Pages

Saturday, October 5, 2013

Denial King and Queen



(Vaughn and Rhapsody)



          Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?

Vaughn is a basketball superstar. Rhapsody or Raffy is a simple girl having a simple life. Paano nila malalaman na sila ang meant to be kung todo deny naman sila sa mga tunay nilang nararamdaman?



-----------------------------------------------------



          Ako si Rhaffy. Isang businesswoman. Hindi nga lang big time. After graduation sa CSL, naisipan kong magpatakbo ng isang computer shop. Ewan ko, nadala lang siguro ako nung pinagawa kami ng essay nung high school kung ano ang pangarap namin. At sa bawat essay na gagawin ko about my future plans, establishing my own business ang laging una sa listahan. Kaya eto, pinanindigan ko na.
Naitayo ko itong shop mula sa puhunan ng mga parents ko. Pero nakabawi naman na ako at nabayaran ko na rin sila.
Ito ba talaga ang gusto kong buhay? Siguro oo, masaya naman ako ngayon eh. Kahit na madalas ay puro mga bata  na mahilig sa computer games at mga old maid na mahilig makipag chat sa mga poreynger ang nakakasalamuha ko araw-araw eh okay lang. Saya kaya nila katrabaho! Lalo na pag ginagalit nila ako dahil sa mga komosyong nangyayari dito sa loob ng shop ko. Tulad ngayon.
“Pag kayo, hindi pa tumigil, palalabasin ko kayo lahat!” sita ko sa mga batang makukulit.
“Mamaya na ate Raffy kapag time na namin,” pilyong sagot sa akin ni Bugoy. Isa sa mga suki kong pinakamakulit at maingay.
“Tseh! Sasagot sagot ka pa eh!” bara ko sa kanya.
“Ang sungit naman,” bulong ng isang bata. Hindi ko siya kilala. Mukhang bagong recruit.
“Ano?!” hindi na siya nagsalita. Siguro sinasagot nalang ako sa utak nun. “Kung ayaw niyong masungitan, huwag kayong masyadong maingay. Nakakaistorbo kayo sa mga nagri-research.”
Di ko alam kung nagri-research nga ba talaga o nagfi-facebook lang yung mga dalagita sa kabilang side. Ah ewan, bahala sila!
Kaya lang naman ako nainis kasi panira sila sa pag mo-moment ko.
“Hay, Vaughn.. Kelan mo kaya marerealize na ako talaga ang mahal mo?” para akong tangang kinakausap ang picture niya.
“Patay tayo diyan!” sigaw ng isang binatilyo.
Napatingin ako sa kanya. Wala ba talagang pag-asa na magustuhan rin ng isang sikat na basketbolista  ang isang katulad ko na patay na patay sa kanya?
 First blood pala ang binatilyong iyon kaya asar na asar. Mukhang may pustahan sila ng kalaro niya sa Dota.
“Di ba sinabi ko, walang maingay!” muli kong sita.
“Sorry teh, si Mirana kasi pasaway!” sagot niya sa akin.
Kasalanan na pala ng karakter niya ngayon eh samantalang siya ang nagko-kontrol dito.
“Si Nevermore kasi gamitin mo!”” sigaw ko sa kanya.
“Ngek! Panis naman kay Traxex yun te!” sagot ng kalaban niya.
“Sabi sa’yo si Sniper nalang dapat ginamit mo eh!” singit ng isang nakikinood lang.
“Wutever!” bahala kayo sa buhay niyo. “Wag lang kayo masyadong maingay!”
Yan. Ganito lang ang buhay ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
---------------------------------------------
(An Excerpt from the Novel “After All” by Shinaya Waara.  Hehe! : ) )
“Pwede ba kitang ligawan?”
Yun ang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung anong
sigaw o tili ang gagawin ko sa sobrang kilig ng tanungin ako ni Vaughn nung
araw na ihatid niya ako sa bahay mula nung bridal shower ni Regine. Ikaw ba
naman ang tanungin ng ganun ng gwapong gwapo at machong machong crush
mo eh ewan ko lang kung di ka himatayin sa kilig.
