Pages

Wednesday, June 3, 2015

6215

 “Hayaan”


(Pwede ba akong kiligin? He-he. )
Intellectual Property Rights. No to plagiarism. Utang na loob. :)

-----------------------------

Magandang gabi,
Sa’yo binibini.
Kay ganda ng gabi
Ngayong ikaw ang kausap
Pakiramdam ko ay iba
Kapag hindi ka natatawagan
Kahit simpleng good morning
Ang mata koy nagningning
Kung tuwing babasahin ko ang iyong mensahe
Parang naririnig ang iyong tinig
Ang malambing mong beses ang naririnig ko tuwing gabi
Pwede bang wag kang umalis sa aking buhay
Pwede bang manatili ka nalang

Akoy di nasasanay at hindi alam ang mangyayari pag ikaw ay wala

Tingin ko akoy isang baliw ngunit nang ikaw ay makilala ay mas baliw ka pala

Iibahin ang kwento,
Ayan ang aking pangako.

Sabi nga nila ikaw at ang salita mo dapat ay iisa

Ayokong mawala ka sa akin, akoy nasasanay, di ko maintindihan.
 ang aking dasal.


Aalayan ka ng isang awitin galing sa aking puso
Pangakong iingatan ka at  pangako’y di iiwanan.
Pangako magbabago
Istorya ng iyong buhay
Pagkat akoy baliw, baliw ka rin naman, at bagay tayo.
At sana ikaw ay manatili sa aking buhay

Hindi naman ako nagmamadali.
Gusto ko ikaw ay manatili
 sa aking buhay
Hwag kang magalala
Hindi ako nagmamadali
Ikaw ay hihintayin.
Alam mo ba na Cielo ang aking paborito
Cielo ay pangarap na tugtugin.

Hindi na tutugtugin, kakantahin na lang din

Alam ko siya’y nakikinig
Parang nabubusog na din
Kay tamis ng mga salitang pwedeng sabihin
Ngunit walang laman kaya’t ito ang gagawin
Kaya’t hayaan mo ako,
Sa puso mo alam mo yon ang gusto kong sabihin.
Hayaan mo akong ikaw ay paibigin.
Hayaan mo akong dalhin ka sa aking hardin
Hardin ng saya, masasayang alaala ,
Hindi man buburahin ang nakalipas mo pagka’t ito ay sayo anong magagawa ko,

Hayaan mo akong buksan ang iyong isip
Hayaang palayain ang pusong nakapiit
Pagka’t aking naisin ikaw ay mapangiti
Makitang maligaya, di na masasawi

Hayaan mo akong ikaw ay mahalin
Hayaan mo akong ikaw ay paibigin
Ito ay aking mithiin
Na ang diwa mo maging isa katulad ng sa akin.

 Hayaan mo akong ipakita ko isang bagong mundo
Hayaan mong ipakita ko kung sino ako sa’yo
Hayaan ang pangarap makamtam
Hayaang buuin damdaming nasaktan
Hayaan mong ikaw ay aking mahalin
Hayaan mong ikaw  ay aking iibigin
Pagka’t ito ay aking hihintayin
Na ang diwa mo ay maging sa akin
 -J.B.  06022015

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000



Salamat sa awiting iyong alay para sa akin.  :)
-C.M.



No comments:

Post a Comment