Pages

Monday, May 25, 2020

Novel Series: Ken's Weekend Adventure (Ken's Odnum)

This was written back in 2014.




  
Ken’s Odnum (Book 2 of The Adventure of Jane and Friends)

Her name is Chelly.
Salamat sa ex boyfriend niyang Rakistang manloloko at isa na siyang certified man-hater ngayon.  Her life has been in hell for the last two years dahil sa pagsunod sa pesteng puso niya. Nagrebelde siya but she’s now back on her parents’ arms para ituwid ang mga naging pagkakamali niya.
She’s only going ‘THERE’ para makumpleto na ang units niya at maka-graduate na  sa Marso. Pero sa pagpunta niya sa lugar na iyon ay mukhang hindi na yata siya makakalabas pa roon.
Titira nalang siya doon forever kasama ang ‘playboy’ na sobra niyang kinaiinisan dahil sa napakaguwapo nito. Mapanindigan niya kaya ang galit sa dibdib niya? 
----------------------------------------------------
After seven months of being single again, isang SOLO, masaya at relaxing na bakasyon, yan ang hanap ng certified bachelor slash moving on guy na si Ken.
 Eh paano magiging masaya ito kung puro misteryo at hiwaga ang madadatnan niya sa piniling lugar na puntahan?
He also never imagined in his wildest dream vacation that he would found love at this very unsuitable place at mukhang sa maling babae pa yata tumibok muli ang puso niya.
True love nga kaya ang natagpuan niya sa kakaibang lugar na iyon o mananatili siyang NGA-NGA?



Prologue

I was running with her. “Bilisan mo malapit ng magsara ang kuweba!” Sabi ko sa kanya. Mabilis naming binabagtas habang magkahawak kamay ang madilim na daan patungo sa liwanag na unti unti ng lumiliit ang sinag. Tanda na malapit na nga talagang magsara ang bukana ng kuweba. And for the worst, makukulong na kami rito habambuhay.
But on the other hand, okay lang naman kung makulong kami rito forever and ever kasi kasama ko naman siya. Yun nga lang, paano kami kakain, maliligo, matutulog at kikilos sa madilim na madilim na lugar na ito? Yun ang mas malaking problema.

“Teka lang naman, hindi ako runner!” Reklamo niya. At sanay na sanay na ako sa bibig niyang laging bukas almost 25/8.

“No choice, kailangan mong magpaka-runner muna ngayon.”

“Pero pagod na ako.” Tumigil na siya sa pagtakbo at bumitaw na rin siya mula sa pagkakahawak sa akin. “Kung-kung gusto mo, mauna ka nalang. Hinihingal na talaga ako.” Tila hapong hapo na niyang sabi. Pag nakalabas kami dito, promise, araw araw ko siyang yayayain mag-jogging para masanay siya sa takbuhan.

“Adik ka ba? Syempre hindi kita iiwan.” May galit sa tono kong sabi sa kanya. Hindi pwede. Walang maiiwan. Well, maliban sa mga foot prints namin at tumutulong pawis sa sahig. Yun lang. No more no less.

“Hayaan mo na ako. Kung makakalabas, makakalabas. Kung hindi, hindi.”

Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. “Listen, sabay tayong pumasok rito, sabay rin tayong lalabas.”

“Pero natatakot ako. Alam mo namang-…”

“Trust me, hindi mangyayari yon.” I assured her.

“Pero paano kung-…”

“As you trust me, trust your heart also.” Agaw ko sa sasabihin pa niya sana na puro negative vibes lang naman.

“Ayokong-….”Ayan na naman siya.

I put my pointing finger to her soft and kissable lips. Natatakam tuloy ako. Ulam lang? Takam talaga? “Shhh… Everything will be alright. Makinig ka lang sa puso mo at ituturo niyan ang daan papunta sa akin.”

“Pero kasi na-…”

“I said listen to your hea-…”

“Teka nga! Kanina mo pa pinuputol lahat ng sinasabi ko ah. Sisipain na kita palabas ng kuweba na ito!” Ayan na, lumabas na naman ang pagiging dragonesa niya.

Naku naman talaga. Panira ng moment eh. At sanay na sanay siya sa bagay na yan. Promise.











Chapter 1 – The Day-Off

Hindi kami nagkita ng apat na araw kaya naman sobrang miss na miss ko na siya. I called her, “Hi Beb! Kamusta sa Tarlac?”
“Ken, pwede ba tayong mag-usap?” bungad sa akin ng girlfriend kong si Jane sa telepono at hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Kauuwi niya lang galing bakasyon kasama ng mga dati naming kaklase nung highschool. Since busy ako sa trabaho ay hindi ako nakasama sa out of town trip nila. They stayed at Rich’s ancestral place in Tarlac for four days. Sa totoo lang, gusto ko talagang sumama sa kanila dahil sa tatlong kadahilanan. Una, dahil syempre kasama si Jane. Pangalawa, dahil kasama ang mga barkada naming. At pangatlo, kasama din sa trip na iyon si Miguel. Para sa kaalaman ng lahat sa mga hindi pa nakakabasa ng Book 1, si Miguel lang naman ang first love ni Jane kaya medyo kabado ako although malaki naman ang tiwala ko kay Jane. Sa nakalipas na four days inisip ko nalang din na, nakaraan na yon eh! Past is past. Mga bata pa kami nun.
I then finally decided na huwag nang sumama sa kanila dahil sayang ang double pay! Isa pa, baka isipin ni Jane na wala akong tiwala sa kanya at binabakuran ko siya. Holy week  ang naging scheduled trip nila at sa mga ganung araw ay fullybooked sa hotel na pinagtatrabahuhan ko kaya kayod marino talaga.
Kahapon ng hapon lang sila umuwi at hindi ko nasundo si Jane sa terminal ng bus dahil may pasok ako sa hotel at bukas pa ang day-off ko.
“Oo naman. Sige punta ako bukas sa bahay niyo,” sagot ko sa kanya. After four days ay ngayon lang kami nakapag-usap. Wala daw kasing signal dun sa lugar na pinuntahan nila.

“Okay,” Aniya sa kabilang linya.
Yun lang ba ang masasabi niya? Wala ba siyang balak magkuwento? Dati naman, madalas kaming magtelebabad pero bakit parang iwas na iwas siyang kausapin ako ngayon?
Napapraning ka lang, Ken. Huwag kang paranoid! Sita ko sa sarili ko.

“Jane?” pero kasi parang may problema talaga siya eh. Ramdam ko iyon. There’s something in her voice na hindi ko matantiya kung ano. For the last two years na naging kami, medyo kabisado ko na ang ugali niya. Mukhang may problema talaga at medyo kinabahan ako.

“Ha-ha?” See. There’s something that is bothering her talaga. And now I am wondering kung ano nga kaya iyon.

“Okay ka lang ba?” Puno ng pag-aalalang tanong ko sa kanya.

“O-oo naman!” Alanganin pa rin yung sagot niya. She’s stuttering.

“May problema ba?” Muli kong tanong. I think that there’s really something different.

“Bukas nalang tayo mag-usap, ha? I need to go back to work na eh,” paalam niya. Pakiramdam ko ay ayaw na niya akong kausap pero naiintindihan ko naman. Oras ng trabaho at bawal ang telebabad.

“Okay, sige. Bye na. I love you. See you tomorrow,” pagpapaalam ko sa kanya

“Si-sige. Bye.” Binaba na ni Jane ang telepono.
Yun lang?
Bakit ganun? Bakit walang I love you too? Ano bang nangyari? Teka. Parang may kutob na ko. Pero huwag naman sana. Please. Baka hindi ko kayanin.

-------------------------

Dumating ang araw ng day- off at excited na akong makita ang girlfriend ko! Namiss ko kaya siya ng sobra.
At six p.m., for sure nasa bahay na nila si Jane. Kararating lang nito mula sa opisinang pinapasukan. Muli, para sa mga hindi pa nakabasa ng Book 1. Nagtatrabaho sa isang recruitment agency si Jane. After niyang makatapos sa College which was two years ago ay doon na siya nagtrabaho bilang HR Specialist. She took up BS Psychology nga pala.

Bago ako dumerecho sa bahay nila ay dumaan muna ako sa isang flower shop na nasa loob ng mall para bumili ng paborito niyang bulaklak which is Tulips.
Habang naglalakad papasok sa loob ng mall, hindi sinasadyang may nakabanggaan akong isang nursing student na babae. Paano ko nalaman na nursing student siya? Obvious naman kasi sa uniform niya.
“Sorry miss,” ako na ang nag-sorry although siya naman talaga ang nakabangga sa akin. Nakatakip kasi ang mukha niya ng panyo. And I think, para siyang umiiyak.
Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang na lampasan niya ako. Sa isip isip ko, siguro nag-away sila ng boyfriend niya. Gusto ko sanang itanong kung okay lang ba siya pero halata naman na hindi siya okay kaya huwag nalang at baka masampal ako ng hindi oras.
Anyway, back to my business, pagpasok ko sa loob ng mall na iyon ay dumerecho na ako sa isang flower shop na nandoon para bumili ng bulaklak na para sa pinakamamahal kong girlfriend na si Jane. Take note, Jane is my first love and definitely will be the last.
*Insert smiley face with heart shaped eyes here*
Ako na ang in-love!
---------------------------------


Someone’s POV

This day is supposed to be a happy day for me. Na-cancel ang pasok namin sa school at wala rin akong OJT for today. In short, it’s a free day for me annd this free day sana ay para sa amin ng hinayupak kong boyfriend. I wanted to surprise him kaya pumunta ako sa studio na pinagpapraktisan ng banda niya but then the other way around happened. Ako lang naman ang na-surprise ng bonggang bongga. As in surprise to the highest meaning of the word itself!
He’s making out lang naman with their manager na sobrang harot. Akala mo hindi 30 plus ang edad kung manamit at umasta. Napaka-isip bata at sobrang flirt! I just never thought na papatulan siya ng hayup sa laman kong EX! Yes, I declared kani-kanina lang na wala na kami. He’s a cheater. A manwhore. A great pretender. I wasted my year to him. Bwisit talaga! Magsama sila ng manager niyang malandi na ay panot pa!
You wanna know what they were exactly doing nang mahuli ko sila?
 Nasa couch lang naman sila at naglalampungan. And that super duper flirt woman is on top of my so called as*hole ex boyfriend almost naked, actually both of them.
“Nakakahiya naman sa inyo! Hindi man lang kayo nag-lock ng pinto!” After saying that, I hurriedly went out of that shi*ly studio room. Sobra sobra ang galit na nararamdaman ko. At sa sobrang galit ay naiiyak nalang ako because my heart is breaking into many many pieces right now.
Sh*t lang, it’s my first love. WAS.
----------------------------------

Back to Ken’s POV

Katatapos lang namin mag-dinner, kasalo ang pamilya ni Jane. Nasa veranda na kami ng bahay nila at kasalukuyang pinapapak ang binili ko ring ice cream. Favorite flavor naming pareho ni Jane ang dark chocolate.
Kanina nung sinalubong niya ako ay may kakaiba na akong naramdaman sa mga ikinilos niya. Although it is still summer ay ang lamig lamig ng pagtanggap niya sa akin dito sa bahay nila. Four days kaming hindi nagkita. Ni hindi man lang nakapag-usap sa telepono ng matagal pero parang hindi niya ako na-miss. Samantalang ako kanina, ang higpit ng yakap ko sa kanya at nung sinubukan ko siyang halikan sa mga labi niya ay umiwas siya.
“Did something happen sa bakasyon niyo?” tanong ko sa kanya.

Napatigil siya sa pagkain ng ice cream, “Hindi ko alam kung paano magsisimula, Ken.” Then parang maiiyak na siya matapos niyang sabihin yan.

“Come on, tell me. Promise, hindi ako magagalit. You know me,” I gave her an assurance. Whatever it is, let it be. At isa pa, parang hindi ko naman yata ang magalit sa kanya. Masyado ko siyang mahal.
Hindi pa rin siya sumasagot at mataman lang na tinitigan ang mug niyang may papatunaw ng ice cream. Regalo ko pa sa kanya yung mug na gamit niya for our first monthsarry.
Siguro dapat unahan ko na siya. Parang alam ko na rin naman ang dahilan. I cleared my throat first. Para kasing may bumara, “Is it about Migs?” matapang kong tanong.
Bigla siyang napatingin sa akin at halata sa maganda niyang mukha ang pagkagulat. Maybe she’s wondering how I knew. Of course lalaki ako at may tinatawag din naman na men’s instinct.
“Ken…”
“Mahal mo pa rin ba siya?” hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas para sabihin ang mga salitang ito na unti unting dumudurog sa puso ko. At parang mas tama yatang tanong ay, ‘Kayo na ba?’

Nahihiya siyang tumango. “I’m sorry, Ken. It just happened. Maraming bagay ang nag-pa-realized sa akin ng totoo kong nararamdaman towards him. Dahil sa mga kakaibang pangyayari sa bundok na pinagdaanan namin, ang dami kong natuklasan sa sarili ko. I’ve tried so hard to deny all those things pero kahit anong pilit ko, siya pa rin talaga eh. I’m really sorry Ken. I know that I’m being unfair to you right now. Ang bait bait mo sa akin tapos ito pa ang ginawa ko sa’yo. I am so mean.” Hindi na napigilan ni Jane ang maiyak. 
I wiped her tears and hugged her. Of course, I can’t hate her dahil mahal na mahal ko siya. Ni hindi ko siya kayang sumbatan.
Then I also realized something, “It’s alright. I understand it Jane. It’s still Miguel after all. The way you look at him during our highschool days, you never see me that way for the last two years na tayo. Kaya naiintindihan kita na siya pa rin pala talaga.” I smiled at her for her not to be guilty that much.

“I’m really sorry Ken for using you and for lying on you.” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

“Sshhh… Tahan na. Hindi ako galit,” I said that as I pat her back. Tama nang ako nalang ang masaktan sa aming dalawa.

“You should be! Bad ako, selfish, user and the worst, liar. Kahit sa sarili ko ay nagsinungaling ako,” Sabi pa niya while still crying.

I smiled well, bitterly, siguro naman karapatan ko ‘yon, “There’s no use of being guilty or mad,” mahinahon kong paliwanag sa kanya, “We can’t cheat our heart forever.”

“Ang bait-bait mo talaga,” tumahan na siya, “if only I could teach my heart, ikaw ang pipiliin ko, Ken. Kasi kahit minsan, hindi mo ko nagawang saktan.”

Muli ay mapait akong ngumiti. She was right. For the last two years that we have been together, I never made her cry. Just like other couples, yes we had petty fights pero agad din naming naaayos yon.

About her and Miguel, alam ko ang mga nangyari sa kanila during our high school days. Nasabi niya iyon sa akin nang minsan ko siyang sundan papunta sa katapat na park ng eskwelahan namin. Habang abala ang lahat sa graduation practice, nakita ko siyang papunta sa park. I followed and approached her and she told me lahat ng nararamdaman niya. Masarap sa pakiramdam na nakapag open up sa’yo ang taong malapit sa puso mo. Although, nasa iisang circle of friends lang kami noon, hindi kami naging ganon ka close dahil nga kay Miguel. At oo, aaminin ko, first year high school pa lang kami ay ultimate crush ko na si Jane. Pero wala akong lakas ng loob na makipagkaibigan sa kanya noon. Masyado yata akong mahiyain nung kabataan ko. Nung nag third year naman kami, plano ko ng lapitan siya pero we thought or assumed na sila na ni Miguel. Sa buong grupo, yun ang ina-assume although hindi naman sila umaamin. Pagdating ng college ay nagkahiwalay na kami. Hindi na rin kami masyadong nagkakatext since busy na sa parehong course. I took up HRM sa isang University sa Manila at siya naman ay Psychology sa Makati. More than two years ago, nagkaroon ng get together para sa birthday ni Rich. Since single pa naman siya noon, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ligawan siya. Eventually ay sinagot naman niya ako positively and I was very happy that time. Imagine, yung babaeng pinapangarap ko lang noon ay officially girlfriend ko na! Ang sabi niya noon, tuluyan na niyang nakalimutan si Miguel at ako na ang mahal niya. Pero ngayon, eto siya at inaaming si Miguel pa rin pala.
Sabi nga nila, kung talagang mahal mo ang isang tao, palalayain mo siya at hahayaang lumigaya sa piling ng taong mahal niya. So I set her free now dahil mahal ko siya.
-------------------------------

As I went home, may nagtext sa akin.
Pre, pwede ba tayong magkita?  A text message from Miguel.

Ok. Reply ko. May mga gusto rin akong sabihin sa kanya and I think that we really need to talk. Man to man.
Nagkita kami sa isang bar sa Ortigas. And obviously, the topic would be the same woman that we love.

“Kinausap ka na ni Jane,” intro niya.
Tumango ako at tinungga ang isang bote ng light beer.

“I’m sorry pare,” kita ko sa mga mata ni Miguel ang sinseridad. Maybe he’s thinking that I was deeply hurt. Oo naman. Masakit talaga sa akin ang nangyari. Agawin ba naman sa’yo ang taong pinakamamahal mo, hindi ba mababasag ang puso mo? Parang gusto ko ring basagin itong bote ng beer sa mukha niya eh. Pero syempre, biro lang yun.
Somewhere in my heart, masaya na rin ako para sa kanilang dalawa.
Sige na, ako na ang dakila.

“Tsaka mo nalang sabihin yan kapag sinaktan mo siya. At pag dumating ang araw na iyon. Itext mo nalang sa akin kasi baka maging imbalido ka kapag sinabi mo yan sa harapan ko,” birong totoo ko sa kanya.
Natatawa siyang nakipag toss  sa akin ng bote.
 “Pero seryoso, Migz. I never made her cry dahil mahal na mahal ko siya. Kaya please lang, wag na wag mo siyang paiiyakin,”

“I can’t promise but I will do my best. Mahal na mahal ko rin siya that I can’t afford to lose her again. Salamat Ken for taking care of her,”

“My pleasure,” bukal sa loob kong tugon sa kanya.

Kahit pa na mas pogi ako sa lalaking ito, ipinapaubaya ko na si Jane sa kanya.
There’s no use naman kung ipaglalaban ko pa yung nararamdaman ko ‘di ba? Mahal nila ang isa’t isa, ekstra lang ako. Guwapong ekstra!

At mas pogi pa rin ako kay Miguel!

It’s been a very great and unforgettable day-off for me.

Sana ang pagiging broken hearted ko ngayon, forever na ring mag-day off…..ASAP.
------------000000000-----------
.
Naglalakbay ako ngayon mag-isa. Naglalakad sa isang hanging bridge na isang alikabok nalang yata ang pipirma ay tila magkakalas kalas na ang mga lubid na siyang pinakapudasyon rito.
Kung suswertehen ka nga naman, present yung isang alikabok na iyon at hindi nakalimutang magdala ng ballpen.  Unti unting nasira ang hanging bridge habang binabagtas ko ito at nasa may bandang kalagitnaan na ako! I tried to run back where I started pero sa isang iglap ay nahulog  na ako sa bangin na nasa ilalim ng bulok na hangin bridge na ito!






















Chapter 2 – The Sole Trip

Nagmulat ako ng mga mata at kinapa ang noo ko. Wow! Heavy flood sa pawis.  Anak ni Picachu naman oh! Kasarapan ng tulog ko na eh tapos mananaginip ako ng ganun. Hindi nga yata panaginip yun kundi isang bangungot…. Nahulog daw ako sa isang bangin. Sino ba naman kasing tanga ang tatawid sa isang hanging bridge na ancient na yata at pwede ng i-display sa museum.
Tinignan ko ang cellphone para malaman ang oras at para na rin makita kung may nakaalalang mag-text maliban sa boss ko para magsabing irelyebo ko muna ang schedule niya.
Time check: 6:30 a.m.
Since alas nwebe ang pasok ko ngayong araw ay ipinasya ko nalang ang bumangon na. Hindi na rin naman na ako makakatulog pa dahil sa naging masama kong panaginip. Mahirap na at baka hindi na ako nagising.
Minsan tama rin yung kasabihang, “Di bale ng walang tulog kesa walang gising.”
Buti nalang talaga at nagising pa ako.
Muli kong ibinalik ang cellphone ko sa side table at dahil sa ginawa kong iyon ay mayroon na namang bagay ang nakapagpaalala sa akin kay Jane.
Isang silver bracelet na regalo niya sa akin last Christmas. Napailing na lang ako. Bakit ba kasi lagi ko pa ring isinusuot yun? 
Bigla tuloy akong napaisip. Kelan nga ba nagsimulang magkapira-piraso ang puso ko? 

Ah. It’s been three months since Jane and I broke up at alam na ang dapat gawin!
Maaga pa naman so siguro pwede ko na munang gawin ang ritwal. Ikinahon ko na ang lahat ng mga bagay na dapat ikahon. Alam niyo na yun. Memories. At siguro naman ay pamilyar rin kayo sa three months rule. Kabadingan ba ang tawag dito? Ang guwapo ko namang bading. Actually, nabasa ko lang ang tungkol dun sa isang librong napasadahan ko ng tingin habang nasa isang bookstore ako. Ang sadya ko talaga sa bookstore na iyon ay mga bagong cook books pero ewan ko ba at nagtagal ako sa mga librong para sa mga sawi sa pag-ibig.
Bading na bading lang talaga, pare!
Sabi sa librong nabasa ko dapat daw pagkatapos ng tatlong buwan after the break up ay magsimula na sa pagmo-move on. Mahirap gawin lalo na kung minahal mo talaga ang taong yon ng buong puso. But then life must go on. Nabuhay ka noon na wala siya sa buhay mo (nung mga panahong hindi mo pa siya kilala), magagawa mo ulit iyon ngayong umalis na siya sa buhay mo.
Hindi mo naman siya kailangang makalimutan dahil imposible talaga ang bagay na iyon. Unless magka-amnesia ka. Memories never change and all you can only forget is the feelings you felt for her. Step by step ay magagawa mo rin iyon.
Idol ko na nga ang author na nagsulat non eh. Imbes na cookbook ang mabili ko ng araw na iyon ay iyong libro about moving on ang binayaran ko sa counter. Tsk! Nagagawa nga naman ng mga sawi sa pag-ibig. Baka para sa iba ay kakornihan ang maitatawag dito sa ginagawa ko pero pasasaan ba at makaka-move on rin ako.

