Pages

Saturday, October 5, 2013

Awkward Story #1: The Play (Nica and Matt)



Isang meeting ang kasalukuyang nagaganap sa loob ng klasrum ng 4th year high school, section Rizal para sa kanilang final project sa Filipino.
“As for the lead role, si Nica ang gaganap na Nerisa at si Erwin ang gaganap na Mark,” sabi ng kanilang leader na si Henry. Pinamigay na nito sa bawat magsisipagganap ang scripts.
“Matt, since magaling ka magdrowing , ikaw ang gagawa ng mga props, katulong mo sila Joan at Rich na kasali sa supporting roles,” dagdag pa nito.
“Bakit di nalang si Matt at Nica ang pinagtambal mo?” kontra ng makulit nilang kagrupo  na si Jc.
“Tseh!” react ni Nica.
“Ang dami mong alam!” react naman ni Matt.

Natahimik ang lahat.

May dumaan na angel.

Awkward….

Bakit nga ba naging awkward ang eksenang ito?
Unang dahilan, si Nica at Matt ay dating mag-on, when they were in third year high school.  
Pangalawa, they end up as enemies having a very silent and cold war.
At silang dalawa lang ang nakakaalam why they broke-up.
“Joke!!! Masyado kayong seryoso eh, enjoy lang natin to! Last group work na natin to kaya dapat happy happy lang!” basag ni Jc sa namuong katahimikan.
“Ang dami mo talagang alam, Jc!” sita ni Joan dito,
“Naman! Matalino ako eh,” at nagpacute pa.
“Mukha mo!” si Nica.
“Guwapo! Hahaha!” sagot ulit nito.

“Tama na yan, Jc. So, okay na yun ha. Nica and Erwin, imemorize niyo na yung script. Pati yung mga supporting roles kailangan memorize niyo na rin. Next week, start na ng rehearsal natin,”
“Yes, direct! Uwian na!” hiyaw ng makulit na si Jc.
-----------------------------------
“Kung bakit naman kasi naging magkagrupo pa kami eh!” reklamo niya sa kaibigang si Joan. Pauwi na sila ng mga oras na iyon.
“Ganun talaga. Masyadong maliit ang world para sa inyong dalawa,” sagot naman nito sa kanya.
“Pero kahit na! Nakakainis lang kasi bakit kailangan pa naming magsama sa isang grupo,”
“Kay Ms. Ortiz ka magreklamo!”
“Kung pwede lang eh! Kaya lang sobrang terror,”
“Alam mo naman pala eh,”
“Bakit ba kasi kayo nagbreak?” muling pangungulit ng kaibigan niya.
And as usual, ipinagkibit niya lang ito ng balikat.
She and He never told anyone why they broke-up.
------------------------------------
After one week…..
“Cut!” sigaw ni Henry, “Nica, look into his eyes…Isipin mo na ikaw talaga si Nerisa na inlove kay Mark…”
She’s trying.
Naiilang lang siya dahil sa nanood si Matt. She confessed na hanggang ngayon, maramdaman lang niya ang presensiya ng dating boyfriend ay sobrang awkward na ng pakiramdam  niya. And she can also feel na mahal pa rin niya ito despite of their cold and silent war.
“Erwin, hawakan mo ang magkabila niyang pisngi para makatingin siya ng derecho sa’yo,” utos ni Henry kay Erwin.
“Sige, direct…” sagot naman ng huli.
“Relax ka lang kasi,” bulong ni Erwin kay Nica, “isipin mo nalang ako si Matt,” biro pa nito sa kanya.
“Baka nasampal pa kita kung iisipin kong ikaw siya,” sagot naman nito sa kapartner.
Natawa sila pareho.
“Okay, start na ulit! Ikaw ang Mahal, Scene 3, action!” utos ulit ni Henry.
“Mahal kita, Nerisa. Maniwala ka naman please…” pag eemote ni Erwin.
“Pero paano si Julie?” sagot ni Nica sa kanya.
“Hindi ko siya mahal,”
“Pero mahal ka niya,.”
“I don’t care, ikaw ang mahal ko!”
“Please Mark, huwag mong pahirapan ang sitwasyon. Umalis ka nalang at huwag ka ng babalik,” naiiyak na kunwari si Nica.
Hinawakan siya ni Erwin sa magkabila niyang pisngi bago ito nagsalita, “Makinig ka Nerisa, kapag hinayaan mo akong umalis at lumabas sa pintuang iyan, hindi mo na ko makikita kahit kailan…”
Nanatili lang siyang nakatitig kay Erwin ngunit hindi nagsasalita.
“Siguro nga, hindi mo talaga ako mahal,” Inalis na ni Erwin ang mga kamay niya sa mukha ng kaharap at dahan dahan na siyang lumakad patungo sa props na pinto.
“Mahal din kita, Erwin!” sigaw ni Nica nang malapit na ito sa pintuan.