“Hi Miss Prettyful…”
Speaking of crush. Nakatayo siya sa harapan ko ngayon at may hawak na
bulaklak.
“bakit ka nandito?”
“Manliligaw”
“Seryoso ka ba? Baka naman trip trip lang yan ah”
“I’ve never been serious in my life ngayon lang maliban na nga lang sa paglalaro
ng basketball. So when I asked you kung pwede ba akong manligaw eh seryoso
ako nun”
“bahala ka nga” kunwari’y sabi ko pero kilig na kilig na ako.
“So okay na? Pwede na?”
“Oo na”
“Tayo na?”
“ha? Akala ko ba manliligaw ka palang?”
“hehe..baka makalusot lang naman eh”
Nagulat ako ng bigla siyang dumukwang mula sa counter area at halikan ako sa
labi.
“pampabuenas..hehe…kita nalang tayo mamaya Miss Prettyful…practice lang
ako” paalam nito at lumabas na ng computer shop.
Naiwan naman akong natulala sa ginawa niya. Wala sa loob na hinawakan ko
ang labi kong hinalikan ni Vaughn.
Wait….he kissed me!!!
------------------------------
“Ate Raff! Pa extend po sa PC 5!”  sigaw ni Bugoy.
Bwisit! Bwisit! Bwisit! Panaginip lang pala yon!? Parang totoo. Hay naku naman. Kokonti lang kasi ang mga customer ko ngayon kaya hindi ko namalayan, nakatulog pala ako.
“Ilang oras?” tanong ko sa batang makulit.
“15 minutes lang po!” Anak ng tinapay! 15 minutes lang? Ginising pa ko. Sa 15 minutes na iyon, baka sinagot ko na si Vaughn sa panaginip ko.
Oh siya, sige na. Wala na kong magagawa. Extend na kung extend. I love you na talaga Bugoy!
Magsasara nalang ako ng maaga mamaya para makatulog rin ng maaga at baka sakaling mapanaginipan ko ulit si Vaughn ko.
Vaughn ko talaga? Okay lang yan! Wala namang masama mangarap di ba? Libreng libre yon para sa isang katulad ko. Pero siyempre hindi na ako aasa na magkagusto rin siya sa akin. Isa lang naman akong hamak na ordinaryo ngunit magandang nilalang.
----------------------------------------
Pagpatak ng ala-sais.
“Magsasara na po ako. Bukas ka na-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko pa. Tama ba ang ipinapakita sa akin ng mga mata ko?! Andito na naman sa harapan ko si Vaughn ko?
“Hi!,” bati niya. Sh*t, pwede na kong mamatay dahil sa pinakawalan niyang ngiti. Teka lang, tsaka na pala kapag kami na! Haha! Ako ng ilusyonada!
“Oh- ano na namang ginagawa mo dito?” pagtataray ko kunwari. Mahirap na baka mabuko at malaman niyang patay na patay ako sa kanya.
“Yayain ka sanang lumabas. Sakto, pasara ka na pala. Tulungan na kita,” prisinta nito.
“As if naman sasama ako noh?” ako ng pakipot! Pero actually gusto ko na siyang kaladkarin palabas ng shop. Masabi lang na lumabas talaga kami. Hehe.
“Ayaw mo?” tanong niya. Patay! Baka mag back-out! Isip! Isip! Isip ng magandang maisasagot….
(After ten years…..)
“Huy, ano? Sasama ka ba? Aalis na ako,” akmang lalabas na siya ng pintuan ng shop ko. Pero siyempre pinigilan ko siya! Sayang ang opportunity noh, palalampasin ko pa ba?
“Sige na! Sasama na ko. Naiilang kasi ako. First time kong sasama lumabas sa isang lalaki,” totoo to, promise!
“Ah ganun ba? Don’t worry, no harm will be done and I assure you this will be very unforgettable for both of us.” Sabay kindat. Sh*t ulit! Sarap maglampisaw sa sahig sa sobrang kilig.