I took out my wallet at tinitigan ng medyo matagal ang picture na nasa mga kamay ko. Kuha ang litratong ito nung first monthsarry namin. We went to a mall at nagpapicture sa isang photo studio. Sayang ang pogi ko pa naman dito pero may dapat na siyang paglagyan bukod sa wallet kong kasing pogi ko rin.
Lahat ng pictures na kasama siya ay kailangan ng ilagay sa dapat nilang kalagyan. Buti nalang bumili ako ng bagong sapatos nung isang linggo at nagkaroon ng silbi ang karton nito.
Ipinasok ang lahat ng bagay na nagpapaalala kay Jane sa isang shoe box at itinago ang shoebox na iyon sa kailaliman ng kuwarto ko. Muli kong iginala ang paningin sa buong kuwarto ko para i-final check kung may mga bagay pa ba na magpapaalala sa akin ng heartbreak ko. The coast is clear. Wala na.
Bago ako pumasok ng banyo para sana maligo na ay may mga tanong na nabuo sa isip ko. Paano kaya kung nakasama ako sa outing na iyon? Kami pa rin kaya hanggang ngayon?
Hindi ba niya marerealize na si Miguel pa rin pala ang mahal niya? Masaya pa rin kaya ako ngayon sa piling ni Jane?
Sayang kasi ang double pay eh. Para sana pandagdag sa savings namin na para sa mga future plans.
Savings?
Our future plans?
Wala na pala iyon lahat.
It turned out to be my personal savings nalang ngayon and my personal future plans. Wala na akong kasama sa pagtupad ng mga pangarap na iyon.
Siguro nga ay hindi para kay Jane ang ipinapatayo kong bahay sa Cavite. Buti nalang hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol doon at baka nakadagdag pa ng guilt sa kanya iyon. Ang balak ko kasi, once tapos na ang construction ng bahay ay dadalhin ko siya doon, i-susurprise and finally mag-po-propose ng kasal. Nasira ang imagination ko na nagpopropose sa kanya habang nasa tapat kami ng dream house namin.

Hindi nga siguro si Jane ang taong nakalaan para sa akin.

And now I am thinking…. Who would that be?
Meron kayang dadating sa buhay ko who is really meant for me?
 Aba, swerte niya lang sa akin dahil bukod sa pogi ako, may bahay na ako at may savings pa! Oh, saan pa siya?
Nasaan nga ba siya?

-----------------------

MABILIS pang lumipas ang mga araw at buwan. Salamat sa mga ka-trabaho at mga kaibigan kong laging nandiyan para pasayahin ako. Back to being single is not that bad. Free of commitment, no time pressure and less stress. Masaya naman ako ngayon kahit walang love life. I can be happy for the love life of others.

Apat na buwan pa ang matuling lumipas. Seven months na pala. Ini-add ko lang. Hehe. Ang bilis talaga ng panahon. At ang redundant ko pa. Paulit ulit lang. Haha.

 Ang balita ko sa barkada ay sinagot na daw ni Liza si Junie.
Si Jane at Miguel naman ay balak na  daw yatang magpakasal next year. Ewan ko lang kung totoo, hindi na kasi ako masyadong sumasama kapag may mga get together. Alam mo na para hindi awkward. Tsaka nalang siguro kapag okay na talaga ako. Aaminin ko, paminsan minsay ay naalala ko pa rin si Jane. Sinadya ko ng putulin ang communication namin para na rin mapabilis ang pag mu-move on ko. Baka kasi kapag nagkita kami ulit o nagkausap man lang ay bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. I tried dating, pero wala ring kuwenta. Masyado akong pogi para sa kanilang lahat. De, joke lang. Nararamdaman ko na hindi pa ako handa sa bagay na yan dahil sa bawat babaeng nakakasalamuha ko ay ikinukumpara ko sila kay Jane and I know that I am being unfair kaya itinigil ko nalang ang pakikipag-date. Hindi pa siguro panahon para  i-pursue ko ang lovelife.
Pero guwapo talaga ako at hindi po ako nagyayabang. Nagsasabi lang ng totoo. Hindi kasi ako sanay magsinungaling.
Balita ko rin this coming holiday which is All Saints Day ay sa Baguio naman ang plano ng barkada. They invited me, pero umayaw ako. Naiinitindihan naman siguro nila ang pasya kong iyon. Sige na, ako na ang bitter. Transparent kasi akong tao at ayokong makita nila na nasasaktan pa rin ako.

For this year ay hindi pa ko nakakapag leave. Sayang naman ang vacation leave kung hindi gagamitin. 10 days din yun tapos hindi pa convertible to cash kaya mas maigi ng gamitin nalang.
Ang tanong, ano kaya ang magandang gawin o puntahan?
I opened my PC (Personal Computer/ Desktop) and started to browse the internet.
Boracay?
Ilocos?
Bohol?
Palawan?
Cam Sur?
Davao?
Cebu?
Dahil holiday, malamang maraming tao sa mga tourist spots ng bansa.
Ayoko ng crowded.
Bahay nalang?
Huwag nalang kaya? Sayang ang double pay eh.  Pero naisip ko rin, baka sakaling makalimutan ko na ng tuluyan si Jane kung magbabakasyon ako.
Habang wala pa kong naiisipang lugar na napagpapasyahang puntahan, binuksan ko muna ang fb account ko.
So excited for the holiday, Post ni Jane. Friend pa rin naman kami sa facebook pero we never talk. Okay na yung pa-like-like lang sa mga posts ng isa’t isa.
I’m happy for her. Nakaramdam pa rin ako ng konting sakit but with the thoughts na masaya na siya ngayon sa piling ng taong totoo niyang mahal ay masaya na rin ako.
Totoo yan.

It’s more fun in Bataan! Love it! Post naman ng dati kong kaklase sa college.
Bataan? Interesting. Ano kayang magandang puntahan doon? Nagbukas ako ng bagong tab. Google then I typed Bataan and then search. Wow, ang daming tourist spots.

Kilala ang Bataan sa mga magagandang beach resorts. Bukod rito ay nakilala rin ito sa mga historical sites like Mount Samat kung saan nakatayo ang Dambana ng Kagitingan. Even the old churches ay mukhang maganda ring puntahan. Marami ring waterfalls at malaki talaga ang naiambag ng lugar na ito sa ating kasaysayan.

But the next thing I discovered about Bataan ang mas nakaagaw ng atensyon ko.
Kanawan Aeta Community? Komunidad ng mga Ita?
Oo, Ken. Tinagalog mo lang.

Mapuntahan ko kaya to? Imagine, isang hanging bridge lang  na kilala as Kanawan Hanging Bridge ang nag-uugnay sa mga katutubong ito sa sibilisasyon.

Makagawa na nga ng itinerary.
I opened Word File and started typing.

2 days 1 night (Nov. 2-3)

Day 1: Nov. 2
5 am – Bus  going to Bataan ( 2-3 hours)
(Morong Bataan)
Bataan Technological Park
Kanawan Hanging Bridge
 Kanawan Aeta Community
Tambangan Falls
Kairukan Falls
After Lunch-  
1pm onwards: Pamarta Bali Beach Resort
(check in – over night)
Pawikan Sanctuary
Snorkling/ Island Hopping

 Day 2 – Nov. 3
(Pilar, Bataan)
Our Lady of the Pillar Church
Historical Markers/ Statue
Flaming Sword
Mt. Samat
 Dambana ng Kagitingan
Dunsulan Falls


Pwede na yan!
Bukod sa pagbi-beach ay nabisita ko pa ang ilan sa mga historical sites at syempre may kasama pang nature tripping.
Salamat sa mga blogs na nabasa ko at malaki ang naitulong nito sa Itinerary na ginawa ko. First time kong babiyahe mag-isa kaya nakaramdam ako ng excitement.
Aasikasuhin ko nalang ang pag fa file ng leave sa HR bukas.
Sana maging maganda ang byahe kong ito.
---------------------------------------------------
AFTER two weeks all are set.

“Ma! Alis na ako,” paalam ko sa aking mahal na ina. Sabi ko sa kanya, 4 am ako aalis ngayon kaya ayan at sinabayan niya ako sa paggising at ipinagluto pa ako ng almusal. Mahal na mahal talaga ako nito. Ako rin naman, siya ang kaisa isang babae sa mundo na hinding hindi ko ipagpapalit kahit kanino.

“Ingat ka, anak,” hinatid pa ako nito hanggang sa labas ng gate ng bahay namin.

“Kayo din dito, Ma. Ingat kayo ni Papa,” paalam ko. Papunta na ako sa terminal ng bus.

Eksakto alas singko ng umaga nang makasakay ako ng bus papuntang Olongapo. Then from Olongapo ay sumakay ako ng jeep papuntang Morong, Bataan. Mula naman sa bayan ng Morong ay sumakay ako ng tricycle papunta sa Kanawan.
As on the list that I made, ang first stop ko ay sa Kanawan Aeta Community. Based sa na-research ko, unti unti na ring nakikilala ang lugar na ito because of that Hanging bridge na naging tourist attraction na. Kung dati ay isa lamang itong ordinaryong tulay na hindi masyadong pansinin at araw- araw na dinadaanan lamang ng mga katutubo nating Ita, ngayon ay iba na at naging espesyal na ang lugar na ito. Dinevelop ito ng local government at ngayon nga isa na sa mga official tourist spots ng Bataan. Ang pagtawid dito ay para na ring nagsisilbing activity o challenge sa mga turista. Sinusukat nila kung gaano sila katapang para tawirin ito. Dagdag pa ang magandang tanawin na makikita mo habang tinatawid ito.
Sa pagdating mo sa kabilang dulo ay nagtatago naman ang mga magagandang waterfalls na kalapit ng Kanawan Aeta Community which I found fascinating. Sometimes, in one of my wildest dreams ay ginusto kong tumira malapit sa mga water forms like falls or dagat.

Halos tatlong oras ang naging byahe ko. Nakakapagod pero enjoy naman. Busog na busog ang mga mata ngayon palang sa ganda ng mga tanawin na nakita ko na at alam kong wala pa ako sa kalahati. It is really more fun in the Philippines!

Pagbaba ko ng tricycle ay may nakabangga akong isang babae na busy sa pagkuha ng litrato sa mga kasama niya.
“Sorry po,” sabi nito sa akin at nagpatuloy ulit sa pagkuha ng mga litrato.
“Chelly! Sama ka sa amin,” sigaw ng isa sa mga kasama niya. They were ten in the group. Bilis ko magbilang, noh? Puro mga babae sila. “Kuya, baka pwedeng magpa picture? Pang port folio lang namin,” pakiusap nito sa akin.

Since gentleman naman ako. Plus pogi pa. Ahem. Pumayag ako sa hiningi nilang favor, “Okay, sige.” Sabay pakawala ng isang nakakamatay na ngiti.
Binigay sa akin nung Chelly ang dala hawak niyang dslr.

“Kuya, wag mong itatakbo yan ah!” biro nito sa akin. Sus, bilhan pa kita nito ng sampu, gusto mo?
Pero syempre hindi ko sinabi yon sa halip ay isang pamatay na ngiti lang ulit ang isinagot ko. Tumakbo na siya at nagpose kasama ang mga kaibigan niya.

“Okay, one, two, three!” sigaw ko sa kanila.

“Kuya, isa pa! Guwapo ka naman eh,” paki-usap naman ng isa pa sa kanila. Sa loob loob ko ay kelangan pa ba talagang mambola? Although totoo naman yun. Ahem!

“Sige,” inihanda ko na ang kamera. Nagpalit sila ng posisyon at ang iba ay mga naka wacky face pa.
Nakakatuwa naman sila. Naalala ko tuloy ang mga barkada ko. Sige na! Ako ng loner at namamasyal mag-isa.

“Kuya….” Lumapit sa akin si Chelly.

Naka-ilang Kuya na sila ah. “Ken nalang. Bata pa ako,” biro ko sa kanya.

“Ken. Thank you po ha,” kinuha na nito sa akin ang kamera. Pati yung iba niyang mga kasama nag thank you din sa akin.

Actually, kanina ko pa siya tinitignan eh. Parang nagkita na kami. Hindi ko lang maalala. Pamilyar kasi talaga yung amoy at itsura niya sa akin. Hindi ko lang talaga matandaan pero ang alam ko ay nagkita na kami. Malakas ang pakiramdam ko na nagkita na kami somewhere before.

“You’re welcome,” sabi ko at nauna na akong lumakad sa kanila papunta sa Hanging Bridge.
Pero syempre bago ko sila iwan, for the third time, nagpakawala ulit ako ng isang killer smile. Sayang naman ang kaguwapuhan ko kung hindi nila masisilayan ng maayos.
-------------------------------------------

Her POV

“Aminin mo ‘te, ang cute niya noh?” Siniko pa ako ni Shela habang parehas naming tinatanaw yung si Kuya na kumuha ng picture namin.

“Hindi rin. Mukha nga siyang playboy eh.” Sagot ko at inabala ng sarili sa pagtingin sa mga picture sa DSLR ko.

“Sus. Gumana na naman yang pagkabitter at man-hater mo.” Sabat naman ni Opha sa usapan.

“Eh sa hindi siya cute,” iritable ko kunwaring sagot pa.
Guwapo siya, okay. Damn his smile! Pamatay.  Pero hindi ko sasabihin sa kanila ang final comment ko para sa Ken na yun. Guwapo naman talaga siya eh. Para ngang ka-edaran lang namin siya pero sa porma niya, pwede siyang ihanay sa hottest bachelors in town na nafi-feature sa isang magazine. But then, isa siyang playboy. Sasaktan niya lang lahat ng babae na mahuhulog sa ilalim ng karisma niya. “Tara na guys, madami pa tayong gagawin.” Nanguna na ako sa paglakad papasok sa isang Aeta Community.
Bakit parang bigla yata akong kinabahan sa pagtapak ko sa hanging bridge na ito? Hindi naman siguro to magko-collapse noh?
Kahit bitter ako ngayon ay mahal ko pa ang buhay ko.
Natatanaw ko yung si Ken. Nakatawid na siya ng tulay at bakit parang mas kinabahan ako nang makita ko siyang lumingon at tumingin sa gawi ko?
------------------------------













Chapter 3- The Cave

Ken’s POV

Nagsama ako ng isang local para magsilbing tour guide ko. Siya si Abdul at isa siyang katutubong Ita.
Siya ang ini-offer sa akin ng tourism office doon para maging tour guide ko. Sinalubong niya ako sa may bungad ng Aeta Community kung saan din siya nakatira.
Ang first stop namin ay ang Tambangan Falls na ayon sa na-research ko ay mga 45 minutes ang lalakarin mula sa Aeta Community. Mahaba habang lakaran ito at mukhang ma-pa-praktis ng todo ang mga binti ko. Pero alam ko namang magiging sulit ang pagod ko dahil sa ganda ng tanawin sa paligid. Masyadong malayo ito sa polusyon ng Maynila.

Nakakatuwang mapadaan rito sa Aeta Community. Para silang nakakakita ng mga alien sa pagdaan ng mga turistang kagaya ko.
Nakakatuwang isipin na ang mga nababasa ko lang sa libro nung elementary ako about sa unang mga pangkat ng tao na tumira dito sa Pilipinas ay naisasabuhay mismo ngayon sa harapan ko.
Ipinapaliwanag sa akin ni Abdul ang pamumuhay nila rito. Ang mga lalaki raw ang naghahanap ng makakain para sa kanyang pamilya. Kung hindi pagtatanim ay pangangaso sa kagubatan ng mga ligaw na hayop. Nangingisda rin sila sa kalapit na ilog.
Bilang kabuhayan naman, nangangahoy sila at ginagawa itong uling at binebenta ito sa bayan. May ilang mga kababaihang Ita rin ang naturuan na ng mga livelihood projects gaya ng paggawa ng mga baskets, walis, at kung anu ano pang mga gamit na maaaring ibenta sa bayan.
And I found it all quiet amazing.  They life here is very simple and so much less complicated. Para sa isang katulad ko na taga Maynila, mahirap na siguro para sa akin the way they live at makasurvive sa isang araw.
Kung ako ay pumapasok sa hotel ng walong oras kada araw at anim na beses sa isang linggo ay malaki laki ang sinasahod tuwing kinsenas katapusan sila naman ay kumikita lamang ng sapat upang may maipantustos sa araw-araw nilang pamumuhay.
May mga maliliit na tent house kaming nadaanan. Ang sabi ni Abdul ay ito raw ang nagsisilbing eskwelahan ng mga bata rito at mga volunteers daw ang mga teachers na namumuno rito.

Matapos ang konting pag-iikot sa komunidad ay inanyayahan niya akong kumain sa kanyang bahay kasama ang kanyang buong pamilya. Tumanggi ako nung una pero dahil pinilit niya ako ay pumayag na ako. Parang mas nakakahiyang tumanggi kung buong pamilya na niya ang nagyayaya sa akin na sumalo sa pananghalian nila. Mayroon siyang limang anak. Sunod sunod ang edad ng mga ito at kasalukuyang buntis ang kanyang asawa. So bale, magiging anim na ang mga anak niya. Buti pa siya, ang saya ng love life niya. Hehe.
Simple lang ang tahanan nila Abdul. Literal na bahay kubo ito. Gawa sa kawayan ang paligid nito at sa pawid naman ang bubongan nito. Bigla ko ulit naalala ang dream house ko sa Cavite. Fully furnished na iyon ngayon. 
Ang sarap pala ng kanin na luto mula sa uling at baboy-ramo na hinuli raw ni Abdul kaninang umaga mula sa gubat. Inihaw nila ang baboy. Ang sarap rin nilang kasalo sa pagkain. Magagana kumain ang mga anak niya. Twenty three years na akong nabubuhay sa mundong ibabaw pero ngayon ko lang naranasan ang kumain sa isang mahabang dahon ng saging at salu salo kami lahat dito. Boodle fight yata ang tawag dito at ang dami kong nakain!
Naku ang mga abs ko. Hindi bale, magkakaroon kami ng mahaba habang lakaran kaya malamang naman ay makakapag-burn ako ng mga fats later on.

Matapos mananghalian ay nagpaalam na ako sa asawa niya. Paglabas namin ng kanilang munting tahanan ay nakita ko ang mga kagrupo ni Chelly, abalang abala sila sa pamimigay ng mga goods sa bawat bahay na madadaanan nila.

Okay lang naman siguro kong lalapitan ko sila ‘di ba? Friendly naman akong tao at isa pa ang guwpo ko.
“Hi!” bati ko dun sa Chelly paglapit ko sa kanya.

“Hi din!” sagot nito sa akin. Yung tono na ginamit niya parang ayaw niyang makipag-usap. Parang pilit. Ganun ba talaga ang mga babae? Masyadong moody? Kanina kasi sa may labasan, okay naman siya pero ngayon, ewan ko nalang. Ah, baka gutom lang siya at hindi pa nanananghalian.

“Anong ginagawa niyo?” Tinanong ko pa samantalang malinaw naman sa mga mata ko na namimigay sila ng mga pagkain.

“Eto, namimigay ng konting tulong para sa kanila. Project kasi namin sa school. Kailangan namin mag-community service,” seryoso niyang paliwanag sa akin.

I smiled, “Ahh…” Akala ko, magtataray na siya eh. Pero maayos naman niyang sinagot ang abnormal na tanong ko kaya napangiti ako.

“Chelly!” tawag sa kanya ng isa sa mga ka-grupo niya, sabay click ng kamera. Pagkatapos ay tumalikod na ulit ito upang kunan ng litrato ang iba pa nilang mga kasamahan.

“Anong course niyo?” tanong ko ulit.

“Nursing,” sagot niya sa akin.

“Ah I see,” tumatango kong respond. Medyo tumulong na rin ako sa ginagawa niya. Pinilahan na kasi siya ng mga bata.

“Salamat. Ken ang pangalan mo ‘di ba?” tanong naman niya sa akin habang patuloy lang kami sa pamimigay ng mga pagkain.

“Yupp.”  Tumango pa ako at syempre hindi mawawala ang killer smile ko.
“Nagkita na ba tayo dati?” nabigla ako sa naging tanong niya.

Naisip niya rin pala yun.

“Ha-ha! Huwag mo ng sagutin. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

“Namamasyal lang,” sabi ko sabay kibit ng balikat. Malamang iniisip na niya ngayon na isa akong loner na tao.


“Mukha nga,” sagot nito sa akin. “Sole traveler lang ang peg.” Nagkangitian kami. Mood shift ulit. Okay na siya. Ayos.
Dapat ko pa bang i-describe ang mukha ng kangitian ko ngayon? Hindi siya kaputian pero makinis ang balat niya. Hanggang balikat ang buhok niya na naka-pony tail, katamtaman lang yung tangos ng ilong niya at ang mga mata niyang itim na itim ay sobrang expressive. She looks innocent pero may fierce na lumilitaw.
To sum it all, maganda siya. Lalo na pag nakangiti actually at ayoko ng ikumpara siya kay Jane pero kasi mas magan-…. Aish! Wala, wala. Bakit ba kasi naisip ko na naman si Jane?

Nang maubos na namin sa pamimigay ang laman ng box niya ay nagpasya na akong magpaalam. “Mauna na ako sa inyo, Chelly.”

“Punta kang falls?” tanong niya.
“Oo.”
“Ah, sige ingat ka.”
“Kayo ba?”
“Mag-co-conduct kasi pa kasi ng mini classes para sa mga bata.”
“Maganda yun. Sige good luck sa inyo.”
“Thanks. Sa’yo din goodluck sa pagiging sole traveler mo. I-blog mo yan!”
“Ha-ha. Sana may magbasa.”Hindi na yata nawala ang mga ngiti ko kahit pa na nakatalikod na ako sa kaniya at binabagtas na namin ni Abdul ang masukal na kakahuyan papunta sa falls.

-----------------------------------
Sulit ang hirap na binagtas namin para makarating rito sa Tambangan Falls. It really feels so great! It also feels like I am on the top of the world! Exage ko, teka lang.
Hindi ko pinalampas ang nang-aakit na tubig mula sa falls na iyon. Hinubad ko ang aking shirt at maong short at pagkatapos ay tumalon sa tubig. Walang masyadong tao, kaya hindi naman siguro nakakahiya na ilantad ko ang maganda kong katawan. He-he! Okay lang yan, sa sarili ko lang naman ako nagyayabang.
Kahit chef ako ay alaga naman sa gym ang katawan ko. Syempre kumpleto ang packs ko. Anim yan. Buti nalang at hindi pa nakikita ni Jane ang maganda kong katawan baka kasi hindi na niya ako kayaning ipagpalit kay Migz. Joke lang! Haha. Naka move on na ko, naka move on na ko! Stop thinking of her, okay?
 Wheew! Ang lamig! Ang sarap! Mga ilang oras din akong nagbabad. Pakiramdam ko may mga pares ng mata na nakatingin sa akin. May nagnanasa sa katawan ko? Sino kaya yon? Pero kapag nililibot ko naman ang mga mata ko ay wala akong ibang nakikita kundi si Abdul na nakahiga sa batuhan.
May engkanto ba rito? O di kaya baka isang engkantada na nasisilaw na sa kagandahan ng katawan ko.
Hey, Ken! Sumusobra na ang pagiging conceited mo.
Hindi ko nalang pinansin ang mga matang nararamdaman ko at itinuloy lang ang paglangoy langoy at pagbababad.
Makalipas ang mga oras na hindi ko na mabilang ay umahon na ako ng makaramdam ako ng gutom. Sumalampak ako sa isang malaking bato kung nasaan malapit ang bag ko. Foods! Isinisigaw na yan ng tiyan ko.
Patay! Good for one lang pala ang dala kong pagkain. Paano na si Abdul? Aaminin ko, medyo malakas din kasi akong kumain at dinadaan ko lang sa exercise kaya hindi ito nag-reregister sa katawan ko. Pag nag-share kami ay tiyak na gutom pa rin ako.
Nahalata yata ni Abdul ang pinoproblema ko kaya nagpaalam siya sa akin na maghahanap lang daw muna siya saglit ng makakaing mga prutas dahil marami daw nito sa paligid. Nakakahiya naman. Binigyan ko nalang siya ng ekstrang pera, baka sakaling may madaanan siyang grocery o di kaya fast food restaurant. Restaurant at grocery sa gubat? Adik ba ako? Good luck! Pasensya na at dala lang ng gutom at pagod ‘to.
Hindi ko na siya nahintay dumating at nilantakan ko na ang pagkaing pinabaon sa akin ni Mama.
Pasensya na talaga Abdul ha. Dapat pala, pinadamihan ko kay Mama ang dala kong pagkain. Pero siguro naman ay naiintindihan ako ni Abdul.  Lumangoy ba naman ako ng lumangoy ay imposibleng hindi ako gutumin ng sobra.
After split second, taob ang Tupperware na may lamang kanin at adobo! Para sana ito sa lunch ko pero since pinakain nga ako ni Abdul sa bahay nila ay hindi ko ito nagalaw kanina.
Ang tagal naman bumalik ni Abdul. Tapos ko na ang pagkain ko ay hindi pa rin siya bumabalik. Matagal ba talaga siya o sobrang bilis ko lang kumain? Ha-ha! Ewan.

