(Kunwari Movie Review)
Date Written: April 6, 2020
What’s your favorite hobby?
Surfing? Not the waves but the internet?
Internet mapa-Wi-Fi man yan o mobile data o free data, Cellphone,
Laptop, PC, tablet, Social Media. Ito ang mga bagay nagpapaikot ng mundo mo.
Yung tipong oras-oras ay hawak mo ang gadgets mo at babad ka
sa internet.
Updated ka sa lahat ng issues sa paligid mo.
Lahat ng kwento ng friends mo sa IG at FB ay alam mo. Favorite
hobby mo rin ang mang-istalk ng ibang accounts. Minsan sa mga artista or minsan
sa mga taong kinaiinggitan mo o may galit ka.
Pati sa politics at showbiz updated ka.
Wala ka ring pakialam, fake news man o hindi ang mga nababasa
mo. Basta ang alam mo lang, tama ang pinaniniwalaan mo. Minsan pa nga ikaw pa
mismo ang nagpapakalat ng mga balitang nasagap mo kahit hindi ka sigurado kung
totoo ba ‘yon o hindi. You even shared your insights and how you feel sa mga
articles na nababasa mo.
Don’t be guilty if naka-relate ka. Okay lang ‘yan. Pareho
lang naman tayo.
Dahil marami akong oras ngayon, nanood ako ng pelikula.
Favorite ko si Sue kaya napili kong panoorin yung title sa itaas. And so far,
sa mga movies niya na napanood ko na, ito ang pinaka-nagustuhan ko.
Bakit?
Sana mabasa mo ‘to hanggang dulo.
Warning: Spoiler Alert.
Iikot ang kwento kay Norma, Leo at Aries. Sige, isama na
natin si Macha na best friend ni Leo dahil napasaya niya rin ako sa mga
simpleng banat niya at sa bonding nilang mag-best friend.
Ayoko naman magtunog-spoiler pero parang medyo magiging
ganon ang mangyayari kapag natapos mo itong basahin. So, read at your own risk.
Kung napanood mo naman na ang pelikulang ito, I would be very happy to hear about
your insights about this film. May comment box sa ibaba, you know what to do.
Ayun na nga.
Couple goals sa College Campus at sa Social Media. ‘Yan sina
Norma at Leo.
Siguro karamihan sa atin, isa din ito sa mga goal natin sa
buhay, ang mag-trending (in a good way siyempre) at ang magkaroon ng maraming
likes and hearts sa bawat posts natin.
Nakakalungkot kapag walang nag-like o sasampu lang pero
sobrang nakakataas ng confidence level kapag lumagpas na sa 50 ang reactions na
natatanggap natin.
Here comes Aries, the yonunger brother of Leo. Ang humohopia
sa kwento. He doesn’t believe in “Love at First Sight” not until he met Norma.
Si Aries ang unang nakakita kay Norma pero sabi ng writer, kay Leo ma-i-in love
si Norma at bilang nakababata at dakilang younger bro ay magpaparaya na lang siya.
Nag-google ako ng konti para ma-validate kahit papaano ang naging
sakit ni Norma.
And it said na may mga cases nga na nagpapa-totoong may mga
taong pwedeng magkaroon ng sakit na “electromagnetic hypersensitivity syndrome”;
though this disease is still a theory and still being studied. Electromagnetic
Radiation includes radio waves, microwaves, infrared, light, UV, X-rays, gamma
rays and yes, wi-fi.
Source: washingtonpost.com; Wikipedia, WHO
Dahil nagkasakit si Norma ay iniwas siya ng mommy niya sa
wi-fi, cellphone at kuryente. Iniuwi siya nito sa province sa lola niya kung saan
wala ang lahat nang nabanggit na bawal sa kanya.
Fake News Issue then entered the scene. Dito ako humanga
sa movie at naipasok nila ito.