----------------------------------
    Ang sarap makita ng romantic side ng crush mo. Imagine, dinala niya ako dito sa Manila bay, lulan kami ngayon ng isang ferryboat na may restaurant sa upper deck, with background music pa. Todo kilig na talaga toh! As in! Although may ibang tinutugtog yung mga musikero sa likod namin, ito ang kantang kinakanta ng puso ko ngayon,
Di ako makapaniwalang
Ikaw ay nasa aking piling
Di ako makapaniwalang
Ako’y iyong hagkan
Kung ikaw ay isang panaginip
Ayoko ng magising…………
Thanks Jolina at saulado ko pa rin ang kanta mo hanggang ngayon. Relate much.
“Are you enjoying?” nakangiti niyang tanong sa akin.
“Oo naman!” maikli kong sagot sabay ngiti din ng pagkatamis-tamis. Mas matamis pa sa dessert na kinakain namin ngayon.
 Kasama mo ba naman ang taong pinagpapantasyahan mo, di ka mag-eenjoy? Hindi naman ako tuod.
“Great!”sabi niya.
“Thank you ha!” ako ulit. “Of all people, bakit naman ako ang niyaya mong lumabas, eh maraming sikat na artista o model ang nagkakandarapa sa’yo?” out of curiosity kong tanong sa kanya.
“Mukha naman kasing mabait ka at masarap kasama. And besides, we have the same group of friends,” sagot niya.
Nanlumo naman ako sa napaka SAFE niyang sagot.
Akala ko, dahil may spark sa aming dalawa at gusto niya ko kaya niyaya niya akong lumabas.
Sabi sa’yo huwag kang shu-shunga Rhapsody! Friendly date lang to. Nothing more, nothing less.
“Ah, ok,” ang tipid ng sagot ko noh. Nakakabasag naman kasi ng puso ang paliwanag niya eh. Sige na, ako ng mukhang mabait, masarap kasama at we have the same group of Friends. Salamat kina Aya.
“Sayaw tayo!” yaya niya sa akin.
“Hah? Sa-sayaw? Tayo?” Kaya ko namang sumayaw. Required yon dati sa amin nung nasa drama org pa ko nung college.
“Hindi. Kakanta tayo,” pilosopo niyang sagot at nagpakawala na naman ng nakamamatay na ngiti.
“Nakakahiya,” yumuko ako. Nakakainis, for sure halatang halata na ang pag-ba blush ko. Pesteng foundation, hindi effective.
“Don’t be shy. Tara na!” hinawakan niya ang kamay ko at pinatayo na ako mula sa kinauupuan ko. We went on the dance floor. Nakakalurkey yung tugtog. Favorite kong classic song yan! You were there. Ang sweet talaga! Nung kanta..
“Huwag ka na kasing mag-isip ng kung ano ano, just enjoy the night,” pagko comfort niya sa akin. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa siguro nga nararamdaman niyang kinakabahan ako.
“Pasensiya na. First time eh,” nakakahiya talaga. Para akong naïve.
“Okay lang yan,”
I’ll grab this opportunity na talaga! Niyakap ko na siya habang sumasayaw kami ng sweet dance. Minsan lang mangyari toh, lulubusin ko na! Bahala na si Batman!
Naputol ang moment namin ng biglang mag paulan ng fireworks ang Mall of Asia.
Moment pa rin pala namin ‘to. Para kaming bata na tuwang tuwa habang pinapanood ang three-minute fireworks na iyon and it feels like a decade-long. Nakayakap siya sa likod ko. Super spark talaga!
End of fireworks. Short circuit. Wala ng spark.
------------------------------------------------
Whattaday! Este whattanight pala.
Kanina niya pa ako naihatid dito sa bahay namin. Pero wala yatang balak magpatulog ang aking diwa. Buhay na buhay pa rin siya at masayang nirerewind sa utak ko ang nangyari four hours ago.
Hay, Vaughn ko. Magustuhan mo rin kaya ako? Wala ka naman kasing sinasabi kahit simpleng “Uy, raff, I like you!” O di kaya, piling ko crush na kita!” Walang ganun. Puro basketball at mga kaibigan namin ang mga napag-usapan namin. Walang about us.
Sige na nga, hindi nalang ako mag-a-assume.
Ah basta! Crush ko lang siya period! Hindi ko siya pwedeng mahalin. Hindi kami bagay.
