Pages

Saturday, October 5, 2013

Love Convenience



(Mariez and Gideon)



“Dreaming of a very perfect guy can have a very dreadful consequence. Paano kung nameet mo siya pero sa kamalasmalasang pagkakataon, hindi ka pwedeng mainlove sa kanya dahil bawal?….sabi ng boss ko…”


Lalabas muna ako ng bahay. Kanina ko pa gustong magsulat pero wala akong maisip na magandang plot. I need some fresh air. Meron pa ba dito nun sa NCR?
“Ei, Mariez! San ka pupunta?” tanong sa akin ng kasama ko sa boarding house.
“Diyan lang sa tabi-tabi. Why?” sagot ko naman sa kanya.
“Ah,. Sama sana ako,”
I want to be alone. Kaya nga ako lalabas eh. “Magsusulat ako,” Gets na niya yon. Ibig sabihin ayoko ng kausap, ayoko ng istorbo.
“Sige, ingat ka!” See. Nadale niya.
-00-
Bitbit ang aking laptop, napadpad ako sa malapit na convenience store. Bumili muna ako ng Soy Milk bago simulan ang aking seremonyas. Mahirap na baka mapalayas ako dito. Nakakahiya. Kita pa sa CCTV kaya bumili na ako ng maiinom, para kumita naman sila sa akin. Hehe.
Saglit akong tumitig sa kawalan, este sa kalye na maraming dumadaan na sasakyan. Then tumingin naman ako sa bote ng Soy Milk na iniinom ko, sumunod sa cursor na nagbiblink blink sa malinis kong MS Word. Mga fifteen minutes kong ginawa ang ruta na ito and gotcha! May naisip na akong plot para sa bago kong kuwento. Thank you po Papa God para sa inspirasyon.
Done with chapter 1, syempre next chapter 2. Adik lang? Haha!
Nasa kalagitnaan na ako ng chapter 2, when someone approached me. Ay, mali. Hindi lang pala siya someone. Handsome one! I swear! Mga 10 seconds akong nakatitig sa kanya.
“Hi, miss!” bati niya. Flashing her very perfect smile on me.
Syempre hindi naman ako snob so I say Hi din.
Nagulat ako sa mga sumunod na niyang sinabi.
“I’m Gideon, VP of a logistic company and I am hiring you as my personal secretary.”
Nakadrugs ba itong lalaking ito? Eh, hindi naman ako nag-aaply sa kanya. May trabaho kaya ako. Bukod sa pagiging freelance writer / distributor, eh isa rin akong office staff. 
“Sorry po. May trabaho naman ako, eh. Anyway, thanks for the offer,” magalang kong pagtanggi sa kanya.
“But look Miss……?”
“Mariez,”
“Mariez, I badly need an assistant right now. Nilayasan ako ng magaling kong sekretarya sa kalagitnaan ng meeting ko, and at 4 p.m. today, may isa pa akong meeting na kailangang harapin. I need you to take the minutes,”
Helleer? Minutes lang! Di mo ba kayang gawin yun? “Sorry talaga Mister Gideon, but as you can see, nagtatrabaho rin ako ngayon,” totoo naman to. Kailangan ko ng makapagpasa ng bagong nobela next week. Masyadong mabait ang editor ko at binigyan ako ng palugit eh samantalang dati naman, nagpapasa lang ako kung kelan ako makakatapos ng nobela. No pressure in short.
“I’ll triple you’re basic pay,” offer niya.
Natigilan ako. Hindi biro yun! Sahod na ng manager ko yun ah!
“Seryoso ka?” although hindi naman siya mukhang nagbibiro.
“I have no time for stupid jokes,” mataray niyang sagot.
“Dalawa ang trabaho ko,” hirit ko naman.
Nag-isip muna siya bago sumagot. Siguro inisip niya baka malugi ang kumpanya niya kung pasasahurin niya ako ng super above minimum.
“Okay. I’ll double each job. Last na yon. If you won’t accept it, I still have three hours to look for other jobless there.”
Ang arogante naman nito. Pero sige na nga! Pasalamat ka guwapo ka.
“Okay, deal. Just give me one hour, tatapusin ko lang tong ginagawa ko,” kailangan ko pa kasing lagyan ng ending yung ginagawa kong nobela kahapon. Para mapasa ko na siya. Ganun talaga ako magsulat eh. Kahit hindi pa tapos yung isa, gumagawa na ako ng panibago. Multi-tasking ang tawag doon. Hehe.
Shocks! Ang bilis ko magdecide. Paano ang previous employer ko? Sa publishing, hindi problema yun, pero pano yung sa office? Ano ba naman tong napasukan ko? Tsaka parang ang bilis ko yatang magtiwala? Paano kung sindikato pala siya? O di kaya niloloko niya lang ako? Baka pagtangkaan niya ako ng masama. Pero wala naman sa itsura niya eh. Tsaka ang gaan ng loob ko sa kanya. Wala naman akong nararamdamang bad vibes. Hay, Papa God, please protect me.
“Okay. But I will take your word. No more backing out.”
“Just one last question,”
“Ano yon?”
“Bakit ako?”
Matagal bago siya sumagot, mukhang nag-iisip na naman.
“I like you,” he declared. What! Ano to? Like at first sight? OMG!
“I like you to be my assistant. Nothing more than that,” assumera na ako.
“Ah, ok.”
“I’ll go now. But please stay where you are right now,”
“Oo nga. Kunin mo pa number ko eh,”
“That’s a good idea,”
Mga ten minutes na siyang wala sa paningin ko pero hindi pa rin ako makapaniwala na may isang guwapong mama na lumabas mula sa katapat na building ng convenience store na ito at inalok ako ng trabaho. Suwerte ba ang tawag dito? Sana nga.
Papa God, what shall I do now? Kailangan ko na bang magdraft ng resignation paper at ipasa ito sa Monday?
Anyway, may kailangan pa pala akong tapusin.
-00-

