Pages

Monday, October 28, 2013

Sa Aking Pag-iisa



Habang ako’y nag-iisa sa mga sandaling ito
Kapiling lamang ang musika, papel at pansulat
Okupado ng isang tao ang isip ko
Na siyang nilalaman ng puso ko.

Kung nasaan ka man ngayon o, mahal ko
Alay para sa’yo ang sulating ito
Salamat sa inspirasyon at mga ala-ala
Masaya man o malungkot na ikaw ang kasama.

Sa pagtugtog ng musika, boses mo yata
Ang tumatagos sa aking mga tenga.
Bawat kanta’y tila laan para sa’yo
Ikaw na siyang tanging buhay pag-ibig ko.

Sa mga sandaling tulad nito
Hindi mapigilan ang mga sarili ko
Sumulat ng tulang laan para sa’yo
Para ilarawan…..
Ang  walang katapusang pagmamahal ko.



No comments:

Post a Comment