Pages

Saturday, October 5, 2013

Ali in Wonderdreamland

Aliyah had a best friend sa katauhan ni Jay-mar. Yes, past tensed.
And she tends to already forget everything about him pero nagising nalang siya isang araw nang muli itong lumapit sa kanya, trying to get back what was lost for the last 11 months they were living with their own separate lives.

The reason for the truce, in a week ay aalis na ito sa lugar nila and he wants that one long wonderful week to be spent with her.

Minsan talaga may pagka sayad din itong kaibigan niya eh.
Imagine, makikipagclose ulit sa kanya pero in a week ay iiwan din pala siya but this time he will left her for good.

Siyanga pala, meron siyang Prince Charming na madalas mapaniginipan.

Sino kaya yun? 

All rights reserved 2013




Chapter 1-

“Save mo na ako dali!” sigaw ko sa kalaro kong batang lalaki.
“Ui, si Ali, ililigtas na naman ng Prince Charming niya,” pang-aasar sa akin ni Melai. Pinsan ko siya at kalaro na rin. Dahil sa magkalapit lang ang mga edad namin kaya palagi kaming magkasama.
“Save!” hinawakan na ng batang lalaki ang kamay ko.

“Ali, gising na! May bisita ka!” gising sa akin ni Mama. Badtrip talaga ‘tong nanay ko. Ang ganda ganda ng panaginip ko eh. Nasira tuloy.
Anyway, yung napanaginipan ko, naglalaro daw kami sa park ni Jay. Kasama namin yung mga kapitbahay din namin. Alam mo yung larong sikyo at agawan base?
Kakampi niya ako kaya kailangan niya akong i-save. Nahuli kasi ako ng kalaban namin. Hinawakan niya ako sa kamay at patakbo kaming bumalik sa aming base. Sa bilis niyang tumakbo, hindi kami nahabol ng kalaban namin.
Hayz, ang sarap balikan ng nakaraan. Oo, nakaraan namin ni Jay yun. Grade five kami nun, naglalaro kami sa park kapag araw ng Sabado. Lagi kaming magkakampi sa kahit anong larong pang-kalye.
 Patintero, agawan panyo, football, at kung anu-ano pa. Kapag hindi naman kami magkakampi, lagi siyang magpaparaya para sa akin. Ako na ang spoiled! Hehe.
At sa batang bata kong puso, feeling ko siya na ang knight in shining armor ko. Sabi nga ng pinsan kong si Melai. Prince Charming daw. Hindi ba pwedeng Prince Jay nalang? Para kasing pang bading pag Charming eh.
Para akong prinsesa na lagi niyang inililigtas at pinoprotektahan.  Hindi ko nga alam kung bakit paulit-ulit ko itong napapanaginipan. Ang weird kasi nangyari na yun eh. Tsaka hindi ko na rin naman siya naiisip nowadays. Naka move-on na ako sa kanya. Oo, moved-on. Past tensed.
Alam ko iniisip mo… Na Exboyfriend ko siya. I’m sorry but you are very so much wrong dahil never naging kami. As in walang kami. Walang ligawan portion, walang harana, sibak ng kahoy, igib ng tubig, dalaw sa bahay pag gabi, as in wala! Walang ganung eksena!
Ewan ko lang baka sa panahon ng Lola Miding ko uso pa yon. 
Anyway, what I mean from the moved-on is that….
Ah, basta! Ayoko ng maalala ang nakaraan. Tapos na iyon eh. Ewan ko ba kung bakit lagi ko pa din siyang napapanaginipan. Madalas ko siyang mapanaginipan kapag hindi ko siya naiisip bago matulog. Ang weird talaga noh? Ano bang klaseng utak o imagination meron ako?

“Ali, bangon na! Nandito si Jay, hinahanap ka,” tawag ulit ni Mama sa akin.
What? Si Jay? Nandito sa bahay ko? Este sa bahay ng nanay ko. Seryoso? Weh? Hindi nga?

“Ui, si Ate! Kinikilig na naman. Dinalaw ng crush niya!” narinig kong komento ng pasaway kong kapatid sa labas ng kuwarto ko. Adik yon! Nakakahiya baka marinig siya ni Jay! Bwisit talaga yung mokong na iyon!

Dali-dali akong naghilamos, nagsuklay at nagbihis. Mga 30 seconds ko lang siguro nagawa lahat ng ito. Hindi ako excited, ah! Promise.

Lumabas na ako ng kuwarto, hinanap ng mga mata ko ang pasaway kong kapatid. Pagkakita ko sa kanya na lumalafang ng saging- sabay, pak! Binatukan ko siya, “Ang dami mong alam, Andrei! Unggoy ka!” sabi ko pa sa kanya.

“Mama, si ate!” sumbong nito sa nanay namin na nasa kusina. Malamang pagagalitan na naman ako. Spoiled kasi. Kalalaking tao, sumbungero sa ina. Sige na, siya na ang bunso. Pagbigyan. 12 years old na ito pero parang baby pa rin kung ituring ni Mama.

“Tseh!” sita ko sa kanya.

Hindi ko napansin, may isang pares ng mata palang nakatingin sa akin at ngiting ngiti sa eksena naming magkapatid.
Siya si Jay. Jay-mar Mercado. Isa ng licensed computer engineer. 24 years old, kababata ko, kaibigan at kalaro. Well, dati yon.

“Oh, anong ginagawa mo dito?” pagtataray ko sa kanya. Hindi naman talaga ako ganun kataray. Depende nga lang sa taong kaharap ko. At itong lalaking ito, ang laki kaya  ng atraso nito sa akin.

“Ang aga-aga, ang bitter,” pagbibiro niya at inilabas na naman niya ang pamatay niyang dimple sa kanang pisngi. Dimple na bumihag sa puso ko noon.

“Dami mong alam. Dali na, sabihin mo na ang sadya mo. Istorbo ka ng tulog eh,” muli kong pagtataray sa lalaking kaharap. Weekend kasi iyon. At tuwing weekend lang ako nakakatulog ng mahaba-haba. Stressful kaya ang 8-5 working days. Dagdagan mo pa ng tarantahing boss at sandamakmak na deadlines. Deadline nga di ba? Pero ewan ko ba kung bakit hindi ‘to natatapos.

“Dun tayo sa garden. Nakakahiya kay Tita, naglilinis siya ng bahay niyo,” tukoy niya sa aking ina na sinipag maglinis ngayon. Day-off kasi ni ate Maring.
Nauna na akong lumabas ng bahay namin, dumerecho sa aming munting garden at umupo sa duyang bakal. Sumunod naman siya at pinaduyan pa ang inuupuan namin.

“Nakakamiss maglaro dito,” masaya niyang sabi sa akin. Minsan din kasi naming naging playground ito. Bad trip nga lagi si Mama noon kasi pati yung mga halaman niya na walang kamuwang muwang eh nadadamay. Mga basag na paso, pinitas na mga bulaklak at nagkalat na mga bato’t basura, ang laging ending pag dito kami naglalaro.

“Memories?” sabay taas ko pa ng kilay. Ayoko ng magreminisce. Nakakasakit lang ng puso. Nakalimutan ko na nga eh, pinapaalala niya pa. Bwisit lang talaga.

“Naalala ko lang,” sagot niya.

“Ano ng kailangan mo? Dami pang segue way eh. Bilisan mo na matutulog pa ako.” Ayoko talaga siyang tarayan but this is the only way I know para mapagtakpan ang lahat ng bagay na pwedeng takpan.

Magsasalita na sana siya kaso si Mama, biglang lumabas ng bahay at nagwalis-walis sa garden namin. Pasimple pa, gusto lang makasagap ng tsismis mula sa amin. Para may maikuwento siya dun sa balae niyang hilaw. Yung mama ni Jay ang tinutukoy ko. Bestfriend kasi sila. Bez pa nga ang tawagan nila. Oh, di ba? Pbb teens.

“Ma!” sigaw ko dito. Sanay na siya sa akin. Ganun talaga kami magmahalan. Parang magkapatid lang.

“Baka kasi magkalat na naman ang mga halaman ko at may mga paso na namang mabasag, nakakahiya naman sa akin,” sagot ng magaling kong ina.

“Isa!” sigaw ko ulit. Siya talaga ang mas matanda sa amin.
Ayun, nagets naman niya. Pumasok na siya ulit ng bahay. Lalabas din sana yung kapatid ko pero pinigilan niya. Very good.  
“Labas tayo next week,” yaya sa akin ng hudas kong kausap. Hindi ko alam kung demand ba ito o invitation mula sa kanya.
Shocks! May naalala na naman ako. Noon kasi, isang sabi niya lang, nadadaig niya pa ang nanay ko sa pag-uutos sa akin. Pag sinabi niyang uwi, umuuwi ako kaagad. Pag sinabi niyang, samahan ko siya, agad-agad available ako, anytime. Samantalang si Mama, hirap akong mautusan. Magkakagiyera muna sa loob ng bahay bago ako sumunod.
 Nakakainis. Kapag kaharap ko talaga ang lalaking ito, lahat narerefresh. Kahit hindi na dapat.

Tumaas na naman ang kilay ko, “anong meron?”

“For the last time, gusto lang kita makasama,” seryoso nitong sabi.

Last time? Bakit last time? Mamamatay na ba siya? Ay, huwag ganon. Ang morbid mo mag-isip, Ali!
“Ano ngang meron?” tanong ko ulit.

“Babalik na kami ng Manila,” Ang tinutukoy niyang Maynila ay kung saan nakatayo ang rebulto ni lolo Rizal. Taga doon naman ang lola niya. Siguro pinalipat na sila. Tsaka ang balita ko mula sa aking nanay na updated sa buhay nila, nagka-ayos na daw ang lola at mama ni Jay kaya babalik na sila sa dati nilang bahay.
Grabe noh, sampung taong cold war. Ngayon lang nag ceased fire.
Grade five ako nun nang magtransfer sila dito sa Alabang. Sa kabilang kalye lang sila nakatira.
Simula ng maging magkapitbahay kami, hindi mo na kami mapaghihiwalay. Halos doon na nga ako tumira sa kanila. Noon.

Papayag ba ako?
Matagal lang akong nakatitig sa pink rose na alaga ni Mama. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko. Iba-iba rin ang emosyon na naglalaro sa damdamin ko. Tuwa kasi hindi ko na siya makikita since hindi na kami magkapitbahay, lungkot kasi mamimiss ko siya. Galit kasi mukhang desidido na siyang iwanan ako, Confused kasi bakit kailangan niyang umalis? Pwede namang dito nalang siya malapit sa akin. Hay, ewan!

“Sige na. Pumayag ka na. Libre kita ice cream,” pangungumbinsi niya pa sa akin. Favorite namin pareho yun. Lalo na yung chocolate flavor.
Napatango nalang ako.
“Oo na. Sige na,” pagpayag ko.
Ang lakas talaga ng convincing power ng kurimaw na ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa ice cream na pang bribe nito o gusto lang talaga ng puso ko na makasama siya for the last time….



“Thanks Li! Una na ko,” masaya nitong paalam sa akin. Humalik pa siya sa pisngi ko. Yung madalas niyang gawin. Yung matagal tapos matunog.
Hay, Mercado. Kelan ka ba titigil sa panggugulo sa magulo ko ng mundo dahil sa’yo?
Ayun, naiwan akong nakatulala. Matagal bago ako natauhan at bumalik sa kuwarto ko para humiga. Balak ko talaga sanang matulog ulit pero parang hindi na ako dadalawin ng antok. Mauuwi na naman sa daydreaming to. Eto na naman tayo….