“Are you done?”
“Ay! Kalabaw!” bigla bigla na lang kasing susulpot. At talagang sinakto niyang one hour ah!
“I said, are you done? I need to brief you muna para hindi ka mangapa,”
“Ah- O- oo. Tapos na ako,”
“Let’s go,”
“Wh-where?”
“Sa office ko,”
“Tayo lang?”
“Of course!”
Ang guwapo naman ng rapist ko. Teka lang! Kahit modern world na, kalahi ko pa rin si Maria Clara noh.
“I will do nothing bad on you! Kung yun ang iniisip mo,” patay! Naisip niya ang naiisip ko! Ikaw naman kasi Mariez, ang lawak ng imaginations mo. Writer ka nga.
“Pasensiya na sir, ha. Nabibigla lang ako sa mga pangyayari, hindi naman yun ang ibig kong sabihin,” palusot ko nalang.
“I just badly need an assistant right now.”
“Sabi mo nga kanina, inulit mo lang,”
Tara na,”
Lumakad na kami papasok sa gusaling pinanggalingan niya kani-kanina lang. At gusaling pagtatrabahuhan ko na rin ngayon. Hay. Parang whirlwind lang.
-00-
Ayun na nga, nag resign na ko sa opisinang pinagtatrabahuhan ko and later I found out kung bakit siya nilayasan ng dati niyang secretary. Paano ba naman kasi, nuknukan ng sungit! Akala mo matandang binatang nag memenopause.
Sabi nga sa akin ng taga ibang department, ang tapang ko daw kasi nasasagot sagot ko siya. Tulad kahapon:
“Mariez, kailangan mong mag overtime ngayon. We need to finalize the contract for our new client,” imporma niya. Diyos ko naman, Papa God! Naka ilang print na ako nito, wala namang typo, kada isang word na maisip ipabago, magpapaprint na naman! Hindi ba pwedeng sabay sabay?! Nakakaloka ka sir! Pasalamat ka guwapo ka!
“Sorry sir, but I can’t today,” sagot ko sa kanya.
“What?” taas kilay niyang tanong sa akin.
“Sabi ko, hindi po ako pwede.”
“And why? Bayad ka naman ah,”
“I need to finish my writings, deadline ko bukas.”
“Pero di ba, may usapan na tayo? And you’re already earning it.”
“Sir, hindi ko ho kailangan ng pera sa trabahong iyon. In the first place, kayo ang nag-offer nun, tinanggap ko lang. Ginagawa ko ang pagsusulat hindi lang para kumita ako, kundi dahil yun ang gusto ko, ang passion ko. Kayo rin naman ah, you work hard, hindi para sa suweldo niyo na pang gas niyo lang yata ng sasakyan kundi dahil sa ambisyon niyong ma-iangat at makilala ang kumpanyang ito,” ayun natulala siya sa mahaba kong litanya.
“Agahan mong pumasok sa Monday,” tumalikod na siya at pumasok sa kuwarto niya.
“Lagi naman akong maaga,” sagot ko. May respeto naman ako sa kanya dahil boss ko siya pero siguro immune lang talaga ako  sa mga  masusungit na boss kagaya niya. Sanay na ako.