Nung medyo bumaba na ang kinain ko sa tiyan ay humiga ako sa isang malapad na bato at tinitigan ang kaulapan. Medyo hapon na kaya hindi na masakit sa balat ang araw. This is life! Sana ganito nalang palagi.

In my peripheral vision ay nakita ko si Chelly na matamang nakatingin sa akin. Epressionless ang pinapahiwatig ng pagtitig niya at ibang-iba ito sa naging tinginan namin kanina.
Yung kaninang feeling na parang may may nakatingin sa akin pero wala naman, siya kaya iyon? Ibig sabihin, pinagnanasahan niya ang katawan ko?
Pagnanasa kaagad Ken? Hindi ba pwedeng paghanga muna?
 Teka lang! Ang layo na nito sa Aeta Community ah! Tsaka bakit mag-isa lang siya? Nasaan na yung mga kasama niya? Tinawag ko siya at kinawayan, “Chelly!”
Poker face ang naging tangi niyang reaksiyon. Umalis siya mula sa kinatatayuan at muling bumalik sa kakayuhan. Nag-alala ako para sa kanya kung kaya’t sinundan ko siya. Sinuot ko ang tuyo kong t-shirt at short, pati ang sandals kong Sandago bago ako tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa batuhan malapit sa ilog. Iniwan ko muna saglit yung bag ko.
Tinawag ako ni Abdul na kadarating lang at may dalang mga bungang prutas. Ang sarap sanang lantakan ng mga dala niya. Dessert kumbaga kaso mas nanaig sa akin ang concern para kay Chelly.

“Sandali lang, babalik ako.” paalam ko kay Abdul.
Ang bilis naman maglakad ng babaeng ito. Parang naglalakad lang sa sementadong sahig eh ako nga halos madapa dapa na ako sa kapal ng mga damo at sangang nadadaanan ko. Mabato pa!

“Chelly!” tawag ko ulit sa kanya pero hindi siya lumingon. “Saan ka ba pupunta?” sigaw-tanong ko. Wala pa ring response. Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya.
Malayo-layo na rin ang nilalakad namin. Hindi ko na naririnig ang lagaslas ng tubig galing sa falls. Maya maya, nakita ko nalang na pumasok siya sa isang kuweba.
Teka, kuweba nga ba iyon? Oo. Kuweba nga! Ano namang gagawin niya dun?
Pagdating ko sa bungad ng kuweba, muli ko siyang tinawag. Pero ganun pa din, hindi pa rin siya sumasagot. Bahala na si Batman! Papasukin ko na rin ang kuwebang ito.
“Chelly! Ano bang ginagawa mo diyan?” As usual, wala pa ring response from her. Ang dilim sa loob. Halos wala na akong makita. Bakit ba sobrang concern ko sa babaeng ito? Kaya ayun at kahit nag-aalangan ay pumasok pa rin ako sa loob ng kuweba. Buti nalang may dala akong keychain na flashlight at yun ang ginamit kong pang-ilaw.
“Chelly! Nasan ka na?” Hindi ko siya makita sa loob. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko siyang pumasok dito.
“Chelly!” Tawag ko ulit.

“Ha?! Bakit tinatawag mo ako diyan? Andito kaya ako.” sagot ng babae sa likuran ko. Nakatayo siya sa bungad ng kuweba.

“Teka! Anong ginagawa mo diyan? Nauna kang pumasok sa akin dito sa loob ah!” nagtataka kong tanong sa kanya.
Hindi na siya nakasagot sa biglang pagyanig ng paligid. Imbes na tumakbo palabas, lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Nanginginig siya, marahil sa takot.

“Halika, labas na tayo! Baka  matabunan tayo dito!” Hinila ko na siya palabas ng kuwebang iyon, pero bago pa kami makalabas ng kuwebang iyon, natabunan na ng malalaking bato ang bungad non.

“Sh*t!” napamura ako. Baka malibing kami ng buhay dito. Biglang tumigil ang pagyanig ng lupa.

“Bakit ka pa pumasok palapit sa akin? Dapat lumabas ka nalang kanina,” sita ko sa kaniya.

“Natakot kasi ako. Nagpanic,” tugon niya na parang maiiyak na.

“Paano na tayo lalabas niyan dito? Walang ibang daanan ang kuwebang ito,” hopeless ko ng sabi.

“Ikaw naman kasi, bakit ka pumasok dito?” tanong niya sa akin. Ako pa? Ako pa ang pumasok dito, eh siya nga tong sinusundan ko kanina.

“Paanong ako, eh ikaw nga tong naunang pumasok dito at sumunod lang ako. Pagpasok ko dito, wala ka na tapos bigla ka nalang lumitaw sa likuran ko.”

“Hindi ah! Paalis na kami kanina kaso tinawag mo ako kaya sinundan kita.”

“Paalis? Hindi ka pumunta sa falls?” tanong ko sa kanya.

“Falls?”

“Oo sa falls. Dun kita nakita kanina kaya kita sinundan tapos nakita kitang pumasok dito. Nagulat nga ako ng makita kita diyan sa bungad eh mas nauna ka pa sa aking pumasok dito sa kweba.”

“Hindi ako yun. Kasi ako ang sumusunod sa’yo,”Giit niya and holy cow lang talaga. Hindi ko alam kung pinagti-tripan niya lang ba ako or what.
Or worse than that theory, pinaglalaruan kami? Hindi ako naniniwala sa mga engka-engkanto na yan dahil wala pa akong nakikita. Too see is to believe ika nga. I think this is just a matter of misunderstanding. Parang may mali. Oo tinatawag ko siya pero hindi para sundan ako kundi dahil sa siya ang sinusundan ko. Ano bang nangyayari? Pwede bang paki explain sa amin?
---------------------------------------
































Chapter 4 - The Darkness Inside

“Ano ng gagawin natin niyan? Baka nag-aalala na ang mga kasama ko sa akin. Kung bakit naman kasi sinundan sundan pa kita dito eh!” asik sa akin ni Chelly habang palakad lakad siya sa harapan ko. Gusto ko ng mahilo dahil pabalik balik lang naman siya.
Sinubukan naming itulak ang malaking bato na humarang sa may bukana ng kweba ngunit hindi namin kinaya dahil sobrang laki at bigat nito.

Iniiliwan ko gamit ang flashlight ang mga posibleng madaanan palabas ng kuweba na ito. Buti nalang at may nadala akong keychain na may nakakabit na mini flash light. “Hindi ako nagpapasunod,” medyo naiinis na sagot ko sa kanya. Kanina pa siya naninisi eh. Hindi ko na nga alam kung ano na ang mga nangyayari tapos sisisihin niya pa ako sa bagay na hindi naman namin parehong ginusto. Ang plano ko ay isang magandang bakasyon at hindi isang trahedyang tulad nito!
Trahedya kaagad? Ang OA ko daw sabi ni konsensiya.

“Eh, sinundan nga kita!” sagot niya ulit sa akin sa tonong pabalang. Aba, nagtataray na siya ngayon. Grabe lang talaga.

Napakamot nalang ako sa ulo ko, “Ang kulit!” asar na talaga ako sa babaeng ito. “Kung ako man yung sinundan mo gaya ng sinasabi mo, eh bakit sumunod ka naman?”
Natigilan siya saglit ngunit agad ring nakabawi at muling nambulyaw, “Eh kasi nga sabi mo sumunod ako!”

“Bakit ka nga sumunod?” sumilay ang nang-aasar na ngiti sa mga labi ko. Sige na, umamin ka na. Tayong dalawa lang naman ang nandito eh.

“Eh sabi mo nga!”asik niya ulit.

“Pwede namang hindi,” medyo mahinang sabi ko habang medyo nakanguso. Hindi pa kasi umamin na may hidden desire siya sa akin. Baka na attract siya sa maganda kong mukha at katawan. Ha-ha! Sabi ko na nga ba, hindi siya isang tuod para hindi makaramdam ng attraction. Tsk!
Mga babae talaga.
Parang na detect ng radar niya ang iniisip ko,“Excuse me ha! Uunahan na kita diyan sa iniimagine mo, hindi kita type! Kaya ako sumunod dahil parang may kung anong humihila sa akin para sumunod nga sa’yo. Parang…. Parang… “

Kumunot ang noo ko, “Parang ano?” Nambitin pa kasi. Hindi nalang sabihin ng deretso. “Ano na?” ang tagal niyang sumagot na waring may inaalala. Nababaliw na yata ang babaeng ito. Ang ingay ingay tapos biglang tatahimik.

“Parang magnet…Oo tama, magnet! Para akong na-hypnotized!”  Finally ay sumagot na siya. “Kanina kasi dapat ay paalis na talaga kami pero nakita kita sa may bandang kakahuyan. Nakatingin ka sa akin. Ang expressionless pa nga ng mukha mo. Nang tumitig ako sa mukha mo ay hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari. The next thing I knew, andito na ako sa loob ng kweba.”

“Magnet? Hypnotized?” What the heaven is she talking about?! “Sabi mo kanina pinapasunod kita? Pero dun sa kwento mo ay hindi naman ako nagsalita. So papaanong pinapasunod kita sa akin. At nung mga sandaling iyon ay busy ako sa paglangoy sa falls.”

“Pero may nagsasabi sa utak ko na sumunod sa’yo. Parang boses mo nga ang naririnig ko eh.”

Naiiling nalang ako at wala akong balak paniwalaan ang mga sinasabi niya, “Kalokohan…”

“Kalokohan ka diyan! Iyon ang totoong nangyari!”

“Pero hindi nga ako yon. Gaya ng sabi ko sa’yo, pumunta kami ni Abdul ng falls. Nag-swimming ako dun. Nagbabad ng matagal pagkatapos ay kumain. Nagpapahinga na ako sa batuhan habang hinihintay na bumalik si Abdul nang makita kita na nakatingin sa akin. Ikaw ang sinundan ko papunta dito.”

Nanahimik siya saglit at tila nag-iisip.
“Siguro ginayuma mo ako noh? Oh di kaya, miyembro ka ng budol budol! May balak kang masama sa akin noh? Plinano mo lahat ng ito!” Nanlaki ang mga mata kong medyo singkit sa mga sinabi niya

Gayuma? What the hell! Aanuhin ko ang gayuma? Hindi ako ganun kadesperado para lang mapalapit sa isang babae. Natapik ko na lamang ang sarili kong noo.
Wow lang ha. Grabe naman at ang taas ng expectations niya sa akin. Ako budol-budol? Sa guwapo kong ‘to? Nahiya naman daw sa kanya ang mga babaeng nagkakandarapa sa akin at yung iba pa nga ay gumawa pa ng facebook fan page para sa akin. Nung college yon dahil isinali ako ng college department namin sa isang male pageant.  Dahil sa guwapo ako at medyo talented ay syempre nanalo ako.

Napataas na ang boses ko muling pagsagot ko sa mga paratang niya sa akin, “Pwede ba! Masyadong malikot yang imaginations mo! Hindi ako nang-gagayuma dahil hindi ko na kailangang gawin yon. Mga babae na ang kusang lumalapit sa akin.” Hindi ako mayabang pero naiinis na talaga ako eh.
‘Hindi ka pa mayabang sa lagay na yan ha?’
Sino ba yung nag-vo-voice over na yon?! Nagsasabi lang naman ako ng totoo dito. Lahat ng sinasabi ko ay pawang mga katotohanan lamang at may mga sapat naman akong ebidensya. Honesto, promise!

“Ang yabang mo!” Sinabi ng  hindi nga eh!

“Hindi ako mayabang sadyang pogi lang. Nagsasabi lang ako ng totoo at hindi mayabang ang tawag dun. Tapat!” hindi naman ako nagger, madalas nga ay tahimik lamang ako pero itong babaeng ito ay masyadong assuming. Ayokong bigyan niya ako ng wrong impression dahil in the first place ay hindi ako ganon. Hay! Ang hirap pala makipagtalo sa isang babaeng parang may lahing dragonesa.
Muli ko na lamang itinuon ang atensyon sa paghahanap ng pwedeng madaanan palabas ng kuwebang ito. “Baka may iba pang daan palabas ng kuwebang ito, kailangan lang natin hanapin iyon,” Sabi ko sa…sa sarili ko. Tama, sa sarili ko. Mas gusto ko pang kausap ang sarili ko kesa sa babaeng ito na ang lakas mamparatang.

“Saan naman?” Sumagot ang konsensya ko. Este si Chelly. Kaso yung sagot niya ay patanong and I found it no sense. Mas maganda talaga kung sarili ko nalang ang kinakausap ko sa mga sandaling ito.

“Hindi ko na hahanapin kung alam ko lang,” sarkastiko kong sagot sa…kanya? Ay hindi. Sa sarili ko pala.

“Pilosopo!” parang bulong lang siya pero narinig ko pa rin. Hindi ko nalang pinatulan baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin.

“O-oy, saan ka pupunta?!”

Lihim akong napangiti, “Sa lugar kung saan walang mga babaeng assuming.”
“Wow ha! Assuming na pala ako ngayon?! Maaalis mo ba sa akin ang hindi mag-isip ng hindi maganda? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kaya lahat ng bagay ay naiisip ko. Be considerate naman. Para kang hindi lalaki. Napaka-insensitive mo! Tapos iiwan mo pa ako dito.” Naka-abrisyete at nakanguso pa niyang sabi.

Hindi ko na lang ulit pinatulan ang mga sinabi niya, “Ayoko sa mga nagger. Sumunod ka sa akin kung gusto mo.” Yun na lang ang nasabi ko at muling naglakad. Ramdam kong nakasunod naman siya sa akin kahit pa na hindi ko siya nililingon.

PARA namang walang katapusan itong daan sa loob ng kuweba. Kanina pa kami lakad ng lakad. Paubos na rin ang battery ng flashlight ko.

“Pagod na ako,” reklamo ng babaeng nasa likod ko, “pwede ba tayong magpahinga kahit saglit lang?”

“Sige, maiwan ka dito,” Sagot sa kasama ko.
Wait lang Ken, parang ang rude mo na yata. Kalma. Ang pagiging gentleman mo ay nawawala. Sita ni konsensya.

“Grabe ka naman. Iiwan mo ako dito?! Eh, ang dilim dilim,” kontra niya sa sinabi ko.

“Yun na nga. Paubos na yung battery ng flashlight ko at kung mag iistay pa tayo dito
ay wala na tayong magagamit,” paliwanag ko sa kanya. May point naman ako hindi ba mga kapatid?

“Edi, patayin mo muna,” suggestion niya, “pagod na talaga ako.”

“Sigurado ka?” tanong ko at baka kasi matakot siya sa dilim.

“O-oo. Basta wag ka lang masyadong malayo sa akin,” sabi niya at halata sa boses niya ang takot o kaba.

“Okay,” madali naman akong kausap. Hinintay ko muna siyang makaupo sa isang nakaumbok na bato bago ko pinatay ang flash light. Isang metro ang pagitan namin baka kasi mailang o magalit na naman siya sa akin kapag lumapit ako sa kanya.
Long silence. Mga five minutes na siguro.

“Ke-ken?” basag niya sa katahimikan.

“O?” sagot ko. Hindi naman ako snob kaya nagsalita na ako nang tinawag niya ang pangalan ko.

“Wala naman,” sabi niya. Sa sobrang tahimik na namayani sa pagitan namin ay baka naisip niya na umalis na ako.

“Natatakot ka ba?” tanong ko sa kanya.

“Me-medyo. Hindi kasi ako sanay sa dilim lalo na’t may kasama pa akong hindi ko kilala. Baka mamaya kung ano nalang ang mangyari sa akin. I mean, sa atin dito.”

“Ako si Ken. Tinawag mo nga ang pangalan ko eh so it means kilala mo na ako. Well at least literally. Huwag kang mag-alala, wala akong masamang balak sa’yo kung yun ang iniisip mo. Huwag ka ring matakot.”

“Hindi naman sa ganon. Hirap lang talaga akong magtiwala ngayon at lalo na sa mga lalaki.” Paliwanag niya.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Siguro ay may naging karanasan siyang hindi maganda kaya ganyan nalang ang pananaw niya ngayon.
Rude na kung rude pero wala na akong maisip na ibang sasabihin sa kanya para makampante siyang wala akong gagawin na masama, “Sesegundahan ko yung sinabi mo kanina ah para makampante ka. Hindi rin kita type at wala akong balak na masama sa’yo,” Sorry kung ma-offend man siya. Wala na akong maisip na sabihin eh. Lalo pa ngayon na ang mas iniisip ko ay kung paano makakalabas sa kuwebang ito kesa makuha ang tiwala niya.

“Ang yabang!” Ayan na naman siya. Muling umingay ang kanina lang ay tahimik na madilim na kuwebang ito. “Mas hindi kita type noh! Ang ibig ko lang naman sabihin, baka kung ano ang mangyari dito sa atin sa loob. The nerve! Wala akong balak pumatol sa kahit sino pang kalahi mo! Pare-pareho lang kayo!” ang nagger niya talaga! Nakakainis. “Guwapo ka nga at mala-anghel yang mukha mo pero deep inside naman ay maitim ang budhi mo. Manloloko kayo, cheater, liar.”

Okay na ako dun sa guwapo at mala-anghel na mukha kasi totoo naman yun. Kaso yung manloloko, cheater at liar? Dapak! Wrong sent siya, mga kaibigan. Huwag na huwag kayong maniniwala sa kanya.
Grabe. Ilang insult ba ang natanggap ko mula sa babaeng ito? Mga lampas tatlo na yata. Hindi ko tuloy napigilan ang mulang pagtaas na rin ng boses ko kagaya kanina. Hindi ako pumapatol sa babae pero parang- aish! Wala. “Para kang galit sa mundo ah! Gusto ko lang naman iparating sa’yo na wala akong gagawing masama sa’yo kahit maghubad ka pa sa harapan ko.” Kalma pa Ken. Babae pa rin yan.
Pero kasi, ano bang tingin niya sa akin? Rapist? Ni wala pa nga akong nilolokong babae sa tanang buhay  ko. Maka-lahat naman siya.
Kung bitter ako sa buhay dahil nabigo ako sa pag-ibig ko kay Jane, mukhang may mas bibitter pa pala sa akin ngayon.
 

“Bastos!” Sigaw niya. Ang sakit sa tenga ng boses niya. Okay naman siya kanina nung nasa Aeta Community kami ah. Bakit ngayon parang lumabas yung dark side niya?


“Bastos kaagad? Hindi ba pwedeng pinapaliwanag ko lang na wala akong balak gawin sa’yo? Iwan kita diyan eh.” banta ko sa kanya. Nakaka-high blood siya kausap.

“Subukan mo lang!”Aba nga naman at siya pa ang matapang. Sige. Magtapang-tapangan ka diyan.

“Talaga!” tumayo na ako mula sa pagkaka-upo, binuksan ko na ang flashlight at dumerecho na sa paglalakad palayo sa kanya. “Bahala ka na sa buhay mo. Kung tingin mo sa lahat ng lalaki ay manloloko, cheater, liar idagdag mo pa ang rapist ay humanap ka ng iba mong makakausap o makakasama dito. Good luck sa’yo.”


“Te-teka lang, Ken!” habol niya sa akin.
Takot rin pala siyang maiwan, ang dami pang sinasabi. Buti nga sa’yo.

Tumigil na ako sa paglalakad palayo sa kanya at hinarap siya.

“Aahhhhh!” sigaw niya.
Muli kong hinarap ang mapanghusgang babae at itinutok ang flashlight sa kanya. Nanlaki ang magaganda kong  mga mata dahil sa nakikita ko.

“Chelly!” Parang may kung anong puwersa ang humihila sa kanya palayo sa akin.

“Ken, tulong!” umiiyak na siyang nakikiusap sa akin. Hindi ko siya mahabol. Parang may mabilis na hangin ang tumangay sa kanya palayo sa paningin ko. Hanggang sa unti unti na siyang kainin ng kadiliman.

Sh*t!

“Chelly! Nasaan ka na?!” Wala ng sumasagot. “Shit!” nasabi ko na pala ito ng malakas. Sinubukan ko pa rin siyang hanapin. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa tila walang katapusan na kwebang ito. Pero hindi ko na talaga siya makita.
Muli akong napaupo sa batuhan ng makaramdam ako ng pagod. Tuluyan na ring naubusan ng baterya ang flashlight ko. Bad trip! Sobrang dilim na ng paligid at halos wala na akong maaninag kahit pa na konting liwanag man lang.
Ano bang nangyayari? Bakit ba ako napunta dito? Aish! Letseng bakasyon naman ‘to.
Malas ko naman. Para tuloy ginugutom na naman ako dala ng pagod.
Kahit madilim ay naglakad lakad pa rin ako at baka sakaling makita ko si Chelly.

“Chelly!” sigaw ko at nag-eecho lang ang boses ko sa loob ng kuweba.
Nakailang tawag na ako pero wala pa ring sumasagot. Kakaiba ang kwebang ito. Napakahaba naman nito at tila isang daan lang ang tinatahak nito. Pangdalawahang tao lamang ang lapad nito at hindi naman siya gaanong mabato kaya kahit madilim ay hindi ako nadadapa. Patuloy lang ako sa pagkapa sa dilim. 
Muli akong napaupo sa isang nakausling bato para makapagpahinga dahil napapagod na talaga ako.
May naririnig ako na pag-agos ng tubig. Tama! Baka yun na ang daan palabas dito. Pero papano na si Chelly? Nasaan na kaya siya?

Nagulat nalang ako nang may maramdamang tubig sa may paanan ko. Kinapa ko rin ang sahig. May baha ba dito? Ilog? Kanal? Nasaan na ba ako?

