Wednesday, October 28, 2015

National I Love You Day

#NationalIloveyouday

 I love you!
 To all the people who are very special to me. This day is for you. Thank you for being a part of my life and for letting me to be a part of yours too.

 I feel so blessed to have this kind of life with you all around me. God will always be the best for He allow me to be with all of you. 

So again, I love you!


 And to that special someone...

I hope I can say it to you straight into your eyes.
 I love you. 
This may have various meaning as of now but one thing is for sure. I am truly blessed and will be forever thankful because you came. 
I love you. 

May the time will come that these three special words will finally have its truest sense. 


#feelinghopeful




The Art Of Waiting

The Art of Waiting

 For The Right Time...



Tuesday, October 27, 2015

ASP (Oct. 25, 2015)

Project Pearls
After School Program
October 25, 2015
Helping Land, Tondo, Manila






Turning wastages into something useful…


“Let every individual and institution now thinks and act as a responsible trustee of Earth, seeking choices in ecology, economics and ethics that will provide a sustainable future, eliminate pollution, poverty and violence, awaken the wonder of life and foster peaceful progress in the human adventure.”
 -John McConnell, founder of International Earth Day



For this day's activity was to collect recyclable materials that we can use in making Christmas decorations for the upcoming season.
The students were divided into four groups and also the volunteer-teachers were assigned to each group.
There will be a group who will make a life size Christmas tree; Christmas garlands, Christmas lanterns and the holy family / nativity scene (belen).


The first part of this day's major activity was to plan and illustrate the decorations that we will make using different recyclable materials.


After that, the students together with the volunteer-teachers had a "field trip" around Helping Land to gather materials like plastic bottles, tin cans, plastic cups, etc. These will be used in making those Christmas decorations. We were given an hour to do the scavenging. Our students serve as our tour guides.
At 10:30 a.m., we were back in the covered area for the kids' recess.




Through this activity, we volunteer-teachers were able to see Helping Land on a greater perspective. Despite of the muddy and super slum area, we enjoyed the searching of garbage that we can possibly turn it into awesome Christmas decorations.




We, volunteer-teachers, realized that we were very lucky enough to have a comfortable home and we now more understand our students’ lives. Helping Land has been their home since they were born and we can truly say that they belong to the poorest of the poor families here in Manila.





We would like to thank our sponsors for the foods given to the kids during their recess. God bless you!



Friday, October 23, 2015

Dream On



"A life without goal is not worth living." -Judy Blume (From her book, Summer Sisters-Vix' yearbook quote)

Oh yeah!

Someday, that name will make it big in the writing industry.





#memapost



Thursday, October 15, 2015

Sa Puso ng Tondo (Maikling Kwento)



Ang oras ay ala-singko ng umaga. Bagamat inaantok pa ay pilit nang bumangon si Annie mula sa pagkakahiga sa malambot niyang kama. Araw ng Linggo at dapat sana ay ito rin ang araw ng kanyang pamamahinga.