-00-
Hindi ko maimagine na mawiwitness ko rin pala ang soft side ng boss kong guwapo pero saksakan naman ng sungit na madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung ngumiti. Nung una naming pagkikita ko lang yata siya nakitang ngumiti. Eh, dalawang buwan na ang nakakalipas yun.
Hanggang sa isang araw, kagagaling lang namin mula sa lunch meeting, nakahinto kami dahil sa traffic. May lumapit na batang lalaki sa gawing bintana ni Sir Gideon, namamalimos. Binaba niya ang bintana at inabutan ito ng tinapay galing sa headboard na nasa harap ko.
“Salamat po,” sagot ng bata.
“Welcome. Mag-ingat ka baka masagasaan ka,” nakangiti nitong sagot sa bata.
Hindi ako manhid para hindi matouch sa kabutihang loob na inasal ng guwapo kong boss.
“May soft spot ka rin pala,” hindi ko napigilang komento.
“I was once like that before,” pahayag niya. What?! Ang boss ko na ubod ng yaman dating isang palaboy?
“Weh? Steer!” sabi ko sa kanya.
Nag go light na kaya umandar na kami.
“When I was that age, mas gusto kong tinapay ang nililimos kaysa barya kasi kapag pera ang naiuwi ko, hindi ko rin naman naipambibili ng pagkain. Pilit tong kinukuha sa akin ng step father ko. Ako ang nagtatrabaho para mabuhay kaming dalawa simula ng mamatay ang mother ko,” kuwento niya pa.
“Ganun? Sana umalis ka nalang sa kanya. Wala ka bang ibang kamag-anak na mapupuntahan?”
“I didn’t meet any. Bata pa ko nun, hindi ko alam kung saan nanggaling ang nanay ko.”
“Paanong?”
“Naging maganda ang buhay ko? Si Ms. Arellano,” tukoy niya sa Presidente ng kumpanya namin. Na sa pagkakaalam ng lahat ay tunay niyang ina.
“Masuwerteng kotse niya ang nakatok ko ng araw na iyon. Imbes na pera ang hingiin ko, humingi ako ng tinapay sa kanya. Nagtaka siya kung bakit tinapay ang hiningi ko kaya sinabi ko na kapag pera ang ibingay niya, hindi sa akin mapupunta iyon kundi sa tiyuhin ko,”
“Naawa siya sa’yo at inampon ka niya? And the rest is history?” hula ko sa magiging karugtong ng kuwento niya.
Nakangiti siyang tumango. Strike three! Tatlong beses ko ng nakitang lumabas ang maliit niyang dimple sa kanang pisngi niya.
“Hindi ako nagkamali ng pagpili sa’yo, ang bilis mong pumick-up,” komento niya.
“Ganun talaga. Writer ako eh,”
“Now I know,’
“And now I know the strange story behind that very masungit boss.”
“Actually front ko lang naman talaga yon because of my childhood days so that nobody would try to harm me or overpower me,”
“Kahit naman hindi ka magsungit, sa laki mong yan, walang mangangahas na saktan ka unless may ginawa kang hindi maganda sa kanila,” natutuwa naman ako sa ganda ng usapan namin. I actually know him better now. At least ngayon, may pinag-uusapan kaming labas sa trabaho.
“We’re here,” inihinto na niya ang sasakyan sa allotted parking lot para sa kanya.
“Back to pagiging masungit mo,” natatawa kong sagot sa kanya.
“Yeah right. Ikaw lang naman ang nakakaresist,”
“Masungit din kasi yung dati kong boss. Nasanay lang ako,”
Hay. Ang sarap makatrabaho ng isang guwapong boss na mabait rin naman pala.
Huli na ng marealize ko na mahal ko na pala siya. Hindi pwede ‘to! Bawal! Mawawalan ako ng trabaho.

