Date Written: January 17, 2024
“Traveling – it
leaves you speechless, then turns you into a storyteller.” – Ibn Battuta
Yung nakakapunta ka sa iba’t ibang magagandang lugar, nakakarating
sa mga tourist spots o local spots man na hindi mo pa napupuntahan, makakain ng
mga pagkain na bago sa iyong panlasa, makisalamuha sa mga lokal o sa mga kapwa
mo turista, makakita ng dagat, bundok, falls, mga isla, white sand beaches,
lighthouses, historical places, mga ilog, hanging bridges, kagubatan, national
highways, souvenir shops – THESE ARE THE BEST FEELING EVER!
Tapos kasama mo pa ang mga taong importante sa’yo pati na
ang sarili mo – kung solo ka lang.
Ang sarap mag-travel!
Pero…
Kaakibat nito ang mga naiwang trabaho,
Ang mga bagay na ino-overthink mo,
Mga tao o alaga na naiwan sa bahay o minsan yung mismong bahay
ang inaalala mo.
Ang balat na mangingitim,
Higit sa lahat:
Ang limited budget na meron ka,
At ang mga bayarin pagkatapos ng bakasyon,
Minsan pa nga may kasamang takot at pangamba lalo na kung
mag-isa ka lang o may kasamang ibang tao na hindi mo masyadong kilala.
Pero bakit nga ba tayo naglalakbay?
Ano ba ang purpose nito sa buhay natin?
Para makapag-relax?
Iwas burn out sa trabaho?
Forda experience?
Forda fotos pang-upload?
Bakit nga ba?
Siguro kung ako ang tatanungin, I travel because I want to
see the world on a more colorful, crazier, bigger and wider perspective.
Minsan kasi feeling main character tayo sa maliit nating
mundo.
Pero kapag lumabas ka pala sa lungga mo, malalaman natin na may
iba-iba tayong kwento mula sa iba’t ibang lugar.
Masarap makipagkwentuhan sa mga lokal.
Masarap din sa pakiramdam ang makakita ng mga magaganda at bagong
tanawin tapos mapapaisip ka nalang na paano kaya ang tumira dito? Paano ang way
of living nila na iba sa akin?
Iba ang normal nila sa normal ko.
Iyong tipong sa tuwing gigising ka sa umaga, paglabas mo ng
bahay, dagat na ang makikita mo at hanggang sa bago ka matulog.
I travel because I want to experience the other way of life.
Na kahit isang beses sa isang taon man lang ay nararanasan
ko ang gumising na iba ang routine at environment kaysa nakagawian.
This excites me to look forward on my travelling dates.
Nawawala ang boredom sa usual routine kasi alam mo na
darating ang araw na magiging masaya ka ulit dahil sa mga bagong experience na
mararanasan mo.
Planning, organizing and looking for affordable places to go
excite me.
Masarap kaya mag-drowing at mas masarap kapag nakulayan ito!
One of my favorite seats are plane’s window seat – ka-face-to-face
ang mga ulap.
Pati na rin ang mga bangka na patungo sa mga isla.
Masarap sa pakiramdam ang hangin ng dagat na sumasampal sa
mukha mo.
There’s a calming peace feeling in there.
Sana palaging nag-ta-travel na lang noh?
Pero kasi kaakibat din noon ang malaking gastusin lalo na
kung ordinaryong tao ka lang.
Pag-iipunan mo talaga nang malala. Kasama ang travel fund sa
monthly expenses mo. Tipid-tipid for the word talaga lalo na pagkatapos ng traveling
dates.
There’s also travel while working. Swerte mo kung privileged
mo din ito, as in all access paid.
Pero siyempre ay may kaakibat din itong responsibilidad. Everything
has payment and consequences.
Ano ba ang point ko sa sulating ito?
Wala naman.
Gusto ko lang sabihin na ang sarap mag-travel. Iyon lang
talaga.
Kaya for me, as much as we can, we should travel kahit once
a year lang.
Yes, maraming responsibilities ang isang adulting person. Alam
ko ‘yon.
At marami din tayong bayarin.
Pero hindi lang tayo nabubuhay para sa bills.
Masarap lumaya kahit panandalian lang.
Para na rin sa pagtanda natin ay may ma-lo-look back tayo na
magagandang experiences and we can be the best storyteller we could ever be!
Masarap makakita ng mga tanawing bago sa ating mga mata at
maikwento iyon sa iba.
Kaya sana gawin natin ‘yon habang kaya pa, habang may oras
pa.
Above all, we should be grateful if ever we experience travelling
because it’s a kind of blessing that we more than deserve.
#TrashBin
#DiwaThoughts
#ToWanderAndWonder
No comments:
Post a Comment