Wednesday, December 7, 2016

"Sa Pag-iisa, Natagpuan ang Sarili"


Written by: CieloAmethyst
November2016
(Late post, I know right ๐Ÿ˜„ )



Napagdedisyunan ang lumakad na naman nang mag-isa 
Magtungo sa lugar na kailanman ay hindi pa nararating ng makakating mga paa na sobrang gala.
Ano nga kaya ang aking mga napapala 
Sa paggaggala, pagbabyahe at pagmumuni-muni, mga bagay na 
nakasanayan kong gawin na?

Mga bagay na nakasanayan ko nang gawin nang mag-isa. Ako na talaga! Oo, mag-isa talaga. Oo, mag-isa talaga ako.
Heto na naman nga ako eh, nasa tabing dagat at tinatanaw ang malawak na karagatan
Mga lugar na kagaya nito na itinuturing kong paraiso at naiisip takbuhan kapag nais munang lumayo.
Lumayo saan?
Lumayo mula sa magulong mundo na araw-araw akong pinapagod, pinapahirapan at nililiyo.

Bakit ko nga ba ginagawa ang bagay na ito? 
Ang mag-ala Dora nang mag-isa na tumutuklas sa kabilang panig at kagandahang mayroon ang sanlibutan.
Ano nga ba ang napapala  sa pagmamatapang na aktibidades na ito?

Simple lang naman ang kasagutan, mga kaibigan. 
Sa paglalayag nang mag-isa, ang sarili ay natatagpuan at natatamo ang hindi maipaliwanag na kaligayahan. 
Maniwala ka! Merong kasiyahan sa pag-iisa.
You just have to feel it within your inner self!
Sabi ng iba, malungkot raw ang bumibyahe nang mag-isa. 
At mas masaya pa rin kapag kasama ang tropa, kapamilya o lalo na ang jowa. 
Masaya naman talaga yon at hindi ako magpapakaipokrita para sabihing hindi sya nakakadulot ng ligaya.
Pero para sa tulad ko na isang soloista, 
iba pa rin kasi ang saya kapag nararanasan mong tuklasin na ang buhay ay masaya rin pala kahit na single ka. 

Oo nga at wala kang mapagsasayangan ng laway at hahayaan na lamang na mapanis ito,
Wala ka ring makakachokaran tungkol sa mga bagay-bagay may kwenta man o wala
Pero pwede at masaya rin namang makakikilala ng mga bagong tao
Sa simula, gitna at katapusan ng paglalakbay mo ay nasayo pa rin naman ang pagpapasya
Kung trip mong mag-ala-Miss o Mister Congeniality o mas pipiliin mo na lamang ang magpaka-loner talaga. Eh bahala ka na.
It's your life! Do what you want!

Kung hihingiin mo ang payo ko, ayos lang din kung hindi, pero ipapayo ko na rin.
Subukan mong kahit isang beses man lang sa isang taon 
Ang lumabas mula sa komportable mong kahon. In English, comfort zone. 
Naniniwala kasi ako sa kasabihan na ang buhay ay nagsisimula,
 sa hangganan ng lugar kung saan sa pakiramdam mo ay palaging ligtas ka.

Noon, ayokong tumakas pero nang masaktan ay marami akong natutunan. 
Mag bagay na natuklasan tungkol sa sarili ay marami pala.
Kaya ko palang maging matapang, lumaban sa hamon ng buhay at marami pang magagawa.
Na ang pag-ikot ng mundo ay hindi lamang nagmumula sa isang tao o sa sarili mo lang, kundi marami pa!
Ngayon ay alam na at sana ay alam n o malaman mo na rin, sana lang talaga.

That there's more to life than hatred, shits, heartbreaks, stresses at kung anu-ano pa!
 
Kaya heto ako, isa sa mga magpapatunay na minsan sa buhay natin ay kailangang maranasan rin natin ang humayo nang mag-isa at magpakasaya.

Dahil marami kang mapagtatanto, hindi lang tungkol sa sarili mo kundi sa lawak at sobrang kagandahan ng mundong ginagawalan mo.

Ako nga pala si Cielo.
Nagmahal, nasaktan, nadapa, bumangon, nagmatapang,

At natutong maging masaya nang walang ibang inaasahan para madama iyon kundi ang sarili lamang.

Hindi ko rin naman ikakaila na iba pa rin ang dulot na saya kapag may kasama ka sa mga pagkakataong gaya nito, sa mga lugar na gaya nito- tulad ng iba, tulad nila,
Lalo na kung yung kasama mo ay mahal mo at mas mahal ka niya. 

Pero sa ngayon, habang wala pa siya,  habang wala pa sila, matuto tayong maging masaya at maging panatag sa Kanya.

He knows His job and it will always be well done. :)

Parang itlog lang. Pag may tiyaga, may nilaga- hehe.


~Cie, the alone slash soloist sometimes third wheel but never lonely traveler

No comments:

Post a Comment