Ngunit isang kaibigan ang nagyaya sa kanya na sumama sa lupain ng Tondo- na isang bahagi ng Kamaynilaan.
May isang organisasyon ang lingguhang nagsasagawa roon ng libreng pagtuturo at pagpapakain sa mga batang kapus-palad at naakay siya ng kaibigang si Yumi para maranasan ang ganung klase ng aktibidades sa unang pagkakataon. Napapayag siya ng kaibigan dahil wala rin naman siyang ibang gagawin sa araw na iyon maliban sa matulog maghapon. Pumapasok siya sa opisina mula Lunes hanggang Sabado at ang araw ng Linggo ang kanyang pahinga kung saan wala siyang ibang ginagawa kundi ang bumawi ng tulog.
Alas syete ng umaga nang makumpleto ang grupo sa napag-usapang tagpuan, at iyon ay sa Recto. Ang iba sa mga lumahok ay mga estudyante at ang iba naman ay katulad nila ni Yumi na nakatapos na ng pag-aaral at nag-ta-trabaho na. Patungo na silang lahat na nasa mahigit tatlumpo ang bilang sa lugar kung saan sila boluntaryong magtuturo at magpapakain sa mga bata.
 Mula sa aspaltong lupa na kanilang nilalakaran kanina ay naging maputik na ito nang makapasok sila sa balwarte ng Helping Land-ito ang pangalan ng komunidad na kanilang sadya. Itim ang kulay ng putik na kanila nang nilalakaran. Na sinamahan pa ng mga hindi kaaya-ayang amoy at itsura sa paligid. Ito ang unang pagkakataon na nakatapak sa ganoong klase ng lugar si Annie. Nasanay siya sa malinis at maaliwalas na paligid. Medyo nakakaalwan ang kinagisnan niyang buhay at hindi niya sukat akalain na may ganito pa palang klase ng lugar sa Maynila. Sa kabila ng modernisasyon at mga nagtataasang gusali sa Kalakhang Maynila ay mga nagkukubli pa pala na ganitong klase ng lugar. Hindi yata isang komunidad ang pinapasok nila kundi isang malaking tambakan ng mga basura. Ang kulay puti niyang sapatos ay unti-unti ng nagiging itim dahil sa nilalakaran nilang malambot na lupa. Bawat bahay na kanilang nadaraanan ay halatang gawa lamang sa mga hindi katibayang materyales at sadyang kayliliit. Mababakas ang karukhaan ng bawat residente na naninirahan dito. Marahil ito nga ang isang mukha ng Maynila.
Ang mga bata na nakadungaw sa mga pinto at bintana ay malaki ang pagkakangiti na tila ba masaya ang mga ito sa kanilang pagdaan. Bagamat kayrurungis ng mga bata ay tumatagos sa kanyang puso ang mga pagbati na kanilang natatanggap mula sa mga ito.
"Hello, teacher!"
 "Hi!”
"Hello!”
Masasayang bati ng mga ito sa kanila na sinasabayan pa ng pagkaway.

 "Hello din!" Masaya rin naman niyang tinutugunan ang pagbati ng mga ito.
 Bahagya siyang nagulat nang may isang paslit ang bigla na lamang humawak sa kanyang kamay at sumabay sa kanilang paglalakad. Wala naman siyang balak na bumitaw dito bagkus ay natuwa pa nga siya dahil napili siya nitong sabayan. Sa pagkakadaiti ng kanilang mga palad ay tila ba naramdaman niya na uhaw sa pagkalinga ang bata. Mukha rin itong masaya pagkakita sa kanya na para bang ngayon lamang ito nakakita at nakahawak ng isang tao.
Lalaki ang bata at sa hinuha niya ay maaaring nasa limang taong gulang pa lamang ang edad nito. Kagaya ng mga bata na una niyang nakita ay marungis din ito. Gula-gulanit ang suot nitong sando at short. Itim na itim ang mga kuko nito at mas maitim naman ang mga paa nito na walang sapin. Hindi nito alintana ang napakaputik na daan at tila ba sanay na ito sa paglalakad doon.

 "Bakit wala kang tsinelas?" Hindi niya napigilang maitanong sa batang kahawak-kamay niya.

"Wala po akong tsinelas." Sagot ng bata at lihim niyang ipinangako sa sarili na bibilhan niya ito.
Gasino ba naman ang isang pares ng tsinelas kumpara sa libong sinasahod niya bilang bisor ng isang pribadong kumpanya? Oo, nahahabag siya sa bawat eksena na kanyang nasasaksihan. Sa mga residente ng Helping Land at lalo na sa mga bata. Hindi malayong lapitin sa iba't ibang klase ng sakit ang mga nakatira dito at malamang rin na ang karamihan sa kanila ay walang makain.

"Kasali ka sa mga tuturuan namin?" Muli niyang tanong sa bata.

"Opo!" Masaya at puno ng enerhiya nitong sagot.

 "Kasi pagkatapos namin matuto, may libre pang pagkain. Kaya sumasali po ako."

"Bakit hindi ka pa naliligo? Kasi para kayong papasok sa eskwelahan kaya dapat maglilinis muna ng katawan bago pumasok."