Chapter 2 –

May girlfriend na siya, Ali! Keep that in mind. Bawal kang kiligin. Ikaw din may boyfriend ka na! Unfair to para kay Aries.
Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko sa harap ng salamin. Kanina pa ako hindi mapakali kasi susunduin ako ni Jay. Pupunta kami sa paborito naming mall at sasakay na naman ako kay Blue, yung motor niyang Honda Wave. Favorite color niya kasi ang blue kaya ito ang ipinangalan niya sa motor niya kahit pa na kulay itim naman ito. And take note, ninang ako ni Blue. Dahil ako ang una niyang isinakay dito. Inikot namin ang buong Grace Subdivision. Syempre pa, proud ninang ako.  Maraming mata ang nakatirik dahil sa inggit pero deadma lang. Hindi ko kasalanan na guwapo itong si Jay at marami silang nagkakandarapa sa kanya.  Mas lalong hindi ko kasalanan kung ako ang isinakay niya sa bago niyang motor. At syempre hindi ko rin kasalanan kung nakayakap ako sa likuran niya dahil mahirap na baka mahulog pa ako noh.
At ang mga nanay namin, kala mo teenager habang kinikilig. Ever supportive parents para sa progress ng buhay pag-ibig ng kanilang mga anak.
Sa totoo lang, wala namang progress na naganap.
Kumbaga in other terms:  Na-stroke. Freeze. Steer. Stop. End. Period. Fin. Wakas. Ba-bye. Isara na ang telon.

Broom! Broom!  Natigil ang paglalakbay ng diwa ko.
Andiyan na si Blue!
“Ate, yung prinsipe mo nandiyan na!” tawag sa akin ng alaskador kong kapatid.
“Alam ko! Hindi ako bingi!” sigaw ko sa kanya. Kabisado ko kaya ang tunog ng motor ni ni Jay.
Umikot muna ako sa harap ng salamin at umikot pa ulit sabay sabi ng, “Perfect! Ganda mo talaga!” with matching wide smile at kindat. Ako na ang malakas ang fighting spirit. Hindi naman ako pinaglihi kay Pinnochio at may basehan naman ang sinabi ko sa sarili ko noh. Tanong mo sa nanay ko kung maganda ba talaga ako. Hindi ka pa nagtatanong, oo na kaagad ang sagot niyan! I love you so much, Mommay! The best ka talaga! Ikaw na ang number one fan ko. Actually one and only. Hehe.
 Naging muse rin naman ako nung grade six, second year high school at nung college nakasali naman ako sa Campus Queen, runner up nga lang. Lamang lang sa akin yung Ms. Nursing ng isang pulgada kaya siya ang nanalo.
Simpleng maong pants at yellow turtle neck sleeveless blouse lang ang suot ko pero pakiramdam ko ang ganda ganda ko talaga! Oh, shut up na Ali! Ikaw ng maganda, tseh!

“Mother dear, alis na ako!” paalam ko sa aking ina.
Tara lets!” nakangiti kong bungad sa damuhong nakaabang sa labas ng gate namin. Ayokong masira ang araw ko ngayon. I’ll enjoy this time of my life. Last na ‘to eh.
Kaso biglang nasira ang mood ko, ibang helmet ang inabot niya sa akin.
Sumimangot ako. Nagtaas ng kilay. Nag-abrisiyete.
Inabot niya pa rin sa akin pero hindi ko kinuha.
“Sige na, ito nalang suutin mo,” pagpipilit pa rin niya. Pero hindi ko pa rin tinanggap. Ayoko nga! Hindi naman akin yon.
“Sorry, umulan kasi kahapon. Nabasa,” pagdadahilan niya.
Siyempre taas ulit ako ng kilay, “At bakit?”
“Ginamit ko kasi kahapon.. Nasa open space ako naka-park. Nakalimutan ko ipasok sa loob yung helmet. Sorry na. Ito nalang gamitin mo.”
“Kanino toh?” kinuha ko na ang helmet at akmang isusuot ko na.
“Kay Hazel,” mas nasira ang mood ko. Buti sana kung kay Hope ito, yung kapatid niyang babae. Kaso hindi eh. Kay Hazel pala ha!
“Ayoko niyan!” binalik ko yun sa kanya with full force. As in! Halos ihampas ko na pabalik sa kamay niya. Nakakainis. Sa dami ng pwedeng magmay-ari ng helmet na iyon, doon pa sa babaeng iyon?! What the!
“Yan nalang kasi isuot mo,” tila naiirita na niyang sabi sa akin.
Wala na. Sira na talaga ang mood ko. Nawalan na ako ng gana umalis ng bahay. Magmumukmok nalang ako sa kuwarto ko.  
“Hindi na ko sasama. Ikaw nalang mag-ice cream mag-isa!” singhal ko sa kanya.
“Ito naman,”
“Si Hazel mo nalang, isama mo!”
“Sige na, palit nalang tayo,” naisip niyang option.
Hindi naman bato ang puso ko lalo na sa lalaking ito.
Oh siya, sige na nga. Palit nalang kami.
“May sarili ka naman kasing helmet, bakit helmet ko pa ang ginagamit mo?!” mataray kong tanong sa kanya.
“Isinoli mo na eh, kaya akin na ulit siya,”
I just shrugged my shoulders. Wala na akong sinabi, sumakay nalang ako sa likuran niya.

-----------------------------------------
“Ahhhh……!” tili ko. Pinaharurot niya kasi si Blue. Nagulat ako. Eh hindi pa naman ako nakayakap sa likod niya tulad ng ginagawa ko dati. Sa likod ng motor ako nakahawak. “Sira-ulo ka Mercado! Papatayin mo ba ako?” inis kong tanong sa kanya with matching hampas pa sa likuran niya.
“Sa akin ka kasi kumapit,” sagot ng magaling na lalaki.
“Ayoko nga!” Although kanina ko pa talaga pinipigilan ang sarili ko. Hay nako, kung hindi ko lang kabaro si Maria Clara, kanina pa ako naglupasay sa matikas niyang likod. Pero sorry, hindi eh. Marami akong pride na nakaimbak sa bulsa ko.
 “Baka isipin pa ng ibang tao boyfriend kita,” pagdadahilan ko. Dahil hindi naman talaga.
“Sige, isipin mo yung sasabihin nila kesa mahulog ka,” parang may pagbabanta sa boses niya na anytime eh ihuhulog niya talaga ako. Although I doubt it na hahayaan niya akong mahulog at masaktan, sige na nga! Eto na, kakapit na ako sa’yo. Kahit matagal na akong bumitaw… Ehem.. Ibang kuwento yun.
“Ok, fine!” Ayun, kumapit  na rin ako bewang niya. Namiss ko to, grabe!
Hindi ako kinikilig. I swear! But I think I’m lying to myself.
-------------------------------------------
Pagdating sa mall, derecho kami agad sa favorite naming ice cream parlor.
Wala ng tanong tanong, alam naman niya ang palagi kong kinakain. Nakapila na siya sa counter ng bumalik ulit siya sa pinili kong maupuan.
“Yun pa rin ba?” tanong niya sa akin.
“Oo naman!” sagot ko. Favorite nga di ba? Hindi naman basta basta mababago yun. Adik ba tong kumag na ‘to?
“Baka lang kasi nagbago ka na ng hilig,” pagdadahilan niya.
Kunsabagay, mahigit isang taon na rin mula ng lumabas kami. Siguro naisip niya, marami ng nagbago sa akin. At hindi ko na favorite ang dati kong favorite.
Pero ito pa rin ako, Jay. Ako pa rin ‘to. Si Aliyah Mae na mula grade school ay kaibigan mo na. Pati nga yata, nararamdaman ko, hindi pa rin nagbabago.
What the?! As in?! Sa kabila ng lahat ng nangyari, consistent pa rin ba ako? It can’t be! This is unfair! For all of us..
“Yun pa rin,” sagot ko nalang at ibinaling na sa iba ang paningin ko. Parang nagi-guilty pa rin ako everytime na tinitignan ko siya sa mata. Minsan na kasi akong nagsinungaling habang nakatitig sa kanya. Actually, ilang beses na rin pala. Gaano nga ba kadalas ang minsan ha, Ali?
“K,” at bumalik na siya sa counter.

-----------------------------------------------------
“Kamusta ka naman?” basag niya sa iceberg na nakapagitan sa amin. Malamig na nga ang kinakain namin, pati the way we treat each other right now eh sobrang lamig din. Feeling ko tuloy, nasa South Pole ako, at siya naman nasa North Pole. Para na kaming strangers sa isa’t isa. So near yet so far.
I just shrugged my shoulders, hobby ko talaga ‘to for pretending that I don’t care or by simply telling him na, wala lang! Ok lang! Deadma.
“Ok lang,” maiksi kong sagot. Wala namang bago sa buhay ko. Ganun pa rin. Bahay-opisina lang ang ruta. Kung minsan kapag weekend lumalabas kami ni Aries o di kaya ng mga college friends ko. Siya lang ang nawala, at iyon ang bago sa buhay ko almost a year ago.
Speaking of Aries, he’s my two months boyfriend. Sinagot ko siya when I felt that this guy eating ice cream of me eh wala na talaga sa sistema ko. Sana hindi ako nagkamali ng pag evaluate sa sarili ko.
Nagpapasalamat nga ako kay Papa God dahil may mga taong katulad ni Aries na matiyagang naghintay para maka move on muna ako mula sa pagkakasawi sa damuhong lalaking ito.
He courted for almost seven months. Kababata rin namin si Aries pero dahil nga sa mas close kami ni Jay eh medyo nakadistansiya sa akin. Ito kasing si Jay, napaka over protective sa akin. Kaya pag may iba kaming kapitbahay o di kaya naman ay schoolmate o classmate ko na nagtatangkang manligaw, eh sa kanya palang hindi na kaagad pasado.
Pamatay na linya niya ang, “May trabaho ka na ba para buhayin yang si Aliyah? Baka pati pan date niyo siya sumagot o di kaya naman ay galing sa parents mo?”
Oh di ba? Paano nga naman makakasagot ang mga manliligaw ko ron na kapwa ko estudyante rin.
Minsan naman may nanligaw sa akin na manager ng isang bangko aba’t ang damuho, sinira ang image ko! Kesyo daw gastador ako, laki sa layaw, at dapat ay pati mga kaibigan ko ay laging ililibre at kasama kapag mag didate kami, kaya yun, umatras! Minsan ako na mismo ang umaayaw at hindi ko na pinapaalam pa sa kanya na may bagong nagpapahaging sa akin.Kahit sa pinapasukan kong trabaho, iniwasan ko na rin ang makipaglapit sa kahit kaninong lalaki. Masyadong strict ang bestfriend ko eh.
Yeah, Jay is my ultimate-number one- only one – nag-iisang boy bestfriend.  
Si Aries lang yata ang pumasang lalaki sa kanya kaya si Aries na rin ang sinagot ko.
Oo, Jay gave his blessing to Aries para ligawan ako. Ewan ko kung anong nakita niya kay Aries at ito lang ang pumasa sa standards niya para maging boyfriend ko.
Whatever it is, hindi na ako nag effort pang alamin iyon.
Okay naman si Aries bilang boyfriend. He’s caring, mabait, protective, understanding at ramdam ko namang sobra niya akong mahal. Sabi niya, noon pa talaga niya ako mahal. Mga bata palang daw kami, crush na niya ako. Nahihiya lang siya lumapit at natatakot na rin dahil kay Jay dahil sobra daw ito kung makabantay sa akin.

Ang masakit lang, kung kelan ako nagkaboyfriend eh nawala naman ang bestfriend ko.
Ayoko na talagang maalala eh. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat at buhay na buhay pa rin siya sa memory storage ko.
Nalilito pa rin ako sa maraming bagay but I just left it hanging nalang. I just went on with my life at kahit maraming bagay o memories ang dapat ng kalimutan dahil sa sakit, still, everytime I see this face, nananariwa ang lahat….