-------------------------------------
Eto na naman ako. Lutang. Mahigit isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Nagpalitan naman kami ng number. Ni simpleng Hi! Wala. Syempre ayoko namang ako ang unang magti-text. Baka isipin niya, naghahabol ako sa kanya.
Nagulat ako ng biglang kumanta si Beyonce sa cellphone ko. Shocks! Tumatawag si Vaughn!
 Tuwa.  Gulat. Excitement. Kaba. Tampo? Ang tawag diyan mixed emotions!
Ano, sasagutin ko ba? Sige na nga. Miss ko na siya eh.
“Hello,” intro ko.
“Hi Raff! Kamusta na. Sorry ha, busy kasi kami ngayon sa practice. Malapit na ang finals and we need to fill that spot,” paliwanag niya. Teka! Bakit ba siya nagpapaliwanag? Ano namang pakelam ko dun, hindi naman kami magjowa.
“Ah, ganun ba? Okay sige,” walang kabuhay buhay kong sagot sa paliwanag niya.
“Ei, galit ka ba? Sorry na,”
“Ako galit? Hindi ah! Tsaka hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa akin. Hindi mo naman ako girlfriend eh at wala akong karapatang magalit in the first place. Coz you’re not committed to me. Kaya okay lang kahit isang dekada kang hindi magparamdam,” Bow. Ouchness. Hinga hinga din.
Long silence. Mga ten years din.
“Hello, Vaughn! Andiyan ka pa ba?” baka kasi nakalimutan niya lang i-off ang cp niya.
“Ha-? Ah, oo nandito pa ko,” sagot niya. Para siyang may malalim na iniisip. Natulala yata sa haba ng litanya ko. Ewan ko. Naiimagine ko lang.
“Baka may practice ka pa, nakakaistorbo na ako,” sabi ko. Pero actually, ayaw ko pang ibaba niya ang phone.
“Baka nga ako ang nakakaistorbo sa’yo eh. Sige, babye.” Nawala na siya sa kabilang linya.
 May nasabi ba akong hindi maganda? Parang awkwardness lang ang peg habang nag-uusap kami.
-----------------------------------
As usual day for me. 9 p.m. kailangan ko na magsara ng shop. Medyo madami ang tao ngayon. Pero ayokong umaabot sa 10 p.m. Mahirap na baka masita na naman ako kapag maraming nahuli sa curfew.
“Hi!” bati sa akin ng crush ko.
Para kang kabuti bigla bigla nalang sumusulpot dito sa shop ko,” deep inside tuwang tuwa na naman ang puso ko.
“Sarado ka na?” tanong niya.
“Obvious ba sa signage na nakapaskil sa pinto?”
“Dota tayo!” yaya niya sa akin. Ayos tong kumag na ito ah. Pumunta lang dito para makalaban ako. Sorry. Pero hindi ko siya uurungan! Ipapakita ko sa kanya ang lakas ni Dark Knight!
“Teka lang, wala ka bang practice ngayon?” tanong ko.
“Tapos na. Tara game!”
“Okay. Dun ka nalang sa pc 1. Dito na ko maglalaro sa counter,” sabi ko sa kanya.
“Tabi tayo,” suggestion niya. Ayokong kiligin. Promise!
“Hindi na. Baka gayahin mo pa yung tactics ko, diyan ka na lang,” ayoko ngang tumabi sa kanya baka madistract lang ako at matalo pa.
“Yak! Si Sniper hero mo?!” lait ko sa kanya. Para kasi sa akin, mahina ang hero na to. Hindi nga yata hero to eh. Parang wizard lang. Actually, hindi ko kasi kabisado ang mga gamit niya.
“Yabang! Eh, ikaw? Nevermore? Sus. Sisiw. Gg ka na!” asar niya sa akin. Sh*t ayokong mapahiya sa kanya. Mga creeps ko, galingan niyo magpatumba ng tore ha!
“Imba ka ba?” tanong ko sa kanya. Kinakabahan na ako. Ayokong matalo! Magcheat nalang kaya ako? Huwag. Unfair.
