Pages

Friday, April 24, 2015

Me As A Writer



Sino nga ba si CieloAmethyst?
Anong meron sa kanya?
Bakit siya nag-eexist sa mundo?
Anong problema niya?
At anong mga pinaglalaban niya?

Hi! Ako si Cielo. Ang eepal nung mga tanong. Haha.

Sino nga ba ako?

Isa akong totoong tao na nagkukubli sa pangalang ito. I started using that pen name last August 2013 when I joined wattpad and contributed my stories there. Wherein actually, nagsusulat naman na talaga ako since I was eight years old. At sabi ng memory bank ko, ang kauna-unahang obra na na aking naisulat ay isang tula na pinamagatang, “Ang Mga Bulaklak”. Pini-present ko pa nga yun dati sa harap ng klase namin nung grade three ako. Tapos pagtungtong ko ng grade four/ nine years old, summer time non, doon ko na talaga kinarir ang pagsusulat ng tula mapa-Tagalog man o English.
I started to write novels (na sa kasamaang palad, ni isa man ay wala akong natapos at puro drafts lang ang nagawa ko) when I was ten or in grade five. Mahirap lang ako nun (magpasahanggang ngayon naman eh) kaya ang MS Word ko nun ay sa likod ng mga notebooks ko. Hinahati ko yun sa dalawa na para bagang nagbabasa ka ng pocketbook yun nga lang may twist kasi sa likod ka mag-uumpisa magbasa. Since ang nasa first page ng mga notebook ko ay ang mga lesson namin, kaya yung mga stories ko, nasa last page. Para-paraan. Galawang Cielo. Hehehe.

I was twenty when finally ay may natapos rin akong nobela. (Wow, 10 years before). Yun nga lang medyo sabaw. Na-addict ako sa mga romance pocketbooks because of my cousins and titas kaya naman ginusto ko ang makapagsulat rin tulad ng mga nababasa ko. Yung matured stories, yung makabuluhan, yung may sense. Kaso medyo nahirapan ako sa third POV kaya kung mababasa niyo man ang Playful Hearts Series ko, eh pasensya na. Sabaw na sabaw pa ako nung mga panahong yon. Hilaw na hilaw. Wala pang experience, wala pang proper training.

Then when I discovered wattpad from a friend na isa ring aspiring writer like me, doon ko nakilala ang first POV.

Pwede pala yun! And so I tried. At doon nabuo ang “The Adventure of Jane and Friends” na bongga sa dami ng POVs. Hehehe.

But that novel, I am very thankful to that dahil iyan ang nagbukas ng pintuan para sa pangarap kong maging isang manunulat.
That manuscript was approved last May 29, 2014 and I became a contract writer under LIB Publishing Company na sister company  naman ng Precious Pages Corporation.

Because of that novel also, I had friends with my the same passion. Marami akong natututunan sa kanila at masaya ako na makakakilala ng mga taong kagaya ko ng hilig. Na may katulad rin ng aking pangarap.

As time goes by, mas dumami pa ang mga nobela na aking ginagawa. And hopefully naman sana ay nagkakaroon ako ng improvement sa bawat nobelang natatapos ko. Marami pang nakapending, at marami rin ang naka-draft pa lang kasi nga I can’t just stop all the ideas coming out from my head at super thankful ako sa bagay na iyon.


Si Cielo as a writer, minsan makulit, minsan tahimik lang, madalas abnormal. Pero siguro ang pinakagustuhan ko kay Cielo ay ang pagiging masayahin niya at positibo sa mga bagay.  She loves talking and mingling with other people and she says what she truly feels and wants lalo na doon sa mga taong komportable na niyang nakakausap. Ibang iba sa tunay niyang katauhan na boring, takot lumabas ng comfort zone, loner, mataray, suplada at napaka-nega o pessimist.

 Cielo is a free spirited girl. Approachable naman siya, yun nga lang minsan, hindi mo siya makakausap ng matino. Lumalabas rin minsan ang pagiging mahiyain niya pero saglit lang. She loves to think things all over. Na madalas ay tinatamad na siyang magsulat at ang gagawin na lamang niya ay ang mag-isip nang mag-isip.


When she drafted a whole story, whole day din niyang gagawin iyon over three cups of iced coffee and when she didn’t able to finish, yari na, frustrated na siya at parang sasabog ang ulo niya na gusto nalang niya mabaliw at sabunutan ng sabunutan ang kanyang sarili na tila sa pamamagitan nito ay mapipiga niya ng husto ang kanyang utak.

I will share an interview with you she had with a friend for an article just recently. Medyo serious type siya nung mga panahong sinasagot niya ito.

Sino si Cielo Amethyst?
Saang genre siya mas kilala o mas komportableng magsulat?
Si Cielo? Isang frustrated writer. Ang genre niya are rom com and fantasy.


May espesyal na inspirasyon ka ba sa pagsusulat o sino ang inspirasyon mo sa pagsusulat? Meron. Isang espesyal na tao na itatago na lamang natin sa pangalang Miguel.


Kung papipiliin ka sa mga nagawa mo ng stories, alin doon yung pinakasumasalamin sa totoong ikaw? Actually, halos lahat may reflection ng pagkatao ko, paisa-isang traits ganun. Pero yung may pinakamaraming traits or totoong character ni Cielo, siguro si Jane sa The Adventure of Jane and Friends. Since iyon ang first novel ko, medyo maraming katangian si Cielo na nilalaman si Jane.


May isang tao o reader ka ba na kasa kasama mo mula sa simula noon hanggang ngayon? I think wala. People come and go into my life. Thanks sa mga dumarating and babye para sa mga umaalis.


Paano mo na-discover ang wattpad? From a friend.

Kung may genre ka na gustong subukan, ano yun at bakit? Erotic. It’s like getting out of my comfort zone since hindi talaga ako komportable na isulat ang genre na iyon.


Kailan ang best mood mo sa pagsusulat? When I’m alone, tahimik ang paligid, at walang internet.


Any weird habit habang nagsusulat? Fb ng fb. O di kaya biglang magbabasa ng libro.


May isang bagay bang hindi alam ang mga readers mo na gusto mong ipaalam sa kanila? Siguro wala. What you see is what you get nalang.


Pwede mo bang ihalintulad sa bagay o tao o lugar ang pagsusulat?At bakit? Writing is Sky. (Just like my name, Cielo) It should be limitless.
Message mo sa lahat ng nakakakilala sa’yo. Thank you for coming into my life. I love you.


Ano yung mga susunod na aabangan namin sa’yo? Mas matured na mga stories, mas may hugot, mas malalakas na characters. (hopefully, fingers crossed)

Last question, I heard may libro kang i-pa-publish under LIB, anong feeling mo ngayon at anong masasabi mo sa mga sumuporta, sumusuporta at susuporta sa’yo? Yeah, totoo yung narinig mo. Hehe. Meron nga kaso wala pang definite time kung kailan ang release.
Sa mga sumusuporta o susuporta kung meron man? Thank you! As in super thank you!


***End of Interview***


So yon! Ito po si Cielo ang inyong lingkod. At naway sa pamamagitan ng blog kong ito ay lubos niyo po akong makilala.

Maraming salamat sa pagbabasa.


Lab,
Cielo ganda. Mehehe.

No comments:

Post a Comment