Mabilis na umangat ang tubig na kanina lang ay nasa talampakan ko lang kaya napatayo na naman ako. Pataas na ito ng pataas hanggang umabot na sa tuhod ko, bewang at dibdib. Teka! Wala namang tubig dito kanina ah! Hindi na rin ako makagalaw par asana lumangoy. Marunong akong lumangoy pero para akong poste na naghihintay lang ng pag-apaw ng dam. Umabot na ito sa ulo ko hanggang sa hindi ko na makaya ang paghinga at nawalan na ako ng malay.   Mukhang ito na ang katapusan ng buhay ni Mark Ken Tapit sa mundong ibabaw.

Good bye world. Hello heaven?










Chapter 5 –The Odnum

Teka, bakit parang buhay pa ako?
Sa pagkakatanda ko ay para akong nalunod kanina. Pero bakit ngayon ay nararamdaman ko ng muli ang malakas na pagtibok ng puso ko. Pati ang paghinga ko ay nararamdaman ko na rin.
Oo, buhay pa ako at ipinagpapasalamat ko iyon sa Diyos.
Pero nasaan ako? Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at voila! Wala na ako sa loob ng kuweb at kakaibang lugar na ang nakikita ko.
May mga kakaibang nilalang rin ako na nakikita sa pagbangon ko. Yung mga ulo nila ay katulad ng sa mga isda pero ang katawan naman nila ay katulad lang din ng sa tao. Meron ding mga naglalarong maliliit na sirena na may makukulay na pakpak at halos kasinglaki lamang sila ng palad ko.
Nagulat ako nang marealized ko kung nasaan ako!
Nasa ilalim ako ng tubig at pakiramdam ko ay ako si Spongebob ngayon na nasa Bikini Bottom.
Totoo ba itong lahat ng nakikita ko? Parang napaka-imposible. Nasaang panig na ba ako ng mundo? O nasa kabilang buhay na ba ako? Pero bakit….tubig?
Mas lalo akong nagulat at nagtaka ng mapansin ko ang magagaspang kong balat. Sheteks! Kelan pa ako nagkaroon ng mga kaliskis? Pagkapa ko sa tainga ko ay mayroon na itong mga palikpik. Anong klaseng costume ba itong suot ko? Sinubukan kong tanggalin pero tila nakadikit sila ng mabuti sa katawan ko. Ang sakit!
Natigil ako sa ginagawa kong pagbabalat ng buhay sa sarili ko ng biglang tumahimik ang buong paligid. Lahat din ng mga kakaibang nilalang ay pumagilid at kasama na rin ako dun. Sa gitna ng ginawang tila daan ay may paparating na isang malaking kakaibang isda na kulay rainbow. Masyado iyong makulay at ngayon lang ako nakakita ng ganung klase ng isda at mga six feet yata ang laki nun. Sa gitnang ibabaw ng malaking isdang iyon ay may grandiyosang upuan at may isang magandang nilalang ang nakaupo doon. Pinalilibutan siya ng mga animo’y taong isda na mukhang sundalo.
Sumigaw ang isa sa mga sundalo gamit ang isang malaki at pahabang sea shell, “Magbigay pugay sa Reyna Muhera!” Actually, hindi wikang Tagalog yung lengguwahe nila pero ewan ko ba kung bakit yun ang naging pagkaka-intindi ko. Mukhang subconsciously ay may alam pala ako na ibang language. 
Yumuko nga ang lahat. Ayoko sanang yumuko ngunit may kung anong puwersa ang nagpayuko rin sa akin.
Tumayo ang tinatawag nila na Reyna Muhera mula sa pagkakaupo nito sa upuan na nasa ibabaw ng makulay na malaking isda. Mukha siyang isang tao katulad ko. Yun nga lang ay merong malalaking palikpik na kulay asul sa magkabilaang tenga niya. Kulay green ang kanyang mga mata, mahaba ang kanyang buhok na abot hanggang sahig. At para siyang payaso dahil katulad ng higanteng isdang iyon ay masyado ring colorful ang suot niyang damit. Ganun ba ang style ng mga gown nila dito? Meron din siyang korona na parang shell. Ewan, basta ang weird ng mga creatures dito. Ako lang yata ang normal. At syempre pogi.
Hindi ka mukhang normal ngayon Ken. Ka-itsura ka na din nila. Paalala ni konsensya sa akin at muli kong kinapa ang sarili kong mga balat.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa grandiyosang upuan na iyon. “Mga mahal kong nasasakupan, nandirito ako sa inyong harapan upang pormal na i-anunsyo ang isang mahalagang pangyayari na tatatak sa kasaysayan ng Tubig Odnum. Maghanda ang lahat para sa isang malaking digmaang magaganap! Lahat ng mga nasa hustong gulang na ay pwersadong magiging kaagapay ng ating mga sundalo. Lumikas na ang mga dapat lumikas at magtungo sa mga ligtas na lugar. Panahon na upang tuluyang lumawak ang ating teritoryo. Hindi maaaring habambuhay ay dito na lamang tayo sa Tubig Odnum. Karapatan din natin na masalat ang kalupaan at umahon dito. Ating ipaglalaban ang lahi ng mga taga-Tubig Odnum!” saad niya in a different language but weirdly ay naiintindihan ko.
Digmaan? Sa tubig? How come? Bakit kailangan ng digmaan?
“Digmaan na naman? Maraming buhay na naman ang masasayang,” rinig kong bulong ng isang maliit na sirena sa kanyang katabi.
“Ganun talaga ang batas ng Odnum. Kailangan nilang maglaban,” sagot nito sa kanya.
So ano ito, Survival of the Fittest? Nasaang dimensiyon ba ako? Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Bakasyon at peace of mind ang ipinunta ko rito sa Bataan at hindi isang giyera. Ano ba naman itong napasukan ko? Sana pala ay pumasok nalang ako sa trabaho ko at may double pay pa sana ako ngayon!

“Yun lamang ang aking sadya. Maraming salamat sa pakikinig mga mahal kong nasasakupan.” Muli na siyang umupo.

“Aalis na ang Reyna Muhera!” sigaw ulit ng isang sundalo na parang public announcer lang.  Nagsiyuko na naman ang mga nilalang sa paligid at muli ay pati ako ay napayuko din. Astig!

Maya maya lang ay wala na sa eksena ang Reyna Muhera kasama ang mga kawal nito. Naglakad lakad ako at napadaan sa mga hanay ng bahay. Well, partially ay mukha silang mga bahay na gawa sa mga puting bato. Irregular nga lamang ang mga shapes nito pero maiintindihan mo naman na isa nga itong tahanan dahil mayroon itong mga bintana at pinto.
Kinatok ko ang isang bahay at pinapasok naman ako ng may-ari niyon,“Nasaan ho ako?” derechan kong tanong ko isang taong-isda na maraming palikpik na abalang nag-aayos ng kanyang mga gamit. Pati na ang asawa nito at dalawang anak ay abala rin sa pagliligpit.

“Nasa Odnum ka iho, sa kaharian ng Tubig Odnum. Kung ako sa iyo ay huwag ka ng magtagal dito. Isang digmaan na naman ang magaganap at baka masayang lang ang buhay mo. Kakaiba ang itsura mo at parang ngayon lamang ako nakakita ng isang katulad mo dito. Kaya’t sayang iyang lahi mo kung hindi ka magpaparami,” paliwanag niya sa akin. Hindi niya siguro alam na isa akong tao at hindi ko sila kauri.
Pero may point siya. Hindi talaga ako pwedeng mamatay dito. Sa pogi kong ito ay kailangan ko pa talagang magparami.

“Pero matanong ko lang ho sana. Saan naman po kayo pupunta para magtago?” naguguluhan ko pa ring tanong sa kanya.

“Sa dulo ng nasasakupan. Magtatago sa mga malalaking batuhan upang makaiwas sa kaguluhan. Mahal ko ang pamilya ko at ayoko silang madamay. Malungkot ang nag-iisa,” Tama siya. Salamat sa Diyos at may pamilya pa rin ako. Kahit wala akong girlfriend, my family never left me.  Pagkatapos mag-impake, ay umalis na nga ito kasama ang pamilya niya.

Teka! Naalala ko. May kasama pala ako kanina. Yung dragonesang si Chelly. Nasaan na kaya yon? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya. Kahit naman hindi kami magkasundo ay concern pa rin ako sa kanya. Natural na sa mga gentleman yon. Sinubukan kong hanapin siya sa buong paligid pero hindi ko talaga siya makita. Pero naisip ko rin ay baka nasa lupa siya. Maaaring doon siya napunta.
Paahon na ako sa tubig nang pigilan ako ng isang babaeng taong isda. Meron siyang mga paa ng tulad sa tao pero ang ulo niya ay parang sa gold fish. Kulay orange ang buo niyang katawan. Meron din siyang mahabang buntot na kulay orange.  “Huwag kang umalis ng tubig! Mapanganib!” babala niya sa akin.

“Pero bakit? Hahanapin ko lang sana ang kasama ko.” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Kapag nakita ka ng mga taga lupang Odnum ay papatayin ka nila.” Sagot niya with her eyes very wide open. “At kapat nalaman ng Reyna na may napatay ang Lupang Odnum na ka-uri niya ay baka mas mapaaga pa ng husto ang napipintong digmaan,” paliwanag niya pa.
Papatayin? Patay agad?! Ako? Bakit? “Pero bakit nila ako papatayin? Wala naman akong ginagawang masama.” This is crap! Ayoko namang dito bawian ng buhay. Marami pa akong pangarap. Magpaparami pa nga ako ng lahi, hindi ba?

“Batas ng Odnum iyon. Walang pwedeng pumunta sa hindi niya lugar. Kaya nga nagbabalak na naman ang mahal na Reyna ng isang digmaan ay para lumawak ang aming nasasakupan. Matagal ng naglalaban ang dalawang kaharian ngunit wala pa rin namang nananalo. Nasasayang lamang ang buhay ng bawat nilalang. Mapa Lupang Odnum o Tubig man.” Mababakas sa mukha niya ang lungkot habang nagpapaliwanag pa.
This is really crap! Napa-face palm na lamang ako sa lahat ng mga bagay na nakikita at nariring ko ngayon. I keep questioning to myself, totoo ba lahat ng pangyayaring ito? O baka naman nasa Hollywood lang ako at nag-sho-shooting lang sila ng isang underwater na pelikula.

 “Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?” Ayokong sagutin niya ng Oo ang tanong ko.

Nagtataka siyang napatitig sa akin ng matagal. Hindi ko alam kung naguwapuhan lang ba siya sa akin o ano,“Bakit, hindi mo alam ang tungkol dito? Hindi ka taga rito noh? Isa ka bang taga lupang Odnum?” Para siyang na-alarma sa mga naging tanong niya.

Naku! Baka patayin nila ako kapag nalaman niyang none of the above ang sagot ko.
Isip Ken, isip. “Ha…Ahh… Eh, taga tubig Odnum ako. Nakakahinga nga ako sa ilalim ng tubig eh.”

“Pero bakit hindi mo alam ang tungkol dito?” pag-uulit niya sa naging tanong niya.
Mag-isip ka pa Ken. Kung ayaw mong bawian ng buhay dito ngayon. Pagbabanta ni konsensya.
“Ahhmm… Ma-matagal kasi kaming nagtago ng pamilya ko sa batuhan para makaligtas sa mga digmaan. Hindi naman nagkikuwento sa akin ang mga magulang ko, kaya wala akong alam tungkol dito.”
Nice! Galing magsinungaling ah. Improving.

Tumatango tango siyang parang naniniwala na sa kasinungalingan ko.“Sige, mauna na ako sa’yo. Maghahanda na rin ako para magtagong muli upang makaligtas,” paalam niya sa akin. Ang hirap magsinungaling pero kailangan para makasurvive sa lugar na ito. Mukhang kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko sa pagsisinungaling at pagtatahi ng mga kwento. Nasaan na ba kasi ang babaeng pasaway na iyon? Hindi na ako maka-relate dito oh.  Sana naman okay lang siya kung nasaang lupalop man siya ng Odnum na ito.

Sa bandang kaliwa ay may natatanaw akong isang malaking kastilyo na pinalilibutan ng mga corals. Siguro ay yun ang kaharian ni Reyna Muhera at baka nandoon si Chelly.
Para akong isang submarine na tumutuklas sa kailaliman ng karagatan. Talo ko pa ang nag i-iscuba diving dahil wala akong mga aparatos sa katawan. Kakaiba talaga ang mga nilalang na nakikita ko dito. Never in my entire life na makakakita ako ng mga ganitong uri ng isda o taong-isda o whatever creatures they are. Whatever they call themselves, bahala sila. Pero kakaiba talaga eh! Sila ba ang missing link sa theory of evolution ni Charles Darwin? Hay, ewan ko! Ayoko ng magtanong kasi baka mabuko nila na hindi naman talaga ako taga-rito. Hindi pa din ako sanay magsinungaling.

Ayos, walang bantay!
Napakagrandiyoso ng palasyong napasukan ko. Yari sa perlas ang halos lahat ng parte nito. Milyonaryo na siguro ako kung maibebenta ko ito sa merkado.
Ang greed mo Ken! Biro lang, hindi naman ako ganon.
Tumingin tingin ako sa paligid pero wala talaga si Chelly.

“Kailangan nating manalo na sa susunod na digmaan. Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito ay makukuha na natin ang teritoryo ng mga taga lupang Odnum!” dumagundong ang boses na iyon ng Reyna sa buong palasyo. Nagtago ako sa isang poste na yari rin sa mga pearls at nakita ko siyang may kausap. Ito marahil ang kanang kamay niya.
Hinawakan ko at dinamdam ang texture ng posteng yari sa mga perlas. Aabot na siguro ng mahigit isang milyon ‘to, poste pa lang.  Ayos talaga.
Ken!
“Ngunit mahal na reyna, maraming buhay na naman po ang masasayang,” Sabi nung parang alalay ng Reyna.

“Alam ko. At nakahanda naman tayo para don, hindi ba? Marami ang isisilang sa susunod na araw. Sapat na iyon upang mapunan ang mga buhay na mawawala.”
Mas lalo akong hindi makapaniwala sa sinabi ng reyna. Grabe naman itong Reyna Muhera na ito, napakawalang puso niya pala. Ayos lang sa kanya ang malagasan ng mga nilalang sa kanyang nasasakupan. Hindi man lang ba siya nanghihinayang sa mga buhay na maaring mawala pagkatapos ng walang kuwentang digmaan? Hindi ba siya pwedeng makuntento nalang sa kanilang teritoryo? Malawak naman ang tubig para sa kanilang lahat pero bakit pati ang lupa ay kailangan nilang sakupin?
Batas ng Odnum? Kailangan ba talaga iyon? Pati pala sa mundong ito ay uso rin ang greediness.
Teka, ano bang pakelam ko sa kanilang lahat?
Sa mundo ko nga mas mabigat ang mga problema. May PDAF, Pork Barrel, Climate Change, nationwide hungerness, mataas na porsyento ng mga maralitang mamamayan, mga homeless, out of school youth, droga, national territory, mga sawing pag-ibig, mga taong hirap maka-move on at madami pa! Hindi kasya dito sa buong libro kung iisa-isahin ko pa lahat.

Ang tanging pakialam ko lang ay makaalis na rito at makauwi na sa amin.

“Sa pamamagitan ng mahiwagang Salrep na ito, matatalo ko na si Arasmus!” hinawakan nito ang isang kumikinang na gintong perlas na mas malaki kaysa sa ordinaryong perlas lang. Magkano kaya yon?
Hey, Ken! Stop that! Kanina ka pa.

“Pero hindi po ba, Mahal na Reyna, ang kapares niyan ay nasa kanya din?”

“Oo, nasa kanya nga iyon ngunit magkakatalo na lamang kami sa paraan ng paggamit nito.” Ani Reyna Muhera habang hinihimas na parang manok yung Salrep na iyon.

“Maaari pong mawasak ang buong Odnum kung itim na kapangyarihan ang tinutukoy ninyong paraan, Reyna Muhera.” Bakas sa pag-alala nung alalay ang takot at pangamba. Ano  ba ang kapangyarihan ng Salrep na iyon? Parang atomic o nuclear bomb ba nila dito iyon?

“Ang mahalaga ay matalo ko si Arasmus!”

“Ngunit papaano na po ang mga nasasakupan natin?”

“Hindi ba’t iyon ang trabaho mo? Ang ilagay sila sa ligtas na lugar, Mabid?”
Naiiling nalang si Mabid. Paano nga naman niya mailalagay sa ligtas na lugar ang mga nasasakupan nila kung buong Odnum nga ang maaring masira? Adik ba ang reynang ito? Para siyang walang puso. Ang mahalaga lang sa kanya ay matalo ang isang Arasmus. Sa hinuha ko, ito marahil ang Hari ng Lupang Odnum.
Natigilan sa muling pagsasalita pa sana ang reyna at napatingin sa gawi ko. Yari na! Mukhang naramdaman niya na may ibang tao rito. Palapit na siya sa gawi ko ngunit hindi ako makagalaw para sana tumakbo at magtago.
Muli ko namang naramdaman na para akong nalulunod. Kanina lang ay nakakaya kong huminga sa ilalim ng tubig pero bakit ngayon ay parang malalagutan na naman ako ng hininga? Wala na bang laman ang invisible oxygen tank ko?
 Ano na naman ba itong nangyayari?
 Tuluyan na ba akong mamamatay?
Paano na ang pamilya ko? At balak ko rin namang magkaroon ng sarili kong pamilya. Sayang din ang bahay ko na malapit ng matapos sa Cavite.
Wake up, Ken! Kaya mo to! Wag kang susuko! Oh God, tulungan mo po ako.
Bigla nalang nagdilim ang paligid at wala na kong maramdaman. Ito na ba ang kabilang buhay?
Matutuluyan na ba talaga ako?
Makikita ko na ba ng tuluyan si San Pedro? Pati yung manok niyang panabong?
---------------------------------

















Chapter 6 – The Portal

Chelly’s POV

Shet, shet, shet! Nasaang lupalop na ba ako at bakit naging ganito ang itsura ko na?
Huhubels talaga. Gusto ko nalang maglason. Mukha na akong unggoy dahil sa dami  at kapal ng balahibo ko sa buong katawan. Waaahhh!
I swear to myself na talagang kakain nalang ako ng bubog kapag may kahit isa man lang na nakakita sa akin ngayon na kakilala ko.
Ang panget panget ko na!
At hindi matanggap ng buong pagkatao ko ang katotohanang iyon! Ano bang nangyayari? Bakit naging ganito ako kapangit? Ayoko namang sabihin na sobrang ganda ko pero yung sakto lang naman dahil may mga nagkakagusto naman sa akin kahit papaano.
Kumulo ang dugo ko nang may isang tao ang pumasok sa isipan ko kung bakit ako nandito ngayon at bakit nangyari ito sa buo kong katawan.
Ang hayop na lalaking yon!
Ah, Chelly, mukha ka na ring hayop ngayon…
Tseh!
Kung bakit naman kasi sinundan ko pa yung guwapong kurimaw na yon. Sinabi ng hindi ako papa-fall sa mga katulad niya eh. Dapat talaga hindi ko na siya sinundan tapos sasabihin niya na ako ang sinusundan niya. Kapal!
 Wait, did I just say guwapo? Oo na, guwapo na siya pero nuknukan naman ng yabang at kahambugan. Tsk! Di bale nalang at isa pa sigurado akong napaka-playboy nun at numero unong cheater. Natural na yon sa mga lalaking may itsura, ang magyabang at magpaiyak ng mga babae. Magsama-sama kayong lahat. Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin dahil sa naging itsura ko ngayon ay kayang kaya ko kayong kainin ng buhay at buong buo!

Nasa tabing dagat ako at…..ano bang klaseng lugar ang kalupaan na ito? Kulay brown lahat. Magmula sa mga puno at halaman, pati ang mga bahay na bungalow type na magkakahilera at malapit lapit sa itsurang kweba ay kulay brown pa rin. Parang hindi uso sa kanila ang mga bintana? At yung mga nakakasalubong ko namang mga tao errr… tao nga ba sila? Napangiwi ako sa isiping iyon, hindi sila mga mukhang tao eh. Well, partially kasi may mga paa sila pero kakaiba eh. Malalaki ang mga katawan nila at napapalibutan yung upper part nila ng balahibo ba o buhok? And take note, kulay Brown pa rin! Most likely ay parang sa mga kapre kung pagbabasehan ang mga kwento sa mga libro kung papaano sila nilalarawan doon. And worst of all, kamukha ko sila! Saklap naman ng naging kapalaran ko. Sana wala nalang malakas na pwersa ang humila sa akin palabas sa kuwebang iyon kung dito lang rin naman ako mapupunta at magiging ganito pa ang itsura ko.
Huhubels talaga!


“Ate, pwede po magtanong? Asan po ako?” tanong ko sa isang tao—err nilalang na nakasalubong ko. Gusto ko rin sana itanong kung anong klaseng nilalang ba siya kaso baka ma-offend kaya huwag nalang. Baka mamaya nyan ay nangangain pala sila ng tao. Pero since ‘naka-disguise’ ako ngayon ay malamang hindi niya ako magagawang kainin.

“Nasa Lupang Odnum ka, iha. Saang Odnum ka ba galing? Kung ako sa’yo ay umalis ka na rito dahil nalalapit na naman ang isang digmaan na maaaring kumitil sa iyong buhay.” Esplika  at pag-wawarning niya sa akin.
Hindi wikang Tagalog ang gamit niyang language pero subconsciously ay naiintindahan ko ito. And parang narealize ko na kahit Tagalog ang gamit ko ay naintindihan niya ako. Weird.
“Eh?” Ano daw yun? Digmaan? And where the hell is Lupang Odnum located? Wala ba ito sa mapa ng Pilipinas?
“Kakaiba ang iyong suot,” sabi pa niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi po kasi ako taga-rito. Nakikidayo lang. Gusto ko sanang isagot but I chose to shut up.
“Mag-iingat ka sampu ng iyong pamilya,” Tapos nilagpasan na niya ako at nagmamadali siyang naglakad palayo sa akin. Seriously, what is she talking about?


Hindi kaya naghahaluccinate lang ako? Baka naman tulog ako? Teka nga, “Aah! Aray!” Kinurot ko yung sarili kong pisngi at masakit iyon so meaning, gising talaga ako.

Anak ng community service naman ‘to oo.
Odnum? What the! Yung totoo, nasa Earth pa ba ako?

“Bilisan na nating makalipat sa ligtas na lugar. Desidido na si Haring Arasmus para sa isang nalalapit na digmaan na naman.”

“Oo nga, maraming buhay na naman ang masasayang.”

“Hindi na sila natapos sa pakikipagtunggalian sa isa’t isa.”

“Batas iyon ng Odnum. Kailangan talaga nilang maglaban upang maagaw ang nasasakupan ng sinumang maging talunan.”