-00-

Rule no. 1 : Never fall in love with the immediate superior. Blah. Blah. Blah.
Kanina ko pa paulit-ulit na binabasa itong kontratang pinirmahan ko, two months ago. May sumpa yata ito. Sa dami ng nakasulat na conditions, ito pa ang una kong nabreak.
Shockness ka naman, Mariez! Of all people, in your 24 years of existence dito sa mundo, sa kanya ka pa na-inlove?! Sa dami ng nanligaw sa iyo noon, simula high school, wala kang natipuhan, masyado kang perfectionist para sa dream guy mo, ayan ang nangyari sa’yo! You fell in love with the wrong one. Legally. Literally.
Ganito pala nagagawa ng inlove noh? Parang tangang sinesermunan ang sarili.
Decide. Decide. Decide.
Mag-reresign ba ako? O forever ko nalang itatago ang nararamdaman ko pero at least kasama ko siya?
Mas feel ko ang second option kaso parang torture naman yata sa akin yon.
Papa God, anong gagawin ko? Help.

-00-
Pinalipas ko ang dalawang linggo. Baka sakaling lumipas din itong nararamdaman ko. Malay nating lahat, infatuated lang pala ako. PBB teens? Infatuated? Diyos ko, te, 24 ka na!
Hay, bahala na si mahal kong Batman.
-00-

One week siyang out of the country para sa isang seminar, and it feels like torture already! Sobra ko siyang namimiss, waahh!
“Ei! Wazup! Maybe, you’re happy now, spending your free time writing huh?” halos malaglag ang puso ko sa email niya. After three days, ngayon lang siya nagparamdam sa akin.
I terribly miss you, my love! Adik ka, bakit ngayon ka lang nagparamdam?! I typed. Pero hindi ko naman si-nend. Backspace. Backspace. Backspace.
Ok lang. Yeah right. I’m so much busy now, typing the last chapter. I’m so much having fun! Thanks to you. : ) . Press send. Sige na, ako ng plastic.
Hindi na siya nag-reply. Cute mo talaga, boss!
 Buong araw akong naghintay ng reply niya pero waley talaga. Hindi ba nasend? Mali ba ang email add? May network error ba? Hay, ewan! Bahala siya! Galit ako! Nagtatampo!
As if naman may karapatan ako di ba?

-00-
“Good morning,” bati niya sa akin.
Pero deadma, hindi ko siya sinagot tulad ng madalas kong sabihin, Good morning din, Sir Sungit! Madalas ako pa nga ang unang bumabati.
Nag-busy-busy-han ako. Binabaliktad ang mga folder na kahapon ko pa napagbali-baliktad.
Bigla siyang may ipinatong sa table ko. Pink chopsticks at isang fancy necklace na may pink ding pendant at black strap.
Tinaasan ko siya ng kilay sabay sabing, “Ano yan? Suhol?”
“What?” nagtataka niyang tanong sa akin.
“Wala. Salamat,” bawi ko sa una kong sinabi. Hindi nga pala niya alam na mahal ko siya at nagtatampo ako dahil hindi na siya nagreply. At yun ang una’t huli niyang paramdam sa akin nung nasa China siya!
“Suhol for what?” tanong pa rin niya. Patay! Narinig pala niya. Natural, hindi naman siya bingi, maririnig niya talaga iyon.
Sige na, mag-iimbento nalang ako. “Suhol, kasi hindi mo ko isinama. Hindi pa kaya ako nakakalabas ng bansa.”
“Yun ba? Sige, next conference, isasama kita. Well, at least, you had all the time, doing your passion,”
Ikaw na kaya ang passion ko ngayon! I didn’t enjoy that hell week, dahil wala ka. Gusto kong sabihin pero iba nalang ang isinagot ko, “Sige na magtrabaho ka na. Tambak yung for signature mo.”
“Yes, boss,” shocks! Totoo ba itong nakikita ko? Lumabas na naman ang dimple niya.
“Boss ka diyan? Boss mo mukha mo!” sagot ko ulit. Parang nawala na ang tampo ko sa kanya. Pero mas nagulat ako sa sumunod niyang reaksiyon. He laughed out loud. Sabay kurot sa ilong ko.
“Ehem,” parinig ni Ms. Arellano.
“Good morning, Madam,” bati ko sa aking biyenan. Weh?
“Hi, ma!” hinalikan naman ni Boss sa pisngi ang kanyang ina.
“We need to talk,” seryoso nitong pahayag.
Closed door meeting ang peg. Ano kayang pinag-uusapan nila? Tatanggalin na ba ako? Wala namang nakakaalam na inlove ako sa kanya ah. Bukod sa sarili ko at kay Papa God.
Hays. Bahala na ulit si mahal kong Batman.
Bruce Wayne, sana ikaw nalang ang minahal ko.