Chapter 3 -

11 months ago…

“Ali!” tawag sa akin ng makulit kong bestfriend mula sa labas ng bahay namin. Kasalukuyan akong nagfi-facebook nun. Busy sa paggawa ng mga collage sa Muzy.com.  Lumabas ako ng bahay para lapitan si Jay.
“Ano yon, Mercado? Pasok ka,” tanong at yaya ko sa kanya.
“Huwag na, may sasabihin lang ako,”
“Ano yon?”
“Punta tayong park bukas ha!”
“Bakit? Anong meron sa park?”
“See-saw, duyan, sandbox, upuan,”
“Magaling,magaling, magaling! Diyan ka na!” akmang papasok na ulit ako ng bahay.
“Tungek! May sasabihin lang ako,”
Natungek pa ako! Very good. Minsan talaga may tama sa ulo tong lalaking ito eh. May sasabihin lang pala bakit hindi pa ngayon?
“Edi, sabihin mo na ngayon! May lakad ako bukas. Magpapa-wax ako.” 
“Wag na, bukas nalang. Ako nalang magbubunot ng kili-kili mo!” nakangisi pa ang loko.
“Sira-ulo!” sagot ko sa kanya.
“Mahal mo naman!”
“Tseh! Mahal ka diyan!” Wala naman akong matandaan na sinabi ko sa kanyang mahal ko siya although mahal ko naman talaga siya.
Oo, totoo yun. I confess, mahal ko ang bestfriend ko, higit pa sa kaibigan. Hindi ko lang inaamin sa kanya kasi naniniwala akong “Action speaks louder than words.” Kita mo naman, ramdam niya nga eh.
“Bukas ha! Sige, uwi na ako,” paalam niya at umuwi na siya sa kanila.
Wala naman akong magagawa. As usual, cancel na naman ang lakad ko.


Kinabukasan…..
“Li, 7pm ka na pumunta sa park. Magbihis ka ha. Ung maauz. May pupuntahan tau.” Text sa akin ng magaling kong kaibigan.
“Animal ka Mercado! Pinacancel ko kaya ang appointment ko sa wax!” reply ko naman. Sabi niya kasi 4pm. Eh 4pm ako naka book ngayon. Bwisit lang talaga!
“Hehe, ituloy mo na ngayon un,” with smiley face pang sagot niya.
“Cancel nga di ba?! CANCEL!” reply ko ulit. Nakakainis. Sayang ang appointment. Mahirap kaya ang mag walk-in. Anong petsa pa ako maasikaso.
“Sori na. Hindi rin ako pwedeng magbunot ng kili2 mo ngaun kc bc ako.Hehe. Mayb nxt tym. C u later,Li!” text niya pa.
Abnormal talaga tong lalaking to! Yun lang un?!
No choice na naman ako. Sige na mag wo-walk-in nalang ako. Sayang ang oras. 2 pm pa lang naman.
At teka, kailangang nakabihis?! Para saan?
--------------------------------------------
Pagdating ng 7pm. Sa park.
Masunurin talaga akong kaibigan. As you can imagine, naka high heeled sandals ako at naka-pink dress pa ang lola mo. Sabi ko sa sarili ko, every weekend hindi ako mag-mi make-up since buong weekdays na akong may make-up. Pero eto ako ngayon, naka-ayos ng bongga.
Bakit ang dilim? Pati poste ng Meralco, walang sindi. Hindi naman brown-out sa amin ah. Eh dalawang street lang naman ang layo nitong playground mula sa bahay namin.
 Eto lang ang walang kuryente? Weird.

Adik ka Mercado, kapag ako na-rape dito, kasalanan mo! Siguro naman imposibleng mangyari yon. Private subdivision naman to at may rumorondang guard every hour.

Calling Mercado ko…

“Pisti ka, Mercado! Ang dilim dito! Nasaan ka na?!” singhal ko sa kanya sa telepono.
“Close your eyes,” utos naman ng kumag sa akin.
“Sira-ulo ka talaga!”
“Sige na!”
Ako naman si uto-uto, pumikit nga. Kung hindi ko lang mahal tong lalaking ito, kanina pa ako nag walk-out pauwi ng bahay namin.
“Nakapikit ka na?” tanong niya.
“Oo! Kanina pa!” naiinis ko ng sabi sa kanya. Ano bang kalokohan to?
“One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten.”  Bilang niya.
“Ano bang problema mo?!” naiirita ko ng tanong sa kanya.
“Open your eyes na,” utos ulit niya.
Okay fine, dahil bestfriend kitang kumag ka. Sige na, sasakyan ko na ang trip mo.
I slowly opened my eyes. Nagliwanag ang buong paligid. Sa gitna ng park kung nasaan ang sandbox, may heart-shaped small white rice lights. Meron ding table for two at ang kapitbahay at kalaro din naming si Aries, may hawak na gitara. Nakangiting nakatitig sa akin.
“Ganda mo!” lip sync niya.
“Thank you,” nakangiti kong sagot dito.
Unti unti akong lumapit kay Aries at habang palapit ako sa kanya, tinutugtog niya ang isa sa mga paborito kong awitin. Super classic na pero trip ko talaga ang kantang ito.
Time have been passing time
Watching trains go by
All of my life….

Ang sweet naman nito. Siguro kung hindi ko nakilala si Jay, sa kanya ako magkakagusto. Mabait rin si Aries. Mas matangkad siya kay Jay, yun nga lang moreno siya si Jay naman ay maputi.
Speaking of Jay, nasaan na ang kutong lupa na iyon?
Hinanap siya ng mga mata ko. Luminga linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita.
“Nasaan si Jay?” tanong ko kay Aries ng makalapit ako sa kanya.
Kibit balikat lang ang isinagot nito.
Teka, ano bang nangyayari?! Ano bang meron? Bakit may ganitong set-up sa gitna ng park?
Nasaan na si Jay?
Tinawagan ko siya.
“Nasaan ka na kumag ka!?! Pinaglalaruan mo ba ako?!” inis kong tanong sa kanya sa telepono.
“Enjoy your night,” sagot niya. Paano ako mag-eenjoy?
“Huh?! Alam mo ang labo mo! Pinapunta mo ako dito tapos hindi mo ako sisiputin?! Abnormal ka talaga, Mercado!” muli kong singhal sa kanya. Naha highblood na ako, promise!
“Mukha namang magiging masaya kayo ni Aries. Enjoy your date!”
“Naiinis na ako, Mercado! Nasaan ka ba?! Gusto kitang makita. Ngayon na! Lumabas ka diyan sa lungga mo!”
Off.
 Ang kumag, pinatayan pa ako ng telepono. Tinawagan ko ulit. Out of coverage area na. Bwisit talaga. Wala na, sira na ang araw ko. Gabi pala.
Sugod naman ako sa bahay nila. Malapit lang naman sila dito sa play ground eh.
“Mercado!” sigaw ko sa labas ng gate nila. Ay! Marami pala silang Mercado dito. “Jay Mar!” tawag ko sa ulit sa damuhong lalaking iyon.
Lumabas ang kanyang butihing ina.
“Tita Mar, si Jay po?” tanong ko.
“Naku, anak. Wala daw siya,”
“Daw?” taka kong tanong ulit.
“Sige na, pumasok ka na,” nakangiti nitong paanyaya sa akin sabay kindat.
Ah, ok.  I get it.
Sorry. Slow lang ako.  Daw pala ha.
Siyempre binati ko naman ang papa niya na si Tito Jay-jay, pati na rin si Hope. Prenteng naka-upo sa salas ang mag-amang pinagbiyak na bunga.
“Hi Tito Jay, hi Hope!”
“Ganda natin te ah!” bati sa akin ng number 1 fan ko.
“Naman, mana ka sa akin eh!” ganting biro ko naman dito.
Derecho ako sa kuwarto ni Jay. Buti hindi nakalock ang pinto. Pagbukas ko, naghuhubad ng polo na Jay ang nabungaran ko. Para siyang kaaattend lang ng debut ah. Ganun din kasi ang suot niya nung 18th birthday ko, at siyempre siya ang last dance ko nun. Pink na long sleeve ang kasalukuyan niyang hinuhubad.
Nagulat siya pagkakita sa akin. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Ikaw, anong problema mo?! Bakit ka nang-indian? At pinatayan mo pa ko ng telepono!” balik tanong ko sa kanya. Hindi ko na kaya maintindihan ang mga nangyayari. Pinapunta niya ako sa park, si Aries ang nadatnan ko dun tapos hindi siya nagpakita sa akin at ito siya ngayon, naghuhubad ng formal attire. Ano bang nangyayari? Pwede bang paki explain sa akin ang lahat?!
Muli niyang binalik ang suot niyang damit.
“Balak ko sanang palitan ang suot ko kaso sige ito nalang,” paliwanag niya.
“Hindi ba sabi mo, may pupuntahan tayo?” sumasakit na ang ulo ko. Pasensiya na at pinanganak akong Pentium 1 ang utak at hindi ako kaagad makapagprocess ng mga data sa paligid ko.
“Hindi. Ako nalang pala. Bumalik ka nalang sa park. May lakad kami ni Hazel.”
Hazel??!!!
Anak ng tinapay!
The mother of all flirts!
Biglang nag-init ang dugo ko. Marinig ko lang ang pangalan ng malanding babaeng iyon, nasisira na talaga ang mood ko. So, pinatulan na rin pala ng magaling kong bestfriend ang babaeng iyon. Kaya pala niya ako iniwan, sila pala ang may date! Bwisit talaga!
“Magsama kayo ng babae mo!” sigaw ko sa kanya.
“Huwag kang maingay! Baka marinig ka nila mama!” sita niya sa akin.
Aba’t! Anong ibig sabihin nun? S.O. na sila? As in Secret On at hindi pwedeng ipaalam sa iba?
“Enjoy your date pala ha!” naalala kong sabi niya sa akin kanina sa telepono, “Sige, mag-enjoy kayo! Mas mag-eenjoy kayo kung sa Victoria kayo pupunta. Paraos!”
Namula ang pisngi niya, mukhang offended. Nakakuyom ang palad, para na akong sasapakin. Sige subukan niya lang! I know naman hindi niya kaya. Baka siya pa ang sapakin ko. Sa siyam na taong magkaibigan kami. Siya lang ang nakakatikim ng sapak, kalmot, sabunot, kurot, tadyak, siko at sampal mula sa akin.
 Nagdilim ang mukha niya.
“Sobra ka na Aliyah Mae. Umalis ka na,” mahina ngunit maawtoridad niyang sabi sa akin.
Nakakapanibago. Hindi naman siya ganito sa akin ah. Ang sakit. Para akong sinasaksak sa puso. Never niya nga akong nasaktan physically pero through words, ang sakit pala. Ipagtabuyan ka ba naman ng lalaking mahal mo dahil nainsulto mo ang babaeng gusto niya. Kung bakit naman kasi sa dami ng lalaki dito sa mundong ginagalawan ko eh sa kanya pa ako nainlove. Take note, sa bestfriend ko pa! Ang masakit pa neto, eh siya hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa akin. Ni minsan hindi niya ako tinangkang ligawan. Akala ko, pag graduate namin ng college, magtatapat na siya, pero hindi pala.
Dapat ba ako ang unang nagsabi na mahal ko siya at baka sakaling mainlove din siya sa akin pag ginawa ko yon? Kaya lang, hindi ko kasi kaya eh. I also thought of our friendship. Katulad rin ng ibang tao na nagmamahal ng bestfriend nila, ito rin ang kinoconsider. Kaya nga puro paramdam ang ginawa ko. Pinakita ko sa nalang kanya na siya lang ang lalaki sa buhay ko. Siyempre pati na rin ang daddy ko at si Papa God.
 Since si Papa God at ang daddy ko, magkasama na sa heaven kaya sa kanya ko nalang naipapadama through physical acts ang love ko.
 Tapos eto ang magiging sukli sa lahat ng iyon?
 Ipagpapalit niya lang ako sa isang babaeng halos patapon na ang katawan sa kama makuha lang siya?
 Bilib lang ako sa Hazel na iyon kasi lantaran niyang nasasabi na gusto niya si Jay samantalang ako…
“Sige na umalis ka na,” muli niyang pagtataboy sa akin. Matagal pala akong natigilan dahil sa sinabi niya at inulit pa niya ang magic words. Kapal talaga!
“Sige! Aalis na ako sa buhay mo, forever! Huwag ka na ring magpapakita sa akin, kahit kelan!” bago pa niya makitang tumulo ang mga luha ko, umalis na ako ng bahay nila. Sa kitchen ako dumaan palabas para hindi ko na makita ang family niya. Pasensiya nalang, hindi na ako nakapagpaalam sa masayang pamilyang nanonood ng tv at napamahal na rin sa akin.