 "Wala pa po kaming tubig." Hindi na siya nakasagot. "Wala din po kaming pagkain. Ay meron po pala, pagpag lang." bumakas ang lungkot sa marungis na mukha ng musmos.

"Ano'ng pagpag?" Wala siyang ideya kung ano ang tinutukoy nitong klase ng pagkain.

 Itinuro ng bata ang isang matanda na nakaupo sa isang sulok ng bakuran ng bahay nito. Abala ang matanda sa paghalukay ng isang malaking supot na sa tingin niya ay mga pinaghalo-halong tira-tirang pagkain ang laman. Isang buto ng manok ang pinapagpagan nito na tila inaalisan ng mga nakakapit na mga kanin.
Hindi niya ipinahalata ang pinaghalong pagkabigla at pagkamangha sa nakikita.

 "Ah. Yan pala ang pagpag." Naaalala niya ang mga pagkakataon na kumakain siya sa mga restawran. Madalas ay hindi niya nauubos ang kanyang pagkain at iniiwan na lamang niya ito sa mesa. Maaaring dito sa Helping Land pala napupunta ang mga pagkaing itinatapon ng mga taong katulad niya na may kakayanang makakain sa mga sikat at mamahaling restawran. Alam niyang ang pagkain ng pagpag ay hindi maganda. Dahil maaaring panis na ang mga ito at nababalutan na rin ng iba’t ibang klase ng mikrobyo na maaaring magdulot ng masama sa katawan.
Nang marating na nila ang lugar na nagsisilbing isang malaking silid aralan para sa mga bata ay bumitaw na sa kanya ang batang lalaki. Nakipila na rin ito sa hanay ng mga batang sa tingin niya ay kanilang tuturuan para sa umagang iyon.


Limang bata ang itinalaga sa kanya para turuan at ang mga ito ay nasa ika-apat ng baitang sa elementarya.
Abala sila sa pagkukulay ng mga drowing na nasa papel ng bawat isa nang bigla na lamang mag-kwento ang isa sa mga estudyante niya na si Sarah.

“Alam mo ba Teacher Annie, iniwan na kami ng nanay ko.” Panimula nito.
Bahagya mang nagulat ay mataman siyang nakinig sa kwento ng bata.

“Bakit niya kayo iniwan?”

“Kasi po may iba na siyang asawa.”

“Sino nang nag-aalaga sa inyong magkakapatid?” Nalaman na niya mula rito na apat silang magkakapatid.

“Si Tatay ko po. Patay na po yung dalawa kong kapatid. Isa nalang po ang natira. Bale dalawa nalang po kami. Ako po yung nag-aalaga sa kanya kapag nagbebenta ng ice cream si Tatay.”

Mas lalo siyang napuno ng kuryosidad sa kwento ng buhay ni Sarah. “Bakit namatay ang mga kapatid mo?”

“Yung si Kuya ko po namatay sa ospital dahil daw po sa inspeksyon tapos iyong isa ko pong kapatid, bigla nalang nagkasakit kaso wala kaming pampadoktor kaya namatay nalang po siya.”

Hindi na alam ni Annie kung ano pa ang magiging reaksyon sa kwento ng bata. Sa mura nitong edad ay marami na itong pinagdaraanan sa buhay. Naikumpara na naman tuloy niya ang naging buhay niya sa buhay nito sampu ng iba pang mga bata. Sadyang napakapalad niya pala sa pagkakaroon ng medyo may kaginhawahang buhay. Samantalang noon ay madalas pa siyang magreklamo sa kanyang mga magulang kapag may mga bagay siyang hindi nakukuha.

“Yung bago pong asawa ng nanay ko, nagtutulak po iyon ng droga. Dati nakikita ko po sila ni nanay na parehong gumagamit non.” Dagdag pa nitong kwento.

Hinawakan niya sa kamay ni Sarah, “ Basta huwag mong tutularan yon ha. Kahit iniwan na kayo ng nanay mo, magsikap ka pa rin sa pag-aaral.” Payo niya dito. “Huwag mong pababayaan ang isa mo pang kapatid at magpasalamat nalang tayo kay Papa Jesus dahil nandiyan pa si Tatay para alagaan kayo.”