Paglapit ko sa isang silong ay iyan ang narinig kong usapan ng dalawang creepy creature. Basta creepy sila at sila lang yon. Hindi ako kasali. Abala sila sa pag-aayos ng mga gamit nila na…eh? Kulay brown pa rin. Brown world ba ang tawag dito?
Hay naku, Chelly. Lupang Odnum nga daw hindi ba?
K dot.
So totoo pala ang sinabi ng unang nilalang na pinagtanungan ko kanina.
Sino ba yung Haring Arasmus na ‘yon? Napaka war freak naman nun! Bakit kailangan pa ng digmaan para lang mapalawak ang nasasapukan niya? Imperialismo lang ang peg? Sa tingin ko naman ay malawak na ang nasasakupan niya, bakit pati ang nasasakupan ng iba ay gusto rin niyang kamkamin? Napaka-greedy naman ng taong iyon.
Ano kayang hitsura ng Haring Arasmus na pinagtsi-tsismisan ng dalawang creepy creature kanina? Mas malaki kaya siya sa isang kapre? Mas marami ba siyang buhok sa katawan? Pag sinabing hari, ibig sabihin ay marami siyang kawal o alipores. Hmmm…. Ano kayang itsura ng kaharian niya? Isang napakalaking kweba na parang Manila Cathedral? Hahaha!
Mababaliw na yata ako at kung anu-ano na ang pumapasok na sa utak ko. At teka lang ha, ano bang pakialam ko sa haring iyon? Ang dapat kong isipin ngayon ay kung papaano maibabalik ang dati kong itsura at makakauwi ng buhay sa bahay namin.
Mukhang masasagot ang tanong ko ah. Yung tanong about dun sa Haring Arasmus.
May isang sobrang laking….nilalang ang bumulaga sa harapan ko at may mga alipores na nakasunod sa kanya.
Mukhang siya yung Haring Arasmus kasi sa gesture pa lang niya ay mahahalata mo na ang authority. Stand out din sa lahat yung height niya. Basketball player ba ‘to? Sorry for the word pero mukha nga talaga siyang kapre. Hehe, peace Koya.
Hindi kaya lamang lupa ang hari na ito?

-----------------------------------------


Back to Ken’s POV

Hah!
 Para akong nakahinga ng sobrang luwag ulit. Pinili kong huwag munang imulat ang mga mata ko at nakiramdam muna sa paligid. Alam at ramdam kong buhay pa ako! Thanks, God.
Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman kong buhay pa pala ako. Thank you po talaga, God. Promise, hindi na ako magyayabang sa sarili ko na guwapo ako kahit pa na totoo naman iyon. Sana sa pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa kuwarto ko na ako sa bahay namin.
O di kaya naman ay nasa bahay ko ako sa Cavite. Kaso wala pang mga furnitures doon eh. Kaka-finish lang mapinturahan ng buong loob niyon. Pati na rin yung labas siyempre.
Okay lang kahit nasa sahig ako nakahiga, ang mahalaga ay sa pagmulat ko ng mata ko ay nasa Earth na ulit ako.
Nararamdaman kong may mga kamay na tumatapik sa pisngi ko. At narinig ko pa siyang nagsalita.
“Ken, wake up!”
“Hmmm….”
“Wake-up!” tinapik niya ng medyo malakas ang kanang pisngi ko. Aray ha. Nabosesan ko ang taong iyon.
“Chelly?” pagmulat ko ng mga mata ko ay magandang mukha ni Chelly ang natunghayan ko.
Tama ba ako ng sinabi? Magandang mukha ba talaga ang nasabi ko?
Sa mga sandaling ito ay iniimagine kong napapailing nalang ako. Oo na, I confessed, maganda talaga siya yun nga lang ay napaka-dragonesa.  Kita niyo naman at nanampal pa. Tsk, sadista.
Naramdaman ko rin na nakahiga pala ang ulo ko sa mga legs niya.
Mabait rin naman pala siya kahit papano.
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. And I can’t see nothing but white. Parang langit. Langit na nga ba ito? Patay na ba kami pareho? Nasaan na si San Pedro?

“Nasaan na tayo?” tanong ko sa kanya pagkabangon ko at napaupo ako habang katapat siya. Napansin ko ring wala na ang mga palikpik at kaliskis ko sa katawan. This is really weird. Hindi ko na alam kung alin ba sa mga nangyayari ang totoo at ang panaginip lang.

“Nasa Portal daw tayo,” sagot niya sa akin.
What?! Portal naman ngayon? Kanina nasa madilim at walang katapusang kweba kami tapos naging Odnum. Tubig Odnum to be exact, then now Portal? Holy angus beef! And wait….
“Portal? Daw? Sino ang may sabi?”naguguluhan ko pa ring tanong. Sana naman ay hindi si San Pedro ang may sabi nun.

Nagkibit muna siya ng balikat bago sumagot ulit, “Ang punong tagabantay ng mga Dimensiyon ng mundo. Yun ang pakilala niya sa sarili niya.”
Hah? Ang gulo pa din? Sino ba talaga yun? Tsaka nasaan na siya?

“Sino nga yun? Asan siya?”
Inginuso niya ang banda sa likuran ko. Lumingon naman ako at nakita ko ang isang matandang lalaki na nakatalikod, may hawak siyang bakal na baston na nasa tagiliran niya kaya nakikita ko. All white din ang suot niya.

“Ka Marsel daw ang pangalan niya,”dagdag impormasyon pa ni Chelly.

“Paano tayo napunta dito? Tsaka ikaw? Kanina parang may humihila sa’yo at hindi kita mahabol. San ka napunta? Anong nangyari sa’yo?” Sunod sunod ko pang mga tanong. Pasenya na at naguguluhan na talaga ako. Pakiramdam ko ay konting-konti nalang at sasabog na ang utak ko. Isa pang matinding rebelasyon o pangyayari, hello Big Bang Theory na talaga.
Ipasok niyo na ako sa Mental Hospital!

“Sa Lupang Odnum,”sagot niya.
So kung umahon ako kanina sa Tubig ay makikita ko pala siya?
“Talaga?!” gulat kong reaksiyon, “Ako sa Tubig Odnum,” sabi ko sa kanya kahit hindi naman niya tinatanong.

“Nakita mo si Haring Arasmus?” - “Nakita mo si Reyna Muhera?”
Halos magkasabay naming tanong sa isa’t isa.

“Nagpaplano sila ng digmaan!” sabay ulit naming sabi.
Natigilan kami pareho at maya maya ay pareho nalang kaming natawa. Sa kabila ng weirdness na nangyayari ay nagawa pa naming magkatawanan. Pero itong pagtawa namin pareho ay masasabi ko ring weird. Remember, sinungit sungitan niya ako kanina sa madilim na kuwebang iyon.
Nang may biglang tumikhim at natigilan kami sa pagtatawanan. KJ.  He-he. Sabay kaming napalingon sa dako niya. Sa sinasabi ni Chelly na Ka Marsel.

“Paumanhin ngunit maaari bang makisali sa kasiyahan niyo?” tanong niya sa amin using a different language also pero I can feel na pareho naming naintindihan ni Chelly ang sinabi o itinanong niya. Hindi namin napansin ni Chelly na kaming tatlo ay magkakaharap na nakaupo na pala sa isang mesang bilog. Freakin’ weird. 

Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong rin ako, “Bakit ho kami nandito?”

“Ang lugar na ito ay ang Portal patungo sa iba’t ibang dimensiyon ng mundo. Sampu ng aking mga kasama, tinitiyak namin na nasa ayos ang lahat. Ang mundong ginagalawan ninyong mga tao ay isa lamang sa maraming dimensiyon ng sanlibutan. Ngunit dala ng ganid at kapangyarihan, marami sa mga dimensiyon ang unti unti ng nasisira at nawawala. Hindi na balanse ang kalikasan. Tulad na lamang ng sa inyong mundo, masyado niyo ng inaabuso ang kapaligiran kaya’t masama na rin ang nagiging epekto nito sa nakararami.” mahaba niyang litanya.

“Siguro environmentalist siya nung kabataan niya.” Bulong ko kay Chelly at napangisi naman siya sa sinabi ko.
Tumikhim si Ka Marsel at sumabay rito ang isang ingay na parang kulog. Wiw! Special powers niya rin ba yun? (Bukod sa pagpapaupo sa amin sa harap ng mesa ng hindi namamalayan).
Pagkatapos ng isang sound effect na medyo hawig sa kulog ay naging seryoso na ang atmosphere. Parang pag nagbiro ka ay ma-sha-shot gun ka ng di oras.
“Ang pinaplanong digmaan ng dalawang kaharian ay sadyang mapanganib lalo pa’t gagamitan nila ito ng itim na mahika. Dalawang kaharian ang mawawasak. Masyadong nabulag ng galit at poot ang dalawang pinuno na hindi na nila naisip ang kaligtasan ng kanilang bawat nasasakupan,” dagdag paliwanag niya pa.

I get his point pero ano ba ang pakialam ko o namin ni Chelly sa mga pinaglalaban niya, “Anong kinalaman namin doon? Hindi ba pwedeng bumalik na lamang kami sa mga pinanggalingan namin? May mga pamilyang naghihintay sa amin. Hindi ka namin kayang tulungan. Masyado hong mabigat ang pinapagawa ninyo sa amin. Paano namin sila mapipigilan? Mga ordinaryong tao lamang kami.” Pangangatwiran ko.

“Kaya niyo silang labanan. Higit sa lahat ay tanging kayong dalawa lamang ang makakapigil sa kanila.” Nanlaki ang mga chiniti kong mata sa sinabi niya. What kind of fact is that? Kaya namin? Fiction yan dude.

“Pero paano? Wala kaming kapangyarihan?” Si Chelly naman ang nagtanong.

“Gaya ng nauna kong sinabi, malalaman niyo yan sa takdang panahon. Sa ngayon ang tanging masasabi ko lamang ay kinakailangan nating magtulungan upang makamit ang nais ng bawat isa,” muli niyang sagot na sadyang napakalalim. Sa sobrang pagka-deep ay hindi ko masisid.
“Anong ibig mong sabihin?” Si Chelly ulit ang nagtanong, “Big brother lang talaga ang peg niyo Ka Marsel. Hindi niyo nalang kami deretsuhin. Tss.”

“Kayong dalawa ang may sapat na lakas, talino at kakayahan upang magupo ang mga ganid sa mga dimensiyong inyong napuntahan kani- kanina lamang. May dahilan ang lahat kung bakit kayo nandirito ngayon na kayo mismo ang makatutuklas niyon.”

Why o why? And how o how? Kami? May sapat na lakas, talino at kakayahan? Paano?
Chef ako, hindi taga-balanse ng kalikasan.
Ang gulo! Sana magising na ko. Bangungot lang to! Gising, Ken, gising! Imaginations mo lang lahat ng ito.

“Aray!” nasabi ko nalang. Sinubukan ko kasing kurutin ng sobrang pino ang braso ko. Masakit! Gising talaga ako!

“Ano bang ginagawa mo?” natatawang tanong sa akin ni Chelly.

“Chineck ko lang kung gising ba talaga ako,”

“Ginawa ko rin yan kanina, totoo talagang nangyayari lahat ng ito. Masakit noh?”

“Oo, masakit talagang tanggapin na totoong nangyari ang lahat ng ito. Pero bakit parang tanggap mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Sakyan at gawin nalang natin ‘to para makauwi na tayo. We don’t have any choice right now.”

So ganun lang yon?

“Ano ng gagawin namin ngayon?” tanong ko ulit kay Ka Marsel.

“Kailangang mapigilan ang nakaambang na digmaan,”

“Pero paano namin gagawin yon?”

“Kung alam ko lamang ay hindi ko na kayo kinailangan pa,” pilosopo niyang sagot sa akin.
Buti nalang hindi ako pumapatol sa matatanda. Ang ayos ng sagot! So, anong gagawin namin dito? Nga-nga?

“Kailangan nating gumawa ng plano, Ken. Kailangan natin siyang tulungan,” and there I saw leadership in Chelly’s eyes. Full of determination ang expression ng mukha niya.

And I realized na tama siya, kung gusto talaga naming makauwi ay kailangan naming gawin ito.

So what’s the plan, Lady Dragonesa?





























Chapter 7 – The Plan A

“I-pag date kaya natin sila? Malay natin mag-click sila at magka-inlaban. What do you think?” tanong ni Chelly sa akin. Nakaupo pa rin kami sa harap ng isang bilog na upuan at dalawa na lamang kami ngayon ang magkausap. Umalis si Ka Marsel at hindi ko na inalam kung saan siya pumunta. Bahala siya diyan, malaki na siya.
Who would have thought na mauupo kami ngayon ng magkatapat para lamang mag-brainstorming? Kani-kanina lang ay nagkakilala kami, nagbangayan, nagkasama sa isang madilim na lugar at ngayon ay eto nakaupong magkatapat at  nagpapaduguan ng mga utak sa pag-iisip ng mga plano kung papaano mapipigilan ang napipintong digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian.
“Asa ka namang, mapag-didate mo ang mortal enemies.” Kontra ko sa unang suggestion niya. Date? Silang dalawa? Asa talaga.

“Hmmm… Alam ko na, kidnapin natin sila, ikulong sa isang kuwarto at hindi natin sila palalabasin dun hangga’t hindi sila nagkakaayos!” Panibago niyang suggestion.

At yun talaga ang naisip niya ah.

Umiling iling ako. “Sana yung kwartong pagkukulungan sa kanila ay ‘power-proof’. Yung hindi nila matitibag gamit ang mga kapangyarihan nila,” Sabi ko habang naka-angat ang isa kong kilay. Hindi ba siya nag-iisip muna bago magsalita? Bira lang siya ng bira eh.
Kunsabagay, some girls are like her (like my cousins and former classmates or friends, bira lang ng bira. Hindi muna nag-iisip bago magbitaw ng mga salita. Kaya ang ending ay more conflicts.

Pumitik pa siya sa hangin bago nagsalita ulit, “Isang conference meeting kaya. Yung parang sa UN para sa world peace?” Suggestion na naman niya.

“Malabo.”

Kumonot ang noo niya sa sinabi ko na waring nagtataka,“Paanong malabo?”

“Malabong magkasundo sila sa mapayapang paraan.”

“Tsk! Ang nega mo naman! Try lang naman eh. Malay mo mag-work. Tsaka, walang hindi nadadaan sa mabuting usapan,” Paliwanag niya.

“Akala mo lang yun. Kung tao sila, pwede. Kaso hindi eh. Baka pulbos na ang lahat ng nasa paligid nila ay hindi pa rin sila nakakapag-usap ng maayos.”

Parang umuusok na yung ilong niya sa inis, “Napaka-nega mo talaga! Kanina ka pa ah!” Sigaw na niya sa akin at napukpok niya pa gamit ang mga kamao niya ang mesa. Grabe, talo pa ang isang asawang nagger kung makasigaw ‘tong babaeng ‘to. Hindi talaga ako mag-aasawa ng katulad niya, promise! Itaga niyo yan sa bato.

“Bakit ba ang bitter mo? Galit ka ba sa mundo? Sinasabi ko lang naman ang opinion ko.” Sabi ko in a calm tone. Hayaan nalang natin na siya lang ang ma-stress sa mga sandaling ito. Masyado na akong ginugutom para lang makipagtalo pa sa kanya.

“Correction lang mister, kinokontra mo po lahat ng suggestions ko! Oh, edi sige ikaw mag-isip ng paraan! Siguraduhin mo lang na yang maiisip mong paraan ay tatalab at ng makaalis na sa pesteng lugar na ‘to!” Mahaba-haba niyang litany na naka volume 10 ang boses niyang matinis. Grabe lang talaga. Hindi na ako magtataka kung tatanda siyang dalaga. Sayang ang ganda pa naman niya pero nakaka-turn off sa isang babae ang masyadong matalak.
 Aish! Maganda na naman? Ano ba itong nasasabi ko? Nawawala na talaga ako sa sarili ko.
Pero kahit sino namang mapunta sa lugar ko ay mababaliw rin siguro. Masayang bakasyon ang goal ko for this holiday at hindi tulad nito.

Ano nga bang magandang paraan para hindi na mag-agawan ng nasasakupan ang dalawang pinuno?

“Kita mo na! Natahimik ka kasi wala kang maisip!” Sa dinami dami ng makakasama, bakit siya pa ang ibinigay sa akin?
Sana si Jane nalang. De, joke lang. Naka-move on na ako. Promise!

“Huwag ka ngang sigaw ng sigaw. Paano tayo makakaisip ng paraan kung ganyan ka makipag-usap sa akin?” Medyo iritable na naman ako, pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na tuluyang mainis sa babaeng ito. Kalmado pa tayo dito mga kaibigan.
No choice eh. Kailangan ko siyang pakisamahan.

 Salamat naman at tumahimik na siya. Inirapan nga lang ako bago niya tuluyang isinara ang bibig niya.

Tumingin tingin ako sa paligid. Nakaka-bilib lang talaga yung lugar na ito. Para kang nasa langit na ewan. Buong paligid ay kulay puti. Kulang nalang talaga si San Pedro eh.
Teka, nasaan na ba yun si Ka Marsel?

“Si Ka Marsel?” tanong ko sa nag-iisang kasama ko.

“Hindi ako hanapan ng nawawalang weird na matanda na nag-aala Big Brother!” Asik niya. Ayan na naman siya sa pagtataray niya.

“Ewan ko sa’yo. Ang labo mo kausap.” Naiiling nalang ako at pinipigilan ang sarili na manakal ng babae.

“Ikaw naman, wala kang kwenta kausap!” Asik niya pa.  May PMS ba siya ngayon?

Speaking of Ka Marsel, para siyang kabute na biglang lumitaw sa harapan namin at may  dala dala siyang isang  malaking libro.
Inilapag niya ito sa lamesa na nasa harap namin ng dragonesang babae.

“Nawa’y makatulong ito sa inyong misyon. Isa ito sa mga pangyayari sa kasaysayan ng dalawang Odnum.” Misyon talaga? Oo na, sige na. Mission accepted with this dragon lady as a partner.
Biglang nagliwanag ang mesang pinagpapatungan ng bukbuking libro.
Woah! Amazing!
Pagbuklat ni Ka Marsel ng dala niyang libro na  anytime ay pwede na itong magkapira-piraso ng tuluyan dahil sa sobrang kalumaan, ay nagkaroon ng parang hologram sa ibabaw nito. 3D pa talaga. Astig!

Teka, si Reyna Muhera yan! May kasama siyang lalaki. HHWW (holding hands while walking) sila sa isang dalampasigan.

“Si Haring Arasmus yan ah!” turo ni Chelly dun sa lalaking kasama ni Reyna Muhera.

“Oh?” Nakakapagtaka lang. Bakit sila magkasama diyan? Nag-shoot na ba sila para sa isang pelikula dati? Baka ito ang dvd version nila sa mundong ito.

“Oo siya yan. Teka lang! Don’t tell me, yan yung Reyna Muhera?”

“Siya nga.” Sagot ko naman kay Chelly.

“Pero Ka Marsel, bakit po sila magkasama? Tsaka parang ang sweet nila. Totoo po bang nangyari yan? Oh, nag-taping lang sila diyan?” Tanong naman nito sa matanda.

“Totoong nangyari yan daang taon na ang nakakaraan. Dati silang malapit na magkaibigan. Nagka-ibigan at binalak na magpakasal. Pero dahil sa kani-kanilang mga tungkuling namana, kailangan nilang kamuhian ang isa’t isa at talikuran ang naging masaya nilang pagsasama.”  Kwento ni Ka Marsel. “Hindi maaaring magsama ang isang taga Tubig at taga Lupang Odnum. Kasama sa batas iyon. Kalaunan ay nagpakasal sila sa mga kapwa nila ka-uri.”

“Dati silang magjowa?” Tanong ulit ni Chelly.

“Magkasintahan.” Sagot ni Ka Marsel.

“Magkasintahan nga kasi.” Sabat ko.

“Tse!”

“Nasaan na po ang asawa ni Reyna Muhera?”tanong ko.

“Yung asawa din po ni Haring Arasmus?” dagdag na tanong ng dragonesa.

“Namatay silang pareho sa mga nakalipas na digmaan. At dahil dito ay lalong lumalim ang galit sa puso ng dalawang pinuno.”

“Woah. Tragic.” Di ko napigilang maibulalas.

“Tragic you’re face,” bulong na parang bubuyog ng babaeng katabi ko.

“Tsk! Nakakagutom kasama,” pasaring ko sa kanya at muli akong nagtanong sa matanda, Ka Marsel, may pagkain po ba kayo rito? Nagugutom na ho kasi ako.”

“Sumama kayo sa akin.”
At sumunod na nga kami sa kanya.
Sana may carbonara, steak at red wine.

-----0000000-------

“Wala na po bang ibang pagkain? Yan lang talaga?” Pero parang mas maganda sanang itanong, Pagkain po ba yan?
Hindi ko kasi kilala yung mga pagkaing nakahain. I’m a chef but never in my entire life yet na maka-encounter ng mga pagkaing nasa harapan namin ngayon.
May parang prutas na matagal na yatang extinct.
May isda na hindi ko ma-explain ang itsura.
Yung isang karne, hindi ko ma-gets kung saang hayop siya galing.
Sinubukan kong amuyin ngunit they all seem odorless. Ano bang klaseng pag-kain to? Walang amoy na kahit ano.
And to its visual appearance ay parang di ko yata kayang kainin kahit isa man sa mga ito. Mukhang mag-tutubig nalang ako.

“Kumain na kayo. Kailangan niyo ng sapat na lakas para sa inyong misyon.” Parang hindi na yata kayang tanggapin ng pandinig ko ang salitang ‘misyon’.


“Eh… Ka Marsel, hindi po kasi namin kilala yung mga nakahain na yan. Anu-ano po ba yan? Tsaka sino pong naghanda ng mga yan?” Si Chelly.

“Menudo, Escabeche, Fruit Salad. Ako ang naghanda niyan.” Turo ni Ka Marsel sa mga pagkaing binanggit niya.

Weh lang Ka Marsel. Bakit ang layo niyan sa mga itsura ng ulam na alam ko?

Nagkatinginan kami ni Chelly pagkatapos ay nagtatakang tumingin ulit kami kay Ka Marsel.
“Joke lang!” Sabi nung matanda at nag-peace sign pa.
*Insert cricket sound effect here*
Wala na, malala na ‘to.

Mag-tutubig nalang talaga kami.
----------------------------------------------

Sa isang pitik ni Ka Marsel ay nandito na ako sa harap ni Reyna Muhera at mukhang nagulat siya, katulad ko.
“Sino kang pangahas na pumasok sa aking kaharian?” tanong ni Reyna Muhera sa akin. Tinira niya ako ng baston na hawak niya dala marahil ng pagkagulat. May lumabas ditong parang kuryente pero unbelievebably ay hindi ako nasaktan. Parang tumagos lang ito sa katawan ko.
Masyado yatang malakas ang immunity at tolerance ko. Haha. Pogi nga kasi ako kaya ganyan. De, joke lang.

Nanlaki ang mga mata niya dahil walang naging epekto sa akin ang kapangyarihan niya.
Tama si Ka Marsel at medyo naiintindihan ko na kung bakit kami ni Chelly ang makakatulong sa kanya.
Sana lang talaga ay maging effective itong plano na naisip namin, kung hindi….yari na!

“Anong klase kang nilalang?!”

“Ako po ay taga-Portal.” Sagot ko sa tanong niya pero syempre kunwari lang. Aish. Napapadalas na ang pagsisinungaling ko.

“Isa kang bantay?” Tanong niya. 