Chapter 4 –

At dahil ayokong usisain ako ng aking ina eh bumalik muna ako ng park para lang magpalipas ng ilang oras at pati na rin ng sama ng loob. Maya maya na ako uuwi pag medyo magaan na ang pakiramdam ko. Ang tanong, gagaan pa ba ito?
Wala na yung mga matitingkad na ilaw. Ilaw nalang na nanggagaling sa poste ng Meralco ang nadatnan ko. Wala naman ng tao sa park kaya kampante akong umupo sa isang sementadong upuan at malayang pina-agos ang mga luha ko sa loob ng mga palad ko.
Nakakainis! Sayang ang lahat!
Ang make-up ko, ang dress ko, ang effort ko, ang friendship namin dahil lang sa Hazel na iyon? Ginayuma ba niya si Jay? Bakit ba hindi ko naisipang gawin yon?
Nine years, Mercado, nine years! Handa mong itapon lahat ng iyon dahil lang sa babaeng yan?! Nakakainis ka! Lumipad ka na sa Pluto! Isama mo na rin yang Hazel mo!
May tumabi sa akin at inakbayan ako.
And I felt relief.
“Mercado?” I raised my head and I felt sorry.
“Dela Cruz,” nakangiting sagot sa akin ni Aries. He gave me his hankerchief.
 Akala ko, umalis na siya. Andito pa pala siya sa park.
“Sorry,” nakakahiya naman, napagkamalan ko pang siya si Jay. Ganun kasi kami ni Jay kapag nag-aaway. Hahabulin niya ako at mag so-sorry tapos bati na ulit kami.
“Naiintindihan ko,”
“Pasensiya ka na ha. Bwisit kasi yung kumag na iyon eh! Ipagpalit daw ba ako kay Hazel,” paglalabas ko ng sama ng loob sa kanya.
“Sige na, iiyak mo lang. Sabi sa akin ni Jay, kapag masama daw ang loob mo, hayaan lang kitang magsalita ng magsalita o di kaya umiyak ng umiyak then mamaya okay ka na.”
Bakit kailangang sabihin ni Jay ang lahat ng ito kay Aries? Dahil ba sa may girlfriend na siya at mawawalan na siya ng oras para sa akin kaya pinapasa na niya ako sa iba? Nakakasama ka talaga ng loob, Mercado! Buwisit ka! Kurimaw! Kumag! Unggoy! Halimaw! Bakulaw! Lahat na!
Sa sobrang sama ng loob ko, umiyak na naman ako at patuloy lang sa pagcomfort sa akin si Aries. Hindi man siya ang kailangan ko right now, salamat na rin at may nahihingahan ako ng sama ng loob.
Bigla akong lumingon sa kaliwa involuntarily. Pero wala naman akong nakita kundi ang madilim na bahagi ng park.
---------------------------------------------
“Lusaw na yung ice cream mo,” untag sa akin ni Jay. Oo nga, lusaw na. Ganun katagal ba akong nag reminisce? Tinignan ko ang baso niya.
“Ikaw din naman ah!” Sus, siya rin pala eh. Para na kaming may chocolate drink pareho.
“Tinitignan kasi kita. Nakatulala ka diyan sa ice cream mo. Hindi ko alam kung ayaw mo na yata talaga niyan,” theory niya.
“Hah?. Ah, eh..May naalala lang ako,” pagdadahilan ko.
“Ano? Or should it be, sino?” panghuhuli niya sa iniisip ko.
Hindi naman ako papahuli noh. Asa ka!
“ Ano kasi… Yung boss ko, may pina pa quote pala siya sa akin. Kelangan na sa Monday,” And that is a white lie. Galing kong magsinungaling.
“Ah, ok,” sagot niya. Mukha namang na convince siya, “Pero pwede bang mag request?”
“Huh? Ano yon? Kanta?” biro ko to lighten the atmosphere.
“Adik,”
“Ka!”
“Haha! Pero seriously Li, pwede bang ngayong araw lang, wala tayong ibang iisipin kundi tayong dalawa lang. Yung tulad dati,” at ito pala ang pabor niya. I didn’t expect this. Kahit nga itong paglabas namin na ito, wala sa hinagap ko na pwede pa pala ulit mangyari to.
Iyon naman ang lagi kong ginagawa eh. Matulala lang ako, matic na yon, siya na kaagad ang iniisip ko. If only you know, Mr. Jay-mar Mercado. Lagi kong iniisip tayong dalawa.
“What do you mean?”maang- maangan kong tanong.
“Aalis na kami next week sa Alabang and siguro this is the last time na makakasama kita tulad ng ganito so sana lubusin na natin. Let’s be happy today. Pabaon mo na sa akin.”
I can’t go against it. Iyon din ang gusto kong mangyari. “Okay, sige.”
“First of all, sorry Li kung may mga bagay tayong hindi napagkasunduan before kaya naging ganito tayo ngayon kalamig sa isa’t isa,” oh and he felt the coldness between us. Akala ko dahil lang sa ice cream at sa lamig ng aircon.

Sana nga sa pagsasabi mo ng salitang Sorry ay mapawi lahat ng sakit. Pero hindi eh. Iba ang gustong mangyari ng puso ko. Pero alam ko, imposible na iyon.
“Okay,” nakangiti kong sagot. Plastic yata ang pagkakangiti ko.
Tara!” yaya niya.
“Saan?”
“Alam mo na iyon!”
“Sa Kuli-kuli?!”pagbibiro ko.
“Sira ka talaga! Kababae mong tao,” natatawa niyang reaksiyon.
“Saan nga kasi?”
“Timezone, adik!”
“Ah, okay! Malay ko ba kung sa sine, netopia, lazer extreme o sa videoke mo balak pumunta,” yun kasi ang mga lugar dito sa mall na madalas naming puntahan.
He loaded our cards. 200 pesos each. Galante ng bestfriend ko!
We played all the games we used to play together before. Masarap talagang ibalik ang kahapon. Sana nga ganito nalang kami forever but we both know that this is just for now.

Hindi ako tuod para hindi mag-enjoy kasama ang taong napaka espesyal sa buhay ko. Hindi man siya ang boyfriend ko o makatuluyan sa hinaharap, masaya ako at merong isang Jay-mar Mercado na malapit sa puso ko. Hindi nga lang malapit eh dahil nasa loob talaga siya ng puso ko. Kasama ng mga arteries. Hehe.
-------------------------------------------
Dumerecho kami sa bahay nila para lang i-park si Blue at pagkatapos ay maglalakad kami pauwi sa bahay ko. Just like the old times. Pero bago ako makarating ng bahay na isang kalye lang naman ang layo mula sa bahay niya, maiikot muna namin ang buong Grace Subdivision.
“So, magsisimula na ba ako ng countdown?” biro ko sa kanya but deep inside parang ang sakit. Ang isipin pa lang na malalayo siya sa akin ng ilang bayan sa NCR ang hirap na. Exage noh?
 Pasensiya, nagmamahal lang.
Huh? Nagmamahal pa rin? Sa kanya?
Hindi na pwede! Shut up Ali! This isn’t good.
Ngiti lang ang itinugon niya.
“Kamusta kayo ni Aries?” out of nowhere niyang tanong. Teka! May usapan kami ah!
“Sabi mo, tayong dalawa lang?” kontra ko sa tanong niya.
“Gusto ko lang maging okay ka kahit wala na ako,”
“Okay naman kami. Mabait siya, caring at hindi ako tinataboy!” parinig ko. Naalala ko lang ulit yung first time niyang ginawang pagtataboy sa akin.
“Sorry na nga eh,”
“Kayo ni Hazel? Kamusta?” ako naman ang nagtanong. Although ayokong marinig ang isasagot niya.
“Wala namang kami eh,” imporma niya sa akin.
Ano?! Hindi naging sila? Paanong nangyari yon?! Gustong matuwa ng puso ko pero sabi ng utak ko, sinungaling siya! Liar!
“Weh? Deny ka pa? Eh, halos ipangalandakan na nga nung babaeng iyon sa Fb world at sa buong subdivision na kayo tapos ikaw, dine deny mo siya?”
“Eh, hindi naman talaga kaya wala akong dapat aminin,”
“Sa 11 months na yon, walang nangyari?” tanong ko ulit.
“Ikaw talaga ang dumi ng utak mo,”
“Ang ibig kong sabihin, walang nangyaring development, progress,ligawan, ganun! Ikaw nga tong green eh,” depensa ko. Anong tingin niya sa akin? Ma-L?
Tawa na naman ang isinagot niya.
 Sa 11 months na pag-iiwasan namin, ngayon ko lang ulit narinig ang malutong niyang tawa. I miss his laugh. Actually everything about him.I terribly missed him.
“Sige tawa pa! Baka kabagin ka na niyan,” natatawa ko na ring sabi sa kanya.
“Okay lang, basta ba, nasa kuwarto ko ikaw tapos kulob. Hahaha!” isa pang tawa ng malakas mula sa kanya.
“Yak! Kadiri ka! Ang baho kaya ng utot mo!” Naalala ko nung mga bata pa kami. Pinapasok niya ako sa kuwarto niya. Yun pala uutot lang siya at ipapa-amoy niya sa akin iyon.Mas natawa kami pareho sa eksenang naalala namin. Childhood days. Nakakamiss.
Sana, huminto nalang kami sa mga panahong kagaya nun. Walang mga problema at kumplikadong sitwasyon tulad ngayon.

After routing the whole subdivision,

“Let the countdown begin,” sabi niya. Nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
“Muahh!” hinalikan niya ako sa pisngi. As usual, yung matagal at matunog. Minsan pa nga may kasamang laway. Kadiri tong lalaking ito eh! Tulad ngayon. Yak talaga!
Syempre gaganti ako.
Akmang hahalikan ko na siya sa pisngi pero lumingon siya, ayun sa nguso niya lumanding ang mga dila ko. Ang balak ko kasi tulad ng dati, didilaan ko ang pisngi niya.
Ang gross!
Pero may isang bahagi ng puso ko ang kinilig.
Lips to lips with my bestfriend, is this for real?
Parang hindi naman. Lips to tounge yata ang tawag dun.
Parang tumigil ang mundo. Grabe! Nangyayari ba talaga ang lahat ng ito ngayon?
Una, for the past 11 months, ngayon lang ulit kami nag bonding ni Jay, tapos eto, nahalikan ko siya sa lips? Halik ba tawag dun, dila nga eh. Nakakahiya!
“Ganyan ka ba humalik sa lips?” nakangisi pa niyang sabi. Kapal talaga ng lalaking toh!
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi sabay halik ulit sa lips ko. Mga five seconds siguro yun pero bakit parang ang tagal? Parang nag-freeze ang buong paligid. Love songs are playing around the air. Para akong nakalutang sa ere. I couldn’t feel my own self! Hey, Aliyah Mae, wake-up! Your dreaming!
“Ganito dapat,” sabi ulit niya.
Nang makabawi ako at mahimasmasan, sinapak ko siya sa tiyan! Para saan pa at nag-aral ako ng Muay Thai.
“Aikkh!” napangiwi pa siya. Buti nga sa’yo.
“Chansing ha! Good night!” pumasok na ako sa loob ng bahay.
A very unforgettable start of counting the days left and it kept me smiling all night long.
-------------------------------------------