Tumulo ang mga luha sa mata ni Sarah at mas lalo lang din siyang nakaramdam ng habag para sa bata. “Nangako po yon si Nanay sa akin na ibibili niya daw po ako ng damit nung birthday ko at tsaka po kakain kami sa labas pero hindi naman po niya tinupad.”

Pati siya ay naluluha na rin ngunit pinipigilan lamang niya. Kailangan niyang maiparating sa bata na dapat itong maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan nito. Niyakap niya si Sarah at pinatatahan.

“Hayaan mo sa Pasko, ako nalang ang magreregalo sa’yo ng damit. At kakain rin tayo sa labas. Basta ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral. At isipin mo lang na dapat paglaki mo ay matupad mo ang mga pangarap mo at mabili mo gamit ang sariling pera lahat ng bagay na kailangan mo. Sa ngayon, ang tangi mo lang magagawa ay mag-aral ng mabuti hangga’t may pagkakataon ka. At syempre ang magdasal. Kahit wala na si nanay, andyan pa naman si tatay. Alagaan niyo ang isa’t isa. Pati na rin si kapatid.”

“Teacher Annie, sana po makaalis nalang ako dito.”

“Paglaki mo Sarah, pagsikapan mo yan na magkaroon ng magandang buhay para makaalis ka dito.”

Sa pag-alis ni Annie sa lugar na iyon ay mayroon siyang naiuwing kwento sa kanyang puso at sinigurado niya sa kanyang sarili na babalik siya sa susunod na linggo upang muling makapiling ang mga batang uhaw sa karunungan, sa pagmamahal at sa pag-aaruga.


Sa pagdating ng sumunod na Linggo ay muli nga siyang bumalik sa Helping Land. Nilapitan niya ang isa sa mga una niyang naging estudyante. “Miko, bakit wala si Sarah ngayon?” tanong niya dito.

“Kinuha po siya ng nanay niya kahapon teacher. Isinama po siya sa Batangas.”
Napatango na lamang siya at lihim na ipinagdarasal na sana ay nasa mabuti itong kalagayan. Natupad ang hiling ni Sarah noong isang linggo. Ang makaalis sa lupain ng Tondo. Sana nga lang ay gabayan at protektahan ito ng Maykapal. Sabik si Sarah na matuto. Sampung taon na ito ngunit may kabagalan pa itong magbasa sa Ingles. Balak niya sana itong tutukan doon.
“Hindi bale, marami pa namang bata ang gusto ring matuto.” Aniya sa kanyang sarili.


Marahil ngayong araw ay may panibagong kwento na naman siyang maririnig kasabay ng pagbabahagi niya ng kaalaman sa mga batang ito.




WAKAS

Ang Buhay ni Sherina (Maikling Kwento)



