Isinulat ni:CieloAmethyst
Mar. 19, 2016 Hindi ko inakala na mamahalin pala kita Sa kabila ng lahat ng kakulangan na meron ka Akala ko ay hanggang kaibigan lang talaga Ang para sa'yo na aking nadarama. Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang isang bagyo May babala man ay hindi napaghandaan ang pagbayo Sa buhay ko na labis mong nabulabog at nagulo, Nagising sa masarap na pagkakahimbing ang puso. Ipinadama mo sa akin ang maging espesyal Ipinakita ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal Inalayan pa ng awitin at palaging sa'kin ay itinatanghal Ang pagkalinga sa puso ko ay iyong ibinalabal. Unti-unti,ang sarado kong puso ay nagbubukas na Dahil sa isang katulad mo na kay tiyaga Masuyo kang naghihintay para ako ay maging handa na Magmahal muli na sana ay sa'yo na nga. Masaya ang paligid sa tuwing ikaw ay nariyan Kausap, kapiling, katawanan at kakwentuhan. Nangako kang sa piling ko ay hindi aalis kailanman Ngunit kalaunan ikaw rin pala ay mang-iiwan. Sana pala ay hindi nalang muna umasa at naniwala Dahil katulad ng iba ay paasa ka rin pala Bigla na lamang nanlamig at hindi na ako kinausap pa Natigil ang lahat ng masayang pagsasama Aaminin sa sarili na minahal ka na nito Ng puso kong labis ng nagtiwala sa'yo Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko Sapagkat wala ka na, iniwan mo na ako. Paasa...
No comments:
Post a Comment