Pages

Saturday, October 12, 2013

Henessy - Ending 1

Last Chapter –  (Ending 1 )

Nandito na naman siya sa madalas niyang puntahan sa tabing dagat.
Everytime she goes on here, pakiramdam niya ang lahat ng bagay ay nasa ayos lang parati. She couldn’t feel any pain and longingness just pure happiness and contentment. But she knows that this isn’t permanent. Kailangan niyang harapin ang mga bagay bagay na dapat harapin. And one thing is for sure, pag dumating ang oras na iyon, she’s a lot better and mature.
Sa malalim na naman niyang pag-iisip, nakalapit na pala sa kanya si Jhon ng hindi niya namamalayan.
“Hi, miss… Kamusta? Nabilang mo na ba kung ilang starfish meron sa dagat?”
“Bakit hindi ka dumating kagabi?” tila may himig ng pagtatampo sa boses niya. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa malawak na dagat.
“Bakit, namiss mo ko noh?”
“Nagluto pa man din ako,”
“Aww.. Sorry na. Sayang. Something came up yesterday kasi,”
Ngayon lang tinignan ni Henessy sa mukha ang kanina pa kausap kaya’t nagulat siya sa itsura nito ngayon, “What happened?!” nag-aalala nitong tanong at hinaplos pa ang pisngi ng binata na may pasa.
“Okay na yan, hinawakan mo na eh,”
“Loko-loko ka talaga! Ano bang nangyari?” and she got a hunch, “Oh… Don’t tell me…”
“May gustong kumausap sa’yo,” agaw ni Jhon sa sasabihin pa sana niya.
“Bakit mo siya pinapunta dito? I told you not to…”
“You’d better talk to him,”
“Pero ayoko…”
“You have to,”
“Bakit pa? Eh kasal naman na-“
“He never married, he runaway, hindi na nga lang natin nasaksihan iyon,”
She couldn’t speak.
“Pero Jhon…”
“You have to face it…”mapait itong ngumiti sa kanya.
“I’m starting to move on,”
“I know pero kailangan mong gawin ito, for both of you. Give him the benefit to talk to you. May pinagsamahan naman kayo eh. Tsaka for you to be sure kung dapat mo na nga bang isara ang pinto…”
“But Jhon…Ikaw…”
“Don’t mind me. Nasanay na ko,” niyakap siya nito at umalis na.


“Ano pang ginagawa mo dito? Bumalik ka na kay Lea,” pagtataboy niya sa bagong lapit na lalaki.
“I can’t. Nandito ang puso ko,” sagot nito sa kanya.
“Pero ang akin, hawak na ng iba. Yung taong naging karamay ko at yung taong kahit kailan ay hindi ako iniwan.”
“It must be Jhon,”
Marahan siyang tumango bilang Oo.
“So I must be really too late,”
“Too much late, Yuri. Tapos na sa atin ang lahat,”
“I’m sorry Ness for causing you too much pain. I thought you can still wait and live for our promise,”
“Living in a very peaceful place like this made me realize many things,” paliwanag niya sa lalaking dating mahal. Ever since she lived in this place, she started to realize her life. Ang itinakbo nito at kung paano niya ito hinarap. Sa lahat ng nangyari sa kanya, may isang tao na laging nasa tabi niya.
Isang taong hindi kailanman humingi ng kapalit sa lahat ng kabutihang ipinakita nito sa kanya. She also realized na mahal na pala niya ito. Sa tuwing pumupunta ito rito sa resort ay nasasabik siya at sa tuwing wala naman ito sa tabi niya ay nag-aalala siya o di kaya naman ay miss na miss niya ito.
“I was ready na ipaglaban na ang meron tayo, Ness.”
“I’m sorry din Yuri. Maybe we were really not meant to be. But I will never forget you. You have taught me many things,”
He couldn’t hold his tears,
“Can I have my last hug?”
Masaya itong ibinigay ni Henessy sa dating kasintahan…


After two years.

It is summer at nandito na naman siya sa paborito niyang resort. It’s been a while mula ng huli niyang bisita rito.

“Miss, baka naman pwede mo na akong pakasalan?” tanong ng binata sa kanya.
“Try mo kayang magpropose muna,Mister?” pagtataray niya rito. Damuhong lalaki ito, ang gusto agad agad! “Ayos ka ah!”
“Try mo din kayang tumalikod?” utos naman nito sa kanya.
Isang malaking trak ang dumaan at may tarpaulin  na nakasabit sa gilid nito.

Will you be my legally weded wife Miss Henessy Morales and soon to be Misis Alvarez?

