasar sa akin ni Desire.
“Shut up!” bara ko dito, “Professionalism yon.”
“Malay mo sila.”nangngiti nitong sagot. Nang aasar pa rin ang magaling kong bestfriend.
“Edi sila.” Napipikon na ko. One of my weaknesses, madaling mapikon.
“Kala ko ba, Sa’yo siya?”
“Sasabunutan na kita!”
“Pikon na siya.”
“I said..”
“Shut up.” Siya na ang tumapos ng sasabihin ko, in fairness to her, tumahimik naman.
After 1 and a half hour, natapos ang play. May mga umakyat ng stage para magpapicture sa mga nagsipag ganap. Gagang bestfriend ko, hinila ako paakyat since nasa second row at center aisle ang upuan namin, malapit pa sa hagdan kaya madali lang ang umakyat.
“Anxel, pa picture daw sabi ng friend ko.” Itinabi ako ni Desire kay Anxel at hinanda ang cellphone niya, “One,two…three”
Pinilit kong ngumiti kahit sobrang lakas ng heart beat ko. Syempre ayoko namang lumabas na mukhang tense sa picture. Grabe! Nakaakbay pa siya sa akin. At ang bango bango niya kahit may pawis siya.
“Thank you,” tangi kong nasabi sa kanya.
“Teka.. Parang pamilyar ka.” Pilit nitong nirerecognize ang mukha ko. “Rover?” pangalan yon ng org.namin. Tumango lang ako. Nakakainis, hindi naman niya maalala ang pangalan ko. “Sabi na eh!”
“Congrats ha! Galing mo.”
“Thank you din. Nood ka ulit next month. Yung next chapter.”
“Okay. Sige. Bye.” Hinila ko na si Desire pababa ng stage.
“Bye Phoena!” Natatandaan pa pala niya. Pero hindi na ako lumingon baka ma obvious pa na sobrang saya ko at kinikilig ako.
“Ikaw na may mahabang buhok!” pang-aasar na naman sa akin ni Desire.
“Well ganun talaga. Sadyang pinagpala ang kaibigan mo.” Pagsakay ko rito.
-O-

Kasalukuyan akong nag di daydreaming sa loob ng classroom ng magtilian ang mga classmates kong babae pati na rin mga bakla. Nagising ako sa panaginip ng masilayan ko ang nakangiting mukha ni Anxel papasok ng classroom namin. Alam ko natulala ako. Ikaw ba naman, yung iniimagine mo biglang magiging totoo.
Siniko ako ni Desire,“Baka tumulo laway mo ha!”
Nangigiti nalang ako sa sinabi ni bez. “Ewan ko sa’yo.”

“Good morning po.” Pauna nitong bati sa amin. Tumahimik ang buong classroom. Wala kasi kaming professor sa Literature kaya’t nabungaran niyang maiingay ang mga kaklase ko habang ako, nakatingin sa kawalan.
“Good morning Anxel.” Halos sabay sabay na respond ng mga kaklase kong malalandi.
“Pasensya na po sa abala ha. Nandito po ako kasama ng aking mga ka Org. para imbitahan po kayo na maging part ng ALIWAN theatre. Next week po magkakaroon ng audition sa Main theatre, sana po ay i-try niyo. Thank you.”
“Anxel, question!” tinaas pa ni Bell ang kamay niya. Malandi talaga tong babaeng ito.
“Ano po yun?”
“Paano pag walang talent?”
Tawanan ang buong klase pati si Anxel natawa.
“Edi huwag kang sumali,” bara ko dito. Napatingin sa gawi ko ang buong klase. Kasama na si Anxel. Lumabas na naman ang katarayan ko. Si bez, muli akong siniko.
Yung mga kaklase kong lalaki, nagsigawan pa ng boo.. “Wala ka pala Bell, tablado ka.” Natatawang asar dito ni Jack. Tawanan na naman sila.
“Lahat naman ng tao may talent, yung iba nga lang hindi nailalabas. Sa ALIWAN theatre, madidiscover niyo ang mga hidden talent niyo.” Mahabang litanya ni Anxel, “di ba Phoena?”
Tinaasan ko siya ng kilay sabay tango.
“Magkakilala kayo?” tanong sa akin ni Dona. May gusto rin ito kay Anxel.
“Medyo,”pakli kong sagot. Sa loob loob ko, mamatay kayo sa inggit.
“Una na po kami. Sana magkita kita tayo next week sa Main theatre. Bye.” Nagpaalam na si Anxel sampu ng mga kasama niya.
Tumingin pa siya sa gawi ko. Ang guwapo talaga! Hay.. Girlfriend material kaya ako sa tingin niya?
“Mag o audition ka?”tanong sa akin ng best friend ko.
“Ewan.”
Tara! Pa register na tayo.”
“May talent ka?” pagtataray ko dito.
“I didiscover nga di ba?”
“Wutever!”
“Ano nga? Try natin.”
“Pag iisipan ko,” sa totoo lang nahihiya ako eh. Ako na may stage fright. Kaya dinadaan ko nalang sa pagtataray kapag kinakabahan ako o nahihiya.
“Nahihiya ka lang eh!” bestfriend ko nga siya.
“Hindi noh!” deny ko pa.
“Arteh! Tara na.”
-O-

