Pages

Monday, October 28, 2013

Nasaan na Kayo?



Sa mga kaibigan ko nung kolehiyo
Nasaan na nga ba kayo?
Nang matapos ang mga araw natin ng pagsisikap,
Pati ba pagkakaibigan natin ay natapos na rin?

Sa oras ng klase, tayo ay magkakatabi
Pati sa mga tambayan ay magkakasama
Sa lahat ng kwento, tayo ang saksi
Sa mga problema, nakadepende sa isa’t isa.

Ang apat na taon ko sa kolehiyo
Ay naging makulay dahil sa inyo
Nakahanap ng mga kapatid sa ibang ina
Salamat ng marami aking tropa.

Ngayon nga ay nagkanya kanya na
Tinatahak ang iba’t ibang karera
Sa tuwing ako ay nag-iisa
Humihiling sana kayo ay makasama.

Nasaan na kayo mga kaibigan ko?
Wala na ba talagang oras para sa isang tulad ko?
O sadyang nagkalimutan na ng tuluyan?
Lagi niyo na lamang tatandaan…..

Nasaan man kayo ngayon
Magbago man ang panahon
Sana’y malaman niyo
Kaibigan pa rin ako
At mahal na mahal ko kayo….



No comments:

Post a Comment