Pages

Saturday, October 5, 2013

Awkward Story # 2: Miss Imperfect (Chesca and Richard)



“And I am so excited for the camping!” tili ni Chesca.
“Kaharap mo lang kami, teh! Huwag kang tumili!” sita dito ng bestfriend at classmate niyang si Tessa.
Nasa school cafeteria sila having their lunch.
“Ang arte, porke’t kasama lang si Richard eh!” dagdag pa ni Mia na kaklase rin nila.
“Pero masaya lang talaga ako mga sisterette! Dahil ang radian leader ng section natin ay si Richard!” Tukoy niya sa kanyang crush. Third year college na ito at sila naman ay first year college with the same course. They met on freshmen’s night dahil isa ito sa mga event organizers ng program na iyon.

As for their NSTP, ito ang nakatalagang magbabantay sa kanila during their 2 day camping para sa kanilang subject na Scouting since si Richard ay member din ng Org na nagfafacilitate ng camping for Scouting students.
 “Alam namin,” duet ng dalawa niyang ever supportive friends.
“Kayo naman. Be happy nalang for me!”
“Watever!”
----------------------------------------



Makiling,Laguna Camp site
“Good morning campers! Welcome to Makiling! Group Maalab, dito sa area na ito kayo magtatayo ng mga tents niyo,” instruction ni Richard sa section na hawak niya.
“Huy,Chesca! Kilos na!” siniko siya ni Mia. Hindi pa rin kasi ito tumitinag sa kinatatayuan niya bagkus ay nakatitig lamang ito kay Richard na abala sa pagtulong sa ibang grupo na nagsisimula ng magtayo ng tent.
“Ang ganda kasi ng view, ina-appreciate ko lang…” masaya pa rin itong nakatitig kay Richard.
“Kuya Richard, kailangan namin ng tulong! Yung isa naming kagrupo, imbalido!” sigaw ni Tessa.
“Tessa!” sita ni Chesca sa kaibigan. Dun lang siya natauhan ng sumigaw ang bwisit niyang bestfriend.
Agad namang lumapit si Richard sa kanila, “May problema ba girls?” tanong nito sa kanilang tatlo.
“Hi-hindi kuya.. Wa-wala kaming problema. Papansin lang tong si Tessa, hindi kasi tumutulong sa pagtatayo ng tent,” sagot ni Chesca dito at tumalikod na siya para kunwari ay abala na  sa ginagawa.
“I think, there is  really a problem here…” mahinang sabi ni Richard ngunit sapat ito para marinig ni Chesca.
“What?” muli siyang lumingon sa kanyang crush. Ang sarap talagang titigan ng maamo nitong mukha.
“You can use the bathroom over there,” turo nito sa gawing kaliwa ng camp site.

And she got it! Oh my!

Awkward…..

Of all people, bakit si Richard pa ang kailangang makakita na kanyang red stain. Yeah, she had her heavy day today pero hindi niya narealize na natagusan na pala siya! Ang masaklap pa nito si Richard pa ang unang nakapansin nun.
Tanga!tanga!tanga! tangi niyang nasabi sa sarili.
She get her bag, pinantakip iyon sa kanyang behind at tumakbo na papunta sa C.R.
What a very wonderful first day! For her camping and for her period.
------------------------------------
Day 2
Their day 1 in Makiling has been very fun yet so tiring. Dahilan para hindi siya magising ng maaga. Tessa and Mia were already on the arena for the morning exercise pero eto siya’t nakacurl up parin sa ilalim ng kanyang kumot. Sinubukan siyang gisingin ng mga kaibigan ngunit ayaw talaga niyang bumangon.
Until she realized that the love of her life is calling her name, “Chesca, wake-up! Magsisimula na ang morning exercise,” imporma nito sa kanya.
“Ha? Si-sige po kuya, susunod na ako,” inaayos niya ang magulo pang buhok habang kausap ito.
“Okay ka lang ba? If you’re not feeling well because of your period you can stay here,” concern nitong advice sa kanya.
Hiyang hiya naman siya.
So she fixed her hair fast at lumabas na ng tent.
“I’m fine. Aatend po ako ng morning exercise,” sagot niya rito.
Patakbo na siya going to arena ngunit tinawag siya ni Richard, “Chesca, dumaan ka muna ng C.R. and wash your face first,” advice ulit nito sa kanya.
She touched her face and she also realized what he is talking about this time.

Awkward strike two plus one!….