“Hui! Sumagot ka naman! Mapapahiya na ako sa mga tauhan namin dito niyan eh,” untag ni Jhon sa natulalang si Henessy.
“I- I just never expect na ngayon ka magpopropose…”
“Sagot na dali!” apura nito sa kanya.
“Sa lahat ng nag po-propose, ikaw ang atat!” galit- galitan niyang sabi sa binata, “Hindi ba ako pwedeng mag-isip muna?”
“Kulang pa ba ang panahon na ibinigay ko sa’yo?”  tanong ni Jhon sa kanya.
“Ma’am say yes!” sigaw ng isang katiwala.
“Oo nga, Ms. Henessy!” sigaw din ng isa.
“Sige na Ma’am, para kasalan na!” sigaw din ng driver ng truck.
“Iha, umoo ka na,” si Aling Belen at nag-abot ito ng isang buquet ng bulaklak sa kanya.

Mas nagulat si Henessy sa sumunod na nagsalita. It was Jhon’s mom. Nandoon rin pala ito sa resort nila ng mga sandaling iyon at kasambwat rin ito ni Jhon.
Lumapit ito kay Henessy at hinawakan nito ang kanyang mga kamay, “Be my manugang, iha…Gustong gusto ko ng magkaapo…”

“Tita…” naluluha na niyang sabi. Everytime they meet ay napakatahimik lamang nito. She thought na hindi siya gusto ng ginang para sa kanyang unico iho.
 Kaya’t laking tuwa niya ngayon ng malaman na boto pala ito sa kanya.
“Just say yes to my son,..”
Humarap siya kay Jhon at mahinang hinampas ito sa braso, “Grabe ka! Ginulat mo na nga ako, pini pressure mo pa ako,”
“I just have to do this para wala kang magiging ibang sagot kundi Oo…”
“Ang galing talaga!”
“Ano na?! Everyone is waiting for your answer, Miss…”
“Correction, it’s Misis!”
“Is that a yes?”
Natatawa siyang tumango.
Palakpakan ang mga tao sa paligid na nakasaksi ng makulit na proposal na iyon.
“Mahal mo ko?” tanong sa kanya ni Jhon.
“Papayag ba akong magpakasal sa iyo kung hindi?”
“Bakit ba hirap na hirap kang magsabi ng Oo?” nakakunot noong tanong nito sa kanyang fiancé.
Natawa ng malakas si Henessy. Nahalata pala ito ni Jhon.
“Hahaha! Yes, Mister Alvarez! Yes na yes! Pakakasal ako sa’yo at Oo! Mahal kita! Mahal na mahal. Happy and satisfied?”
“Uhmm… Not yet, until this…” hinalikan siya nito sa kanyang mga labi.
 Matagal.
 Punong puno ng pagmamahal.
 Muling nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.
Then she remembered something, “teka lang! Bakit walang singsing?”
Napakamot sa ulo si Jhon, “Ano kasi,..”
“Ano? Nasan na? Ang lakas ng loob mo magpropose, kulang naman ang props mo!” sita  dito ni Henessy.
“Ano kasi eh, sa sobrang excitement at kaba, naiwan ko sa Manila. Baka pwedeng to follow nalang?” nahihiyang sagot sa kanya nito.
“Ayoko nga! Binabawi ko na yung yes ko,”
Ness… Walang ganyanan. Wala namang bawian!” pagmamakaaawa nito sa dalaga, “Ma!” tawag nito sa ina. Tila humihingi ng saklolo.
Nagkibit lamang ng balikat ang ginang, “wala akong alam diyan,”
“But I told you!”
“Wala akong matandaan,” tumingin sa ibang direksiyon ang ginang.

Hindi na napigilan pa ang mapabunghalit ng tawa ni Henessy.
“Now, what’s funny?!”
“Ikaw! Hahaha!,” iniabot nito sa kasintahan at husband to be ang isang diamond ring.

Lingid sa kaalaman ni Jhon, kanina ng hawakan ni Mrs.Alvarez ang mga kamay ni Henessy ay lihim nitong iniabot ang isang singsing sa kanya.

Hindi na rin napagilan ni Mrs. Alvarez ang matawa sa kasalukuyang eksena.
“You two girls! You- ”
“Dali na isuot mo na sa akin! Dami pang sinasabi eh!” putol ni Henessy sa mga nais pa sanang sabihin ni Jhon.
Sumunod naman ito at isinuot nga sa daliri ng kanyang wife-to-be ang singsing.

And they kissed again.  Isa ngang tunay na makulit ang nangyaring proposal na iyon.


-FIN-


J

No comments:

Post a Comment