“Oo naman!”  yabang ng mama! Magaling na sa basketball pati ba naman sa Dota. Ibalato mo nalang sa akin to. Wala naman akong hilig sa basketball kung di lang dahil sa’yo.
Ngek! Ako ang first blood. Ang daya! Ang bilis niya maglevel-up. Tapos lagi niya akong hinahabol. Ako talaga puntirya niya. Kaasar.
“Aw, sorry,” nakangisi pa siyang tumingin sa akin.
Magcheat na kaya ako? Makabawi man lang para sa kahihiyan ng base ko.
Bwisit! Pagkabuhay na pagkabuhay ko, ako na naman pinuntirya niya! Hayz! Sige na, ikaw ng magaling!
“Grabe ha! Bakit mo ba ako pinag-iinitan?!” napipikon na ako. Thirty seconds na naman akong tengga. Tuwang tuwa pa ang loko sa reaksiyon ko.
“Hehe. Sige na. Tatantanan na kita. Yung tore mo nalang!”
Bwisit!
Pag siniswerte ka nga naman. Ayun talo. Teka lang. Babawi ako.
“Isa pang game!” yaya ko sa kanya.
“Sure ka? Baka umiyak ka na niyan,” pang-aasar niya sa akin.
“Hindi noh! Babawi lang ako,” babawi talaga ako! By all means!
“Okay,”
“Sniper ka ulit?”
“Hindi na, nakita mo na eh. Iba naman. Podge!”
“Ang ko-corny talaga ng mga hero mo,”
 “Okay lang. Malalakas naman,”
Huh? Duh! Akala mo lang yon! Kailangan ko ng ilabas ang hidden talent ko. Humanda ka Vaughn ko! Kahit crush kita, dudurugin kita. (witch laugh) .
“Ako, first blood!? Paano nangyari yon? Bakit ang kunat mo na kaagad?” takang tanong niya sa akin. (witch laugh ulit sa utak) I just shrugged my shoulder.
“Susugod sugod ka kasi kaagad eh ang hina hina mo pa. Pinagbigyan lang kita kanina,” nang-aasar kong sabi sa kanya. Akala mo ha!
Abala ako sa pamimili ng gamit para sa hero ko. Hindi ko namalayang tumayo pala siya sa puwesto niya at sumilip sa monitor ko. Sabay turo sa gold coins ko.
“Ano yan?! Bakit ang dami niyan?” patay! Nabisto ako.
“Pakelam mo ba?!” depensa ko. “Bumalik ka na nga sa puwesto mo.”
“Cheater,” ipamukha pa daw ba sa akin at tumatawa pa siya ha.
“Tseh! Bumalik ka na sa puwesto mo! Yung mga creeps ko, papunta na sa base mo,”
“Daya,” natatawa nalang din ako.
------------------------------------
“It’s fun having a fight with you. Sweet dreams. : )” text niya.
“Yeah, sure. Goodnight.” Pasafe kong reply.
At dahil all one ang laban namin kanina. Nilibre niya ako ng ice cream sa Ministop. Although maraming nakatingin sa amin kanina, kiber lang. Deadmacomatose ang drama. Siguro iniisip nila, PA niya ako. Pakelam ko ba sa kanila. Basta ako, maganda ako! Syempre happy din. Nawala na ang tampo ko ng hindi siya magparamdam sa akin ng isang linggo. Wow ha. Girlfriend? Assuming lang.
--------------------------------------
    “Nood ka ng game ko sa Sabado,” yaya niya sa akin. Andito na naman siya sa shop. Para ngang nasasanay na ako na bigla bigla nalang siyang sumusulpot dito. Buti na nga lang, wala ng mga humahabol sa kanya. Don’t worry handa ko naman siyang itago ulit. Sa loob pa ng mini skirt ko. Haha!
Sasama ba ako? Baka magmukha na naman akong PA niya. Lakas ng imagination ko noh? PA kaagad, hindi ba pwedeng girlfriend nalang?
“Ano? Sama ka ha?”
“Si-sige. Kaso Vaughn, nahihiya ako.” Nag-aalangan ako. Kasi siyempre, madaming fans niya ang manonood. Kapag nalaman nila na sinama niya ako. Baka okrayin nila ako.