Chapter 5-

SUNDAY

 Nasira na naman ang schedule ko. Supposedly, after naming magsimba nila Mama at Andrei ay manonood kami ng sine ni Aries. Pero dahil sa makulit kong bestfriend, I started my day with him and also ended it up with him. Buti nga hindi nagalit si Aries, naintindihan naman niya. Nasabi ko na sa kanya na aalis na si Jay next week.
Sa Antipolo Church kami nagsimba kasama siyempre si Blue. Grabe noh, dulong dulo talaga! As in road trip to the max. Pagbigyan ang hiling ni bestfriend. Isang linggo na lang naman eh. After this week, balik na ulit sa normal routine ang buhay ko. Just like what I have been doing for the past 11 months.
Ayun, after magsimba, food trip dito, food trip doon.
“Alam mo ba Mercado, ang weird na naman ng panaginip ko kagabi,” kuwento ko sa kanya habang kumakain kami ng kwek-kwek.
“Hmmmm..,” isinubo muna niya ang huling itlog bago nagsalita ulit, “Hano yun?” tanong niya habang ngumunguya.
“Kadiri ka talaga. Any way, may napanaginipan akong lalaki, kaso malabo yung mukha niya eh. Tumatakbo daw kami. Nakadamit pang prinsesa ako tapos siya naman naka armor. Basta, tumatakbo lang kami. Pero parang wala namang humahabol sa amin.”
“Oh, tapos?”
“Ito naman, parang walang effort makinig,” para siyang walang interes sa kinukuwento ko eh.
“Nakikinig ako. Anong nangyari?”
“Ayun,sinubukan kong bumitaw sa kamay niya kasi ayoko ng tumakbo, wala namang humahabol sa amin eh. Kaya lang ayaw niya bitawan. Tapos, hindi rin siya nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung sino ba yung tao sa likod ng armor na yon.”
 “Maiinlove ka sa sundalo,” komento niya.
“Huh? Sundalo kaagad?!”
“Oo kasi sabi mo, naka armor di ba? Eh ang mga naka armor lang naman sa mga kaharian ay mga sundalo di ba?”
“Hindi ba pwedeng mag- armor ang mga prinsipe?” taas-kilay kong tanong sa kanya. Napakaliteral naman kasi ng pagkakainterpret ng kaibigan kong ito. Ganito ba talaga mag-isip ang mga engineer na adik sa computer?
“Pwede rin,”
“Ewan ko sa’yo! Tara na, uwi na tayo,” yaya ko sa kanya.
“Seriously speaking, Li, mamimiss ko ‘to,” pahabol niyang sabi sa akin.
Hindi naman ako bato para hindi matouch sa sinabi niya.
“Oh siya. Tara na!” I just tried to conceal what I really feel. Ayokong malaman niya na mas mamimiss ko siya at mas mangungulila ako sa pagmamahal ng isang bestfriend na walang kasing katulad niya.
-------------------------------------------

MONDAY
As usual working day for me, ang nagpa-iba lang ay ang pagtitext sa akin ng bestfriend kong pasaway.
“Li panget! Kaen ka lunch ha. Wag ka papagutom. J”  text niya.
“Mas panget ka!.... Ok. Kaw din, kaen ka,” reply ko naman.
He made my very hectic yet boring day at work complete. Nag overtime pa ako to meet our deadlines.
Hindi man kami nagkita ngayong araw na ito because of our very schedule eh masaya naman ako dahil kahit papaano ay naalala niya akong itext.
Kapag kaya lumipat na siya sa Manila, magawa pa rin kaya niya akong itext?
O buburahin na niya ako sa phonebook niya kasabay ng pagbura niya sa akin sa buhay niya?
Hangdrama ko noh. Pasensiya naman, nagmamahal lang.
Huwat?!!! Pagkatapos ng lahat ng nangyari, si Jay-mar  Mercado pa rin ang mahal ng makulit kong puso.
Hanukabanaman Aliyah?! Siya at siya pa rin? Hindi ka na nadala.
Eh siya naman ang may kasalanan eh. Lumapit na naman siya sa akin. Kaya ayun, muli na namang nabuksan ang puso ko para sa kanya.
Ayoko ng ganito.
It’s unfair.
Para sa boyfriend kong si Aries.
Para sa bestfriend kong si Jay.
Para sa akin.
This should stop.
Stop right now, Aliyah! Hindi pwede. Hindi ka niya mahal. Hindi mo na siya pwedeng mahalin ng higit pa sa isang kaibigan.
Hays. Sana nga ganun lang kadaling turuan ang pasaway kong puso.
Na I think eh patuloy na umaasa sa isang bagay na wala naman na talaga.
---------------------------------------

TUESDAY

Hindi ako nakapasok sa work. Paano ba naman, yung boss kong tarantahin, hindi na ako pinapasok kasi umulan ng malakas last night at may part ng Alabang na lumubog sa baha. Baradong drainage siguro ang dahilan. Ayun, huwag na daw akong pumasok and charge to Vacation Leave nalang daw. Dahil sa masunurin akong empleyado, hindi nga talaga ako pumasok kahit pa na hindi naman kami affected ng baha. Sa Makati kasi ang work ko as an Accounting Assitant at natuwa naman ako sa aking boss dahil concern siya sa akin.

Wala naman akong ginawa sa bahay buong araw. Dahil medyo maulan pa rin, naglaro lang kami ng kapatid ko ng wii.
At nakakatuwa rin dahil nawili ng magtext ang kumag kong bestfriend. Kamusta daw ako, ano daw ba ginagawa ko, etc. etc.

“Ikaw, text ka ng text. Magtrabaho ka nga!” reply ko sa isa sa mga text niya sa akin.
“Nagtatrabaho naman ako ah. Multi-tasking kaya ako,”
“Yabang. Tseh!”
Lumipas ang buong araw ng vacation leave ko na siya lang ang katext ko. Wala yatang load si Aries, or baka busy sa work. Hindi kasi siya nagtext sa akin buong araw. Nagtatrabaho ito bilang isang nurse sa Asian Hospital.
Cheating.
Is this cheating?
Habang may boyfriend ka at may bestfriend kang mahal mo pero hindi naman kayo ng bestfriend mo, bestfriend nga kasi di ba.
Can you still call this as cheating?

--------------------------------------------
Broom! Broom!
Alas siyete ng gabi at nasa tapat ng bahay namin si Blue. Si Blue lang ba talaga? Ano yun kusa itong nagdrive mag-isa?
“Bulaga!” isang box ng donut ang bumungad sa mukha ko paglabas ko ng gate namin. Boses ni Jay-mar Mercado iyon. Sa lahat ng boses na kilala ko. Sa kanya ang pinakamatunog sa puso ko. Naks! Ako ng makata.
May nalalaman pang hide and seek ek-ek itong baliw kong kaibigan.
“Dami mong alam! Ano ‘to?” patay malisya kong sabi.
“Donut!” pilosopo niyang sagot. Malamang alam ko donut talaga yon.
“Alam ko, adik! Para saan? Anong meron?”  di ko iniwasan ang magtaray. Sipain ko pa siya eh!
“Pasalubong,” maiksi pero nakakatouch niyang sagot. Oo, natouch na naman ako. Lahat yata ng gawin niyang sweet gestures towards me eh matutuwa talaga ako. Well, kahit sinong tao naman siguro kapag yung mahal nila ay nag-eefort, it is super highly appreciated.
Pero siyempre hindi ko hahayaang makita niya na iyon ang nararamdaman ko.
“Salamat. Pasok ka muna,” sabi at yaya ko sa kaniya.
“Hindi na. Uwi na ako. Pasok ka na sa loob,” tanggi niya.
“Bakit mo ginagawa ‘to?” hindi ko maiwasang itanong.
“Dahil gusto ko,”
“Bakit nga?!” ang labo mo, bespren!
“Wala lang,”
“Ewan ko sa’yo!”
“Ginagawa ko naman na dati yan ah.”
“Siyempre, iba na ngayon. Paalis ka na. Baka hanap hanapin ko ‘to.” Hindi lang siya ang mamimiss ko, pati na ang mga panahong gaya nito na magkasama kami. Kapag kaya lumipat na siya sa Manila, dalawin pa rin kaya niya ako dito? Ako nalang kaya ang lumipat ng Manila.
Haha! Adik lang. Kung anu-ano na tuloy naiisip ko dahil sa donut na ‘to.
“Last na ‘yan,” pinaandar na niya si Blue at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Yeah right, last na.
Chapter 6

WEDNESDAY!
It really has to have an exclamation point. As in, I swear! I would never forget this day for my entire life.

Back to work, humupa na rin ang baha.
Ang nakapagtataka lang, natapos ko ang buong araw sa opisina pero kahit missed call o missed text mula sa kurimaw kong kaibigan ay wala akong natanggap.
 Buti pa si Aries, nagtext. Siyempre boyfriend mo yung tao! Adik ka ba, Aliyah?
Eh si Jay? Hindi mo siya boyfriend so hindi siya obligadong itext ka araw-araw! Keep that in mind. BESPREN mo siya hindi BOYLET.
 Wala na, ako ng praning.

Ayoko namang ako ang maunang magtext baka isipin niya namimiss ko siya. Actually, totoo naman yun, ayoko lang isipin niya na sabik akong makatanggap ng text niya.

Pagdating ko ng bahay, sira ang mood ko. Pesteng lalaking iyon! Nakalinya naman ang telepono niya, ni HI o kahit wrong send man lang, wala!?
Bwisit talaga! Wala na, sira na ang araw ko!
Back to 11 months na ba? Sa Saturday pa yun ah! Ang advance naman ng unggoy na yon. Wednesday pa lang, haleer?!

“Musta nak?” bati sa akin ni Mama.
“K  lang,” walang ka effort effort kong sagot sa aking butihing ina.
“May sakit daw si Jay sabi ni Bez,” inporma niya sa akin.
Natigilan ako sa pagtatanggal ng sapatos.
“Huh?”  Si Jay, may sakit? Eh, mukha namang okay pa siya kagabi ha.
“Nagpaulan kahapon,” imporma pa ni Mudra.

Pumasok na ako ng kuwarto ko, nagbihis ng pangbahay at dumerecho sa bahay nila Jay. Baliw talaga ang kumag na iyon. Kaya pala hindi nagtitext ang magaling. May sakit pala.
 Hindi pa rin pala siya nagbabago. Ayaw niya kasing pinupuntahan ko siya pag may sakit siya. Mabilis kasi akong mahawa ng sakit noon. Pero may vitamins naman na ako ngayon at lagi ko ng iniinom yon.
Siyempre ang gusto ko, kapag may sakit siya ako ang mag-aalaga sa kanya kahit pa hindi naman ako nursing grad.
Bakit? Mga nursing at doctor lang ba ang pwedeng mag-alaga sa mga may sakit. Magaling kaya diyan ang mga ina katulad ng mudra ko.  
“Punta lang ako sa kabila, Ma,” paalam ko sa mama ko.
“Vitamins mo?” paalala niya. Kitam. Kaya lab na lab ko yan eh. Kahit na minsan eh parang armalite ang bibig niya at yun na minsan ang nagmimistula kong alarm clock tuwing umaga eh ayos lang. We only have one mom (biologically) in this world kaya dapat natin silang mahalin ng buong puso, ano’t anuman.
I thank you. Bow. Ma, ulam natin bukas yung paborito ko ha! Hehe.

“Uminom na ko,” minsan kasi nakakalimutan ko pa rin. Hehe. Pasaway.
-------------------------------------------
Pagdating ko sa bahay nila, si Hope ang sumalubong sa akin.
“Bheng, Kuya mo?”
“Sa kuwarto, tulog. Hindi nag lunch yun. Wala daw siyang gana,” my little sister informed me. Ansaveh? Little sister? Kapatid? Panggap!
Hindi pa kumakain ang kumag simula pa kanina? Mas pasaway siya sa akin.
“Si Tita?” tanong ko ulit. Ano ka ba naman, tita Mar! Bakit hindi mo inaalagaan ang anak mo. Kung si Mama siguro ang nanay nitong si Jay, nagpaluan pa sila para lang kumain siya. Haha. Paluan talaga? Bata? Hindi, matanda.

“Nasa Coop meeting,” sagot ulit niya.
“Samahan mo ako sa kusina,” yaya ko sa kaniya. Sige na. Ako na. Kaya nga ako nandito eh. Para mag-alaga ng pasyente. Isang pasyenteng pasaway pero may espesyal na kuwarto sa puso ko. Siya na VIP.
“Sige,” pagpayag nito.

