Pages

Saturday, October 5, 2013

Awkward Story #3: One Must Go (Irvin and Gracey)



“Psstt! Pa-kiss nga!” biro ni Irvin sa kasintahang si Gracey.
“Sapakin kita!” tinaas pa nito ang kamao. Natawa naman si Irvin sa naging reaksiyon ng kanyang girlfriend.
Sa mga oras na iyon ay pareho silang nakaduty. Nagtatrabaho sila sa isang fast food chain na kung saan may home policy na One Must Go. Which only means, hindi pwede ang magkarelasyon sa trabaho, unless mag reresign ang isa sa kanila.
Sa sitwasyon nila, they both badly need this job. Ito kasi ang pinangsusuporta ni Irvin sa kaniyang pag-aaral at si Gracey naman ay regular na sa trabahong iyon at hinihintay nalang niya ang papers niya para maprocess na ang pagiging MT o Management Trainee niya.
They have been together for six months at sa loob ng mga panahong iyon up to now, lihim ang kanilang relasyon.
Irvin will be graduating from his course which is Psychology this semester.
“Eehhh…Love team!....” pang-aasar sa kanila ng isa nilang ka-crew na si Jayson.
“Love team ka diyan! Kayo ni Irvin, bagay kayo!” sagot niya dito.
“Huwag na sa akin! Sa kanya nalang!” turo nito kay Amy na bagong dating lang, “Amy bagay daw kayo ni Irvin!”
“Oh talaga? Crush ko nga iyan eh! Di ba, Irvin, I love you! Muah! Muah! Tsup! Tsup!” pagsakay ni Amy sa biruan ng mga katrabaho.
Awkward….

Alam ni Irvin na sobrang selosa ang girlfriend niya. Tinignan niya ito at kinindatan.
As expected, tinitigan siya nito ng masama.
“Wala bang reply diyan?” pangungulit ni Amy, “nasan na yung I love you, too ko?”
“I love you, too!” sagot ni Irvin ngunit nakatitig pa rin ito sa girlfriend na si Gracey.
“Ano ba yun?! Nag I love you nga, hindi naman sa akin nakatingin…”pangungulit pa rin ni Amy.
“Wala, mahina ka pala eh,” gatong pa ni Jayson sa kulitan ng mga magkakatrabaho.
Humarap si Irvin kay Amy, hinawakan ito sa magkabilang balikat, “Amy, I love you, too!” nakangising sabi niya rito.
“Ayiihh!”
“Kilig-kiligan!”
“Wuhoo….!”
“Ooyyyy……”
Pang-aasar ng iba pa nilang kasama sa trabaho na masayang nakikinig sa itinatakbo ng usapan.
Pero may isang tao na hindi natutuwa. At para sa kanya, nakaka highblood ang kasalukuyang nangyayari…
“Sige tuloy niyo lang yan!” sabi sa kanila ni Gracey na kunwari ay masaya at nakangiti pa pero deep inside ay nagngitngit ang kalooban, “One must go!”
“Okay lang ate! May S.O. naman eh,” sagot sa kanya ni Amy.
What she meant in S.O. is secret on.
Na kasalukuyang sitwasyon nila ni Irvin.
Natahimik siya. Sapul.
And it’s awkward again….
“Bahala nga kayo…” tumalikod na si Gracey  pero deep inside, humanda ka sa akin mamaya Irvin Ynares!
“Ang sungit ni Ate Gracey, kaya walang boyfriend eh.. Hehe, peace ate!” komento ng kaherang si Liza.
Hindi na pinansin pa ni Gracey ang komento sa kanya.
Kung alam mo lang!
----------------------------------------------
“Hui, beb. Kausapin mo naman ako. Nag so-sorry na nga ako eh. Biruan lang naman yung kanina eh…” panunuyo ni Irvin sa kasintahan. Malapit na sila sa bahay nila Gracey ngunit hindi pa rin siya kinikibo nito.
“Kalalaki mong tao, ang landi landi mo!” asik niya rito.
“Sorry na nga eh. Promise, hindi na mauulit yon. Napasubo lang ako kanina,”
“Ipasubo ko kaya sa’yo si Amy?! Baka lunukin mo pa siya ng buong buo!”
“Huwag ka ng magselos…”
“Alam mo naman palang selosa ako pero pinagseselos mo pa rin ako!”
“Bati na tayo. Sorry na!”
“Ewan ko sa’yo! Umuwi ka na!”
“Grabe naman to, nagsosorry na nga yung tao eh…”
“Sa’yo na yang sorry mo! Goodbye!” pumasok na si Gracey sa loob ng kanilang bahay.
Lumipas ang magdamag na nanatili silang magkaaway.