 Tumango ako. “Nais ko po kayong maimbitahan sana para sa isang munting salu-salo. Date, kumbaga.”

The plan is the first suggestion of Shelly. Ang i-pag date ang dalawang pinuno. Since may nakaraan naman sila, bakit hindi natin muling ibalik ang tamis ng pag-ibig? Hindi po ako kumakanta, nagtatanong lang.

“Saan?” tanong ng Reyna.

“Sa Portal.”

“Sige. Pupunta ako.” Ayos. Madali naman palang kausap ang Reynang ito.

-------000---

Chelly’s POV

Sa isang pitik ng kamay ni Ka Marsel, muli akong napabalik sa pinanggalingan ko.
“Hi po!” Bati ko sa nilalang na nasa harapan ko.

“Nandirito ka na naman?” Parang kulog yung boses niya. Nakakatakot.

“Ah, eh. He-he. Opo.”

“Ano na namang ginagawa mo dito?”

“Ahmm… Kinakausap kayo?” Hindi naman sa namimilosopo ako. Kinakabahan lang talaga ako habang kausap si Haring Arasmus. Para kasing anytime na gugustuhin niya ay kayang kaya niya akong apakan or lamunin ng buo.

Tinignan niya ako ng masama. Hindi ako tanga para hindi aminin na natatakot ako. “Nais ko po sana kayong anyayahan sa isang pagtitipon.”

“Ikaw ba ang makakapares ko?” Nakangisi niyang tanong. “Isa kang kakaibang nilalang at nais kitang makilala ng lubusan.”
Ako pa ngayon ang kakaibang nilalang sa aming dalawa. Grabe lang. Sige, oo nalang ako.
-----------------------------------------

Ken’s POV
Pagdating namin sa Portal, ayos talaga at nandun na si Haring Arasmus…
Malaki ang katawan niya. Parang tatlong patong yata yung mga abs niya kumpara sa akin.
Pero syempre mas pogi pa rin ako.
Siya kaya, kamukha niya si Shrek.
Joke lang.
Malapit din sa tao ang itsura ni Haring Arasmus, yun nga lang para siyang kapre sa laki. Mahaba rin ang mga bigote niyang kulay Brown. Hindi siguro uso ang pang-ahit dito.

Napatayo bigla si Haring Arasmus nang makita si Reyna Muhera.

“Kumalma kayo pareho. Ang nais lang namin ay makapag-usap kayo ng maayos. Wala namang masama kung susubukan nating daanin sa mabuting usapan ang lahat.” Inunahan ko na sila.
Sa totoo lang, nakakakaba dahil baka dito pa magsimula ang digmaan ng dalawang Odnum. Huwag naman sana.
“Para walang masaktan, ang nais lang namin ay magkausap kayo.” Dagdag ko.

“Tama si Ken. Kailangan ninyong mag-usap. Ng maayos. Walang dahas at mahinahon.” Sabi naman ni Chelly.


Iniwan na namin ang dalawa sa isang table for two at umupo rin kami ni Chelly sa isa pang table for two sa hindi kalayuan.

Yung kani-kanilang mga alipores ay mataman lang na nakatingin sa dalawang nag-di-date.

“Parang double date lang ah.” Sabi ko kay Chelly.

“Double date mo mukha mo.” Lakas mambara. Grabe lang siya.

“Ang bitter mo talaga. Niloko ka ba ng boyfriend mo kaya ganyan ka?”

Ayan na naman yung tingin niyang masama. Iba-iba talaga ang mood ng babaeng ito. Minsan okay siya, madalas sobrang sungit. Akala mo laging meron. “Oo. Niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa manager niya. Nagawa niya akong ipagpalit sa malandi niyang manager kahit pa na pinaglaban ko siya sa parents ko. Ano nga namang mahihita ko sa isang trying hard na rakista ‘di ba? Nagrebelde ako, nag-stop ako ng pag-aaral pero anong napala ko? Nga-nga! Gawa ng isang manlolokong lalaki. At para sa akin, pare-pareho lang kayo.” Ah. Kaya naman pala. May pinaghuhugutan ang pagiging bitter niya.

“Huwag mo namang lahatin. Abnormal at sira-ulo talaga yung boyfriend mo pero hindi naman lahat ay manloloko.”

“Sus. Kunwari ka pa. Mukha ka ngang playboy eh. Manloloko ka rin.” Napaka judgemental naman ng babaeng ‘to. Ganun ba ako ka-guwapo para mapagkamalan niya akong playboy?
Porke’t guwapo, playboy na kaagad? Hindi ba pwedeng pogi lang talaga?

“Hindi ako manloloko. Ako nga ang niloko eh. Pero wala na sa akin yun. Ang mahalaga, kasama na ng mahal ko yung taong mahal niya talaga.”
Uy, wala akong sama ng loob kay Jane ha. Nag-shi-share lang ako ng bitterness sa babaeng ito.
Pinapaintindi ko lang sa kanya na hindi lahat ng lalaki manloloko.

Tinitigan niya ako ng matagal. Parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niya i-voice out. Naga-guwapuhan siguro siya sa akin. Sus. Alam ko naman yun!

“Ang deep.” Tangi niyang nasabi.

“Ha?”

“May sense ka rin pala kausap.” Aniya.
Ilang madaming madaming oras na kaming magkasama pero ngayon niya lang napagtanto na may sense akong kausap?
Napakamanhid naman ng babaeng ito.
Syempre marami akong sense!

“Naman!” Sabi ko sa kanya na may kasama pang kindat.

Nagulat kami ni Chelly nang suntukin ni Haring Arasmus yung mesa dahilan para mawasak ito.

Tinungkod naman ni Reyna Muhera yung baston niya sa lupa at biglang yumanig. Parang intensity 6 yung naging lindol pero saglit lang. Mga three seconds lang siguro.

“Kalma lang kayo!” Sabi ko sa dalawang pinuno paglapit namin sa kanila ni Chelly. Ano kayang nangyari sa naging usapan nila? Dapat yata nag-eaves drop nalang kami ni Chelly eh.

“Mapapasaakin ang Lupang Odnum, Arasmus! Tandaan mo yan!” Tila galit na galit niyang sabi kay Haring Arasmus. Binalingan niya ako at muli siyang sumigaw, “Mga kawal, dakpin ang lalaking ito!”

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nanigas. Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Reyna Muhera pagkatapos ay pinakita niya sa akin yung kamay niya na may ilang hibla ng buhok. “Sa pamamagitan nito, mapapasailalim kita.” Aniya.

“Ken!” Sigaw ni Chelly. Hawak na rin siya ni Haring Arasmus.

“Sumama ka sa akin babae. Kailangan kita sa kaharian ko,” Hindi rin makagalaw si Chelly tulad ko. Maya-maya lang ay buhat na siya ng mga kawal ni Haring Arasmus.

Ka Marsel, where na you? S.O.S.
M.I.A. ka? Pero bakit?

*S.O.S.= save our ship/acronym used for emergency help.
*M.I.A. = missing in action


































Chapter 8 – The Jail Breakers

Andito na naman ako. Back to Tubig Odnum, sa kaharian ni Reyna Muhera, sa dungeon to be exact. Nakatambay ako rito ngayon bilang isang preso.
Ang saya saya noh?
Kulay puti ang mga rehas na gawa sa bato ang kasalukuyang hinihimas ko at mas masaya pa dahil mag-isa lamang ako. May maliit na bintana sag awing bintana. Pag sumisilip ako ay wala naman akong ibang makita kundi puro tubig!
If there’s something I can be thankful right now, yun ay buti na lamang at hindi na bumalik ang naging itsura ko the first time I went here. Wala na ang mga palikpik at kaliskis na tumatakip sa makinis kong balat.
Ang alam ko ay immune ako sa kapangyarihan ng reyna kaya hanggang ngayon ay malabo pa rin para sa akin kung anong klaseng kapangyarihan ang ginamit niya at nagawa niya akong ma-paralyze for a short while.

May hawak siyang buhok and now I’m wondering kung buhok ko ba iyon at pang-witch na magic ang ginamit niya? Ayos. May pagka-sa mangkukulam rin pala siya kung ganun nga. Sana ginayuma nalang niya si Haring Arasmus para ito na mismo ang mag-surrender ng Lupang Odnum sa kanya.  Tsk, tsk.

After ilang oras ng pagmumuni-muni sa munting kulungan na ito na parang gawa sa limestone ay bigla na lamang sumagi sa isip ko si Chelly. Ewan, bigla nalang siya pumasok sa utak ko eh. Ang iniisip ko lang naman kanina ay kung papaano makakatakas sa kulungang ito pero bigla na lamang siyang lumitaw na parang kabute sa utak ko.
Kamusta na kaya yung moody na babaeng kasama kong napunta dito sa Odnum?
Sana naman ay walang ginawang masama sa kanya si Haring Arasmus. Mukha pa naman siyang manyakis kanina at kahit sinong babae ay matatakot na sumama sa kanya. Syempre naman kahit ganun ang ugali ni Chelly na pabago bago ng timpla at madalas ay nakakainis, may nararamdaman pa rin akong concern para sa kanya.
At natural lang sa akin ang mag-alala dahil gentleman akong tao.
Kaya nga ako napunta sa lugar na ito, dahil nung una pa lang, sobra na akong naging concern sa kanya.
Paano kaya kung hindi ko siya sinundan nun papasok dun sa kweba? Siguro by this time ay pabalik na ako ng Maynila.
Ang moody pa niya masyado. Parang napaka man-hater niya as time goes by na magkasama kami dito. Wala naman akong ginagawang masama pero parang ang bigat bigat ng dugo niya sa akin.

Pero dahil sa naging huli naming pag-uusap ay mas nauunawaan ko na siya ngayon kung bakit naging ganun ang treatment niya sa mga lalaking tulad ko na pogi. May pinagdadaaanan nga kasi siya. Hindi dapat siya niloloko. Nagmahal na nga siya ng totoo at wagas ay nagawa pa siyang gaguhin ng kung sinumang pangit na lalaking yon.
Ang sarap lang sapakin ng mga lalaking katulad ng ex niya.
Bigla akong natigilan sa mga pinag-iisip ko ngayon.
 Teka lang, bakit ba ako masyadong affected para sa kanya?
At masyado ko na siyang naiisip. Hindi na yata tama ito.

“Ken…”

Teka lang ulit, ganun ko ba siya namimiss at parang naririnig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko?
Ano ang ibig sabihin neto? Sabihin niyo nga sa akin, gusto ko na ba yung babaeng yon?
Huwat?! Ano ba itong mga pinagsasabi ko?
Ang mataray na sadistang babae yon, gusto ko na? Paano? Saan at kailan nangyari yun?! Agad-agad? Parang ang bilis naman yata.
Naghahalucinate lang ata ako since siya lang ang ka-uri ko na narito rin sa lugar na ito.
Tama, tama. Yun lang yun. Imagination ko lamang ang lahat ng ito. Wala itong katotohanan. Matutulog na lamang muna ako sandali.
“Ken….”

Ayan na naman, naririnig ko na naman ang boses niya. In-love na ba ako sa kanya? Ginayuma niya ba ako?
Sheteks. In-love talaga ang ginamit kong salita? Kanina lang ‘gusto’, ngayon ‘in-love’ na? Ayos!
Kailangan ko lamang balewalain iyon. Hindi iyon totoo. Siguro nga dapat ng matulog muna ako. Napagod lang yata ako.

“Hoy, Ken! Abnormal ka!” Napalakas yung boses niya. “Andito ko sa kaliwa, lumingon ka kaya! Para kang tanga diyan. Nabibingi ka na ba? Kanina pa kita tinatawag eh. Epekto ba yan ng kapangyarihan ni Reyna Muhera sa’yo? Umayos ka nga!”

Paglingon ko sa kaliwa, sa may bandang bintana na maliit ay nandoon nga si Chelly. So hindi naman pala talaga ako nag-hahalucinate. Lahat ng iniisip ko kanina, wala lang yun! Oo tama. Wala lang yun.
Never akong magkakagusto o maiinlove sa isang moody, masungit, palaging nakasigaw na babaeng katulad-

“Ano bang tinatanga tanga mo diyan?! Lumapit ka nga dito.” Sabi ko nga siya na ang mataray, bossy at laging high blood.

Lumapit na ako sa may bintana, “Bakit ba nagsusungit ka naman? Halikan kita diyan eh.”

Seryoso. Bakit ko nasabi yon?

Natigilan siya saglit. Katulad ko ay nabigla rin ako sa sinabi ko. Ano bang kaluluwa ang sumanib sa akin ngayon at nasabi ko iyon? Nababaliw na akong talaga.

“Abnormal ka, Ken. Ikiskis mo yang nguso mo sa pader. Oh.” Hinagis niya ang isang stick na bakal sa akin.

“Ano ‘to? Tsaka anong gagawin ko dito?”

“Try mong titigan yan para makalabas ka diyan sa kulungan. Pwede ring hipan mo yan. Pakibilisan lang dahil wala ka ng oras. Abnormal talaga.” Mahaba niyang litanya. Nice.

Gagawin ko sana yung sinabi niya kaso huwag nalang. Baka magmukha lang akong tanga. Ilang beses ng na-de-degrade ang pagkatao ko sa babaeng ito ah. Naku lang talaga. Lintek lang ang-

“Pakibilisan ang pagiging tanga.” Aniya at ngumuso pa siya na parang ewan lang. Pout ba ang tawag dun? Lakas niyang mang-insulto pero napaka-isip bata naman.

Aish! Ang sarap niyang halik-…
Sakalin siyempre. Aish!

Pumunta na ako sa may bakal na gate ng pinagkulungan sa akin at sinusubukan na ngang susian iyon.

“Ano ba?! Bitawan niyo nga ako! Bitaw sabi eh! Isa, pag ako nainis, i-dadaing ko kayong mga isda kayo!” Boses ni Chelly yon.
Anong nangyayari?

Bumalik ako sa bintana at wala na siya dun.

MAYA- maya lang….

Eto na kami ngayon at magkasama na sa loob ng selda.
Ano nga bang naging kasalanan namin? Sinubukan lang naman namin na pagbatiin yung dalawang pinuno. May masama ba dun?
Ang gusto lang namin ay Odnum peace.

“Tanga tanga naman kasi. Sinabi ng bilisan, ayan tuloy!”

“Nanisi ka na, nang-insulto ka pa ulit. Naka-ilang strike ka na ah. Hinay hinay naman sa pagbibitaw ng mga salita. Hindi lahat ng tao, katulad mong manhid.”

“Huwag kang mag-alala, hindi ka karespe-respeto. At hindi ako manhid, FYI. Nasaktan nga ako ‘di ba?! LABIS na nasaktan ng kabaro mo,” Sabi niya at humalikipkip pa siya.

Sabi sa inyo, walang kwenta makipagusap sa kanya eh.

“Huwag mong ibunton sa akin yang mga ‘hugot’ mo. Hindi ka nga manhid pero sana maisip mo din na nakakainsulto ka na.”

“Eh, nakakainis ka eh! Ang bagal bagl mo!” Aniya at nagpahaba na naman siya ng nguso. Parang bata talaga.

“Sana kasi, hindi ka nalang pumunta dito. Nakatakas ka na nga dun sa Lupang Odnum edi sana niligtas mo nalang ang sarili mo.” Matutuwa na sana ako kasi nga sinubukan niya akong tulungan kaso puro sumbat at panlalait naman ang natanggap ko. Hindi nalang sana, ‘di ba? “Dapat bumalik ka nalang sa mundo natin at iniwan mo ako dito.”

“Hindi ako selfish. Buti nga, tinutulungan pa kita. Magpasalamat ka nalang!” Ang sakit niya sa tenga. Para akong may megaphone sa tabi ko. “At isa pa, hindi rin ako makakabalik sa mundo NATIN dahil hindi pa tapos ang misyon NATIN . Natin means tayong dalawa,” by this time ay medyo nag tone down na siya ng boses.


“Paano ako magpapasalamat sa’yo eh kotang kota na ako sa lahat ng insulto mo?” Wala siyang nasagot sa sinabi ko. “Sige. Thank you ha. Thank you sa lahat ng panlalait mo. Okay na?”

“Sira ulo! Mag-thank you ka kasi sinubukan kitang tulungan.” Ayan na naman siya at nakasigaw na naman. Napakabitter niya talagang babae. Kelan ba siya makaka-move on? Ako nga tapos na eh.

“Walang kwenta.”

“Ang alin?!” Nakasinghal na naman siya.

“Ako. Masaya ka na?” Sa totoo lang, yung usapan namin ang walang kwenta.

-----------00000000---------

Chelly’s POV

Natulog na yung kasama ko rito sa loob ng selda nang hindi man lang nagpapasalamat sa akin ng maayos dahil binalak ko siyang tulungan.Tss. Walang modo.
Pero masyado yata siyang na-stress.
Nainsulto ko ba siya ng sobra? Naiinis lang talaga ako sa lahat ng nangyayari sa amin dito sa Odnum o sa Portal o sa kweba or whatever but it doesn’t mean na naiinis na rin ako sa buong pagkatao niya. Ramdam ko naman na mabait siyang tao and there’s a special feeling na parang matagal ko na siyang kilala. Actually, magaan talaga ang loob ko sa kanya ngunit kailangan ko iyong pagtakpan para hindi niya masabi na gusto ko siya. Ano siya, hilo?

Hindi ko naiwasan ang mapatingin sa gawi niya. Oo nga, tama si Sheila, cute nga siya. Pero mas bagay sa kanya ang salitang guwapo. Lalo na pag tulog gaya nito. Parang gusto kong haplusin ang makinis niyang mukha na napakapeaceful tignan. Kaso huwag nalang at baka magising pa siya.
Makita pa niya na pinagpapantasyahan ko ang mukha niya at baka maisip pa niya na type ko siya.
Oo na, guwapo na siya. Maamo yung mukha niya at parang hindi makabasag pinggan pero it doesn’t mean na type ko na siya.
Bakit ko aaminin yung bagay na yon? Ano siya, sinuswerte?
Aish! Change topic please.
Itinigil ko na ang pag-iisip sa kanya at sa pag-ngiti nang mag-isa na parang baliw.
Mag-iisip nalang muna ako ng paraan kung paano makakatakas ulit. Naglakad ako konti, ano bang meron dito sa Tubig Odnum?
Bukod sa nakakahinga kami ni Ken sa ilalim ng Tubig, bilang tao, ano kayang pwede naming gawin?
Baka lang may special powers kami habang nandito.
Sinubukan kong titigan yung rehas na kulungan namin, baka lang sakaling ma-dissolve.
Kaso hindi eh. Wa-epek.
Sinubukan ko rin itong hatakin baka sakaling makalas pero waley pa rin.

Hay, ano ng gagawin ko?
Tititigan ko  na nga lang ‘tong kasama ko rito habang tulog pa siya. Para kahit papaano, maganda ang view.
Maganda talaga, Chelly?!
Ewan ko ba.
---------------------------------------

Ken’s POV

Dala ng pagod at stress ay ipinasya kong matulog na lang kesa makipag-away o makipagsagutan ng walang kwenta sa babaeng kasama ko.

Speaking of babae, si Chelly? Bahala siya sa buhay niya, malaki na siya. Basta ako natulog muna. Mamaya na ako mag-iisip kung papano makakatakas rito.

“Huy Ken gising!”

Makatapik naman ‘tong babae ng mukha para lang akong binabangungot ah.
“Uhmmm. Ano ba yon?!” iritable kong tanong sa kanya at pupungas pungas pa akong bumangon. Sarap sarap ng tulog ko sa ilalim ng tubig eh. Minsan lang ‘to kaya dapat ng sulitin dahil syempre ayoko namang mamalagi rito sa Odnum noh.

“Wala ka bang balak umalis rito? Pwes ako meron.” Ayan na naman siya sa pagtataray niya. Nambulabog na nga ng tulog ay siya pa itong galit.

“Bakit? May naisip ka na bang solusyon bukod dun sa stick na bakal na nakuha na ng mga alipores ng reyna?”

“Oh! Tunggain mo.” Utos niya sa akin sabay abot ng isang bote na kulay itim na may lamang likido na hindi ko alam kung ano. Hindi ba cervesa negra ito? Kahawig niya eh. (Yung san mig beer na itim).

“Bakit ako? Tsaka saan galing yan?” Malay ko ba kung lason yun.

“Tutulog tulog ka kasi eh. Bigay yan nung isang maliit na taong-isda. Pinabibigay daw ni Ka Marsel. Inumin daw natin nang makatakas tayo dito.” Paliwanag niya na may halong pang sumbat. Grabe lang talaga.

“Edi inumin mo.”

“Ano bang problema mo?!” Wow, nakasigaw na siya. May dalaw ba ‘to ngayon?

“Huwag ka nanang sumigaw. Kalma lang tayo dito. Amin na nga yan.” Kinuha ko na sa kanya yung boteng hawak niya at baka maipukpok niya pa sa akin yun.

“Inumin mo na!”

“Nagmamadali? May taxi?” Tinignan niya ako ng nakakamamatay na tingin. “Eto na nga, iinumin na. Pag may nangyari sa akin, ikaw ang may kasalanan. Lagot ka sa nanay ko, ikaw magpaliwanag sa kanya-”

Nilakihan niya ako ng mga mata, “Dami pang satsat, inom na!” 

At ininum ko na nga yung laman ng bote ng walang sabi-sabi.

Ang pait. Parang kape lang. Hindi. Mali pala. Mas mapait pa siya sa kape.

Biglang nanlaki yung mata ni Chelly habang patuloy na nakatingin sa akin,
“Ke- ken. Na-nawala ka. Yu-yung bote, lumu lumulutang!”

Hindi ako slow poke so ang ibig sabihin nun ay naging invisible ako. Hawak ko pa yung bote. At tanging bote nalang ang nakikita niya. Kahit ako mismo ay hindi ko na rin makita ang sarili kong mga kamay o kahit na ano pang parte ng katawan ko.

 Inabot ko sa kanya yung boteng hawak ko pagkatapos ay uminom na rin siya. Then instantly naging invisible na rin siya.

“Chelly, hindi na rin kita makita.” Sabi ko.

Naramdaman ko nalang na parang may kumakapa sa bandang dibdib ko. At alam kong si Chell yun. “Huwag diyan, dibdib ko yan. Simpleng chansing ah. Aray naman!” Bigla nalang may humampas sa akin at malamang siya rin yun.

Hinuli ko yung kamay na pinanghampas niya sa akin. “Since, hindi natin makita ang isa’t isa, hahawakan ko muna yung kamay mo at please lang huwag mong isipin na nag-te-take advantage ako sa’yo. Uunahan na kita.”
Hindi siya nagsalita.
“Chelly?”
Kahit invisible kami, ramdam kong nanlalamig yung kamay niya. Ngayon lang ba siya nahawakan sa kamay ng isang lalaki? Bakit para siyang kinakabahan?

“Psshh…Huwag kang maingay. Para isipin nila na nakatakas na tayo. Kapag pumasok na ang mga alipores rito ay tsaka tayo tatakbo palabas.” Sabi niya ng pabulong.

