Pages

Monday, December 18, 2017

Let’s Talk About Second Chances





Written by: CieloAmethyst
12.8.17



 

Sabi nga ni Basha:
Sana ako na lang. Sana ako na lang ulit...


So, let’s talk about second chances.

“Kapag nag-break kayo at ang dahilan ay niloko ka niya, wala nang balikan.”
Sabi yan ng kaibigan ko habang nagkikwentuhan kami at kasalukuyang nasa hotseat ang isa pa naming kaibigan.

Syempre bilang ako ay nanahimik na lang ako. Unang-una sa lahat, feeling ko naman ay walang sense kung makikipag-argumento ako at ipaglalaban ang paniniwala ko. Kaya heto at isusulat ko nalang ang mga dapat sana ay sasabihin ko nang mga sandaling iyon.

Unang-una sa lahat (para sa akin) ay okay lang ang magka-second chance. 
Pwede namang magpatawad sa nagawa niyang kasalanan o ikaw mismo ay patawarin mo ang sarili mo. 
Pagkatapos mong magpatawad ay i-le-let go mo na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo pati na yung sama ng loob, pagkatapos ay magbibigay ka ulit, susubok ka ulit at susugal ulit. Tuloy lang ang buhay.

Dahil naniniwala ako na kapag nagmahal ka nang wagas ay paulit-ulit kang magpapatawad. 
Oo, hindi madali yon. Dahil nasira na ang tiwala mo eh. Lagi ka nang may takot sa puso mo at lagi mong maiisip na maaaring ulitin niya lang yung ginawa niya at masasaktan ka lang ulit.

Pero lagi namang may exemption sa lahat.

At kung talagang mahal mo siya ay bibigyan mo siya ng ikalawang pagkakataon para patunayan sa'yo na nagbago na siya at deserve niya ang second chance na binigay mo.
Para malaman mo din kung ano ang magiging resulta ng desisyon mong iyon. Mas okay nang magkaroon ng “what is” kesa “what if”…

Kasi lahat naman tayo ay nagkakamali, nakakagawa ng kasalanan, sadya man o hindi.

Walang perpekto...pero pwedeng magbago.

Hindi ko rin naman pwedeng ipilit ang paniniwala kong ito sa kaibigan ko dahil naiintindihan ko siya. Marahil hindi niya pa nararanasan ang lokohin ng taong mahal na mahal niya o maaari rin naman na iyon talaga ang prinsipyo niya.

Naging ganoon din kasi dati ang paniniwala ko.

Pero heto, kinain ko lang lahat ng sinabi ko noon.
Wala eh. Tanga. (Ha-ha!)

Nagmahal at patuloy na nagmamahal nang wagas kaya paulit-ulit na magpapatawad.
Pero syempre may limitasyon din naman ang lahat.
Nasa atin na ‘yon kung hanggang saan at hanggang kailan.

Hindi ko naman sinabi na maging tanga ka forever.
Nasa iyo pa rin naman ang pagpapasya.
Naniniwala rin ako na walang maling desisyon at ang importante lang naman ay kung kaya mong panindigan ito.

Iyon lang. Gusto ko lang talaga mag-rant.
He-he.

No comments:

Post a Comment