Date Written: January 16, 2024
“Comparing is the thief of joy.”
What’s the opposite of Joy? Sadness?
Minsan, hindi ko talaga maiwasan ang maramdaman ‘to.
Lalo na kapag nakikita ko ang sarili ko na malayo pa sa
gusto kong mangyari sa buhay.
Then there will be rejections and disappointments.
Failure. That’s how I describe myself.
And that’s the evil power of Social Media.
Nagagawa nating mainggit sa success ng iba.
Yes, masaya tayo para sa kanila but somehow and deep inside,
we are longing to have those things na meron sila at wala PA tayo.
Nakaka-inspire naman talaga na magpursige pa sa buhay para
makamtam natin yung mga pangarap natin.
And yet somehow, it is still depressing because why can’t we have it yet? Or
will it really come to our life?
Magandang trabaho, malaking savings and other investments,
bahay at lupa, kotse, jowa, kasal, baby, travel local and abroad, nakakakain sa
masasarap na restaurants. Iilan lang ‘to sa mga bagay na gusto nating makuha
soon or someday soon.
Ito rin kasi yung mga bagay na madalas nating makita kapag
nag-scroll na tayo ng newsfeed.
Kapag wala tayo ng mga bagay na ‘yan, feeling natin failure
tayo, feeling natin wala tayong silbi.
Mahirap magmarunong,
madaling sabihin na huwag tayong mainggit o huwag na tayong mag-scroll!
But as usual, it is easier said than done.
Siguro, focus na lang tayo sa goal natin at sa mga bagay na
meron na tayo ngayon. Let’s give value to our present time. We were so busy planning
and going to our future. Then we’ll forget that today will just be a mere memory
in the future. So why not we make the best out of it now? Para naman kapag
nag-look back tayo ng ating mga past, walang regrets, tears of joy lang at
paghanga na nagawa natin o nangyari ang mga bagay na ‘yon.
Magpasalamat, pahalagahan ang mga meron tayo. Cherish and
treasure what we already have.
At maging inspirasyon ang mga bagay na wala pa sa atin.
Na someday, tayo naman.
Hindi tayo failure.
We are meant to be successful on our own ways and own pacing.
Tiwala lang.
Makakarating din tayo.
#trashbin
#DiwaThoughts
No comments:
Post a Comment