Audition Day

Nakakainis! Bakit ba ako nandito? Shocks ang daming tao. At isa si Anxel sa mga judges.
“May pasok pa ako sa work,bez. Tsaka wala rin naman akong time para dito eh. Alam mo namang full sched ako.”
“Try lang naman eh.”
“Ikaw nalang kaya.”
“Di ka na pwede mag back out. Nakaregister na tayo.”
“Ayoko nga. Promise.” Patayo na ko sa kinauupuan ko ng pigilan ako ni Desire.
“Dito ka lang! Relax ka lang kasi. Masyado kang tense eh.”
“Ayoko talaga. Good luck nalang sa’yo. Una na ko.” Paalis na talaga ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Phoena Hasmin,” Bigla ang paglingon ko sa pinanggalingan ng boses.Shocks!Si Anxel yun.Nakangiti ito sa akin. Gusto ko ng matunaw! “Please own the stage.”
Tinaasan ko siya ng kilay, “I quit,” matatag kong sagot. Bulungan ang ilan sa mga auditionees.
“Why quit? di ka pa nga nagsisimula. Just try it.”
Kesa tawagin nila akong KJ, Quitter, kabado, papansin, epal, at kung anu ano pa, umakyat na ko ng stage. Bahala na!
“What will you do?” tanong ng Literature professor namin. Isa rin siya sa mga judges.
“Will sing, ma’am.”
“Okay. Begin.”
They prefer acapella para daw lumabas yung nature ng boses. So I sing with out minus one. Ang kinanta ko ay yung pambato ko sa videoke. Colors of the Wind.
Tama ba ang nakikita ko? I saw amusement in Anxel’s eyes. At yung bestfriend ko ever supportive, ang lakas ng palakpak.
When I finished the song, “What else can you do?” tanong ni Anxel sa akin.
“Mag text.” Tawanan ang buong theatre.
“Aside from texting Ms. Hasmin?” yung professor ko sa Lit, mukhang napikon.
“I don’t know if I can act. Dancing? Not so good. But at least madali naman akong maka pick up ng steps,at madali din naman po akong makapagmemorize.” matino ko ng sagot.
Nagbulungan ang apat na judges. Then my professor said, “Magaling ka Ms. Hasmin, and I was surprise ng nag audition ka. You have a potential. Are you willing to be a part of this Org.”
“Hindi po.” Tuwid kong sabi.
“Why? And why the try-out?” tanong ni Anxel.
“Sabi mo nga. I just tried.”
“Edi parang sinayang mo lang ang panahon nating lahat?” yung intrimitida kong prof ulit.
“Well Ma’am, Anxel asked me if I could try so here I am, I tried.” Bulungan na naman ang mga auditionees. Naiiling nalang ang prof ko sa mga pinagsasagot ko.
-O-

“Phoena…” habol sa akin ni Anxel. Haba talaga ng hair ko. Hinahabol ako ng lalaking iniibig ko!
“Bakit ba? Ayoko nga eh. Sinubukan ko lang mag audition, that’s all pero wala akong balak sumali sa Org mo. May trabaho pa ako. Hindi na kakayanin ng schedule ko.” Teka! Bakit ba ako nagpapaliwanag dito?
“Wala namang problema sa schedule eh. Ang rehearsal is from 9 pm onwards lang.”
“I said no.” Tsaka ayaw na kitang makasama sa isang Org. Kung hindi ako matataranta, matutulala o di kaya magtataray lang ako. Nasabi ko nalang ang mga ito sa sarili ko.
“Just one play.” Pakiusap nito sa akin.
“Bakit ako? Marami namang iba diyan eh.”
Gaya nga ng sabi ni Ms. Cruz, you have the potential.”
“Naniwala ka naman dun. Bolera yun. Asar nga sa akin sa classroom yon eh.”
“Ayaw mo bang mawala ang stage fright mo?”
Paano niya nalaman? Ganun ba ako ka transparent? Nakakanta naman ako ah. “Halata kasing kabado ka kanina when you sang, pero maganda pa rin. Konting improvement lang, okay ka na.”
“Pag-iisipan ko.”
“Just say yes.”
“Una na ko. Malelate na ko sa trabaho ko.” Actually maaga pa naman baka nga magulat pa ang team leader namin kung maaga akong papasok ngayon. Sakto girl daw kasi ako. Sakto mag-in at mag-out.
“Tsaka para mabawasan na rin yung pagtataray mo. Hindi magandang front yan kapag kinakabahan.” Habol pa nitong sabi sa akin. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at nilingon siya. He got it! “See you sa headquarters! 9pm sharp.”
“Bahala ka!” sigaw ko dito. Nakakainis. Paano niya nalaman ang ugali kong iyon? Chinikahan ba siya ni Desire? Masasabunutan ko yon eh.
-O-

Four  years later…

Who would have thought na yung lalaking pinapantasya ko lang noon ay mapapangasawa ko na ngayon? Yes, Anxel and I are already engaged. Kakapropose niya lang kagabi.
Ang sabi niya sasakay lang daw kami ng ferry boat sa Manila para mas mapanood ng maganda ang mga fireworks sa MOA. Yun pala, it would be more than fireworks when he said he wants to marry me SOON!
Medyo nabawasan na rin ang pagiging mataray ko. After leading two school plays, wala na talaga akong stage frights, isa pa, Anxel is always there to support me. Sorry girls, your prince charming is mine. Actually first year pa lang daw kami, type na niya ako kaya nga siya nagprisinta na bumili ng burger namin noon para magpapansin sa akin.
Effective naman eh. Naunahan lang ng katorpehan, kaba at pagtataray kaya it took us three years to discover that we are meant to be.
Hindi ito isang ilusyon noh, mahal talaga niya ako.

WAKAS






No comments:

Post a Comment