Parang may tumutugtog na music sa paligid habang naghihintay kami ng kung sinumang Pontio Pilato na kunwari ay nakalabas na kami ng kulungan….
*Insert the song, Hawak Kamay by Yeng Constantino here*
“Sorry pala kanina.” Mahinang anas niya na ikinabigla ko then later on ay ikinangiti ko.
“Forgiven. Thank you din sa pag-ta-try mo na makatakas ako dito kanina,” sabi ko naman with full of sincerity. She deserves to be thanked. Concern rin naman pala siya sa akin.
“You’re welcome,” reply niya at kahit hindi ko siya nakikita ay parang nararamdaman ko na nakangiti siya habang sinasabi niya iyon.
Kaya parang pati ako ay napakalawak na rin ng pagkakangiti sa mga sandaling ito.
Pinisil ko ang kamay niya for I know that she deserves to be hold like this. Nagtaka ako sa naisip ko but then masaya pa rin akong hawakan siya kagaya nito.
She’s right. Gaya ng sinasabi niya kanina ay abnormal na nga yata ako dahil pati ang puso ko ay parang abnormal na rin. Bumilis ang tibok nito at parang pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito.
Pero sa kasamaang palad ay hindi ko nga lang maalala….
Déjà vu?
-------------------------------------

Chapter 9 – The Plan B

Dahil sa hindi nag-work ang Plan A, dapat ay may Plan B. At ito ang kasalukuyang niluluto namin ni Chelly ngayon.
Parang ganyan lang ang buhay, we have 26 alphabets. We should never give up and should try all the possible plans that we could do for when we quit trying; it’s the only time that we will loose.

“Maikli nalang ang oras na itatagal nitong pagiging invisible natin kaya dapat na nating makuha ang mga mahiwagang Salrep ng Odnum. Magkita na lang tayo sa Portal. Basta bilisan nalang natin.” Ani Chelly.

Kukunin niya ang Salrep ni Haring Arasmus at ganun din naman ang gagawin ko sa Salrep na hawak ni Reyna Muhera.
Pabitaw na siya sa akin pero pinigilan ko siya.

“Anong ganap yan? Bakit ayaw mo pa akong bitiwan?” sabi niya na may tono ng konting pagtataray.

“Mag- mag-iingat ka. Huwag kang padalos- dalos.” Nasabi ko na lamang hawak ko pa rin ang kamay niya. Syempre dahil concern ako. Natural lang na masabi ko yon.
‘Ken, yung totoo, may balak ka bang bitawan ang kamay na yan?’

Bigla naman daw akong nahiya sa sarili kong tanong sa sarili. But still…
“Salamat. Ikaw din.” Sagot naman niya. Pero hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay niya.

“Ke-ken, yung kamay ko.”

Imbes na bitiwan ko siya, ay hinila ko siya palapit sa akin. Kahit hindi ko siya nakikita, alam at kong yakap yakap ko na siya sa mga sandaling ito. Katulad ng heartbeat ko ay ramdam kong mabilis at malakas ang tibok ng puso niya.
Anong ibig sabihin non? Hinihingal ba siya? O kinakabahan ring tulad ko?
Does the feeling is mutual?
Pero parang masyado naman yatang mabilis ang mga pangyayari?

“Salamat ulit sa pagpunta sa akin dito sa Tubig Odnum. Be safe.” She just made me realized na kahit gaano pa siya katigas o kataray, malambot din naman pala ang puso niya. Damn that ex-boyfriend of hers at sinaktan niya ang isang tulad ni Chelly.

“Yeah, you too dahil may sasabihin ako sa’yo mamaya.” Kumunot yung invisible kong noo sa sinabi niya.

“Huh? Ano yung sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon,” para akong na-excite na ewan. Anak ng tupa, nakaka-bading ang ganitong pakiramdam.

“Anong letra sa salitang mamaya ang hindi mo maintindihan? Ha, Ken?” Chelly na mataray strikes once again.

I just chuckled at pinakawalan na siya sa pagkakayakap.

“Oo na. Be sure na matutuwa ako diyan sa sasabihin mo.”

“We’ll see when we get there. Hahaha!” Uy, first time kong marinig ang tawa niya. Ang unfair nga lang dahil hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon. Siguro mas maganda siya pag nakatawa.

Naramdaman ko nalang na parang may tumutulak sa akin sa dibdib ko. “Kumilos ka na diyan. Pumunta ka na sa dapat mong puntahan. Hindi tayo forever invisible.” Malamang naman si Chelly yung tumutulak sa akin.
“Pero may forever.” Nakakabading na banat ko. Saan ko ba nahuhugot ang mga nasasabi ko?
“I kennat relate Ken, ewan ko sa’yo. Kumilos ka na. Mag-iingat ka,” Aniya habang patuloy na itinutulak ako.

Ang laki ng ngiti ko habang patungo sa kinaroroonan ng Salrep.
Okay lang yun, wala namang nakakakita eh. Miski sarili ko, hindi ko makita. Haha!

Tinungo ko ang lugar sa kaharian ni Reyna Muhera kung saan ko unang nakita ang mahiwagang salrep.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa mahalagang bagay na yan, ANAK?” Muntik ko ng mabitawan ang hiyas sa dalawang dahilan.
  1. Nahuli ako ni Reyna Muhera at syempre nagulat ako. Hindi ko kasi naramdaman na nasa likod ko na pala siya.
  2. Tinawag niya talaga akong ANAK? Balak niya ba akong ampunin?

Dahan dahan akong lumingon sa kanya at nang makita kong iwinagayway niya ang hawak niyang baston, naging visible na ulit ako. Kita ko na ang sarili kong mga kamay. Mga kamay ko na kasalukuyang may hawak ng makapangyarihang salrep.


“Tinawag mo akong, anak?” tanga tangahan kong tanong sa kanya. Hindi naman sa bingi or tanga talaga ako, naninigurado lang dahil baka mali lang ako ng dinig.


“Dalawampu’t tatlong taon na ang nakakalipas, lumabas ka ng Portal kasama ang anak ni Arasmus. Kasabay ng pagkamatay ng iyong ama sa gitna ng malawakang digmaan sa pagitan ng Tubig at Lupang Odnum ay ang siya mo ring pagkawala. Pumunta kayo sa mundo ng mga mortal kahit na hindi kayo sigurado sa pwede niyong kahinatnan doon.” Mahaba niyang pagki-kwentong barbero. Hindi ko alam kung sa wattpad o sa booklat ba niya napulot ang kwentong iyon. Bahala siya basta hindi ako naniniwala sa kanya.
Kalokohan!

“Patawad ngunit hindi ho ako naniniwala sa inyo.” Hawak ko pa rin ang Salrep at hinding hindi ko ito ibibigay sa kanya kahit pa anong klase ng kwento ang i-share niya sa akin.

 “Hindi sana tayo aabot sa ganitong kalagayan kung nung una pa lang ay nakipag-ayos na kayo sa Lupang Odnum. Hindi ba’t mas maganda sana kung mapayapa ang lugar na ito? Wala ng buhay na masasayang.”

Galit niyang tinuktok ang baston sa sahig. As expected, yumanig ang lupa. “Anak lamang kita kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan.”

“Hindi mo sabi ako anak. May nanay ako at nasa mundo siya ng mga tao. Lalo namang hindi ko papangarapin sa buong buhay ko na magkaroon pa ng ibang ina.” Okay na ako sa Mama ko. “At mas lalo namang ayokong magkaroon ng isang ina na warfreak kagaya mo.”


Muli niyang iwinasiwas ang kanyang baston at bigla bigla ay may mga namuong eksena sa utak ko.


Kakaiba ang suot ko. Kulay berde ito na kakulay ng sa lumot. Meron akong mahabang palikpik sa magkabila kong tenga at may mga bakal ang dalawa kong braso hanggang sa kamay. Tumatakbo ako ng mabilis at hawak ko ang kamay ni….Chelly?!

“Sarsus, natatakot ako…” Wika niya. Sarsus ang pangalan ko? Pero ako si Ken!

Patuloy kami sa pagtakbo ng magkahawak kamay, “Huwag kang matakot. Hindi kita pababayaan, Araya.”   Araya ang pangalan ni Chelly?

“Pero si Ama baka anong gawin niya sa’yo pag nahuli nila tayo.”

“Hindi nila tayo mahuhuli. Lalabas tayo ng Portal at tutungo sa mundo ng mga tao.”Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

“Malapit na sila sa atin!” Tama si Chelly- Araya pala, isang pulutong ng kawal ang mabilis na nakahabol sa amin.

Lumiko kami ni Chel- okay fine, Araya sa mga batuhan at nagtago roon. Hinayaan muna naming makalampas ang mga kawal ng kanyang ama bago muling lumabas mula sa isang malaking tipak ng bato na pinagtataguan namin, “Mahal na mahal kita, Araya. Hindi ko hahayaang mapaghiwalay tayo ng ating mga magulang. Mamumuhay tayo ng payapa sa mundo ng mga tao.”
“Sarsus…..” tila nagniningning ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

“Labis labis ang pagmamahal ko sa’yo Araya. Lagi mong tatandaan iyan.” Matapos kong sabihin iyon ay hinalikan ko siya sa mga labi ng mariin at niyakap siya ng mahigpit.“Magtiwala ka lang sa akin.”

Naiiyak siyang tumango-tango. “Mahal na mahal din kita Sarsus at nagtitiwala ako sa’yo.”

Tinungo na namin ang daan patungo sa Portal gamit ang pinagsanib naming mga kapangyarihan.

Nang marating namin ang Portal, hindi kami napapansin ng Punong tagabantay na si Ka-Marsel dahil sa pareho kaming invisibile ni Araya.

Mariin ang pagkakahawak namin ni Araya sa kamay ng isa’t isa at sabay na tinungo ang daan palabas ng Portal patungo sa mundo ng mga tao.


“Sa pagdating niyo sa mundo ng mga mortal ay muli kayong isinilang. Yan ang batas ng Portal kaya’t wala kayong matatandaan na anumang bagay patungkol sa Odnum.” Muling nagsalita si Reyna Muhera at naputol na ang lahat ng eksena sa imagination ko.

Ako si Sarsus na anak ni Reyna Muhera at si Chelly ay si Araya na anak naman ni Haring Arasmus? Pero paano?

Kaya ba nandito kami ni Chelly ngayon sa Odnum?

Kaya ba nakakahinga kami pareho sa ilalim ng Tubig ng matagal? Kaya ba parang may mga kapangyarihan kami na hindi namin matukoy ang limitasyon?

Sh*t! Parang gusto ng sumabog ng utak ko! Totoo pa ba ang lahat ng nangyayaring ito? Isa akong guwapong chef na nakatira sa mundo ng mga tao at hindi sa magulong dimensyon na ito.

Sa sobrang inis ko ay parang mababasag ko na ang hiyas na hawak ko pa rin sa mga sandaling ito.

Kalma lang Ken. May dahilan ang lahat. I reminded myself bago pa ako tuluyang masiraan ng bait, “Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ito?” tanong ko sa magaling kong Ina.
Isang ngiti na hindi ko maintindihan kung ano ba ang kahulugan ang sumilay sa mga labi niya bago siya sumagot, “Ang nakaraan ay wala na sanang silbi. Ngunit likas sa iyong kaibuturan ang pagiging suwail, mahal kong anak.”

“Hindi ko ginusto ang bumalik dito!”

“Babalik at babalik ka sa iyong pinanggalingan, Sarsus. Iyon ang tadhana mo.”


-----------------------------------------------


Chelly’s POV

Walanjong Haring Arasmus ‘to. Anong akala niya sa akin, uto-uto? Bakit ako maniniwala sa mga sinasabi niya?
Na kesyo, anak niya raw ako at ako ang susunod na mamumuno ng Lupang Odnum. Nababaliw na siya!

Kalikot naman ng imagination ko at pumasok ang mga eksenang masaya kaming magkasama ni Ken err…Sarsus daw pangalan niya sa imagination ko. Patago man daw kaming nagkikita pero masaya kami at mahal na mahal daw namin ang isa’t isa. Lumabas daw kami ng Portal at pumunta sa lugar ng mga tao. Anyare? Bakit may ganong eksena?
Talaga nga naman. Nagagawa ng hallucination.

“Lahat ng mga pangyayaring naganap sa iyong isipan ay totoong nangyari, mahal na prinsesa,” seryosong banat ni Haring Arasmus.

“Paanong mangyayari yun? May mga magulang ako.” Galit man sa akin ang parents ko noong nagrebelde ako, they still love me at winelcome pa rin nila ako sa bahay ng buong puso. They are my true parents. Sorry for the word, pero hindi ang taong brown na mala-kapre na ito ang tatay ko, ever!

“Dahil sa ginawa niyong paglabas ni Sarsus ng Odnum, muli kayong isinilang at nagkaroon ng ibang katauhan. Kung kaya’t nawala ang memorya niyo tungkol sa lahat ng bagay na may kinalaman dito. Iyon ang naging kapalit,” paliwanag pa niya habang seryosong nakatitig sa akin. Pagkatapos ay lumipat ang mga mata niya sa hiyas na hawak ko.

Ewan ko pero matapos kong mapanood ang ilang mga eksena sa utak ko parang nagkaroon ako ng mga bagong memories. Parang totoong nangyari ang lahat! At isang bagay pa ang naging pinakamalinaw sa utak ko ngayon.
Mahal.ko.si.Ken. Err- Sarsus…..Noon pa man!

------------------------------------------



Back to Ken’s POV



“Hindi!” mariin kong sabi. Pilit kinukuha ni Reyna Muhera or should I say now, Inang Reyna ang hiyas na nasa kamay ko. Sa mga katotohanang ipinamukha niya sa akin, I somehow remembered all the things that I did when I was still here in Tubig Odnum. Totoong nangyari ang mga memories na pinakita niya sa akin. Anak niya nga ako at ako ang nag-iisang tagapagmana ng kanyang trono.

But then the will to get out of this place is still running in me. Kahit pa na may mga kapangyarihan akong taglay, I would never stay sa magulong dimensyon na ito. Namatay ang aking ama dahil sa digmaang naganap noon at ngayon nga ay napipinto na naman ang isang digmaan. Sa isang munting hiyas na ito na gagamitan ng itim na kapangyarihan ay maaaring mawasak ang buong Odnum at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

“Ibigay mo sa akin ang Salrep mahal kong suwail na anak. Ilang libong buhay ng mga nilalang ang isinugal ko para lamang mapasakamay ko iyan. Kahit ultimo ang sarili kong buhay ay aking ibinuwis makuha lamang yan sa kailaliman ng Odnum.  Maaari ka ng bumalik sa lugar na pinanggalingan mo kung iyon ang nais mo at kailanman ay huwag ka ng babalik pa dito. Hindi ko kailangan ang isang suwail at traydor na anak na katulad mo!” Galit na galit niyang sabi where I can already see fire in her eyes. Edi siya na ang galit. Bahala siya diyan. Basta ako, I will do my best para hindi matuloy ang napipintong digmaan….

 “Pero hindi ka magtatagumpay. Ang kalahati ng Salrep na ito ay nasa mga kamay ni Haring Arasmus.”

“Kayang kaya ko siyang gapiin sa takdang panahon. Sa kabilugan ng Nawub gamit ang kapangyarihang itim ay mapapasaakin ang Lupang Odnum! Kaya’t huwag kang maging hadlang sa mga plano ko, Sarsus. Tama ng nasaktan mo ako noon ng isang beses. Huwag mo ng ulitin iyon dahil baka madamay pa ang dimensyong pinagtaguan mo sa mahabang panahon.” Obviously she is referring to the world I currently live. At yun ay ang mundo ng mga tao. Hindi ko siya hahayaang magtagumpay. Itaga niya yan sa Salrep na ito!


Sa pagbabalik ng lahat ng mga alaala ko dito sa Odnum ay muli ring nanumbalik ang mga likas ko ng kapangyarihan. Tila naging automatic na parang alam ko na rin kung papaano gagamitan ng mahika ang hiyas na hawak ko kahit pa na sa buong buhay ko or even my past life ay ngayon ko lamang ito nahawakan. Automatic din na naging knowledgable ako kung papaano ito gagamitan ng salamangka upang gumana. Muli ko kasing naalala ang mga naging pagsasanay at pag-aaral ko rito sa Tubig Odnum noon. Minsan naming tinalakay ng aking personal na guro noon ang tungkol sa mga mahiwagang hiyas na nakabaon sa kailaliman ng bawat Odnum. Bawat dimensyon ng sanlibutan ay may itinatagong malalakas na hiyas at isa ang Salrep sa mga pinakamalakas.
Kung tutuusin ay iisa lamang instrumento ang Salrep. Ang paraan ng paggamit nito ay doon lamang magkakatalo talo ang bawat dimensyon.
Tama si Reyna Muhera, ilang libong buhay ang kailangang gugulin upang mapasakamay ito. At ako ang nanghihinayang sa mga buhay ng nilalang na nasayang para lamang makuha ito. Sagad na sa buto ang ganid ng aking Ina. She deserves to be teached a lesson. At ako ang magbibigay sa kanya ng leksyon na iyon na kailanman ay hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya.
Hindi ako nagsisi na pumunta ako sa mga mundo ng mga tao kahit pa naging kapalit nito ay makalimutan namin ni Chel- Araya ang isa’t isa. Noon pa man ay tutol na ako sa batas ng Odnum na parang survival of the fittest and the most corrupt wins. Ayoko ng ganung sistema dahil sa huli ay ang maliliit na mga mamamayan ang naiipit at nagiging kawawa. Sila na walang kamuwang muwang ang mga mas nagdudusa.



In a split second bago pa maiwagayway ni Inang Reyna ang kanyang baston ay napatigil ko ang oras. Yeah, I made her freeze and I know that it wouldn’t take that too long kaya naman nagmadali na akong pumunta sa kinaroroonan ni Chelly sa pamamagitan ng hawak kong hiyas. With the proper use of my natural power, kaya nitong ma-i-teleport ako sa lugar kung saan ko man nais mag-tungo.
 Don’t worry, Chelly. This time, I’ll be coming for you. Lalo pa ngayong alam ko na ang naging nakaraan natin.
Hindi ko na hahayaang muli pa kitang makalimutan….



Chapter 10 – The Tawas

 Chelly’s POV

“Hindi ko ma-gets kung bakit kailangan pang magkaroon ng digmaan sa pagitan niyo at ni Reyna Muhera. Ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin ba kayo nakaka-move on?” Inis kong tanong sa aking- unfortunately ay ama talaga.
Tinamaan naman daw ako sa salitang ‘move-on’.
It’s been more than seven months mula ng mahuli kong niloloko ako ni Rocky pero parang ngayon ko lang masasabi sa sarili ko na finally ay naka-move on na pala ako.
Thanks for the memories that I gained again though.
May tao pala akong minahal dati ng higit pa sa naging pagmamahal ko sa rakistang cheater na ‘yon.
I wasted my three years on him pero okay lang. Dahil noon pa man ay may nag-mamay ari na pala ng puso ko.
Yung taong tinaray-tarayan at sinigaw-sigawan ko pa ay siyang destiny ko pala ever since. Buhay nga naman parang life.
Nangingiti na lamang ako sa utak.
“May mga bagay na hindi talaga dapat pinaghahatian. Ang lahat ay para sa iisa lamang, Anak. Tandaan mo iyan.”  Nagpabalik ang sinabing ito ni Amang Hari sa huwisyo ko. Seryoso ang tono niya at parang anytime ay pwedeng pwede niya akong lamunin ng buo. As far as I remember, mabait naman siya dati eh. Naging ganito lang siya mula ng mamatay sa digmaan ang aking ina at mas lalong tumindi ang galit niya para kay Reyna Muhera whom was his first love. “Katulad mo. Ikaw ay nababagay dito. Dito lamang sa aking tabi at wala ng iba pa. Alam kong babalik ka at kailanman ay hindi ka maaaring mapunta sa mga kamay ng kaaway gaya ni Sarsus!” Muling sumidhi ang galit sa kanyang mga mata nung mabanggit niya ang pangalan ni Ken err- Sarsus.

“Pero bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ito?” Tanong ko sa kanya. Ma-i-segway lang ba yung galit niya. Pero actually kasi naguguluhan talaga ako. Ilang beses na kaming nagkita pero bakit ngayon niya lang sinabi ang lahat sa akin? Even all the memories I have in this place, ngayon lang nanumbalik sa utak ko. Ang gulo gulo na talaga. I never imagined in my wildest imaginations na may ganito palang mundo at ang masaklap pa niyan ay dito pala talaga ako nanggaling.

 “Naisip ko noon na mabuti na ang wala kang alam o matandaan ngunit nagkamali ako dahil kahit wala kang nalalaman ay mas naging matigas ang iyong ulo at muli mo na naman akong sinuway.”

Then I remembered the day we first met sa Lupang Odnum… I mean, the day we met again after 23 years.
Hey, Father King. I missed you!

(Flash back)
Para akong aanga anga sa lugar na hindi ko maintindihan kung bakit kulay brown lahat. Magmula sa mga halaman, mga hayop at mga kabahayan, pati mga kakaibang nilalang na nakakasalubong ko ay kulay brown din.
Nasaang lupalop na ba ako at bakit naging ganito ang itsura ko na?
Huhubels talaga. Gusto ko nalang maglason. Mukha na akong unggoy dahil sa dami  at kapal ng balahibo ko sa buong katawan. Waaahhh!
I swear to myself na talagang kakain nalang ako ng bubog kapag may kahit isa man lang na nakakita sa akin ngayon na kakilala ko.
Ang panget panget ko na!

“Ate, pwede po magtanong? Asan po ako?” tanong ko sa isang tao—err nilalang na nakasalubong ko.

 “Nasa Lupang Odnum ka, iha. Saang Odnum ka ba galing? Kung ako sa’yo ay umalis ka na rito dahil nalalapit na naman ang isang digmaan na maaaring kumitil sa iyong buhay.” Esplika  at pag-wawarning niya sa akin.

 “Eh?”

“Kakaiba ang iyong suot,” sabi pa niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi po kasi ako taga-rito. Nakikidayo lang. Gusto ko sanang isagot but I chose to shut up.
“Mag-iingat ka sampu ng iyong pamilya,” Tapos nilagpasan na niya ako at nagmamadali siyang naglakad palayo sa akin. Seriously, what is she talking about?


“Bilisan na nating makalipat sa ligtas na lugar. Desidido na si Haring Arasmus para sa isang nalalapit na digmaan na naman.”

“Oo nga, maraming buhay na naman ang masasayang.”

“Hindi na sila natapos sa pakikipagtunggalian sa isa’t isa.”

“Batas iyon ng Odnum. Kailangan talaga nilang maglaban upang maagaw ang nasasakupan ng sinumang maging talunan.”

Paglapit ko sa isang silong ay iyan ang narinig kong usapan ng dalawang creepy creature.

