Thursday, September 15, 2016

Paano Malalaman?


PAANO NGA BA?
Isinulat ni: CieloAmethyst 
Sept.15, 2016



Paano ko daw malalaman kung yung taong darating sa buhay ko ay si Orange Man na?

This is the question I've got when we played "truth or truth". 
Yeah, walang consequences, tanong lang lahat! 

So ano ang isinagot ko? 

Simple pero kumplikado. 

Ang gulo, ano po?

Ito lang naman ang naging sagot ko: Siguro kapag na-meet niya lahat ng standards na hinahanap ko. 

Oo, yan lang.


Nakakatakot.


 Baka kasi kapag dumating na pala siya at hindi niya iyon na-meet ay palampasin ko lang siya. Eh 'di, sayang.

Pero paano kung itapon ko ang standards na itinalaga ko para pala sa maling tao? Baka kasi akalain ko na siya na pala, pero katulad ng iba, dadaan lang din pala siya sa buhay ko, tatambay saglit pero tuluyan ding aalis. 

Nakakakaba.

 Hindi ko alam kung sino ba talaga. Kung dapat bang sundin ang sigaw ng puso o makikinig sa idinidikta ng isip.

Nakakatanga. 

Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kung paano ko nga ba talaga malalaman na siya na pala si Orange Man. Patuloy ba akong magmamatapang at hindi babaliin ang itinakda kong ideya para sa lalaking mamahalin?
O muling magtatanga-tangahan sa ngalan ng pag-ibig?
Paano pala kung na-meet niya lahat ng standards na gusto ko pero hindi pa rin pala siya ang itinakda para sa akin?

Back to zero na naman ang peg ko. 

Hayyy. 
Napakakumplikado talaga ng pag-ibig. 

Nakakalito, nakakatanga, nakakagaga, nakakasira ng ulo.

Kailangan ko nalang siguro magtiwala sa itinadhana para sa akin at kusa ko na lamang mararamdaman iyon. 

Si God na ang bahala sa akin tutal malakas naman ako sa Kanya.  :)

Hashtag look up. 



P.s. Kung bakit iyan ang larawan? 
Diyan kasi namin nilaro ng mga kaibigan ko ang "Truth or Truth".
Oo, diyan nila ako tinanong. 

Payaran Falls
Mascap, Rodriguez, Rizal

Wednesday, September 14, 2016

A Mythical Dream

DIWATA.




Since I was young, this is what I really wanted to be. Weird it is but is true.

You have powers that came from nature, from trees, from flowers, from earth, water, air. 

They say there are bad fairies, the ones who stole and kill mortal men. 
The one who got her heart broken so she always come for revenge. 
The one who plays and make lost those who wanders in the forest.
I can't blame these beliefs.
There are reasons why some turned out to be bad. 


But If I were given the chance, I would choose to be the kind of a life size pixie who wears a long and orange gown, has a flower crown, have colorful wings so I can fly, has a bright face, long and wavy hair, and smile is plastered on the pink lips.

Will never harm anyone and will have the power to protect all I love even if it will cause me pain. 

Revenge will never be my thing.

Even though my heart will be broken because of mortal one's doing, I will still go on with my life, do my duties and responsibilities, and learn to love again. 

To forgive and to give another chance may be a hard thing to do, but at least I will try. 
Because I'm not God. 

I'm just a fairy. 

...At least by heart.


"A Mythical Dream"
Written by: CieloAmethyst 
@diwatangcielo 
Sept.14,2016

PIKIT

 Pikit. 
Isinulat ni CieloAmethyst 
Sept.14, 2016



Sa pagpikit ng aking ng mga mata, ikaw ang nakita. 
Nagulat, nalungkot, sumaya at marami pa!
Muli mo na naman akong dinalaw sa aking panaginip. 
Lahat nang nadarama ay muling nanumbalik. 

Namimiss na naman ba kita o wala lang? 
At trip mo lang pumasok sa aking balintataw na walang muwang.
Malinaw ang mga kaganapan sa panaginip ko.
Nandun ka, nandun ako, nandun tayo. 