“Damn! Bwisit na laway at muta ‘to!” nasabi na lang ulit niya sa kaniyang sarili and she went straightly to the bathroom.
Nawala na sa isip niya ang mag toothbrush at maghilamos dahil sa mukha ng lalaking nagsilbi niyang alarm clock ng umagang iyon.
Another great thing to start her morning here at Makiling camp site..
---------------------------------------
It’s been a month after their camping. At salamat sa experience na iyon dahil eto siya ngayon at parang timang na kapag nakikita si Richard sa iba’t ibang parte ng kanilang eskwelahan eh how she wish lumubog na siya sa lupa.
“Balik tayo ng library!” yaya niya sa dalawang kaibigan. Nakikita na naman niya sa perimeter si Richard at anytime ay pwede nila itong makasalubong unless he will turn left o sila ang umatras.
Para kang aning! Si Richard lang yan, hindi yan si Dean Ramos!” natatawang asar ni Mia sa paranoid na kaibigan.
“Oo nga! Dati, gustong gusto mo siyang makita at minsan tayo pa ang naghahanap sa kanya kung nasaang lupalop man siya tapos ngayon para kang adik na nagtatago dahil may malaki kang utang sa bumbay!” gatong pa ni Tessa.
“Kayo kaya makita ng mga crush niyo na may tagos, panis na laway at muta, hindi ba kayo maiilang?! Sobrang awkward kaya nun!” she pouted her lips.
“Ano naman?! Tao lang tayo! We’re not perfect!” sagot sa kanya ni Tessa.
“Isa pa, kung mahal ka talaga ng isang tao, tanggap ka niya kung sino at ano ka. Rememeber, it’s not the attraction that matters most but it’s the affection that lasts…” Mia seconded.
“Bahala kayo. See you later. Balik lang ako library,” iniwan na niya ang mga kaibigan at tumakbo na nga ito pabalik ng library.

----------------------------------------
Tessa and Mia has a point, lahat naman talaga tayo may weaknesses pero nakakainis lang yung feeling na makikita iyon ng lalaking gusto mo at a wrong time and place… kausap ni Chesca ang sarili.
She gets her pen and notebook…
Dear Richard,
Of all moments na pwede nating pagsaluhan bakit puro awkward lahat? Grrr… I hate this thought na natatawa ka dahil sa naging itsura ko.
Gusto ko ng magtransfer sa ibang school at magkagusto nalang sa ibang guy! Waah!!.
But promise, crush pa rin kita. Namimiss ko na ngang titigan ka at maging stalker mo kaya lang nahihiya na talaga akong humarap sa’yo..
Hays.. Ano bang gagawin ko? Isang taon pa bago ka grumadweyt, pwede bang ngayon na?

“Nandito lang pala ang maganda kong stalker…”
“Ay stalker!” tili ni Chesca dahil sa pagkagulat. Nakatuon ang buo niyang atensiyon sa isinusulat kaya’t hindi niya namalayan na may tumabi na pala sa kanyang isang guwapong nilalang na sa kabutihang palad ay ang ultimate crush niya na si Richard. Malamang ay nabasa rin nito ang isinusulat niya. Agad niyang sinara ang note book.
“Sshhhh!...” sita ng librarian sa kanya.
“Sorry….” Lip synch niya kay Ms. Cruz.
Natawa na naman ang lalaking nasa tabi niya.

Awkward strike four!

Lagi na nga lang ba siyang mapapahiya sa harap ng lalaking ito? What if she stops liking this man? Mawala na rin kaya ang awkwardness na nararamdaman niya every time he’s near?
“I have to go, una na ko, may klase pa ko,.” Paalam niya dito. Siguro naman this time, wala siyang muta at panis na laway sa mukha and specially, the next day pa siya dadalawin ng bwisita niya.
“Can we talk first?”

“May klase pa nga ako,”

“Mabilis lang,”

“Next time nalang,”

“Two minutes. Just two minutes please,” paki-usap ni Richard sa kanya. Hindi naman bato ang puso niya kaya’t muli siyang umupo.

“Ano yon?”

“Bakit mo ko iniiwasan?”

“Hindi naman kita iniiwasan. Busy lang ako kasi finals na,”

“I doubt,”

“Bahala ka,”
“Tessa and Mia told me,”

“What?” pinanlakihan niya ito ng mata. Dahilan para muli itong matawa sa kanya.

“Ang cute mo talaga,”

“Stop teasing me, anong sabi nila sa’yo?” tanong niya rito.

“Awkward daw when I’m near you,”
She couldn’t lie anymore. Hindi naman sinungaling ang mga kaibigan niya. Matabil lang.

“Kasi nakakatawa ako,”

“Who told you? Hindi naman kita pinagtatawanan ah,”

“Kagagawa mo lang kanina ng sitahin ako ni Old lady,” tukoy nito sa librarian nila.

“What I mean is, hindi dahil sa itsura mo or anything. I’m laughing because I find you cute and more than that masaya ako pag nakikita kita.”

“So masaya ka na pinagtatawanan ako?” tinaasan niya pa ito ng kilay.
“Nope. Masaya ako when you’re around. So stop feeling awkward towards me kasi gusto kong mapalapit sa’yo. I want to know you more,” sincere nitong saad sa kausap.

“Mas hindi ko nage-gets… Can you go straight to the point? I simply don’t get it. Bakit gusto mong mapalapit sa akin?” She needs assurance. Ayaw niyang mag-assume.

“I like you,” he finally declared.

Now she got it. How she wished na hindi siya nito nagustuhan dahil sa mga nangyari sa camping.

Doon kayo sa labas ng library magligawan!” sita sa kanila ni Ms. Cruz.

They went out of that library laughing together.….

End




No comments:

Post a Comment