Pages

Tuesday, March 24, 2020

Don’t Leave






March 19, 2020

Don’t leave just because life becomes hard.
Don’t leave just because you are misheard.
There will always be a hundred reasons to stay
To breakeven that damned one thing to walk away.

To fall hard is easy but to stay is an everyday choice. And that choice is not an easy thing because our heart and mind are always on a battle. Most of the time, the heart wins and when the mind wins, the heart breaks, the happiness sacrifices.

We always opt to stay, but when it already hurts like hell, we leave.
Whatever we choose, pain will always be there.
It is when we endure, we’ll know if this choice is worth it.

I will always choose to stay. I will always choose to love you in near.
I may get hurt, but since the day I chose you, I already know that in love, happiness and pain will always be separated through a fine thin line.
 I won’t leave as long as you won’t.
But if you choose that painful choice, I won’t stop you either.
At the end of the day, your happiness is my happiness even if it will mean you leaving me.


Bakit Kaya?





May 28, 2019

Bakit kaya sa tuwing iniiwan tayo ng mga mahal natin upang ipagpalit sa iba ay dumadating tayo sa punto na sarili natin ang ating sinisisi?

Ano ba'ng mali ang nagawa ko?
Saan ba ako nagkulang?
May nasabi ba ako?
Pangit ba ako?
Kapalit-palit ba ako?
May hindi ba ako nagawa?

Bakit kaya pilit nating inaalam kung ano ang mali, kung ano ang dahilan kung bakit tayo iniiwan?
Pero kapag nalaman naman natin ang sagot ay wala pa rin namang nababago.
Iniwan pa rin tayo.
Ipinagpalit pa rin tayo.

Paraan nga ba natin ito upang makausad na tayo sa buhay at matuto sa mga naging pagkakamali ng kahapon?
O trip lang talaga nating mas saktan pa ang mga sarili natin sa lahat ng mga negatibong isipin na ating ibinabalot sa buong pagkatao natin?

Siguro nga may mga mali tayong nagawa, o may mga hindi tayo nagawa para tayo iwan.
Pero kahit kailan ay hindi naging sapat na dahilan iyon upang iwan tayo.
Walang mali sa atin. Sadyang sa mga nang-iwan, hindi lang sila nakuntento, hindi tayo natanggap o mas pinili lang talaga nila ang ibang tao, bagay o pagkakataon kesa sa atin.
Desisyon nila iyon. Pinanindigan lang nila.

Kaya sa'yo, sa akin, sa ating lahat na iniwan, hayaan at tanggapin na lang.
Darating din ang tamang tao para sa atin.
Na kahit kailan
ay hindi hahanap ng dahilan
 para tayo ay iwan.