Inilapag ko muna sa study table niya ang dala kong pagkain bago ko siya nilapitan sa kama niya.
“Jay-mar!” gising ko sa kanya.
“Hmmm?...” nakapikit pa rin siya.
Tinapik tapik ko ang pisngi niya, “Gising! Mamaya ka na matulog ulit. Kumain ka muna!”
“Wala akong gana. Sakit lalamunan ko,” daing niya.
“Dali na,” pilit ko pa rin.
“Ayoko nga,” Aba’t ang tigas talaga ng ulo. Sorry, pero hindi mo ako makukuha diyan sa pag-eemote emote mo!
I know how to handle this kind of situation. Para saan pa’t naging magkaibigan tayo ng mahigit isang dekada.
“Sige, pag di ka pa kumain, di na rin ako kakain ng dinner,” hamon ko sa kanya. Alam niyang may ulcer ako at hindi ako pwedeng malipasan ng gutom.
Nagpilit siyang bumangon, “Kasi naman eh! Sino ba nagsabi sa’yo?” tila naiirita niyang tanong.
“Si Mama,” no effort kong sagot.
“Mama talaga,” Naiiling nalang niyang sabi. Alam  rin niyang sanggang-dikit ang mga nanay namin. No secrets, No lies ang peg ng dalawang iyon eh.
“Kain na!” sabi ko ulit sa kanya.
“Oo na. Kumain ka na din,”
“Sige, sabay na tayo.”
Kahit hirap siya sa paglunok, sige lang siya sa pagkain. Ako din, parang nahihirapan din ako para sa kanya. Pero kailangang magkalaman ang sikmura niya.
After niyang kumain, pina inom ko na siya ng gamot.
“Lapit ka ng lapit sa akin, pag ikaw nagkasakit, lagot ka sakin,” sabi niya sa akin aba’t nagbanta rin ang loko.
“Nag vitamins po ako. Sige na, magpahinga ka na. Sorry sa istorbo. Kailangan bukas, magaling ka na ha! Maghahakot ka pa ng mga gamit niyo sa Sabado,”
“Opo,”
“Bakit ka ba kasi nag-paulan?” usisa ko. Hindi naman siguro dahil feel niyang i-reminisce ang nakaraan namin na madalas maligo sa ulan noon.
“Baka kasi magalit ka na naman kapag nabasa yung helmet,”
“Adik ka talaga. Sa’yo na yun di ba?!”
“Sa’yo pa rin yon,”
“Buti di ka nahuli na walang helmet! Pasaway!”
“Batas eh!”
“Mukha mo, batas! Sige na, magpahinga ka na. Uwi na ako,” paalam ko sa kanya. Iyon lang naman talaga ang ipinunta ko rito. To know if he’s alright. Panatag na ko. Bukas nalang ang follow-up kung okay na talaga siya.
Akmang tatayo na ako sa kama niya pero hinawakan niya ang kamay ko.
“Please stay, dito ka lang,” ramdam ko sa boses niya ang pagsusumamo. Wow.
“Pero Jay,..” ang awkward naman nun. Oo, natutulog din ako dito sa bahay nila dati pero sa kuwarto ni Hope and not in his room.
“Hintayin mo lang ako makatulog,” he insisted
“Okay,” Sige na nga.  Ang lakas pa rin talaga ng charm nitong lalaking ito sa akin. Kahit na may sakit, guwapo pa rin siya sa paningin ko. Ako yata ang nagayuma ng mokong na ito eh. “Sige na, dito lang ako..” Hinila ko ang upuan mula sa study table niya at inilapit ito sa kama niya. “Sleep na, my patient…” Hinawakan ko ang noo niya, medyo mainit pa.
“Yes, doc.”  
Hindi ko namalayan na sa paglalaro ko ng malago niyang buhok, nakatulog na rin pala ako.

















Chapter 7

Anong nangyayari sa paligid?

It was a masquerade party and I was there to search for my prince gaya ng ibang ginagawa ng mga kababaihang nandoon. Halos lahat ng kalalakihang nandodoon ay nakasayaw ko na, maliban sa isang nakaupo sa upuan na maraming tinik.
“Ayaw mo ba akong makasayaw?” tanong ko sa kanya.
“If only you could take me out of this place full of thorns. Are you willing to hurt yourself just to be with me?”
Without any hesitant I said, yes.
Isang dipa lang naman ang distansiya namin pero bakit parang ang layo layo niya. Everytime I tried to stretch out my arms for him, nasusugatan ako. But I still strived harder just to reach him and until there was full of blood all over my body.
“Are you worth suffering for?” umiiyak ko ng tanong sa kanya. I can feel the pain all over my body.
“Yes, if you really wanted to be with me,” sagot niya.
Hanggang sa may isang babaeng nakalapit sa kanya. Ni hindi man lang ito nasaktan katulad ng nangyari sa akin.
He looked happy when someone had already come near him. At mas nashock ako sa mga sumunod na eksena.
The lady took out her mask and it was me!
-------------------------------------------------

At nagising ako dahil sa mga katok sa pintuan.
“Li, anak! Gising ka na ba? Baka malate ka sa trabaho,” boses ni Tita Mar yun ah! Teka nasaan ako? Bakit nag-iba ang itsura ng kuwarto ko? Ay! Oo nga pala nasa kuwarto ako ni Jay.
At muling nag flashback sa memory storage ko ang mga nangyari ng nagdaang gabi….

“Li….” May umaalog sa braso ko,.
“Hmmm?...”
Naramdaman kong parang may mainit na mga bisig ang yumakap sa akin at maya-maya ay nakalutang na ang mga paa ko mula sa sahig. Unti- unti kong naramdaman ang paglapat ng likuran ko sa isang malambot na kama. I tried to open my eyes at mga mata ni Jay ang naaninag ko.
“Jay?” I closed my eyes again. Ang bigat ng talukap ko. Bakit kasama ko siya sa isang kuwarto? Nasaan kami? Nanaginip ba ako? Bakit parang totoo? Pero parang panaginip pa rin. Hindi malinaw sa utak ko ang mga nangyayari, kung bakit kami magkasama ni Jay sa iisang kuwarto. Kung panaginip man ang lahat ng ito, lulubusin ko na.
“Yes?” narinig kong sagot niya.
“I love you,” I confessed. Wala namang masama magtapat sa panaginip di ba? After all, this is my dream so ako lang ang nakakaalam ng lahat ng ito.
“ And I love you, too.” Alam ko naman na mahal niya ako pero bilang kaibigan lang ang ibig sabihin niya.
“I mean, I love you more than a friend,” nakapikit ko pa ring sabi sa kanya.
“And I love you more, Sleeping Beauty,”
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. At katulad ng nauna naming halik last Saturday, it was very sweet. Ito ang mga labing hinding hindi ko makakalimutan kahit natutulog ako. Wait! Unti-unti ng lumilinaw sa akin ang lahat!
Kaya pala ako nandito ngayon sa kuwarto niya ay dahil sa may sakit siya. I fed him and gave him medicine. Pero ano na tong nangyayari ngayon? Kahalikan ko na siya? What the!
Sa pagkabigla ay naitulak ko si Jay.
“I was dreaming!” shocked kong sabi.
“Mukha nga, nakapag confess ka eh,” natatawa niyang tugon.
“What did I say?” patay-malisya kong tanong. Kunwari hindi ko matandaan.
“Huwag ka ng magpanggap. Hindi bagay.”
Buti nalang madilim, hindi niya na siguro kita ang pamumula ng pisngi ko.
“You’re blushing,” asar niya sa akin. Anak ng tokwa, kita pa rin pala niya.
“No, I’m not!” asik ko sa kanya.
“Ssshhh.. Huwag kang maingay, tulog na sila mama..”
“Huh?” Napatingin ako sa wall clock niya. Shocks! 1 am na pala?!
“Go back to sleep, dun na ako sa sala matutulog. Goodnight my princess,” sabi niya sa akin.
Oo nga pala, naalala ko yon! He said he loves me too! Twice pa nga eh.
“Wait, you said something earlier. Is it true?” tanong ko sa kanya.
“Akala ko ba, wala kang matandaan?” nakangisi niyang balik-tanong.
I pouted. Marahan siyang natawa.
“Sige na, matulog ka na. Bukas na natin pag-usapan yan,”
“Jay,.”
“Ano yun?”
“Dito ka lang sa tabi ko, til I fell asleep. Please.”
“Parang bumaliktad ang sitwasyon ah,”
“Sige na,”
“Baka mahawa ka,”
“Mukha namang magaling ka na eh, tsaka nag vitamins ako,”
“Okay, okay, sige na, sleep na,”
Change position nga. Siya naman ang umupo sa gilid ng kama. But I don’t like it.
“Lie beside me,” utos ko.
“You sure?”
Tumango ako.
“Lalake pa rin ako, Li. Babae ka,”
“So? Pananagutan mo naman ako di ba?”
“Ikaw talaga at balak mo pa akong pikutin ha!”
“Hindi ko na kailangang gawin yun, you love me so what’s the reason para pikutin pa kita?”
Para mapadali ang kasal at kelan ko sinabing mahal kita?”
“Secret.. Dali na, tumabi ka na sa akin. Kahit hanggang sa makatulog lang ako,”
Sumunod naman siya.
It really feels so nice. Kayakap mo ang lalaking pinakamamahal mo habang natutulog…
Hindi ko namalayan, unti unti na naman pala akong ginupo ng antok.

-------------------------------------------

 Nagising ako kasi gumalaw si Jay. Tinanggal niya ang braso niya na pinag-uunanan ko.
“Don’t go,” paki-usap ko ulit sa kanya. I don’t want him to go. I want to spend the rest of the night with him. Minsan lang to kaya lulubusin ko na talaga!
“You know I can’t. Hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko, I think I should go now,” 
Bababa na sana siya ng kama pero bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinigilan ko siya and I can feel that he was shocked when I kissed him on the lips.
Ramdam ko talagang nagulat siya sa kapangahasang ginawa ko. Medyo nanginig pa nga siya eh.
He pushed me away, “Li, this isn’t right,” habol hininga niyang sabi sa akin.
But I don’t care if this is right or wrong. All I want is to be with him. I kissed him again and this time the kiss went deeper. Tinutugon na niya ang halik ko. Mukhang wala na ang anumang pagpipigil na meron siya sa katawan and I am loving it as well as to be loved by this man. Siya ang buhay ko. Siya ang pangarap ko. Siya lang talaga ang mahal ko.
Muli kong naramdaman ang malambot na kama sa likuran ko but this time nakadagan na siya sa akin.
He was trying to lighten his weight para hindi ako mabigatan. I wondered how he did this.
“God, I want you so much, Li.” Anas niya sa gitna ng mainit naming halikan.
“And I want you, too..” sagot ko.
We undressed each other quickly.
And I can feel now the warmth of his palm and his lips all over my body lalo na sa mga parteng nahahawakan at nadadampian niya mismo.My neck, my breast, my nape, my legs, my thigh and my center.
Ganito pala ang pakiramdam when the one you really love touches you lovingly and wantingly.
“Sure ka ba?” tanong niya ulit.
“Yes,” mahina kong tugon. But I know, tumagos iyon sa kaibuturan ng puso niya. Nabura na ang lahat ng pag-aalinlangan.
Sa mga sandaling ito, isang bagay na lang ang gusto naming mangyari, it’s for the two of us to be as one.
He slowly entered me. Oh my, he’s so hard.
 I can feel the pain at alam kong ramdam din niya iyon.
“Sorry,Li…” huminto siya sa paggalaw and he kissed me on the forehead.
“No, just go on…”
“I know, it hurts…”
“I’m o-okay..”
He kissed me passionately again on the lips, trying to ease my pain. Effective naman dahil paunti-unti, wala na ang sakit.
We danced together the oldest dance in the world.
“I love you, Li….” Hingal niyang sabi sa akin.
“I love you too, Jay…” and we reached the cloud nine together.
Muli siyang humiga sa tabi ko at siya na mismo ang naglagay ng ulo ko sa kaliwa niyang braso. He held me tight and kissed me again on the forehead.
I hugged him back.
Why does it take us so long para maamin sa isa’t isa ang tunay naming nararamdaman. Alam kong higit pa sa pagkakaibigan ang pagmamahal niya sa akin. Salita lang ang kulang. Sa sampung taon naming magkaibigan, we never said a word to each other na mahal namin ang isa’t isa ng higit pa sa kaibigan o kalaro.
Pinaramdam lang namin yun sa isa’t isa and now we know that Actions are not enough. Kailangan rin pala ng mga katagang “I love you” mula sa bibig ng isa’t isa for assurance purposes.
I love this man and forever will.
I also know he does the same.
“Lipat na ako sa sala ha,” paalam niya.
Tumango ako tanda ng pagsang-ayon. He kissed me again on the lips before he turned his back, get dressed again at tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto dala ang isang unan.
------------------------------------------



