Lahat ng nangyari sa iyo sa buong araw ay lagi mo nalang ikinikwento sa akin. Masaya man ito o malungkot ay wala kang pinipili at lahat nga ay iyong ibinabahagi. Kahit ang mga bagay na wala namang katuturan o maisipan mo lamang ay iyo ring sinasabi sa akin. Ang lahat ng iyong nararamdaman ay nadarama ko rin.
"Alam mo ba Meziah, na iyong lalaking hinahangaan ko sa eskwelahan ay sinabayan ako kaninang pauwi. Grabe ang saya-saya ko!" Kwento mo sa akin isang gabi at ako, tulad ng nakagawian ay matamang nakikinig lamang sa'yo. "Tapos hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako." Dagdag mo pang kwento at mababakas sa iyong mukha ang tuwa at kilig.
 "Oo nga pala, ang pangalan niya ay Andres." Kwento mo naman sa akin kinabukasan. "Matagal ko na siyang gusto at alam kong alam mo naman iyon. Unang taon ko pa lang sa hayskul ay siya na kaagad ang pumukaw sa nahihimbing kong puso." Punong-puno rin ng puso ang iyong mga mata, Sherina habang ikaw ay naglalahad ng iyong mga kwento.
 Nasa ikaapat ka na ng taon sa hayskul nang ligawan ka ni Andres at bawat pangyayari sa ganitong kabanata ng iyong buhay ay alam ko. Masaya ako para sa'yo.
Minsan lumilipas ang isa o dalawang linggo na hindi mo ako kinakausap. Lalo na kapag abala ka sa iyong mga gawain sa eskwela. Naiintindihan ko naman iyon dahil malapit ka nang magtapos. Abala ka na rin sa paghahanda sa bago mong papasukang mundo. Ang mundo ng kolehiyo.
Isang tumatangis na Sherina ang minsang lumapit sa akin makalipas ang ilang linggo niyang pananahimik. "Ang sakit, Meziah! Sobrang sakit ng puso ko ngayon. May iba ng mahal si Andres. Ang tanga-tanga ko dahil minahal ko siya ng sobra-sobra. Akala ko siya na ang una't huli kong pag-ibig ngunit nagkamali pala ako. Ngunit kailangan kong bumangon. Marami pa akong pangarap at hindi ko hahayaan na masira ang buhay ko nang dahil lang sa isang maling pag-ibig. Kasabay ng pagtatapos ko sa hayskul ay tapos na rin ang kahibangan ko kay Andres. Maraming salamat sa pakikinig, Meziah." Sa iyong pighati at muling pagbangon ay kasama mo rin ako Sherina.
Lumipas muli ang maraming araw at madalang mo nalang din akong kausapin. Muli ay iniintindi na lang kita. Gaya nga ng sabi mo, mas mahirap ang iyong mundong ginagalawan ngayon. Kinakailangan mong panatilihing mataas ang iyong mga grado upang hindi ka mawala sa hanay ng mga iskolar ng bayan. Nagpapasalamat pa rin naman ako dahil kapag labis-labis ang iyong nararamdaman ay hindi mo ako nakakalimutang bahagian ng kwento at minsan sa mga masasayang okasyon sa buhay mo ay binabati mo ako at kinukwentuhan. Hindi ko alintana kung mahaba man ito maiksi.
Isang bagong pag-ibig ang dumating sa iyong buhay.
"Meziah! Maligayang pasko sa'yo! Isang pulseras ang aking natanggap na regalo mula kay Benito at sobrang saya ko. Ito raw ang magiging simbolo ng pagmamahal niya sa akin. Habang suot ko raw ito ay hinding hindi siya mawawala sa akin. Ako naman ay binigyan ko rin siya ng isang napaka-espesyal na regalo. Mahal na mahal ko siya at alam kong ganun din naman siya sa akin kung kaya naman ibinigay ko na sa kanya ang matagal na niyang hinihiling mula sa akin. Noong isang linggo lamang iyon at hindi ako nagsisisi sa bagay na ipinagkaloob ko ng buong puso sa kanya. Sa palagay mo Meziah, hindi naman mali ang ginawa ko, hindi ba?" Katahimikan ang naghari sa pagitan nating dalawa.
Hindi ako makasagot sa itinanong mo sa akin bagkus ay hinayaan lamang kita na magkwento pa ng magkwento sa akin. Sino ako para punahin ang mga desisyon mo sa buhay? Isa lamang akong hamak na tagapakinig. Lumipas ang Bagong Taon at araw ng mga puso nang hindi ka nagpaparamdam sa akin ngunit muli ay inintindi ko iyon. Alam ko namang masaya ka sa bago mong pag-ibig pati na rin sa mga bagong kaibigan at masaya na rin ako para sa'yo.
Bago matapos ang unang taon mo sa kolehiyo ay muli kang lumapit sa akin. Naguguluhan, tila mababaliw na at tumatangis na namang muli. "Ano ng gagawin ko ngayon, Meziah?" tanong mo sa akin habang patuloy ang pagragasa ng iyong mga luha sa maganda at maamo mong mukha. "Nagbunga ang regalong ibinigay ko kay Benito at hindi ko na alam ang gagawin ko. Masisira ang lahat ng nauna kong plano at magagalit sa akin ang mga magulang ko. Paano na ang buhay ko ngayon? Wakasan ko na lang kaya ito? Lalo pa at wala raw balak si Benito na suportahan ito."
"Huwag Sherina, huwag!" Impit kong hiyaw. Kung mawawala ka ay mawawala na rin ako. Isa pa, napakasarap ang mabuhay. Ang maging malaya, kumilos ng naaayon sa iyong gusto at makarating sa lahat ng lugar na iyong nais ay mga biyaya ng maituturing. Maswerte ka na nga at mayroon ka nito kumpara sa akin. Hindi naman sa nagrereklamo ako kung anong silbi ang ipinagkaloob sa akin. Ang punto ko lang naman ay sana hindi pa ito ang maging katapusan nating dalawa.