“Don’t worry. Akong bahala sa’yo,” pagbibigay niya ng assurance sa akin. Bahala na si Batman kamo.
-----------------------------
Dumating ang araw ng game. Mukhang inspirado naman siya. Ang dami niyang shoots. Kahit na puro two points ang karamihan, okay lang. Panalo naman sila. Kasali na sila sa Finals! Ang galing talaga ng mahal ko! Teka! Wait! Taka lang! Mahal ko? Mahal ko na siya? Crush lang yon ah! Rhapsody, wake up! Hindi mo siya pwedeng mahalin!
“Wala bang congrats diyan?!” hindi ko namalayan, nakalapit na pala siya sa akin.
“Co-congrats, Vaughn! Galing mo. Ganda ng laban.”
“Thanks. Tara! This calls for a celebration,” hinila na niya ako palabas ng astrodome.
“Vaughn!” tumitiling sabi ng mga grupo ng kababaihan na sumalubong sa amin. Mukhang kanina pa siya inaabangan ng mga ito.
“Papicture naman! Galing mo! Congrats!” sigaw pa ng isa. Makasigaw naman, wagas. Eh nasa harap naman niya kami. Kami? Para ngang hindi na ako nag-eexist. Naging ultimate invisible ako sa harap ng mga tagahanga niya.
(After 20 years. Maiba lang)
“Sige, alis na kami ha! Salamat sa pagsuporta!” paalam niya sa mga fans niya.
“Sino siya?” tanong ng isang froglet.
“PA mo? In fairness, maganda siya!” sabi pa ng isang mas froglet! Sige na, ako ng magandang PA!
“Girlfriend ko siya. Bye!” Umalis na kami at derecho sa kotse niya.
“Huwag ka ng lumingon. Baka lasunin ka pa nila ng tingin,” sita niya sa akin. Mukhang na shock ang mga fans niya. Nagjowa siya ng isang PA.  Headline to bukas.
Pagdating sa bahay.
“Good evening po, tita!” bati niya sa mommy ko.
“Good evening din Vaughn. Ganda ng laro niyo kanina ha. Sana maging champion kayo,” sagot ni Mommy.
“Thank you po,” nakangiti niyang tugon.
“Sige na. Umuwi ka na!” pagtataboy ko sa kanya.
“Galit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?” Nasira na kasi mood ko. Hindi na rin ako pumayag na magcelebrate kasama siya. Kung gusto niya, magcelebrate siya mag-isa.
“Oo,” sagot ko.
“Huh?!”
“Masama pakiramdam ko,” sakit kaya sa puso nun. Sabihin ba namang girlfriend ka eh hindi nga siya nanligaw.
“Pasensiya ka na,” tumalikod na si Vaughn.
“Siyanga pala,” muli siyang humarap. Nagpakawala na naman ng isang matamis na nakamamatay na ngiti.
Labanan mo ang sumpa, Rhapsody! Kaya mo yan. Be brave! And please wake-up. Ito ang reality. Hindi pwedeng maging kayo. Sikat siya, simple ka lang. Ni hindi mo nga alam kung gusto ka rin ba niya eh. Pinagpanggap ka lang niya kanina para tantanan na siya ng mga fans niya.
“Huwag ka ng pupunta sa shop ko from now on. Huwag ka na ring magti-text,” I declared ceased romance.
 “Bakit? May nagawa ba ako?” takang tanong niya.
“You lied,”
“I’m sorry. It was just that…” parang hindi na niya alam ang sasabihin niya.
“Don’t make me pretend your girlfriend again,” tumalikod na ako sa kanya. Ayokong makita niyang nasasaktan ako.
Sana di ba, make it real Vaughn. Make it real.
Asa pa ako.
-----------------------------------------
“My God! Mukha kang zombie!” ang ganda ng bati sa akin ni Aya. Nagkita kami sa isang restaurant. Since wala naman akong ginagawa, pinaunlakan ko na siya.
“Thanks for the compliment!” kulang ba ang foundation at concealer na nilagay ko?
“May problema ka ba?” tanong niya sa akin.