Kinabukasan while on duty…

“Pagawa ng spag, 2 for dine!” sigaw ni Gracey sa kitchen area.
“Noted yan, mahal!” nakangising sagot sa kanya ni Irvin.
“Mukha mo! Mahal na bigas!” balik niya rito. Galit pa rin siya sa kaniyang boyfriend.
“Yun oh! Basag si loverboy! Hahaha!” pang-aasar dito ni Jason.
“Ang hirap mo namang suyuin. Ikaw naman talaga mahal ko eh! Ang hirap palang mahalin ng katulad mo,” tumatawang birong totoo ni Irvin sa kanya.
 “Pinili mo yan, panindigan mo! Kung di kaya, magresign ka na! Yung spag ko!” makatotohanang sagot ulit ni Gracey.
“May pinaghuhugutan si Madam…” komento ni Liza.
“Tseh!”
“Ang taray.. LQ kayo ng boyfriend mo? Makipagbati ka na kasi! Nagso-sorry na nga eh,” patuloy na pang-aasar sa kanya ni Irvin.
“Ehem… Sinong may boyfriend?” tanong ng napadaan na si Ma’am Luisa, ang kanilang store manager.
“Parang kayo ang magjowa na may pinag-awayan kagabi….”dagdag pa nito.

Awkward….
Actually, for both of them…
They can’t tell the truth. Kaya siguro ipinatupad ang One Must Go policy dahil pwede talaga itong makaapekto sa kanilang trabaho kapag may mga sitwasyong gaya nito.
Just like any other couples, nagtatalo rin naman sila. But they never let a day passed ng hindi sila nagkakaayos. Ngayon lang. Sobra kasi talaga siyang nagselos.
“Hay naku, ma’am. Abnormal yan si Irvin. Huwag po kayong maniwala diyan,” sagot niya sa manager ng makabawi ng ulirat.
Hindi sila pwedeng umamin. They both knew it…
“Guwapo naman si Irvin ah, imposible mo ba siyang magustuhan?” gatong ni Sir Jonas sa usapan, manager din nila ito.
“Di na baleng maging single forever, huwag lang siya,” patuloy niyang pagsisinungaling sa harap ng mga katrabaho. Alam niyang sa mga oras na ito ay kinakain na niya ang mga sinasabi niya.
And when she looked at Irvin’s eyes, she knew he was hurt. Kahit na makulit ito at palabiro,pagdating sa mga personal na bagay ay sensitive ito, lalo na sa pagdating sa kanya.
Hindi na muling nagsalita si Irvin at itinuon na lang ang pansin sa mga products na itinatawag ng mga kahera.
And that is more awkward.

Hindi na siya nagtaka na mag-isa siyang uuwi ngayon. Nagtext ito sa kanya kani-kanina lang, pag-out nila.
Ang sakit lang marinig sau na hnd mo ko maggustuhan kahit kelan,parang totoo. text ni Irvin sa kanya.
Pero alam mo naman na hindi ako pwdng umamin, reply naman niya dito.
Irvin: Mahal mo ba talaga ako?
Gracey:Oo naman.
Irvin: Hindi ko na maramdaman. Lalo na ngayong malapit ka ng maging manager.
Gracey: Mag-usap tau.
Irvin: Wag ngayon.

She ended up before going to sleep crying. God knows how much she loves Irvin, pero kailangang lang nilang itago ang kanilang relasyon pansamantala.
She promised that when everything’s okay ay ipagsisigawan na niya sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang kasintahan. How she wished it is soon.