Salamat sa Diyos at nabago ang una mong desisyon. Iyong pinanindigan ang munting anghel na biyaya ng langit para sa'yo. Nag-iisa man sa buhay-pagka't wala na si Benito, at natigil ka pansamantala sa iyong pag-aaral, ay dama kong masaya ka pa rin. Patunay rito nang muli mo akong kausapin at ibahagi mo sa akin ang iyong mga nararamdaman.
"Kaya ko 'to Meziah. Tama ka. Napakasarap ang mabuhay. Lalo pa ngayon na may isang buhay na rin ang nakadepende sa akin. Mamahalin ko ito ng buong puso. Salamat rin sa suporta ng mga magulang at ipinapangako ko sa kanila na babawi ako. Hinding hindi na muli ako magiging tanga sa pag-ibig. Maraming salamat rin sa lahat ng aral na aking natutunan. Lalo na sa'yo Meziah, salamat sa pagdamay mo sa akin. Kung wala ka ay baka wala na rin ako ngayon. Salamat sa pagiging sandigan ko at hingahan ng aking mga hinaing."
Nadarama ko Sherina ang naging pagbabago ng iyong buhay. Mas naging maabilidad, matapang, masayahin at marunong ka na ngayon. Salamat din ng marami sa mga kwentong patuloy mong ibinabahagi sa akin. Muli, masaya ako para sa'yo. Ikaw ang pinakamatatag na taong nakilala ko.
Nang lumabas sa mundo si Angelito ay mas naging abala ka na. Ngunit paminsan-minsan ay nagkakaroon ka pa rin naman ng panahon para sa akin. Alam kong nahihirapan ka ngunit masaya ka pa rin lalo na sa tuwing masisilayan mo ang iyong pinakamamahal. Muli ka ng nakabalik sa pag-aaral at iyo ng pinagsusumikapan an makatapos sa takdang panahon para sa kinabukasan ninyong dalawa.
Lumipas ang apat na taon at isa ka ng empleyado ngayon sa isang prestihiyosong kumpanya. Manaka-naka na lang din kung ako ay iyong kausapin. Ngunit ayos lang iyon dahil sanay na ako at nauunawaan ko ang iyong mga pinagdaraanan sa buhay. Sa paglaki ni Angelito ay mas naging abala ka na para sa ikabubuhay ninyong dalawa.
 Sa totoo lang ay medyo nabigla ako nang lumapit ka sa akin upang magbahaging muli ng isang bagong kwento. "Meziah, pilit bumabalik sa buhay ko o namin ni Angelito si Benito. Dapat ko pa ba siyang tanggapin? Kung tutuusin ay masaya naman na ako ngayon na kaming dalawa lamang ng anak ko at natutustusan ko naman ang mga pangangailangan namin. Kailangan pa ba namin siya? Matagal ko na siyang napatawad at ang ibig bang sabihin non ay maaari ko na siyang mahalin muli at tanggapin?" Katahimikan na naman ang naghari sa pagitan nating dalawa. Matagal. Tila pareho tayo na may malalim na iniisip.
 Hindi ako makasagot. Masyadong mabigat ang desisyon na iyong gagawin.
"Ngunit naiisip ko si Angelito. Hindi ba at mas masaya ang may kumpletong pamilya? Lagi na niya akong tinatanong kung sino ang kanyang ama. Panahon na nga ba para pagtagpuin kong muli ang aming mga landas? Nagugulugan na ako Meziah! Ano'ng gagawin ko?" Dagdag mo pang wika. Kagaya mo ay hindi ko rin alam ang dapat gawin o sabihin.
Makalipas pa ang ilang araw ay nakapagpasya ka na. Ipinakilala mo si Angelito sa kanyang ama ngunit hindi mo na hinayaang mabihag nitong muli ang iyong puso. Sapat na para sa'yo ang may nakilalang ama ang iyong anak. Tuloy pa rin ang buhay mo bilang mag-isang tumataguyod sa iyong pamilya. Maituturing pa rin naman na isang pamilya kahit wala ang presensya ng isang ama hindi ba? Sapat na ang iyong mga kapatid at magulang upang kilalaning pamilya ni Angelito.
Lumipas muli ang maraming taon na patuloy kang naging masaya kahit na walang kapares ang iyong puso. Tanging si Angelito lamang at ang iyong pamilya ang kumumpleto sa iyong simpleng pamumuhay.
Minsan naman ay lumapit ka sa akin na tila ba hindi ka mapakali at lubos-lubos ang iyong pag-aalala.
Anong problema mo?
“Si Angelito ko, Meziah! Ke-bata-bata ay mayroon na siyang nagugustuhan sa kanilang eskwelahan. Matalino daw ito at maganda at ang kwento pa niya ay may gusto rind aw ito sa kanya. Susme! Ayoko pang magka-apo ng maaga. Hindi pa ako ganun ka-tanda.” Puno ng tensyon mong pagsusumbong sa akin. Hindi mo rin naman masisisi si Angelito dahil lumaki itong guwapo na namana mula sa’yo, matangkad at may kaputian pa. Kaakit-akit rin ang mga ngiti nito na kahit sino sigurong dalagita na kaedaran nito ay magkakagusto dito.
“Hindi pa pwede, Meziah. Hindi pa siya pwede magkanobya. Kailangan muna niyang makatapos ng pag-aaral. Ayokong maging kapalaran niya ang nangyari sa akin noon. Kung sakali man na may mabuntis siya ay hindi ko hahayaan na takbuhan niya iyon. Ngunit utang na loob naman, huwag muna ngayon. Masyado pa siyang bata! Kinse anyos pa lang ang mahal ko.”
Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa iyong mga pinagsasabi, Sherina. Masyadong malayo na ang tinatakbo ng iyong isipan. Kumalma ka. Nagkakagusto pa lamang ang binatilyo mo at hindi pa ito mag-aasawa kaagad. Parte ito ng kanyang buhay pagbibinata at natural lamang iyon. Hindi ba’t labing dalawang taong gulang ka lamang noon nang una kang magkagusto sa isang lalaki?