Sino ba yung Haring Arasmus na ‘yon? Napaka war freak naman nun! Bakit kailangan pa ng digmaan para lang mapalawak ang nasasapukan niya? Imperialismo lang ang peg? Sa tingin ko naman ay malawak na ang nasasakupan niya, bakit pati ang nasasakupan ng iba ay gusto rin niyang kamkamin? Napaka-greedy naman ng taong iyon.
Ano kayang hitsura ng Haring Arasmus na pinagtsi-tsismisan ng dalawang creepy creature kanina? Mas malaki kaya siya sa isang kapre? Mas marami ba siyang buhok sa katawan? Pag sinabing hari, ibig sabihin ay marami siyang kawal o alipores. Hmmm…. Ano kayang itsura ng kaharian niya? Isang napakalaking kweba na parang Manila Cathedral? Hahaha!
Mababaliw na yata ako at kung anu-ano na ang pumapasok na sa utak ko. At teka lang ha, ano bang pakialam ko sa haring iyon? Ang dapat kong isipin ngayon ay kung papaano maibabalik ang dati kong itsura at makakauwi ng buhay sa bahay namin.
Mukhang masasagot ang tanong ko ah. Yung tanong about dun sa Haring Arasmus.
May isang sobrang laking….nilalang ang bumulaga sa harapan ko at may mga alipores na nakasunod sa kanya.
Mukhang siya yung Haring Arasmus kasi sa gesture pa lang niya ay mahahalata mo na ang authority. Stand out din sa lahat yung height niya. Basketball player ba ‘to? Sorry for the word pero mukha nga talaga siyang kapre. Hehe, peace Koya.
Hindi kaya lamang lupa ang hari na ito?

Matagal niya akong tinitigan na waring kinikilala niya ako. Teka lang, wala akong utang kahit na kanino.

“Sino ka?” tanong niya sa akin.
“Chelly.”
Matapos niya akong titigan ng matagal ay tinignan naman niya ako from head to foot. Naging conscious tuloy ako sa panget kong pagmumukha ngayon,“Saan ka galing at anong ginagawa mo rito sa aking nasasakupan?”

So na-sense niya na hindi ako taga-rito kahit pa ganito na ang itsura ko? Galing. Anyway….

“Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Ikaw alam mo ba? Galing ako sa mundo ng mga tao. Alam mo rin ba kung saan ang daan pabalik doon?”

Matagal bago siya sumagot. “Hindi. Umalis ka na rito at huwag ng magpapakita pa.” Yun lang ang sinabi niya pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko kasunod ang mga kawal niya.
Nice.
Salamat sa info. It’s a big help.

(End of flashback)

Ganun lang! Ganun lang talaga ang nangyari the first time we met again. Ang saya ‘di ba? Hindi man lang ako wi-nel-come, ni wala man lang banda na tumugtog sa pagbabalik ko sa lugar na ito, o di kaya open arms sabay sabing, “Welcome home, Anak!”. Waley.
‘Lang kwentang tatay. Itapon sa ilog.
---------------------------------------------------

Ken’s POV

Teka, nasaan na naman ba ako? Bakit ganito dito? Bakit dito ako dinala ng Salrep? Nasaan si…
“Chelly?” tawag ko sa pangalan ng babaeng matagal na palang itinitibok ng puso ko. “Chelly!” tawag ko ulit sa pangalan niya. Pero wala. Walang sumasagot at wala ring bakas niya sa lugar na ito.
Lugar na hindi ko maintindihan ang itsura. Napapaligiran ako ng mga iba’t ibang klase ng mga daan. Mayroong daan na madilim, mayroon ding maliwanag, mayroong maingay at marami pang iba. Para akong nasa gitna ng isang araw na maraming light rays.
“Chelly!” Katulad ng nauna kong pagtawag, wala pa ring tumugon.

Napatingin ako sa hawak kong hiyas at gusto ko na talaga siyang basagin. “Sabi ko, dalhin mo ako sa lugar kung nasaan si Chelly, hindi dito sa parang ewan na lugar.” Para akong tanga na kausap ang isang hiyas. “Pag ako nainis, dudurugin talaga kita at gagawin kitang tawas.”
Wala na, nasisiraan na yata talaga ako ng bait.
--------------------------------------------

Chelly’s POV

Kailangan kong puntahan si Ken err Sarsus. Whatever! Basta kailangan ko siyang makita ngayon. Hawak ko pa rin ang hiyas at alam kong sa pamamagitan nito ay matutunton ko kung nasaan man siya ngayon. And I bet na dalawa lang ang pwede niyang paglagakan sa mga sandaling ito, it’s either kausap niya pa rin ang si Reyna Muhera whom I finally remembered na kanyang tunay na ina, or balik kulungan ang peg niya. Pero pwede ring sa Portal at kapiling na ang mushroom mode na si Ka Marsel.
“Dalhin mo ako kung nasaan si Ken ngayon,” Bulong ko sa makapangyarihang Salrep bago pa man ito maagaw sa akin ng mala-kapre kong Amang Hari.
I closed my eyes.
I opened it and voila!

“Ken!” Sigaw ko.
“Ken! Nasaan ka ba? Lumabas ka nga diyan, masasapak kita pag di ka lumabas.” Pero wala pa ring Ken na lumilitaw sa harapan ko.
Hindi ko alam ang tawag sa lugar na ito at hindi ko rin matandaan kung nakapunta na ba ako dito dati o hindi pa. Madilim ang buong paligid at itong hiyas na nasa kamay ko ang tanging nagsisilbing liwanag sa lugar na ito. Wala akong maaninag na kahit ano. Mas maliwanag pa nga rito yung kuweba na pinanggalingan namin ni Ken eh.  
“Ano bang problema mo?” Since mag-isa lang naman ako sa lugar na ito, kinausap ko nalang ang hiyas na hawak ko. “Wala naman yata si Ken dito. Bakit dito mo ako dinala?”
Hindi pa po ako nababaliw. Desperada lang.

Napatigil ako sa pagkausap sa hiyas na hawak ko dahil parang may narinig ako na isang bulong. At ang ibinubulong nito ay ang pangalan ko.
“Ke-Ken? Ikaw ba yan?” Nilinis ko pa yung tenga ko para lang madinig siya ng maayos.
Narinig ko na naman ang pangalan ko, pero mahina lang talaga eh.
“Ken!” Habang isinisigaw ko ang pangalan niya ay nayakap ko ang hiyas. Then I realized something.
Ayoko ng ganitong feeling na parang ang layo layo namin sa isa’t isa. At naramdaman ko nalang din na lumuluha na pala ako.

“Ken!”
Bigla ang paglitaw ng isang Ken sa harapan ko. Nakangiti at parang super happy niya na nakita din niya ako.
Walang sabi sabing niyakap ko siya ng mahigpit at pinagpatuloy ang aking pag-iyak sa kanyang dibdib. This time, tears of joy itong pag-iyak ko sa mabato niyang dibdib.
Shocks! Tigas pala ng muscles niya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko, “Tahan na.” He then said.
Anak ng patola naman. Lalo lang ako naiyak eh. Hindi pala ako naghahalucinate.Akala ko, bunga lang ng ilusyon ko ang taong kayakap ko ngayon. Totoong yakap ko na si Ken! Magdiwang ka, Chelly!
You have just found the great love of yours…. Again…

--------------------------------------------

Ken’s POV

I’m not dreaming. Totoong kayakap ko ang umiiyak na si Chelly and it really feels so good. Hindi yung pag-iyak ang ibig kong sabihin kundi ang kayakap siya sa mga sandaling ito. All this time, may isang babae na pala ang nagmamay-ari sa aking puso bago pa man dumating si Jane sa buhay ko.
Chelly or Araya, iisa lang siya. At siya pala talaga ang mahal ko.
Hinayaan ko muna siyang umiyak sa malapad at perpekto kong dibdib ng mahabang sandali.
Mukhang kalmado na siya dahil tumigil na siya sa pag-iyak. “Ano ng gagawin natin ngayon Sarsus err Ken?” tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
Napaangat ako ng kilay, “Alam mo na din?”
“Malamang naman! Yayakapin ba kita kung hindi ko pa alam na mahal na pala kita noon pa man?”
Napangiti ako sa sinabi niya at mas niyakap ko pa siya ng mahigpit. “And I love you too.”
“Ahmm, Ken. Hindi pwedeng magyakapan nalang tayo forever dito. Ano ng susunod na plano?” Basag niya sa trip ko.
“Wasakin ang mga Salrep dahil maaari din nitong mawasak ang lahat ng Odnum,” sagot ko sa kanya using a very serious tone. Serious kasi medyo na-bad trip ako. Serious din kasi kailangan talaga naming gawin iyon. Isang napakahalagang bagay ang dapat naming wasakin.
Kumalas na siya sa pagkakayakap mula sa akin pero magkalapit pa rin kami. Mga two inches apart, “Pero ang mga magulang natin, tiyak na magagalit sila ng sobra.”

I shrugged my broad shoulders, “Hayaan na natin sila. Ang mahalaga ay ligtas ang buong Odnum. Besides, may mga pamilya naman tayong mauuwian sa mundo ng mga tao.”  Hindi naman sa wala na akong pakialam sa sarili kong ina but I think she deserves of what will going to happen next; kapag nawasak na ang mga hiyas.

“Ready?” tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot. “Make one wish, Chelly…” nakangiti kong utos sa kanya at pumikit naman siya.
Itinaas namin pareho ni Chelly ang mga hiyas and by using our own natural powers, sa pamamagitan lamang ng pagtitig ay unti unting naging pulbos ang dalawang hiyas.

“Mga lapastangan!” Sigaw ng aking ina mula sa aming likuran ni Chelly. Katabi nito si Haring Arasmus na halata rin sa mga mata nito ang sobrang poot dahil sa nasaksihan nila.
“Sorry dear parents, your most precious gems has been turned into tawas,” Then Chelly smirked. That’s my girl! Ha-ha. Tawas din pala ang naisip niya. Same wavelength, wiw!

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Chelly at tinakbo ang daan palayo sa kanilang lahat. “Tara na!”

 “Hulihin ang mga lapastangan!” Ma-awtoridad na utos ni Inang Reyna. Ganun din ang naging utos ni Haring Arasmus sa kanyang mga kawal.

Patakbo na kami patungo sa lagusan pabalik sa mundo ng mga tao at gaya ng inaasahan, may mga alipores nga na humabol sa amin.

Bago kami muling magkita kanina ni Chelly ay nakausap ko si Ka Marsel. Hiniling ko sa hiyas na makita at makausap siya dahil alam kong siya lamang ang bukod tanging makakatulong sa amin ni Chelly. Hindi naman niya ako binigo. Ang sabi niya ay kailangan naming mawasak ang hiyas at siya na ang gagawa ng paraan upang mabuksan ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Literally, makakabalik kami sa kuweba kung saan kami nanggaling. Ngunit kailangan lang naming magmadali dahil maiksi lamang ang oras na mabubuksan iyon.
At sa mga sandaling ito ay bukas na ang lagusan gaya ng napagusapan namin. Oras na mawasak na ang mga hiyas ay bubukas na rin ang lagusan.
Parang walang kapaguran ang naging pagtakbo namin. Katulad na katulad nung unang beses na ginawa namin ito. Totoo nga ang kasabihan na History repeats itself.
“Bilisan mo malapit ng magsara ang kuweba!” Sabi ko kay Chelly. Mabilis naming binabagtas ang madilim na daan patungo sa liwanag na unti unti ng lumiliit ang sinag. Tanda na malapit na nga talagang magsara ang bukana ng kuweba. And for the worst, makukulong na kami rito sa Odnum habambuhay.

“Teka lang naman, hindi ako runner!” Reklamo niya.

“No choice, kailangan mong magpaka-runner muna ngayon.”

“Pero pagod na ako.” Tumigil na siya sa pagtakbo at bumitaw na rin siya mula sa pagkakahawak sa akin. “Kung-kung gusto mo, mauna ka nalang. Hinihingal na talaga ako.” Tila hapong hapo na niyang sabi. Pag nakalabas kami dito, promise, araw araw ko siyang yayayain mag-jogging para masanay siya sa takbuhan.

“Adik ka ba? Syempre hindi kita iiwan.” May galit sa tono kong sabi sa kanya. Hindi pwede. Walang maiiwan. Well, maliban sa mga foot prints namin at tumutulong pawis sa sahig. Yun lang. No more no less.

“Hayaan mo na ako. Kung makakalabas, makakalabas. Kung hindi, hindi.”

Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. “Listen, sabay tayong pumasok rito, sabay rin tayong lalabas.”

“Pero natatakot ako. Alam mo namang-…”

“Trust me, hindi mangyayari yon.” I assured her. Siguro ay naiisip din niyang muli naming makakalimutan ang isa’t isa sa oras na makalabas kami rito. Muli kaming isisilang at magkakaroon ng magkahiwalay na buhay.

“Pero paano kung-…”

“As you trust me, trust your heart also.” Agaw ko sa sasabihin pa niya sana na puro negative vibes lang naman. Wala ba siyang tiwala sa aming mga puso? Mahal namin ang isa’t isa. Noon pa. Makalimot man ang utak pero hindi ang puso.

“Ayokong-….”Ayan na naman siya.

I put my pointing finger to her soft and kissable lips. Natatakam tuloy ako. Ulam lang? Takam talaga? “Shhh… Everything will be alright. Makinig ka lang sa puso mo at ituturo niyan ang daan pabalik sa akin.”

“Pero kasi na-…”

Muli kong pinutol ang mga sasabihin pa niya, “I said listen to your hea-…”

Ako naman daw ang nabara this time, “Teka nga! Kanina mo pa pinuputol lahat ng sinasabi ko ah. Sisipain na kita palabas rito!” Ayan na, lumabas na naman ang pagiging dragonesa niya.

I kissed her fully on the lips. Mabuti na yung makahalikan siya kesa masipa niya. It was just a short kiss. Kakabitin nga eh. Kaso kailangang isipin ang oras, “Don’t doubt okay? Magiging maayos ang lahat. Lumabas na tayo bago pa tayo maabutan ng mga alipores ng mga magulang natin.” Muli ko siyang hinila at sabay naming tinahak ang daan tungo sa liwanag….






Epilogue

“Break na daw sila Jane at Miguel ah.”
I shrugged my shoulders. Hindi naman sa wala akong pakialam. After all, kaibigan ko pa rin sila pareho. Yun nga lang ay labas na ako sa usapin nilang dalawa. At wala naman na ako sa lugar para mag-comment pa.

Siguro kung hindi dumating ang dragonesang ito sa buhay ko, malamang nagpaparty party na ako ngayon dahil mababawi ko na ulit si Jane.
Kaso, binigay siya sa akin ng apat na dimensyon ng sanlibutan eh kaya no choice. De, joke lang.
Kahit pa na lagi siyang nakakalunok ng galit na megaphone, mahal ko ng talaga ang babaeng ito na itatago nalang natin sa pangalang Chelly Mae Castro o Prinsesa Araya ng Lupang Odnum.
Dating taga Lupang Odnum na ngayon ay naninirahan na sa puso ko. Siya pa ang reyna dito. Boom!
‘Aba matindi, maka-pick up, Ken!’
“Ito pa matindi. Ikakasal na si Miguel pero sa ibang babae.” Dagdag pa niya. Chismosa rin siya eh noh? Hindi ko alam kung paano o saan niya nabalitaan yon.
Buti pa siya at alam niya ang mga pangyayari sa mga kaibigan ko, samantalang ako halos sa kanya nalang umiikot ang odnum este mundo ko.


Jane would always have a special part here in my heart at mananatili na lamang siyang parte ng nakaraan ko. She will always be a friend to me at hanggang doon na lamang iyon.

 “So kelan tayo magpapakasal?” Pag-iiba ko ng topic. Hindi naman sa wala na akong pakialam kay Jane pero ‘di ba, sa kanila na lang dapat ni Miguel ang usaping iyon.
Hindi niya sinagot ang naging tanong ko. Magaling!

“So kelang nga tayo magpapakasal?” Para po sa kaalaman ninyong lahat, abnormal ang babaeng ito pero mahal na mahal ko. Sa lahat ng babae sa mundo na inalok ng kasal, siya na yata ang may pinaka-weird na isinagot.

Isang tumataginting na, “Pilitin mo muna ako.” Yan ang palagi niyang sagot katulad ngayon.
Ayos di ba?
Ako naman itong si uto-uto, araw-araw nga siyang pinipilit.
“Magpakasal ka na kasi.” Heto na naman ako, nakatambay sa sala ng bahay nila at pinipilit siyang pakasal sa akin.

“Pa’no kung ayoko pa?”mapang-asar niyang tanong.

“Babalik ako sa Tubig Odnum.” Banta ko sa kanya. But I doubt kung kakagatin niya ang dahilan ko ngayon. Para ulit sa kaalaman niyong lahat ay nauubusan na ako ng idadahilan sa kanya para pakasalan ako.

“Okay!” Ganda pa ng ngiti niya. ‘ta mo ‘to! Okay lang daw sa kanya na bumalik ako sa Tubig Odnum. Ayos talaga.
Ano ba kasing gayuma ang nakain ko dati at mahal na mahal ko ang abnormal na babaeng ito? At eto ako patuloy pa rin siyang pinipilit na pakasalan ako.

“Oh, san ka pupunta?” Pigil niya sa akin. Tumayo na kasi ako sa sofa at akmang lalabas na ng bahay nila.

“Babalik ng Tubig Odnum.”

“Subukan mo lang, Tapit. Masasapak, masasapok at masisipa kita pabalik ng Tubig Odnum.” Full of authority ang boses niya na akala mo naman kaya niyang gawin. Well, partly oo. Kasi nga naman ay mana siya sa tatay niyang mala-kapre pag magalit.

“Eh sabi mo okay lang ‘di ba?”

“Ay sus, katanga.” Mahina niyang sabi sabay kamot sa ulo niya.

Grabe lang. Na ‘tanga’ pa ako.

“Okay. Pakasal na tayo. Abnormal na slow poke.” Mahina pa rin niyang sabi pero sapat naman para marinig ko.

Automatic tuloy na lumaki ang dalawang tenga ko at lumawak ang ngiti ko sa paglilinaw niya. Yun naman pala.

Mabilis akong lumapit pabalik sa kanya para yakapin siya at sunggaban ang mga labi niya.
Finally, masusuot na rin niya ang singsing na laging kong bitbit at finally ay ikakasal na ako.

Mga kapitbahay!!!
Mag-aasawa na ako!!!
Okay lang kahit ganyan siya kasi mahal ko naman siya eh!!! Sanay na ako!!!


Oo nga pala. Gusto niyo ba ng flashback after namin makalabas sa madilim at mahabang kweba na siyang nagsisilbing isa sa mga lagusan papuntang Odnum?
Sige-sige, dahil masaya ako ngayon, ikukwento ko!

(Flashback….)

Pinagmasdan namin ang unti unting pagsara ng kuweba. Nasa labas na nga pala kami nito at tanaw ang papalubog ng araw.
“Ke-ken! Ikaw pa din yan? Natatandaan pa din kita!?” Hawak niya ako sa magkabilang pisngi ko at tila naluluha na naman siya.
Masaya akong tumango sa kanya. Kasama sa naging usapan namin ni Ka Marsel ang katanungan na kung papaano hindi na mabubura ang lahat ng ala-ala namin ni Chelly. “Ang mga mahiwagang Salrep ang may kapangyarihang tuparin ang mga tunay na ninanais ng inyong mga puso, Sarsus.Bago ninyo ito pinuhin ay humiling kayo rito ng isang bagay na ninanais ninyong talaga.
At iyon nga ang ginawa ko, namin pala ni Chelly.
Hindi ko alam kung ano ang hiniling ni Chelly ngunit maaaring pareho kami ng naging hiling.

“Chelly!”
“My gosh, Chelly. Saan ka ba galing? Kanina pa kami hanap ng hanap sa’yo and ohhh, kasama mo pala si Kuya Ken. Aherm. Anong ginawa niyo dito?”
“Oo nga, nag-aalala kami sa’yo, yun pala lumalovelife ka na ulit.”
“Oy, si Chelly, dalaga na ulit…”
“Tomo! Naka-move on na.”

“Ano ba?! Tumigil nga kayo diyan!” Namumula na ang mga pisngi niya habang sinasaway ang mga kaklase.
May kasama na ring parang mga tourism or barangay official ang grupo niya at pati si Abdul ay nakasunod, dala ang mga gamit ko.

“So, agad-agad kayo na?”
“Oo nga. Bakit may yakap scene na kaagad. Ilang oras lang kayo nawala ah.”
“Okay lang yun mga girls. Di hamak naman na mas cute si Ken kesa dun sa manlolokong Rocky ‘no.”

“Isa! Tumigil na nga sabi kayo eh!” Muli niyang sita sa mga kaklase. “Tara ng lahat at magsi-uwi na.”

Iniabot na sa akin ni Abdul ang bag ko at nagpasalamat naman ako sa kanya. Hindi na ako nagtaka na ilang oras lang daw kami nawala ni Chelly. Sa dami ng pinagdaanan namin, ngayon pa ba ako magugulat?
Luminga-linga ako sa paligid. Nasa real world na nga ako. Sa mundo ng mga tao kung saan ako muling isinilang. Sorry sa mga taga-Odnum pero mas feel ko ang manirahan dito. Hindi man ako dito originally nanggaling, ang mahalaga ay masaya ako. Lalo pa ngayon na kapiling ko ng muli ang talagang First Love ko whom I thought that was Jane. Pero all along, it is Chelly or Araya pala. Salamat sa mga magulang namin na ipinaalala ang aming nakaraan. Malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit pa nila kailangang ipaalala sa amin iyon na kung tutuusin ay pwede namang hindi na. But then anyway, nangyari na eh. Maybe they have their own reasons.
Kung sakaling isulat ko kaya ang kwento namin ay may maniniwala kaya? Malamang wala at mapupunta lang ito sa genre na Fantasy.

“Oy, ikaw. Ano pang tinatanga-tanga mo diyan?” I just smiled on what she said. That’s her and I just love her just the way she is…Dragonesang sadista.

“Bukas pa talaga ang uwi ko eh pero since niyaya mo ako. Okay, sige uwi na tayo.” Lumapit na ako sa kanya at mas lumawak pa ang pagkakangiti ko. Hinawakan ko ang kamay niya, luckily hindi naman siya pumalag at sabay naming binagtas ang daan pabalik sa aming mga tahanan.

(End of Flashback)


-wakas na din pala-

----------------------------------------------







Author’s Note:

Anyare? Bakit nag-break si Jane at Miguel? Emeged.
Ang balita ko pa, si Jane magpaparty party pa daw.
Saan ang venue?
Sa Palawan, sa isang pribadong isla na may resort na pagmamay-ari na niya lang naman! Tutyal ang lola mo!
Nag break lang sila ni Migs biglang yaman  na ang peg. Harhar.
Simple lang ang pamilyang pinanggalingan ni Jane so paano siya nagkaroon ng isang malaking isla na may nag-iisang resort?
Saan galing yun?
At anong meron dun?
Isa pang malupit na tanong….
Anu anong klase ng nilalang ang matagal ng naninirahan doon?

Eto pa bonus question….
Anong gagawin NILA kung ang mga nilalang na ito ay bubulabugin ang masaya nilang party party?

Abangan ang pagbabalik ni Jane and Friends sa Book 3.

:)


Nagmamahal,
Cielo




No comments:

Post a Comment