Fake News is just a modernized term for Chismis. ‘Upgraded’
chismis ‘to dahil digital na. Ang chismisan area dati na nasa mga kalye lang,
ngayon nasa mga group chats na.
Yung best friend ni Nerma na si Margaux that turned out to
be a besssss (insert snake sound effect here) pala ay nagpakalat ng Fake news tungko
sa kaya. Na kaya daw umuwi si Norma sa probinsiya ay dahil buntis ito at doon
ito manganganak.
Dahil wala ng alam sa outside world and Social Media
outdated na si Norma, sila Macha and Leo ang nagparating sa kanya ng balitang iyon.
Para maka-ganti kay Margaux, ginatungan nila ang fake news na
ginawa nito. They created pictures kung saan pinapalabas nila na si Margaux ang
nag-udyok kay Norma na magpalaglag.
See! In this modern world, everything can be fabricated.
Kaya huwag basta-basta maniniwala sa mga mababasa o maririnig natin. Because proofs
can be created and facts can eventually turn out into fictions.
Baka nga noon pa talaga ‘to eh. Yung mga conspiracy theory
na nasusulat noon. Different classic hoax like ‘staged’ “Landing on The Moon”. Hindi natin alam kung totoo ba ‘to unless we
will dig dipper.
Back to the story, dahil sa ginawa ni Norma, na-suspend si
Margaux at pati si Leo ay nasira ang image sa school. Muntik pa niya itong
ikatanggal sa basketball league nila. Nagalit si Leo kay Norma at naki-pag break.
The Love Letters.
To explain her side and to reconcile with Leo, the only way
to communicate with him is through letters.
Yung very classic na snail mail. Sumulat si Norma kay Leo using
typewriter. But Leo refused to read the
letter at napunta ito kay Aries.
Aries replied on behalf of Leo. Na parang nakikipag-reconcile
na rin siya kay Norma. They exchanged love letters through post mails. Pero
medyo digital nga lang. Printed love letters kasi yung gamit ni Aries.
But I still find this kilig. And to guys who are still doing
this, girls owe you so much pogi points!
I’m a fan of classic love letters. Sobrang timeless romance ‘to
for me. Being a millennial, I have still witnessed and experienced collecting stationaries
(scented papers), writing letters to crushes and friends, filling in slum books
and other Batang 90’s have done; so I’m still lucky! Before the digital era
dominates the world, I have been there to the pre-digital world.
Hindi ko na ikukwento yung ibang scenes especially the
ending kasi sobrang spoiler ko na.
I just wanted to point out the great scenes that I loved on
this film...
And that’s Fake News and Love Letters.
Click Bait ba? Ha-ha. Sorry.
I just want to leave these notes as your key take-aways on
this write up:
Always, always, think before you click. It’s not bad to
express our thoughts and feelings to Social Media but we have to consider how
this will affect our readers aka chismosa friends. We are being judged
on how we post. I’m not a Social Media master but I just want you to know that
even without the Social Media world, we can still connect with our true to life
friends and family. It’s okay to disconnect sometimes and reconnect with the
rest of the world. Like Norma, she realized that there’s more to life than wi-fi
signals on a dead-spot paradise (her lola’s place in the province).
Sunsets, beach, mountain, hills, nature. Walang wi-fi, phone
signal and even electricity. Back to the old days. Let’s escape to this kind of
world once in a while. And let’s take photos NOT for digital uploads but for
our worthy journey (sobrang subjective ba? Sorry na.) in life. Nakaka-miss ang
print out photos for journals, scrap books and room decorations. Try mo!
Last note, na-try mo na ba’ng gumawa ng handwritten letters
for your loved ones and gave it to them? Try mo din ‘to! *winks* And tell me,
how does it feel. Ask them also how they felt when they received your letter.
Baliktarin naman natin yung tanong. Nakatanggap ka na ba ng
personalized letters of appreciation from your loved ones and friends? Ano’ng
feeling? Ang sarap ‘di ba?