Dumating na ang araw na aking kinatatakutan. Labis kong ikinalungkot ang sumunod mong ibinalita sa akin. Tanging pagdarasal na lamang ang ating magagawa upang ating mga buhay ay madugtungan pa.
 "Meziah, may taning na ang buhay ko. Ang sabi ng mga doktor, tatlong buwan na lamang ang aking itatagal. Masakit tanggapin dahil nais ko pa sanang makitang makapagtapos ng pag-aaral si Angelito. Ngunit kung ito na ang kaloob ng Diyos sa akin ay wala na nga talaga tayong magagawa." Puno ng pagtatangis mong wika sa akin. Ramdam ko ang paghihirap ng iyong ng damdamin pati na rin ang pagdurusa ng katawan mong unti-unti ng nauupos dahil sa isang sakit.

Madaya ka Sherina. Sapagka't hindi ka man lang umabot sa tatlong buwan na ibinigay sa'yong taning. Wala ka na. Wala na. Ako ngayon ang lihim na tumatangis dahil sa iyong pagkawala.
Ngayon nga ay araw na ng iyong libing. Nagluluksa sa paligid ang lahat ng tao na nagmamahal sa'yo at naging bahagi ng buhay mo. Kabilang na ako doon.
"Teka lang lola, isama pa po natin itong diary ni Mama sa loob ng kabaong niya. Ibinilin niya ito sa akin." Wika ni Angelito sa iyong ina.
Ipinasok na nga ni Angelito ang isang makapal na kwaderno na may nakaimprentang "MEZIAH" sa pinakaharap na dahon sa loob ng iyong ataul.
Magkasama pa rin tayo hanggang sa huli, Sherina. Salamat sa lahat ng iyong kwento na ibinahagi mo sa akin. Katulad ng iyong buhay, ang mga pahina kong taglay ay ubos na rin.