Chapter 8

Binuksan ko ang pinto, “Good morning tita,”  bati ko kay Tita Mar.
“Kain ka muna ng almusal bago ka umuwi. Teka, hindi ka ba nilalagnat?” sinapo niya ang noo ko.
“Okay lang po ako, tita. Nag ba vitamins naman po ako eh,”
“O sige, halika na sa mesa.”
Complete attendance ang Mercado family sa dining room.
“Good morning, ate Li!” bati sa akin ni Hope.
“Morning,” bati ko rin sa kanya, “Hi Tito. Morning, Jay!”
“Halika, sabay- sabay na tayong kumain,” yaya sa akin ng matandang Mercado.
“Thank you po,” umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ng lalaking pinakamamahal ko.
“Ako nga ang dapat mag thank you sa’yo, anak. Ang galing mong nurse, tignan mo si Jay, parang wala ng sakit,” si Tita.
“Wala po iyon,” Trabaho ko iyon bilang nagmamahal ng wagas sa kanyang anak.
“Thank you pa din,” sabi ni Jay sa akin. Nakahawak pa siya sa legs ko.
“Huwag ka na kasing magpapaulan! Mas sakitin ka pa yata sa akin, eh,” sermon ko sa kanya.
“Talaga lang ha, pag ikaw nagkasakit, yari ka talaga sa akin!” sagot naman niya.
“Bakit? Anong gagawin mo?!” tinignan ko siya na parang nanghahamon.
“Wala,” sagot niya. The nerve!Akala ko sasabihin niyang aalagaan din niya ako tulad ng ginawa ko kagabi. I hate you, Jay-mar Mercado!
Tinignan ko siya ng masama with matching pouted lips.
Natawa siya sa itsura ko, nabulunan tuloy siya.
“Ang takaw mo kasi!” Inabot ko ang tubig sa kanya.
Natatawa na lang sa amin ang family niya habang pinanunuod kami.

-------------------------------------------------

THURSDAY has been a great day for me. Para akong nakalutang sa alapaap na kahit anong stress at pressure ang meron sa buong paligid ng opisina feeling high pa rin ako. Is this how they spell L U T A N G?

“Parang ang saya saya mo ngayon ha?” puna sa akin ng boss ko. Mabait naman siya. Tarantahin lang talaga. Hehe.
“Okay lang po,” nakangiti kong sagot.
“Mukha kang nadiligan,” komento pa niya.
Nanlaki ang mata ko, anong ibig niyang sabihin? Pasensiya na ha pagdating kasi sa mga green jokes eh slow talaga ako.
“Hoh?!” Nadiligan talaga? Ano yun?
Tumawa siya ng malakas, “Wala, binibiro lang kita.”
“Kayo, ma’am ha!”
“Pasensiya na iha, twenty two ka na di ba?”
“Opo,”
“Karamihan kasi sa mga kakilala kong kaedaran mo eh napaka open minded na sa mga ganyang bagay. Pero ikaw, mukhang wala ka pang kamuwang muwang  sa mundo,” natatawa pa rin nitong sabi sa akin.
May alam naman ako noh. Slow lang talaga mag process ang utak ko. Parang Pentium 1. Buti nga at hindi naging abacus.
“Ma’am, iba naman po ang walang alam sa walang karanasan,” pagdadahilan ko. Actually, ayoko lang talaga ng mga ganitong usapan. Better to act as an innocent one para hindi na humaba ang usapan.
Sasagot pa sana siya kaso biglang dumating ang Vice President namin. Ayun, mukhang natataranta na naman.
Hay, Ma’am Liz, kelan ka ba magbabago?

Oo nga pla, naalala ko, paano na pala si Aries?
Anong labas ko neto? Two-timer? Pero hindi pa naman kami officially on ng kumag kong bestfriend eh. Huwag ka munang maguilty Ali, tsaka  na! Haha!

Kasasagot ko pa lang kay Aries more than a month ago pero ano na tong ginagawa ko? Niloloko ko siya.
Nung mga panahon kasi na iyon, feeling ko nakalimutan ko na si Jay, pero hindi pala.
Paano ko ba ipagtatapat kay Aries ang lahat? Ang hirap naman nito.
Ang sakit sa pakiramdam na nasasaktan ko ang isang taong alam kong  mahal na mahal ako. Hay, buhay. Ang hirap talaga maging maganda. Echos lang!
Pero ano nga bang magagawa ko? Hindi talaga kayang turuan ang puso. I tried but I failed.
Si Jay pa rin talaga.
Meet tau sa park later. Wana tell you sumting , text ko kay Aries.
I have to do this.
So help me, Papa God.
----------------------------------------------
Park. 7pm.

 “Hi, Li!” bati sa akin ni Aries.
“Hello. What time duty mo?” pasegue way kong tanong. Alam ko naman kung anong oras ang duty niya.
“Maya pang nine,” sagot naman niya.
“Ah, ok.” I don’t know how to start.
“Come on, Li. Hindi mo ko pinapunta dito para lang tanungin kung anong oras ang duty ko. Go straight to the point, para hindi na masyadong masakit,” he directly commanded me. Mukhang alam at ramdam na niya kung anuman ang sasabihin ko.
Okay, go Li. Kaya mo to.
“I’m sorry,” pauna kong speech. “Promise, I tried. Pero siya pa rin pala talaga,” Nakaka guilty naman to. Para akong nanaknaksak at ako pati ako ay nasasaktan.
“Okay lang, Li. Naiintindihan ko. I know how much you’ve tried. Pero mga bata pa lang tayo, sa kanya na talaga umiikot ang mundo mo and I can’t blame you.”
“I know it’s not okay. Huwag mo sanang isipin na ginamit kita. You’re special to me,”
“But not as special as Jay,”
“I know, right.”
“Friends?”
“Friends!” Niyakap ko siya for the last time.
I maybe lost him as a boyfriend but not as a friend. Isa siyang kaibigang tunay and I strongly believe that someday, mahahanap niya rin ang right girl para sa kanya.
“Baka langgamin kayo diyan,” boses ni Jay iyon! At hindi nga ako nagkamali.
Base sa pagkakatingin niya sa amin, I know and I feel that he’s jealous.
“Jay…” lalapit na sana ako sa kanya but he stopped me from walking forward.
“Sorry, istorbo yata ako sa moment niyong dalawa. I’d better go.”
Nilakihan ko siya ng mata, “Mercado! It’s not what you think! Aries and I..”
Bwisit na lalaki to, tinalikuran ako. Pinigilan ako ni Aries sa paghabol sa damuho kong boyfriend?
“Palamigin mo muna ang ulo niya,”
“Pero mali naman siya ng iniisip eh,”
“You know him much more than I do,” He has a point. May ugali kasi si Jay na hindi marunong makinig hanggat ayaw niya. Senseless lang ang pagtatalak mo kasi hindi ka rin naman niya papakinggan. Ang galing kaya niyang mag tengang kawali.
Sige, bukas ko nalang siya kakausapin.

---------------------------------
FRIDAY.
And it’s a bad day for me! Grrr! Nakakainis! Sana hindi nalang naimbento ang araw na ito!
The whole day siyang hindi nagtext. At ayun, apektado ang trabaho ko. Napagsabihan pa ako ni Ma’am Liz. Para daw akong nakipag break sa sampung boyfriend.
And please lang daw, huwag kong dalhin sa opisina ang problema sa bahay.
Wala naman sa bahay ang problema, Ma’am eh. Nasa kapitbahay ko. Gusto ko sanang sabihin to kaso huwag na lang. Baka humaba pa ang usapan.

As I went home, nagbihis lang ako ng damit pangbahay at derecho na ako sa tahanan ng mga Mercado, wala ng katok katok.
Badtrip naman! Sira na nga ang buong araw ko, mas lalo pang nasira dahil sa taong nabungaran ko sa sala nila.
Isang napakalanding tao. Buwisit! Buwisit! Buwisit!
Hawak nito ang helmet niya.
Lumabas si Hope at si Tita Mar. Mukhang ayaw madamaw ng mga sibilyan sa giyerang magaganap.
Nakakaselos! Magkatabi pa sila sa sofa ha! Ang kapal! Buwisit kang lalaki ka! Amagin ka sana!
Umandar na naman ang katarayan ko.
“Anong ginagawa ng malanding  to sa bahay ng boyfriend ko?” Tanong ko sa kurimaw na si Jay at talagang diniinan ko ang last two words na binitawan ko.
“Kinuha ko lang ang helmet ko,” si Hazel ang sumagot. “Sige, Jay, una na ako,”
Kumuha lang ng helmet kelangan talaga naka micro mini skirt at fitted na sando? Duh?!
“No! Hindi mo kailangang magmadali. Ako ang aalis. Sa’yo nalang ulit yang boyfriend ko!” Diniinan ko ulit ang last two words kong sinabi.

Sabay walk-out.
“Aliyah!” Narinig kong sigaw ni kumag pero hindi na ko lumingon o bumalik pa sa bahay niya.
Animal na Jay-mar, hindi man lang ako sinundan para pigilan.
Ang kapal talaga! Matapos niyang sabihin na mahal niya ako, eto’t nakikipaglandian sa ibang babae. Impakto ka!

Oh di ba? What a very disaster day for me!
---------------------------------------


















Chapter 9 –

SATURDAY

All my bags are packed I'm ready to go
I'm standin' here outside your door
I hate to wake you up to say goodbye
But the dawn is breakin' it's early morn
The taxi's waitin' he's blowin' his horn
Already I'm so lonesome I could die

So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh baby, I hate to go

There's so many times I've let you down
So many times I've played around
I tell you now, they don't mean a thing
Every place I go, I'll think of you
Every song I sing, I'll sing for you
When I come back, I'll bring your wedding ring

So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh babe, I hate to go
Now the time has come to leave you
One more time let me kiss you
Close your eyes I'll be on my way
Dream about the days to come
When I won't have to leave alone
About the times, I won't have to say

So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh baby, I hate to go

Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh baby, I hate to go


Si Mama naman! Makapag soundtrip, wagas na wagas! Palibhasa kapanahunan niya yang kantang yan eh.
Alas otso pa lang ng umaga pero para na akong nasa radio station sa lakas magpatunog ng nanay ko. Nakakainis. At patama pa talaga yung kantang yan.
Edi, umalis siya! Bahala siya sa buhay niya! Huwag na siyang magpapakita sa akin kahit kailan, ever!
Maghapon akong nagkulong sa kuwarto. Tinawag lang ako ni Mama para mag breakfast, lunch at dinner.
Buti naman at naramdaman niyang ayokong pag-usapan ang bagay na ayoko ng makita. Tao pala at hindi kami bagay.
Pati ang kapatid kong alaskador, buti naman at wala yata siya sa mood ngayon na makipag-asaran sa akin.
Magkulong ka ba naman sa kuwarto mo ng buong araw, hindi ka mabored?
Kaya yun, pagsikat ng buwan, lumabas ako ng bahay.
“Ma, bike lang ako,” paalam ko sa aking nanay.
“Sama!” singit ng kapatid ko.
“Tseh!” bara ko sa kanya.
“Dito ka lang Andrei, sige nak, ingat.”

Nilabas ko ang BMW kong bike na pamana pa sa akin ng daddy at tinalo ko pa ang roving guard namin sa pag ronda ng subdivision. Pero may isang kalye lang akong hindi dinadaanan. Masyadong maraming memories dun. Huwag na, baka umiyak lang ako.
Baka nakalipat na sila. Sanla-tira lang naman sila dun sa bahay nila eh. Bahala siya.
Siguro nga, we were not meant to be. Maaring mahal ko siya pero may hangganan din naman ang lahat. And one thing I’ve learned, mali ang gumamit ng ibang tao para maka move on. Siguro by this time, I’ll be much wiser na.
Hahayaan ko muna ang sarili kong makalimot at tsaka ko nalang ulit bubuksan ang puso ko para sa panibagong pag-ibig.
Tandaan, ang pag-ibig na pinipilit, nagiging mapait.
Tignan mo ako, bitter.
Napagod ako sa kakabike kaya’t naisipan ko munang tumigil sa park.
Wala ng mga batang naglalaro. May mangilan ngilan pang naglalakad. Pero pakiramdam ko, I am so alone in this world.
Hay, kailan ba magiging constant ang happiness sa buhay ko?
Masyadong naging makulay ang linggong ito. And it is enough to treasure my last week with him.
The week is done! And so am I. Us. Our friendship, our love, our story.
--------------------------------------
SUNDAY
Tuloy pa rin sa pag countdown ng weeks?
Any way, wala namang bago para sa araw na ito.
Family day for us. Pagkatapos magsimba, kakain sa KFC, shopping ng konte, grocery, sabay uwi. Maglalaro ng wii with my brother, mag o-online, maglilinis ng kuko, matutulog.