Natahimik ang lahat at maya maya lang ay unang natawa si Jc.

“Cut! Anong Erwin?! Si Mark siya!” sita ni Henry kay Nica na natatawa na rin.
“Sorry….Nakalimutan ko!” nahihiyang sabi ni Nica sa mga kasama.
“Ayiihhh…..Erwin talaga ha?!” pang-aasar ni Jc sa kanila.
“Oo nga. Totohanan na ba yan?” gatong pa ni Joan.
“Tumigil nga kayo, nagkamali lang ako. Sorry, tao lang…” sagot ni Nica sa mga ito.
“Oo nga. Lahat naman tayo nagkakamali eh,” suporta naman sa kanya ng kapartner niya na si Erwin.
“Uyyy… Kinakampihan…” asar din ni Earl sa kanila.
Ayun at puro kantiyaw ang inabot nila sa mga kagrupo.
Sa gitna ng pagkakasiyahan nila ay tumayo si Matt, kinuha ang bag at akmang lalabas na ng klasrum.
Tinawag ito ni Henry, “Matt, san ka pupunta?!”
“Uuwi na! Wala naman na akong gagawin eh,” sagot nito.

Muling nanaig ang katahimikan.

Tila nagpapakiramdaman ang sampung taong nasa loob ng klasrum na iyon.

Awkward…….

“Aww.. Selos?..” mahina ngunit rinig ng lahat na sabi ni Jc.
“Shut up!” sita dito ni Nica.
Tumalikod na si Matt at tuluyan ng lumabas.
-----------------------------------------------
The day before the play…
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay namatay ang kapatid ni Erwin dahil sa aksidente kaya’t hindi na siya makakapasok. Nagpaalam na ito sa kanilang mga guro na isang linggo siyang hindi papasok upang tumulong sa pag-aasikaso sa burol ng kanyang kapatid.

So he needed to be replaced in the group.
Henry has no choice, si Matt lang ang walang role sa play kaya’t ito na ang kinuha niyang kapalit ni Erwin.
“Huwag na ko,Direct! Si Jc nalang. Yung role nalang ni Jc ang akin..” kontra ni Matt sa emergency meeting nila ng araw na iyon. Ang araw na iyon ay para  sana sa kanilang final rehearsal pero dahil nga sa nangyari ay kailangan nilang mag adjust.
“Ayoko nga! Okay na ko sa role ko noh! Tsaka mas bagay sa’yo si Mark!” tanggi ni Jc sa suhestiyon ni Matt.
“Oo nga, Matt. Ikaw nalang..” second the motion ni Joan.
“Pero kasi…” nahihiya siyang sabihin ang tunay na dahilan sa kanyang pagtanggi para tanggapin ang role ni Mark.
“Ano ka ba? Walang personalan. Para sa grades natin ‘to. Makisama ka naman,” susog rin ni Earl dito.
“Ang arte mo ha!” sigaw naman ni Nica.

Long silence.

Awkward.

They never talk with each other. For the last two years na naging magkaklase sila ay never silang nag-usap since they broke-up.
“Eh, hindi ko nga kabisado yung script ni Erwin! Bukas na kaya yung play!” sagot naman nito sa kanya.
“May isang araw ka pa para magmemorize! At pwede ka namang mag adlib nalang eh! Alam mo naman yung flow ng kuwento!” muli niyang sabi rito.

Another long silence…

Awkward.