------------------------------------
Wala ng mas o-awkward pa sa eksena nila ngayong araw.
“Irvin, pagawa ng cheeseburger, tatlo..” utos niya rito.
Hindi siya nito kinibo.
“Acknowledged ba yon, kitchen?!” pagtataray na naman niya. Mukhang pinepersonal siya ni Irvin. Kapag call ng ibang kahera ay mabilis nitong nailalabas ang mga products pero pag siya ay hindi siya nito pinapansin at sa iba pinapagawa ang kanyang orders.
“Jason, pagawa daw ng burger…” narinig niyang utos na naman nito sa kasama.
Hindi tuloy maiwasang makaramdam ng iba nilang mga ka-crew, “Out na yung burger mo, Ate Gracey… I smell something fishy…” parinig ni Jason.
“Awat na ‘pre, hindi naman ako type niyan ni Ate Gracey eh!” binigyang diin pa ni Irvin ang salitang Ate.
“Basted ka pre?” tanong ni Mac dito.
“Malala pa dun,” sagot ulit nito.
She decided not to answer back, hahaba lang ang usapan.

It’s really awkward to have an intimate relationship with your workmate. Lalo pa kung ipinagbabawal ito ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niyo.
They haven’t talk for days, na naging weeks at naging two months.
 And awkwardness always strikes them.

Until one day…
“Gracey, can I talk to you sa office?” lumapit sa kanya ang kanilang store manager. Sarado na ang restaurant nila at paglilinis na lamang ng working area ang inaatupag ng lahat.
“Sige po,” sumunod na siya rito.
It’s a closed door meeting.
At kinakabahan siya. Nahahalata na ba nila na there’s something going on between them?
“Gracey, I have to tell you something….”
“Ano po yon, ma’am?” ang lakas na ng tibok ng puso niya.
“You have to leave this place by next week.” Deklarasyon ni Ma’am Luisa sa kanya.Tila isang bombang pasabog ito kay Gracey. Pakiramdam niya, lahat ng sakripisyo niya ay nabalewala. After three years of serving this restaurant ay kailangan na niyang umalis. What the!”
“Pero ma’am, bakit po?” malapit na siyang maiyak but she managed to hold back her tears.
“Sige na, makakalabas ka na ng office, may kakausapin pa ako,” pagtataboy nito sa kanya. So, ganun na lang iyon? Aalis na siya sa restaurant na minahal niya at maghahanap na ng ibang trabaho simula bukas. At sino pa ang kakausapin nito? Si Irvin?
Tatanggalin din ba niya ito sa trabaho? Dalawang buwan pa bago ito grumadweyt at ang alam niya ay hindi pa nito fully paid ang tuition. Paano na si Irvin eh self supporting ito dahil ulila ng lubos?
Damn that One Must Go policy! Damn that love! Eto sila ngayon at nagdurusa dahil sa bawal na pag-ibig na yan!
Lumabas na siya ng office na laglag ang mga balikat…
“Ate Gracey!” tawag sa kanya ni Amy. Ang babaeng pinagselosan niya na hindi naman dapat. May boyfriend na pala ito na nasa abroad at ikakasal na sila next month.
Isang malaking tarpaulin ang bumungad sa kanya.
CONGRATS ATE GRACEY! GOOD LUCK ON YOUR NEW CAREER AS MT!
What?! Siya, MT na?
And that is why hanggang next week nalang siya dito sa restaurant dahil lilipat na siya ng Head Office para sa training.
Pinalakpakan siya ng mga katrabaho. Including Irvin na may hawak pang bouquet for her.
Iniabot nito sa kanya ang bulaklak.
She couldn’t hold her tears anymore.
Mahigpit niyang niyakap ang kasintahan. She misses him so much. And he misses her too.
 “Sorry,” tangi niyang nasabi sa boyfriend.
“Sorry din. I love you, beb,”
“I love you, too beb!” ngayon ay kaya na niyang ipagsigawan sa buong mundo na boyfriend niya ang lalaking kaharap.
“Forever single pala ha,” birong parinig ni Sir Jonas.
Natatawa na lang siya sa salitang binitawan noon na matagal na niyang kinain.

End


No comments:

Post a Comment