WAKAS

Wednesday, October 14, 2015

ASP Oct. 11, 2015

Project Pearls
After School Program
Helping Land, Tondo, Manila




Oct. 11, 2015


“The strength of a woman is not measured by the impact that all her hardships in life have had on her; but the strength of a woman is measured by the extent of her refusal to allow those hardships to dictate her and who she becomes.” – C. Joybell C



For the first part of this day’s program, a brief orientation with the volunteers was held. Teacher Jedda also explained of what would be this day’s activity was all about.


The class officially started at 8 a.m.

After the prayer, then sing and dance activity with the kids, a puppet show was presented by two of our volunteer-teachers.  Thank you Teacher Jedda and Teacher Arman for a very entertaining and at the same time a very worthy show. The presentation was about the rights of a girl to have a proper education. We, women, were not just for household chores or housewife duties. Equality among men and women should be implemented all over the world.




For this day we celebrated the International Girls’ Day as declared by the United Nations.  In relation with this world wide event, volunteer-teachers’ main task was to hear stories from their students on how they become strong with some of their life’s turning points. They can also share their own stories of strength and courage with the kids. Yes, it was a Sunday of sharing and even counseling. Through this activity, a stronger rapport was built between volunteer-teachers and their students.




Students were also asked to write down on the paper the name of a woman they know that they look up to for being strong.  This can be their mothers, teachers or anybody that serves as a role model for them.


Thank you so much to our sponsors because aside from foods for the kids’ recess, story and academic books were also distributed for the kids. They took home the books and some of them already started to read it while the class was still on-going. It was such a nice scene seeing those kids eagerly wanting to learn new things through the books given to them.



May God will bless all the kind hearted individuals who care for these less fortunate youngsters. And those individuals would definitely be our sponsors, volunteers, and all the people who are behind Project Pearls for making all these things possible.



Volunteer. Advocate. Share.
www.projectpearls.org

Tuesday, October 6, 2015

ASP Oct. 4, 2015

Project Pearls

After School Program

Helping Land, Tondo, Manila
Oct. 4, 2015



“Wisdom is not a product of schooling but the lifelong attempt to acquire it.” – Albert Einstein


Hello Science Day!



Volunteer-teachers’ task for this was day was to teach their students about Science.  For the kinder to grade 1 kids, the topic would be Day and Night. For grade two to seven, lesson would be about the Solar System, planet Earth and other similar topics.


After the prayer and then sing and dance activity, the students who got the highest scores from the previous Math exam got special prizes. Thank you Loose Marbles and to those who donated the art materials as prizes.


A story telling was held once again and was narrated by Kuya Aman. This time, the story was entitled, “Ang Alamat ng Sibuyas”.

After the said activity, we proceeded to tutorial session.  Students were also told to draw the Solar System or the planet Earth in relation with this day’s lesson.

We would like to thank our sponsor, Miss Maria De Jesus as she celebrated her birthday with the kids in Helping Land. Thank you so much for the foods!

As Albert Einstein also said, “Nothing happens until something moves.”


Thank you to our movers, our volunteer teachers, and sponsors for making things happen in Helping Land. The universe is so huge and vast. We are thankful that we are not alone in our advocacy because of our volunteers and sponsors. Thank you for making a difference in our universe. Thank you for making a child's world better. One day, we shall all save the world.


Volunteer.
Advocate.
Share.


www.projectpearls.org