-00-
Paglabas ni Madam, parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mahal kong boss.
Lalapit ba ako o hindi? Lalapit o lalapit?
Sige na nga lalapit na ako, concern lang.
“Sir, bakit? Nagalit ba siya? Kailangan ko na bang magresign?”
Mga ten years, bago siya sumagot. Ganun ba talaga pag mga boss, laging nasa deep thinking?
“Did you know, na siya mismo ang nagdraft ng kontratang pinirmahan mo?” finally sagot niya sa tanong na tanong din.
Hindi ko alam, so umiling ako. Akala ko siya ang may gawa nun.
“She did it on purpose. Gusto na niya akong mag-asawa.”
“Huh? Anong relevance non?” curious kong tanong.
“But she doesn’t want me to marry the wrong one,”
“Ang ibig mong sabihin, kasalanang mortal ang employer-employee relationship?” Ouch ha! Bawal na pag-ibig yata talaga ito.
“Ewan ko. Siya ang may idea nun,”
“Wala ka bang maipakilala sa kanya para matahimik na siya?” Pansin ko nga, walang umaaligid sa kanyang babae. Hindi kaya? . Huwag naman po sana. Diyos ko, sayang ang lahi mo kung hindi ka magpaparami. Sana naman hindi tayo pareho ng underwear.
“Meron na kong balak ipakilala sa kanya kaya lang may problema. Actually dalawa.”
“Wow ha! Two-timer ka pala, boss!” Ang sakit naman. Meron na pala siyang mahal kaso dalawa. Mas masakit.
“I mean, dalawang problema,”
“Ah, sorry naman. Care to share?”
“Hindi niya pa kasi alam na gusto ko siya,”
“Torpe ka pala,” natatawa kong komento sa kanya kahit masakit.
“Ngayon lang. Pakiramdam ko kasi, ma-oover power niya ako kapag nalaman niyang mahal ko siya,”
“Alam mo bossing, kung mahal mo talaga ang isang tao, you must face the consequences. Worth it naman ang paglaban kung mahal ka rin niya,” grabe, ako ng best actress. Ang galing ko magbigay ng advice kahit deep inside wasak na wasak na ang puso ko. Imagine, ang lalaking pinapangarap ko, pinapamukha sa akin na may mahal na siyang iba. Parang may kutsilyo na nakatarak sa puso ko. Cuts like a knife talaga, promise!
Sana willing siyang makinig at once na nalaman niya sana hindi niya ako under-in,”
“It’s a matter of give and take naman boss sa isang relasyon. Para kang takot na takot na ma under,” sinundan ko pa ng tawa.
“I don’t know how to start, what to say,”
“Sige, tulungan kita. Kunwari ako yung girl.” Suggestion ko pa. Iisipin ko nalang ako talaga iyon para kahit papano, maranasan ko namang mahalin ng isang Gideon Arellano, kahit kunwari lang.
“Sure?” tanong niya. Mukhang nag-aalangan siya.
“Go,” ang tapang ko talaga! Pwede na akong ipares kay mahal kong Batman.
“Mariez,…”
Mga after ten years pa, hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin. Awkward na nga eh. “Ano na?” basag ko sa trip niya. Nakakailang kaya. Makatitig, wagas na wagas.
“I love you,” bigla niyang sabi. Ako naman ang natigilan. Para sa akin ba talaga iyon? Hindi Mariez, huwag kang ilusyunada! Nagpa-practice lang siya.
Relax. Relax. Relax. “Okay,..” sige na, relax lang ako. Kahit masakit. Kakaririn ko na ang pagpapanggap!
“From the very first day that I saw you, ewan ko kung anong klaseng magnet ang naglapit sa akin papunta sa’yo. It was just I can’t help myself staring at you and eventually realizing na ikaw na ang babaeng gusto kong pakasalan.” Ang sarap namang pakinggan. Hay, ako nalang sana sir. Yes na yes kaagad ang isasagot ko kahit wala ka pang tinatanong.