“Ako? Wala,” deny ko pa. Actually, ilang linggo na rin akong may sleepless nights. Simula ng hindi na nga talaga siya nagpakita sa akin, parang nawalan na ng saysay ang buhay ko.
“Weh?” for sure di siya naniniwala sa akin.
“Meron pala. Yung mga bills ko sa shop. Di pa ko nakakapagbayad. Mamaya nalang siguro after natin kumain.”  I flashed a fake smile on her. Sana effective.
Tinitigan niya ako ng matagal. Napayuko nalang ako at tinignan ang hipon sa plato ko. Kawawang hipon, wala ng laman.
“Come on, tell me. Friend ako. Baka sakaling makatulong.” Kinindatan niya ako.
Hays. No choice. Sige na nga.
“Si Vaughn kasi….” And the story begins.
(after 48 years ng pagkukwento….)
“Kaya yon, sabi ko sa kanya, huwag na siyang magpapakita sa akin.” I conclude.
“Namimiss mo siya?”
Nahihiya akong tumango sa kanya.
“Hindi na ako nagtataka. Tama si Lance sa theory niya,”
“Huh?” anong theory?
“You just have the same feelings, girl! Kumbaga, nasa in denial stage kayo ngayon.”
“Parang hindi naman,”
“Sabi pa nga ni Lance, madalas daw uminom si Vaughn at mukha na ring Zombie. Ehem, just like you. Para kang ligaw na kaluluwa,” natatawa nitong asar sa akin.
“Hindi naman ako naglalasing ah. Teka. Bakit siya umiinom? May laro pa yun sa basketball ah. Finals week pa,”
“See who’s concern now,” tinaasan pa ko ng kilay ng maganda kong kaibigan.
“Wutever. Una na ko sa’yo Aya. Thanks for the treat and don’t you dare say it to anyone,” hinalikan ko na siya sa pisngi.
“Say what?” maang maangan pa siya.
“My deepest secret.”
“Meron ba? Wala akong maalala.”
“Very good. That’s my girl. Bye!”
Paglabas ko ng restaurant na iyon dali dali kong nilabas ang telepono ko at ewan ko ba kung anong klaseng ispiritu ang sumanib sa akin at tinawagan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Huwwaatt! Pinakamamahal na talaga?! Sige na nga. Aamin na ako. Oo na. Narealize ko lang yan, these past few days. Nung mga panahong hindi na nga siya nagparamdam sa akin. Sobra ko siyang namimiss. Pinagkakasya ko nalang ang sarili kong panoorin siya sa tuwing may laban siya. Mukha namang hindi siya affected. Ang ganda pa rin ng mga laban niya eh. Pero, sabi ni Aya, lagi itong nag-iinom sa bar ni Jake. Bilang nagmamahal ng wagas, wala namang masama kung mag-alala ako di ba? Hindi naman ako umaasa na masusuklian ang pag-ibig na alay ko. Weh?
Nagpapalpitate na ako. Ring palang yan ng cellphone niya ha! Paano pa kaya pag sinagot na niya. Huwag mong sagutin, please! Huwag mong sagutin! Hindi, sige. Sagutin mo na lang pala.
“He-hello Raf?” Sh*t! I miss that voice. Lalo na ang may-ari ng boses na iyon.
Anyway, back to my business kung bakit ako tumawag sa kanya.
“Hoy, Vaughn! Ano tong nababalitaan ko na lagi ka ng nagbababad sa bar ni Jake para lang maglasing? Hah?! Alam mong may laro ka at masama sa’yo ang may alcohol sa katawan kapag naglalaro, ginagawa mo pa rin!” teka lang, ba’t para akong naging isang asawang  nagger? Hindi ko nature toh!
Dead air. Long silence.
 (After 10 years ulit)
“Vaughn?” medyo mahinahon na ang boses ko. Nasabi ko naman na ang pakay ko sa pagtawag sa kanya eh.
“Raff? Ikaw ba talaga yan?”
“Hindi ako si Raff. Ako si Rhapsody. Malamang ako toh, ano ka ba?”
“Nagulat lang ako. I mean surprised.”