Ang suot mo pa ngang damit ay ang damit sa larawan na huli kitang nakita.
Para akong tanga na kinabahan pero natutuwa. 
Shet! ang gulo ng feelings ko, para talaga akong ewan.
Nagpapanic, gusto kang makasama, makausap pero gusto ring iwasan.

Ang labo ko, ang saya!

Labu-labo man ang nadarama ko at para bang sasabog ang dibdib ko.
Sobrang linaw naman nang mga pangyayari sa panaginip ko.
Nagkita tayo nang mata sa mata at puso sa puso.
Para akong hindi nananaginip, parang totoo lang ang lahat ng ito. 

Nakakagago.


Tumakbo raw ako palayo sa'yo dahil napapangitan ako sa aking sariling itsura.
Kinailangan munang magsuklay at medyo magmaganda.
Tumawag ang pinsan mo para sabihing nakaalis na daw kayo at sumunod nalang daw ako. 
Ang gamit ko pang telepono ay ang telepono mo! 

Bad trip talaga!

Sinubukan kong sumunod pero hindi ko na kayo makita. 
Nawala kayo nang parang bula at ako'y nagising na.
Maliwanag na ang paligid, umaga na pala. 
Tapos na rin ang kahibangan, sa mismong pagdilat ng mga mata.

Sabi nila kapag napanaginipan mo raw ang isang tao,
Ay gusto ka raw nitong makita sa totoo. 
Maniniwala ba ako at aasa sa chismis na iyon?
O hahayaan nalang na lumipas ang panahon at mag-move on? 

Sabi pa nila na kapag colored daw ang panaginip mo ay magkakatotoo iyon.
Pero kapag black and white ay never mangyayari yon.
Ano kayang basehan ng mga kwentong barbero na iyon?
Mas pipiliin ko nalang talaga ang mag-move on. 

Mag-move on mula sa walang kwentang panaginip at muling umidlip.
Maaga pa naman, may oras pa para muling pumikit.
At sa muling pagpikit ay kakalimutan ka na. 
Katulad nang ginawa mong paglimot sa pagmamahalan nating dalawa. 





Kumusta ka na? 
Hindi ako magaling na stalker dahil hindi kita makita. 


Thursday, September 8, 2016

MAG-ISA NA NAMAN

 Paano na nga ba ulit?

CieloAmethyst 
Sept.8, 2016 



Nakalimutan ko na ang pakiramdam nang may kasabay kumain na isang espesyal na tao sa buhay. 

Paano na nga ba ulit iyon?

Gaano na nga ba kasaya ulit iyon? 

Mukhang napapadalas na kasi ang paglabas ko nang mag-isa. At nasasanay na akong maging masaya nang mag-isa.

Ganito rin ba kaya kasaya kapag may kasama kang tao na mahal na mahal mo?

Masaya naman kasi ang mag-isa. Mas masaya ba kapag may kasama?


Hundi ko alam. Hindi rin ako sigurado. Pero baka sakaling mas masaya. 

Gusto mo ba akong samahan?



NOT ANYMORE

REGRETS NO MORE
CieloAmethyst 
Sept. 8, 2016


I don't consider myself as a broken-hearted girl anymore but instead as a hopeful girl that someday all the hurts I've felt are worthy.

I will finally realized and understand why every pain happened and why every sadness I have to go and feel through passed on my life. 

Everything will be cleared and will remain in the past. 
That depression which almost killed me will finally come to an end and happiness will just have to fill my heart for all the time. 

Forever is a big word that has gone through many debates between bitter and happy people. 
And I may say that forever there is. 
Forever change. Forever love. Forever life. Forever God. 

We only live once. We don't have to waste it. Let's have a happy life. Whatever circumstances we are going through right now, everything will come to an end, everything will change, either for the worse or for the better. 
Let's just choose the latter. 

I always hate Regrets. 
Because when we come to think of it, if we will always be full of regrets in our life, we won't be able to move on, move forward, move farther, fly higher. 
When I stop having regrets, I finally learned to let go and started moving on. And for the best, I become happy once again. 

NAGMAHAL, NASAKTAN, NAGPALAYA, NAGMOVE-ON, NAGING MASAYA ULIT. 

cieloamethyst.blogspot.com