Ito ang usual routine ko every Sunday pero hindi ko inakala na mababago na naman ito.
Peste talagang lalaki yan, basta para sa kanya, kanselado ang lahat ng lakad o plano ko.

Broom! Broom!
Teka! Si Blue yun ha?! Ang aga- aga, bakit nandito siya?
Maliligo na sana ako dahil eight a.m. ang oras ng misa na ina attendan namin.
Ako naman si labas ng gate, mas excited pa yata ang mga paa ko kesa sa puso ko eh.
“Hi!” pamatay niyang bati sa akin.
Nalaglag na naman ang puso ko sa talampakan ko.
“Bakit dumadayo ka pa dito?!” pagtataray ko. Nakakasama kaya ng loob. Adik tong halimaw na ito hindi man lang ako kinausap bago sila lumipat.
“Dayo ka diyan. Taga-rito pa rin ako noh,” sagot nito sa akin.
“Hindi ka na taga-Alabang. Wag kang feeler!”
“Dito pa rin ako nakatira,”
“Oh, shut up!”
“Baka ikaw gusto mong selyuhan ko yang labi mo?” nagpakawala pa siya ng nakakalokong ngiti.
Aba! Aba! Ayos talaga ah! Oo na! Gusto ko yon! But never in his wildest dream na aaminin ko yon sa kanya.
“Tseh!”
“Bihis ka, alis tayo,”
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Ano ako? Kaladkarin?
“Ayoko nga! Ayos ka makapag demand ah! Kapal mo.”
“Dali na, o baka naman gusto mong ako pa magbihis sa’yo?” ngumisi pa ang loko.
Like! Joke lang.
“Maghintay ka diyan!” pumasok na ako sa loob ng bahay.
“Hindi ba pwedeng pumasok?” pahabol niyang tanong.
“Pag-iisipan ko…” sagot ko sa kanya.
Napakamot nalang sa ulo ang unggoy. Madami yatang kuto.
Derecho ako sa banyo.
“Ma!” sigaw ko sa aking mother dear, “May bisita ka!”
---------------------------------

“San mo ba ako dadalhin, Mercado?!” sakay na kami ng humaharurot na si Blue.
“Sa puso mo!” pilosopo niyang sagot.
“Sira-ulo! Matagal ka ng nandito!” taos puso kong sagot.
“Sa simbahan, pakakasalan ka na!”
Ang lakas talaga ng trip ng lalaking ito. Kinurot ko nga siya sa tagiliran, ayun gumewang si Blue. Medyo kinabahan din ako. Malakas talaga ang kiliti niya sa tagiliran eh lalo na pag kinukurot.
Tumigil kami sa gilid ng kalye at bumaba siya ng motor.
“Ano ka ba?!” singhal niya sa akin.
“Ang tino kasi ng sagot mo,” dahilan ko.Bumaba na rin ako ng motor.
Kinabahan din siguro siya. Nerbiyoso. Hehe.
“Sinasagot ko lang naman ang tanong mo ah!” ang lakas ng boses niya, promise!
“Sinagot mo nga, wala namang kuwenta,” I pouted.
“Anong walang kuwenta dun eh pakakasalan naman talaga kita ah!”
Matagal akong nakatitig sa namumula niyang mukha dahil sa galit.
“Seryoso?”
“Mukha ba akong hindi seryoso?! Hindi pa nga tayo nagpapakasal, madidisgrasya na tayo sa kalokohan mo!”
“Galit?”
“Obvious ba?!”
“Sa lahat naman ng magpo-propose, ikaw ang nanenermon. Magpari ka nalang kaya?!” asar ko ng sabi sa kanya. Siya pa tong may ganang magalit eh nagtatanong lang naman ako. Sana sinabi niya ng maaga di ba?.
Kasal lang pala gusto niya eh. Siyempre ibibigay ko iyon. With all my heart.
“Aliyah Mae Barreto! You’re really imposible!” naiiling niyang sabi sa akin.
“Same to you, Jay-mar Mercado! You’re also unpredictable! Ang labo mo!” sigaw ko rin sa kanya.
Kasehodang nasa gitna kami ng mapolusyong kalye, ilalabas ko na lahat ng hinaing ko sa mokong na ito.
“11 months mo akong iniwasan, out of nowhere bigla mo akong yayayain lumabas, sasabihin mong mahal mo rin ako, pero hindi mo ako hinayaang mag-explain about sa amin ni Aries. Tapos ni hindi mo man lang ako hinabol para kausapin o suyuin ng magalit ako, tapos ngayon you are declaring na pakakasalan mo na ako without explaining any further and lastly ngayon galit ka pa mag po propose ka na nga lang?!,” mahaba kong litanya sa kanya. Buti nalang nasabi ko sa kanya lahat ng ito bago tumulo ang mga luha ko. Buwisit na kurimaw to, he’s the only one who could make me cry in a busy street like this.
Niyakap niya ako and he slightly kissed me on the lips, “I’m sorry. I’ll explain to you later lahat lahat,”
Pinaandar na niya si Blue.



Chapter 10

Narating namin ang Antipolo Church ng hindi pa rin nagkikibuan. We also heard a mass there.
 After the mass, dinala niya sa overlooking place.
Wala pa rin kaming kibuan.
Siyempre naman noh, nasabi ko na ang mga sama ng loob ko sa kanya, it his turn now to explain everything to me.
“Li…” basag niya sa katahimikan.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko, ibuka ko lang ang bibig ko, tutulo na naman ang mga luha ko.
“Sa lahat ng mga nangyari. Ito ang pinakatandaan mo, mahal kita,” he said.
That magic word eased my pain. Worth it lahat ng paghihirap ng loob na pinagdaanan ko sa kamay ng mokong na ito.
“Naalala mo nung mga bata tayo, pag naglalaro tayo ng sikyo, gusto ko ako laging mag si save sa’yo. Just like a prince doing to her princess,” sabi pa niya. Madalas ko ngang mapanaginipan yon eh, paano ko makakalimutan ang mga panahon na iyon kung mismong mga panaginip ko ang nagpapaalala sa akin ng lahat.
“11 months ago, magtatapat na sana ako ng tunay kong nararamdaman para sa’yo kahit pa na hindi ako sigurado sa magiging sagot mo. Because you never said na gusto mo ko more than a friend. People around us think na bagay tayo at tayo ang magkakatuluyan pero I never heard a word from you na yun din ang gusto mong mangyari. When I saw you how you smile with Aries, parang sasabog ang puso ko,” he confessed.
“You were there?” gulat kong tanong sa kanya. Andun pala siya that time?! Pero bakit hindi siya nagpakita sa akin?
“Yes. My original plan was siya sana ang background music natin. Tinulungan niya akong mag set-up ng park and I never thought na magiging ganun ka fond ang pagkakatingin mo sa kanya. Ako kasi, everytime I look in your eyes, parang pagtinging kaibigan lang talaga ang inuukol mo sa akin. You never looked at me the way you look at him.”
“You never let me explain! You just judged me! You’re so unfair!” naiiyak na naman ako. Imagine, iniwasan niya ako, tinapon niya ang sampung taon naming pagkakaibigan just because of how I look on Aries? Kumag talaga tong unggoy na ito eh!
I am just trying hard to conceal my feelings for him during those times na tinitignan niya ako. Ang hirap kayang tumingin sa mga mata niya at magpanggap na hindi ko siya mahal.
He held my lips with his point finger.
“Sshhh…Let me finish first,” he said.
“I know it was a stupid mistake. Lalo na ang ihabilin ka sa ibang tao para alagaan ka at protektahan na supposedly ako dapat ang gumagawa. Pero kasi I just thought maybe we were really meant to be as friends. Naisip ko rin, at least pag magkaibigan tayo walang break-ups, walang commitments, walang LQ. I hate those stresses.
But when I saw you sleeping in my bed and confessing at me, sabi ko sa sarili ko, ikaw na ang babaeng gusto kong pakasalan. I already talked with Aries yesterday.”
Binuksan niya ang compartment ni Blue at inilabas dun ang isang maliit na teddy bear na may singsing sa maliit nitong braso.
“Will you be my Queen, princess?”
I can’t say yes.
I mean, with so much tears running down on my cheeks and with so much emotions that fill my heart, the only thing I could do that time is to nod my head.
I was so speechless. Saksi ang buong Metro Manila sa kasiyahang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
He wore me the ring, kissed me on the lips and hugged me so tight.
“I love you Aliyah!” he shouted at the cliff.
“I love you too, Jay-mar Mercado! Kumag ka!” he laughed at what I shouted.
“Kelangan talaga may kumag pang kasali?”
“Oo, kasi sobra mong pinasakit ang ulo ko pati na ang damdamin ko,”
“I promised, I won’t do it again anymore,”
“Promises are meant to be broken,”
“As long as the sun still goes up, it’s a living proof that not all promises are meant to be broken,”
“Huh?” sorry, slow talaga ako.
“Wala. Tara na. Hinihintay na nila tayo,” yaya niya sa akin.
“Nino?” maang kong tanong.
“Ng mga parents natin, mamamanhikan na kami ngayon,”
“What?! Agad agad?!”
“Oo, agad agad! May bahay na nga tayo eh!”
“Saan?”
No. 28 Amorsolo street, Grace Subdivision, Alabang,” sagot niya, teka lang, wait! May na process ang utak ko.
“House niyo yun ah!”
“Natin,” he corrected me, “kaya nga lumipat na sila Mama eh,”
“Nakakainis ka, Mercado! You know, I hate surprises!”
“But I love surprising you, ganda kasi ng mata everytime you’re shocked,” sinundan niya pa ng malakas na tawa. Muli ko siyang kinurot sa tagiliran.
Tara na, uwi na tayo!” natatawa kong yaya sa kanya.
“Saan? Sa bahay niyo o sa bahay natin?” nakangisi niyang tanong sa akin.
I would love to say na sa future house namin pero hindi pwede, naghihintay na ang mga parents namin.
No. 10 Garcia Street!” sagot ko sa kanya.
Narinig ko na naman ang malakas niyang tawa.
He knows the address of my own home.


















Epilogue -

It’s a fairy tale-themed wedding wherein I am wearing a sleeping beaty- inspired gown. Ako na si Princess Aurora, haha!
And my groom, guwapong guwapo sa suot niyang dinaig pa si Prince Charming.
Our family, relatives, closest friends and workmates are all present.
Buti nalang nagkasya silang lahat sa chapel na nandito sa loob ng subdivision namin. Hehe.
I don’t much care about the venue, reception, gifts or other things related with this matter.
Basta ang pinakaimportante lang sa lahat ay ang maikasal kami ng mahal ko sa harap ng Diyos saksi ang mga mahal namin sa buhay.
This would be one of the most unforgettable and wonderful events of my life.
I would never stop loving this man beside me. Kahit pa na ilang beses niyang pinasakit ang puso at ulo ko ay okay lang. At least at the end of the day, we both know that we were truly meant for each other.
Ang sarap lang isipin na ikakasal ako sa taong pinakamamahal ko. And I am proudly to say that he’s my first, one and only love.
Maybe he’s not my first boyfriend but definitely will be my last love.

Bestfriends could really fall in love with each other and we’re one of the living proofs.
Marahil iniisip ng iba na sayang ang friendship.
But sometimes, it worth naman the sacrifice. Pwede naman sigurong maging bestfriend mo ang husband mo di ba?
I’m finally getting married!

And I’m just so happy that it would be with my bestest  friend.
 Siya ang Prince Charming ko and I am not dreaming!  : )
END



No comments:

Post a Comment