“Huwag ka ng iinom ha!” wow, girlfriend na pinagbabawalan ang boyfriend lang ang peg.
“Okay, sige.”
End of conversation. Yun lang yun.
----------------------------------
(Last na to promise! : )

Nasa bahay ako, actually sa kuwarto ko at kasalukuyang tinitignan ang profile ni Vaughn sa facebook sa pc ko. Walang namang bago. Ganun pa din. Puro post ng fans ang karamihang nakapaskil sa wall niya. Immune na ako.
“Nak, may bisita ka,” imporma sa akin ni Mommy. Whoever it is, mas importante ang mukha ng lalaking mahal ko kaya hindi pa ako nag-abalang tumayo, lumabas ng kuwarto at harapin kung sino man yon.
“Sino daw, Ma?” tanong-sigaw ko na hindi pa rin lumilingon sa may pinto.
“Profile ko yan ah,” Goosebumps all over my body! Nasa likod ko na pala ang may-ari ng fb profile na pinagnanasaan ko.
“Ha-ha! Tinignan ko lang. Masama ba?! Pasensiya na ha, fan mo rin kasi ako,” depensa ko mula sa pagkapahiya. “Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko, huwag ka ng magpapakita sa akin?”
“I just remembered, ang sabi mo sa shop lang. Hindi naman dito sa bahay mo at sa kuwarto mo.” May pilyong ngiti pa siya na pinakawalan.
“Paano ka nakapasok dito?” Binebenta na ba ako ng nanay ko? Mukha na ba akong old maid? Hindi pa naman lumalagpas sa kalendaryo ang edad ko ah.
“Umakyat sa hagdan, binuksan ang pinto at humakbang palapit sa’yo,” pilosopo niyang sagot. Very good talaga.
“So, anong balak mo?”
“Huwag kang mag-alala, wala akong balak na masama. Tsaka na lang kapag asawa na kita,” sabay pa kaming tumingin sa kama ko. Nakakainis! Malamang halatang halata na ang pagba-blush ko. Wala akong make-up na suot ngayon. Buti nalang naka-bra ako. Madalas kasi kapag nandito ako sa  loob ng kuwarto, hindi ako naka-bra. Teka, anong relevance? Hay nako! Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko.
May naabsorb ako sa mga sinabi niya, “Asawa?!”
“Oo. Liligawan muna kita para maging official na kitang girlfriend and then eventually asawa,” seryoso nitong pahayag.
Nanaginip ba ako? Ako? Liligawan ni Vaughn ko? Totoo ba ito?
“Bakit mo ko liligawan?” tanong ko. Malay ko ba kung trip niya lang.
Hinila niya ako paupo sa kama ko, umupo rin siya. Magkaharap kami. Eye to eye.
“Sa-sabi mo wala kang masamang balak?” Okay lang! Willing naman akong tanggapin  kung ano man yon! By all means! Hehe.
“Shut up and listen! Minsan ko lang sasabihin to at huwag na huwag mo ng ipapaulit sa akin, unless I want it to,”
I shut up nga.
“Mahal kita, Raff. I don’t know when I realized it pero lagi na kitang namimiss at masaya ako kapag kasama kita. Ayoko ng maging torpe baka kasi mawala ka rin sa akin tulad ni Mhadz noon.” Shocked ako. I swear. Kaso ayoko lang mag-react, sabi niya kasi Shut up eh.
(After 10 years.. suking suki si 10 years. )
“Ano?” tanong niya sa akin. “Hindi ka na nagsalita. Say something.”
“Sabi mo shut-up,”
“But not forever, ano ka ba?!”
“Okay,”
“Okay, what?”
“Pumapayag na akong magpaligaw sa’yo. May isang pabor lang ako na hihingiin sa’yo.”
“What is it?”
“Pwede bang, from now on. Say what you really feel para hindi na ako nangangapa?”
Dinala niya ang kamay ko sa kaliwang dibdib niya. Shocks! Ang tigas ng muscle niya. Ang sexy ng mahal ko.
“Kapain mo. Ikaw ang laman niyan.”
Touched naman ako.
We kissed. This time, hindi na to panaginip. ♥

End… : )



No comments:

Post a Comment