Pages

Tuesday, July 7, 2015

What Ifs

July 5, 2015 




This afternoon, I had the chance to hang out with my co-writers and friends. We went to MOA for a late lunch and followed by a chilling out at Padi's Point. Super enjoy and a little bit tipsy when we took exit Padi's. 

So we decided to drop down our so called amats at Starbucks. At dito na nagsimulang bumuhos ang mga luha ng mga taong kanina pa nagtitimpi. Nag-share ng mga personal experiences about love and family ang bawat isa. Mga insights, mga hugot, mga kwento. From being super enjoy, chill, kulitan and happy kanina sa bar ay naging seryoso ang mood ng paligid sa loob ng kapehan. 

And when Jen started to share some of her experiences with her ex-boyfie na ngayon nga ay asawa na niya, questions has started to pop up my mind. 

They've been together for eleven years before they finally decided to get married. And that eleven years were full of struggles. 

Hindi ko na naman naiwasan maicompare ang love story ko sa love story niya. Some of the things they did together, what if ganun din ang ginawa ko o namin ni ex? 
The moment he said na bitiwan ko na daw siya... 
What if I set aside my emotions at masinsinan siyang kinausap gaya ng ginawa ni Jen? 
What if inilatag ko rin kay ex ang lahat ng pwedeng mangyari once na maghiwalay na kami? 
What if I gave other options aside from breaking up? 
What if hindi ako pumayag na umalis hangga't hindi kami nagkakaayos habang matigas niya akong ipinagtatabuyan ng gabing iyon? 

He said that I should gave him space muna because he wants to think.

 What if I gave him the space he needed? Para makapag-isip siya kung ako pa ba talaga ang mahal niya o yung bago na niyang nagugustuhan talaga? 
What if hindi ako nagdecide kaagad na bitiwan na siya? 

Pero kasi sobrang sakit na ng puso ko noon eh. Para akong literal na may heart failure o congenital heart disease. There's time pa nga na halos hindi na ako makahinga while thinking about him. That if I didn't let him go, alam ko sa sarili ko na tinotorture ko lang lalo ang sarili ko kung kakapit pa rin ako sa isang tao na matagal na akong binitiwan. 

I died that day. At mas lalo akong namatay nang wala siyang ginawa para pigilan ako sa desisyon ko na palayain na siya. He just said na masaya na raw siya doon sa bago niya. 

And so I moved on. I became happy even without him in my life. Salamat sa Diyos at sa mga taong nasa paligid ko. I totally deleted him in my system and started anew. 

Then one day, he came again saying that he wants to talk to me. Muli na namang nabulabog ang payapa ko ng mundo. Ayusin daw namin. Bakit daw ba kasi ako biglang nagdesisyon noon. 

And I was like this to myself, "PUTANGINA! Hindi ba sabi mo masaya ka na? And you even didn't do anything to win me back before. Bakit ngayon lang kung kailan okay na ako, na masaya na ako na wala ka na sa buhay ko? Ano? Dahil ba sa hindi kayo nag-work out ng babae mo? Kaya ngayon bumabalik ka. Oo umasa ako na babalik ka pa. Pero napagod ako eh. Natauhan. Natuto. Nagsimulang bumangon muli. And then all of a sudden you will come back blaming all the things at me? Ay shet lang. Magbigti ka ng hayop ka!" 

I just told him that I don't want to talk about it anymore. No need. Masaya na ako. :) 

Then my "What ifs" again started to flow..
 What if we talked? 
What if I gave another shot in our relationship? 

Trully seventh year of a relationship will be the rockiest part.
 Siguro nga dumating kami sa part na nagkasawaan na. That he started to look for something new. Yung makakapagpakilig uli sa kanya. Kaya lumandi siya sa iba. Pero sana 'di ba, sinabi niya sa akin yung nararamdaman niya so we could talked about it and maybe doon pa lang sa stage na yon, we could already work things out. Pero hindi eh. Naghanap siya outside our relationshit ng ibang makakapagpakilig o makakapagpasaya sa kanya. Habang ako si tanga, naniniwala pa rin sa forever with him. Sana man lang sinabihan niya ako para nagawa ko ring lumandi sa iba. Hehe. Para fair! But who said life is fair? I became so fully trusted at him. That whatever happens in our relationship turned into relationshit, he will just hold on. Kasi ganun ako eh. Kahit madalas hindi ko na maramdaman na mahal niya ako, verbally and non, I still have my faith on him. Na in the end, siya pa rin ang happily ever after ko. Ako nalang pala ang nananalig sa punyetang fairy tale na yan. We may have petty and big fights, still I won't give him up. Tangina seven years kaya yon. At yung pitong taon na yon ay puno ng struggles, sacrifices and adjustments. I can also say na mas nagbenefit siya sa relasyon namin in all ways compare sa akin. Pero wala. Hindi ko inalintana iyon dahil sa isang simpleng dahilan na siyang nagiging sandigan ko para kumapit pa rin. 


Mahal ko siya. As simple as that. 


What ifs again... 

What if we talked? 
What if I stand on my initial decision na hindi ko siya bibitawan at gagawin ko ang lahat para lang bumalik sa akin ang pagmamahal niya? 
What if nagpatuloy ako sa paglalaro ng tanga-tangahan at bulag-bulagan? 
What if hindi ko tinigil ang pagmamahal ko sa kanya? 
What if pinaglaban ko pa rin siya? 
What if hinabol ko pa rin siya? 
Kami pa rin kaya hanggang ngayon? Will he still love me?


 I hate regrets. Pero marami ako noon. I usually get scared of getting out of my comfort zones and taking risks kaya siguro marami akong "what ifs" sa buhay. Pero eto ako eh. Hanggang sa pagsusulat na lamang naibubuhos ang lahat ng mga emosyon at mga isipin na bumabalot sa aking buong pagkatao. 


Tanga.

1 comment:

  1. i dont know sino may pagkukulang sa inyo dalawa!!?what happened to you is exactly nangyari sa kin sa min ng mahal ko..i smile may times to the wordings you used in this blog! relationship turned to relationshit! ha ha ha! talagang bago sa pandinig ko many words you used.although parang salita ng kanto boy pero swak sya sa panlasa......ok to tell you the truth sana mabasa to ex ko.mahal ko pa rin sya up to now....sa case mo cguro nga di na gumawa ng way ex mo kaya di mo na sya tinanggap,di sya naging pursigido sau.in my case its different.i do things na alam ko how to win her back.pero waley as in wala naging manhid na sya talaga..reason?am sure may iba na sya,kasi kung talaga mahal pa nya ako am sure second chance is the right answer....up to now i lived empty because of that devastating experienced from her.

    ReplyDelete