“Ganito nalang, mag extend tayo ng oras para sa practice ngayon para matulungan na rin natin si Matt sa script niya,” suhestiyon ni Henry at basag na rin nito sa namuong tension sa paligid.
“Relax lang mga dude!” singit ni Jc.
“Kalma lang Nica,” bulong rito ni Joan.
“Nakakainis kasi. Ang arte-arte!” sagot naman niya sa kaibigan.
-----------------------------------------------
Final Rehearsal
1 p.m. ang presentation nila ng play at 7 a.m. pa lang ay nasa theater hall na sila  para mag practice.
Plastic siya kung sasabihin niyang hindi siya naiilang sa katambal. Pero wala siyang magagawa, she has to be professional. Sila ang magdadala sa kanilang grupo. They have to give their best at kailangang isantabi muna ang mga personal na bagay.
“Ikaw ang Mahal, Scene 4, Action!” sigaw ng kanilang direktor.
 “Huwag mo na ulit akong iiwan, Nerisa. Please, dito ka lang lagi sa tabi ko..” bungad ni Matt.
“Oo, Mark. Hindi na kita iiwan at kahit kailan ay hindi na kita ipapaubaya sa ibang babae dahil alam kong ako talaga ang mahal mo,..”sagot naman nito na tila feel na feel ang bawat eksena at mga katagang binibitawan.
“Maniwala ka sana na hindi ko kailanman minahal si Sheryl,”  mahina ngunit malamang bato ng linya sa kanya ni Matt.

Pinili ni Henry ang manahimik muna sampu ng kanilang mga kagrupo.

Kumunot lamang ang noo ni Nica. Sheryl?

“Yung nakita mo nun, hindi totoo yun. Palabas lang lahat iyon. Kailangan lang naming palabasin na kunwari ay kami para tigilan na siya ng ex niya. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa’yo, bigla mo nalang akong iniwasan…”

Now she gets what he is talking about…

“Pero hindi ka nag effort na kausapin ako! Sana dinaan mo nalang sa sulat o di kaya ay pinilit mo akong kausapin ka. Pero ano? Wala kang ginawa! Iniwasan mo rin ako at hindi na kinausap pa..”

“Lumalayo ka eh! Every time na susubukan kong lumapit, umiiwas ka kaya pinanghihinaan na ko ng loob para kausapin ka pa eh sarado na ang isip mo,”

 “Sana naman bago ka gumawa ng mga bagay-bagay, ipaalam mo muna sa akin para maintindihan ko!”

“Papayag ka ba kung sakaling nagpaalam ako sa’yo?”

“Hindi. Dahil akin ka lang. Ako ang girlfriend mo kaya yung mga holding hands at yakap mo, para sa akin lang lahat iyon!”

“Yun na nga ang sinasabi ko,”

“Bakit ba kasi ikaw? Hindi ba pwedeng ibang tao nalang ang nilapitan niya at hiningian ng tulong? Ikaw pa na may girlfriend na!”

“Hindi ko naman alam na makikita mo pala kami,”

“Hello! Nasa iisang subdivision lang tayo!”
“Alam ko. Pero ang isa pa, magpinsan kami ni She. Second cousin ko siya,”

“Incest!” hindi na napigilan pa ni Jc ang sumingit sa usapan ng dalawa.
“Hindi na incest yon, syunga!” kontra ni Joan dito.

Dito lang narealized na Nica ang kasalukuyang eksena.
“Oh shi….!”nasabi na lamang niya. Hindi niya namalayan na nakikinig pala ang mga kagrupo nila. Masyado siyang nadala sa mga eksena. Eksena ng totoong buhay na siya at si Matt ang totoong mga bida at hindi na sina Nerisa at Mark.

“Now we know!” nangingiting komento ni Joan.
“Okay, cut! Pwede na ba nating praktisin kung ano ang nasa script talaga?”  tanong ni Henry sa dalawang bida.
“Yes, direct! Pasensiya na,” sagot ni Nica dito, “at ikaw! Hindi pa tayo tapos! Mag-uusap pa tayo!” mahina ngunit mariin niyang sabi sa katambal.

Why does it take her a year para pakinggan ang paliwanag nito?

End.



No comments:

Post a Comment