Paano kaya kung ako talaga ang babaeng nilalaman ng puso ni sir? Ang sarap sa feeling nun! Imagine, yung dream guy mo, mahal ka. Grabe! Daig ko pa ang nanalo sa lotto! Kaso yung feeling na nanalo ka nga sa lotto kaso nawala naman ang ticket mo? Yun ang pakiramdam ko ngayon. Kasi hindi naman ako ang mahal niya eh.
“Hindi ka na nagsalita?” maang niyang titig sa akin.
Matagal pala akong natulala.
“Ay! Sorry naman boss. Kasi naman, parang totoo yung mga sinabi mo. Ramdam na ramdam ko!”
“Totoo yun,”
“Kaya nga ramdam na ramdam ko eh. Anyway, nakaya mo ng magtapat. What’s the second problem?”
“I am so much bothered with the contract you signed…”
Laglag panga ako! As in! Super! He’s speaking between the lines. Hindi naman ako Pentium 1 para hindi magets ang ibig niyang sabihin.
Ako yun! Ako! Ako! Ako! Ako ang mahal ng mahal ko! Ako na talaga ang nanalo sa lotto.
“It’s true, Mariez. Ikaw yon,” pagkaklaro niya. Akala niya siguro, slow ako. Eh sobra kaya akong nag-aasume na sana talaga ako na yun.
“Seryoso ka boss?” tanong ko. Pero ubod lakas kong pinagdadasal sa puso ko na sana hindi siya nagsisinungaling. Wala ng bawian, pleeeeaaassseeee……
“I never kid anyone with that matter,” okay. Sh*t! Overwhelming talaga ang nararamdaman ko ngayon! Kahit na malamig dito sa loob ng opisina niya, pinagpapawisan ang mga palad ko at kahit na prente akong nakaupo sa harap niya with table between us, gusto kong magtatatalon sa tuwa. Tanggalin ang mesang nakapagitan sa amin at sugurin siya ng yakap!
“See. Ang bigat ng problema ko di ba? I don’t know what to do with the contract as well as with the woman I love kasi hindi ko alam if the feeling is mutual.”
“I have solutions to that,” parang may bulb na nag- ting! Sa utak ko.
“What is it? Sana matuwa ako,”
“I will resign and let’s have another kind of contract,”
“Huh?” ay boss! Ikaw ang slow!
“Pentium 1 ka ba?! Ang slow mo kasi eh! I love you too and I’m willing to sign another contract which is a marriage contract pero siyempre manligaw at mag-propose ka muna, noh. Ano ka sinuswerte?” Para saan pa ang pagpapakipot, palalampasin ko pa ba ito?
Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa akin.
“Matagal ko ng gustong gawin to eh. From the very first time when I saw you on that convenience store,”
Lumuhod siya sa harap ko at hinalikan ako! Take note, sa lips! It was the sweetest kiss ever! I will never regret that I have saved my first kiss just for him. I really love this man!
Ayaw na ayaw kong kinikilig, promise! Para lang yun sa mga nobelang sinusulat ko.
Pero by this time, sasaluhin ko na lahat ng kilig sa mundo!
Thank you, Papa God!
-00-
One year had passed.
Nandito na naman ako sa convenience store, naka-upo kaharap ang aking laptop at sinusulat ang sarili kong love story.
Yupp. Nagresign ako and decided to be a full-time writer. Ito talaga ang gusto kong gawin, grade four palang.
Si Mr. Gideon Arellano?
Ayun, nagpropose na siya last night at syempre Oo naman Yes ang sagot ko! Saya noh?!
Hindi ko lubos maisip na ang isang katulad niya na nuknukan ng sungit ay super lambing naman pala. Mahilig sa surprises at napakathoughtful. Adventurous din siyang kagaya ko. Kung saan saang lugar na kami nakapunta. Around Phillippines and just like his promise, we went to China together!

In addition to that, may isa na akong nobelang isasapelikula and I love it so much!
Maraming maraming thanks talaga kay Papa God sa lahat ng ito.
I never hurry in love just to make it convenient for me, and sobrang worth the wait talaga.
Thanks for reading!



-FIN-

No comments:

Post a Comment